Professional Documents
Culture Documents
Konsepto NG Wika PDF
Konsepto NG Wika PDF
Komunikasyon
• Komunikasyon ay pagsasalin, ito’y paghahatid ng balita, kurokuro, mensahe,
kaalaman o impormasyon, damdamin, iniisip o pangangailangan, at ideya mula sa tao
patungo sa isang tagatanggap o sa isang patutunguhan.
• Ang sining ay isang kasanayang nagbibigay sa tao ng pagkakataon sa tao upang
maipahatid ang kanyang damdamin at maisakatuparan ang anumang naiisin sa paraang
angkop at karapat-dapat.
• Ang sining ng komunikasyon ay isang kasanayang nagbibigay ng pagkakataon sa tao
upang maipahatid sa kanyang kausap ang anumang kaisipan o damdaming nais niyang
ipahatid dito sa isang paraang mabisa, karapat-dapat, at maganda.
Ayon kay Josefina Mangahis, ang komunikasyon ay hango sa
Latin na communi atus na ang ibig sabihin ay “ibinabahagi”.
Sa ganitong sitwasyon, ang dalawang panig ay
magbabahaginan ng kanilang ideya sa paraang kasangkot ang
pagsasalita, pakikinig, pag-unawa, pagbasa, at pagsulat.
Samakatwid, ang komunikasyon ay isang paraan ng
paghahatid at pagtanggap ng lahat ng uri ng mensahe na
kinasasangkutan ng magkatambal na proseso ng pagsasalita,
pakikinig, at pag-unawa.
Ang sinumang nakikipagkomunikasyon, berbal man o di-
berbal ay dumaan sa isang proseso.
Bago maganap ang komunikasyon, ang mananalita o
communicator ay kailangang magkaroon ng
sasabihin,samakatwid, dapat munang dumaan sa proseso
ng pag-iisip o ideation - ito ang pagbubuo ng mensaheng
nais na ihatid.
Kailangan isipin ng mananalita kung ano ang gagamitin sa
paghahatid- senyas o wika.
Ang komunikasyong pasalita ay nagiging mas mabisa kung
ito ay tinutulungan ng kilos o galaw.
• Ito naman ang uri ng komunikasyong hindi gumagamit ng wika, sa halip, kilos at
galaw ng katawan ang ginagamit sa pakikipagtalastasan.