Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Lawin, ang Sisiw, at ang Uwang

Magaganda ang ibon. Higit silang maganda kaysa sa ibang uri ng mga hayop na lumilipad. Ang
pagmamasid sa kanila ay nakalilibang at nakapapawi ng mga suliranin. Maraming uri ang mga ibon. Sari-
sari ang kanilang anyo, kulay at laki. May mga ibong maliit. Mayroon ding malaki. Ang lawin ang pinakamalaki
sa mga pangkaraniwang ibong nakikita natin sa paligid.

Higit na malaki ang lawin kaysa sa pipit. Ang lawin ay lalong kilala bilang hari ng mga ibon. Mahilig
siyang mandagit ng mga sisiw. Isang araw, habang naglalaro ang mga inakay ng isang inahing manok,
isa sa kanila ang napahiwalay sa kanyang mga kasamahan. Malakas ang siyap ng sisiw sa paghanap sa
kanyang mga kapatid. Higit na malakas ang siyap ng inahin sa pagtawag sa anak. Ngunit sa kasamaang
palad, lalong napalayo ang naligaw na sisiw sa kanyang mga kasamahan. Sa kanyang pag-iyak, narinig
siya ng lawin. Nabighani ito sa kanyang huni at nang mapansin nitong nag-iisa lamang ang sisiw, dali-
dali niya itong tinugis. Nakita naman agad ng sisiw ang lawin kaya matulin itong nagtago sa isang butas
na tinitirhan ng isang maliit na uwang. Kahit maliit ang uwang, siya ay kasintapang din ng lawin. Nang
makita niya ang balak gawin ng lawin, agad niyang pinakiusapan ito na huwag sanang saktan ang
kaawa- awang sisiw.
“Huwag mo sanang saktan ang sisiw. Higit na mahina siya kaysa sa iyo,” sabi ng uwang.
Ngunit nagalit pa sa kanya ang lawin. Ang sabi nito, “Magagawa kong lahat ang gusto ko sapagkat ako
ang hari ng mga ibon. Ako ang pinakamakapangyarihan sa lahat.”
“Ikaw nga. Ngunit hindi mo ba alam na maaaring magkaroon ka rin ng katapat sa iyong mga
kasamaan?” sagot ng uwang. “May higit na malakas, matapang, at makapangyarihan kaysa sa iyo.”
Nagalit ang lawin sa sinabi ng uwang. Bigla niya itong tinabig kasabay ng pagdukot sa takut na
takot na sisiw na nasa taguan. Ginamit ng lawin ang matutulis niyang kuko sa pagsaklot sa sisiw. Kanya
itong inilipad sa kanyang pugad.
Sa ginawang ito ng lawin, nagalit din ang uwang. Sinundan ng uwang ang lawin upang alamin kung
saan ito tumitigil. Nakita naman ng uwang ang pugad ng lawin at sinagip ang takut na takot na sisiw.

Sagutin:

1. Paano pinaghambing ang lawin at ang uwang?

2. Paano naman pinaghambing ang lawin at ang sisiw?
3. Paano naman inihambing ng lawin ang kanyang sarili sa iba?
4. Paano inihambing ang ibon sa ibang uri ng hayop na lumilipad?
5. Kung ikaw ang pagpipiliin, alin ang gusto mong maging katulad, ang lawin o ang uwang? Ipaliwanag.

You might also like