Professional Documents
Culture Documents
Tekstong Impormatib-Sample
Tekstong Impormatib-Sample
Valerio L. Nofuente
Hindi mapasubaliang ang may tangan ng korona sa larangan ng moda sa damit ay maong o
denims. Tila uniporme ng Pinoy ang pantalong maong lalo na sa mga siyudad at matatagpuang
namamayani sa mga kampus, pabrika, opisina, subdibisyon, at pook-iskwater. Ito’y isibusuot ng
traysikel boy at executive, disc jockey, at kanto boy, naka-Mercedes Benz at naka-dyip, babae,
matron, at mukhang tatay, estudyante, at drop-out.
Tila lagareng Hapong kumakagat pasulong man o paurong, ang makapal na telang ito’y
pwedeng pambahay, pang-eksursiyon, pantrabaho, pamparty, at pamporma. Walang pinipiling edad
o uri ng tao. Ito ay unisex, pangmahirap o pangmayaman, pangtinedyer at pangmatanda. Babagay
kina Jean at Johnny, Juan at Juana, Juanito at Juanita.
Sa malilikot na guniguni at malikhaing kamay ng Pinoy, iba-iba ang anyo na nagagawang
palitawin sa kapirasong tela o bawat putol na papantalunin. Maaaring makakita ng straight cut, bell-
buttons, de-baston, de-rimatse, at burdado. Isang tinedyer na taga-San Mateo ang may pantalong
kung taguri’y pang-Ermita dahil parang album ng patches buhat sa insignia ng ROTC, Marist
Kindergarten, College of Law, Lions Club, RCPI, Village Homeowner’s Association, U.S Navy, PLDT,
Philippine Army, Green Revolution, CIA, Palestinian Liberation Organization, Prisoner of War, at Boy
Scout. Sa huling araw ng klase noong nakaraang summer, isang estudyante ang may dala ng pentel
pen at lahat ng kaklase ay pinapirma sa pantalong moang para may maiwang souvenir sa kanya.
Isang sastre ang narinig na napapalatak, puro maong daw ang dinaanan ng kanyang gunting
sa buwan ng pasukan ngayong Hunyo. Sa mga department store, tila pila ang libreng bigas na lagging
puno ng tao ang mod shoppe o mga seksiyong may nakadispley na Levi’s, Amco, Hustler, Wrangler,
Jag, at iba pa.
Ayon sa isang estudyante, madali raw mahalata ang galing sa probinsiyang freshman.
Kalimita’y naka-double knit. Ngunit sa susunod na semester, kasapi na rin sila sa lehiyon ng
kabataang nakasuot ng tila unipormeng denims. Katunayan, may tatak ng etsa-puwera ang hindi
nakamaong sa paaralan.
SERGE DE NIMES
Ang denims (maong na Pinoy) ay isang uri ng matibay at makapal na telang buhat sa sinulid
na bulak. Dahil sa orihinal na kulay ay naging angkop ito sa gawaing pampabrika. Ang ngalan ng tela
ay buhat sa serge de nimes, o telang buhat sa Nimes, na isang pook sa Pransiya. Kalaunan, mas kilala
ito sa pinaikling denims.
Ang angkop na gamit para sa pantalong denims ay natuklasan nang di sinasadya noong 1850
sa California. Panahon yaon ng Gold Rush at isang nandarayuhang Aleman, si Levi Strauss, ang
nagtungo sa minahan dala-dala ang makapal na telang kambas upang ipagbiling tent o bubong ng
bagon. Ngunit hindi tent ni bubong ang kailangan ng minero kundi pantalong may matibay na tela ,
tahi at di-rimatseng bulsa para tumagal sa harabas na trabaho. Hindi masasayang ang kambas, naisip
ni Stauss, at ito’y ginawa niyang pantalong matibay. Naging mabili ang produkto sa mga minero.
Nag-empleo si Strauss ng maraming sastre at ang malauna’y denims na ang ginamit.
Nanatiling damit na pantrabaho ang denims o maong. Sa Pilipinas noong bago magka-giyera,
ang maong ay suot ng nagtatrabaho sa bukid, talyer, at pabrika. Sa mga probinsiya, kasama ng telang
gris na tulad ng maong at makapal at maruming tingnan, naging panlaban ito sa putik, ulan, alikabok,
at pawis. Sa isang lumang aklat na ginamit para sa kursong sosyolohiya, ang nagsusuot ng maong ay
itinuturing na mamamayang maliit ang kita at mababa ang pinag-aralan.
Noong Pasko, 1963, sa halip na magbigay ng salaping bonus, ang ipinamasko ng Lirag Textile
Mills sa mga manggagawa ay yarda-yardang maong. Maraming nagalit sa empleyado. Isang ama ang
nagpatahi ng pantalon para sa anak na nag-aaral sa haiskul. Nangigil ang ama dahil pinauwi ng
principal ang estudyante---hindi raw damit pang-eskuwela ang suot ng bata.
Sampung taon lamang ang nakaraan, nakabaligtad na ang pagpapahalaga ng mga tao sa
denims. Anumang pagtuturo ng titser sa haiskul na hindi disenteng tingnan ang maong, patuloy pa
rin itong isinusuot ng kabataang higit na nahihiyang magsuot ng double knit kaysa parusahan ng
expulsion. Isang paring Hesuwita na nakatalaga sa Marikina ang naging tampulan ng paghagikgik at
pagkagulat ng komunidad pagkat sa pagbabasbas ng bahay, kotse, o patay ay nakasuot ng pantalong
denims. Bakit nga naman, nasa ganitong pagdadamit ang identipikasyon sa taong-bayan.
Hindi lamang karaniwang mamamayan ang nagsusuot ng maong. May ilang opisyal ng
gobyerno, teknokrata, at executive sa malalaking opisina ang nakamaong na ring malimit lalo na
kung Sabado at Linggo. Si Prinsesa Anne ng Inglatera at Susan Ford ng Estados Unidos ay nakunan
na rin ng larawan nang nakdenims. Tuloy, ang denims ay tila moda at kulturang tagapag-ugnay sa
buong planeta.
UNIPORME NG DAIGDIG
Mahigit nang isang dekadang nauuso ang pantalong maong sa daigdig ng modang publikong
kay daling manghinawa. Ang matagal na pamamalagi ng usong ito ay isa nang kasaysayan.
Tinangkang patalsikin sa luklukan ng hari ang maong noong 1976 nang ilunsad ng Shoe Mart
ang “khaki-craze”. Lumubog ang hindi halos nakalitaw na khaki ngunit ang denims ay nakakapit pa
rin sa baywang at binti ni Juan at Johnny.
Dumaan ang mini skirt, pumasok ang modi, ngunit sina Juanita at Juan ay nanatiling tapat sa
natagpuang angkop na kasuotang pang-unisex. De-baston ito noong 1960, hanging bell bottoms
pagpasok ng 1970 at ngayo’y muli na naming nagiging de-baston. Ito’y mayabang na nakabitin sa
sampayan ng mga nanghihikahos na distrito ng Tundo at malinis na nakahanger sa cabinet ng taga-
Forbes Park; buwan-buwan ay may bagong etikitang sumisipot sa mga department store upang
makipagpaligsahan sa paghigop ng salapi ng publiko.
May humuhulang aabutin pa ng paglipat ng siglo ang denims at may naghahaka ring baka ito
maideklarang opisyal na kasuotan ng lahat ng nilalang sa lupa. Kung magkakagayon, maging santo o
pandaigdig na bayani kaya si Levi Strauss?