Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Bahagi ng Pananalita (Pangngalan)

Depinisyon
 Ang pangngalan ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay,
pook, hayop, at pangyayari.

Pagkahati-hati ng Pangngalan
 Ayon sa Uri
1. Pantangi - partikular ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook o pangyayari.
Karaniwang nagsisimula sa malaking titik.
- Mga Halimbawa:
 Miguel (tao)
 Brownie (hayop)
 Talon ng Maria Cristina (lugar)
 Paligsahang Bb. Universe ng Taong 1975 (pangyayari)

2. Pambalana - tumutukoy sa pangkalahatang pangalan ng tao, pook, hayop, bagay,


pangyayari, at iba pa. Karaniwang nagsisimula sa maliit na titik.
- Mga Halimbawa:
 bata
 aso
 lapis
 ilog

 Ayon sa Gamit
1. Tahas - pangngalang nararanasan ng isa sa mga limang pandamdam (paningin,
pandinig, panlasa, pakiramdam at pang-amoy) at may katangiang pisikal.
- Mga Halimbawa:
 tubig
 bundok
 pagkain
- Uri ng Tahas na Pangngalan:
a. Palansak – tumutukoy sa pangkat ng iisanag uri ng tao o bagay.
- Mga Halimbawa:
 buwig
 kumpol
 hukbo

b. Di-palansak – tumutukoy lamang sa mga bagay na isinasaalang-alang nang


isa-isa.
- Mga Halimbawa:
 saging
 bulaklak

Hinanda Ni: Hans Matthew Antiojo


 sundalo

2. Basal - pangngalang tumutukoy sa mga kaisipan o konsepto na hindi nararanasan


ng limang pandamdam at walang pisikal na katangian. Nasa anyong payak ang
lahat ng pangngalan basal.
- Mga Halimbawa:
 wika
 yaman
 buhay

 Ayon sa Lapi
1. Payak - pangngalang hindi inuulit, walang panlapi, o katambal.
- Mga Halimbawa:
 talumpati
 watawat
 ligalig

2. Maylapi - pangngalang binubuo ng salitang-ugat na may panlapi sa unahan, gitna,


hulihan o magkabila.
- Mga Halimbawa:
 Inihaw
 Tindahan
 Palakasan

3. Inuulit - pangngalang inuulit na maaaring may panlapi o salitang-ugat lamang.


- Mga Halimbawa:
 tau-tauhan
 bagay-bagay
 bali-balita
- Uri ng Inuulit na Pangngalan:
a. Pag-uulit na Di-Ganap/ Parsyal - ay yaong bahagi lamang ng salitang-ugat
ang inuulit.
- Mga Halimbawa:
 sali-salita
 tagu-tagumpay
 pagtuturo

b. Pag-uulit na Ganap – pag-uulit sa buong pangngalan.


- Mga Halimbawa:
 kuru-kuro
 bayan-bayan
 sabi-sabi

Hinanda Ni: Hans Matthew Antiojo


4. Tambalan - pangngalang binubuo ng dalawang salitang magkaiba na pinagsasama
upang maging isa at may gitling sa pagitan nito.
- Mga Halimbawa:
 kisap-mata
 bahay-kubo
 bantay-salakay
- Uri ng Tambalang Pangngalan:
a. Tambalang Di-Ganap - ito ay tambalan na binubuo ng mga salitang kapag
pinagsama ay nagpapahiwatig ng kakaibang kahulugan.
- Mga Halimbawa:
 bahaghari
 dalagang-bukid

b. Tambalang Ganap - ito ay tamabalan na binubuo ng mga salitang kapag


pinagsama ay magpapahiwatig ng salitang may ibang kahulugan.
- Mga Halimbawa:
 lakbay-aral
 bahay-kubo

Hinanda Ni: Hans Matthew Antiojo

You might also like