Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

FILIPINO 8

ACTIVITY SHEET – Ikawalong Linggo LE1

Pangalan: ____________________________________________ Baitang/Seksyon:__________________

MELC: Naibabahagi ang sariling opinyon o pananaw batay sa napakinggang pag-uulat (F8PN-Ii-j-23)
Paksa: Opinyon at Pananaw

Susing Konsepto:

Karagdagang Kaalaman.

Bilang malayang bansa, tayo ay may karapatang makapagpahayag ng ating sariling pananaw o paniniwala tungkol
sa iba’t – ibang isyu sa ating lipunan. Subalit dapat nating tandaan, na ang pagpapahayag ng paniniwala ay opinyon ay
dapat dinaraan sa responsableng pamamaraan. Ito ay dapat ibinabahagi sa paraang sensitibo at hindi makakasakit sa iba.

OPINYON – ang opinyon ay paliwanag lamang batay sa mga makatotohanang pangyayari, saloobin at damdamin ng tao
at hindi maaring mapatunayan kung tama o hindi.
Ang mga pangungusap na naglalahad ng opinyon ay nagsasaad ng sariling pananaw, reaksyon at saloobin sa mga bagay –
bagay na may kinalaman sa pang-araw-araw na buhay.
Sa pagbibigay ng opinyon, makakabuti kung tayo ay may sapat na kaalaman sa paksang pinag-uusapan upang masusing
mapagtimbang- timbang ang mga bagay – bagay at maging katanggap – tanggap ang ating mga opinyon.

Ginagamit ang mga sumusunod na mga salita sa pagbibigay ng opinyon.

1.Positibong Opinyon – totoo, tunay, talaga, ganoon nga, mangyari pa at sadya.


2. Negatibong Opinyon – ngunit, subalit, habang at samantala.

Halimbawa:
Sadyang ang mga kabataan ay mahilig maglaro ng ML Game subalit dapat nilang tingnan ang kanilang
kalusugan upang hindi sila magkasakit.

Mga pahayag na nagpapahayag ng opinyon:

1.Sa aking palagay…


2.Sa tingin ko ay…
3. Para sa akin…
4.Ang paniniwala ko ay …

PANANAW – ang pananaw sa ingles ay point of view, ito ay nangangahulugan ng paraan ng pagsasaalang-alang 0
pagsusuri sa isang bagay suliranin o pangyayari. Personal na pang – una, Punto de bista.

Mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw.

1.Ang masasabi ko… 2. Ang pagkakaalam ko…

3.Ang paniniwala ko … 4.Ayon sa nabasa kong datos/ balita/impormasyon…


5.Kung ako ang tatanungin… 6.Maaari po bang magbigay ng aking mungkahi?
Panimulang Pagtataya

Panuto: Basahin ang pangungusap. Isulat ang O kung ang pangungusap ay opinyon at K kung ito naman ay katotohanan.

_______1. Ang Covid- 19 ay nagmula sa Wuhan, China.

_______2. Para sa akin maiiwasan ang paglaganap ng Covid-19 kung ang lahat ng mamamayan at susundin ang sinasabi
ng gobyerno.

_______3. Ang Covid – 19 ay isang pandemya na lumaganap sa buong mundo.

_______4. Sa aking palagay makakatulong ang paggamit ng facemask at face shield upang hindi mahawahan sa sakit na
Covid.

_______5. Sa tingin ko kung mananatili ang mga tao sa kanilang mga bahay ay maaaring bumaba ang bilang ng mga
magkakasakit sa virus na ito.

_______6. Sa araw- araw na paglalabas ng datos ng mga mamamayan na nagkaroon ng Covid-19 ay patuloy pa rin ang
pagdami nito.

________7. Ayon sa nabasa kong datos sa pahayagan ay ang bansang Amerika sa pinakamaraming tinamaan ng sakit na
hindi natin nakikita ang “Covid – 19 “.

_______8. Ang paniniwala ko ay makakadiskubre ang World Health Organization ng gamot para sa Covid- 19.

______9. Marami na ang namatay dahil sa sakit na ito.

______10. Para sa akin ang pinakamabisang paraan para sa sakit na ito ay panalangin, pagsunod sa protocol ng
pamahalaan at manatili sa tahanan upang hindi na kumalat ang virus na Covid – 19.

Gawain A: Panuto: Sumulat ng isang talata tungkol sa “Covid – 19 “. Ito ay binubuo ng limang pangungusap. Isulat ang
inyong opinyon tungkol rito. Sagutan ito sa inyong papel. (Graded as Performance Task 10 pts)

Gawain B: Panuto: Tukuyin ang pangungusap kung ito ay Opinyon o Pananaw. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang sa
bawat bilang. (Written Works 10pts)

________________ 1.Sa aking palagay may mabuting kalooban ang ating Presidente ng Pilipinas.
________________2. Tunay na gumagawa ng paraan ang pamahalaan upang matulungan ang mga taong bayan sa
kinakaharap na pandemya.
________________3. Ang paniniwala ko ay malulusutan natin ang kinakaharap nating problema tungkol sa Covid – 19.
________________4. Maaari po bang magbigay kayo ng sariling mungkahi para sa ikakaganda ng ating proyekto.
________________5. Ang pagkakaalam ko ay tinutuligsa ang president ng pilipinas.
________________6. Ayon sa narinig kong balita, magkakaroon ng ng gamot para sa Covid- 19.
________________7. Si Anna ay maganda ngunit masama ang kanyang ugali.
________________8. Masipag pumasok sa paaralan si Juan subalit mahina ang kanyang katawan kaya parati siyang liban
sa klase.
________________9. Sa aking pananaw ay may iba’t iba tayong pinaniniwalaan sa buhay.
________________10. Ang paniniwala ko ay mabait ang aming guro sa paaralan.

Gawain C : Panuto: Ibigay ang inyong opinyon o pananaw kaugnay sa sumusunod na pahayag. Isulat ito sa sagutang
papel. (Graded as Performance Task 15 pts)

1. Pagkahilig ng mga kabataan sa paglalaro ng ML


2. Pagpupuyat sa social media
3. Pamamahala ni Pangulong Duterte sa Pilipinas
4. Pagkakaroon ng bagyo taon-taon
5. Inggit sa kapwa

Gawain D. Panuto: Basahin ang epiko ng Bicol na pimagatang “Ibalon” sa modyul pahina 25 at sagutan ang
Maikling Pagsusulit. (Graded as Written Works 10pts)

1. Sinong pari ang nagsalaysay tungkol sa kwento ng Ibalon? ___________________________________


2. Tungkol saan ang epikong Ibalon? __________________________________________________________
3. Dahilan kung bakit napadpad si Baltog sa mayamang lupain.
_________________________________________________________
4. Namuno upang lipulin ang mga dambuhalang buwaya, mababangis na tamaraw at lumilipad na mga pating at mga
halimaw na kumakain ng tao. ______________________________
5. isang engkantadang nakapag-aanyong magandang dalaga na may matamis na tinig.
________________________________________
6. Nagturo ng sistema ng pagsulat. _____________________
7. Nagturo ng paggawa ng palayok na Iluad at ng iba pang kagamitan sa pagluluto. _______________
8. Nagturo sa mga tao ng paghahabi ng tela. ______________________
9. Gumawa ng kauna-unahang bangka, ng araro, itak at iba pang kasangkapan sa bahay. ___________________.
10. Kalahating tao at kalahating hayop. _________________________

Repleksyon: Aking naunawaan na ang opinyon at pananaw ay ____________________________

________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________

You might also like