Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

7

Filipino
Kwarter 1 – Modyul 10:
Proyektong Panturismo
Filipino – Baitang 7
Kwarter 1 – Modyul 10: Proyektong Panturismo

Isinasaad ng Batas Republika 8293, sekyon 176 na “Walang aangkin ng karapatang-


ari ng anumang akda na gawa ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
gagamitin upang pagkakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang karapatang-ari ng mga hiniram na kagamitan (tulad ng awit, kuwento, tula,


larawan, ngalan ng produkto, tatak atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay taglay ng may-akda
at ng tagapaglathala nito. Ginawa ang lahat ng paraan upang mahanap at makuha ang
pahintulot ng nagmamay-ari na magamit ang mga nabanggit na kagamitan. Hindi kinakatawan
maging inaangkin ng tagapaglathala at ng mga may-akda ang karapatang-ari sa mga ito.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Analiza P. Astillero
Tagaguhit: Jotham D. Balonzo
Tagalapat: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo; Brian Navarro
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong kinakaharap
sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na ito sa patuloy
na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa pakikipagtulungan ng mga
magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-pakinabang
ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag-
aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano gagamitin
at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat bahagi
at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na ito,
ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa kaukulang
tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo.
Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang mga
gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-alala,
kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa ka
habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
(Proyektong Panturismo)

Panimula:
Magandang araw!
Kumusta ka?
Mabuti naman at maayos ang iyong kalagayan!
Sabik ka na ba sa bago nating aralin?
Halika! umpisahan na natin.
Sa gawaing ito,inaasahang mapaglalim ang iyong pag-unawa at
pagpapahalaga hindi lang sa pisikal na yaman at ganda ng Mindanao kundi
gayundin sa taglay nitong makulay at mayamang kutura at tradisyon sa
pamamagitan ng proyektong panturismo.
O, ano kayang-kaya ba?

Sa modyul na ito, inaasahan na nasusuri


mo ang ginamit na datos sa pananaliksik
sa isang proyektong panturismo
(halimbawa: pagsusuri sa isang promo
coupon o brochure) at
naipaliliwanag ang mga salitang ginamit
sa paggawa ng proyektong panturismo
(halimbawa ang paggamit ng acronym sa
promosyon)

Layunin

1
Sa pagkakataong ito,
patunayang “It’s More Fun in the
Philippines o sabihin nating “It’s more
fun in Mindanao sa pagpapalaganap ng
turismo.

B.Basahin Natin

Ayon sa ibinigay na kahulugan ng World Tourism


Organization (isang organisasyon ng mga Nagkakaisang
Bansa), ang turismo ay maaaring bigyang-kahulugan bilang
isang hakbang ng paglalakbay para sa layuning panlibangan.
Tinatawag ding turista ang sinumang naglalakbay ng 50 milya
(80.5 kilometro) na layo mula sa kaniyang tirahan.

Mahalaga ang turismo sa ekonomiya ng isang bansa.


Bukod sa pagkakataong magkaroon ng hanapbuhay ang mga
taong naninirahan sa isang lugar ay mahalaga rin ang salaping
ipinapasok ng mga turista sa bansa.

Dahil sa kahalagahan ng turismo sa ekonomiya ng


isang bansa, ginugugulan ito ng pamahalaan ng napakalaking
halaga para sa mga advertisement na may layuning iparating sa
ibang bansa ang natatanging kaugalian, paniniwala, at
tradisyon na dahilan upang dayuhin ang bansa at mga lugar
dito. Gumagamit ng flyers, brochures, patalastas sa telebisyon
at radyo upang maipakilala ang Mindanao pati na ang kultura
nito.

Sa nakaraang patimpalak ng Asia’s Got Talent 2015,


nagwagi ng Unang Gantimpala ang El Gamma Penumbra dahil
sa kakaibang talento nila – ang shadow dance. Kinilala sila sa
pagpapalaganap ng turismo sa ating bansa gamit ang
kakaibang talento. Masasabing ang kultural na pagtatanghal ng
sayaw, awit, dula, at iba pa ay maaaring gamitin din sa
pagpapalaganap ng turismo.

2
Ano ba ang alam mo na sa ating
aralin, subukin mo nga?

Panimulang Pagsubok

Panuto: Mula sa binasa, piliin sa Hanay B ang pahayag na


Tumutukoy sa mga salita sa Hanay A. Titik lamang ang
isulat sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
______1. World Tourism Organization a. Kinilala sila sa
______2. Turismo pagpapalaganap ng turismo
______3. Turista sa ating bansa gamit ang
______4. El Gamma Penumbra kakaibang talento.
______5. Shadow Dance b. isang organisasyon ng mga
Nagkakaisang Bansa
c. ang sinumang naglalakbay
ng 50 milya (80.5 kilometro)
na layo mula sa kaniyang
tirahan.
d. kakaibang talento sa
pagpapalaganap ng turismo
e. layuning iparating sa ibang
bansa ang natatanging
kultura nito.
f. isang hakbang ng
paglalakbay para sa
layuning panlibangan.

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 18 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

3
O, diba kayang-kaya mong tukuyin
ang mahahalagang detalye tungkol
sa turismo.

Halika, may inihanda pa akong


babasahin para sa iyo.
(Iakma sa araling tinatalakay)

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Basahin mo
Ang kasunod na mga larawan ay ilang halimbawa ng mga bagay

na ginagamit sa panghihikayat ng mga turista para dumayo rito sa

Pilipinas.

4
Ang telebisyon at radyo - ay mga uri ng midya o daluyan ng mga
impormasyon at komunikasyon na nagpapakita ng mga gumagalaw na
larawan at mga tunog na naglalakbay sa ere.

Ang telebisyon - ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa


kasalukuyan dahil sa dami ng mga mamamayang naaabot nito. Ang
mabuting epekto ng paglaganap ng cable o satellite connection para marating
ang malalayong pulo at ibang bansa.

Ang cellphone o sa tagalog ay teleponong selular- ay teleponong walang


kawad. Ito ay isang uri ng gadget na gumagamit ng mga cell site para sa
pakikipagtalastasan.Maliban sa pantawag ginagamit din ito sa text
messaging, paggamit ng internet at iba pa.

Ang pahayagan, diyaryo, o peryodiko- ay isang uri ng paglilimbag na


naglalaman ng balita, impormasyon at patalastas, kadalasang na imprenta
sa mababang halaga. Ito ay maaaring pangkalahatan o may espesyal na
interes, at kadalasan itong inilalathala ng araw-araw o lingguhan.

Ang tablet - ay gaya ng isang napakalaking smartphone, na may malaking


iskrin at kakayahang magpatakbo ng apps. Parang kompyuter din ito, pero
sa halip na kontrolado ng isang mouse at keyboard, makokontrol mo ito sa
pamamagitan ng pagsalat ng mga bagay sa iskrin.

5
Ang mga nabanggit na bagay ay mabisang kagamitan para
maipakilala ang isang lugar panturismo.

Ipagpatuloy mo ang
pagbasa at sagutin ang mga
tanong.

Isa pang mabisang paraan upang maipakilala ang isang


lugar at mga pisikal na katangian nito ay sa pamamagitan ng mga
proyektong panturismo gaya ng travel brochure.

Ang travel brochure - ay isang lathalain na nagbibigay


impormasyon tungkol sa mga atraksyon ng isang lugar na may
kasamang larawan.

Naglalaman din ito ng mahahalagang impormasyon na kailangan


ng isang turista, halimbawa: mga hotel, mga numero (gobyerno)
at wika sa lugar na iyon.Ito ay karaniwang ginagamit din bilang
pang- advertise ng iba't ibang travel agency.

Napakahalaga ng nilalaman ng travel brochure dahil ito ang


aakit sa mga turista upang ang lugar ay pasyalan. Napakahalaga
ring suriin ang mga datos na nasaliksik upang umangkop sa uri ng
turista na nais maabot ng proyekto.

6
7
8
Halimbawa ng travel brochure ng Mindanao

9
10
Ipagpatuloy mo.

__________________________
Ano ang kaugnayan ng
maaaring
turismo sa ___________________________
advertisement __________________________

Bakit mahalaga ang


nilalamaan ng isang
travel brochure?

____________________________
_________________________
Bakit mahalagang suriin
ang mga datos na
nasaliksik?
__________________________________________
_________________________________________
_________________________________________

Yehey! Alam mo na ang tungkol sa proyektong


panturismo, ang mga datos at kagamitang
kakailanganin para sa epektibo at
makatotohanang travel brochure.

11
Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

Simulan mo na ang iba’t ibang


gawain.

___________________________________ Pagsasanay 1
Panuto: Sagutin ang mga tanong
mula sa mga impormasyong nabasa
tungkol proyektong panturismo. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_____ 1. Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit napakahalaga ng turismo


sa ekonomiya ng bansa, maliban sa isa …
a. Pumapasok ng salapi ang mga turista
b. Nagbibigay ng hanapbuhay sa mga local na mamamayan
c. Ginagastusan ng malaking halaga sa advertisement
d. Nagtataguyod ng pagkakaisa ng mga bansa
_____ 2. Alin ang hindi saklaw ng print media
a. Diyaryo
b. Telebisyon
c. Magazine
d. Brochure

_____ 3. Ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media dahil sa


mabuting epekto ng paglaganap ng cable o satellite connection.
a. Radio c. telebisyon
b. Cellphone d. tablet
_____ 4. Isang lathalain na nagbibigay impormasyon tungkol sa mga
atraksyon ng isang lugar na may kasamang mga larawan.
a. Travel brochure c. magazine
b. Diyaryo d. radio

12
_____ 5. Mahahalagang impormasyon sa travel brochure na kailangan ng
isang turista maliban sa …
a. Mga hotel c. mga numero (gobyerno)
b. Mga trabaho d. mga wika sa lugar

Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?


Tingnan ang sagot sa pahina 18.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang
muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

Dahil madali mo lang nasagutan ang unang


pagsasanay, heto pa ang isa pang gawaing
magpapatibay ng iyong kaalaman.

Pagsasanay
2

Panuto: Suriin ang ginamit na datos/nilalaman ng proyektong


panturismong travel brochure.Piliin sa Hanay B ang mga datos
na angkop sa mga pahayag sa Hanay A. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B
_____1.Ito ang isa sa a. Introduksiyon o panimula
pinakamahalagang nilalaman ng b. Lokasyon ng mga prominente
brochure ang mga lugar na o kilalang pasyalan
maaaring kainan. c. Lugar kung saan maaaring
kumain at magpahinga

13
_____2. Makatutulong ito nang d. Larawan ng mga lugar na
malaki sa mga turista upang maaring pasyalan,kainan, at
mapaghandaan ang mga maaaring mapagpapahingahan
gastusin. e. Halaga ng transportasyon at
_____3. Maglalarawan sa lugar ukol iba pang bilihin.
sa kasaysayan.
_____ 4. Mas madalas na inuuna ng
mga turista ang pagtingin sa
larawan kaysa detalye.
_____ 5. Higit na magiging madali sa
mga turista ang paghahanap ng
mga landmark o tourist spots kung
may kasama itong mapa o paraan
kung paano ito mapupuntahan.

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.

Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

Balikan ang mga natutuhan sa naunang mga gawain


upang masagutan ang
sumusunod na pagsasanay.

Panuto: Piliin ang angkop na Pagsasanay 3


salitang ginamit sa paggawa ng
proyektong panturismo. Isulat sa
patlang ang titik ng tamang sagot.

_____ 1.Naipakita ang kagandahan at


katangi-tanging kuwento ng isang bayan.
a. Poster c. Travel brochure
b. Presentasyon d. Blog
_____ 2. Larawang may caption o maikling paliwanag ,kuha o video at pag-
uulat.
a. Blog c. Audio-visual presentation
b. Poster d. Presentasyon
_____3. Nagkakaroon ng ideya ang ibang tao sa kagandahan ng isang lugar
na ginagamitan ng larawan o imahen.

14
a. Poster c. Presentsyon
b. Travel brochure d. Blog
_____ 4.Naglalaman ng mga lugar na nais dalawin ng mga tao upang maging
kumpleto ang kanilang karanasan.
a. Blog c. Audio-visual presentation
b. Presentsyon d. Travel brochure
_____ 5.Mga saloobin o opinyon tungkol karanasan, impormasyon, at
mungkahing nais ibahagi sa iba.
a. Blog c. Audio-visual presentation
b. Poster d. Presentasyon

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na


pagsasanay.
Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 18.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang resulta
ng iyong pagsisikap?

 ☺ 

Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa


mga natutuhan mo sa loob ng aralin.
Huwag kang matakot dahil alam kong
kayang-kaya mo ito. Huling pagsubok na
lamang ito na kailangan mong sagutin.

Panapos na Pagsubok
A-Panuto: Suriin ang ginamit na datos sa pananaliksik sa isang
proyektong panturismo tulad ng travel brochure.
Ilahad sa ibaba ang mga datos o nilalaman sa pagbuo
ng travel brochure, gayundin ang mga gagawing paraan sa
pagkuha ng datos. Sundin ang graphic organizer sa ibaba.

Mga datos o nilalaman Mga paraan sa


sa pagbuo ng travel pagkuha ng mga datos.
brochure tungkol sa
Mindanao

15
B-Panuto: Ipaliwanag ang mga salitang ginamit sa paggawa ng
proyektong panturismo.

1. Blog - __________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

2. AVP - __________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

3. Poster -__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

Yehey!
Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang
iyong mga sagot sa pahina 18.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa
ibaba.

 nagawa lahat  2 hindi nagawa


 1 hindi nagawa  3 pataas hindi nagawa

16
Ang ganda ng aralin natin.
Ang dami kong natutuhan.
Na-enjoy ko rin ang mga gawain
at pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto
ko pa ng karagdagang Gawain.
Tara magtulungan tayo!

Karagdagang Gawain

Panuto:Magsaliksik sa internet o sa aklat ng mga dapat isaalang-


alang sa pagbuo ng Flyers sa pagpapakilala sa isang lugar.
( Referensya:Panitikang Rehiyonal, pahina 70)

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng


aralin. Ang saya-saya ko at
napagtagumpayan mo ang mga
pagsasanay at gawain.

Ang husay mo kid!

17
Susi sa Pagwawasto

Panimulang Pagsubok Panapos na Pagsubok


1. b A-1. __
2. f 2. __
3. c 3. __
4. a 4. __
5. d 5. __
B-1. __
2. __
3. __
Pagsasanay 1
1. d
2. b
3. c
4. a
5. b

Pagsasanay 2
1. c
2. e
3. a
4. d
5. b
Pagsasanay 3
1. b
2. c
3. a
4. d
5. a

18
Sanggunian:

Pinagyamang Pluma 7, pahina 25,135


https://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/proyektong-panturismo-travel-brochure

19
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like