Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Case: Whistleblowing "A guy knows the irregularity of a boss and gave him the position in the office

with good benefits, but his boss is involved with ghost projects."

NARRATOR: MARVIN CASTRO

SCRIPT WRITERS: ADRIAN AND LESLIE

Characters:
KEREN JOY ABAD as Layla de Lim- The boss, a well-known business woman who owns a company.
KANE NARCISO as Jackson- Co-worker ni Joe, close friend niya sa office.
BRANDON BHON BARTOLOME as Joe- The guy, pamangkin ni Layla de Lim.
RAINIER CLERIGO as Fernando- Tatay ni Joe
SHEIRA MAE RUPISAN as Paulina- Nanay ni Joe
SILVER GIANNE as Joanna- Kapatid ni Joe

JOLINA URBANO as (Female) Dela Cruz- SPO4


MARK ANTHONY CRISTOBAL as (Male) Castillo-PO3
JUSTIN ELIZAGA as (Male) Tuazon-PO2

Introduction:

NARRATOR: Dahil sa Pandemya, nahihirapan maghanap ng trabaho ang fresh graduate na si Joe Nel.
Nakapagtapos siya sa kursong BS in Business Administration. Nabaon sa utang ang pamilya ni Joe dahil
na rin sa lockdown at pagkawala ng trabaho ng kanyang mga magulang. Ang kanyang ama ay isang
magsasaka, at ang kanyang ina ay nagtratrabaho sa isang mall bilang isang sales lady. Siya rin ay may
isang nakababatang kapatid na nasa high school pa lamang.

(Insert conversation sa pamilya ni Joe and a monologue by Joe talking about his life, na nahihirapan
siya lalo na’t wala siyang makuhang trabaho dahil sa pandemya.)

(SOUND EFFECTS) WINDS SA BUKID……..

Nanay: Anak, Joanna, umutang ka nga muna sa sari sari-store ng kapitbahay ng sardinas at itlog para
naman may mapaghapunan tayo.

Joanna: Sardinas at itlog nanaman Nay? Wala na po bang iba?

Tatay: Okay nay un anak kaysa wala. Sige na, pumunta ka na. Tama na muna ang pagrereklamo.

Joanna: Sige po.

Nanay: Bukas magtatanong tanong ako kung may naghahanap ng labandera dito sa street natin at nang
maibili ko naman ng ulam na gusto niya ang bunso natin.

Joe: Nay wag na po. Mapapagod lang kayo.

Tatay: Tama ang anak mo, dito ka nalang sa bahay at ako ang hahanap ng pwedeng pag extrahan diyan.

Nanay: Sigurado ka ba?

Tatay: Oo kaya ko pa naman.

Joe: Sorry po Nay, Tay, dapat ako na po ang gumagawa niyan eh. Pasensya na po dahil hindi po ako
nakahanap ng trabaho agad. Napakahirap po pala talaga maghanap ng trabaho. Pakiramdam ko po
nagawa ko na ang lahat pero ito parin ako, parang di umuusad. Walang trabaho at walang nagagawa
para makatulong sainyo.

Nanay: Okay lang yan anak.

Tatay: Talagang ganyan ang buhay, anak. Madaming problema pero lilipas din naman ang mga iyon.
Basta’t tandaan mo lang lagi ang mga bilin naming ng Nanay mo.
Joe: Opo Tay. Pasensya na po ulit.

NARRATOR: Normal na sana sa Sistema ng buhay ni John ang may lagging pinoproblema ngunit isang
araw, siya ay tinawagan ng kanyang Tita na nagngangalang Layla de Lim, ang Chief Executive Officer ng
isang Kompanya, upang alukin siya na maging kanyang Secretary. Maganda ang sweldo at may kasama
pang mga benepisyong malaki ang maitutulong sa kanyang buong pamilya. Si Layla de Lim din ang
tumulong kay Joe upang matapos ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo, kung kaya’t tuwang tuwa na
lamang ito pagkatapos siya alukin ng trabaho.

(Insert a dialogue between Joe and Layla, their conversation about the job) (Note dapat nagulat at
masaya si Joe, and si Layla naman ay bossy ang tono, medyo mataray, like”tatanggapin mo ba? Aba
dapat lang, pinag-aralan kita sa kolehiyo eh. Haha.”) (Note mabait na bat ani Joe, grateful siya and
humble kaya lagi siyang mapagpasensya. Considerate rin siya sa iba at mapagkakatiwalaan)

(Insert sound effect ng tumutunog na phone)

(SOUND EFFECTS) INSERT PHONE RINGING………….

Joe: Hello Tita? Napatawag po kayo?

Layla: Wala kang trabaho hindi ba?

Joe: Sa ngayon po naghahanap palang-------(long pause)

Layla: May opening dito sa kompanya ko. Kung interesado kang maging secretary ko, pwede kang
magtrabaho dito.

Joe: Talaga po, Tita!?

Layla: Sa tingin mo ba nagsisinungaling ako? Open ang posisyon para maging secretary ko at kailangan
ko ng isang taong mapagkakatiwalaan. Maganda na rin ang sweldo kesa sa wala, diba?

Joe: Opo Tita! Pero masyado po atang mataas yung posisyon na yun para sakin, sa tingin niyo po?

Layla: Hay naku Joe…., strive for the best! Wag kang pumirme sa mababang pwesto o trabaho. Kung may
problema ka sa pasweldo, napaguusapan yan at hindi mo na rin kailangan ipasa ang interview sa
position na inaalok ko sayo.

Joe: Naku Tita wala po akong problema sa sweldo!

Layla: So ano? Tatanggapin mo ba?

Joe: Opo Tita tinatanggap ko po. Salamat po!

Layla: Aba dapat lang, pinag-aral kita tapos tatanggihan mo ko? Naku hindi pwede yun. Anyway, prepare
your resume and you can start tomorrow.

Joe: Sige po Tita. Salamat po!

Layla. Yeah sure, whatever. Madami pa akong dapat gawin kaya ibababa ko na. Ah! Wait lang. Call me
Mam from now on. Don’t call me Tita.

Joe: Sige po Mam.

NARRATOR: Sobrang saya ni Joe, at ibinahagi niya ang balitang ito sa kanyang pamilya. Lubos na tuwa at
pasasalamat ang naramdaman ng bawat isa at sila ay nagyakapan lahat. Kinabukasan, agad agad na
ipinatawag si Joe ng kompanya at pinapirma ng mga papeles. Wala ng interbyu at screening. Agaran
siyang naluklok sa position na iyon.

(Conversation ni Joe at Jackson, si Jackson ay ang assistant manager ng kompanya, friendly, pero
prankang tao.)(Note, sila ay magiging close friendly workers)(Note alam na ni Jackson yung mga
ghost projects ni Layla at siya yung mag iinform kay Joe)

(SOUND EFFECTS) INSERT OFFICE NOISE………


Formal ang conversation…..

Joe: Excuse me Sir. I’m the newly hired secretary of Mam Lim.

Jackson: Ahh ikaw pala yun. Sige ma-upo ka. Dala mo ba yung mga kailangang papeles?

Joe: Yes Sir!

Jackson: Naku you don’t have to call me Sir. Just call me Jackson. Assistant Manager ako rito sa company
at magiging madalas tayong magkatrabaho sa mga projects.

Joe: Ahh sige po, Jackson.

Jackson. You don’t have to be polite at i-po at opo ako. Hindi naman ganun kalayo ang agwat ng age
natin atsaka nakakatanda masyado. By the way, paki-sign na lang tong mga papers na to.

NARRATOR: Umalis si Layla para umattend ng meeting sa mga Top executives’ ng ibat-ibang kompanya,
kung kaya’t naiwan si Joe sa Opisina. Dahil agaran niyang natapos ang kanyang mga trabaho,
nagdesisyon siyang mag-ayos ng papeles/magsort ng papeles sa opisina ng kanyang Boss. Laking gulat
niya pagkatapos niya matuklasan ang mga proyekto ng kompanya na hindi konektado sa kayang ibigay
ng kompanya. Nadiskumbre niya ang mga pasugalan/casino, sabungan, karerahan, mga per ana galling
sa gobyerno ngunit hindi nailalaan sa mga dapat pagkagastuhan. Humigit kumulang 80 milyong piso ang
natuklasan ni Joe nganit hindi pa yon ang kabuuan.

(monologue ni Joe about sa nangyara, siya ay gulat na gulat at hindi makapaniwala. Bigla niyang
naalala ang sinabi ng kanyang ama habang sila ay nagtatanim na dalawa, “Anak, kahit anong
mangyare, lagi mong panghawakan ang integridad mo, panghawakan mo ang tuwid na prinsipyo.
Kahit mahirapan tayo, hindi tayo nagkulang sa pagiging tao at makatao.”) (Ngunit si Joe ay confused,
lalo na’t pandemya ngayon, ito lang ang trabaho na pwede niya mapasukan, at gustong gusto niya
makatulong sa kanyang pamilya.) (Halo halo ang emosyon ni Joe habang nakaupo lamang sa opisina)

Joe: 80 MILLION!? Ang laking pera nito ah. Teka, hindi lang 80 million ito kung ikwekwenta lahat.
Paanong naging involve ang kompanya ni Mam Lim sa mga ganitong bagay? Hindi, hindi siguro to totoo.
Pero nakalagay na mismo sa mga papeles na to na involve talaga ang kompanya. Sobrang tagal narin nila
itong ginagawa. Mali ito. Hindi tamang kumikita ang kompanyang ito sa illegal na paraan. Pero kung
malalaman naman to ng kinauukulan, siguradong hindi nila palalampasin ito. Sasamantalahin nila ang
pagkakataong ito para iblackmail ang kompanya o kaya ipasara. Makukulong si Mam Lim at madami
kaming mga trabahador dito sa kompanyang ito na mawawalan ng trabaho. Mahirap mawalan ng
income ngayong pandemic. Hindi pwedeng malaman ng kinauukulan ito. Pero sabi ni Tatay makinig ako
palagi sa mga bilin nila ni Nanay. Naaalala ko pa ang sinabi niya sakin na kahit na anong mangyari,lagi
kong panghawakan ang integridad ko, ang tuwid kong prinsipyo dahil kahit na mahirap kami, hindi kami
pwedeng magkulang sa pagiging tao at makatao. Anong gagawin ko Tay? Kapag ginawa ko ang tama at
isuklong ang mga illegal nilang Gawain, maraming tao ang madadamay. Lahat ng mga nagtratrabaho sa
kompanyang ito maaapektuhan. At sa panahon ngayon kailangan din ng pamilya ko ang tulong
pinansyal, siguro kailangan kong itago ang nalalaman ko. Para nalang sa mga kasamahan kong
nagtratrabaho dito sa kompanya at para sa pamilya ko. Tama, hindi dapat ito malaman ng iba.

NARRATOR: Sa sumunod na araw, pinatawag si Joe ng kanyang Boss, upang bigyan ng incentives at
binigyan siya ng kanyang panimulang sweldo na 30,000, ito ang pinaka malaking pera na nahawakan ni
Joe, siya ay natutuwa, ngunit sa likod niya ay may konsensya na pilit humihila sa kanyang kamay upang
tanggapin ang pera. Pero tinanggap parin niya ito at nagpasalamat, siya rin ay umalis na sa opisina at
bumalik sa trabaho.

(Monologue ni Joe habang patuloy parin na napapaisip sa kanyang mga natuklasan) (pero
papalampasin niya ito dahil mas importante ang kanyang pamilya.)

Joe: Tama ba ang ginagawa ko? Tama hindi ba? Kailangan ko ang trabahong ito para masuportahan ang
pamilya ko. Malamang ganun din ang iisipin ng ibang tao kung sila ang nasa posisyon ko. Kailangan kong
ituloy ang trabahong ito at itago ang aking mga nalalamang illegal na gawain ng kompanya para patuloy
kong masuportahan ang kapatid ko sa kanyang pag-aaral at para narin mapagaan ko ang buhay ng aking
mga magulang. Madami na silang hirap na napagdaanan, gagawin ko ang lahat upang kahit papaano ay
hindi na nila maranasan ang kahirapan sa buhay. Tama ito, Joe. Tama ito.

Habang nagtratrabaho dumating si Jackson upang kausapin si Joe, kinwento nito na may hinala itong
mayroong ghost projects ang kompanya, laking gulat at kaba ang naramdaman ni Joe ngunit, bumulong
si Jackson na “Ayos lang yan, alam ko na alam mo rin”.

NARRATOR: Nakita pala ni Jackson sa bintana si Joe habang nag-aayos ng papeles sa opisina ng kanilang
boss. Si Jackson, bilang isang prangkang tao ay matalino at wais, hindi siya sang-ayon sa mga nangyayare
subalit, sumusunod siya para makatanggap ng benepisyo. Ibubulgar niya raw ang katotohanan kapag
handa na siya o naka-ipon para umalis sa kompanya. Ngunit dineny ni Joe at sinabi niya na walang
katotohanan ang mga sinasabi mo, bumalik na lang tayo sa trabaho, at umalis narin siya Jackson.

(Insert convo ni Joe at Jackson, tapos monologue ni Joe habang nag-iisip ng Mabuti sa kanyang
napasok na gulo.)

Jackson: Uy Joe! Overtime nanaman? Ikaw nalang naiwan dito oh. Late na, bakit hindi ka pa umuwi at
ituloy yan bukas?

Joe: Kaya ko pa naman Jackson tsaka konti nalang to.

Jackson: Kasama ba diyan yung sa casino?

Joe: Ha!?

Jackson: Ah hindi ba? Bara yung sa karerahan o sa sabungan yan?

Joe: A-anong sinasabi mo, Jackson?

Jackson: HAHAHA Tingnan mo nga yang reaction ng mukha mo.

Joe: Hindi ko alam yang mga sinasabi mo Jackson, nag-overtime ka na rin naman, ituloy mo nalang yung
ginagawa mo.

Jackson: Joe, Joe, Joe… alam kong alam mo na rin ang mga illegal business ng company na ito. Di mo na
kailangang itanggi. Tsaka safe naman na mag-usap tayo tungkol dun dito kasi dadalawa nalang naman
tayo dito sa floor na to.

Joe: Ano bang pinagsasabi mo Jackson? Dun ka na nga sa desk mo!

Jackson: Hindi mo na kailangang itago. Matagal ko nang alam ang mga yun. Sa tingin mo ba, sa tagal ko
rito di ko parin alam? Joe naman, madalas ko ngang puntahan ang mga yun para magmonitor kaya relax
ka lang. Ako lang naman to, si Jackson.

NARRATOR: Tumawag ang pamilya ni Joe, upang mangamusta, masayang masaya ang pamilya sa
kanilang natanggap na padala galing kay Joe.

(insert convo ni Joe with his Family) (ayos lang ang lahat, maayos si Joe at maayos yung kompanya)
(Pinangaralan ulit si Joe ng kanyang ama at sila ay nagpasalamat ng taos puso sa kanilang anak. )
(Nagpapabili ng cellphone yung kapatid niya na si Joanna)

(SOUND EFFECTS) PHONE RINGING….

Tatay: Hello anak, Joe?

Joe: Tay. Kamusta na po?

Tatay: Mabuti naman kami. Ikaw anak? Kamusta ka diyan? Ang trabaho mo?

Joe: Tay naman, wag po kayong mag alala sakin. Okay na okay po ako dito. Maayos naman po yung
trabaho ko at mababait po ang mga katrabaho ko. Natanggap niyo na po ba yung ipinadala ko?

Tatay: Oo anak. Ang laki laki naming halaga ng ipinadala mo. May natitira pa ba saiyo diyan? Baka
ipinadala mo lahat saamin?
Joe: Opo nagtira po ako sa sarili ko Tay. Wag po kayo mag alala. Si Nanay po kamusta?

Tatay: Ay nagpunta sa bayan para bumili ng ulam. Itong kapatid mo kasi nangungulit palagi kaya
pagkakuha ng pera ay yun agad ang ginawa ng Nanay mo.

Joanna: Tatay naman bakit niyo pa sinabi kay Kuya?

Joe: Naku sa susunod po dagdagdan ko pa para hindi na mangulit si Joanna sainyo.

Joanna: Kuya naman eh!

Joe: Joanna wag ka nga magpasaway kina Nanay at Tatay diyan palagi. Wag ka ring mareklamo palagi
kung hindi di kita papadalhan ng baon mo.

Joanna: Sige kuya basta bibilhan mo ko ng cellphone ah! Di ko na pasasakitin ulo nina Nanay.

Joe: Oo bibilhan kita pero wag na wag ka nang magpapasaway diyan ah.

Joanna: Yes! Oo kuya, balik ko na kay Tatay yung cellphone.

Tatay: Wag ka munang gumastos ng gumastos anak. Baka mamaya wala nang natitira sayo diyan. Lagi
mong tatandaan na mas mahalaga ka parin samin kesa sa pera kaya’t wag na wag mong papabayaan ang
sarili mo.

Joe: Tay okay lang. Para sainyo naman po lahat ng ginagawa ko. Nga po pala, kailangan ko na bumalik sa
trabaho. Tatawag nalang po ulit ako sainyo mamayang gabi.

Tatay: Sige anak mag-iingat ka palagi.

Joe: Kayo rin po Tay

Kinabukasan, may mga pulis na dumating sa kompanya at sila ay nagiinterview ng mga empleyado. Isa
na rito ay si Joe. Kinausap siya tungkol sa mga ghost projects ng kompanya. Kung mayroon bang mga
nagaganap nag anito at kung may papeles na magbibigay patunay dito.

(Insert convo ng 3 police (Female) Dela Cruz- SPO4, (Male) Castillo-PO3, (Male) Tuazon-PO2 at at si
Joe)(I de-deny ni Joe and ipinakita niya lahat ng papeles maliban sa mga ghost projects na kanyang
nakita at pinagtakpan niya ang kanyang Boss.) (Umalis na ang mga police at nagkaroon ng moment
ni Joe mag-isa)( kailangan niyang maitago ang problema ito para narin sa kanyang pamilya at sa
utang na loon niya sa kanyang tita.)

(SOUND EFFECTS) PINTUAN NA NAGBUKAS…

NARRATOR: Ipinatawag si Joe sa Police Station upang tanungin sa mga katiwalian na nangyayare sa
kompanya.

Dela Cruz: Sir, ipinatawag ka naman dito upang maging prime witness sa kasong kinakaharap ni Ms. Lim.

Castillo: Sinasabi sa mga reports na meron umanong katiwalian sa inyong kompanya at milyon milyon
ang nakukurakot dito.

Tuazon: Sir Joe, matanong ko lang….. pamilyar kaba sa mga casino, sabungan, at mga pera ng gobyerno
na hindi napupunta sa dapat nito na puntahan?

Joe: ahm.. ehm.. Hindi po. Mabait po si Boss Lim. Sa katunayan nga po siya ang nagpaaral sa akin sa
kolehiyo at tinulungan niya ako upang makapagtrabaho sa kanyang kompanya.

Dela Cruz: Ano ba ang koneksyon niyo ni Ms. Lim? Kaano -ano mo ba siya?

Joe: Tita ko po siya.


……… (3 seconds pause)

Castillo: Kung ganoon Sir Joe, sigurado kaba na wala ni isa ang totoo sa mga sinabi ni PO2 Tuazon? Baka
natatakot ka lang? or tinatakot ka nila upang hindi magsabi ng totoo.

Tuazon: Huwag ka mag-alala bibigyan kayo ng proteksyon ng mga kinauukulan. Ikaw at ang pamilya mo.

NARRATOR: Kinakabahan si Joe, at hindi mapigilan ang mapaisip sa maraming bagay. Ngunit desidido ito
at ayaw niya ulit na makita ang kanyang pamilya na magutom at mahirapan. Hindi rin niya nanaisin na
mapahamak ang kanyang pamilya.

Joe: Officers, maraming, pasensya na po. Ito po ang mga papeles na nagpapatunay na hindi sangkot sa
mga katiwalian ang kompanya ni Boss Lim. Ito po yung mga litrato at mga budget allocation ng mga
proyekto. Meron din pong mga charities na sinusuportahan ang kompanaya. At higit sa lahat
tumutulong din po ito sa mga tao lalo na ngayong pandemya. Lahat po ng sinasabi niyo ay hindi totoo at
hindi mapapatunayan.

Dela Cruz:………… Sige po Sir Joe. Maraming salamat po. Maaari po ba kaming humingi ng kopya nitong
mga papeles na inilatag mo?

Joe: Opo, pwedeng-pwede po. Walang anuman.

NARRATOR: Natapos ang pag-tatanong kay Joe, ngunit pagkalabas sa police station, kita ang bakas ng
kaba, takot at panghihinayang sa kanyang mukha. Si Joe ay nadala ng kanyang emosyon… takot na
mawala ang mga bagay na matagal na nitong pinapangarap at ang mga pag-aalala sa taong kanyang
minamahal at pinapangalagaan. Umuwi si Joe na pagod…. Hindi lang pisikal dahil sa trabaho, kundi pati
sa isip dahil sa problemang itinatago niyo.

NARRATOR: Sa kabilang dako, malaya parin na nagagawa ni Ms. Lim ang kanyang normal na ginagawa at
patuloy ang paglago ng kompanya. Patuloy din ang imbestigasyon ng pulisya ngunit sila ay nahihirapan
dahil isa nga sa kanilang prime witness ay taliwas sa kanilang assumption sa imbestigation.

NARRATOR: Ano na kaya ang mangyayari? Mananaig ba ang katotohanan? Tumutok lamang sa radio
channel na ito at abangan ang susunod na kabanata….

THE END…..

ADDITIONAL AFTER NG TELERADYO:

1. Paki-define ang organizational dilemma at i-relate ito sa ating telaradyo story.


2. Paki-identify ang emotional decision/s na ginawa sa telaradyo story at sabihin kung tama o
mali. Paki-explain kung bakit tama o mali.

MGA MAG EEXPLAIN AFTER THE PLAY:

1. MARIEWILLA BANIQUED
2. SHYRA JAEL BAYAUA

You might also like