Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ika – 33 na Linggo sa Karaniwang Panahon

“MAPANAGUTANG ALIPIN”
Mateo 25: 14 – 30
Ika – 15 ng Nobyembre 2020

I. Panimulang Panalangin
II. Mabuting Balita

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad ang talinghagang ito: “Ang
paghahari ng Diyos ay maitutulad dito: May isang taong maglalakbay, kaya tinawag niya ang kanyang
mga alipin at ipinagkatiwala sa kanila ang kanyang ari-arian. Binigyan niya ng salapi ang bawat isa ayon
sa kanya-kanyang kakayahan: binigyan niya ang isa ng limanlibong piso, ang isa nama ay dalawanlibong
piso, at ang isa pa ay sanlibong piso. Pagkatapos, siya ay umalis. Humayo agad ang tumanggap ng P5,000
at ipinangalakal iyon. At nagtubo siya ng P5,000. Gayon din naman, ang tumanggap ng P2,000 ay
nagtubo ng P2,000. Ngunit ang tumanggap ng P1,000 ay humukay sa lupa at itinago ang salapi ng
kanyang Panginoon.

Pagkaraan ng mahabang panahon, bumalik ang panginoon ng mga aliping iyon at pinapagsulit
sila. Lumapit ang tumanggap ng P5,000. Wika niya: “Panginoon, heto po ang P5,000 na bigay ninyo sa
akin. Heto pa po ang P5,000 na tinubo ko.” Sinabi sa kanya ng panginoon, “Magaling! Tapat at mabuting
alipin! Yamang naging tapat ka sa kaunting halaga, pamamahalain kita sa malaking halaga. Makihati ka
sa aking kagalakan!” Lumapit din ang tumanggap ng P2,000, at ang sabi, “Panginoon, heto po ang
ibinigay ninyong P2,000. Heto naman po ang P2,000 tinubo ko.” Sinabi ng kanyang Panginoon,
“Magaling! Tapat at mabuting alipin! Naging tapat ka sa kaunting halaga, kaya pamamahalain kita sa
malaking halaga. Makihati ka sa aking kagalakan!” At lumapit naman ang tumanggap ng P1,000. “Alam
ko pong kayo ay mahigpit,” aniya. “Gumagapas kayo sa hindi ninyo tinamnan, at nag-aani sa hindi ninyo
hinasikan. Natakot po ako, kaya’t ibinaon ko sa lupa ang inyong salapi. Heto na po ang P1,000 ninyo.”
“Masama at tamad na alipin!” tugon ng kanyang Panginoon. “Alam mo palang gumagapas ako sa hindi
ko tinamnan at nagaani sa hindi ko hinasikan! Bakit hindi mo iyan inilagak sa bangko, di sana ay may
nakuha akong tubo ngayon? Kunin ninyo sa kanya ang P1,000 at ibigay sa may P10,000. Sapagkat ang
mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin
pa. Itapon ninyo sa kadiliman sa labas ang aliping walang kabuluhan. Doo’y tatangis siya at magngangalit
ang kanyang ngipin.”

Ang mabuting balita ng Panginoon


Tugon: Pinupuri ka naming Panginoong HesuKristo

Katahimikan

III. Pagpapalalim ng Ebanghelyo

Balangkas

 Pambungad: Hindi Piso kundi Talento


 Mateo 25: 14-15 Ang Pagbibigay ng Talento
 Mateo 25: 16-18 Ano ang ginawa sa Talento
 Mateo 25: 19 -23. Ang Gantimpala para sa Mabuting Alipin
 Mateo 25: 24-28 Ang Huling Alipin
 Mateo 25: 29-30 Ang Pagtatapos

Hindi Piso kundi Talento


Ang binigay ay 5, 2 at 1 “talento”. Ito ay sinalin bilang 5,000, 2,000 at 1,000 piso. Maaring hindi
ginamit sa pagsasalin ang “talento” para hindi tayo malito sa ibig sabihin ng “talento”. Kaya lang nang
ginawa nilang “piso” ang “talento” malaki ang Nawala sa “impact” ng gustong ituro sa atin ni Jesus. Ang
“talento” ay “timbang” ng salapi. Ang “talento” ay 3,000 shekels (ang ginagamit sa Israel). Ang isang
“talento” ay may katumbas na 6,000 denaryo. Ang isang denaryo ay katumbas ng isang araw na suweldo.
Kaya kung kwekwentahin natin kung magkano ay ipinagkatiwala sa mga alipin ay hindi lang 5,000, o
2,000 o 1,000 piso. Ang binigay ay 5 talento, 2, talento at 1 talento. Kung ang isang talento ay 6,000
denaryo at ang isang denaryo ay isang araw na sweldo, ipinagkatiwala sa huling alipin ay 4,200,000 piso.

Ang kailangan makita natin ay yung laki ng pagtitiwala na binigay sa mga alipin. Hindi lang libo
kundi milyon-milyon ang ipinagkaloob sa kanila. Ganito ang Diyos sa atin. Sobrang laki ng pagtitiwala
ng Diyos: ang buhay natin, ang ating mga pamilya, trabaho, mga mahal sa buhay. Lahat ng ito ay
ipinagkatiwala sa atin ng Diyos.

Mateo 25: 14-15 Ang Pagbibigay ng Talento

Tiwala ng Panginoon sa kanyang alipin Una, nagtiwala sa siya sa kakayahan ng bawat isa.
Hindi pare-pareho kundi batay sa kakayahan ng bawat. Pangalawa, nagtiwala rin siya kung ano ang
plano nila sa “talento”. Hindi siya nagdirekta kung ano ang dapat nilang gawin. Hinayaan niya silang
mag-isip. Pangatlo, pinakita niya ang higit na pagtitiwala nang iniwanan na ang mga alipin. Sila na
ang bahala.

Mateo 25: 16-18 Ano ang ginawa sa Talento

Una, “HUMAYO AGAD.” Makikita natin ang pagpupursige ng una at pangalawang alipin sa
ipinagkatiwala sa kanila ng panginoon. Gumawa sila ng paraan para mapagyaman nila. Pangalawa,
HUMUKAY AT ITINAGO. Ito ang ginawa ng huling alipin. Wala siyang ginawa. Pangatlo, ano ang
kanilang pinagkaiba? Yung dalawang alipin ay lumakas ang loob sapagkat nakita nila ang tiwalang
ibinigay sa kanila. Yung huli ay natakot siya sa responsibilidad na binigay sa kanya.
Ang gusto ipakita sa atin ng talinghaga ay dapat na lakasan natin ang ating loob, huwag
matakot makipagsapalaran, at tanggapin ang challenge. Ang pagkakataon na nasa atin ngayon ay
pagkakataon para mas lumago at maging mabunga. Yung huling alipin ay nabuhay sa takot. Maaring
natatakot siyang mabigo. Natatakot na madismaya sa kanya ang nagtiwala sa kanya. At dahil dito ay
itinago niya ang ipinagkaloob sa kanya.

Mateo 25: 19 -23. Ang Gantimpala para sa Mabuting Alipin

Una, accountability. Mayroon pananagutan ang mga alipin na iulat kung ano ang ginawa nila
sa “talento”. Hindi dapat malimutan.
Pangalawa, “Magaling! Tapat at mabuting alipin.” Sa pagsasabi nito, ipinakita na
pinahahalagahan talaga ng panginoon ang ginawa ng kanyang mga alipin. Ang marinig ang mga
salitang ito mula sa kanilang panginoon ay napakahalaga.
Pangatlo, ang gantimpala sa kanila ay higit na responsibilidad. Siguro sa laki ng kanilang
nagawa ay maari nating isipin ay maari na silang huminto sa pagiging alipin. Maari na silang mag-
retire. Pero hindi ganoon ang nangyari, ang paglilingkod ay “walang retirement”—tuloy-tuloy na
pagsunod sa Diyos.
Pang-apat, “Makihati sa aking kagalakan.” Ang paglilingkod ay pakikihati sa kagalakan ng
Diyos. Kaya ang taong naglilingkod, hindi siya “bitter”. Hindi niya binibilang ang kanyang
ginagawa. Hindi niya nilalagyan ng presyo ang kanyang galing. Ang naglilingkod ay nabubuhay sa
kaligayahan.

Mateo 25: 24-28 Ang Huling Alipin

Ibang-iba ang pagkakilala ng huling alipin sa panginoon. Ang lahat ng sinabi niya ay
kabaligtaran ng mga ipinakita ng lalaki sa dalawang alipin.

Ano ang ibig sabihin? Wala siyang pagmamahal sa kanyang panginoon. Ang iniisip niya
lamang ay ang kanyang sarili. Maaring siya ay takot o maaring siya ay tamad. Ang malinaw ay wala
siyang malasakit sa kanyang Panginoon.

Mateo 25: 29-30 Ang Pagtatapos

Yung huling alipin ang nais niya ay iligtas ang kanyang sarili. Ang masaklap ay kabaligtaran
ang nangyari. Napahamak siya. Kinuha ang nasa kanya at siya ay itinapon sa kadiliman.

IV. Pagninilay

Una, malaki ang tiwala ng Diyos. Malaki ang tiwala ang Diyos sa atin. Binigyan tayo ng buhay,
pamilya, at ikabubuhay. Ipinagkaloob sa atin ang mga mahal sa buhay at mga kaibigan. Ipinagkaloob sa
atin ang maraming pagkakataon. Bawat araw at bawat bukas ay pinakikita sa atin ang tiwala ng Diyos.
Kahit ilang beses natin masira natin ang tiwala ng Diyos, buo pa rin ang tiwala ng Diyos sa atin.
Pangalawa, lakas ng loob kaysa takot. Ang tiwala ng Diyos ang nagbibigay sa atin ng lakas ng
loob. Hindi tayo dapat matakot makipagsapalaran. Ito ang pagkakataon natin para lumago at maging
mabunga. Hindi tayo dapat matakot sa responsibilidad. Maaring natatakot tayong mabigo. Ito ay
nangyayari sapagkat hindi tayo nakatingin sa Diyos kundi nakatingin tayo sa ating kakayanan. Kung
nagtiwala ang Diyos sa atin, magtiwala tayo sa ating sarili.

V. Mga tanong sa Pagninilay at Bahaginan (Maaaring pumili ng isang tanong para sa


pagbabahagi)

1. Marami ang ipinagkatiwala sa atin ang Diyos. Ano ang pinakamahalaga para sayo? Bakit ito
ang tinuturing mong pinakamahalaga?
2. Paano nating iingatan ang tiwala ng Diyos sa atin?
3. Ang gantimpala ay higit na paglilingkod. Ang paglilingkod ay hindi humihinto. Paano mo
nakikita ang paglilingkod mo ngayon pandemia?
4. Ang paglilingkod ay puno ng kagalakan. Ano ang mga nagbibigay sayo ng kagalakan sa
paglilingkod?tayong liwanag para sa iba pa nating kapatid na patuloy na pinipili ang
pamumuhay sa kadiliman?

VI. Pagbubuod:
Ang bawat kaloob na tinanggap natin sa Diyos ay dapat gamitin para sa ikauunlad ng buong
simbahan kaya’t dapat na gamitin ang mga ito tungo sa paglilingkod. At dahil lahat naman tayo ay
tumanggap ng kaloob, lahat tayo ay may pananagutan upang maglingkod sa anumang paraan. Ang
paggamit sa mga kaloob na ito ay isang paraan upang kalugdan tayo ng Diyos kaya’t marapat lamang na
gamitin at linangin natin ang mga ito.

VII. Pagsasagawa:

1 1. Huwag itago o sarilinin ang mga kaloob na bigay sa atin ng Diyos; bagkus ay gamitin natin at
linangin ang mga ito.
2. Ingatang hindi magamit ang mga kaloob mula sa Diyos upang makapinsala sa kapwa kundi para
makapaglingkod.

Namumuno: Tayo po ay mag-alay ng sandaling katahimikan upang balikan ang ating mga narinig o
naibahagi ng bawat isa; ang mga inspirasyon, hamon o paanyaya ng Diyos. Bilang isang
komunidad na pinangungunahan ni Hesus, idulog natin sa Panginoon ang panalangin at
pangangailangan ng bawat isa upang tayong lahat ay maging mabuting Kristiyano. Sama sama
natin dasalin ang panalangin na itinuro sa atin ni Hesus

VIII. Ama Namin


IX. Pangwakas na Awit:

You might also like