Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Research

Saliksik
Salik
Saliksik
Karunungan
Ekonomiya, sosyal
Kahusayan
Pananagutan, makipagsabayan

Sa pamamagitan ng metodolohiya sapagkat tumutukoy ito sa sistematikong paglutas sa mga suliranin,


tanong, layunin ng pananaliksik o mga paraan na ginangamit sa pagtitipon at pagsusuri ng datos o
impormasyon. Ito ang paraan o stratehiyang ginagamit ng mga mananaliksik upang mapatunayan at
maipakita ang mga suliranin sa kanilang pag-aaral. At upang mas makakalap pa ng mga datos ay sa
paggamit ng mga proseso na maaring isagawa sa pananaliksik. Gaya ng kategorisasyon, deskripsyon,
ebalwasyon, pagkukumpara, korelasyon. Mayroon ding pagpapaliwanag na tumutukoy sa prosesong higit
pa sa simpleng paglalahad lamang ng datos o impormasyon, upang bigyang linaw ang kabuluhan nito sa
konteksto ng iba't ibang aspektong kultural, political, ekonomiko at iba pa. At higit sa lahat pagbibigay ng
prediksyon, ito ay tumutukoy sa paglalarawan sa posibleng mangyari sa isang bagay, penomenon at iba
pa, batay sa matibay na korelasyon ng mga penomenong sinuri/paghahambing. Sapagkat sa pamamagitan
ng mga ito’y mas makakakalap tayo ng mas matibay na impormasyon o datos sa pananaliksik na ating
gagawin.

Ang siksik ay lundo ng saliksik. Ang mahusay na saliksik ay may katangian gaya ng sisik sa kailangang
impormasyon, siksik sa makabuluhang pananaw at opinion at higit sa lahat siksik sa maingat at
sistematikong pagsusuri. Dapat idinudulot ng paaralan sa mga mag-aaral ang isang pormal at
organisadong pragrama na siksik sa saliksik. Sapagkat sa paaralan inaasahang papayamanin ang
karanasan at hilig ng bata sa saliksik. Kailangan niya ang kahit munting kaalaman o kasanayan sa
pagsasaliksik upang mabuhay, lalo na upang umasenso sa buhay. Sa “siksik” ang higit na problema ay
kung gaano kahusay magagawa ng isang tao ang isang saliksik. Ang buong pagsasanay sa paaralan ay
may layuning maging matagumpay ang mag-aaral sa paghahanap ng impormasyon, sa pagsusuri ng mga
ebidensiya, sa pagtuklas ng pinakamainam na paraan upang malutas ang isang problema o makamit ang
isang hangarin.

You might also like