Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Bahagi ng Pananalita (Pang-angkop)

Depinisyon
 Ang pang-angkop o ligatura (Ingles: ligature) ay ang mga kataga, na bahagi ng pananalita,
na nag-uugnay sa panuring (modifier, katulad ng pang-uri at ng pang-abay) at salitang
tinuturingan.

Iba’t Ibang Uri ng Pang-angkop


1. Na - ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa n. Hindi ito
isinusulat nang nakadikit sa unang salita. Inihihiwalay ito. Nagigitnaan ito ng salita at ng
panuring.
- Mga Halimbawa:
 Ang malinis na hangin ay ating kailangan. (Ang naunang salita ay malinis na
nagtatapos sa titik s na isang katinig.)
 Ang matigas na bato ay tumama sa ulo ni Cardo. (Ang naunang salita ay matigas na
nagtatapos sa titik s na isang katinig.)
 Ang sikat na artistang si Loisa ay napansin kaagad ng madla sa isang mall. (Ang
naunang salita ay sikat na nagtatapos sa titik t na isang katinig.)

2. –Ng - ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa mga patinig. Ikinakabit ito sa
unang salita.
- Mga Halimbawa:
 Pinipigil ng malalaking ugat ng mga puno ang baha. (Ang pang-angkop na –ng ay
idinugtong sa salitang malalaki na nagtatapos sa titik i na isang patinig.)
 Ikinuwento ni Jonathan ang tungkol sa kaniyang buong pagkatao. (Ang pang-angkop
na –ng ay idinugtong sa salitang buo na nagtatapos sa titik o na isang patinig.)
 Lumaki bilang masaganang halaman ang mga itinanim ni Marc. (Ang pang-angkop na
–ng ay idinugtong sa salitang masagana na nagtatapos sa titik a na isang patinig.)

3. –G - ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa n. Ikinakabit ito sa unang salita.
- Mga Halimbawa:
 Nakatakas na naman ang tulisang kriminal. (Ang pang-angkop na –g ay idinugtong sa
salitang tulisan na nagtatapos sa titik n.)
 Sikat na sikat ang kainang nasa kalye ng Hulo. (Ang pang-angkop na –g ay idinugtong
sa salitang kainan na nagtatapos sa titik n.)
 Si Jomal ay isang pikong mapang-api. (Ang pang-angkop na –g ay idinugtong sa
salitang pikon na nagtatapos sa titik n.)

Hinanda Ni: Hans Matthew Antiojo

You might also like