Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

KABANATA 1: IBONG ADARNA

Nilarawan ang kaharian ng Berbanya at ang mga tao dito. Si


Don Fernando  ay isang makatarungang hari. Si Donya
Valeriana ang kanyang asawa at siya ay maganda at mabait.
May tatlo silang anak. Ang panganay nila ay si Don Pedro. Siya
ay matipuno. Si Don Diego, sumunod sa kanya, ay tahimik. Ang
bunsong si Don Juan ay romantiko. Pinapili ng hari ang mga
anak kung ang gusto nila ay mag pari o maging hari. Pinili nila ay
maging hari. Kaya nag ensayo sila para mahasa ang kanilang
kakayahang mag espada.

KABANATA 2: IBONG ADARNA


Mapayapa ang lahat hangang isang gabi nanaginip ang hari

tungkol kay Don Juan na pinatay daw siya ng dalawang trydor.

Nag kasakit ang hari dahil dito at walang makagamot sa kanya.

May dumating na manggagamot at sinabing ang kanta lang ng

Ibong adarna ang makakagamot sa kanya. Mahahanap daw ito

sa bundok Tabor sa puno ng Piedras Platas. Hating gabi daw ito

kung dumating. Kaya inutusan ng hari si Don Pedro na kunin ang

Ibong Adarna.

You might also like