Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

MGA PANGHALIP NA PANAO NG WIKANG CHAVACANO AYON SA

KAUKULAN, PANAUHAN AT KAILANAN: ISANG PAGSUSURI

Annaly R. Sarte
Edukasyong Pangguro
BSED-IIB
Wika ang isa sa pinakamahalagang kasangkapan na ginagamit ng tao sa pang-

araw-araw niyang pakikipagsalamuha sa mundong kanyang kinabibilangan.Ito ang

nagsisilbing instrument upang maipahatid ng tao ang kanyang saloobin (kalungkutan,

kasiyahan, inis, galit, pagkamangha, pagsang-ayon at iba pa.) tungkol sa isang bagay .

Wika rin ang nagsisilbing sandata ng isang nilalang upang maipagtanggol at maipaglaban

ang kanyang karapatan, prinsipyo at paninindigan laban sa mga mapang-abuso sakim at

palalo.

Ayon kina Espina at Borja (1991), ang wika ay isang mahalagang kasangkapan

upang maipahayag ng tao ang kanyang damdamin at kaisipan. Ang kakayahan sa

paggamit ng wika na nasasalig sa isipan, damdamin at kilos ng tao ay resulta ng isang

dinamikong prosesong bunga ng kanyang karanasan- kabiguan, tagumpay,

pakikipagsapalaran at maging ng `kanyang mga pangarap at mithiin. (Wikipedia.com)

Samantala, ang wikang Chavacano o ang tinatawag na Philippine Creole Spanish

ay isang wikang Creole na nakabatay sa kastila na sinasalita sa iba’t ibang bahagi ng

siyudad ng Zamboanga ng halos 100,000 katao.Ito lamang ang tanging Spanish-based

Creole sa asya at ang tanging Non-Austronesian language na lumaganap sa Pilipinas.

(Wikipedia.com)
Ayon kay Semoralan (1984), gaya ng ibang rehiyon may sariling wika na

ginagamit ang mga Zamboangueño at ito ay tinatawag na Chavacano. Ang naturang wika

ay tinatawag na Pudgin Spanish subalit naging Creole dahil sa may nabubuong gramatika

sa paggamit ditto. Maaaring aipinapalagay ng iba na ang tunog ng natuarang wika ay

ordinaryo lamang at may mababang kalidad sybalit kung tutuusin magandang pakinggan

ang wikang ito; maayos, mataginting, matulain, matunog, at maindayog sa pandinig ng

bawat makakarinig nito. Ang mga katangiang ito na nabanggit ni Semorlan ay

mapapansin lalong lalo na sa mga matatanda na sadyang bihasa na sa pagsasalita ng

wikang ito.

Dagdag pa ni Semorlan, puno ng kalambingan at pagmamahal ang bawat salitang

ibinibigkas ng mga Zamboangueño gamit ang wikang Chavacano. Kaya hindi kataka-

taka kung humanga ang ibang tribo sa naturang wika.

Ang pagiging malambing ng mga Zamboangueño ay mapapansin kahit sa

pinakasimpleng bagay na kanilang ginagawa. Mapapansin sa halimbawang ito ang

nabanggit na katangian ng mga Zamboangueño. (1.) Ya kome ya itu? (kumain ka na?),

(2.) Dituyu ya este. ( Sa iyo na ito.) at (3.) Para diustedes akel. (Para sa inyo iyon.). Ang

mga salitang itu, dituyu at diustedes ay ilan lamang sa mga panghalip na panao ng

wikang Chavacano na hindi lamang nagsasaad ng kalambingan ngunit pati na rin ng

paggalang sa mga nakakatanda. Ang mga panghalip na panao ng wikang Chavacano ay

nahahati sa tatlong uri: ang mga panghalip na tinatawag na Formal at Familiar ay

parehong nagsasaad ng paggalang sa pagsasalita. Ang mga panghalip na Common naman

ay karaniwang nagsasaad ng walang pormalidad sa pagsasalita at ito ay nagpapakita ng

kabastusan.
PAGLALAHAD NG LAYUNIN

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito masuri ang mga panghalip na panao

ng wikang Chavacano. Ang pangangalap ng mga panghalip ay ibinatay sa sinabi ni

Santiago (1991) na ang panghalip na panao ay may kaukulan, panauhan at kailanan.

Ang mga sumusunod ay ang mga tiyak na layunin sa pananaliksik:

1. Mangalap ng mga pangungusap mula sa mga kwentong bayan ng wikang

Chavacano na may mga panghalip na panao.

2. Maisalin ang mga nakalap na pangungusap ng wikang Chavacano sa wikang

Filipino.

3. Matukoy ang mga panghalip na ginamit sa pangungusap.

4. Masuri ang mga panghalip na panao ng wikang Chavacano ayon sa kaukulan,

panauhan at kailanan.

Inaasahan na sa gagawing pag-aaral maisasakatuparan ang layunin sa pamamagitan ng

paghahanap ng kasagutan sa mga sumusunod na katanungan:

1. Ano-ano ang mga panghalip ng wikang Chavacano na naaayon sa kaukulan,

panauhan at kailanan?

.2. Kailan nagbabago ang mga panghalip na panao ng wikang Chavacano?

Metodolohiya

Inilalahad sa bahaging ito ang disenyo ng pag-aaral, instrumento at daloy ng

pananaliksik.
Disenyo ng Pag-aaral

Ang pamamaraang ginamit sa pag-aaral na ito ay isang kwalitatibong

pananaliksik na inilapat sa isang pasuring- palarawan. Isinalin ng mananaliksik ang mga

napiling pangungusap ng wikang Chavacano, tinukoy ang mga panghalip na ginamit sa

pangungusap at pagkatapos ay sinuri ang mga panghalip na ginamit ayon sa kaukulan,

panauhan at kailanan.

Instrumento

Ginamit ng mananaliksik bilang isang instrumento sa pag-aaral ang aklat ni

Orlando B. Cuartocruz na pinamagatang Zamboanga Chabacano Folk Litereature.

Nangalap ang mananaliksik ng mga piling pangungusap ng wikang Chavacano.

Sinigurado ng mananaliksik na ang mga napiling pangungusap ay may mga panghalip na

panao. Pagkatapos mangalap, itinukoy ng mananaliksik ang mga panghalip na panao na

ginamit sa pangungusap at isinuri ito ayon sa kaukulan, panauhan at kailanan.

Interpretasyon ng mga datos

Sa bahaging ito inilalahad ng mananaliksik ang mga nakalap na pangungusap

mula sa piling kwentong-bayan ng wikang Chavacano.

Pabibigay Katuturan

Chavacano. Wikang sinasalita ng mga Zamboangueno.

Panghalip. Mga salita o kataga na humahalili sa pangngalan.

Panghalip na panao. Mga panghalip na humahalili sa ngalan ng tao.

Kaukulan. Gamit ng panghalip sa pangungusap.


Panauhan. Ito ay tunutukoy sa taong kumakausap, kinakausap at pinag-uusapan.

Kailanan. Tumutukoy sa bilang ng taong kinakatawan ng panghalip.

Palagyo. Ginagamit ang panghalip bilang simuno.

Paukol. Kaukulan ng mga panghalip na panaong ginagamit sa mga layong di-tuwiran na

pangungusap.

Paari. Nagpapakilala ng kaukulan ng panghalip na kumakatawan sa tao o mga taong nag-

aari o kinauukulan ng bagay , Gawain a pangyayaring binanggit sa pangungusap.


Talahanayan 2.0

PALAGYO (anyong ang)

CHAVACANO FILIPINO

Ahora tiene ya iyo cen. Ngayon may pera na ako.

Espera anay tu, lola cae hace kita agua Maghintay ka muna lola gagawa muna

tibio. tayo ng maligamgam na tubig.

Ele no hay salva y ya muri. Hindi siya nakaligtas at namatay.

Puede ase hace cen para man tomahan Pwede ba iyan gawing pera para mag-

kita? inuman tayo?

Papa, donde kita pone este cayuman? Papa, saan natin ilalagay itong buwaya?

Ipinapakita sa talahanayan ang kailanan ng panghalip na panao sa kailanang palagyo.

Talahanayan 2.1

Mga pangungusap ng wikang Chavacano sa kailanang PAUKOL.

PAUKOL (ANYONG NG)

CHAVACANO FILIPINO

Si buta iyo con este na seco hay puede yo Kung itatapon ko ito sa tuyo, makakahuli
cuji pescao. ako ng isda.

Pusung kosa tu ta hace alli? Pusung anong ginagawa mo dyan?


Ya apunta le su pusil con el mujer. Itinutok niya ang kanyang baril sa babae.

Papa, donde kita pone con este cayuman? Papa, saan natin ilalagay itong buwaya.

Amigo oi anay *camo con este cuento Mga kaibigan pakinggan muna ninyo itong
dimio. aking kwento.

Ipinapakita sa talahanayan ang mga pangugusap na nasa kaukulang paukol.

Talahanayan 2.2

PAARI (ANYONG SA)

CHAVACANO FILIPINO

Mga kaibigan pakinggan muna ninyo itong Nawawala ang aking anak.
aking kwento.

Este baston para bien detuyu. Ang baston na ito ay para sa iyong
ikabubuti.

Maskin el fuego bien caliente, desuyu Kahit napakainit na ng apoy, hindi pa rin
maga dedo nuay quema. nasunog ang kanyang mga daliri
Masquin paquelaya de malo el di aton Kahit gaanuman kasama ang ating mga
maga pariente pero obligao kita canila na magulang, may obligasyon pa rin tayo sa
ora de necesidad. canila sa oras ng pangangailangan.

Ipinapakita sa talahanayan ang mga pangungusap ng wikang Chavacano na naaayon sa


kaukulang paari.

Talahanayan 2.3

MGA PANGUNGUSAP NG WIKANG CHAVACANO AYON SA PANAUHAN

UNANG PANAUHAN

CHAVACANO FILIPINO

Bueno Juan anda kita pesca. Ang mabuti pa Juan mangisda na lang
tayo.

Este el casa de amon. Ito ang aming bahay.

Pero este ahora el dale yo un cabrito. Ang ibibigay ko sa iyo ngayon ay isang
kambing.

Nuay came puede repara. Hindi namin napansin.

Hoy! Juan cosa tu ta ase ta tumba ya man Hoy! Juan ano ka man, tinutumba mo na
tamen tu demio casa? naman ang bahay.
Ipinapakita ng talahanayan 2.3 ang mga pangungusap ng Wikang Chavacano sa unang
panauhan. Ang mga panghalip na kita, de amon, yo,came at demio ay mga panghalip na
panao ng wikang Chavacano na nasa unang panauhan.

Talahanayan 2.4

Mga pangungusap ng wikang Chavacano na nasa ikalawang panauhan

IKALAWANG PANAUHAN

CHAVACANO FILIPINO

Judiyo man * voz Juan! Ta mata ya man Demonyo ka Juan! Pinapatay mo na ako.
*voz con migo.

Muchas gracias gayot Juan por detuyu Maraming salamat talaga Juan para sa
grande ayuda. iyong tulong na ginawa.

Ya perde camo na apuesta y yo ya sale Natalo kayo sa pwestahan at ako ang


ganao. nanalo.

Este ahora un baston el recibi tu con migo Ang baston na ito na matatanggap mo sa
ultimo ya este. akin ay panghuli na.

Di inyo ya el sobra. Sa inyo na ang sobra.


Ipinapakita sa talahanayan 2.4 ang mga panghalip na panao ng wikang Chavacano na
nasa ikalawang panauhan. Ang mga panghalip na voz detuyu, camo, tu at di inyo ay ang
mga panghalip ng wikang Chavacano. Ang panghalip na nakaasteriko ay mga panghalip
na nagpapakita ng kabastusan sa pagsasalita.

Talahanayan 2.5

Mga pangungusap ng wikang Chavacano na nasa ikatlong panauhan

IKATLONG PANAUHAN

CHAVACANO FILIPINO

Talya ya tamen el maga uban desuyu. Nandoon na naman ang kanyang mga
kasama.

Cuando buracho ya si Juan ya cambia ya Nang malasing si Juan, pinalitan na naman


tamen sila con el cabrito. nila ang kambing nito.

Cuando ya principia ya tamen le tumba con Nang sinimulan na naman niyang putulin
el palo, ya abuya ya tamen el gente diutay. ang puno, lumabas na naman ang maliit na
tao.

Ya volve el tata na di ila casa. Umuwi ang ama sa kanilang tahanan.

Tiene sila compiansa y ta cre hay salva Naniniwala sila na ililigtas sila ng mahal na
canila el la virgen. birhen.

Ipinapakita sa talahanayan 2.5 ang mga pangungusap ng wikang Chavacano na nasa


ikatlong panauhan. Ang mga panghalip na desuyu, sila, le, di ila at sila ay mga panghalip
na panao ng wikang Chavacano na nasa ikatlong panauhan.
Talahanayan 2.6

Mga pangungusap ng wikang Chavacano ayon sa KAILANAN.

ISAHAN

CHAVACANO FILIPINO

Porque tu quere ase tumba mi casa? Bakit gusto mong patumbahin ang aking
bahay?

Este amo el dituyu tata que ya destina Siya ang iyong amg na nakatadhana upang
mata con migo. ako ay patayin.

Ya puede le mira un bonita mujer. Nakakita siya ng isang magandang dilag.

Ya encontra yo un cabrito que ta insusia Nakakita ako ng isang kambing na


oro. nagpapalabas ng ginto.

El riqueza no hay cosa puede hace contigo Walang magagawa ang iyong karangyaan
na dia dituyu muerte. sa oras ng iyong kamatayan.

Ipinapakita sa talahanayan 2.6 ang mga pangungusap ng wikang Chavacano na nasa


kailanang isahan. Ang mga panghalip na mi, dituyu, le at yo ay mga panghalip ng wikang
Chavacano ayon sa kailanang isahan

Talahanayan 2.7

Mga pangungusap ng wikang Chavacano na nasa kailanang dalawahan

DALAWAHAN
CHAVACANO FILIPINO

Bueno Juan anda kita pesca. Ang mabuti pa Juan mangisda na lang tayo.

Cosa kita ya principia no kita deja. Anong sinimulan natin ay hindi dapat
iniiwan.

Amigo oi anay camo este cuento dimiyo. Mga kaibigan pakinggan ninyo muna itong
aking kwento.

Ustedes gale amo el ya ase loco con migo. Kayo pala ang manloloko.

Si ansina man mas bueno man apuesta kita Ang mabuti pa magpwestahan na lang tayo
cen con cen. pera sa pera.

Ipinapakita sa talahanayan 2.7 ang mga panghalip ng wikang Chavacano na nasa


kailanang dalawahan. Ang mga panghalip na kita, dimiyo, ustedes ay mga panghalip na
panao ng wikang Chavacano na nasa kailanang dalawahan.

Talahanayan 2.8

Mga pangungusap ng wikang Chavacano na nasa kailanang maramihan

MARAMIHAN

CHAVACANO FILIPINO

No hay sila puede encontra con el man Hindi nila nakita ang mag-ina.
nana y anac.

Ya volve el tata na di ila casa. Umuwi ang ama sa kanilang tahanan.

Ya perde camo na apuesta y yo ay ganao. Natalo kayo sa pwestahan at ako ang


panalo.

Numa ese mete, hende se diinyo. Hindi iyan sa inyo kaya huwag niyong
pakialaman.

Ya oi man el un madre y ya anda le habla Narinig ng madre at isinumbong niya ito sa


na di ila madre superiora. kanilang madre Superiora.

Ipinapakita sa talahanayan 2.8 ang mga pangungusap ng wikang Chavacano na nasa


kailanang maramihan. Ang mga panghalip na sila, di ila, camo, di inyo at di ila ay mga
panghalip na panao ng wikang Chavacano na nasa kailanang maramihan.

Daloy ng Pananaliksik

PANGANGALAP NG DATOS

PAGSASALIN
PAGSUSURI

Ipinapakita sa daloy ng pananaliksik ang pangangalap ng mga piling pangungusap

sa mga kwentong- bayan ng wikang Chavacano mula sa aklat ni Cuartoruz (1990).


Sinigurado ng mananaliksik na ang mga napiling pangungusap at parirala ay may mga

panghalip na panao na naaayon sa kaukulan, panauhan at kailanan. Pagkatapos ng

pangangalap, isinalin ng mananaliksik ang mga napiling pangungusap. Pagkatapos ,

isinuri ng mananaliksik ang mga panghalip na panao ng wikang Chavacano ayon sa

kaukulan, panauhan at kailanan.

Talahanayan 1.0

Mga Panghalip na Panao ng wikang Chavacano ayon sa KAUKULAN.


ANYONG NG ANYONG SA (PAARI)
(PALAYON)
ANYONG ANG

(PALAGYO)

Iyo/yo (ako) Iyo/yo (ko) Dimiyo (akin)

Itu/tu, uste,* ebos/bos Itu/tu, uste,* ebos/ bos Dituyu, diuste, *debos (iyo)
(ikaw, ka) (mo)

Ele/ le (siya) Ele/ le (niya) Disuyu/suyo ( kanya)

Kita, nosotros (tayo) Kita, nosotros (natin) Diaton (atin)

Ustedes, vosotros, *kamo Ustedes, vosotros, *kamo Diinyo,devosotros,diustedes


(kayo) (ninyo) (inyo)

Sila (sila) Sila (nila) Diila, de ila (kanila)

Came (kami) Came (namin) Diamon (amin)

Ustedes, vosotros (kayo) Ustedes, vosotros (ninyo) Diinyo, devosotros,


diustedes (inyo)

Sila (sila) Sila (nila) Diila/de ila (kanila)

Ipinapakita sa talahanayan 1.0 ang mga panghalip ng wikang Chavacano ayon

sa kaukulan. Ang mga panghalip na may asteriko ay ang mga panghalip na panao ng

wikang Chavacano na nagsasaad ng walang pormalidad sa pagsasalita at may kabastusan

at mga panghalip na ito ay tinatawag na Common. Ipinapakita sa talahanayan ang

pagbabagong nagaganap sa iba’t ibang mga panghalip ng wikang Chavacano kapag ito ay

nasa kaukulang palagyo, paukol at paari. Mapapansin na sa kaukulang palagyo at paukol


Magkatulad lamang ang mga panghalip na ginamit katulad na lamang ng panghalip na

ele/le na nangangahulugang siya sa kaukulang palagyo na naging niya sa kaukulang

paukol at ang ele/le ay naging disuyu/suyu sa kaukulang paari.

Talahanayan 2.0

Mga panghalip na panao ng wikang Chavacano ayon sa KAILANAN.

ISAHAN DALAWAHAN MARAMIHAN

IYO, YO (AKO) KITA (TAYO) CAME (KAMI)

IYO,YO (KO) KITA (NATIN) CAME (NAMIN)

DIMIYO (AKIN) DIATON (ATIN) DI AMON (AMIN)

ITU, TU, USTE, EBOS, BOS USTEDES, VOSOTROS, CAMO USTEDES, VOSOTROS
(IKAW,KA) (KAYO) (KAYO)

ITU, TU, USTE, EBOS, BOS USTEDES, VOSOTROS, CAMO USTEDES, VOSOTROS
(MO) (NINYO) (NINYO)

DITUYU, DIUSTE, DEBOS DI INYO (INYO) DI INYO ( INYO)


(IYO)

ELE, LE (SIYA) SILA (SILA) SILA (SILA)

ELE, LE (NIYA) SILA ( NILA) SILA (NILA)

DISUYU, SUYU (KANYA) DI ILA (KANILA) DI ILA (KANILA)

Ipinapakita sa talahanayan 3.0 ang mga panghalip na panao ng wikang

Chavacano ayon sa kailanan. Ayon kay Santiago ang kailanan ay tumutukoy sa bilang ng

taong tinutukoy. Makikita sa talahanayan na ang kailanan ay mapapangkat sa kailanang

isahan, dalawahan at maramihan. Ang kailanang isahan ayon kay Santiago ay tumutukoy
sa isang tao lamang, dalawahan naman kapag dalawang tao ang tinutukoy at maramihan

kung isa o higit pang tao ang tinutukoy. Mapapansin sa talahanayan na paulit-ulit lamang

na ginagamit ang mga panghalip, katulad lamang ng panghalip na itu, ele , iyo, kita,

ustedes, sila, at panghalip na came ito ay sa kadahilanang ito lamang ang angkop na

katumbas na panghalip na panao ng wikang Chavacano kapag isasalin sa wikang Filipino

na tumutugon sa sinabi ni Santiago na ang panghalip na panao ay may kailanan.

Talahanayan 3.0

Mga panghalip na panao ng wikang Chavacano ayon sa PANAUHAN.

UNANG PANAUHAN IKALAWANG IKATLONG PANAUHAN


PANAUHAN
IYO, YO (AKO) ITU,TU, USTE,EBOS,BOS ELE/LE (SIYA),
(IKAW,KA)
IYO, YO (KO) ITU,TU, USTE,EBOS,BOS ELE/LE (NIYA)
(MO)
DIMIYO (AKIN) DISUYU/SUYU (KANYA)
DITUYU,DIUSTE,DEBOS
(IYO)
KITA (TAYO) USTEDES, SILA (SILA)
VOSOTROS,CA MO
(KAYO)
KITA (NATIN) USTEDES, SILA (NILA)
VOSOTROS,CAMO
(NINYO)
DIATON (NAMIN) USTEDES, DI ILA (KANILA)
VOSOTROS,CAMO
(INYO)
CAME (KAMI)
CAME (NAMIN)
DIAMON (AMIN)

Matutunghayan sa talahanayan 2.0 mga panghalip ng wikang Chavacano ayon sa panauhan. Ayon

kay Santiago ang panauhan ay kumakatawan sa taong tinutukoy. Ang unang panauhan ay tumutukoy sa

taong kumakausap, ang ikalawang panauhan naman ay tumutukoy sa taong kinakausap at ang ikatlong

panauhan ay tumutukoy sa taong pinag-uusapan. Mapapansin sa talahanayan na ang mga panghalip na


panao ng wikang Chavacano na nabibilang sa panauhan ay halos magkapareho lamang

maliban sa dimiyo (akin), diaton (namin), diamon (amin), disuyu (kanya) at di ila

(kanila).

REKOMENDASYON

Iminumungkahi ng mananaliksik para sa mga kinauukulan ang mga sumusunod:

Administrador

Magpatupad ng isang programa na may kinalaman sa paglinang ng wikang

Chavacano pagdating sa gramatika. Naniniwala ang mananaliksik na sa pamamagitan ng

pagtupad ng isang programa mas lalo pang mapapaunlad at makikilala ang wikang

Chavacano at higit sa lahat ito ay mananatiling isang buhay na wika na maipapasa sa

susunod pang henerasyon.

Mananaliksik

Magsagawa ng isang pag-aaral tungkol sa mga panghalip na pamatlig, panaklaw

at pananong ng wikang Chavacano at sa iba pang bahagi ng pananalita. Naniniwala

ang mananaliksik na ang gagawing pag-aaral ay maaaring maging daan upang makabuo

ng isang aklat Pambalarila ng wikang Chavacano na makakatulong upang mas lalong

maunawaan at maintindihan ang wikang Chavacano


KONGKLUSYON

Sa pamamagitan ng ginawang pag-aaral natuklasan ng mananaliksik na ang mga

panghalip na panao ng wikang Chavacano ay nagbabago ng anyo dahil sa kaukulan.

Magkatulad lamang ang mga panghalip na ginagamit ng wikang Chavacano sa kaukulang

palagyo at paukol ngunit may nagaganap na pagbabago. Halimbawa na lamang sa

panghalip na iyo/yo kapag ito ay nasa kaukulang palagyo ito ay ngangahulugang ako,

kapag nasa kaukulang paukol ito ay nagiging ko at ang iyo ay nagiging dimiyo sa

kaukulang paari na ang ibig sabihin ay akin. Samantala, ang panauhan ng wikang

Chavacano ay mapapangkat sa tatlo. Sinabi ni Santiago na ang panauhan ay may unang

panauhan kung saan ito ay tumutukoy sa taong kumakausap, ikalawang panauhan kung

saan ito ay tumutukoy sa taong kinakausap at ikatlong panauhan kung saan ito ay

tumutukoy sa taong pinag-uusapan. Halimbawa ang panghalip na ele/le (siya) ito ay nasa

unang panauhan, ang panghalip na ustedes (kayo) ay nasa ikalawang panauhan at ang

panghalip na sila (sila) ay ang ikatlong panauhan. Ang kailanan naman ng wikang

Chavacano ay may isahan, dalawahan at maramihan kung saan sinabi ni Santiago na ang

kailanang isahan ay tumutukoy sa isang tao lamang, nasa kailanang dalawahan kung ang

panghalip ay kumakatawan sa dalawang tao at maramihan kung ito ay tumutukoy sa

dalawa o higit pang tao.


BIBLIYOGRAPIYA

Mga Aklat:

Santiago, Alfonso O. (1991), Makabagong Balarilang Filipino, Rex Printing

Company

Cuartocruz, Orlando B. (1990), Zamboanga Chabacano Folk Literature

Pag-aaral:

Agoo, Intan-Sara H. (2014), Pagsusuri sa Panghalip na Panao ng Wikang

Ilonggo

Internet:

http://www.google.com

http://www.wikepedia.com

You might also like