Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Summative Test in Mother Tongue ( First Quarter )– Grade 1

A. Isulat ang letra ng tamang sagot para sa kahulugan ng bawat salita


sa kaliwa.

1. pinaandar
a. pinahinto
b. pinasara
c. pinatakbo

2. babangon
a. tatayo mula sa pagkakaupo
b. tatayo mula sa pagkakahiga
c. tatayo mula sa paglalaro

3. nagpapatuka
a. nagpapaligo ng manok o ibon
b. nagpapalipad ng manok o ibon
c. nagpapakain ng manok o ibon

4. abala
a. walang ginagawa
b. maraming ginagawa
c. ayaw gumawa

5. tagubilin
a. parusa
b. pakilala
c. paalala

6. huwaran
a. mabuting gayahin
b. malayong puntahan
c. mahirap gawin
7. ikinagagalak
a. natutuwa
b. nagagalit
c. nalulungkot

8. taong gulang
a. tirahan
b. edad
c. pangalan

9. tumilaok
a. tunog na nalilikha ng manok
b. tunog na nalilikha ng aso
c. tunog na nalilikha ng baboy

10. kuwarto
a. tindahan
b. silid
c. daan

B. Piliin ang tunog ng bagay sa bawat bilang.

1. baboy
2. pusa
3. kampanilya
4. telepono
5. pito
6. aso
Kriing!
Prrrrt!
Teng! Teng!
Aw! Aw!
Oink! Oink!
Ngiyaw!
C. Iguhit ang tsek (√) sa guhit kung magkatugma ang pares ng mga
salita at ekis (X) kung hindi.

1. pinto – bintana - _______


2. kamay – kulay - _______
3. kamote – bulate - _______
4. tabo – timba - ________
5. mesa – tasa - ________

D. Isulat ang bilang ng angkop na magalang na pananalitang dapat sabihin sa bawat sitwasyon.

a. Nakalimutan mo ang iyong lapis sa bahay ninyo. Gagamitin ninyo ito. Ano ang sasabihin mo sa
iyong kaklase?
b. Nakatanggap ka ng dagdag na baong pera mula kay Lolo Ben, ano ang sasabihin mo?
c. Bumisita kayo sa bahay ng iyong Tiya Cora isang gabi, ano ang sasabihin mo?
d. Nagpasalamat ang iyong kuya dahil pinahiram mo siya ng iyong laruan, ano ang sasabihin mo?
1. Magandang gabi po.
2. Maraming salamat po.
3. Walang anuman.
4. Umalis ka diyan.
5. Maaari ba akong makahiram ng lapis mo?

You might also like