Filipino Modyul Blg.6 PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 30

2

FILIPINO
Unang Markahan – Modyul 6
Pagpapayaman ng Talasalitaan sa
Pamamagitan ng Paghanap ng Maikling
Salitang Matatagpuan sa Loob ng Isang
Mahabang Salita at Bagong Salita Mula sa
Salitang-ugat
Filipino- Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6:
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na
ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang pate ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Elizabeth R. Quilling
Editor:
Tagasuri: Rodolfo F. De Jesus, Brian Spencer B. Reyes
Tagaguhit: Leilanie S. Yutiampo
Tagalapat: Brian Spencer Reyes,
Tagapamahala: JENILYN ROSE B. CORPUZ, CESO VI, Tagapamanihala
FREDIE V. AVENDAÑO, Pangalawang Tagapamanihala
JUAN C. OBIERNA, Puno, CID
HEIDEE F. FERRER, Tagamasid Pansangay – LRMS
RODOLFO F. DE JESUS, Tagamasid Pansangay – FILIPINO

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lunsod Quezon


Kagawaran ng Edukasyon, Pambansang Punong Rehiyon
Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City

Telefax: 3456-0343

E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com


2
FILIPINO
Unang Markahan – Modyul 6

Napagyayaman ang Talasalitaan sa


Pamamagitan ng Paghanap ng Maikling
Salitang Matatagpuan sa Loob ng
Isang Mahabang Salita at Bagong
Salita Mula sa Salitang-ugat
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino at Ikalawang
Baitang) ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa
Araling 6 -Pagpapayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng
paghanap ng maikling salitang matatagpuan sa loob ng isang
mahabang salita at bagong salita mula sa salitang-ugat.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ang mga paraan na ginagamit sa pagtuturo at


pagkatuto ay ang iba’t ibang mga estratehiya
gamit ang mga katotohanang tula na may aral
na humuhubog sa mga mag-aaral Mga gawain
na sumusukat sa antas ng kanilang pagkatuto.
Ito ay natatamo sa paggabay ng guro.

ii
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng
paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin
ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino at Ikalawang
Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol
sa Pagpapayaman ang talasalitaan sa pamamagitan
ng paghanap ng maikling salitang matatagpuan sa loob
ng isang mahabang salita at bagong salita mula sa
salitang-ugat.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa
iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.

iii
Alamin Sa bahaging ito, malalaman
mo ang mga dapat mong
matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita


natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o
balik-aral upang matulungan
kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain
o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka
ng maikling pagtalakay sa
aralin. Layunin nitong
matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iv
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing
para sa mapatnubay at
malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto
ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga
katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng
gawaing makatutulong sa iyo
upang maisalin ang bagong
kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na
naglalayong matasa o
masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

v
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay
Gawain sa iyong panibagong gawain
upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga
Pagwawasto tamang sagot sa lahat ng
mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng
modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit


ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag
lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago
lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang
bawat pagsasanay.

vi
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa
pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa
iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o
tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga
gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vii
Alamin

Magandang araw mahal kong mag-aaral sa


ikalawang baitang. Inihanda ko ang modyul na ito
bilang isang regalo para saiyo dahil alam kong
napakarami mo pang nais matutuhan.
Sadyang binuo ang mga gawain at
pagsasanay rito upang maging makabuluhan,
kawili-wili at napapanahon sa iyong pag-aaral.
Inaasahan kong pahalagahan mo ito upang lalong
mapaunlad ang iyong kasanayan at kaalaman .
Sa pagsagot at pagsasagawa ng mga
gawain sa araling ito, iyong nararapat na
matatamo ang layuning; napagyayaman ang
talasalitaan sa pamamagitan ng paghanap ng
maikling salitang matatagpuan sa loob ng isang
mahabang salita at bagong salita mula sa salitang-
ugat.

1
Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha
mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul. Tara na!
Subukan mo na!

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Alin sa mga


sumusunod ang mabubuong salita mula sa pangalan
ng nakalarawang bagay.

paaralan
1.

a. ipa b. paa c. upa d. upuan

simbahan
2.

a. baha b. bao c. laba d. taba

2
ospital
3.

a. itak b. oso c. piso d. tabo

palengke

4.

a. ale b. keso c. keyk d. tapa

palaruan
5.

a. laro b. pala c. relo d. tasa

3
Napagyayaman ang talasalitaan sa
pamamagitan ng paghanap ng
Aralin maikling salitang matatagpuan sa loob
6 ng isang mahabang salita at bagong
salita mula sa salitang-ugat

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon tungkol
sa pagsunod sa nakasulat na panutong may 2-3
at 3-4 na hakbang. Balikan mo na !

Panuto: Basahin at sundin ang isinasaad sa panuto.

1. Gumuhit ng isang puno.


2. Isulat sa mga dahon ng puno ang pangalan ng
miyembro ng iyong pamilya.
3. Sa ibaba ng puno , gumuhit ng isang parisukat.
4. Sa loob nito , isulat ang salitang pamilya.
5. Bumuo ng isang maikling salita mula sa salitang
pamilya. Isulat ang nabuong salita sa tapat ng
pangalan ng miyembro.

4
Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala ko sa iyo sa pamamagitan ng tula na
pinamagatang “Pasasalamat sa mga Frontliners”.
Tuklasin mo na!

Panuto: Basahin nang malakas ang tula para sa


mga fronliners. Pagkatapos , sagutin ang mga tanong
tungkol sa tula.

Pasasalamat sa Frontliners
ni: Elizabeth R. Quilling

Pasasalamat sigaw para sa mga fronliners


Pulis , doktor, nars at mga simpleng manggagawa
Pag-asa’y ipinadama sa panahon ng pandemya.

Pasasalamat sa mga fronliners kulang na kulang


Panalanging taimtim tunay na kailangan nila
Pagmamalasakit at tapang sa ati’y ipinakita.

Pamilya’y isinakripisyo, atensyon sa ati’y ibinuhos


Pangangailangan nati’y matugunan nang lubos
Parangal sa kanila’y nararapat na ipagkaloob.

5
Mga Tanong:
1. Ano ang pamagat ng tula?

a. Pasasalamat sa mga dyanitor

b. Pasasalamat sa mga doktor at nars

c. Pasasalamat sa mga Fronliners

d. Pasasalamat sa mga pulis

2. Sino-sino ang mga frontliners?

a. pulis b. nars

c. doktor d. lahat ng nabanggit

3. Dapat ba nating isama sa ating panalangin ang


mga frontliners? Bakit?
_______________________________________________

4. Nararapat bang ipagmalaki natin ang mga


fronliners? Bakit?
_______________________________________________

5. Bilang isang mag-aaral sa ikalawang baitang, paano


mo pasasalamatan ang mga frontliners?

_____________________________________________

6
Suriin
Layunin ng seksyong ito na matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan sa pagpapayaman ng talasalitaan.
Suriin na natin!

Surrin natin ang salitang may salungguhit sa tulang


binasa. Bumuo tayo ng maikling salitang nakapaloob
sa mahabang salita at bagong salita mula sa
salitang-ugat.
Mahabang salita

pasasalamat

Maikling nabuong salita mula sa salitang pasa.


asa, apa,paa
Ang nabuong salita mula sa salitang
pasa ay ang mga sumusunod; asa,
apa, paa.

Salitang- ugat Bagong salitang nabuo


mula sa salitang salamat
salamat sala, ama. mata, masa,

lasa, lata, alamat alamat

7
Salamat ang salitang-ugat ng salitang
pasasalamat. Ang nabuong bagong salita mula
sa salitang-ugat na salamat ay ang mga
sumusunod; sala,ama, mata, masa, lasa, lata ,
alamat.

pamilya

ama aya apa


mapa laya

Basahin nang malakas ang mga salitang nabuo


mula sa salitang pamilya.

8
Ano ang
Ano ang salitang-
talasalitaan?
ugat? Ang salitang
Ito ay ang
ugat o root word sa
tinatawag na
wikang Ingles ay
bokabularyo o
pangunahing salita.
vocabulary sa
Ito ay walang unlapi,
Ingles.
gitlapi at hulapi.
Napagyayaman
ang talasalitaan sa Halimbawa:
pamamagitan ng Ang salitang –ugat
paghanap ng ng ng salitang
maikling salitang ibinuhos ay buhos.
matatagpuan sa
loob ng isang
mahabang salita at
bagong salita mula
sa salitang-ugat.

9
Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Payamanin mo na ang iyong
kaalaman!

Panuto: Hanapin ang mga salitang nakapaloob sa


pangalan ng nakalawan. Isulat ang iyong sagot sa
loob ng biluhaba.

Gawain 1

punongkahoy

10
Gawain 2

Ano ang salitang –ugat ng sumasayaw?


Isulat sa kahon ang iyong sagot.

Bumuo ng bagong salita mula sa isinulat mong


salitang-ugat? Isulat ang iyong sagot sa kahon.

11
Isaisip

Binubuo ito ng talata upang maproseso kung


anong natutuhan mo mula sa aralin. Isaisip mo na !

Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot upang


mabuo ang konsepto ng iyong natutuhan sa aralin.

Napapayaman ko ang
aking talasalitaan sa
pamamagitan ng pagbuo
ko ng _____________________
( kasalungat ng luma ) salita
mula sa salitang-ugat at
___________________________
( kasingkahulugan ng
maikli) salita mula sa
mahabang salita.

12
Ang mga salitang
___________,__________,
___________, _________
at___________ ang
mabubuo ko mula sa
salitang parangal.

Isagawa
Ito ay
Ang bahaging ito ay naglalaman ng gawaing
makakatulong sa iyo upang naisalin ang bagong
Panuto: Hanapin sa salitang panalangin ang taong
kaalaman sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay. Isagawa mo na !

mahalaga saiyo. Sumulat ng maikling


panalangin para sa kanya.

13
Panalangin para kay
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

Tayahin

Ang bahaging ito naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi. Simulan mo na !

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang


iyong sagot sa iyong sagutang papel.

14
1. Maraming tao ang nawalan ng trabaho.
Ano ang salitang-ugat ng salitang may salungguhit?

a. awa
b. lawa
c. nawa
d. wala

2. Likas sa mga Pilipino ang pagiging mapagbigay. Ano


ang mabubuong salita sa salitang mapagbigay?

a. bigas
b. mapa
c. pipa
d. sapa

3. Sa panahon ng pandemya ipinakita pa rin ng mga


Pilipino ang bayanihan.
Ang mga sumusunod na salita ay mabubuo sa
salitang bayanihan maliban sa isa. Ano ito?

a. aya
b. ani
c. anihan
d. amihan

15
4. Natakot ang mga tao sa Covid 19. Ano ang
mabubuo sa salitang natakot?

a. ako
b. kami
c. tayo
d. sila

5. Hindi nawalan ng pag-asa ang mga mamamayan.


Ang mga sumusunod ay mabubuo sa salitang
mamamayan maliban sa isa. Ano ito?

a. mama
b. kama
c. maya
d. aya

16
Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin. Gawin mo na !

Panuto: Hanapin sa palaisipan ang pangalan ng


nakalarawang bagay. Bilugan mo ang iyong
sagot. Pagkatapos bumuo ng bagong salita mula
sa binilugan mong mga salita at pumili ng limang
salitang gagamitin sa pangungusap.

g a t o s O s
w k j u a D a
q l k y p L b
t a p t a N o
y t d r t H n
u d r z o B c
g a T a s E z

17
Halimbawa:

1. ( Nabilugang salita sa palaisipan) lapis

( Bagong salita mula sa salitang lapis) pila


( Pangungusap )Tuwid ang pila ng mga bata.

2 ( Nabilugang salita sa palaisipan)


( Bagong salita mula sa binilugang salita )
( Pangungusap )___________________________

3( Nabilugang salita sa palaisipan)___________

( Bagong salita mula sa binilugang salita ) ________

( Pangungusap )_________________________________

4( Nabilugang salita sa palaisipan)___________

( Bagong salita mula sa binilugang salita ) ________

( Pangungusap )__________________________

5( Nabilugang salita sa palaisipan)___________

( Bagong salita mula sa binilugang salita ) ________

( Pangungusap )___________________________

18
19
Tuklasin Isaisip Balikan
1. C bago
2. D
( kasalungat ng
3. Iba-iba ang mga
bata depende sa luma)
kanilang maiksi
karanasan ( kasingkahulugan
4. Iba-iba ang mga ng maiksi )
bata depende sa Mabubuong salita
kanilang
sa salitang
karanasan
5. Iba-iba ang mga parangal
bata depende sa -para, aral, gala,
kanilang gana, pala
karanasan
Subukin Pagyamanin Tayahin
1. B Gawain 1 1. D
2. A 1. puno 2. B
3. C 2. uno 3. D
3. unan
4. A 4. A
4. kahoy
5. B 5. kahon 5. B
6. noo
Gawain 2
Salitang-ugat sayaw
1. saya
2. asa
3. aya
4. ayaw
5. sawa
Susi ng Pagwawasto
Sanggunian

Pluma 3, Ikalawang Edisyon


Alma M. Dayag

Google

20

You might also like