Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Grade 12 PAGSULAT

Midterm
Modyul 1: Introduksyon sa Pagsulat

Pangalan: Chadson B. Redondo Istrand/Seksyon: 12 – STEM 2

Pagtuklas

GAWAIN 1
May iba’t ibang dahilan ang bawat tao kung bakit nagsusulat. Maaaring ito ay para sa
personal, o di kaya ay may kaugnayan sa pangangailangan sa pag-aaral o sa trabaho. Bilang isang
kabataan at mag-aaral, anu-ano ang dahilan kung bakit ka nagsusulat? Itala sa loob ng kahon ang mga
sagot sa tanong.

Para mapalawak ang aking imahinasyon Upang maipahayag ang aking


at lalo pang maimprub ang aking damdamin, kasalukuyan man o
malikhaing sarili. nakaraan. Nagsisilbing katarsis na rin sa
panahong nalulungkot.

BAKIT KA
Magsisilbing ambag na natin sa NAGSUSULAT? Para lumalim ang aking

ating bayan ang pagsulat. Kahit na bokabularyo o mga alam na


salita.
maiikling tula man ‘yan, isang paraan na
rin upang mapreserba ang ating wika.

Para sa inaalayan ko ng tula. Kadalasan


may hindi nila nababasa, pero para sa
akin sapat nang nabigyan ko sila ng
karangalan na mahandugan ng mga
salita.

*** Maaring dagdagan ang kahon at sagot


Grade 12 PAGSULAT
Midterm
Modyul 1: Introduksyon sa Pagsulat

1. Batay sa mga sagot na iyong itinala, alin sa mga ito ang pinakamadalas na dahilan kung bakit ka
nagsusulat? Sa anong mga pagkakataon madalas mong magamit ang pagsuuslat? Ibahagi ang iyong
sagot.
Sa palagay ko, mas madalas akong magsulat dahil gusto ko ipahayag ang aking damdamin. Para sa akin,
iyun na ang pinakamadaling paraan para mailabas ko lahat ng aking nararamdaman. Minsan kapag
tinatamad, sa Twitter ako naglalabas ng mga damdamin ko, pero kapag nakaramdam din ako ng
inspirasyon ay diretso na sa kuwaderno o kaya’y sa selpon.

2. Sa iyong sariling pananaw, ano nga ba ang kahalagahan ng pagsusulat? Maaring magbahagi ng mga
kaisipan at karanasan.
Ang pagsusulat ay isa sa mga uri ng sining na madalas naisasawalang-bahala. Marahil ito ay hindi
pangkalahatan. Hindi lahat marunong magsulat, hindi rin naman lahat marunong magbasa. Pero sa aking
pakiwari ang tunay na kahalagahan ng pagsusulat ay makikita sa puso ng manunulat mismo. Hindi naman
dapat lahat ng sinusulat ay dapat basahin ng iba. Tulad nga ng tanong kanina, may iba’t ibang paraan tayo
kung bakit tayo nagsusulat, at kahit na magkakaiba iyon, bawat isa sa mga rason na ‘yon ay nag-aambag
sa kahalagahan ng pagsusulat.

You might also like