Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Sheinette Joy Egonio

Pangalan: ______________________________________Seksyon: 12 STEM Atom


____________________
11-02-20
Petsa ng pagkuha: ______________Petsa 11-18-20
ng pagsumite: _________Lagda: ___________

Isagawa
Sa mga aralin, kaalaman, at karanasan na nakuha mula sa pagbibigay ng
kahit anong uri ng talumpati sa kahit ilang tagapakinig o sa pagtatalakay ng
aralin ng iyong guro tungkol sa talumpati, ilista ang mga dapat at hindi dapat gawin sa
tuwing ikaw ay magsasagawa ng isang talumpati. Pwede mo rin isali ang mga
mahahalagang palatandaan para sa sarili upang maging mas mahusay ang
pagtatanghal sa entablado. Gumawa ng sariling Anatomy of a Speaker gamit ang
larawan na nasa ibaba. Maaari ka ring gumamit ng sariling larawan.
Halimbawa: Mga mata – panatilihin mag eye contact sa iyong mga tagapakinig.

Ulo – Siguraduing nakataas ang iyong


ANATOMY OF A SPEAKER Mata – Gumawa ng eye contact
noo upang maipakita ang iyong sa mga tagapakinig upang sila ay
confidence sa iyong pagtatalumpati.
maegganyo na makinig sayo.
Balikat – Panatilihin ang tamang postura sa
iyong balikat upang hindi magambala ang Bibig – Siguraduing malinaw at
paningin sa iyo ng mga tagapakinig. may akmang volume ang
pagkakabigkas sa mga salita.
Kamay – Iwasang ang paggamit ng labis na
hand gestures dahil makakaistorbo ito sa pansin
Kamay – Gamitin ang iyong
ng mga tagapakinig.
kamay upang bigyan diin ang
Katawan – Tumayo ng tuwid upang iyong salita.
maipakita mo ang iyong kompyansa
sa pagtatalumpati sa mga tagapakinig.

Mga Paa – Tiyakin ang tamang


pagtuwid upang maiwasan ang
pagkahulog sa stage habang
nagtatalumpati.
MGA DAPAT AT HINDI DAPAT GAWIN TUWING IKAW AY MAGSASAGAWA NG TALUMPATI

Dapat na Gawin:
 Magsanay ka. Sa pamamagitan nito ay maeensayo mo ang iyong sarili upang ikaw ay
maging handa sa panahon na ikaw ay magsasagawa na ng talumpati.
 Alamin mo ang mga tagapakinig. Ito ay upang maging madali sa iyo kung paano ka
gagawa ng koneksyon sa madla. Ang koneksyon mo sa pamamagitan ng madla ay
mahalaga upang sila ay ma-engganyo.
 Piliin ang mga tamang salita sa iyong talumpati. Ito ay upang magkaroon nang malakas
na epekto ang iyong talumpati sa madla.
 Pause for effect. ‘Wag masyadong madaliin ang iyong talumpati. Ito ay upang
manamnam ng mabuti ng mga tagapakinig ang mensahe ng iyong talumpati.
 Gamitin ang facial expressions at hand gesturues. Mahalaga ang facial expressions at
hand gestures upang mas maganda at mas ka-enga-enganyo ang iyong talumpati.
Tiyakin lamang na tama ang paggamit mo sa mga ito.

Hindi dapat na gawin:

 Paggamit ng “uhm” at iba pang mga filler words. Ito lamang ay nakakasira sa ganda ng
iyong talumpati.
 Mabilis o mabagal na pagsasalita. Tiyakin ang tamang bilis sa pagsasalita ng iyong
talumpati. Siguraduing hindi ito masyadong mabilis o mabagal.
 Dumating ng late. Kung maari ay dumating ng mas maaga sa call time. Hindi nararapat
na ikaw ay dumating ng late sapagkat ito lamang ay makakadismaya sa mga tagapakinig.
 Mahabang talumpati. Maiinip lamang ang madla kung ito masaydong mahaba ang iyong
talumpati.
 Nakayuko. Harapin mo ang mga tagapakinig. Hindi magandang tignan ang speaker kung
ito ay nakayuko lamang. Madidismaya lamang ang madla.
MAHAHALAGANG PALATANDAAN UPANG MAGING MAS MAHUSAY ANG
PAGTATANGHAL SA ENTABLADO.

 Tinig - Nakakatulong ang tinig sa pag-unawa sa nilalaman ng talumpati. Kailangang


ibagay ang tinig sa nilalaman ng pananalita. Isinasaalang-alang sa bahaging ito ang tulin
o bilis ng pananalita, pagbibigay-diin sa mahahalagang salita o mensahe na kailangang
maunawaan ng tagapakinig, tono ng pananalita, pagtaas at pagbaba ng tinig, at paglakas
at paghina ng tinig. Ang magandang tinig ay madaling makaakit sa madla. Iwasan ang
matining na tinig o kaya ay garalgal na tinig na parang sirang plaka.
 Tindig - Tumindig nang maayos at iwasan ang tindig militar na parang naninigas ang
katawan. Sikaping maging magaan ang katawan at nakarelaks. Mahalaga na
magmukhang kapita-pitagan para makuha agad ang atensyon ng mga tagapakinig. Ang
ganitonng uri ng anyo ay nakapagpapahiwatig na handang-handa ang tagapagsalita.
 Galaw - Ang galaw ay tumutukoy sa anumang pagkilos na ginagawa ng tao na may
kaugnayan sa pagsasalita o pagpapahayag ng kaisipan o anumang damdamin sa madla o
mga tagapakinig. Nasasaklaw ng galaw ang mata, ekspresyon ng mukha, tindig, galaw ng
ulo at katawan. Lahat ng ito ay nakatutulong sa paghahatid ng mensahe.
 Kumpas ng Kamay - Ginagamit ang kumpas ng mga kamay upang mabigyan diin ang
mga sinasabi. Ginagamit din ang mga kumpas ng kamay para biigyan ng pagtutumbas
ang ideya. Halimbawa, kung binabanggit ang dalawang magkaibang katwiran ay
maaaring itaas ang kanan at kaliwang kamay sa kumpas sa pagpapatuloy ng diwa, imbis
na “umm ,saka, bale” ang lumalabas sa tuwing may kailangang alalahanin sa pananalita,
ginagamit ang galaw ng kamay bilang di-verbal na komunikasyon. Kailangang tumpak,
tiyak, at maayos ang kumpas ng mga kamay. Ginagamit lamang ito bilang pantulong sa
pananalita. Hindi dapat makaagaw ng pansin ang sobrang pagkumpas ng kamay habang
nagsasalita.

You might also like