Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

6

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Partisipasyon ng mga Kababaihan
sa Rebolusyong Pilipino
Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Partisipasyon ng mga Kababaihan sa Rebolusyong
Pilipino
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Raiza O. Lopez


Patnugot: Rosalin S. Muli EdD, CESE
Ricky C. Balingit
Tagasuri: Janet Y. Paras
Romeo P. Lorido
John Paul C. Paje EdD
Bryan M. Balintec
Tagaguhit: Katy Chenee S. Napao
Tagalapat: Jacqueline E. Libut
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Celia R. Lacanlale PhD
Ruby M. Jimenez PhD
June D. Cunanan

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
6

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Partisipasyon ng mga Kababaihan
sa Rebolusyong Pilipino
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 6 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Partisipasyon ng mga Kababaihan sa
Rebolusyong Pilipino!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto sa mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
ika-21 siglong mga kasanayan habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 6 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Partisipasyon ng mga Kababaihan sa
Rebolusyong Pilipino!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

ii
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano
na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
Subukin nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala
Tuklasin sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
Pagyamanin unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
Isaisip ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
Isagawa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
Tayahin ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin ang
Gawain iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
Pagwawasto mga gawain sa modyul.

iii
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng marka o sulat
ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul


na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka ring humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Sa ating kasaysayan sa pakikipaglaban para sa ating kalayaan, karamihan


ay mga kalalakihan ang mga mas nakilala. Lingid sa kaalaman nating mga Pilipino
ay may mga matatapang na kababaihang nagkaroon din ng partisipasyon para sa
pagkamit ng kalayaan ng bansa.

Sa modyul na ito, makikilala ninyo ang mga kababaihang nagkaroon ng


partisipasyon sa rebolusyong Pilipino.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. nakikilala ang mga kababaihang nagkaroon ng partisipasyon sa


rebolusyong Pilipino;
2. napapahalagahan ang partisipasyon ng mga kababaihan sa rebolusyong
Pilipino; at
3. nakabubuo ng isang talata na nagpapahayag ng paghanga sa mga
kababaihan na nagkaroon ng partisipasyon sa rebolusyong Pilipino.

Mga Tala para sa Guro

Ang inyong patnubay at pagsubaybay ay kinakailangan


ng iyong mag-aaral upang matutuhan niya ang mga aralin at
masagutan ng wasto ang mga Gawain sa kagamitang ito.

1
Subukin

Basahing mabuti ang mga katanungan. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Sino ang nagbukas ng kanyang tahanan upang maging kanlungan ng mga


sugatang rebolusyonaryo?
A. Melchora Aquino
B. Teresa Magbanua
C. Gregoria De Jesus
D. Marcela Agoncillo

2. Ano ang naging taguri kay Melchora Aquino?


A. Tandang Trining
B. Tandang Sora
C. Tandang Oryang
D. Tandang Mel

3. Sino ang isang babaeng unang sumanib sa mga rebolusyonaryong Pilipino sa


Iloilo?
A. Melchora Aquino
B. Teresa Magbanua
C. Gregoria De Jesus
D. Marcela Agoncillo

4. Ano ang naging taguri kay Teresa Magbanua?


A. Ina ng Katipunan
B. Ina ng Rebolusyon
C. Joan of Arc ng Kabisayaan
D. Lakambini ng Katipunan

5. Sino ang nagsilbing tagapag-ingat ng lahat ng dokumento at selyo ng katipunan?


A. Melchora Aquino
B. Teresa Magbanua
C. Gregoria De Jesus
D. Marcela Agoncillo

6. Bakit tinaguriang Ina ng Katipunan si Melchora Aquino?


A. Dahil anak niya ang ilang miyembrong katipunero
B. Dahil inampon niya ang ilang katipunero
C. Dahil kinupkop at pinakain niya ang mga sugatang katipunero
D. Wala sa nabanggit

7. Sino ang Supremo ng Katipunan na asawa ni Gregoria De Jesus?


A. Emilio Aguinaldo
B. Emilio Jacinto
C. Apolinario Mabini
D. Andres Bonifacio

2
8. Bakit mahalaga ang pagkakagawa ng watawat ng Pilipinas?
A. Dahil ito ang magiging sagisag ng ating kalayaan
B. Dahil ito ang magiging palamuti ng bansa
C. Dahil ito ang ipagmamalaking obra ni Marcela Agoncillo
D. Lahat ng nabanggit

9. Paano maipapakita ang pagpapahalaga sa ginawa ng mga kababaihan sa panahon


ng rebolusyon?
A. Maliitin sila.
B. Balewalain sila.
C. Pahalagahan sila.
D. Ikahiya sila.

10. Paano mo gagayahin ang kabayanihang ipinamalas ng mga kababaihan noong


panahon ng rebolusyon sa modernong panahon ngayon?
A. Makipaglaban din.
B. Mahalin ang bansa natin.
C. Huwag makialam sa mga usapin.
D. Maging pabigat sa lipunan.

Para sa Tagapagdaloy:
Ipasagot sa mag-aaral ang
paunang pagsusulit. Ipagpapatuloy
lamang ang mga gawain kung hindi
nasagot ng tama ang lahat.

3
Aralin Partisipasyon ng mga

1 Kababaihan sa Rebolusyong
Pilipino
Sa matagal na panahong pananakop at pang-aapi ng mga Espanyol sa mga
Pilipino, maraming mga bayaning Pilipino ang nagbuwis ng buhay upang makamit
ang inaasam na kalayaan.

Balikan

Ang pagkakatuklas ng lihim na samahan na katipunan ang naging hudyat ng


simula ng himagsikan. Noong Agosto 23, 1896 naganap ang makasaysayang Sigaw
sa Pugad Lawin kung saan sabay-sabay na pinunit ng mga katipunero ang kanilang
mga sedula kasabay ng isang malakas na pagsigaw ng “Mabuhay ang Pilipinas!
Mabuhay ang Katipunan!”.
Nagkaroon din ng pagpupulong ang dalawang pangkat ng mga katipunero at
nagkaroon ng halalan sa Tejeros Convention upang pagbotohan ang magiging
pinuno ng samahan. Nagresulta sa ‘di pagkakaunawaan ang halalan matapos
tutulan ni Daniel Tirona ang pagkakahal kay Andres Bonifacio bilang Direktor ng
Interyor dahil ito ay hindi isang abogado. Nagalit si Bonifacio at nagtatag ng sarili
niyang pamahalaan kaya siya inakusahan ng salang sedisyon na nagresulta sa
pagkakapatay sa kanilang magkapatid sa Maragondon, Cavite noong Mayo 10, 1897.
Sa mahabang proseso ng pakikipaglaban para sa kalayaan, hindi na lang mga
kalalakihan ang nagkaroon ng mahalagang papel sa rebolusyon. Maging ang mga
kababaihan ay naglakas na rin ng loob na makisali sa rebolusyon makamit lamang
ang kalayaan ng bansa.

Isulat sa patlang ang tamang sagot.


1. Naganap ang makasaysayang ______________________________ noong Agosto 23,
1896.
2. Pinunit ng mga Katipunero ang kanilang mga ______________________________
bilang tanda ng pagsisimula ng rebolusyon.
3. Nagkaroon ng halalan sa ______________________________upang pagbotohan ang
magiging pinuno ng samahan.
4. Si ______________________________ ang nahalal na pangulo.
5. Si ______________________________ naman ang nahalal bilang Direktor Interyor.

4
Tuklasin

Pag-aralan ang mga larawan. Kilalanin ang mga larawan ng mga


kababaihang nagkaroon ng partisipasyon sa rebolusyong Pilipino.

MELCHORA GREGORIA DE AGUEDA


AQUINO JESUS KAHABAGAN

MARINA DIZON GREGORIA TERESA TRINIDAD


MONTOYA MAGBANUA TECSON

MARCELA PRAJEDES
TRINIDAD RIZAL JOSEFA RIZAL
AGONCILLO FAJARDO
Pamprosesong Tanong:
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Sino-sino ang mga kababaihang nasa larawan?
2. Ano-ano ang mga naging papel nila sa rebolusyon?
3. May naitulong ba sila sa pakikipaglaban para sa ating kalayaan?

5
Suriin

Sa simula, mga kalalakihan lang ang mga kasapi ng samahang katipunan.


Dahil sa paghihinala ng kanilang mga asawa sa kanilang pag-alis-alis kung gabi at
nababawasan ang kanilang sahod, napilitan silang itatag ang isang samahan para
lamang sa mga asawa, kapatid, at anak ng mga katipunero.

Si Gregoria De Jesus na asawa ni Andres Bonifacio ay


kabilang sa samahang katipunan at tinaguriang “Lakambini
ng Katipunan”. Nakatulong siya bilang tagapagtago ng
mahahalagang lihim na dokumento ng katipunan. Sa tuwing
may pagpupulong ang mga katipunero ay nagsasayawan,
nagkakantahan at nagsasaya ang mga kababaihan upang
hindi mahalata ng mga guardia sibil ang mga ito.

Si Melchora Aquino o mas kilala bilang “Tandang


Sora” ang tinaguriang “Ina ng Katipunan”. Sa edad na 84,
kinalinga niya ang mga sugatang katipunero, pinakain at
kinupkop sa kanyang tahanan. Ito ang dahilan kaya siya ay
ipinatapon ng mga Espanyol sa Marianas Islands.

Si Trinidad Tecson ay nakilala bilang “Ina ng Biak-na-


Bato” na matapang na nakipaglaban kasama ang mga
rebolusyonaryo. Siya ay tinagurian ding “Ina ng Philippine
National Red Cross” dahil sa kanyang naging tulong sa mga
kasamahang katipunero. Naatasan siyang maging
komisyonaryong pandigma sa Republika ng Malolos.

Si Teresa Magbanua o mas kilala bilang “Nay Isa” na


tinaguriang “Joan of Arc ng Kabisayaan” ang isa sa mga
unang babaeng sumanib sa mga rebolusyonaryong Pilipino
sa Iloilo. Siya ay nagpamalas ng angking katapangan at
kagalingan sa taktika at pakikipaglaban bilang isang
babaeng heneral.

6
Si Marcela Agoncillo ay ipinanganak sa Taal,
Batangas. Siya ay tinaguriang “Ina ng Watawat” dahil siya
ang nagdisenyo ng ating watawat sa Hong Kong kasama sina
Lorenza Agoncillo at Delfina Herbosa de Natividad.

Si Marina Dizon ng Binondo ang naging kalihim ng


sangay ng kababaihan. Tumulong din siya katulad ng
ginawa ni Tandang Sora.

Ang mga kapatid ni Jose Rizal na sina Josefa at


Trinidad Rizal ay tumulong sa pagbibigay ng pagkain,
tagakuha ng impormasyon hinggil sa kilos ng mga Espanyol
at tagapag-ingat ng dokumento.

Si Prajedes Fajardo ang naging pangulo ng Red Cross


sa Pampanga.

7
Si Agueda Kahabagan ang naitala bilang nag-iisang
babaeng Heneral ng Pilipinas noong 1899.

Si Gregoria Montoya ng Cavite ay nasawi naman


habang siya ay nakikipaglaban.

Sina Eleutera Florentino ng Ilocos at Bernarda Tagalog ng Cavite ay mga


kababaihang tumulong rin sa pag-aaruga ng mga sugatang katipunero.

Ngayong nakilala at nalaman niyo na kung sino-sino at ano-ano ang mga


naging papel ng mga kababaihan sa rebolusyong Pilipino, maaari mo nang sagutin
ang mga kasunod na gawain na may kaugnayan sa iyong binasa.

Pagyamanin

Gawain A
Kompletuhin ang pangalan ng mga kababaihang nagkaroon ng
partisipasyon sa rebolusyong Pilipino batay sa paglalarawan sa mga ito at isulat sa
sagutang papel.
________ ______ 1. Siya ay kilala sa palayaw na Tandang Sora.
________ __ _ _ _ _ _ 2. Siya ay asawa ng Supremo ng Katipunan.
________ ______ 3. Siya ay kilala bilang Ina ng Biak-na-Bato.
______ ________ 4. Siya ay kilala bilang Joan of Arc ng Kabisayaan.
_______ _ _ _ _ _ _ _ _ _ 5. Siya ay isa sa mga tumahi ng bandila ng Pilipinas.

8
Gawain B
Hanapin sa loob ng kahon kung sino ang babaeng bayani ang gumawa ng
papel na ito sa rebolusyong Pilipino. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

A. Prajedes Fajardo
B. Bernada Tagalog
C. Trinidad at Josefa Rizal
D. Agueda Kahabagan
E. Gregoria Montoya
F. Eluetera Florentino

_______1. Sino-sino ang mga kapatid ni Jose Rizal na tumulong sa mga


sugatang katipunero?
_______2. Sino ang tumulong sa pag-aaruga ng mga sugatang
katipunero sa Cavite?
_______3. Sino ang taga- Sta. Cruz, Laguna na nakilala bilang isang
babaeng heneral ng himagsikan?
_______4. Sino ang babaeng taga-Cavite na nasawi naman habang siya
ay nakikipaglaban?
_______5. Sino ang naging pangulo ng Red Cross sa Pampanga?

Gawain C
Kilalanin ang mga larawan ng mga kababaihang nagkaroon ng partisipasyon
sa rebolusyong Pilipino. Isulat ang kanilang mga pangalan sa sagutang papel.

1. ____________ 2. ____________ 3. ____________ 4. ____________ 5. ____________

9
Gawain D
Isulat sa sagutang papel ang naging partisipasyon o kontribusyon ng mga
sumusunod na kababaihan sa rebolusyong Pilipino.

Kababaihang Rebolusyonaryo Kontribusyon sa Rebolusyong Pilipino


1. Marina Dizon
2. Prajedes Fajardo

3. Agueda Kahabagan
4. Bernada Tagalog
5. Trinidad at Josefa Rizal

Gawain E
Isulat sa sagutang papel ang mga taguri sa mga sumusunod na kababaihan
na nagkaroon ng partisipasyon sa rebolusyong Pilipino.

Kababaihang Rebolusyonaryo Taguri


1. Melchora Aquino
2. Gregoria De Jesus

3. Trinidad Tecson
4. Teresa Magbanua
5. Marcela Agoncillo

Gawain F
Isulat sa sagutang papel kung ang mga pahayag ay TAMA o MALI.

_______1. Walang mahalagang naitulong ang mga kababaihan sa


panahon ng rebolusyon.
_______2. Maraming dahilan kung bakit nakisali ang mga kababaihan sa
rebolusyon.
_______3. Ilan sa mga kababaihan ay nakisali mismo sa mga labanan
kontra sa mga Espanyol.
_______4. Ang mga kababaihan noon ay nagsisilbing tagapag-alaga
lamang ng kani-kanilang pamilya.
_______5. Nakatulong ang mga kababaihan sa pamamagitan ng
paggamot sa mga sugatan at maysakit na katipunero.

10
Isaisip

Sa lahat ng pang-aaping dinanas ng mga Pilipino sa kamay ng mga Espanyol,


hindi matatawaran ang kabayanihang ipinamalas ng mga Pilipino upang makamit
ang inaasam na kalayaan.
Ilan sa kanila ay nagsilbing tagapagtago ng mahahalagang dokumento ng
katipunan gaya ni ____________________. Kinupkop at inaruga naman nina
____________________, ____________________, ____________________, at
____________________ ang mga sugatang katipunero. Sina ____________________,
____________________, ____________________, ____________________, at
____________________ ay sumali sa mga labanan at naging lider pa ng kanilang mga
pangkat laban sa mga Espanyol.
Hindi naging hadlang ang kanilang kasarian upang makatulong na ipaglaban
ang kalayaan.

Isagawa

Paano mo maipagpapatuloy bilang isang kabataang Pilipino ang mga


ginawang sakripisyo ng mga kababaihang Pilipino na nagkaroon ng partisipasyon sa
rebolusyong Pilipino. Maglista ng tatlong paraan sa inyong sagutang papel.

11
Tayahin

Isulat sa sagutang papel ang FACT kung ang pahayag ay tama at BLUFF
naman kung mali.

_______1. Hindi hadlang ang kasarian upang ipaglaban ang kalayaan ng bansa.
_______2. Natakot ang mga kababaihan na makilahok sa rebolusyon noong
panahon ng mga Espanyol.
_______3. Nagpamalas ng katapangan ang mga kababaihan sa kanilang walang
takot na pagsali sa mga samahang lumalaban sa mga dayuhang
Espanyol.
_______4. Inaruga at kinupkop ng ilang kababaihan ang mga sugatang
katipunero sa kabila ng panganib sa kanilang buhay
_______5. Mababa ang tingin sa mga kababaihan noong panahon ng mga
Espanyol kaya hindi sila sumasali sa rebolusyon.
_______6. Sa murang edad pa lamang, nakisali na sa labanan si Melchora Aquino
upang makamit ang kalayaan ng bansa.
_______7. May mga babaeng naging heneral at naging lider ng labanan sa iba’t
ibang bahagi ng bansa gaya nina Agueda Kahabagan at Teresa
Magbanua.
_______8. Nagsasagawa ng kasiyahan, kantahan at sayawan ang mga
kababaihang kasapi nito upang hindi mahuli ng mga guardia sibil ang
lihim na pagpupulong ng mga Katipunero.
_______9. Takot makipaglaban ang mga kababaihan noong panahon ng mga
Espanyol kaya wala silang naging kontribusyon sa rebolusyong
Pilipino.
______10. Maraming papel na ginampanan ang mga kababaihan sa rebolusyong
Pilipino gaya ng tagapagtago ng mahahalagang dokumento, taga-aruga
ng mga sugatang katipunero at lider ng mga pakikipaglaban sa iba’t
ibang panig ng bansa.

12
Karagdagang Gawain

Sumulat sa inyong papel ng isang liham pasasalamat sa mga kababaihang


Pilipino na nagkaroon ng partisipasyon sa rebolusyong Pilipino.

_____________________________
_____________________________
_____________________________

________________________________

___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

_____________________________
_____________________________

Rubriks sa Pagwawasto ng Karagdagang Gawain

5 4 3

Nilalaman Punong-puno ng Maganda ang mga


‘Di makatotohanan
ideya ideya

Napakaayos ng Maayos ang


Medyo magulo ang
Organisasyon pagkakasulat ng pagkakasulat ng
pagkakasulat ng
mga bahagi ng mga bahagi ng
mga bahagi ng liham
liham liham

Intensyon Napakalinaw Malinaw ‘Di gaanong malinaw

13
14
Rubriks sa Pagwawasto ng Isagwa
5 4 3
Nilalaman Punong-puno ng Maganda ang mga ‘Di makatotohanan
ideya ideya
Organisasyon Napakaayos Maayos Medyo magulo
Intensyon Napakalinaw Malinaw ‘Di gaanong
malinaw
Rubriks sa Pagwawasto ng Karagdagang Gawain
5 4 3
Nilalaman Punong-puno ng Maganda ang mga ‘Di makatotohanan
ideya ideya
Organisasyon Napakaayos ng Maayos ang Medyo magulo ang
pagkakasulat ng pagkakasulat ng pagkakasulat ng
mga bahagi ng mga bahagi ng mga bahagi ng
liham liham liham
Intensyon Napakalinaw Malinaw ‘Di gaanong
malinaw
Isaisip
1. Gregoria De Jesus
2. Melchora Aquino, Marina Dizon, Eleutera Florentino, Bernards Tagalog
3. Trinidad Tecson, Teresa Magbanua,Agueda Kahabagan, Gregoria Montoya
Tayahin Gawain F Gawain E
1. FACT 6. BLUFF 1. MALI 1. Ina ng Katipunan
2. BLUFF 7.FACT 2. TAMA 2. Lakambini ng Katipunan
3. FACT 8. FACT 3. TAMA 3. Ina ng Biak-na-Bato
4. MALI 4. Joan of Arc ng Kabisayaan
4. FACT 9. BLUFF
5. TAMA 5. Ina ng Watawat ng Pilipinas
5. FACT 10. FACT
Gawain D Gawain B
1. Naging kalihim ng sangay ng kababaihan. Tumulong din 1. C 3. D 5. A
siya katulad ng ginawa ni Tandang Sora. 2. B 4. E
2. Naging pangulo ng Red Cross sa Pampanga.
3. Naitala bilang isang nag-iisang babaeng Heneral ng Gawain C
Pilipinas noong 1899 1. MELCHORA AQUINO
4. Tumulong sa pag-aaruga ng mga sugatang Katipunero sa 2. AGUEDA KAHABAGAN
Cavite. 3. MARCELA AGONCILLO
5. Tumulong sa pagbibigay ng pagkain, tagakuha ng 4. TERESA MAGBANUA
impormasyon hinggil sa kilos ng mga Espanyol at 5. TRINIDAD TECSON
tagapag-ingat ng dokumento.
Gawain A Balikan Subukin
1. MELCHORA AQUINO 1. Sigaw sa Pugad Lawin 1. A 6. C
2. GREGORIA DE JESUS 2. sedula 2. B 7. D
3. TRINIDAD TECSON 3. Tejeros Convention
3. B 8. A
4. TERESA MAGBANUA 4. Emilio Aguinaldo
5. Andres Bonifacio 4. C 9. C
5. MARCELA AGONCILLO
5. C 10. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

"Araling Panlipunan K To 12 Curriculum Guide". 2020. Slideshare.Net.


https://www.slideshare.net/kenjoyb/araling-panlipunan-k-to-12-
curriculum-guide.

Antonio, Banlaygas, Dallo, Eleonor D., Emilia L., Evangeline


M.n.d. Binagong Edisyon -Kayamanan – 6. Manila,
Philippines: Rex Book Store.

Baisa-Julian, Lontoc, Ailene G.,Nestor S. 2017. Bagong Lakbay Ng Lahing


Pilipino 6. 927 Quezon Avenue, Quezon City: Koordineytor: Alma M. Dayag
Phoenix Publishing House.

K-12 Most Essential Learning Competencies (MELC) – Teach Pinas. Teach


Pinas, 2020. https://www.teachpinas.com/ k-12-most-essential-learning-
competencies-melc/.

Updates, News, Teaching Materials, Reading Articles, and Be Contributor.


2020. "Most Essential Learning Competencies (MELC) KG to Grade 12 SY
2020-2021". Deped Click. https://www.deped-click.com/2020/05/most-
essential-learning-competencies.html.

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Region III
Learning Resource Management Section (LRMDS)
Diosdado Macapagal Government Center,
Maimpis, City of San Fernando (P)

Telefax: (045) 598-8580 to 89


Email Address: region3@deped.gov.ph

You might also like