4.7 Simoun PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN
ARALIN 4.7
Panitikan : El Filibusterismo
Teksto : Simoun
Kabanata : (1) Sa Ibabaw ng Kubyerta (2) Sa Ibaba ng Kubyerta
(3) Ang mga Alamat (7) Si Simoun
(10) Kayamanan at Karalitaan (11) Los Bańos
(16) Ang Kasawian ng Isang Tsino (39) Katapusan
(35) Ang Pagdiriwang (33) Ang Huling Katwiran
Wika : Mga salitang hudyat sa pagpapahayag ng saloobin
damdamin
Bilang ng Araw : 4 na Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN


PAG-UNAWA SA PANONOOD ( PD ) ( F10PN-IVi-j-85 )
 Nasusuri ang aestetikong katangian ng napanood na bahagi ng
isinapelikulang nobela.

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) ( F10PB-IVi-87 )


 Nasusuri ang napakinggang paglalahad ng sariling damdamin ng
mga tauhan na may kaugnayan sa: mga hilig/interes,
kagalakan/kagalakan, pagkayamot/pagkatakot.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) ( F10PB-IVi-j-95 )( F10PB-IVi-j-96 )


 Nagagamit ang malalim at mapanuring p-ag-unawa sa akda upang
mapahalagahan at kalugdan ito ng lubos.
 Naipakikita ang pakikiisa at pakikisangkot ng mga tauhan sa mga
kaganapan o pangyayari sa akda.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-IVi-j-86 )


 Naibibigayan ng kaulkulang pagpapakahulugan ang mahahalagang
pahayag ng awtor/mga tauhan.
PAGSASALITA (PS) (F10PS-g-89)
 Naisasagawa ang isang angkop na pagsasatao ng mga tauhan ng
nobela.
WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-IIIf-g-82)
 Nagagamit ang angkop at masining na paglalarawan ng tao,
pangyayayari at damdamin.
PAGSULAT ( F10PU-Iv-J-89 )
 Naisusulat ang paglalarawan ng mahahalagang pangyayari sa
nobela na isinaalang-alang ang artistikong gamit ng may-akda sa
mga salitang panlarawan.

Ikaapat na Markahan| 121


TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-IVi-j-87)


 Nasusuri ang napakinggang paglalahad ng sariling damdamin ng
mga tauhan na may kaugnayan sa: mga hilig/interes,
kagalakan/kagalakan, pagkayamot/pagkatakot.

PANONOOD (PD) (F10PD-IVi-j-85)


 Nasusuri ang aestetikong katangian ng napanood na bahagi ng
isinapelikulang nobela

II. PAKSA

Panitikan : Si Simoun (El Filibusterismo)


Kabanata : (1) Sa Ibabaw ng Kubyerta
(2) Sa Ibaba ng Kubyerta
(3) Ang mga Alamat (7) Si Simoun
(10) Kayamanan at Karalitaan (11) Los Bańos
(16) Ang Kasawian ng Isang Tsino
(35) Ang Pagdiriwang (33) Ang Huling Katwiran
(39) Katapusan
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : El Filibusterismo
nina Roselyn T. Salum at Cristiana S. Santos
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Pagpaparinig ng awiting :”Huwag ka Nang Umiyak”


https://www.youtube.com/watch?v=TA20pHQjqOg

Ikaapat na Markahan| 122


Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: WHAT NUMBER
a. Ano ang naramdaman mo habang pinapakinggan ang awit?
b. Paano mo maiiugnay ang mensahe ng awit sa anumang
karanasan mo sa buhay?

2. Pokus na Tanong

a. Paano dapat maging positibo sa buhay sa kabila ng pagkakait sa iyo


ng katarungan?
b. Paano nakatutulong ang masining na paglalarawan sa paglalahad ng
tao, damdamin at pangyayari?

3. Presentasyon

Pagpapanood ng videoclip ng isinapelikulang nobela.


https://www.youtube.com/watch?v=akPt3ZK7U9U

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: TIME MACHINE
a. Ano ang pinapaksa ng pelikula?
b. Ano-anong damdamin ang nanaig sa mga napanood na eksena?
c. Naging mabisa ba ang napanood na video sa pagpukaw ng guni-
guni ng mga mambabasa para sa mas ikalilinaw ng mensahe
nito? Patunayan.

ANALISIS

1. Naging masining ba ang pagkakalahad ng mga pangyayari sa pelikula?


Ano-ano ang mga patunay?
2. Ano-anong kultura at kaugaliang Pilipino ang masasalamin sa pelikula?
3. May mga pagkakataon ba sa buhay mo na naranasan mo ang
alinmamng pinagdaanan ng sinumang tauhan sa pelikula?

Ikaapat na Markahan| 123


 Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Ang nobela o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon


na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o
300- 1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-
ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay
kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na
istilo.

Ito rin ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng


mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na
ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani
sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na
pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay.
Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan
sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod
ng nobela -binubuo ng mga kabanata -maraming tauhan at pangyayari -
kinasasangkutan ng 2 o higit pang tauhan.
(Tuklas, Aklat sa Wika at Panitikan p. 259)

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: ROUND ROBIN


Ipahayag ang saloobin kaugnay ng pahayag sa ibaba.

“Ang lahat ng nangyayari sa buhay, tagumpay man o kabiguan ay


may dahilan. Ang lahat ng ating ginagawa ay may kaakibat na bunga.”

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: Sine Mo ‘To


1. Magbahagi ng nabasang nobelang isinapelikula. Isa-isahin ang mga
dahilan kung bakit nakintal sa isipan mo ang napanood na pelikula?
2. Ano ang naitutulong ng masining na paglalahad ng mga pangyayari sa
ikatatagumpay ng nobela/pelikula?

IV. KASUNDUAN

1. Pumili ng isang nobelang isinapelikula. Ibahagi ito sa klase at


ipaliwanag kung paano naging masining ang may-akda sa paglalahad
ng mga pangyayari dito.
2. Basahin at pag-aralan ang sumusunod na kabanata ng El
Filibusterismo: Kabanata 1,2,3,7,10,11

Ikaapat na Markahan| 124


LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-IVi-j-95) (F10PB-IVi-j-96)


 Nagagamit ang malalim at mapanuring pag-unawa sa akda upang
mapahalagahan at kalugdan ito nang lubos.
 Naipakikita ang pakikiisa at pakikisangkot ng mga tauhan sa mga
kaganapan o pangyayari sa akda sa pamamagitan ng pagiging
sensitibo , pagkamahabagin

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-IVi-i-j-86)


 Nabibigyan ng kaukulang pagpapakahulugan ang mahalagang
pahayag ng awtor/mga tauhan

PAGSASALITA (PS) (F10PS-IV-j-89)


 Naisasagawa ang angkop na pagsasatao ng mga tauhan ng nobela.

II. PAKSA

Panitikan : Si Simoun (El Filibusterismo)


Kabanata : (1) Sa Ibabaw ng Kubyerta
(2) Sa Ibaba ng Kubyerta
(3) Ang mga Alamat (7) Si Simoun
(10) Kayamanan at Karalitaan (11) Los Bańos
(16) Ang Kasawian ng Isang Tsino
(35) Ang Pagdiriwang (33) Ang Huling Katwiran
(39) Katapusan
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : El Filibusterismo
nina Roselyn T. Salum at Cristiana S. Santos
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari

 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

Ikaapat na Markahan| 125


AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Etratehiya: ARTISTA NA ‘YAN

Pagpapabasa sa mga estudyante ng mga piling linya buhat sa iba’t


ibang pelikula. Isaalang-alang ang angkop na damdamin sa pagbigkas ng
bawat linya. Ipaliwanag ang mensaheng nakapaloob dito.

1. “Adik ka na naman sa pag-asa eh. Try mo na kaya lumaklak ng


realidad!” – Beauty Gonzalez, Starting Over Again (2014)

2. “Siguro kaya tayo iniiwanan ng mga mahal natin: dahil may darating
pang ibang mas magmamahal sa’tin – ‘yung hindi tayo sasaktan at
paasahin…’yung magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin.” – John
Lloyd Cruz, One More Chance (2007)

3. “Hindi ako perfect and kahit kailan, hindi ko hihilingin na maging perfect
ka. Ang hihilingin ko, subukan mong baguhin ang sarili mo para
maramdaman mo na karapat-dapat ka. But you never tried.” – Bea
Alonzo, She’s the One (2013)

4. “May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila.


May mga taong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na. Pero
yung pinakamasaklap eh yung na sayo na pinakawalan mo pa.” – John
Lloyd Cruz, My Amnesia Girl (2010)

2. Presentasyon

Pagpapanood ng videoclip ng mga kabanata ng El Filibusterismo


na tumatalakay sa pagkatao ni Simoun bilang pangunahing tauhan ng
nobela .

a. Kabanata 1- Sa Ibabaw ng Kubyerta


b. Kabanata 2 – Sa Ibaba ng Kubyerta
c. Kabanata 7 – Si Simoun
d. Kabanata 10 – Kayamanan at Karalitaan
e. Kabanata 11- Los Banos

Ikaapat na Markahan| 126


Gabay na Tanong:

Mungkahing Estratehiya: MYSTERY BOX


1. Naging mabisa ba ang presentasyon sa pagbuhay sa katauhan
ni Simoun? Patunayan. (Naisasagawa ang angkop na pagsasatao
ng mga tauhan sa nobela)
2.Alin sa mga pahayag ni Simoun ang nakaakit ng iyong atensyon?
Anong katangian niya ang masasalamin sa pahayag na ito?
(Nabibigyan ng kaukulang pagpapakahulugan ang mahalagang
pahayag ng awtor/mga tauhan)

3. Pangkatang Gawain

Pangkat I: Mungkahing Estratehiya: CHARACTER ANALYSIS


Ibahagi ang mga mahahalagang pahayag ni Simoun sa mga
tinalakay na kabanata. Anong katangian niya ang masasalamin sa bawat
pahayag?

Pangkat II: Mungkahing Estratehiya: FORM A WORD

Bumuo ng mga salita na maglalarawan o magpapakilala kay


Simoun sa tulong ng simulang letra ng kanyang pangalan.

S - ________________________________
I - ________________________________
M -________________________________
O - ________________________________
U - ________________________________
N - ________________________________

Pangkat III: Mungkahing Estratehiya: MONOLOGO

Pumili ng mga bahagi ng nobela na naglayong ipakilala si Simoun.


Ilahad ang mga pahayag na nagpapakita ng kalakasan at kahinaan nito.
Magtanghal ng isang monologo.

Pangkat IV: Mungkahing Estratehiya: PATUNAYAN MO

Pumili ng mga pangyayari sa nobela na nagpapakita ng alinman sa


mga sumusunod:

A. Pagsasamantala sa kapwa
B. Paninindigan sa sariling prinsipyo
C. Karuwagan

Ikaapat na Markahan| 127


Iugnay ang mga ito sa kasalukuyang mga isyu

Pangyayari sa Nobela Kaugnay na isyu sa kasalukuyan

A.

B.

C.

Pamantayan sa Pagmamarka
(Tingnan ang inihanda ng guro)

Kailangan
Katamtamang
Napakahusay Mahusay pang
Mga Kategorya Husay
10-9 8-7 Paghusayin
6-5
4-1
Lahat ng
Ang mga May mga datos inilahad ay
datos/gawain ay Angkop ang /gawain na hindi higit na
Kaangkupan sa
inilahad ay datos /gawaing gaanong nangangaila-
Task/Layunin
nagpapakikita ng inilahad. nagpapakita ng ngan ng
kaangkupan . kaangkupan. kaangkupan
sa gawain.
Napakahusay ng Mahusay ang Maliwanag ang
Hindi malinaw
ginawang ginawang ginawang
ang ginawang
Kalinawan ng pagpapaliwanag/ pagpapaliwanag pagpapaliwanag
pagpapakita
Presentasyon pagkakabuo ng / pagkakabuo ng / pagkakabuo
ng mensaheng
mensaheng mensaheng ng mensaheng
nais ipabatid.
ipinababatid. ipinababatid ipinababatid.
Halos lahat ng
miyembro ng
pangkat ay
Ang lahat ng walang
Dalawa sa
miyembro ng disiplina. Hindi
May pagkakaisa miyembro ng
pangkat ay maayos ang
at pangkat ay hindi
nagkakaisa at may presentasyon.
pagtutulungan maayos na
respeto sa isa’t isa. Nangangaila-
ang bawat nakikilahok sa
Napakaayos ng ngan ng
Kooperasyon miyembro. gawain.Maayos
kanilang ipinakitang disiplina at
Maayos ang ang ipinakita
presentasyon dahil respeto sa
ipinakitang nilang
lahat ng miyembro bawat
presentasyon ng presentasyon at
ay kumikilos sa isa.Kailangan
bawat isa. may respesto
gawaing nakaatang lahat ng
sa bawat isa.
sa bawat isa. miyembro ay
nakikipagtulu-
ngan sa
gawain.

Ikaapat na Markahan| 128


Napakamalikhain at Malikhain at Walang buhay
napakahusay ng mahusay ang Maayos na ang
Pagkamalikhain pagpapalutang sa pagpapalutang napalutang ang ipinakitang
/ Kasiningan nais ipabatid na sa nais ipabatid ideya na nais pagpapalutan
mensahe/ na mensahe/ ipabatid. g ng mensahe
impormasyon impormasyon. / ideya.
 Pagtatanghal ng bawat pangkat
 Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang
gawain
 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na
nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa
rubriks na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Nakatulong ba ang mga binitawang pahayag ng mga tauhan upang


mas makilala sila ng mga mambabasa? Patunayan.
2. Ano-ano ang mga dapat isaalang alang upang medaling maunawaan
ang tunay na kahulugang taglay ng isang teksto?

 Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Ang aralin 4.7 ay nakatuon sa pag-aaral tungkol sa tauhang si Simoun.


Ang kanyang panlabas at panloob na katangian ay may lubhang mahalagang
papel na ginampanan. Ang pagiging mahiwaga o misteryosong katauhan
mula simula hanggang bago matapos ang nobela ay lubhang kapana-panabik
at nararapat subaybayan. Isa siyang kakaibang nilalang na nanaisin mong
alamin ang dahilan o ugat ng mga pangyayari kung bakit siya nagkaganoon.
Tinalakay sa mga kabanatang ito ang mga kalakasan at kahinaan ni Simoun.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Istratehiya: CONCEPT ORGANIZER

Buuin ang mga sumusunod na pahayag:

Matapos kong mabasa ang mga kabanata sa araling ito, nalaman


ko na _____________________________________________

Ako’y nakaradam ng ____________________________


__________________________________________________

Dahil dito, nais kong baguhin sa aking ugali ngayon ang


__________________________________________________

Ikaapat na Markahan| 129


APLIKASYON

Pumili ng kapareha. Kapwa magbahagi ng malungkot na


pinagdaanan sa buhay. Anong payo ang maiibigay mo sa kapareha upang
huwag mawalan ng pag-asa? Itala ang naganap na usapan. Anong aral
ang napulot mo sa pakikipanayam na ito?

4. Ebalwasyon

Panuto: Tukuyin ang letra ng angkop na kasagutan.


1. Saan inihambing ni Rizal ang Bapor Tabo?
A. Simbahan at pamahalaan C. Antas ng Lipunan
B. Simbahan at lipunan D. Kastila at Pilipino

2. Paano napasok sa usapan ang mga alamat habang naglalayag


ang bapor Tabo?
A. Sinimulan ni Simoun upang maawat ang umiinit na
usapan sa pagitan ng mga pasahero.
B. Nang mapadako ang bapor malapit sa lupain ng mga
Ibarra, humanga ang mga pasahero sa ganda ng lugar at
nauwi ang paghangang ito sa pagbibida ng mga alamat.
C. Naisip nilang paraan ang alamat upang mapawi ang inp
nila sa mabagal na takbo ng Bapor
D. wala sa pagpipilian

3. Bakit nakilala agad ni Basilio si Simoun?


A. Namukhaan niya ito
B. Naalala niyang si Ibarra ang nagtago ng kayamanan sa
gubat at siya ring naghukay ditto
C. A at B
D. wala sa pagpipilian

4. Bakit hindi nagtagumpay si Simoun sa unang balak niyang mag


himagsik laban sa mga Kastila?
A. Pagkamatay ni Maria Clara
B. Ang hindi pagsabog ng lampara
C. Kawalan ng pagkakaisa
D. kawalan ng sapat na pondo

5. Ano ang dahilan ni Simoun sa muli niyang pagbabalik pagkalipas


ng labintatlong taon?
A. Ipaghiganti ang kamatayan ng ama
B. Mabawi si Maria Clara
C. Mapukaw ang mga kababayan upang mag-adhika na
magkamit ng pagbabago
D. lahat ng nabanggit

Ikaapat na Markahan| 130


Susi sa Pagwawasto
1. C 2. B 3.C 4. A 5. D

Index of Mastery

SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV. KASUNDUAN

1. Iugnay ang ilang pangyayari sa aralin sa sariling karanasan o


karanasan ng iba.
2. Pag-aralan ang kahulugan ng masining na paglalarawan. Maghanda ng
mga halimbawa nito.

Ikaapat na Markahan| 131


PAGNILAYAN AT UNAWAIN
I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-IVg-h-82))


 Nagagamit ang angkop at masining na paglalarawan ng tao,
pangyayari at damdamin.
II. PAKSA

Panitikan : Si Simoun (El Filibusterismo)


Kabanata : (1) Sa Ibabaw ng Kubyerta
(2) Sa Ibaba ng Kubyerta
(3) Ang mga Alamat (7) Si Simoun
(10) Kayamanan at Karalitaan (11) Los Bańos
(16) Ang Kasawian ng Isang Tsino
(35) Ang Pagdiriwang (33) Ang Huling Katwiran
(39) Katapusan
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : El Filibusterismo
nina Roselyn T. Salum at Cristiana S. Santos
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: MANNNEQUIN CHALLENGE
Ipakita sa pamamagitan ng tableau ang sumusunod na sitwasyon.
A. Sinagot ka ng dalagang iyong niligawan sa loob ng tatlong taon.
B. Nakita mo ang taong nakagawa sa ‘yo ng malaking kasalanan.
C.Masasalubong mo ang taong pinagkakautangan mo,
samantalang wala ka pang nakahandang pambayad sa kanya.

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: SPOT THE NUMBER
1. Ano-anong damdamin ang namamayani sa bawat sitwasyon?
2. Naging epektibo ba ang bawat pangkat sa pagpapalutang ng
damdamin/emosyong nakapaloob sa bawat sitwasyon? Patunayan.

Ikaapat na Markahan| 132


2. Presentasyon

Pagpapanood ng isang video documentary na naglalaman ng mga


karanasan ng mga naging biktima ng kawalang katarungan nong panahon
ng Martial Law. https://www.youtube.com/watch?v=zLno3aGh1t0

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: LUCKY NUMBER
a. Anong bahagi ng video ang lubos na nakaantig ng iyong
damdamin? Bakit?
b. Isalaysay/ilarawan ang iyong gagawin kung sakaling ikaw ang
nasa katayuan ng mga biktima/kamag-anak ng biktima ng
kawalang katarungan.
c. May kilala ka bang tao na maihahalintulad mo sa mga
personalidad sa video? Sila ba ang nang-api o sila ang naapi? Sa
anong aspeto sila nagkakatulad?

ANALISIS

1. Batay sa napakinggang pagbabahagi ng karanasan, malinaw bang


naipamalas ang katangian ng tao, damdamin at pangyayari?
2. Isa-isahin ang mga patunay.

 Pagbibigay ng Input ng Guro


D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Sa mga akdang pampanitikan, mahalaga ang paggamit ng masining na


paglalarawan ng tao, ng damdamin, ng mga kaganapan sa paligid na
kanyang ginagalawan at kinabibilangan. Dahil binabasa ang akda, nararapat
na gumamit ng angkop na mga salita upang malinaw itong mailarawan sa
imahinasyon ng mga mambabasa.

Karaniwang ginagamit ang mga pang-uri, pang-abay at mga pahiwatig.


1. Paglalarawan ng katangiang pisikal-Maaaring gamitin ang mga
salitang matangkad, parang kawayan, bansot, balingkinitan, kayumanggi,
maputi, matangos ang ilong, maganda, mabilog ang pangangatawan at iba
pa.

Ikaapat na Markahan| 133


2. Paglalarawan ng kilos, ugali at pakikitungo-Maaaring gamitin ang
mga salitang mahinhin, masayahin, malungkutin, mapagbiro, seryoso,
walang-kibo, palaiwas, magaling makisama, matulungin, mapagbiro,
mapagpakumbaba at iba pa.
3. Paglalarawan ng saloobin at damdamin-Maaaring gamitin ang mga
salitang: walang pakundangan, malambing, maramdamin, matatakutin,
medaling kabahan, payapa, tahimik, iyakin, palangiti, matapang at iba pa.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya PAHAYAG KO’Y DUGTUNGAN

Napatunayan ko na mahalagang maunawaan ang masining na


paglalarawan ng tao, damdamin at pangyayari …

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: RELATE PA MORE

1. Magbahagi ng karanasan na kung saan pakiramdam mo’y


pinagkaitan ka ng katarungan.
2. Ano ang naging aksyon mo tungkol dito?
3. Sa palagay mo, tama ba ang ginawa mong aksyon tungkol dito?
4. Ano ang pinatunayan ng ganitong karanasan para sa iyo?

3. Ebalwasyon

Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Piliin buhat sa ibaba ang


letra na kumakatawan sa uri ng masining na paglalarawan.

A. paglalarawan ng tao
B. Paglalarawan ng damdamin
C. Paglalarawan ng pangyayari

1. Walang kibo, mailap at waring laging nakikiramdam. Siya ang


batang nakatakas sa kalupitan ng sacristan mayor labintatlong
taon na ang nakalipas.
2. Ayaw niyang magsalita at mahirap pakisamahan. May itinatago
siyang sikreto noong nagdaang 13 taon.
3. Bastos at parang walang pinag-aralan. Sagot nang sagot kahit
hindi kausap. Napakayabang.
4. Walang pagsasaalang-alang at magaso ang pag-uugali. Mahilig
siyang sumabad sa usapang hindi siya kasangkot. Puno ng
hangin ang kanyang ulo.

Ikaapat na Markahan| 134


5. Bumalot sa paligid ang karimlan. Bahagyang nagbibigay ng
iwanag ang silahis ng buwan na nagsusumiksik sa pagitan ng
sanga ng mga punongkahoy.

Susi sa Pagwawasto

1. B 2. A 3. A 4. A 5. C

Index of Mastery
SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV. KASUNDUAN

1. Sumulat ng paglalarawan ng isang karanasang hindi malimutan.


2. Magbaliktanaw sa mga madamdaming tagpo sa El Filibusterismo.
3. Humanda para sa paglikha ng awtput.

Ikaapat na Markahan| 135


ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F10PU-IVi-j-89)


 Naisusulat ang paglalarawan ng mahahalagang pangyayari sa
nobela na isinaalang-alang ang artistikong gamit ng may-akda sa
mga salitang panlarawan.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 4.5


Kagamitan : Pantulong na biswal
Sanggunian : El Filibusterismo
nina Roselyn T. Salum at Cristiana S. Santos
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Pagpapabasa ng piling bahagi ng El Filibusterismo na


sumasalamin sa masining na paglalarawan ng mga tao, damdamin at
pangyayari sa nobela.

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: BOX OF QUESTION
a. Anong mensahe ang nais iparating ng binasang kabanata ng
nobela?
b. Ibigay ang mga patunay na naging masining si Rizal sa
paglalarawan ng mga tauhan, damdamin at pangyayari sa
nobela.

ANALISIS

1. Mahalaga bang isaalang-alang ng may akda ang kasiningan sa


paglalarawan ng tao, damdamin at pangyayari sa isang salaysay?
2. Isa-isahin ang mga kahalaganahang ito.

Ikaapat na Markahan| 136


ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: FREEDOM WALL

Napatunayan ko na mahalagang maging masining sa paglalarawan ng tao,


damdamin at panyayari sa pagsulat ng salaysay sapagkat…..

APLIKASYON

GOAL – Makasulat ng isang salysay tungkol sa napiling bahagi ng nobela.

ROLE – Isa kang mag-aaral na napili upang maging kinatawan ng iyong


klase sa patimpalak sa pagsulat ng salaysay.

Isa ka –saMga
AUDIENCE mgahurado
mag-aaral na manunulat
sa naturang ng pahayagan sa inyong
patimpalak
paaralan.

SITUATION – Magaganap na taunang patimpalak sa paglikha ng salaysay


na lalahukan ng mga piling mag-aaral sa inyong paaralan
Isa ka sa mga mag-aaral na manunulat ng pahayagan sa inyong
paaralan.
PRODUCT – Salaysay na naglalarawan ng mga mahahalagang pangyayari
sa nobela

Isa ka sa mga mag-aaral na manunulat ng pahayagan sa inyong


STANDARD - Pamantayan sa Pagmamarka:
paaralan.
A. Nilalaman
B. Kasiningan ng pagkakabuo
C. Tumutugon sa Layunin
D. Wastong representasyon ng ideya

Tayain ito ayon sa sumusunod:


10-9 puntos - lahat ng pamantayan ay maisakatuparan
8-7 puntos - tatlong pamantayan ang naisakatuparan
6-4 puntos - dalawang pamantayan ang naisakatuparan
3-1 puntos - isa lamang pamantayan ang naisakatuparan

 Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.


 Pagbabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan
sa pagkakasulat.

Ikaapat na Markahan| 137


IV. KASUNDUAN

1. Ibuod ang mga natatanging pangyayari sa iyong buhay. Isaalang alang


ang masining na paglalarawan ng tao. Damdamin at pangyayari.
Ibahagi ito sa klase.
2. Humanda para sa pangwakas na gawain ng ikaapat na markahan.

Ikaapat na Markahan| 138

You might also like