Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 7

Pangalan: ________________________________________ Guro: __________________


Bilang at Pangkat: __________________________________ Petsa: __________________
I. Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng angkop na sagot.
_____1. Alin sa mga sumusunod ang angkop na pumupuno sa panahon ng pagbibinata at
pagdadalaga?
A. iba’t-ibang pagbabago C. paghamon
B. iba’t-ibang pagkatao D. pagkatuto sa bagong kaalaman
_____2. Paborito ko ang asignaturang Mathematics. Ano ang talino na malilinang sa akin?
A. bodily kinesthetic C. musical intelligence
B. logical-mathematical D. verbal linguistic
_____3. Sa panahon ng tinedyer, ano ang pokus ng kanilang pagtuklas at pagsusuri?
A. kakayahan C. katalinuhan
B. kalakasan D. kaunlaran
_____4. “Alam ko kung ano ang tama at mali.” Sa anong aspeto ng palatandaan ng
pagdadalaga at pagbibinata nabibilang ang ganitong panungusap?
A. moral C. pangkaisipan
B. pandamdamin D. panlipunan
_____5. Ano ang sakop ng developmental tasks sa pagdadalaga at pagbibinata?
A. hilig at kilos C. kakayahan at kilos
B. kilos at interes D. katalinuhan at kaalaman
_____6. Ano ang tawag sa isang pambihira at likas na kakayahan ng isang tao?
A. kahusayan C. talento
B. kakayahan D. talino
_____7. Mahilig kaming magkakabarkada na sumali sa paligsahan ng pagsayaw sa aming
paaralan. Ano ang talinong napauunlad ng aming sarili?
A. bodily kinesthetic C. naturalist
B. interpersonal D. verbal linguistic
_____8. Kapag ikaw ay nagsasabi ng katotohanan, ano’ng aspeto sa buhay ang iyong
pinahahalagahan?
A. moral C. pangkaisipan
B. pandamdamin D. panlipunan
_____9. Dahil mahilig sa pag-awit si Sofia, siya ay madalas na isinasali ng kanyang guro sa mga
paligsahan at nagkakamit ng tagumpay. Ano ang talino na taglay ni Sofia?
A. bodily kinesthetic C. intrapersonal
B. interpersonal D. musical
_____10. Ano ang tawag sa kalakasang intelektuwal upang makagawa ang tao ng isang
Pambihirang bagay tulad ng kakayahan sa musika at sining?
A. kagalingan C. kahusayan
B. kakayahan D. kalakasan
_____11. Ano ang kadalasang nagiging dahilan ng mahinang uri ng pagpapasya?
A. kahinaan at talino C. kakulangan ng panahon
B. kawalan ng kakayahan D. hindi dumaan sa pagsusuri at proseso
_____12. Ano ang isa sa mga dahilan ng kawalan ng trabaho pagkatapos ng pag-aaral?
A. kulang sa panustos C. mahina na pagtuturo
B. hindi kaya ng talino D. hindi tugma ang kakayahan sa natapos na kurso
_____13. Ano ang epekto sa iyong sarili kapag alam mo ang iyong mga kakayahan at talento?
A. kahinaan ng loob C. kakulangan ng pagtitiwala
B. kawalan ng pag-asa D. karagdagang pagsisikap sa pag-aaral
_____14. Ano ang naidudulot sa iyong buhay ng mabuting pag-aaral?
A. paglilibang sa buhay C. pag-aaksaya sa panahon
B. magandang kinabukasan D. pagpapahalaga sa barkada
_____15. Paano mo makakamit ang kaunlaran sa buhay?
A. magkaroon ng sipag at tiyaga C. intindihin ang negatibong pananaw
B. paglabanin ang mga isipan D. manatili na lamang na nag-iisip
_____16. Ang isang taong bukas ang isipan sa mabuting pakikipagkapwa-tao ay epektibo rin
bilang lider at tagasunod. Ano ang angking talino na taglay niya?
A. existential B. interpersonal C. intrapersonal D. naturalist
_____17. Mabilis akong nakabubuo ng ideya sa pamamagitan ng pag-iisip. Ano ang talino na
aking taglay?
A. bodily/kinesthetic C. verbal/linguistic
B. mathematical/logical D. visual/spatial
_____18. Nasisiyahan ako sa paglikha ng awitin at pagtugtog ng instrument. Ano ang talino na
aking taglay?
A. existential B. musical C. musical D. verbal/linguistic
_____19. Mahilig magbasa si Angelo ng iba’t-ibang mga babasahin. Habang lumalaki na, si
Angelo ay nakabubuo na ng mga plano para sa kanyang kinabukasan. Ano’ng aspeto ng
palatandaan ng pag-unlad ang taglay ni Angelo?
A pandamdamin B. pangkaisipan C. panlipunan D. pangmoral
_____20. Kung hindi mo minamahal ang iyong sarili, hindi mo rin mapahahalagahan ang iyong
kapwa- tao. Ano ang tinutukoy nito na “developmental task”?
A. Ipakita ang tunay na ikaw C. Pagtanggap ng papel sa lipunan
B. Mahalin mo ang iyong sarili D. Tanggapin ang kapwa at ang pagkatao
_____21. Ano ang mararanasan mo kung hindi mo isasaalang-alang ang iyong mga limitasyon
sa pagkakamit ng iyong pangarap sa buhay?
A. Pagsusumikap sa pag-aaral
B. Pagkabigo sa magandang pagkakataon
C. Pagpapakita ng magandang pag-uugali
D. Pagpapakilala ng iyong tunay na pagkatao
_____22. Paano maipapakita ang pagpapahalaga sa oras at panahon?
A. pakikipagkuwentuhan
B. pamamasyal sa mga mall
C. pagtakas sa klase habang walang guro
D. pagbabasa ng aralin habang naghihintay sa susunod na guro
_____23. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng masigasig na pag-unlad sa sarili?
A. umaasa sa ibang tao
B. ipinagpapaliban muna ang mga gawain
C. hinahayaang lumapit ang trabaho sa tao
D. ginagawa ang mga gawain sa tamang oras
_____24. Bakit may mga taong nagsasabi na wala silang talento?
A. Dahil hindi sila naglalaan ng panahon upang ito ay tuklasin.
B. Dahil mayroon talagang tao na ipinanganak na walang talento.
C. Dahil hindi nila kinikilala ang kanilang mga kakayahan at talento.
D. Dahil hindi pa panahon upang matuklasan nila ang kanilang talento.
_____25. Alin sa mga sumusunod ang hindi angkop na katangian ng tiwala sa sarili?
A. Ito ay hindi namamana.
B. Ito ay nagbabago sa paglipas ng panahon.
C. Ito ay unti-unting natutuklasan bunga ng karanasan.
D. Ito ay hindi nakasalalay sa mga bagay na labas sa ating sarili.
_____26. Alin sa mga sumusunod ang hindi nakatutulong sa paglinang ng mga inaasahang
kakayahan at kilos sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga?
A. pagiging mabuting tao
B. pagkakaroon ng tiwala sa sarili
C. paghahanda sa susunod na yugto ng buhay
D. pagpapasya nang walang gabay ng mga magulang
_____27. Kapag tinanggihan mo ang alok ng isang kaibigan para magsugal, ano ang
gagawin mo?
A. Sasama subalit may kondisyon.
B. Magsisisi ako kasi hindi ako sumama sa kaibigan ko.
C. Paninindigan ko ang sariling pasya ko na iiwas sa paggawa ng masama.
D. Iiwasan ko na ang pagsama sa kaibigan ko upang hindi ako madamay sa kanya.
_____28. Ang isang bata ay labis na palaasa sa kanyang magulang. Hindi siya makapagpasiya
nang tama kapag walang gabay ng magulang. Ano ang tinutukoy nito na “developmental task”?
A. pagkakaroon ng pagpapahalaga
B. paghahanda para sa paghahanapbuhay
C. pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
D. pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasiya
_____29. Bakit mahalagang maunawaan ang iba’t-ibang tungkulin bilang kabataan?
A. Dahil paraan ito upang makasabay sa agos ng buhay.
B. Dahil makatutulong ito sa pagbuo ng pansariling pangarap sa buhay
C. Dahil paraan ito upang maging responsable sa susunod na yugto ng buhay
D. Dahil mabubuksan nito ang isip ng mga kabataan upang maghanapbuhay
_____30. Alin sa mga sumusunod ang hindi layunin ng “developmental tasks”?
A. Nagsisilbi itong gabay sa ating buhay.
B. Nagbibigay ito ng motibasyon o inspirasyon sa ating buhay.
C. Nalilinang nito na maiakma ang sarili sa mga bagong sitwasyon.
D. Naiiwasan nito ang pag-unlad ng mga inaasahang kilos at kakayahan ng tao.

You might also like