Pananaliksik NG Impormasyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

SAMAR STATE UNIVERSITY MERCEDES CAMPUS


College of Fisheries and Marine Sciences
Catbalogan City

Bilang ng Kurso : BSFi 1A

Pamagat ng Kurso : Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Paksa : ANG PANANALIKSIK NG IMPORMASYON

Tagapagtalakay : Maryrose B. Bolledo

Pangkat : 2

Propesor : ALEJANDRO S. CABAGO, MAEd

PANANALIKSIK NG IMPORMASYON
Ang pananaliksik ay ang proseso ng pangangalap ng mga totoong
impormasyon na humahantong sa pagtamo ng bagong kaalaman. Isinasagawa
ito sa pamamagitan ng paggamit at pag-uugnay ng sariling karanasan at
kaalaman hinggil sa isang paksa.Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa
pamamagitan ng pagpapatunay ng mga panukala teorya o mga pamamaraan o
Sistema, at sa pagsubok sa mas mainam na pagpapaliwanag ng mga
napapansin o obserbasyon. Ang pananaliksik ay binibigyan kahulugan din ng
isang prosesong mapagsuri, Sistematiko o Maparaan, Organisado o nakaayos,
at walang kinikilingan obhetibo.nararapat na masagot ng prosesong ito ang isang
katanungan,haka,hula o haypotesis.Sa ganitong paraan, dapat itong
nakapagpapataas o nakapagdaragdag ng kaalaman hinggil sa isang
nakikilalang bagay na ibig mapag-alaman pa ng nga mamamayan.

LAYUNIN SA PAGSASALIKSIK NG IMPORMASYON


Marami pang layunin ng pagsasaliksik ng impormasyon.isa sa mga ito ang
makahanap ng solusyon hinggil sa isang problema o suliranin. Dito kailangan
maghanap o tumuklas ng bagaong kaalaman sa isang piling larangan ng
kaalaman.Ang pananaliksik din ang dahilan kung bakit ang mga tao ay
nagkakaroon ng mahusay at matuwid na pag-iisip,Dahil sa mga katotohanan ng
mga impormasyon natutuklasan. Isa pang mabuting layunin sa pagsasaliksik ng
impormasyon ay nakakagawa tayo ng mga bagay-bagay na nagpaparanas sa
atin ng mga kasanayan at nakapagbabahagi rin tayo ng mga kaalaman ayon sa
mga kaalaman ayon sa mga karanasan.

MGA PARAAN
Paraan upang makakuha ng bagong impomasyon o kaalaman ay ang
sumusunod;
1. Pagpunta sa mga Aklatan,Museo,Laboratoryo,Paaralan at sa na-identify
na lipunan upang makakuha ng mga tiyak na impormasyon.
2. Pakikipanayam sa mga dalubhasa o sa mga tao sa lipunan na may
mapapanalig ang opinyon o aktuwal na karanasan.
3. Pagbasa ng mg sanggunian na naglalaman ng pangkalahatang kaalaman
o may mga tiyak na paksa,Encyclopedia , Yearbook , Atlas, Mapa, GlobAL
at Indeks.
4. Obserbasyon sa paligid at pagtatala ng mahahalagang detalye.
5. Paggamit ng computer o kagamitang pang teknolohiya o pang media
upang magkaroon ng kaugnayan na kaalaman ukol sa paksa.
6. Pag-eeksperimento upang makatuklas ng bagong kaalaman.
7. Sariling pagmumuni o pag-iisip ayon sa sariling pagkaunawa na ibinatay
sa karanasan.

KAHALAGAHAN NG PAGSASALIKSIK NG IMPORMASYON


UNA - sa pananaliksik ay matutuhan nilang hanapin at alamin ang mga bagong
kaalaman o interesanteng mga bagay na sila mismo ang aalam o gagawa
nito.Natutulungan ang sarili upang maging Masipag, Matiyaga, Malikhain at
malayang magdesisyon kumilos o galaw sa paghahanap ng impormasyon.
PANGALAWA –Sa pananaliksik ay makapagsasanay kung paano matuto nang
mag-isa.Sa pagkat hindi lamang ang Paningin,Pandinig,Pang-amoy,Panlasa at
pakiramdam ang ginagamit sa pananaliksik,Ginagamit dito pati ang matalim na
pagsusuri at interpretasyon sa bawat impormasyon na makukuha nila.
PANGTLO - Ang pananaliksik ay isang kasangkapan para lalong mapahusay
ang kakayahan sa pakikipag talastasan,Lalong mapalawak ang magandang
relasyon sa kapwa at lalo pang mapalawig ang kaniyang kaalaman hinggil sa
kapaligiran at lipunang ginagalawan.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSASALIKSIK NG IMPORMASYON
1. Maging mapagmatyag sa buong kapaligiran. Itala ang mga ditalyeng
kailangan.
2. Tukuyin ang nakikitang magiging suliranin o tinatayang balakid sa
paksang nais saliksikin
3. Ilahad ang posibleng solusyon ng suliraning nais
bigyang solusyon.
4. Magplano ng isang maayos na pamamaraan para masolusyonan ang
nasabing suliranin.
5. Kumilos o gumawa nang naaayon sa plano at pamamaraang
nabanggit.Magtala ng mga datos o mahalagang impormasyon at suriing
mabuti ang bawat detalye ng impormasyon at lapatan ng angkop na gamit
pang estadistika para sa inerpretasyon nito.
6. Sabihin o Ilahad ang resulta. Ulitin ang pamamaraan maraming
beses,Kung kinakailangan, Ilahad muli ang pangkalahatang resulta para
masagutan ang mga tanong o matugunan ang mga suliranin o balakid.
7. Ipahayag ang mga bagong impormasyon o epektibong solusyon ng
nasabing suliranin para sa mga mambabasa.
8. Laging banggitin ang pinanggalingan ng impormasyon kung ang
pagtalakay ng awtor gagamitin o sourcing and citation.

You might also like