Yunit I PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Mga Layunin:

1. Natatalakay ang kasaysayan ng Istruktura at


Gramatikong Filipino sa iba’t ibang panahon.

2. Naiisa-isang tukuyin ang mga pangyayaring


naganap sa bawat panahon.
Istruktura ng Wikang Filipino
Yunit I

Ayon sa kasaysayan, ang Kastila ang unangt sumakup sa Pilipinas. Dahil sa layunin
nilang maipalaganap ang Keistiyanismo sa ating bansa, ninais nilang sa halip na ituro ang
wikang kastila sa mga katutubo, sila na ang nagsagawa ng pag-aaral at natutuo sa wika ng
mga katutubo.

Ang Doctrina Cristiana sa wikangtagalong (1593) ang naging unang publikasyon.

Ang mga Dominican na itinalaga sa Pangasinan at Cagayan ay nagkaoon ng sariling


imprenta noong 1593.

Ang mga Franciscan sa Camarines ay nagkaroon ng imprenta noong 1606.

. Ang mga Heswita na nasa kalahati ng Bisaya ay nagtatag noong 1610.

Ang mga Agustinian na nasa kalahati rin ng mga Bisaya, Ilocos at Pampanga ay
nagkaroon naman ng imprenta noon 1618. Ang ilan sa mga sinagawa ng mga Kastila
tungkol sa wikang Tagalog:

1. Arte y Reglas de la Lengua tagalaI (1560 - 1614) Francesco Blancas de san Jose,
nilimbag ito ni Tomas Pinpin, gumamit ang edisyong ito ng katutubong baybayin.

2. Conpendio de la Arte di la Lengua Tagala ni Francisco Blancas de San Jose

3. Arte de la Lengua Tgala ni Agustin de la Magdaler, binubuo ito ng 75 pahina

4. Compendio del Arte de la Lengua Tagala (1650 - 1724) Gaspar de san Agustin,
binubuo ng 54 pahina

5. Arte y Reglas de la Lengua Tagala (1668 – 1742) ni Tomas Ortiz, binubuo ng 136
pahina, ayon ky Tavera (1903) matatagpuan ang isang kopya si Biblioteca sa
Londres.

6. Arte de la Lengua Tagala (1745) ni Sebastian de Totenes

7. Gramatica de la Lengua Tagala (1850) na binubuo ng 17 * pahina

8. Nueva Gramatica Tagalog (1872) ni Joaquin de Coria

9. Lecciones de Gramatica Hispano – tagalong (1841 – 1904) Jose Hevia


Compomanes

10. Ensayo de Gramatica Hispano – tagala (1878) ni Toribo Minguella

CTT2020
2
Istruktura ng Wikang Filipino
Yunit I

Nagsimula ang siyentipikong pag-aaral ng wika sa panahon ng mga Amerikano. Sa


panahong ito, nagkaroon ng istraktura ang pagsusuri ng mga wika.

Ang ilan sa mga isinagawang pag-aaral ng mga dayuhang linggwista;

Herman Costenoble – gumawa ng anim na artikulo tungkol sa mga salitang-ugat na


binubuo ng isang pantig lamang.

Otto Scheerer – nagsulan simula noong 1909 hanggang 1932 ng mga aklat at
babasahin tungkol sa mga wika sa hilangang Luzon.

Morice Vanoverbergh – sumulat ng gramatika at diksyonaryo ng Iloko, at mga


etnograpiyang pag-aaral ng mga Isneg at Kankanay.

Carlos Everett Conant – may sampung pag-aaral na ginawa tungkol sa mga wika sa
Pilipinas mula 1908 – 1916.

Frank Blanke – nmay 15 artikulo tungkol sa mga wika ng Pilipinas mula 1911
hanggang 1950. Tinagurian siyang may pinakamahalagang kontribusyon sa linggwistika
sa Pilipinas.

John U. Wolff – gumawa ng pag-aaral tungkol sa morpolohiya at sintaksng Cebuano


at mga pedagodikal na libro.

David Zore – gumagawa ng klasipikoasyon sa wikang Bisaya at gumawa ng


rekonsttruksyon sa mga ito.

Ilan sa mga nagsagawa ng pag-aaral:

Cecilio Lopez – Siya ang kauna-unahang nakapagtapos ng Doktorado sa larangan ng


linggwistika kaya tinaguriang siyang “Ama ng linggwistika sa Pilipinas”.

Ernesto Constantino – May 11 artikulong isinulat mula 1959 – 1970

Consuelo J. Paz – Sumulat siya ng deskripsyon at ebalwasyon sa mga naunang mga


pag-aaral ng wika sa Pilipinas.

CTT2020
3
Istruktura ng Wikang Filipino
Yunit I

Fe Ortanes – Naging katuwang siya ni Paul Schacter sa pagsulat ng gramatika ng


wikang tagalong (1972)

Teodoro Llamzon – Gumawa ng pag-aaral sa ponolohiya at sintaks ng tagalog.

Ang mga Gramatikang Tagalog/Pilipino (1893-1977) ay isang mahalagang aklat


na isinulat ni Lydia Gonzales-Garcia hinggil sa usapin ng gramatika.

A. Mga Pag-aaral na Molde sa Wikang Kastila

Tinukoy dito ang mga pag-aaral na isinagawa ng mga Pilipino na ang ginawang
basihan sa pag-aaral ay ang Kastila.

B. Mga Tagapanguna sa Pananaw Pilipino

Pinili ni Gonzales sina Mamerto Paglinwan sa kanyang Balarilang Tagalog at


Ignacio
Evangelista sa kanyang Baralilang Pilipino.

C. Gramatikang Pang-edukasyon

Sinisikap ni Gonzales na suriiin ang mga gramatikang ginagamit sa pagtuturo sa


mga paaralan. Dahil naging pormal na ang pagtuturo ng wika sa mga paaralan, may mga
aklat panggramatika at isinulat ng mga Pilipino at tinangkang suriin.

D. Kontemporaryong Gramatika

Ito ang mga makabagong gramatika na tinangkang gawin ng mga


kontemporaryongh awtor at mga mananaliksik sa wika dahil naging laganap na ang
linggwistika sa Pilipinas.

CTT2020
4

You might also like