Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

GAWAIN 2

Magsaliksik ng tig-iisang halimbawa ng mga awiting-bayan, karunungang-bayan at iba


pang anyo ng unang tula.

AWITING BAYAN
Ang Kundiman ay awit sa pag-ibig. Noong unang panahon nanliligaw ang mga binata sa
pamamagitan ng harana. umaawit sila ng punung-puno ng pag-ibig at pangarap.

MANANG BIDAY NG ILOKANO


Manang Biday, ilukatmo man
'Ta bintana ikalumbabam
Ta kitaem 'toy kinayawan
Ay, matayakon no dinak kaasian

Siasinnoka nga aglabaslabas


Ditoy hardinko pagay-ayamak
Ammom ngarud a balasangak
Sabong ni lirio, di pay nagukrad

Denggem, ading, ta bilinenka


Ta inkanto 'diay sadi daya
Agalakanto't bunga't mangga
Ken lansones pay, adu a kita

No nababa, dimo gaw-aten


No nangato, dika sukdalen
No naregreg, dika piduten
Ngem labaslabasamto met laeng

Daytoy paniok no maregregko


Ti makapidut isublinanto
Ta nagmarka iti naganko
Nabordaan pay ti sinanpuso

Alaem dayta kutsilio


Ta abriem 'toy barukongko
Tapno maipapasmo ti guram
Kaniak ken sentimiento

KARUNUNGANG BAYAN
Ang Bugtong ay mga pangungusap na palaisipan at may nakatagong kahulugan. Ang
paglalaro nito ay patalasan ng isip. Itinuturo rin ang mga ito sa klase.

 “Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna”


Sagot: Niyog

IBA PANG ANYO NG


UNANG TULA

Ang Epiko ay isang tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng protagonista o


pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao.

AGYU
(EPIKO NG ILIANON)

Ang mga bayaning sina Banlak, Agyu, at Kuyasu ay nakatira sa bayan ng Ayuman.  Sa
tradisyong Ilianon sila’y magkakapatid na anak ni Pamulaw.  Si Agyu ay may apat na kapatid
na babae, ngunit sina Yambungon at Ikawangon lamang ang binanggit sa epiko.  Isang araw
nagpadala si Agyu sa datung Moro ng siyam na komu-buu-buong pagkit sa pamamagitan nina
Kuyasu at Banlak.  Nagalit ang datung Moro dahil kakaunti ang pagkit pambayad, kaya’t
kanyang ibinalibag ang pagkit kay Kuyasu na tumama sa may ulser.  Gumanti si Kuyasu at
kanyang sinibat ang datu na tinamaan sa dibdib.  Nahulaan ni Agyu na magkakagiyera dahil
napatay ang datu.  Nagtungo sila sa Ilian at ipinasiya ni Agyu na magtayo ng kuta sa
bundok ng Ilian.  Ang mga mandirigmang Morong nagdaan sa Ilog Palangi ay dumating at
nakita ang kutang ginawa ng mga Ilianon.  Nakipaglaban sina Agyu sa
mga Moro at halos naubos ang mga kaaway.
Pagkatapos ng tagumpay, ipinasya ni Agyu na lumipat sa bayan.  Pinili niya ang
bundok ng Pinamatun.  Hanggang narating nila ang bayang Tigyandang at dito sila sinalakay.
Lumaban ang mga tauhan ni Agyu sa pampangin ng look ng Linayagon.  Nang sila’y
naubusan ng tauhan, ang batang anak ni Agyu na si Tanagyaw ay nagprisintang sasagupa sa
mga kaaway.  Napatay niyang lahat ang kalaban nang ikaapat na araw.  Narating ni Tanagyaw
ang bayang Bablayon.  Nanghihilakbot ang mga tao rito at nang malaman niyang lulusubin
sila ng mga kaaway o mananakop nanlaban at napatay ni Tanagyaw ang mga mananakop.
Dahil dito ay ipinakasal ng datu ang kanyang anak kay Tanagyaw.

Di nagluwa’t ang bayan ni Agyu ay nanganib din sa mga mananakop na galing sa ibayong
dagat.  Ang mga lalaki, bata at matanda ay sinabihang lumaban ngunit sila’y natalo.
Hinulaan ng propeta ang malagim nilang wakas ngunit sinalungat at pinarusahan siya ni
Tanagyaw.  Nagbihis siya ng sampung suson makasiyam ang kapal at dinampot ang kanyang
sibat at kalasag na hindi nasisira.  Nilabanan niya ang mga mananakop sa dalampasigan.
Naghambalong ang mga patay, patung-patong, na parang bundok at burol.
Itinalaga ni Agyu ang bayan sa kanyang matagumpay na anak na nanirahan doon kasama ang
kanyang kaakit-akit na asawa.

You might also like