Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 381

Nagpatukso

by pilosopotasya

The more it's forbidden, the more Sinteya Yeo is tempted. (NagpaSeries
#1)

=================

Ngptkso

Ngptkso // Rated: Mature - Themes, Language, Sex

This is not for the kids and young ones. You have been warned. If you're
not comfortable with taboo themes - don't read this. This is fictional
and nothing written in this story is real. I repeat, NOTHING is real.
They're just a product of my imagination. Everything written here is not
related to me or to anyone close to me.

A product of imagination, okay?

Also, Nagpatukso is a challenge. I'm not into romance stories but I'll
try to write one for I aim to be a versatile writer. I'm also not a
girly-girl so I'm challenging myself to write a POV like that. Please
bear with me.

Hashtag: #Ngptkso

The whole story is dedicated to Sinteya Yeo / DearSeed. Yer still one of
my 4ever idols as of today.

__________

Wattpad

© pilosopotasya

"Nagpatukso"

Started: 07 - 01 - 14

Revised: 02 - 08 - 15

Finished: 05 - 04 - 15
=================

Ngptkso 01

Ngptkso 01 // Guilty Pleasure

Sa lahat ng nausong quotable-quotes sa mundo, "masarap gawin ang bawal"


ang pinaka gusto ko. It's the quote I live by. Motto, kumbaga. Kasi nga,
masarap gawin ang bawal. Kakaiba 'yung feeling. It feels like I’m always
pumped up.

Maraming nagsabi na titigil din ako sa ganitong pamumuhay. My grandma


even said to the Discipline Coordinator that I'll change for the better
soon enough. After a janitor saw me kissing the new hot kid in class,
people were not in favor. I laughed and cried. But c'mon, sino ba kasing
hindi gugustuhing halikan ang grade 6 classmate na kasing hot ni Johnny
Depp?

He's into me. I like the rush. The boy's CR was inviting.

But my elementary school is too pussy to like the idea of grade schoolers
kissing.

KJ.

I'm no saint. No angel. I just like. . . the fun. Nakakatuwa para sa akin
'yung feeling na any moment, pwedeng may mangyaring hindi aayon sa plano.
And I'm anticipating what I will do next. I'm always up for unexpected
adventures. For taboos. Deviants.

Norms? That's for normal people who like boring stuff.

I don’t do borings. And I’m far from normal.

“Seryoso, hindi mo makukuha ang pants ni Sir Marco sa make-up na 'yan,”


said by the Queen of Uncensored, Unica Fae Valentine, the youngest of
the Valentine siblings. The only girl in the family (cause her mom is the
lady). Have two hot older brothers that I had a crush on since the day I
knew how to check out boys.

I was nine when I learned her bros are hot.


One of the things I like normal is my make-up. Sabi kasi ni Erica, my Mom
(she wants me to call her Erica), nude make-up can make my skin glow.
Hindi ko na raw kailangan magpaka-diva sa make-up at baka magmukhang
clown.

Beautiful woman doesn't need excessive colors in the face, honey, she
said to me once. Nagmumukha raw kasing unnatural. Naniwala naman ako sa
kanya. So I’m using this natural make-up since I learned how to paint
faces.

“I’m not aiming for the pants, Ms. Uh-ni-ka,” I said, looking at Unica
emphasizing every syllable in her name. Nagsuklay lang siya kaunti tapos,
okay na. Madalas lang siyang nakatunganga sa CR kapag magkasama kami.
Hindi kasi pala-ayos. “I’m aiming for something bigger.”

“Yeah,” she said and air-quoted, “bigger.”

Sa sobrang tawa niya, (which was contagious! She’s one of the girls who
laugh like a mad man.) natawa rin ang ilang babae na kahelera namin sa
tapat ng salamin. At ang walanghiya, tinulak din ako! Good thing I
finished re-touching. Kung hindi, even if I love her, I’ll drag her to
hell.

Kidding. Or am I?

Sa ingay ni Unica – gusto ko sana sabihing kami ang maingay, pero siya
lang talaga – ang sama na ng tingin sa amin ng ilang babae. Nakataas ang
kilay ng iba. Kung hindi lang siguro kami umalis, siguradong sunog na
kami sa mga titig nila.

“Daming beach, gusto ko lumangoy!” sigaw ni Unica bago kami makalabas


talaga.

Napailing na lang ako.

This Unica. Uncensored is the word that really fits her perfectly.

“Baliw ka talaga,” sabi ko, trying to suppress my laugh. “Kailangan


talaga ipagsigawan 'yung kay Sir?”

“Aba naman oras na para markahan ang teritoryo mo,” she said, fixing her
polo shirt. Napailing na lang ako sa pag-angat niya ng laylayan ng polo
shirt niya. Halos makita na ang rose tattoo malapit sa pelvic niya.
Galing kaming CR pero mas pinili niyang sa hallway mag-tuck in. Typical
Unica. “Nakita mo 'yung babae sa pinaka kanan kanina?”
What made me laugh was when she described the girl: full of make-up, red
eye shadows and red lips that matched the red high heels that didn’t
match the yellow dress Unica said the girl was wearing. Actually, hindi
ko naalala 'yung babae. Natatawa lang talaga ako sa sinabi ni Unica na,
“lakas maka-Mcdonalds!”

Natapos akong tumawa nang ilang segundo. “What’s with her?”

“Kaklase ko 'yun sa Values,” sabi niya. “Janina – Jamaica – McDonalds.


Not sure kung ano ang pangalan, ewan!” dagdag pa niya.

Pinatigil ko siya sa pagsasalita. “Wait, hindi ka naman nasusunog sa


Values class?”

“Aha! Aha! Funny!” inis niyang sabi. I just laughed until we went down
stairs. “Pero ayun nga, Values class.”

“Okay, what’s up?”

“Tinanong kasi kami sa class kung sino 'yung Guilty Pleasure namin,”
pagkukwento niya. Tumingin pa siya sa itaas, a mannerism when she’s
trying to remember something. “I-de-describe daw namin kung bakit guilty
pleasure tapos magbigay ng initials.”

“And?”

Tinigil ako ni Unica sa paglalakad. She cleared her throat and started –
acting! Animatedly. “He’s like, uhm, he’s so. . . gwapo,” Unica said, her
voice cringe-worthy. Pinipilit niya kasing paliitin ang boses niya which
was weird dahil medyo maton ang boses niya. At nag-overact siya sa pagli-
lip bite! “He’s my, uhm. . . guilty pleasure kasi he’s so. . .yeah,
oozing with wisdom and intelligence. And his voice. . .” Pinipilit niyang
huwag matawa. But failed as she said, “his voice makes me wet.”

“What?”

Natawa kami parehas.

Unica widened her eyes. “Really! Nabulunan nga si Tandang Sora, eh!”

Lalo akong natawa sa sinabi niya – Tandang Sora – si Ginang Teodora na


ata ang pinaka matandang professor sa arts department (which is ours) sa
school. Naging professor ko siya sa Logic at talaga namang pinag-iinitan
ako dahil puro raw kalokohan ang sinasagot ko.

She hates me. Sa sobrang galit niya sa akin, minabuti niyang ipasa ako sa
Logic para hindi na niya ako maging estudyante ulit kahit panay ang
absent ko. The good thing is, mutual understanding ang nangyari sa amin
ni Tandang Sora.

“Paano mo naman nasabing si Sir Marco 'yun?”

“Duh,” Unica rolled her eyes. “L.M.A. At nung one time, dumaan si Sir
para kausapin si Tandang Sora, kulang na lang magbaha sa room sa
paglalaway niya.”

L.M.A. Lourd Marco Aceveda, or also known as The Professor God of the
university. Hindi ako sure kung sinasadya niyang maging greek god-like
handsome para tawagin siyang The God, which is similar to his first name
“Lourd.” Pero imbis na Lourd ang tawag, he prefers to be called as Sir
Marco. Ayaw nga raw niya ng Mr. Aceveda dahil parang ang tanda na raw.

As far as his facebook says, nasa 25 lang siya. Single.

One of the reason a lot of university girls have the hots for him.

Maraming nagsabi na ang ibang nag-enroll sa school na babae, gustong


gusto maging professor si Sir Marco. Well, sino nga bang hindi
gugustuhing maging professor ang tulad niya? I really admit, unang
pagpasok ko sa klase niya, akala ko estudyante siyang nagfifeeling
professor. Ang nakakainis pa, I smiled at him. Seductively.

Shit lang nung nagpakilala siya bilang professor.

Well, at least he smiled back at me!

Sino ba kasing maniniwalang professor siya kung ang ayos at tindig niya,
kulang na lang hubaran siya at isabit sa billboard ng Guadalupe para
maging Bench model ng brief. If I could just see through his almost
fitted polo shirts, nasisigurado akong maganda ang view doon.

Plus, he’s charming. And witty. And intelligent.

“Speaking of,” bulong ni Unica. Siniko niya ako at nginuso ang likuran
ko. Kumaway pa si Unica. “Sir!”

“Oh, Ms. Valentine.”

That voice. Lumingon ako. Pagkakita ko pa lang ng ayos ni Sir, gusto ko


nang tumakbo palapit sa kanya at yumakap na lang. And I’ll never let go.
Natatawa ako sa pinag-iisip ko pero hindi ko mapigilan. Lumapit siya sa
amin at kung hindi ako nagkakamali, he's smiling at me.
“Ms. Yeo,” bati niya sa akin.

I smiled. “Sir Marco.”

“Anong ginagawa ng dalawang dilag sa labas ng classroom ko?”

Pwede bang ngumiti na lang ako lagi? Promise. Sabi ni Erica, maganda raw
ang ngiti ko. So I’ll just sm—

“May sasabihin sa'yo si Sinteya, Sir.”

Nanlaki ang mata ko kay Unica. Bago ko pa siya mapalo, lumayo siya agad
sa akin. Tawa siya nang tawa at ako, hindi ko na malaman kung anong
gagawin ko. Nakangiti si Sir Marco pagtingin niya ulit sa akin at gusto
ko na lang siyang i-pa-photocopy at gumawa ng standee niya para pwedeng
mayakap-yakap sa kwarto.

“Ano'ng sasabihin mo, Ms. Yeo?”

“Uhm. . .” Naghanap ako ng sasabihin. Sa memorya ko. Sa paligid. Kay


Unica na may kausap na iba. Pagbaling ko ng tingin kay Sir, napangiti na
lang ako dahil sa ngiti niya. “Ang gwapo ng ngiti mo, Sir.”

Sir Marco laughed. Shit. Hindi ko pinagsisihan ang sinabi ko! Umiling
siyang nakangiti na parang nahihiya. Natawa rin ako kaunti. But I stopped
laughing when he said, “you have a pretty smile, Ms. Yeo.”

Hindi ko napigilan ang ngiti. Siguradong mukha akong tangang natatawa pa.
“Sir talaga, oh.”

“Ikaw naunang nambola, Ms. Yeo!” Ugh. Stop laughing, Sir Marco. “Sige na,
papasok na ako sa klase.”

“Ingat, Sir.”

Umiling siya muli habang natatawa. Bago pa siya pumasok sa classroom ng


mga first years, nginitian niya ulit ako. “Ikaw din, ingat kung saan ka
man papunta.”

“Mag-ingat ako papunta sa puso mo, Sir?”

Natawa siya sa akin. “Oo, mag-ingat ka.”

Bago pa magsara ang pintuan ng klase niya, narinig kong may malakas na
boses na nagsalita ng ‘uy si Sir nag-ba-blush!’ at tawanan ng mga
estudyante. Pagtingin ko sa salamin ng pinto, nakangiti lang siya at
parang natatawa. Bumaling ang tingin ni Sir sa akin at kumaway.

Kumaway din ako.

Pagtingin ko kay Unica na papalapit sa akin, we're both smiling widely.

=================

Ngptkso 02

Ngptkso 02 // Game of Spoons

If I could be an object for a day, I’ll be willing to be the spoon of Sir


Marco. Lalo na kung sinusubo niya. Nakaupo ako sa cafeteria at katapat ng
table namin ang table ng mga professors. Minsan lang magpunta dito ang
mga professor. At ang swerte kong katapat ng inuupuan ko ang pwesto ni
Sir.

Nakasubo lang ang kutsara sa bibig niya. Napangiti ako, just by imagining
I’m that one particular spoon. Matapos ng ilang segundo, lumingon siya sa
pwesto ko. With the spoon between his lips, he smiled at me.

Nginitian ko rin siya.

Umiling siyang nakangiti at tinuon ang pansin sa kwentuhan nila ng iba


pang professor.

“Bakit ba ang hot ni Sir?”

Natawa sa sinabi ko si Unica, busy sa paglalaro ng candy crush. Kanina pa


nga siya nababadtrip at nagmumura dahil laging ‘isa na lang, eh!’ ang
moment niya. “Grabe namang pagnanasa 'yan, hanggang cafeteria.”

Ngumiti ako. “Ano kayang feeling maging kutsara niya?”

Lalong natawa si Unica at tumingin sa akin. Ito na naman siya sa tawa na


nagpapapansin sa lahat kaya pati ang mga professors, napatingin sa pwesto
namin. “Shit ka, Sin! Next time alamin natin anong feeling maging condom
niya.”

“You think nakipag-sex na siya?”


Umirap si Unica at tinigil muna ang paglalaro ng Candy Crush sa iPhone
niya. “Duh, sa itsurang 'yan?” Nilingon niya si Sir. “Baka nga may
supplier ng condom 'yan, eh.” Sabay kami ni Unica na tumingin sa pwesto
ng mga professors. Nakatingin sa amin si Sir kaya tumango si Unica.
Tumango din si Sir.

Lumapit si Unica sa akin at medyo tinulak ko siya.

“The hell! Nao-obvious ni Sir na pinag-uusapan natin siya.”

Pero bago pa ako makalayo kay Unica, hinatak niya 'yung ID ko kaya mas
lalo akong napalapit. “Sin, huwag kang mag-alala. Halos lahat naman ng
babae dito sa caf, pinag-uusapan siya. Kapag nalaman niyang pinag-uusapan
natin siya, sa atin nakatutok atensyon niya.”

Sinundan ko ang pagtingin ni Unica sa paligid and yeah, she’s right. May
ilang babaeng nakatingin kay Sir, may ilan ding nagtatawanan. Sa isang
gilid, parang kinukuhanan pa ata ng litrato si Sir. Hindi na talaga ako
nagtataka. Kulang na lang pagkaguluhan siya para magmukhang artista, eh.

Pagtingin ko kay Sir, sumubo ulit siya. Ugh, why can’t I be the spoon,
really?

Kinailangan na namin maghiwalay ni Unica dahil next class na niya. Ako,


one hour pa. But before we went our separate ways, nakatingin sa iPhone
siyang nagsalita.

“Tara sa condo mamaya,” nakangiti niyang sabi. Nagtaas-taas siya ng kilay


and I’m sure something is up. Pagtanong ko kung ano, sinagot lang niya
ako ng “basta! Kitakits sa may entrance.”

Fine. After my class an hour and a half later, naglakad na ako papunta sa
entrance. Hindi na ako nag-retouch dahil pauwi na rin naman na sa condo
ni Unica. She lives alone, to be independent, she said. Pero ang alam ko,
hindi pumapayag sa ganitong set-up ang Mommy niya, so may katulong, si
Ate Nena.

Pero dahil Unica is the sneaky little princess, kakuntsaba niya si Ate
Nena. Mabait din naman si Ate Nena at may sariling mundo sa cellphone na
binili ni Unica para sa kanya. Ka-text ang boyfriend sa katapat na
building ng condo ni Unica.

“Miss.”

Nagpatuloy ako sa paglalakad.

“Hey Miss!”
Bago pa ako makalabas, someone grabbed my arm from behind. Mahigpit!
Dahil sa defense mechanism, siniko ko ang humawak sa akin. Bumitaw naman
agad sa akin kung sino man 'yun at napa-‘aw’ pa.

Paglingon ko sa likuran, una kong napansin ang sumisilip na tato sa may


collarbone ng lalaki. Naka v-neck siya kaya siguradong gusto niyang
ipagmalaki 'yung tato. The guy’s not muscular and neither thin. His body
is lean, mukhang nagwowork-out pero hindi sobra kaya sumasakto sa buong
itsura niyang.. . hmm, okay. Gwapo.

And he was staring at me. Mukhang galit pa ata dahil nakahawak siya sa
may dibdib niya. Doon ko ata siya nasiko—but he grabbed me! Nagkatinginan
kami sandali pero tumingin ulit ako sa entrance at nagsimulang maglakad.

“Ang ganda kasi hindi sa mukha lang.”

Mabilis ang pagtaas ng kilay ko at napatigil sa narinig. Paglingon ko


ulit, may ibang babae na siyang pinagtanungan. He was asking for
directions – papunta sa registrar. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang
sa matapos ang pagtatanong niya. When he smiled at the girl, I’m sure
he’s flirting. Tumingin siya sa akin na nakataas din ang kilay.

“Before preaching me about beauty, use your eyes and brain.” Tinuro ko
'yung signage sa bandang itaas ng kinatatayuan niya. Pagtingin niya sa
taas, nandoon ang sign at arrow kung saan ang registrar, finance at
cafeteria.

Nagkatinginan kami sandali. Ang sama ng tingin niya at gusto kong matawa
sa mukha niya. Sayang, ang gwapo pa naman at long hair pa.

“Sin!”

Nakangiting lumapit sa akin si Unica pero napatingin pa sandali sa


lalaking bwisit na nakasalubong niya. Napa-double look pa nga siya sa
lalaki at tumingin sa akin.

“Nakita mo 'yung lalaking 'yun?” tanong ni Unica. Nilingon pa ulit 'yung


lalaki na lumiko na at natatawan pa. “Nagbabaga si koya!”

Ngumiwi ako. Yeah, he’s hot all right. Hindi naman marunong gumamit ng
mata at utak.

Nag-taxi kami papunta sa condo ni Unica. I don’t have a car because I


don’t know how to drive. Wala rin kasing hilig si Erica sa kotse. But for
Unica’s case, she knows driving. Her mom won’t let her have a car. Baka
raw kasi kung ano ang mangyari sa kotse. Natawa nga ako nung ikwento niya
sa akin 'yon.
She was hysteric when she said, “sa kotse pa talaga nag-alala!”

Pagkarating sa condo, nagtext ako kay Erica at nagpaalam.

EricaOkay, honey. But be home on Sunday. I’ll cook food.

To EricaEdible? :P

Erica I’m practicing! Don’t judge xoxo

“Ang cool talaga ng mom mo,” singit ni Unica.

“Ayos lang din naman mommy mo,” sabi ko.

Umirap si Unica at umiling. Nagbihis muna ako ng pambahay, shirt and


denim shorts. May wardrobe na rin kasi ako sa condo niya dahil madalas
kaming mag sleep over. We proceeded on cooking popcorn. A lot of it.

“Akala ko ba marathon lang?” tanong ko habang nilalagay sa mga bowl ang


niluluto niyang popcorn. “O ito ba yung kakainin natin sa buong stay ko
sa condo mo?”

Natawa sa akin si Unica. “Chill lang. May mga inaya rin akong makiki-
marathon.”

And as if on cue, narinig namin ang doorbell. Mukhang wala si Ate Nena
kaya siya ang nagbukas ng pintuan habang ako naman ang naglagay ng
popcorn sa lamesa sa entertainment room. Umingay ang condo dahil sa ilang
friends ni Unica na dumating. May ilang pamilyar – may ilang bago lang
ang mukha.

Naupo ako sa pwesto ko lagi, sa sofa. Ang ilan naman ay naghanap na rin
ng kanya-kanyang pwesto sa malawak na entertainment room. Lumabas muna si
Unica habang nagkausap kami sandali ng mga lagpas lima niyang kaibigan na
nandito.

“Sinteya!” bati sa akin ni Mark, a classmate of Unica last semester.


Hindi ko na rin maalala kung paano ko siya nakilala. Bigla na lang kasing
sumusulpot-sulpot itong lalaking 'to. Umupo siya sa tabi ko sa sofa at
hinawakan ang hita ko. “Lalo kang gumaganda, ah?”
Pagkapisil niya ng hita ko, nakangiwi akong nilayo ang kamay niya sa
akin. “Ikaw rin Mark, mas lalo kang naging manyak.”

Natawa si Mark at ilan pang nakarinig sa sinabi ko. Pagbukas ng pintuan,


tumambad si Unica na ngiting-ngiti sa akin at tumingin kay Mark. “Putspa
ka Mark, kakasabi ko lang na lumayo-layo ka kay Sinteya, eh!”

Tumayo si Mark at nagtaas ng kamay. “Ito na, lalayo na nga.” Kumindat


siya sa akin pagkalipat niya sa isang beanbag. Naupo si Unica sa tabi ko
at hindi ko mawari bakit ang lawak ng ngiti niya.

“Ano bang papanoorin natin ngayon?” tanong ni Shiela na hawak na ang


isang bowl ng popcorn.

“Pagkain mo ng popcorn papanoorin natin,” natatawang sabi ni Unica.


“Hindi pa nga nakabukas aircon at TV, kumakain ka na.”

“Ay, akala ko hotness ko dahilan kaya mainit,” singit naman ng kakakilala


ko lang. His name is I think - James? William? Hindi ko na maalala.

Nagtawanan ulit kami habang naiiling na lang si Unica na binuksan ang


aircon. Hindi niya pinakita sa amin kung ano ang papanoorin namin.
Napaka-mysterious lang. Pero after ilang segundo sa intro, nagsigawan ang
ilan sa amin.

“Game of Thrones!”

I’ve heard a lot of things about Game of Thrones, both good and bad.
Masyado kasi siyang IN to the point na parang tinatamad na ako panoorin.
Pero kung ito papanoorin namin, okay. Fine with me. Wala pang 10 minutes,
nakatutok na kaming lahat sa TV.

“Ay 'yang si Joffrey, anak 'yan nung blonde na magkapatid! Incest 'yan
eh,” sabi ni Alfie na nakatanggap ng batok at palo sa braso ng mga
katabi.

“Sige, spoil pa. Kwento mo na lang kaya, 'tol?” sabi ni Mark na tinulak
si Alfie para malaglag sa inuupuan na beanbag.

Natawa na lang ako. Someone knocked. Lumingon kami ni Unica. Si Ate Nena,
nandito na. “Heyah Nics, there's some'ne outside. Ya know Marco? ”

Napatingin ako kay Unica. “Marco?”

“Oo ate Nena, papasukin mo siya dito!”


“Ohsyor, Darleng.”

Hinawakan ko sa pisngi si Unica. “Marco?” pag-ulit ko.

Tumawa siya sa akin at umakbay. Kinabahan na agad ako nang marinig ko ang
pamilyar na boses mula sa pintuan.

“Game of Thrones?” Shit. That sexy voice. Lumingon ako at hindi ko


mapigilan ang hindi magulat. “Bawal 'yan sa mga bata, ah?”

Bago pa ako makapag-react, nagsigawan ang ilang kasama namin ng “Sir


Marco!”

Lalong lumawak ang ngiti ni Unica. Bago siya tumayo, bumulong siya sa
akin. “You’re welcome, bebe Sin.”

=================

Ngptkso 03

Ngptkso 03 // Indirect effect

Pagkatapos masabi kay Sir Marco na lahat kaming nasa loob ng


entertainment room – kaming mga estudyante na kulang-kulang sampu – ay
legal nang gumawa ng kalokohan at pwede na makulong.

“Eighteen na ako, Sir!” sabi ni Jessica na kanina pa tahimik at nakatutok


sa TV.

“Twenty-one na kami ni Sin,” nakangiting sabi ni Unica. “Legal nang


manood ng porn.”

“Sir Marco,” sabi ni Mark. “Mas matanda pa ako sa'yo.”

“Hindi na pala ako kailangan,” nakangiting sabi ni Sir at inayos ang


sleeves niya. “Hindi na kailangan ng patnubay ng nakakatanda.”

Nagtawanan kaming lahat. For 10 good minutes na umalis si Unica at naupo


si Sir Marco sa tabi ko sa sofa, sobrang awkward! Gusto kong magsalita, o
magpunchline man lang pero to think na nasa isang kwarto kami – ilang
inches lang ang layo na pwede ko na siyang halayin. May mga kasama pa rin
kaming iba. Sa akin, okay lang dahil hindi na nakakagulat kung gagawa ako
ng kakaiba.

Ang iniisip ko ay si Sir Marco.

Anong sasabihin ng iba – nitong mga kaschoolmate ko na kaibigan ni Unica


– kung gagawa ako ng move kay Sir? Gusto kong mag-facepalm. Actually,
gusto ko i-facepalm si Unica dahil mukhang hindi niya naisip 'yon.

How can I move if this room is full of people who know Sir Marco?!
Syempre hindi naman kami magkatulad ni Sir. Oo nga't gusto ko ng rush, si
Sir ba, gusto ng gan'un? Unica, talaga.

“Tanduay Ice?” Nakatingin si Alfie sa may likuran, sa may pinto. Lumapit


si Unica at binaba ang dalawang bucket ng beer. “Ano tayo, kinder?”
reklamo pa ni Alfie.

“Pakyu ka,” sabi ni Unica at nagbukas ng isa. Kumuha rin ng beer 'yung
iba. Pati si Sir Marco, uminom din. “Wag kang iinom.”

“Grabe naman 'yun, may pak’yu’ na, may ‘ka’ pa,” natatawang sabi ni Alfie
at kumuha ng Tanduay Ice. Pinalo pa nga ni Unica si Alfie at umirap.
Hindi nagpatalo si Alfie at uminom na sa bote niya. “Joke lang!”

Naupo si Unica sa tabi ko. At dahil sobrang siniksik niya ako sa


pangdalawahang sofa, nadadaganan ko si Sir Marco. I must admit, gusto ko
ang ganito – pero sa pagngiti ni Sir, I don’t think he likes what Unica
is doing. Pero hindi papatalo si Unica. Mas siniksik pa niya ako, at
swear to all the gods, hindi ko sinasadyang mapahawak sa pantalon ni Sir.
Okay – sinong niloko ko?

Ofcourse, sinadya ko ang paghawak sa hita niya.

“Unica, ang sikip na,” pagrereklamo ko pero hindi ko mapigilan ang ngiti
ko.

Hindi naman nakikita ni Sir dahil nakatalikod ako sa kanya. Nakaharap ako
kay Unica. Nararamdaman ko lang ang kamay ni Sir sa may balikat ko, maybe
to balance me or something. Pero iisipin ko na lang na gusto niya akong
manyakin.

Yes. The feeling is mutual!

“Nadadaganan ko na si Sir.”

“Nako, okay lang 'yan!” natatawang sabi ni Unica. Tinulak niya ako kay
Sir – at promise, sinasadya ko na ang pag-akyat ng hawak ko sa hita niya.
Naramdaman kong nag-tense ang katawan ni Sir kaya lalo akong napangiti.
“Mas masarap ang mas masikip.”

I was waiting for Sir Marco to remove my hand from his thigh. . .pero
mukhang hinahayaan lang niya.

Okay, patay malisya na lang tayong dalawa, Sir.

“Hoy!” sigaw ni Mark sa amin. “Mas SPG na ata kayo d'yan kaysa sa
pinapanood natin.”

“Sshh!” si Mike, isa pa sa mga kasama namin. “Nanonood ba tayo dito o


naglalandian?”

Natahimik na kami nang mapagdesisyunan ni Unica na maupo na lang sa


carpeted floor. Syempre, dahil wala nang sumisiksik sa akin, ayaw ko man,
kailangan kong umusog palayo kay Sir. Nung inalis ko ang hawak sa hita
niya, napansin kong napatingin siya sa hita niya tapos sa kamay ko.

Bago pa siya tumingin sa akin, uminom ako sa bote ng Tanduay Ice na nasa
mesa. And I’m sure, this is Sir’s bottle. Na ininuman niya. Pero hindi
niya alam na alam ko so I’ll play that role. I stopped drinking when Sir
Marco stared at me. Or at the bottle. Or my lips.

“Bakit, Sir?”

“Uhm, that’s—” naghintay lang ako. Ang cute ni Sir dahil mukhang nahihiya
pa siya! “That’s my bottle, Ms. Yeo.”

“Hala, Sir!” Nanlaki ang mata ko, just to show him I’m in shock. “Kaya
pala bawas na.”

Napansin kong napalunok si Sir at gusto ko na lang humalakhak. But that


would be weird. Pagtingin namin sa lamesa, wala na rin ang ibang bote.
Napangiti ako nang nahihiya.

“Sige, sa'yo na 'yan.”

“No, Sir.” Binigay ko sa kanya 'yung bote. “Wala pa naman akong


nakakahawang sakit, as far as I know.”

Nag-ilang minuto pa kaming pilitan. Naiinis na nga sa amin sila Alie


dahil ang ingay namin ni Sir. Nagko-concentrate daw sila sa panonood ng
porn—I mean, sex scene sa Game of Thrones. Natalo si Sir sa landian—este,
pilitan namin at ngumiti siya sa akin.
Saka siya uminom.

Nangingiti lang ako sa tabi. Ganyan lang Sir, next time – hindi na
indirect 'yan. Napa-aray lang ako sa pasikretong kurot ni Unica sa hita
ko. Tinaasan ko siya ng kilay. Umiling siya sa akin na natatawa.

The rest of watching Game of Thrones, sakto lang. But when Ate Nena
brought more Tanduay Ice, ilang oras lang ang nakalipas – nalimutan na
namin ang palabas. Parang naging mini bar ang entertainment room sa condo
ni Unica – and no one was complaining.

Hindi rin naman ako nagko-complain kung hindi masyadong umiinom si Sir.
Syempre, he’s still a professor. An adult who needs to take care of his
students. But that’s okay. I get it. Hindi naman ako nagmamadali.

Naka-ilang inom din ako kaya bago pa matapos ang gabi, knocked out na ako
sa kwarto ni Unica. Nahihilo at masakit ang ulo ko. Hindi ko nga rin sure
kung nag-hahallucinate ba ako nang maramdaman kong parang may mabigat sa
kama. Hindi ko rin alam kung imagination ko ang kamay na humaplos sa
pisngi ko.

When I opened my eyes, I saw Sir Marco – kahit na madilim ang paligid.
Ang ilaw sa labas ang dahilan para makita ko ang pigura ng pinaka
paboritong propesor na nakilala ko. Natigilan siya sa ginawa niya at
ilalayo sana ang kamay sa pisngi ko nang pigilan ko 'to. Hinawakan ko ang
kamay niya at ngumiti.

Ang init ng palad niya. Ang sarap haplusin.

“Imagination ko ba 'to, Sir?” tanong ko. Tahimik lang siya kaya rinig na
rinig ang ingay sa kabilang kwarto. Hawak pa rin ang kamay ni Sir,
inilapit ko ito sa labi ko at bumulong ulit. “Sir?”

“Do you want it to be your imagination?”

Tumawa ako at sumagot, “no.”

Lumapit ang mukha ni Sir sa akin. I was disappointed when he kissed me


lightly on my cheek. Pero napangiti ako sa huli kong narinig bago
nakatulog ulit.

“Then the answer is no, Ms. Yeo.”

=================

Ngptkso 04
Ngptkso 04 // Cooking Seduction

I’m confused, really. Una, sabi ni Unica, hindi naman daw pumasok si Sir
Marco sa kwarto niya nung gabing 'yun. Pangalawa, parang wala namang
nangyaring kalandian sa amin ni Sir Marco dahil nang pumasok ako sa klase
niya, parang dati lang siya. Passive. Ngumingiti-ngiti. A Professor.
Pangatlo, ang pinaka nagpapagulo talaga sa lahat ay kung bakit sumasarap
ang luto ni Erica.

This Sinigang na Hipon is superb!

“Ginagayuma mo ba ako?” tanong ko kay Erica, panay ang subo ng pagkain.

Nakakapanibago ang home-cooked meals. At nakakapanibagong nagagamit na


ang kitchen sa bahay. Simula kasi nang balikan ako ni Erica nung grade
school ako, si Mommy, my grandma, was the one who do the cooking.

Feeling ko kay Erica ko nakuha ang free-spirited at happy-go-lucky


character ko. Sabi nga ni Mommy, halos parehas kami ni Erica – hindi
marunong magluto. Like mother, like daughter. Siguro kasi bata pa si
Erica and I was born as an unexpected child. Nabuntis at the age of 16,
before graduating highschool. Natuwa nga si Erica dahil lumagpas na ako
ng teenage years nang wala akong dala-dalang anak.

Ayaw niyang matulad ako sa kanya, but yeah, kahit hindi niya nakita ang
firsts ko sa buhay, she’s still an awesome mom. But weird – too weird,
dahil nag-aaral siyang magluto.

“How’s my cooking?”

Tinitigan ko si Erica na suot pa ang pink with black ruffles apron niya.
Kikay pa rin kahit nagluluto. Tinaasan ko siya nang kilay, wondering
what’s up.

“Is it bad?” I can sense she’s nervous. Weird.

“Bakit all of a sudden, nag-aala-master chef ka?”

“So is it good?”

Ngumuso ako. To tease her. “Hmm, so-so.”

“So-so lang?” Sumimangot siya.


Sumubo ulit ako ng spoonful at ngumiti. Tinaasan niya ako ng kilay at
binato ng bimpong nakasabit sa balikat niya.

“Niloloko mo na ako,” Erica pouted.

“Mas masarap kasi 'yung carbonara last time!”

“Paborito mo 'yun eh!”

“That's the point, Erica.”

Umirap siya sa akin sabay tawa naming dalawa.

Maraming nagsasabi na para kaming magkapatid ni Erica. Kahit si Unica,


nagulat nang pakilala ko sa kanya si Erica pagdating ng college. Akala
niya may bago akong ‘best friend’ at pinagpalit ko siya. Nainis nga rin
siya nang malaman niyang nasa iisang bahay kami ng ‘new bff’ ko.

When they first met a few years back, gusto kong matawa kay Unica dahil
panay ang irap niya kay Erica. Erica even whispered, “your friend hates
me, honey.” Kaya naman sobrang sorry si Unica nang malaman niyang
biological mother ko si Erica.

“Sorry po Tita!” Unica said. “Mukha po kasi kayong bata.”

“Sabi nga nila.” Syempre, matutuwa si Erica doon. “Call me Erica, bata pa
naman ako.”

That was the day when Unica hailed Erica as the coolest mom in the world.
Sang-ayon din naman ako. She’s a cool person, really. But her mother
skills? Sakto lang. Hindi ko rin naman hinahanap ang mother-figure. But
she, cooking almost a month now for me – nakakapanibago.

Sinabi ko kay Unica ang problemang ito: Erica is becoming a real mom.

“Baka maging monster mom na rin siya tulad ni 'My,” natatawang sabi ni
Unica during the break. Nasa library kami at nagpapalamig dahil sobrang
ingay sa cafeteria. “Nakakatakot.”

“Hindi naman siguro,” sabi ko. Nagbuklat ako ng unang librong nakita ko.
A book with a title of ‘That Twisted Love Story’, weird title. Walang
ibang maisip, gan'un? Hinayaan ko na ang libro at tinuloy ang sasabihin
ko. “May feeling ako.”
“Alam mo Sin, minsan talaga napupunta tayo sa pagiging feelingera,”
natatawang sabi ni Unica. Sinamaan ko siya nang tingin. Ngumiti siya.
“Joke! Anong feeling mo, Madam Auring?”

I glared at her. She shrugged. “She’s doing this for someone.”

“Yeah,” she said. “Para sa'yo. Baka bumabawi na.”

“Sa tagal na nakatira ako sa kanya, madalas kaming sa labas kumain,” sabi
ko at umiling ako. “Alam mo 'yung kasabihan na ‘the way to a man's heart
is through his stomach’?” tanong ko. Tumango siya. “Ang weird.”

Tinaasan ako ng kilay ni Unica. “Anong weird d'on?”

“May lalaki siya,” sabi ko kay Unica. “Erica's too happy and she's
learning to cook.”

Iniisip ko lang na mayroon nga, may something weird sa loob-loob ko.

“Bwisit. Masyado kang nag-iisip,” Unica said. “Isipin mo na lang kung


paano mo ma-se-seduce si pa-virgin professor!”

Pagkatapos ng ilang segundong titigan namin ni Unica, nagbukas ang


pintuan ng library. Napangiti ako pagkakita kay Sir Marco. Agad akong
tumayo palapit kay Sir Marco. Sumunod si Unica sa akin.

“Good Morning, girls,” bati ni Sir. “Mukhang nag-aaral kayo nang mabuti,
ah?” Pagtingin sa akin Sir, ngumiti siya na parang nahihiya. Ang pa-
virgin nga naman ni Lourd Marco Aceveda.

“May tanong ako, Sir,” sabi ko “Sir, anong paborito mong pagkain?”

“Hmm?” pagtataka ni Sir. “Why’d you ask?”

“Alam mo 'yung kasabihan na ‘the way to a man's heart is through his


stomach’?” tanong ko.

Kumunot ang noo ni Sir na nangingiti. “Are you trying to get through my
stomach?”

“Sa loob ng,” umubo si Unica at bumulong sa akin, “pants.”

Pinanlakihan ko ng mata si Unica. Kinurot ko siya sa braso at kinurot din


niya ako! Tiningnan kami ni Sir na may ngiti sa labi. Gusto kong matawa
na lang sa pinaggagagawa namin. Ang haharot lang, eh.
“I like lasagna,” Sir Marco said, still with a smile on his face.

Kita kong magsasalita pa si Sir Marco nang may isang estudyanteng babae
na talaga namang epal at sumingit sa gitna namin ni Sir Marco. May sinabi
siyang kung anu-ano na hindi ko na inintindi. Parang nagpapatulong ata.
So yeah, masakit man – kita ko rin na nasasaktan si Sir! – nagpaalam na
kami sa isa't isa.

Hindi nakatakas ang pag-irap sa amin ng babae. And Unica raised her
middle finger to salute the girl.

“Anong klaseng tanong 'yun?” natatawang sabi ni Unica. “Gagayahin mo rin


si Erica? Mag-aaral ka na rin magluto?”

“Kung hindi makuha sa panlalandi siguro,” sabi ko. “Masyado kasing pa-
demure si, Sir.”

Umalis kami sa library ni Unica dahil hindi na kami natutuwa sa polusyon


sa loob. Papunta kami sa labas nang may mapansin kaming tatlong babae na
parang kilig na kilig na hindi mapakali sa kinatatayuan. May kung ano
silang tinitingnan sa phone.

Itong si Unica, tumigil pa sa paglalakad. The girl in the middle looked


at us and raised her brow. Tinaasan ko rin siya ng kilay. Hindi naman
sila gumawa ng kahit anong ikaiinis ko. Umusog lang sila kaunti, parang
may tinitingnan sa likuran ko.

“Parang pamilyar 'to,” I heard Unica whispered.

Nilingon ko ang tiningnan niya, isang lalaki na may kausap na professor.


I must admit, the guy’s sense of style is hot. Naka-messy bun ang sure
akong hanggang balikat na buhok. Naka v-neck 'yung lalaki at nakita ko na
naman ang pamilyar na buntot ng isang tato. Hindi ako magkakamali: this
is the guy who likes preaching about beauty.

Pero hindi marunong tumingin ng signage.

Paglingon ko ulit sa tatlong babae, doon din nag-click sa akin ang lahat.
They’re taking a picture of this guy. At mukhang alam 'yun ni Unica kaya
humarang pa talaga siya. Nagkumento si Unica nang mapansing naiinis na
'yung mga babae sa pagharang namin.

“Mga tigang talaga sa panahon ngayon.” She made sure the girls heard her.
Inirapan siya ng mga babae at umalis na lang.

Unica really likes trouble.


Kaya siguro nagkasundo kami.

Paglingon ko ulit sa lalaking pinipicture-an ng mga babae, mag-isa na


lang siyang nakatayo. Pumasok ata sa loob ng office 'yung professor. The
guy looked at us—me, and smirked. Hindi ko na lang siya pinansin at inaya
na si Unica palabas. Nang makasalubong namin 'yung lalaki, nainis ako sa
ginawa niya.

“Tara na,” pagpaparinig ko habang hinihila si Unica. “May mga tao atang
hindi pa nakakakita ng babae kung sumipol.”

Hindi ko na nakita ang reaksyon ng lalaki. Basta hinila ko lang si Unica


sa labas. Hindi ako nakaiwas sa tanong niya na, “kilala mo 'yun?”

“No.”

“So,” Unica said. “Bakit pinansin mo siya?”

She looked at me. I stared back. Shrugged. Tinawanan lang niya ako.

When I got home after school, natigilan ako sa nakita kong Audi A1 na
nakaparada sa tapat ng gate namin. I’m not into cars – nakikita ko lang
lagi sa newsfeed dahil panay share with matching caption ng ‘this is my
dream car!’, ‘Audi1 is the bomb!’ ang dating lumandi sa akin na si JJ. Sa
sobrang pagkairita ko sa everyday post niya ng Audi A1, binlock ko na
siya sa newsfeed.

Agad akong pumasok sa bahay at naamoy ko ang niluluto. Bago pa


makapuntang kusina, agad akong nagtanong, “kaninong kotse 'yu—” But I
stopped halfway from my sentence when I saw a guy, holding a spatula. His
upper body naked and he's wearing Erica’s pink apron with black ruffles.

No one moved. Dumating si Erica galing CR at parang nagulat pa siya na


makita ako sa bahay.

“What are you doing here, honey?” tanong niya. “I thought you’re having
dinner with Unica?”

Tinitigan ko si Erica at kitang-kita ko ang kaba niya. Nagkatinginan


kaming tatlo. Wala pa ring gumagalaw.

“Honey, I—Sin—”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinitigan ang lalaki. He was


tensed. Kumunot ang noo ko at tiningnan siya mulo ulo hanggang paa sabay
taas kilay. I don't know about guys pero mukhang uso sa kanila ngayon ang
mag-body build at magpatato sa may clavicle. Even in the age of, I don't
know, 30 something years old?

“Ganyan na pala i-seduce si Erica ngayon?” I asked, smiling. “That pink


apron and black ruffles suits you, stranger.”

Sa sinabi ko, nawala ang gulat at takot sa mga mukha nila at unti-unting
tumawa.

=================

Ngptkso 05

Ngptkso 05 // Stranger Dude

They look so. . .happy. Hindi ko sigurado kung matutuwa ba ako o masusuka
sa sweetness ni Erica with the stranger dude whose name is Javier Yboa.
The suit and tie is a giveaway na isang businessman itong si Javier.
Mabuti na lang talaga at naisipan niyang magdamit kaagad. Hindi naman
masama ang katawan niya, ang awkward lang kasi.

Sa pagsisimula ng dinner, panay ang tingin sa akin ni Erica – parang


nanghihingi ng permiso sa bawat paglalanding ginagawa nila sa harap ko.
Ngingiti lang ako, syempre.

As far as I’m concerned, I want her to be happy. Hindi pwedeng ako lang
ang lumalandi.

“Saan kayo nagkakilala?” tanong ko habang kumakain ng carbonara.

Sabi nila, a way to a man’s heart is through his stomach. But what Erica
and Javier are doing to me is making their way to my approval of them
being a couple through my stomach. I’m not complaining, tho. Masarap
magluto si Javier, kaya siguro ganito na lang kung mag-aral si Erica.

Nagkatitigan sila sandali. Umiling ako at napairap dahil para silang


teenagers kung magngitian.

“We’re, uhm, classmates, honey.”

Tumaas ang kilay ko. “Classmates kayo? Saan? Kailan?”


“Classmates kami nung highschool,” si Javier ang sumagot. “Magkatabi kami
sa sitting arrangement dahil sa apelido.”

Normally, I don’t do flashbacks. Kapag sinabi sa aking hindi, hindi na


ako magtatanong ng bakit. Kapag sinabing tapos na, tapos na talaga sa
akin 'yon. When I asked Mommy, Erica’s mom – the one who took care of me,
about my dad, she said that she doesn’t have the right to talk about my
father.

Si Erica na lang daw ang tanungin ko.

Hindi kami naging close ni Erica unang beses na nagkita kami


pagkagraduate niya sa college. It was a bumpy ride, our mother-daughter
relationship. Hindi kasi ako naniniwalang nanay ko siya – para lang kasi
kaming mag-ate. Nung medyo naging close kami pagkarating ko ng highschool
at nagkalakas ako ng loob para itanong ang tungkol sa tatay ko, nagkwento
naman siya. But there a lot of lacking details. Example given: dad’s name
and what he looks like. But I get it, ayaw niyang pag-usapan lahat. So I
didn’t dig deeper.

I was contented with Erica, as my biological mom.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko nang tingnan ko si Javier na mukhang


kinakabahan pa. Without a second thought, I asked, “so you know him?”

The question made them stop from what they’re doing. Pakiramdam ko nga,
tumigil rin sila sa paghinga. Erica looked at me and shook her head
lightly. Pagtingin ko kay Javier, nakatingin siya sa kawalan.

“Sorry,” sabi ko. “You don’t need to answer.”

“Ah,” Javier said. Hinawakan ni Erica ang kamay ni Javier. Nagkatinginan


sila sandali. Nag-uusap ba sila sa paningin? Erica mouthed ‘stop’ to
Javier. Tumingin sa akin si Javier at ngumiti. “Yes. Highschool days.”

Tumaas ang kilay ko. Are they best friends? Love triangle kaya ang
nangyari sa kanila? Or Erica and Javier loved each other at hadlang ang
tatay ko? So, is this a continuation of their sweetheart love story? That
aroused my curiosity. Ngunit tinigil ko rin ang isip ko, baka magalit sa
akin si Erica kapag inungkat ko pa ang tatay ko. Or maging awkward sila.

So I dismissed the topic by saying, “siguro nadapa na 'yun ngayon. Huwag


na natin pag-usapan!”

The next few days, hindi ko na ulit nakita si Javier sa bahay. But Erica
– Erica’s always in smile. And I’m happy for her. But then, there’s Sir
Marco. Ayaw pa rin kumawala sa pa-demure effect!
“A teacher-student relationship in traditional is sacred.” Malakas ang
boses ni Sir Marco habang naglelecture ng Professional Ethics. Nagsulat
siya sa board. “The teacher’s job is to guide the students on the way to
a moral and virtuous life. That is my purpose as your instructor. Para
magpasok ng kaalaman sa mga isip niyang puro break time ang gusto.”

Nagtawanan kami sa klase. Naglakad at naglibot si Sir Marco sa classroom.


Nagkatinginan kami sandali tapos ngumiti siya. Ngumiti lang din ako.
Tumigil siya sa may likuran ko.

“Ikaw Mr. Erseyo, kapag hinawakan kita dito,” pinatong ni Sir ang kamay
niya sa balikat ni Isaac, “isipin mo, ako si Angel Locsin at professor mo
ako, anong mararamdaman mo? Kunwari naka micro mini skirt ako at labas
lahat kulang na lang kaluluwa. Ano?”

Nagtawanan kami sandali sa sinabi ni Sir at tinuon ang pansin kay Isaac
na nangingiti. “Matutuwa?”

Natawa si Sir Marco at umiling. “You’ll get attracted, right? Kasi sexy
'yung professor mo.”

Tumango si Isaac. Nag-apir pa sila ng kaibigan niya sa tabi.

“That’s where attraction starts; kapag nakita niyo ang professor niyo in
a romantic way. Same goes to professors to their students. We are called
professors for a reason: we’re professionals,” sabi ni Sir at nagbalik
ulit sa may board at nagsulat. “We must know our limits. Teachers must
not send wrong signals by converting this delicate relationship with the
students into a romantic one.”

“Sir,” pagtaas ng kamay ng isa ko pang kaklase. “What if gusto rin ng


student? Kunwari M.U. sila?”

“Malanding usapan?” react ng isa ko pang kaklase. Tawanan ang ilan.


“Malabong ugnayan?”

“Bitter naman, react pa ng isa.”

Umiling si Sir at nagsalita. “Kung trip nila, walang basagan ng trip,”


sabi ni Sir na nakakuha ng tawa sa amin. “But for you students, don’t you
think it’s unfair if you knew that one of your classmates is in a
relationship with your professor? Hindi ba maiisip natin na favoritism na
ang mangyayari?”

Napakagat ako ng labi – I should not let myself smile.

“At unfair din sa professor 'yun dahil paano kung hindi nag-aaral 'yung
estudyanteng – kunwari, girlfriend niya? As a boyfriend – ayaw niyang
bumagsak si girlfriend. But as professor, you’re just doing your job.
Conflicting roles, right?”

Tumango-tango ako sa sinabi niya. Again, Sin – stop yourself from


smiling.

Tumingin si Sir Marco sa gawi ko. Mukhang nag-alinlangan pa siyang ako


ang tawagin sa pagtataas ko ng kamay.

“Yes, Ms. Yeo?”

“Sir,” pagsisimula ko. “Paano naman 'yung estudyante na nag-aaral?”


tanong ko. “Hindi na conflicting roles 'yun, di ba?”

Ilang segundong natahimik si Sir Marco. Ngumiti lang ako. Huminga siya
nang malalim at sumagot, “the relationship may depend on the professor
and the student. Malalaki na sila at may isip. But at the same time, it
is prohibited by the university.”

“Ah,” nangingiti kong sabi. “Sayang. Bawal pala sa university.”

“Yes.” Nag-iwas siya ng tingin at tinawag ang isa ko pang kaklase. “Yes,
Asuncion?”

“Ikaw ba Sir, may experience na?”

That question made me a lot more interested. Mukhang may ilan ding naging
interesado at hihintay ang sagot ni Sir. Ang mas nagpangiti sa akin ay
ang pagtingin ni Sir sa mata ko bago sumagot.

“There are couple of times but you need to decline those things nicely.”

Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. Naghiyawan ang mga kaklase ko at


kinantyaw si Sir na The God. Decline nicely? Really, Sir. Decline.
Nicely. Nagtaas ako ng kamay at bago pa niya ako tawagin, nagsalita
kaagad ako.

“So if one night, nagkasama kayo ng estudyante mo sa isang Game of


Thrones marathon at nag-inuman sa gitna ng panonood, tapos 'yung
estudyante mo ay lasing na natutulog sa kwarto ng may-ari ng condo,”
dire-diretso kong sabi. Sir Marco stiffened pero pinagpatuloy ko ang
sinasabi ko. “Iiwasan niyo po ba ang pagpunta sa kwartong 'yun para
hawakan ang pisngi ng estudyante mo and tell her it’s not her imagination
that you’re into her?”

“Grabeng specification naman 'yan,” react ng katabi ko na natatawa.


Ngumiti ako. “Para cute.”

Bago pa makasagot si Sir Marco, nag-bell na sa labas – which means, tapos


na ang klase. Nagsitayuan ang mga kaklase ko, nag-ayos at nagmamadaling
umalis. Samantalang ako, nagdahan-dahan sa lahat ng gagawin. Nagtext pa
ako kay Unica, asking her where she is.

Unica Hindi ako makakasabay pauwi. May nangyari lang.

To Unica Anong nangyari?

Hindi na siya nagreply.

Napansin kong kakaunti na lang ang tao sa classroom nang lumapit sa akin
si Sir Marco. His eyes were serious. Wala ang smiling face niya when he
said, “let’s talk.”

Tumayo ako. Masakit kasi sa leeg tumingala sa tangkad ni Sir. “Tungkol po


saan, Sir?” I asked, emphasizing the last word. Nagpaalam na ang iba pang
kaklase ko kaya natira na lang kami sa classroom.

“Don’t do this to me, Ms. Yeo.”

Kumunot ang noo ko, keeping myself from smiling. “Ang alin po, Sir?”

Huminga siya nang malalim. Nagkatitigan kami sandali hanggang sa nag-iwas


siya ng tingin. Mukhang wala siyang balak magsalita pa ulit kaya kinuha
ko na ang bag ko. Bago pa ako makalabas, tinawag ako ni Sir Marco na
hindi pa rin umaalis sa kanina niyang pwesto.

“Ingat ka,” sabi niya na nagpangiti sa akin.

Pagkauwi ko, nakita kong nakasandal si Javier sa gwapo niyang kotse.


Nagkatinginan kami at nagngitian. Papasok na ako sa gate nang magulat ako
sa paghawak ni Javier sa braso ko.

“Wait,” sabi niya.

Lumingon ako at tinulak siya kaunti dahil ang lapit niya sa akin.
Tinitigan niya ako sa mata – sobrang tagal – to the point na nakaka-feel
na ako ng awkwardness. And most likely, I don't feel awkward. Kahit sa
mga lalaki pa.

But this dude. This guy, he's something else.

“I think we should go inside,” I said. Lumapit siya sa akin kaya umatras


ako dahil naiinvade na niya ang personal space ko. “Where’s Erica? Bakit
ka ba nan—”

“Erica’s not yet here.”

Tumaas ang kilay ko. Ito pa lang ang pangalawang beses na nagkita kami
pero the way he looks at me, hindi na ako natutuwa. “Then why are you
here? Huwag mo sana masamain ang tanong ko.”

“Sinteya.” Lalo siyang lumapit sa akin. My body tensed when he touched me


on my shoulder. “May sasabihin ako sa'yo, pero huwag mo sabihin kay
Erica.”

“You can tell it to me,” sabi ko, “without getting too close.”

Natigilan siya sa sinabi ko. But instead of moving backward, he moved


closer. This guy, feeling niya ata close kami. Hinawakan niya ang pisngi
ko gamit ang nanlalamig niyang kamay. His touch on my skin made me
shiver. And scared. Tensed, even.

Nakakaramdam na ako ng kakaiba. And by the look of this Javier-guy, this


is not going to be good.

=================

Ngptkso 06

Ngptkso 06 // Marry Your Mother

Sa twenty-one years ko sa mundo, hindi ko kailanman sinabing mabait ako.


That’s because I like to do things my own way. Kapag sinabi sa aking
bawal, mas ginagawa ko 'yun. Kapag alam kong bawal, mas gusto kong gawin
'yun.

When I was a graduating in high school, I met a guy. Unang pagkikita lang
namin sa isang gig, may something na. That went on for months. . . the
next thing I knew, we were naked in bed, kissing as if it’s the end of
our lives. Pagkatapos magpalitan ng pawis at laway, may tumawag sa phone
niya. Nagpaliwanag pa siya, natakot na bigla ko siyang iwan. Ilang beses
niyang sinabi na kapatid niya 'yun, ate lang niya – sweet lang sila sa
isa't isa kaya ‘bae’ ang pangalan sa phone.

Hindi ako tanga, syempre.

Pero mahilig ako sa bawal.

For eight months, si Sinteya Yeo na kaka-sixteen lang ay sumubok ng bawal


na relasyon bilang isang kabit. But the thing is, hindi siya nagkulang sa
akin. And I’m not a whiny girlfriend so wala siyang problema kung hindi
man kami magkita ng isang linggo o buwan. Kung cold sila ng asawa niya,
wala akong problema kung gusto niyang magpainit sa akin. Kung sinusukahan
siya ng anak niya, wala akong problema kung gusto niyang paliguan ko
siya.

Maraming nagtataka kung bakit maraming kumakabit sa may asawa na – at ang


sagot ko? Magaling kasi ang mga may asawa na.

Pagkagraduate ko sa highschool, nakipag-break din ako dahil nakakasawa


maging kabit kung hindi naman alam ng original. Walang spice. Gusto ko
man magkaroon ng spice, natatakot 'yung lalaki. Halos umiyak at lumuhod
sa akin para huwag kong sabihin. Ang corny lang. And yes, until now – I’m
still open on becoming a mistress, for the fun it will bring to my good
ol’ boring life. But when Javier looked at me that night – nawala ang
lahat ng kagustuhan ko maging mistress.

“He’s Erica’s boyfriend for Pete’s sake!”

Kumunot ang noo ni Unica at kumagat sa chicken niya. “Sino ba 'yang Pete
na 'yan at puro sake na lang niya ang pinag-uusapan?”

Nasa cafeteria kami ni Unica para sa lunch break. I told her what
happened two nights ago with Javier and her only reaction was to eat her
chicken and ask who the hell Pete is. I don’t know who the hell that Pete
is!

Tinaasan ko siya ng kilay.

“What?” Ngumuso si Unica. “You’re The Sinteya. Re-rape-in mo muna siya


bago ka pa niya ma-rape.”

“But what about Erica?” I asked. “Sasabihin ko, ‘uh, yeah, Erica. Javier
is I think flirting with me.’ C’mon Unica, Erica’s happy. I can’t risk
her happiness.”

“Makikipaglandian ka ba kay Javier?”


“Hell, no!”

“Ayun naman pala, eh.”

“But—” Natigil ako sa pagsasalita nang may lalaking lumapit sa likuran ni


Unica. Ang una kong napansin ay ang geeky glasses niya. By the look of
the glasses, malamang bulag na ang lalaking 'to kapag tinanggal 'yun.
Akala ko dadaan lang or something 'yung lalaki pero nanatili lang siyang
nakatayo. Nagkatitigan kami. Nag-iwas siya ng tingin. Nilingon ni Unica
ang tinitingnan ko.

“Oh, andyan ka na pala!” Unica said to the guy. “Nasaan na pinapagawa ko


sa'yo?”

May kinuhang folder ang lalaki sa bag niya at binigay kay Unica. Nasilip
kong research paper ang nandoon. Tiningnan ni Unica ang mga papel at
binasa kaunti.

“Solid nito. Nagawa mo ng dalawang araw lang?” nakangiting sabi ni Unica.


“Hanep. Pwede ka na umalis.”

Ngumiti 'yung lalaki na parang nahihiya kaya naging ngiwi ang itsura.
Pagkalakad niya palayo, agad kong tiningnan si Unica na mukhang tuwang-
tuwa sa hawak niyang ilang pages ng research paper.

“Kaya ka ba missing in action the past few days dahil nagpapatutor ka?” I
asked.

“Tutor? Langya, ano ako, kinder?”

“So who’s he?”

Nagkatitigan kami ni Unica. At bigla na lang, tumingin siya as lalaki at


isang malakas na ‘hoy’ ang sinigaw niya sa loob ng cafeteria. My eyes
widened in disbelief. Nag-init ang pisngi ko sa paglingon ng lahat ng tao
sa amin. Lumingon din ang lalaki sa amin na palabas na.

“Oy ikaw, tara dito!” utos ni Unica, still with her loud voice. Tinuro ng
lalaki ang sarili niya. “Oo, ikaw nga! Tara dito nananakit na ngalangala
ko sa pagsigaw!”

I face palmed.

Paglapit ulit ng lalaki sa pwesto namin, doon lang siya nagsalita. “B-
Bakit?” I can sense he’s nervous.
“Ano nga ulit pangalan mo?” tanong ni Unica.

“Uh,” tumingin sa akin 'yung lalaki tapos kay Unica. Mahina ang boses ng
lalaki na hindi ko na masyadong narinig ang sinabi niyang, “Chino.”

“Ano?” malakas ang boses ni Unica. “China?”

“Really, Unica. China for a guy’s name?” natatawa kong sabi.

Tinaasan ako ng kilay ni Unica. “Aba malay ko ba kung malakas trip ng


magulang nito. Kamusta na 'yung kapatid mong si Japan?”

Natawa ako lalo. Namumula ang pisngi ni Chino – siguradong sa kahihiyan


dahil si Unica ay ang babaeng walang kahihiyan. Napapansin ko ring
nakatingin sa amin ang ilang tao sa paligid.

“Chino, hayaan mo na 'tong babaeng 'to. Nice meeting you,” sabi ko. “I’m
Sin.”

Yumuko sa akin si Chino at ngumiti. Well, kahit geeky ang itsura, he’s
cute when he smiles.

“Ah, Chino! Makes sense. Lalaki ka kasi,” sabi ni Unica at kumagat ulit
sa chicken niya. “Saan 'yung kambal mong si China?”

My day was a tad boring when Unica and I separated ways after lunch. Wala
rin kasi si Sir Marco sa school, absent. After class, hindi nakasabay sa
akin si Unica dahil may sister emergencies daw siya. I admit, his
brothers are hot – pero ang clingy sa kanya. Nakakaloka.

Pagkauwi ko sa bahay, hindi na ako nagulat na nasa bahay si Javier. Sa


tuwing nakikita ko siya, naaalala ko ang kakaibang titig niya sa akin at
nararamdaman ko pa rin ang paghawak niya sa pisngi ko the other night.
Kung hindi lang tumawag si Erica sa phone niya, hindi ko alam kung ano na
ang ginawa niya – o ginawa ko.

Siguro kung nagtagal pa, malamang hindi na siya makakabuo ng baby.

Umiwas ako at sinabing hindi mag-didinner. Nag-stay ako sa kwarto dahil


hindi ako makakapag-stay sa kitchen, dining or living room nang nakikita
ko ang pagmumukha ni Javier. I was scrolling on my phone when someone
knocked on my door. I stayed still but after a few seconds, pumasok si
Javier.

“Hey.”
Sa boses pa lang niya, kinikilabutan na ako.

“You want food?”

“I’m tired. Ayaw kong kumain,” sabi ko. Tinago ko ang phone ko sa unan at
umayos sa pagkakahiga. Pumikit ako at hinintay na umalis si Javier. When
I heard the door closed, doon ko lang napansin na nagpipigil ako ng
hininga. Hindi ko malaman kung bakit nakakaramdam ako ng takot kay
Javier.

Ngayon lang ata ako nakaramdan ng takot sa isang lalaki.

Akala ko umalis na siya. But shit! Hinawakan niya ako sa braso. Agad
akong napaupo at lumayo sa kanya. Nagulat din siya sa reaksyon ko.

“What do you need?” halos naasar na tanong ko.

Tinitigan niya ako sandali. Gusto kong sumigaw pero siguradong maririnig
ni Erica ang sigaw ko. She’ll ask what happened. At ayaw kong
magsinungaling sa kanya. Ayaw ko ring malungkot siya.

“I just want us to talk.”

Kumunot ang noo ko. “We can talk outside my room. This is my sanctuary.
Private.”

“Sinteya.” Naupo siya sa gilid ng kama ko kaya lalo akong lumayo.


Binibigyan ko ng atensyon ang bawat paggalaw niya just to know what I'll
react to it.

“What?”

“Galit ka ba sa akin?”

“No. As long as you’re far away from me, I’m okay.”

Napansin ko ang paglunok niya. Inilibot niya ang tingin sa kwarto ko.
Tumigil ang paningin niya sa cork board na may nakadikit na pictures,
letters at kung anu-ano pang memories. He smiled. Tumayo siya kaya
napatayo rin ako sa kabilang gilid ng kama ko.

I just want to be away from him.

“Javier?”
Napatingin kaming dalawa sa may pintuan dahil sa boses ni Erica na nasa
ibaba. Bumuntong hininga si Javier at ngumiti sa akin.

“Will you be okay when I marry your mother?” he asked. "I hope you get
used to my presence, Sinteya."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Narinig ko ulit ang boses ni Erica
na tinatanong kung nasaan si Javier. Narinig ko ang mga yabag ni Erica
paakyat ng hagdan. Nagmadaling lumabas ng kwarto ko si Javier.

“Ang tagal mo namang mag-CR,” I heard Erica said after a few minutes.

Then I heard him say, “nakakaligaw ang second floor, babe. Ang tagal kong
nahanap 'yung CR.”

Napaupo ako sa kama at natulala. Nanginginig din ang kamay ko. Wala akong
ibang maisip kung hindi isang salita lang.

Shit.

=================

Ngptkso 07

Ngptkso 07 // Together

Hindi ko na napigilan ang mga pangyayari. Natatawang umiiyak na niyakap


ako ni Erica at pinakita sa akin ang singsing na binigay sa kanya ni
Javier.

They're getting married.

I tried to be as casual as possible. And while doing that, I'm also


trying to avoid him as much as possible. The lesser we talk, the better
for my conscience, my feelings and my mind. But Erica has plans on her
own.

"Let's go, honey. Matagal naghintay sa akin si Javier pero huwag naman
natin siya paghintayin over dinner." Biglang pumasok ng kwarto ko si
Erica.

"Can you atleast knock?" sabi ko nang ikabit ang bra ko.
Erica smiled at me. "You didn't lock your door so I assume it's okay to
get inside."

Umirap ako habang siya naman ay ngiting ngiti. Inaayos niya ang earrings
niya. Hinagis niya sa akin ang shirt ko na nasa kama. Dahil kaming dalawa
lang ang nasa bahay, hindi kami nag-la-lock ng pinto. Sa kwarto, sa CR,
kahit ang front door. Madalas lang naka-lock sa amin ay ang gate, 'yun ay
kung hindi nalilimutan.

We live in a friendly neighboorhood, that's one of the things I'm


thankful for.

Pagkatapos kong magbihis, nakatayo lang siya sa harap ko.

"How do I look?" she asked.

Tiningnan ko ang get-up niya. A white dress the hugs her curves. Dangling
earrings. Silver heels. Light make-up. It's too elegant but it fits her.

"Kailangan mo pa ba talagang magpaganda para sa isang dinner?" tanong ko.


"If he really likes you, hindi niya hahayaang mag-dress ka nang maiksi."

Ngumuso si Erica. "Nay, ikaw ba 'yan?"

Umiling ako.

"I just want this to be perfect," sabi niya pagkakuha ko ng phone sa desk
ko. "You. Me. Him. Us. I want this to work."

Tumaas ang kilay ko. "Kaya ka naka-dress?"

"May problema ka ba sa akin, iha?" kunot-noong sabi ni Erica at


nagpameywang pa.

Tumawa ako at lumapit sa kanya. I kissed her cheeks and whispered, "he'll
swoon over you, Erica."

Ngumiti si Erica sa sinabi ko. "Ang bait ng anak ko."

"Yuck. Anak, ang oldie na."

"Yea, tumatanda na nga ata ako."


Pagkarating namin sa restaurant na pagkakainan namin, I felt out of
place. Halos lahat ng babae sa loob ay naka-dress. Samantalang ako, naka
hoodie, may shirt underneath at nakaskinny jeans. Well, okay nang ma-OP
ang outfit ko kaysa naman mag-dress na malapit lang si Javier.

Iniiwasan ko ang tingin ni Javier.

Pero wala siyang balak umiwas.

"Sinteya," he said while waiting for our orders. Nakangiti si Javier sa


akin, ganoon din si Erica. "I'm happy for the blessing you gave us."

Ngumiti ako – but I really, really want to frown.

"As long as Erica's happy, I'm happy."

"Sweet naman," nakangiting sabi ni Erica. Lalong lumawak ang ngiti ko.

"But really," Javier said.

Shit!

Nanlaki ang mata ko. Hinawakan ni Javier ang kamay kong nakapatong sa
lamesa. Sinubukan kong ilayo ang kamay ko. Hinigpitan niya ang hawak
dito.

"Salamat."

He's smiling. He's just smiling. And he's doing this right in front of
Erica. To me! Hindi ko na maayos ang isip ko. Gusto kong sumigaw.
Suntukin siya sa ginagawa niya. Pero ang ginawa ko ang isa sa pinaka
cliché na ginagawa ng mga tao sa ganitong pagkakataon.

"Mag-CR lang ako."

It was a relief when Javier let go of my hand when I stood up. I


dismissed the strange looks people did as I walk by. Sorry na sa out-of-
place outfit but I won't risk anything para lang mag-dress. Hindi ako
mapakali pagkapasok ng CR. My heart was pounding. Gusto ko man
maghilamos, hindi ko magawa. Sayang ang make-up ko! So I rested for a
bit.

Nakakabobo kasi si Javier.


When I went out of the restroom, I was shocked to see Sir Marco. Galing
siya sa CR ng mga lalaki. He was wearing a semi-fitted gray long-sleeved
polo with a dark necktie around his neck. He looked younger and sexier
with his dark skinny jeans and rubber shoes.

Shit na malagkit. Ang gwapo ni Sir.

"Oh, nandito ka pala?"

"Wala Sir, nasa puso mo ako," natatawa kong sabi. Naglakad kami. "Mahilig
pala kayo mag-dinner sa mamahaling restaurant?"

Ngumiti si Sir. "Hindi. May kasama lang kasi ako. Ikaw ata ang mahilig sa
mamahaling resto."

"Special dinner with family, Sir," sabi ko. "Saan ka pala?"

"Pauwi na rin," sagot niya. "Hatid na kita sa lamesa niyo."

"Ay grabe naman 'to Sir, baka masyado akong matuwa."

Natawa si Sir sa sinabi ko. Naabutan namin ni Sir Marco sila Erica at
Javier na nag-uusap nang masinsinan. Pagkalapit namin, umangat ang tingin
sa akin ni Javier. They stopped talking.

"Erica, Javier, si Sir Marco, professor ko sa university,"at soon-to-be


mapapasaakin. pagpapakilala ko sa kanila. "Sir, my Mom Erica and her
boyfriend, Javier."

Nakipagkamay si Sir Marco kay Erica and greeted her good evening.
Gustong-gusto ko matuwa dahil sobrang gwapo ng pagiging magalang ni Sir
Marco. When Javier and Sir Marco shook hands, napansin kong tumalim ang
tingin ni Javier kay Sir.

Bwisit.

Pagkaalis ni Sir Marco, naupo ako sa pwesto ko at hindi ako mapakali.


Panay ang tawag ni Javier sa phone. Panay din ang tingin niya sa akin –
tapos kay Erica. Hindi ko malaman kung napapansin ba 'to ni Erica at
hinahayaan na lang o hindi niya talaga napapansin.

Bago pa ako magpakamatay sa inuupuan, tumayo ako.

"Where are you going, honey?" Erica asked.


"Sa labas lang, magpapalamig," sabi ko without looking at Javier who's
staring at me. Nakikita ko sa peripheral vision ko. "Text na lang pag
nandito na ang order."

Tumango si Erica. Bago pa ako makalayo sa table, I heard Javier said,


"he's not answering," to Erica while looking at his phone. Pagkalabas ko,
nagpunta ako sa gilid. Hindi ko napigilan ang ngiti ko nang makita si Sir
Marco na nakatayo habang nag-te-text sa isang tabi.

"Sir!"

Lumapit ako sa kanya at nakita ko ang pagngiti niya. Normally, sa gilid


lang pumupwesto kapag magkausap. Pero dahil gusto kong ako lang ang
titingnan ni Sir, tumapat ako sa kanya. Wala siyang choice kung hindi
tumingin sa akin.

I smiled. "Akala ko paalis ka na, Sir?"

"Ah, oo," sabi niya. Medyo nangingiti. "Hinihintay ko lang kasama ko.
Nasa CR."

Tumaas ang kilay ko. "Sir—"

"Sinteya." Hinarap niya ako. Napangiti ako nang makitang binulsa niya ang
phone niya. "We're outside the school premise. Call me Marco."

Lalong lumawak ang ngiti ko. Para akong mababaliw! Buti na lang tanging
kami lang ni Sir Marco ang nasa gilid. Well, mayroon ding isang lalaki na
nakasumbrero at sun glasses sa kabila na parang may tinitingnan sa loob
ng resto. Sun glasses. Sa gabi. Very classy.

"Marco?" nakangiti kong sabi. "Parang mas okay ang Sir. Mas intimate
pakinggan."

"What do you mean?" He raised a brow.

"Parang mas nakakatuwang pakinggan ang 'Sir, wag po' pag sinigaw ko."

That made Sir Marco laugh. His sexy voice with his sexy laugh. Bakit ba
ang hot ng professor na 'to? Nakisama ako sa pagtawa niya pero ang totoo,
gusto ko talaga isigaw 'yon. Pwede ko rin gawing 'Sir, wag po itigil' or
something along those lines.

I stopped laughing when a text from Erica arrived. Nandoon na raw ang
pagkain. I looked at Sir Marco na nakatingin lang sa akin. Hindi ko
maiwanan si Sir! But then, nagulat na lang ako nang biglang may tumulak o
bumunggo sa akin sa likod. Sobrang lakas!
"Move." The voice said. I saw a hint of light from his hand. Cellphone.

Muntikan na akong ma-out of balance kung hindi lang ako nasalo ni Sir.
Nakahawak ang kamay niya sa likuran at balikat ko. Gusto ko sana mainis
at murahin ang lalaki kanina pero hindi ko maiwas ang titig ni Sir sa
akin.

Ilang pulgada lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa. I saw his eyes
shifted. Tumingin siya sa labi ko. I saw his adam's apple move. Am I
making Sir Marco nervous?

Say yes, please.

Tumingin siya sa mata ko and that made me look at his lips. Gusto kong
malaman niyang gusto ko siyang halikan – pero dapat siya ang mag-
initiate. That's when I felt like his face was moving closer and closer.

And I teased him. "Sir," I whispered. "Wag po," I smiled.

Inilapit ko na rin ang mukha ko sa kanya. I felt his grip tighter. All of
a sudden, while staring at my eyes, he stopped. He freaking stopped!
Tinayo niya ako nang maayos. Tumikhim siya.

My heart sank. Fck.

"Uhm, ano," Sir Marco said. Umiwas siya ng tingin.

Gustong-gusto ko umirap. Gusto kong sapakin si Sir sa pagiging torpe


niya. Gusto kong sabihin sa kanya ang kaninang linya niya na 'we're not
in the school premise' at palitan ang sunod na linya ng 'just kiss me!'

My phone rang. Si Erica.

"Hinahanap na ako sa loob, Sir," I said. Naiinis pa rin. "Bye."

Ngumiti siya sa akin at umiwas ulit ng tingin. "Uh, sige."

Pagtalikod ko kay Sir, umirap na ako. Inis talaga ako. Bakit kailangan
niyang tumigil? Then a woman, a pretty one, looked at me. Nagkatinginan
kami sandali. Lumagpas siya sa akin kaya agad akong kinabahan at
lumingon.

"Ang sakit talaga ng tiyan ko, hindi ako sanay sa pangmayayaman!" sabi ng
babae kay Sir Marco. "Huwag na tayo uulit dito, Coco!"
Napaawang ang bibig ko at tumalikod ulit. What the hell? Pagpasok ko sa
resto, pinagtitinginan na naman ako ng mga tao. And the hell I care!
Inirapan ko sila isa-isa.

Pagdating ko sa table at pag-upo sa pwesto ko, wala na ako sa mood. Sino


naman 'yung babaeng 'yun? Coco? Tinawag niyang 'Coco' si Sir Marco? Who
the hell is she? Nakakainis!

"Can't be reached." I heard Javier sighed.

Umiling si Erica at inaya na kaming kumain. Patuloy ang pagkukwentuhan


nila Erica at Javier tungkol sa mga bagay na wala akong pakialam. All I
want is to get home and sleep. Or maybe stalk Sir Marco. O siguro mag-me-
message ako sa kanya at sasabihan siya ng 'sino naman ang babaeng 'yun
akala ko ba single ka?!'

Siguro dapat alamin ko na ang dapat kong imessage sa kanya. Yung


mawiwindang dapat siya.

Pagtapos ng pag-iisip ko ng message, natapos na rin ang dinner. Excited


na ako umuwi para maistalk ko na rin si Sir nang paupuin ako ni Erica.
Nagkatinginan sila ni Javier at nagtanguan.

Akala ko si Sir Marco lang ang magpapabadtrip sa akin. Mayroon pa palang


isa.

"Sinteya," Erica said. Hinawakan ni Javier ang kamay niyang nakapatong sa


mesa. Kung dati, okay lang sa akin 'to, ngayon – naiirita na ako sa
landian nila. "Javier and I, we decided to live together."

"That's great," I said with a smile.

Nagkatinginan ulit sila. Tumaas ang kilay ko.

"No, I mean. We. Us."

"Huh?" Na-gets ko naman pero. . .what? What? WHAT!

Ipinatong ni Javier ang kamay niya sa kamay ko at pinisil ito. "Together


as family, Sinteya," he said.

I fcking hate his smile. And his touch too.

______
Pop Fiction Festival 3. AFGITMOLFM booksigning. March 1, 2015. 1 - 6pm.
More info: external link. Kitakits! :)

=================

Ngptkso 08

Ngptkso 08 // Whatever

"Why do you hate him, honey?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Marahas kong inalis ang paghawak ni
Javier sa kamay ko. They were in shock, Erica and Javier. Gusto ko na
talaga sumigaw sa restaurant pero hindi ko naman ako masyadong
eskandalosa. Tahimik kaming hinatid ni Javier sa bahay.

Erica and I didn't talk that night.

The next day, kinulit niya ako. Noong una, hindi ako nagsasalita. But I
had enough. I blurted out the words.

"I just hate him, okay?"

Nakita ko ang sakit sa mukha ni Erica. Gusto kong bawiin – pero hindi ko
mabawi.

"Akala ko ba okay ka na sa kanya?"

"Yeah, at first I was okay with him," I said, stopping myself from
talking more. "I don't want to talk about this."

Kinuha ko ang twalya ko at pumasok agad sa loob ng CR. I didn't lock the
door dahil sira rin naman ang lock. Pagpasok ko sa shower area, medyo
nahismasmasan na ako dahil sa lamig ng tubig. I just stared at nothing.
Naiinis ako. Nakakabwisit dahil naiisip ko 'to.

It's like I need to choose over Erica's happiness or my security. I hate


choosing.
Mabilis ang paglingon ko sa pintuan pagbukas nito. Erica stepped inside,
looking at me through the glass wall. Wala na akong oras pa patayin ang
shower at magbalot ng twalya.

"I'm showering," I told Erica.

Tinitingnan lang niya ako.

"Kailangan natin pag-usapan 'to," Erica said. Naupo siya sa may toilet at
tumingin sa kawalan. "I'm. . .I'm in love with him, Honey. Matagal na.
We've been through a lot. And you know I love you, ang gulo lang."

Hinayaan kong nakabukas ang shower nang lumabas ako. Binigay niya sa akin
ang twalya sa may tabi niya para maitapis sa katawan ko.

"Ang gulo rin kasi, Erica."

Tiningnan niya ako nang nagtataka. "Anong magulo?"

I sighed. "He's flirting with me."

"What?"

Fck. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. I feel like I'm a kid asking for
mommy dearest's help because a guy is doing something bad at me. Para
akong hindi twenty-one years old na hindi mahilig sa bawal.

"Javier. He's flirting with me. He's acting weird. He's touchy."

"Sinteya, you're accusing—"

"C'mon Erica, alam mong hindi ako ang pinaka birhen sa buong mundo pero
alam ko ang feeling kapag minamanyak na."

"Hindi manyak si Javier," Erica said. She stood up and held both of my
shoulders. "Maybe he's not being flirty. Maybe he's doing this para ma-
feel mong safe ka sa kanya. And that he's going to be your dad."

"I don't feel safe around him," I said. "And I don't like to have a dad."

Nagkatinginan kami saglit. Nagbuntong hininga si Erica. When she left,


feeling ko sinasaksak ang puso ko sa itsura niya. Na-stress siya, I know.
And that's because of my decision.
Tulala akong nagbalik sa shower. Walang pumapasok sa isip ko. Pumikit ako
at huminga nang malalim.

Hindi rin naging okay ang araw ko sa univ dahil wala si Unica. She's not
answering any of my texts and phone calls. Then there's Sir Marco.
Pagkatapos ng isang klase ko, nakasalubong ko siya papunta sa next class
ko. He and his usual hot self is walking in front of me. Nagkatinginan
kami at naalala ko na naman ang nangyari sa labas ng resto. At ugh,
nalimutan kong mag-stalk dahil sa nangyari kay Javier!

When I saw Sir Marco smiled, tumalikod ako at nag-iba ng daan. Kaya naman
pagkapunta ko sa next class, pagod na pagod ako dahil inikot ko pa ang
buong 3rd floor para makabalik sa 4th floor. Medyo na-late pa ako sa
klase buti reporting lang ang mayroon.

After class, uwing-uwi na ako pero hindi ko maatim ang hindi mag-retouch!
And so, pumunta ako sa restroom only to see a lot of girls in front of
the mirror. Lumabas ako at nagpunta sa fifth floor, restroom na hindi
masyadong ginagamit. Nursing lang ang madalas gumamit nito at evening
class pa sila.

Pagpasok ko sa restroom, may something weird akong naaamoy. Hinayaan ko


lang. Nagsimula na akong mag-retouch sa harap ng salamin when I heard
something. Someone. From the cubicle behind me. And it's a girl. .
.moaning.

Tinitigan ko ang nakasarang pintuan ng cubicle. Pinakinggan ko nang


mabuti ang boses. I heard someone hissed. A guy whispered 'shut up'.
Agirl surpressed her moan. Hillarious!

Hindi pa ako natatapos sa lipstick ko nang marinig ko ang pagbukas ng


lock ng pinto. Mula sa reflection ng salamin, may lumabas na lalaki na
nag-aayos ng belt. Gusot-gusot ang polo shirt na suot. His face was so
familiar – lalo na ang tattoo niya sa may collarbone. He looks sexy.

Nakita niya ako kaya natigilan siya. After a few seconds, he smirked.
Sinuklay niya ang gulo-gulo niyang buhok na tumatama sa balikat ang haba.
Nakita ko ang babae sa cubicle na nagulat din na nandoon ako. I was
finished with my lipstick when he went near behind me. Halos ilang
pulgada ang tangkad niya sa akin kahit 5'7 na ang height ko.

I can almost smell his perfume. And I can feel his breath behind.

"Didn't know you like hearing. . .things."

Ngumisi ako. "CR 'to, hindi motel."

"Ah, right." Ngumiti ulit siya. "Saan nga pala ang labasan?"
Nagkatitigan kami reflection ng salamin. Doon ko lang nakitang matangos
ang ilong niya at nakakaakit. His hair, disheveled, made his jaw look
manly. Tumaas ang kilay ko. Titig na titig siya sa reflection ko.

"Depends, ano ba ang ilalabas?"

Bigla siyang natawa sa sinabi ko. Napansin kong maayos na ang tayo ng
babae na nasa cubicle. Masama pa ang tingin sa akin. Before they do
something in front of me, inayos ko na ang gamit ko. Pero bago pa ako
makalabas, pinigilan ako ng lalaki makalayo.

Tiningnan ko ang kamay niyang nasa braso ko. I arched a brow.

"What's your name?"

"None."

Kumunot ang noo niya. "Nun? Parang madre?"

Natawa ako. "No. It's None. None of your business."

Tinanggal ko ang hawak niya sa braso ko at umalis ng CR. I don't know


about my day pero mukhang maraming nangyayari dahil sa entrance ng
school, I saw a familiar Audi A1 na medyo pinagkakatitinginan ng ilang
estudyante. Paglabas ng may-ari ng kotse, gusto ko tumakbo paloob but I
saw Sir Marco looking at me.

Really, Sinteya? Ngayon ka lang ata tumakbo palayo sa mga lalaki.

Balak kong lagpasan si Javier pero hinila niya ako paloob ng kotse niya.
Gusto kong mag-eskandalo pero napaka raming tao at may kahihiyan pa rin
ako. Pagkapasok ko sa backseat, I saw Erica beside the driver's seat.
Nagkatinginan kami ni Erica pero nag-iwas din siya ng tingin pagpasok ni
Javier sa driver's seat.

"Where are we going?" I asked when Javier started driving.

"Nowhere," Javier said. Nagkatinginan kami sa rear-view mirror. Naghahalo


ang inis at takot ko sa nangyayari. Tahimik lang si Erica sa tabi. "We're
not going to stop unless this thing will be settled."

Tumaas ang kilay ko nang magtama ulit ang paningin namin ni Javier sa
rear-view mirror. "Okay." Sumandal ako. "Hintayin kong mawalan tayo ng
gas."
Napangiti ako nang mapansin ang pamumuti ng kamao ni Javier na nakahawak
sa manibela. I'm sure he's pissed. I'm okay with it. I saw Erica's side
profile looking straight at the road. Pumikit ako at inalis ang itsura ni
Erica sa isip ko. I'm not okay with this. I looked at Javier.

He stopped the car. Nilingon na niya ako.

"Give me a week," he said. "I won't get near you. I won't let you feel
uncomfortable around me. I'll be a dad for you."

Hindi na ako natutuwa sa bilis ng tibok ng puso ko. Hinawakan ni Erica


ang kamay ni Javier. Nagkatinginan sila at tumango si Javier. Tumingin
siya ulit sa akin, naghihintay sa sagot ko.

"Please," he whispered.

Pumikit ako sandali. Ilang hingang malalim ang hinugot ko. Pagdilat ko,
labas sa ilong akong nagsalita. "Whatever."

Kumunot ang noo ni Javier. "Whatever? Anong ibig sabihin n'un?"

Hinigpitan ni Erica ang hawak sa kamay ni Javier. She smiled at me then


to him. Naiinis ako sa kabaitan ni Erica. Nakakainis! "Whatever means
yes, babe."

"Yes?" pagtataka ni Javier na tumingin sa akin.

Umirap ako. "Whatever," at sinalampak ang earphones sa tainga ko. Bago ko


pa patugtugin ang All The Small Things ng Blink 182, I heard Javier said
'Thank you' before driving again. Nakatingin lang ako sa kamay nila Erica
at Javier na magkahawak sa harap ko.

I just wish this whatever will do something good for me.

______

Heyow powsh. May booksigning ako sa March 1 | Sunday | 1 - 6pm (bukas!)


sa Trinoma Activity Center. Kung hindi po kayo busy, kitakits po tayo
kung may AFGITMOLFM books kayo. Or kung gusto niyo lang magkita o
magpicture or something. Hihi.

(See media or click external link for more info)


=================

Ngptkso 09

Ngptkso 09 // Ignorezoned

True enough, Javier didn't get near me for the past first two days of his
stay in our house. Actually, hindi kami nagkakasalubong masyado except
dinner. Maaga siyang umaalis para sa business niya at minsan, sinasama
niya si Erica. Kapag uuwi ako, nasa kusina sila at naglalandian habang
nagluluto.

That's the only time I get to see him face to face for about thirty
minutes.

And that's it.

For the third day, maaga ang klase ko kaya pagtapos niyang maligo,
sumunod na ako. After settling in the shower, I heard a knock. Hindi ko
hininaan ang shower pero tinigil ko ang pagsha-shampoo. Hindi tumigil ang
pagkatok hanggang sa nagsalita siya.

"Sinteya?" Javier's voice from behind the door. "I think my car key is
there. Nasa may salamin."

Nilingon ko ang salamin na katabi ng pinto at ayun nga, nasakbit sa


kabitan ang susi niya.

"Then get it," I said.

"Are you in the shower?"

Tiningnan ko ang hubad kong katawan na natatamaan ng tubig. "Yes."

"Ah."

"Pwede mong kuhanin, nagsha-shampoo kasi ako," I said.

Hinintay ko kung anong susunod niyang gagawin. He knows I don't lock


doors – nakasanayan ko na kasi talaga since I was a kid. He can open the
door, see me naked and get his keys. If he did, I don't know what I'll do
after. Nagulat ako sa sinabi niya.

"I'll just wait for you to finish," sabi niya.


Tumaas ang kilay ko. Umirap ako at hinayaan siya dahil I'm sure, hindi
niya hahayaang ma-late para lang sa pagligo ko. He needs his car keys. He
needs to drive. And he needs it now. Pwedeng-pwede siyang pumasok sa loob
ng CR. Pero natapos na ako sa pagko-conditioner ng mahaba kong buhok at
nabanlawan ko na rin, he's still outside. Waiting.

"Babe, what are you doing there?" I heard Erica's voice from outside.

"Car keys, babe. Naiwan ko sa CR."

"Sinteya's inside?"

"Yes."

"She's not locking the door, you ca—" Tumigil ang pag-ikot ng door knob.

"Babe, I'll just wait her to finish."

"Pero male-late ka!" Erica's voice. "Meeting with the spons—"

"Yes Babe, I know."

Pumihit ulit ang door knob. Tumigil ulit. "Open the door and get your
keys."

"She's in the shower."

"So?"

Kumunot ang noo ko habang nakikikinig. Hininaan ko rin ang shower habang
nagbabanlaw ng sinabunan kong katawan.

"Babe," Javier said. "Bumaba ka na, I'll be there in a sec."

"Matagal maligo ang batang 'yan."

"May 24 hours ako para maghintay."

Napanganga ako sandali. "What the hell?" I said.


Narinig ko pang nagtalo si Javier and Erica. Nagbulungan din sila bago ko
narinig ang pag-give up ni Erica. Mukhang bumaba na rin siya. And Javier.
. .he's still waiting?

Kinuha ko ang car keys niya at walang sabi-sabing binuksan ang pintuan.
No towels. Walang tapis na kahit ano. Just pure naked. I was expecting
he'll be drooling or something but was surprised because of Javier's back
facing me.

"Javier," I called him.

"Hm?" Hindi pa rin siya humaharap.

"I have your keys."

"Ah, pwedeng—"

"You can turn around and get your keys," I said.

Nagkamot siya ng gilid ng hinlalaki. He's still not facing me. Nilagay
niya ang kanang kamay niya sa likod. "Can I have my keys?"

Kumunot ang noo ko. Nilalamig na rin ako. "What are you doing?"

"Getting my keys," he said. "Without letting you feel awkward."

"Seriously?"

Inilagay ko ang susi sa kamay niya. Binulsa niya 'yon. Akala ko haharap
na siya sa akin pero nagpasalamat lang siya at nagdiretso sa paglalakad
at pababa ng hagdan. As I was shutting the door, I couldn't believe it.
Totoo bang si Javier ang lalaking 'yon?

Kahit pagkarating sa school, namamangha pa rin ako sa nangyari.

Pagtapos ng first class, tinext ko agad si Unica to meet me.


ASAP. Naghintay pa ako ng kaunti. Pagkarating ni Unica sa cafeteria,
nakatingin halos lahat ng tao sa kanya. Napatitig din ako. She's wearing
a long sleeve shirt, maybe to hide some things. Pero hindi maitatago ang
pasa at sugat niya sa pisngi. Naupo siya sa tapat ko habang nakatitig pa
rin ako. Before I could talk, she a lifted her hand in front of my face.

"Hindi ko kailangan ng sermon," said Unica.


Tinaasan ko siya ng kilay. Pinagmasdan ko ang sugat niya sa pisngi at
pumutok na labi. She's a mess!

"I just want to ask something," I said, still eyeing her.

"Ano?"

"Gangster ka na?"

Tumawa ako sa sarili kong tanong pero nanatili siyang naka-poker face.
Nag-peace sign pa ako kaya ngumisi siya at umirap sa akin. Lumingon-
lingon siya sa paligid na tila may hinahanap.

"Nasaan na ba kasi 'yun?" she asked to no one. Kinuha niya ang iPhone
niya at nag-scroll. Kumunot ang noo niya at pabagsak na nilapag ang phone
sa lamesa. "Peste. Wala pala sa akin 'yung number."

Lalo akong na-curious.

"Don't I have a right or something to know what happened?" I asked.

Bumuntong hininga si Unica. Tumayo siya at kumuha ng pera sa wallet.


"Bili muna ako pagkain."

Pagbalik niya, sobrang daming pagkain ang dala niya. I thought she was
giving me half of it pero sa kanya pala talaga lahat. When she started
eating, she didn't talk. The guy with the geeky glasses went inside the
cafeteria.

The guy – whose name is Chino – widened his eyes. Mukhang aalis pa nga
siya pero lumingon agad si Unica. Kumunot ang noo niya. Tumigil siya sa
pagkain at sumigaw. "Hoy ikaw China, tara dito!"

Mukhang nag-alinlangan pa si Chino pero lumapit din. Hinatak siya ni


Unica sa braso paupo. Napangiwi si Chino so maybe, masakit ang
pagkakahatak ni Unica. "Akala mo siguro matatakasan mo ako?" Unica said.

Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa. The last time I saw


them, good mood si Unica dahil sa research paper na ginawa ni Chino.
Tapos ngayon, parang may atraso si Chino kay Unica? May kinalaman ba ang
mga pasa at sugat ng babaeng 'to?

But Chino is perfectly fine. Walang galos o kahit ano. Weird.


Kinuha ni Unica ang phone ni Chino at nag-dial. Tumatawag ata siya.
Kumunot ang noo niya at tumingin kay Chino. "Wala kang load? Ano pang
saysay ng phone na 'to? Pambato?"

"H-Hin—"

"Number mo nga," Unica said as she handed her phone to him

Nanginginig pa ang kamay ni Chino nang magdial sa iPhone ni Unica. Para


siyang ingat na ingat at baka masira niya ang phone sa paghawak o
pagtype. Hindi ko maiwasang ngumiti habang nakatingin sa kanila.

"Ang cute niyo," I said.

Kumunot ang noo ni Unica. "Oo, ang cute niya sapakin."

Tumingin sa akin si Chino. Tapos kay Unica. At natawa na lang ako sa


itsura ni Chino na gusto niyang umayaw at humindi pero wala siyang
magawa. I was enjoying my view when I saw someone very familiar to my
eyes.

"Ms. Valentine, bakit may mga pasa ka?"

Lumapit si Sir Marco sa lamesa namin. Nakatingin siya kay Unica. Tumingin
sa akin si Unica at ngumiti bago sumagot kay Sir ng 'wala po' pero sumama
ang tingin kay Chino. "Si Sinteya ba Sir, hindi mo kakamustahin?"

Pinanliitan ko ng mata si Unica. Lumawak lang ang ngiti niya sa akin.


Kita naman kay Chino ang pagtataka. Bago pa ako tumingin kay Sir, tumayo
na ako.

"Gotta go," I said.

Hindi ko na hinayaang magkapag-react si Unica o kahit si Sir. Narinig ko


pang nagsalita si Sir pero hindi ko na lang pinansin. Nagsimulang tumunog
ang cellphone ko. Unica's calling. Pero inignore ko. Nasa labas na ako
nang mag-vibrate ang phone ko.

Unica Anyare?! Na </3 ata si sir sa ginawa mo nalungkot siya pag-alis b3h

To Unica May nalimutan akong gawin. See you mamaya :)

Unica Ay ganun ignorezoned tungkol kay sir?


Fck. Napaatras ako dahil sa bumunggo sa akin. Pag-angat ko ng ulo mula sa
pagtetext, lalo akong nakaramdam ng inis dahil nakita ko na naman ang
ngisi ng lalaking ito. The guy who likes preaching about beauty who
doesn't know how to read signs who wolf whistle like it was the first
time he saw a girl and the guy who likes having sex in the girl's CR with
a sexy collarbone tattoo. Hindi ko na talaga maitatanggi na maganda ang
porma niya, simple pero hot. Tight jeans, boots and a loose shirt.
Nagpapakita tuloy ang tato niya na feeling ko, sinasadya talaga.

"Wow."

Gusto kong tanggalin ang ngisi niya sa labi pero mas inuna kong tanggalin
ang hawak niya sa magkabila kong braso. Doon ko nakita ang pataas na
mahabang linyang tato sa braso niyang medyo ma-muscle.

Really, Sin. Nagawa mo pang tingnan ang lalaking 'to?

"Alis nga," sabi ko.

I'm not in a mood for anything dahil nakita ko na naman si Sir Marco.
Nalilimutan ko kasing i-stalk si Sir para alamin kung anong mayroon sa
babaeng kasama niya na tumawag sakanya ng Coco. At naiinis pa rin ako sa
fact na may babaeng tumatawag pala sa kanya ng weird nickname! Coco?
Really? Nakakainis talaga!

"Woah, huwag masyadong hot," the guy said. Tumaas ang kilay niya at
sinuklay palikod ang hanggang balikat na buhok gamit ang kamay. "Mukhang
pinagtatagpo tayo ng tadhana, None."

Papanindigan talaga niya ang None? Fine.

Ngumisi ako. "Tadhana, really?" Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa
pabalik sa mata niyang kulay brown. "What are you, a twelve year old
girl?"

Sumipol siya at ngumisi. Tinulak ko siya para makaalis na nang may


humatak sa akin sa braso. Huminga ako nang malalim at ready na suntukin
ang collarbone tattoo guy na 'to nang lumingon ako. At nakita ko si Sir
Marco. . . na hawak ang braso ko. Nasa gilid 'yung lalaki na umiling at
ngumisi bago pumasok sa building.

"Sir, may pupuntahan pa po ako," sabi ko. Hindi nakikipag eye contact.

Akala ko okay na – pero hindi niya ako binitawan. Pwede kong isigaw ang
rape para mapahiya si Sir, pero ito ang gusto ko mangyari talaga. Ang
habulin niya ako. I want to smile at myself pero hindi pa tapos ang
lahat. Kailangan magpakipot.
Tumingin ako sa malalim at itim na mata ni Sir. Gusto ko na lang halikan
ang natural niyang mahahabang pilik mata. Seryoso ang mukha niya – malayo
sa palangiti niyang aura kaya mas lalong natutuwa ang kabuuan ko. He
looks handsome. And hot. And geeky because of his polo and slacks. Ugh.
Nakakainis, bakit kasi may ibang babae 'tong professor na 'to, eh?

"Sir, nagmama—"

"Sinteya," his voice, serious. Nagkatitigan kaming dalawa bago siya


nagsalita ulit. "Can we talk?"

______

Salamat sa mga pumunta ng PPF3 book signing! ♥

=================

Ngptkso 10

Ngptkso 10 // Dad and Dream

Hindi kami nag-usap ni Sir Marco. Inalis ko kasi ang hawak niya sa braso
ko at umalis nang walang pasabi. Not minding him calling my name. Walang
pagsisisi na hindi ko siya pinapansin dahil sa klase the next day, panay
ang tingin sa akin ni Sir. Madalas din niya akong tawagin para sa
recitation.

Tatayo lang ako, o minsan nakaupo at magsasagot. Hindi ako ngingiti.


Hindi ako titingin sa mata niya.

If he really wants to talk to me, gagawa siya ng paraan.

“So hanggang kailan ang pagpapabebe mo kay Sir?” tanong ni Unica. Hindi
na obvious ang pasa at sugat niya dahil hinayaan niyang lagyan ko ng
concealer ang mga ito. “Alam mo dapat sumali ka sa bagong pakulo ng Univ,
eh. Yung radio booth? Naghahanap sila ng mga DJ at segments. Pwede ka
doon with a title of ‘Sir Wag Po – kwentong pabebe sa mga professors’,”
natatawa niyang sabi.

Natatawa akong pinalo siya sa braso. “Magpapabebe ako hanggang sa bumigay


siya.”
Ikinwento ko kasi sa kanya ang dahilan ng pag-alis ko bigla pagkarating
ni Sir Marco last time. Sinabi ko rin sa kanya ang gusto kong mangyari.
Pati na rin ang babaeng tumawag kay Sir Marco ng ‘Coco’.

“Sigurado ka bang girlfriend niya 'yun?” sabi niya.

Lumiko kami sa hallway para makapunta sa library. May kailangan kasi


akong kuhaning ancient book na pinapahanap ng professor ko sa History.

“Pwede rin namang kalandian.”

“Kasi naman, naghihintay ka ata ng himala,” sabi ni Unica nang


mahismasmasan. “Ganito na lang, sa birthday ko.”

“Ano?” tanong ko.

Medyo bumigat din ang loob ko dahil isang linggo na lang 'yon. Wala pa
rin akong nabibiling regalo para kay Unica dahil nasa kanya naman na ang
lahat. Their family basically owns a lot of property and businesses. Ano
pa ba ang kulang sa babaeng ito pwera sa class?

“Iimbitahin ko si Sir Mar—speaking of, Sir Marco!”

Hindi ako lumingon nang makarinig ako ng papalapit na yabag mula sa


likuran ko. Naramdaman ko ang presensya ni Sir Marco sa likuran ko.
Tiningnan ako ni Unica nang nakangiti, letting me know Sir Marco is
eyeing my back.

“Ms. Valentine, maayos na ba ang mga sugat mo?”

Pumikit ako at nagkagat labi dahil sa gwapong boses ni Sir Marco. Ngumisi
sa akin si Unica at binaling ang tingin kay Sir.

“Medyo po, Sir. Next week pala, birthday ko na.” May kinuha si Unica sa
bag niya. Isang invitation. Binigay niya ang invitation kay Sir Marco.
“Overnight. Swimming at inuman lang. Hindi pwedeng humindi kayo.”

Nanlaki ang mata kong tinititigan si Unica na hindi mawala ang ngiti sa
labi.

“Ako? Isasama mo ako?” pagtataka ni Sir. “Celebration ito ng mga


estudyante.”
“Ayaw mo ba, Sir? Malulungkot si Sinteya n'yan.” Hindi ako makapaniwala
sa pinagsasasabi ni Unica! “Siya pa naman namilit sa akin na imbitahan
kayo.”

“Totoo?”

Lumingon ako kay Sir. Nakatingin siya sa akin na tila gulat at hindi
makapaniwala. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa gulat na mukha ni Sir at
kay Unica na ngumingisi. Gusto kong makapatay ngayon pero mas pinili kong
ngumiti. Iwas tingin akong sumagot.

“Sama ka, Sir,” sabi ko.

“Alright.” Huminto ang puso ko sa sinabi ni Sir. “I’ll free my schedule


next week.”

Panay ang palo ko kay Unica hanggang sa makarating kami sa library. Hindi
ko rin maiwasan ang ngiti ko habang hinahanap ang badtrip na ancient
book. Galit nga ako tapos papasamahin ko si Sir?! Still, I like the idea
of me with Sir Marco in an overnight party. No one knows what will
happen. Tama nga siguro ang sinabi ni Unica.

“Nahiya ka pa, abot langit naman ngiti mo 'teh.”

Maybe that’s the reason I’m in a good mood. Kahit minsan nakakainis si
Unica at mga weird tactics niya, nakakatulong din naman. Good mood talaga
ako hanggang matapos ang mga panghapon kong klase. Pag-uwi ko ng bahay,
nadatnan ko si Javier na nanonood ng TV at may kausap sa phone.

“Get your ass here,” pasigaw niyang sabi. Nakakunot ang noo. “Fine. Suit
yourself. You're welcome to sleep outsi—” Natigil siya nang makita akong
nakatingin sa kanya. Agad niyang binaba ang phone at pinause ang
pinapanood sa TV. I saw the screen and I knew he’s watching Game of
Thrones.

Hindi ako ngumiti o nagsalita pero bago ako makaakyat, tinawag ako ni
Javier sa pangalan.

“Yeah?”

Nilingon niya ako at ngumiti. “Good evening.”

“Good evening din,” pagbati ko.

I know he’s trying to capture my heart – and no, not in a bad way. In a
good way. Parang kinukuha niya ang loob ko para hayaan siyang pumasok sa
bahay at buhay namin ni Erica. I’m not dismissing the that thought. Hindi
ko rin siguro alam kung saan sisimulan.

Habang nagpapalit ng pambahay, walang katok na pumasok si Erica sa kwarto


ko. “Hey,” she said. Naka-apron pa siya. Nilapitan ko siya at humalik sa
pisngi. “How’s school?”

“Fine.”

“How’s Sir Marco?” nakangiti niyang sabi.

“Ayun, professor pa rin.”

Umupo si Erica sa kama ko habang tinitingnan ang pagsusuot ko ng shorts.


“Alam mo naman siguro na bawal ang professor-student relationship, ano?”

Nagkatinginan kami saglit. “Bakit?”

“Ang gwapo ng professor mo,” nangingiting sabi ni Erica. “Hindi na ako


magtataka na maraming nagkakandarapa doon.”

Natapos na ako sa pagbihis. Nagtali na rin ng buhok. “Medyo.”

“Maaagawan ka n'yan,” natatawang sabi ni Erica. Tumayo siya at pinatong


ang kamay sa magkabila kong balikat. “Pero kung ano man mangyari sa hot
professor mo at sa'yo, suportahan ta ka.”

Bago siya lumabas ng kwarto, tinawag ko siya. “Paano mo nalaman na gusto


ko siya?”

Lumingon siya sa akin at ngumiti. “Honey, kapag ganung klaseng professor


ang nagtuturo, imposibleng hindi mo ipapakilala sa akin bilang
boyfriend.”

I don’t know why pero napangiti na lang ako bigla. Umalis na si Erica sa
kwarto. Habang nagtatanggal ng make-up, hindi ko maiwasang isipin ang mga
sinabi niya. Hindi ko rin alam kung bakit imbis na mag-stay sa kwarto
tulad ng nakagawian ko kapag nasa bahay si Javier, ay bumaba ako.

Nagulat pa si Javier at napatayo nang maupo ako sa sofa kung saan siya
nakaupo. Tumingin ako sa screen ng TV. Kita ko sa peripheral vision ang
pagtitig sa akin ni Javier.

“Malulusaw ako sa titig mo, Javier,” sabi ko at kinuha ang remote sa


kamay niya. Nilakasan ko ang volume. “Ano bang mayroon sa Game of Thrones
at maraming adik dito?”
Paglingon ko ng tuluyan kay Javier, ang lawak na ng ngiti niya. Napangiti
na lang din tuloy ako. Dahil late ako sa panonood, nagtanong ako ng mga
nangyayari at characters. Javier answered all my questions hanggang sa
nagkaroon ng sex scene.

“Bawal sa bata!” Tinakpan ni Javier ng kamay ang mata ko.

“Excuse me, hindi na ako bata!” natatawa kong sabi at inalis ang kamay
niya. “Twenty-one na ako!”

“Twenty-one ka na?” Pinanlakihan ako ng mata ni Javier. “Bata ka pa sa


mata ko, iha!”

Pinipilit niyang takpan ang mata ko hanggang sa natapos na ang sex scene.
He even muted the TV! Pinipilit ko siyang ibalik ang scene na 'yon dahil
baka may nakaligtaan ako pero sumama lang ang tingin niya sa akin.
Pinaupo niya ako ng nang maayos. Hindi ko malaman kung bakit ako sumunod.

“Good girl,” sabi niya.

Umirap ako pero nakangiti. We started watching again until I asked a


single question regarding this guy, Jon Snow. Ito namang si Javier,
nagkwento na nang nagkwento to the point sinabi na rin niya ang ilan pang
pangyayari na wala pa sa sa show. Nabasa na niya 'yung mga books kaya
sobrang excited siyang magkwento. He even said some theories na naguluhan
din ako sa dami ng sinabi niyang pangalan!

“Grabe, ang spoiler naman!” sabi ko habang tawa siya nang tawa.

“Tanong ka kasi nang tanong.”

Inirapan ko siya. Kinuha ko ulit ang remote sa kanya at mas nilakasan ang
TV. “Huwag ka na magsalita, ah.”

Nagtaas ng kamay si Javier at umiiling na nakangiti. “Yes, Ma'am.”

Nanahimik kami sa panonood habang si Javier ay animatedly na nagkocomment


from time to time. Hindi ko maiwasan ang ngumiti at matawa sa
pinagsasasabi niya. Nang matapos ang dalawang episode, doon ko naramdaman
na nawala ang awkwardness na nararamdaman ko sa tuwing nasa paligid siya.

“Javier,” pagbanggit ko. Nakatingin pa rin ako sa screen pero nakita kong
lumingon siya sa akin. “Mahal mo ba si Erica?”

Nawala ang ngiti niya at sumandal nang maayos sa sofa. “Sobra.”


Nilingon ko siya. “Pero bakit last time. . .bakit ga'nun?”

Nagkamot siya ng noo. “Sorry. Didn’t know you’ll be scared of me.”


Ngumiti siya at tumingin sa screen. “I’ve been longing to have a
daughter. Natuwa siguro ako na mapalapit sa'yo. Hindi ko naisip na dalaga
ka na at hindi na bata.”

Tumango-tango ako. Then we went back to watching. Wala pang 10 minutes,


nase-sense ko na ang awkwardness. Nagsisi ako nang iungkat ko na naman
'yon. A few seconds after, biglang tumayo si Javier.

“Saan ka pupunta?” tanong ko.

Ngumiti siya sa akin. “I told you, I don’t want you to feel awkward
around me.”

Bago pa siya makalayo, tinawag ko siya. Kinabahan ako nang sobra


pagkalingon niya. “What do you want me to call you?”

“Huh?”

Ngumiti ako. “Daddy? Dada? Tay? Itay? Papa with accent sa dulo?” natatawa
kong sabi.

Nanlaki ang mata niya na tila hindi makapaniwala. Napansin ko ang mata
niyang nangingintab kaya lalo akong napangiti.

“Hoy kayong dalawa, mamaya na manood at kakain na tayo.” Mula sa kitchen,


lumabas si Erica. Natigilan siya nang makitang nakatayo si Javier na
nakatingin sa akin habang nakangiti ako. “What’s happening?”

Tumawa si Javier at agad na niyakap si Erica. Humalik siya sa noo ni


Erica at tumingin sa akin nang nakangiti. “Babe, you’re becoming a
nagging mom.”

Tumaas ang kilay ni Erica at tinulak ang mukha ni Javier palayo. “Kasi
nga kakain na tayo!”

“Ito na nga,” natatawa rin ako at tumayo. Nagkatinginan kami ni Javier at


nagkangitian. Pagpasok namin sa dining area, taas kilay lang si Erica.
Habang naghahanda ng pagkain, nagkatinginan kami ulit ni Javier bago siya
nagsalita.

“Dad is okay,” sabi niya. Nagtaka lalo si Erica sa biglang pagsasalita ni


Javier.
“Dad,” sabi ko. Tumingin siya sa akin. “Pakikuha naman 'yung kanin,”
pagturo ko sa tabi niyang kanin.

Papalit-palit ang tingin ni Erica sa amin ni Javier. Halos mabali na ang


ulo niya hanggang sa bigla na lang siyang sumigaw at umiyak habang
natatawa. “Seryoso? Ito na 'yun?” naiiyak niyang sabi. Natatawa ako pati
na rin si Javier. “Ang sarap sa feeling nito, mygahd!”

Hindi mawala ang ngiti sa aming tatlo habang kumakain. Nag-usap kami at
nagkwentuhan. And for a moment, I felt like I really have a complete
family. Masaya. Okay rin pala ang magkaroon ng tinatawag na ‘Dad’.

“Goodnight Sinteya.” Javier kissed my forehead and hugged me. “Thank you
for accepting me as your Dad,” bulong niya sa akin. Ngiting-ngiti naman
si Erica sa tabi at nakiyakap sa amin ni Javier. Ngiti lang ang ibinigay
ko bago kami nagkanya-kanya ng punta sa sari-sariling kwarto.

Hindi ko maiwasang ngumiti habang nakatitig sa kisame. Hindi ko namalayan


na nakatulog na ako at nagising nang sobrang lagkit ang feeling dahil
hindi nakabukas ang fan. So I decided to take a quick shower para
mahimasmasan sa kalagkitan ng pawis.

Pagkabukas ko ng shower, nakarinig ako ng kalabog sa labas. Napatigil ako


pero nawala rin ang ingay kaya nagpatuloy ako sa pagsasabon. As I was
scrubbing my body, napalingon ako sa biglang pagbukas ng pintuan. Nanlaki
ang mata ko sa pagpasok ng isang lalaki sa loob at walang sabi-sabing
nagbukas ng zipper at umihi sa toilet na katabi ng shower!

“Why the hell are you here?!”

Gusto ko man magtapis, malayo ang twalya sa kinatatayuan ko. Balewala na


rin ang pagtakip sa katawan ko sa pagtingin niya sa akin. Kumunot ang noo
niya. He looked at me from head to toe. Lumapit siya sa akin, nababasa na
rin siya ng shower habang kinukusot ang mata.

Hinawakan niya ang pisngi ko at ngumisi. Halos tumingala ako sa


pakikipagtitigan dahil sa tangkad niya. Naaamoy ko ang pinaghalong
marijuana, beer at sigarilyo sa lalaking 'to.

“You look so real in this dream, None.”

Before I could react, he kissed the corner of my lips before passing out.

_____
Changed Unica's surname from Alcaraz to Valentine.

=================

Ngptkso 11

Ngptkso 11 // The Wet Son

One of the many things in my bucket list is to experience shower sex. I


like the idea of being wet because of pleasure and shower combined. Wala
rin akong problema kung one night stand lang with a stranger. But what I
don't like is me, naked – and the guy is fully clothed.

Hindi ko rin gusto ang bigat ng lalaking 'to.

Minabuti kong magbihis muna bago siya daluhan na wala atang pakialam
kahit nakahiga siya sa basang sahig. Kumunot ang noo ko, not knowing what
to do. I don't do panicking and he looked harmless. Sabog na sabog. His
hair, even though it's tied, was disheveled. Dahil nabasa siya sa shower,
nakita ko na ang kabuuan ng tattoo niya sa collarbone. It's like a smoke
with bones and stuff.

Nakaangat kaunti ang shirt niya kaya nakita ko ang tattoo sa v-line niya.
May tattoo rin siya sa braso niya na vertical line at hindi ko na alam
kung saan papunta 'yun. And his abs? It was fine – not too sculpted.
Sakto sa katawan niya.

Then I saw his zipper. Nakabukas.

Lumuhod ako sa gilid niya. This is not the first time I see things like
this pero hindi ko alam kung bakit ako nangingiti. I was about to push
his manhood in and close the zipper when he grabbed my arm. He smiled at
me. Pinilit din niyang buksan ang mata. His eyes were so red.

"Huwag muna ngayon, Bae," he said with his husky voice. "I'm stoned."

BAE?! Gusto kong matawa sa pinagsasabi niya. He was mumbling words as he


closed his eyes again. Hinawakan ko ang crotch niya para masara ang
zipper. I couldn't suppress my laugh when a giggle escaped his lips.
Pagkasara ko ng zipper, pinalo ko pa ang crotch niya.

He just moaned.
Iniwan ko siya sa CR. Nakailang minuto rin ako sa pagkatok bago buksan ni
Javier ang pintuan – he looked so sleepy. Sinundan ko ang tingin niya sa
orasan. It says, 3:06am.

"Can't sleep?" he asked.

"Uhm, actually." Napalingon ako sa may CR sa narinig kong ingay sa loob.


"There's a guy in the CR."

Kumunot ang noo ni Javier for a moment. Nanlaki ang mata niya nang sa
tingin ko ay nag-sink in ang sinabi ko. "Anong itsura?"

"Stoned," nangingiti kong sabi.

Lumabas siya ng kwarto at nagmadaling nagpunta sa CR. I saw Erica peeked


and asked, "what's going on?"

Nagkibit balikat ako. "May lalaki sa CR."

Nanlaki ang mata ni Erica. I heard Javier shouting from CR asking 'bakit
nandito ka?', 'why are you wet?' and things like a father would do. When
Erica went out of their room and saw Javier, pulling the guy outside of
the CR. That's when everything clicked on my brain.

Tulala si Erica habang ibinababa ni Javier ang lalaki sa sofa. I couldn't


do anything but to follow. Galit ang mukha ni Javier. Gulat si Erica at
nangingintab ang mga mata. Habang ako, pabalik-balik ang tingin kay
Javier, Erica, at sa tattoo guy na 'to.

I was looking at tattoo guy. Then to Javier. Sa likod ng clean cut look
ni Javier at ragged look nitong lalaki sa sofa, I could see a
resemblance.

"You have a son?" I asked.

Hindi ko alam kung gaano katabang pagkakatanong ko. Hindi ko rin alam ang
naiisip ko. I looked at Javier. I couldn't read his expression.
Nagkatinginan sila ni Erica then Erica started bursting in tears. Iyak
siya nang iyak na parang nangingiti na hindi ko malaman. I couldn't do
anything. My heart was breaking. I stood in front of Javier.

And punched him. Very hard.

"The hell?" I said in disbelief. "Gusto mong asawahin nanay ko tapos may
anak ka pala? Asan 'yung asawa mo? Gagawin mo pang kabit si Erica?!"
Pinigilan ako ni Erica sa pagsuntok pa ulit kay Javier. He just stood
there with an expression I couldn't understand. Napatingin kaming lahat
sa lalaking nasa sofa. He shushed us and said, "I'm sleeping."

Umirap ako at tinitigan sa mata si Javier. "Get out of our house. You and
your wet son."

Tinanggal ko ang hawak sa akin ni Erica. Umakyat ako at nagmadali sa


kwarto. For the first time in my life, I locked the door but I heard
Erica knocking. Pagbukas ko ng pinto, niyakap ko siya agad bago pa
magsalita. I whispered things like 'I'm sorry', 'he doesn't deserve you'
and 'fck him and his son'. Siguradong nagulat din siya sa nangyari.

Pero ako ata ang nagulat sa sinabi niya.

"He's part of our family, Sinteya," she said. Kumalas ako sa yakap. "He—
he's Vane. J-Javier's son."

"But you're crying!" I said. "Bakit ka umiyak kung kilala mo pala siya?"

Nagpunas muna ng luha si Erica at ngumiti. "I was just shocked. I was too
happy to finally see him."

Nanlaki ang mata ko. "Seriously?"

Tumango siya. Napanganga naman ako. Tumatawa habang naiiyak si Erica.


Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "He's your b-brother, Honey."

"Why are you keeping me from the light?" I asked. "Why didn't you tell me
na may kasama pang iba sa happy family na 'to?"

Everything was happening too fast. Javier's gonna marry Erica. He's going
to be my dad. Then there's a stranger in our sofa, wet because of the
shower – who's going to be my step brother. Wow. Erica kept on
apologizing to me. Inakyat din kami ni Javier at humingi ng sorry. I just
stood there. They didn't tell me things that are supposed to be said.
Nakakaloka.

"Hell." Hindi ko malaman kung nagsubside na ba ang inis ko or what.


Nahiya din ako sa biglang pagsuntok kay Javier. Masyado na akong
nagpapadala sa emosyon. "Dapat sinabi niyo na may darating na step
brother dito sa bahay."

"I'm sorry," Javier said. "I thought he made a decision not to go here.
Didn't know he'll surprise us like this."

"Yeah," sabi ko. "I was surely surprised."


"Sorry Honey," said Erica. "Sinabi ko rin na ako ang magsasabi sa'yo. And
Vane kept on shutting Javier out of his life."

Bumuntong hininga ako. By the look of their faces, mukha silang


constipated na natatakot sa akin. I sighed. Bakit ba feeling ko
kontrabida ako sa isang fairytale? O feeling ko ako 'yung madrasta ni
Cinderella at ayaw kong ikasal siya sa Prince Charming niyang may anak
na.

"Fine. I'll sleep first," sabi ko. "Pag-usapan na lang natin mamaya
lahat."

I'm not sure if I was the mom or the daughter here.

When I woke up, Javier was shouting like a mad man. Okay, not really. But
he was almost like a mad man. Parang nagtitimpi lang. Akala ko nag-aaway
sila ni Erica pero pagkalabas ko ng kwarto, I saw him in his business
suit. Talking to the phone.

"Umalis ka na naman nang walang paalam?" he said. Erica's beside him,


soothing his arm. "Kailan ka ba titino kang bata k—" tumigil siya sa
pagsasalita. "He turned off his phone."

Tumingin ako sa paligid pagbaba ko. That step brother of mine is nowhere
to be found. Mukhang hindi na rin ito masyadong bago. Hinimas ni Javier
ang noo niya. He looked stressed.

"Sons are stressful," sabi ko.

Tumingin siya sa akin at ngumisi. "The reason why I want a daughter."

Pinaligo at pinag-ayos muna ako ni Erica para sa school bago kumain ng


niluto niyang breakfast. Doon nila sinabi sa akin ang tungkol sa magiging
step brother ko. Eddard Vane Yboa. Nagsorry ako sa pagsuntok kay Javier.
He said it's fine. Ikinwento ko kung paano kami nagkita – sa CR, but I
censored some things. Sinabi ko rin sa kanila na nakakasalubong ko sa
school si Eddard Vane.

All Javier said was, "mabuti naman at pumapasok siya sa school."

Hindi ko sinabi kung ano nga ba ang ginagawa ng lalaking 'yun sa school.

Bago pa ako makapasok sa building ng school, hindi ko mapigilan ang


sarili kong mapangiti nang makita si Eddard Vane na naninigarilyo sa
labas. Sa may Walls. Hindi siya nagpalit ng damit. Ngumiti siya nang
mapansing papalapit ako sa kanya. Pinasadahan din niya ng daliri ang
buhok niyang medyo magulo.

"Hey, None," he said, smirking. Sumabay pa ang pagbuga ng usok ng yosi


niya. "I think I dreamt about you last night."

Umirap ako at ngumisi. Napaka feeling close naman ng lalaking 'to.


"Really?"

"Yeah." Humithit siya ng yosi.

"What happened, Eddard Vane?"

Sumipol siya. "You know my name? I see I have an admirer in you."


Inakbayan niya ako. "Just Vane, None. Call me Vane."

Hindi na niya talaga ako matandaan. Such a cutie.

"So what happened to your dream?"

"You and me," he whispered to my ear. Tiningnan din niya ako mula ulo
hanggang paa tulad ng pagtitig niya sa akin sa CR nung madaling araw. At
ngayon, tanghaling tapat – naglalandi siya. "In the shower."

Lalo kong gusto matawa. Napakagat ako ng labi para magpigil. Para tuloy
akong tanga na makangiti. "Really? Hot naman ba?"

Ngumisi siya. Hinawakan niya ang baba ko at inangat para magtama ang
tingin naming dalawa. Sa lapit naming dalawa, ang perkpekto niyang mukha
ay mas naging perpekto. Tumama ang matangos niyang ilong sa akin.

"It was so hot, I was wet when I woke up."

Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya at tumawa. Nakitawa rin siya sa


akin. I'm sure he doesn't know things that I know and that's just funny.
Bumaba ang hawak niya mula sa balikat ko papunta sa baywang. Pinisil pa
niya ang baywang ko at gusto ko na talagang sabihin sa kanya ang
katotohanan.

But nah. Masaya pa 'to, eh.

Natigil ako sa pagtawa nang may tumawag sa akin. Akala ko kilala ni Vane
pero tiningnan niya ako nang nagtataka. Nakapameywang ang babae na
nagsalita. The yellow eye shadow that matches her yellow heels are
distracting me.
"You're Unica's friend, di ba?" she asked. Hindi siya naka-uniform kaya
hindi ko sure kung nag-aaral siya sa school. "We're going to talk."

"And you are?" I asked. Inalis ko ang hawak sa akin ni Vane.

"Tara sa taas ng Walls."

Nagkibit balikat ako. Pagkalakad ko palayo kasabay ng babae, kumindat sa


akin ang step brother ko. Umiling na ako at napatingin sa entrance ng
school. There, I saw Sir Marco. Standing and looking straight at me.
Nagtama sandali ang tingin namin sa isa't isa bago ako umiwas ng tingin.
Pagkarating namin ng babae sa Walls, kaming dalawa lang ang nandoon.

Pero pagtingin ko sa likod, may ilang babae pang naka-civilian ang


lumapit sa amin.

"May mangyayari bang cat fight?" I asked, looking at the girls around me.
"Sinong lalaki na naman ito?"

Ngumisi 'yung babaeng nagdala sa akin sa Walls. "Lourd Marco Aceveda."

"What's up with Sir?" pagtataka ko.

"You're flirting with him," sabi niya.

"Seriously? Cat fight ng tanghaling tapat?" sabi ko, nakataas ang kilay.
"I'm not saying Sir Marco's not worthy of a cat fight but I still have
some classes to attend to. So if you could just excuse me, may ipapasa pa
akong Ethics class ni Sir."

Buti naman at nag make way sila sa akin. The thing is, the hell! Hinablot
ng isa 'yung buhok ko!

"Fck you?" sabi ko nang marahas ko silang nilingon. Agad kong hinila
'yung kamay ng babae paalis sa buhok ko. Dahil daliri lang niya ang
nahawakan ko, mahigpit ang hawak ko rito na binali. She was shouting
curses. Napahawak ako sa anit ko. "Ang sakit, ah!"

Kung anu-ano na ang mga pinagsasasabi nila. Tumingin ako isa-isa sa mga
babae at naisip ko na hindi ko kakayanin ang mga ito kung mag-isa lang
ako. If I could just call Unica—bigla silang tumigil sa pagsasalita. Para
rin silang tumigil sa paghinga habang nakatingin sa likuran ko.

Paglingon ko, papalapit sa amin si Sir Marco. Before he could talk,


nagpanic na ang mga babae at nagsialisan. Nagpaalam agad sila kay Sir
Marco at bumaba ng Walls. As for me, minamasahe ko ang anit ko. Ang sakit
talaga!

Pagtingin ko kay Sir, nagsisimula na siyang maglakad pababa. Tinawag ko


siya para sana magpasalamat pero paglingon niya, natakot ako sa sama ng
tingin niya sa akin.

With his serious voice, he said, "Get to your class, Ms. Yeo. Huwag na
pumunta kung kani-kanino."

=================

Ngptkso 12

Ngptkso 12 // Professor’s Confusion

He’s jealous. Sir Marco saw me with my soon to be step-brother and he’s
jealous!

Gusto kong mag-celebrate sa narealize ko, but then, it’s too early to
celebrate. Pagpasok ko sa klase niya, which is Ethics class, nawala ang
ngiti niya pagtama ng tingin namin sa isa't isa. Tumingin siya sa labas
na parang may hinahanap bago nagsimula ang klase.

When Erica texted me in the middle of the class, syempre tumingin ako sa
phone. She’s asking if I saw my step brother. Mag-rereply sana ako nang
biglang magsalita si Sir Marco na pasigaw.

“Ms. Yeo, kung importante ang ka-text mo kaysa sa lesson ko, pupwede kang
lumabas.”

Halos lahat kami sa klase nagulat sa outburst ni Sir Marco. Madalas kasi,
wala siyang pakialam sa pagtetext ng estudyante as long as makikinig din.
But he almost shouted at me. I should get annoyed—but then, nang
magkatitigan kami, huminga siya nang malalim. Umiling siya at nagturo
ulit. A few minutes after, nag-excuse siya at lumabas ng room. That was
when my classmates started to talk to me and ask things.

“May sumugod daw sa'yo na taga ibang department?”

“Nag-away kayo ni Sir?”


“Sino 'yung kasama mo na long hair kanina sa Walls?”

Pagbalik ni Sir Marco sa klase, mukhang nahismasmasan na siya at nagbalik


na sa pagtuturo. For about two hours, nagsalita lang siya. He ended the
class with a serious eye contact with me. But seriously, ang dating may
chance namin ni Sir Marco, mukhang back to zero. Naging negative pa nga
ata ang chance.

Kaya naman nagtaka ako dahil dumating si Sir sa birthday party ni Unica
na sobrang gwapo ang dating with his white almost fitted shirt, khaki
shorts and vans. One of the many things I’m confused in life is the
legality of a hot professor. Parang hindi ko matanggap na sobrang gwapo
ni Sir Marco. At professor ko siya sa isang subject! Ethics pa talaga.

Ethical ba ang mga ganitong klaseng isipin kapag professor na ang pinag-
iisipan nang ganito? Maybe I should ask him things like that soon.

Kahit gabi na at party lights na lang ang ilaw namin, kitang-kita pa rin
ang kakisigan niya. Inalis ko ang tingin ko kay Sir dahil pinagkaguluhan
na rin siya ng ibang estudyante. Napainom tuloy ako sa beer na hawak ko.
Masyado siyang sikat sa mga girl students. Masyado siyang gwapo.

“Bwisit talaga,” sabi ni Unica habang umiinom ng beer. Nakatingin siya sa


nag-iingay na grupo ng mga kalalakihan sa kabilang dako ng pool.
“Papatayin ko talaga nagpasimuno ng party na 'yan nakisabay pa, eh.”

“Dapat ki-nancel mo na kasi dito,” sabi ko. “Hanap ng ibang villa.”

Hindi niya kasi matanggap na may kasabay pala ang party niya na party ng
iba. Ayaw mag-cancel ng kabilang party at ayaw rin mag-cancel ni Unica.
So the owner decided to split the rental of the whole villa in half. Half
na rin ang bayad – pero hindi pa rin talaga okay si Unica na may ibang
maingay kaysa sa amin. Which is weird dahil mas maingay kami dahil mas
marami kami.

“Mahirap na mag-cancel!” Umirap si Unica at uminom ulit sa hawak na bote


ng beer. Luminga-linga siya sa paligid na tila may hinahanap. Kumunot
sandali ang noo niya at tumayo. Nagulat ako sa pagbagsak niya ng bote ng
beer. “Teka nga, may pupuntahan ako.”

Umalis siya sa cottage na kinauupuan namin. Sinundan ko siya ng tingin


pero natigilan nang kausapin ni Sir Marco si Unica. Tinuro ako ni Unica
at gusto ko na lang mag-face palm. Nagkatinginan kami sandali ni Unica.
She smiled until my attention was focused to Sir Marco walking towards
me.

Tumingin ako kung saan-saan. I was shocked when I felt Sir Marco sat
beside me. Nagtama ang braso namin sa isa't isa. Kumuha siya ng barbecue
sa lamesa sa tapat namin at kumain nang tahimik. Hindi siya nagsalita –
hindi rin ako nagsalita.

Nagpa-games ang ilan at halos lasing na ang karamihan. May ilan din akong
nakitang nagsusuka na. Ang iba naman, sobrang langoy sa swimming pool.
Then Alie, one of the oldest in the party suggested we play a game –
Newspaper Stop Dance.

Si Unica ang unang nag-volunteer para sumali at naghatak ng lalaking


hindi ko kilala. Sinundan ko ang tinitingnan niya sa isang gawi at nakita
si Chino, the geeky guy, without looking so geeky this night. Nandito
pala siya? But then again, halos lahat ata sa school, nasa party ni
Unica.

Naghahanap pa sila ng pang eighth pair nang magtama ang tingin namin ni
Unica. Then she smiled. Nanlaki agad ang mata ko pagkaturo niya sa akin.

“Sin, tara dito maglaro!”

“Wala akong partner, kayo na lang,” nakangiti kong sabi. May ilang lalaki
na sumigaw at sinabing sila na lang ang partner ko. Natatawa na lang ako.

Nagulat ako nang kuhanin ni Sir ang bote ng beer ko sa lamesa at tinungga
'yon. Napatingin ako sa kanya hanggang sa hinawakan niya ang braso ko.
Tinayo niya ako at walang sabi-sabing nilapit sa gitna kasama ang mga
players.

“Buti pa si Sir Marco hindi KJ!” natatawang sabi ni Unica.

Kinakabahan naman ako nang ilatag na ang newspaper sa sahig. Nagsimula


ang tugtugan kaya sumayaw na rin ang ilan. Tiningnan ko si Sir na
nakatitig lang sa akin habang sumasayaw. Gusto kong matawa na hindi ko
malaman – maybe the alcohol inside of me is already kicking.

Talo na agad sila Unica sa first round dahil sa pagewang-gewang na rin


siya. Habang kami ni Sir Marco, habang paliit nang paliit ang tiklop sa
newspaper, palaki nang palaki ang chance ng pagdidikit ng mga balat
namin.

Hindi siya nagsasalita. So tahimik lang din ako.

Sa bawat pagtama ng balat naming dalawa, napapaso ako. And he kept on


staring – parang hinuhubaran na ako sa titig. Not sure kung dahil sa
cooperation namin ni Sir – which is weird dahil hindi naman kami nag-
uusap – o dahil sa sobrang awkward at hindi kami masyadong gumagalaw kaya
napunta kami sa last two couple showdown. Sa sobrang liit ng newspaper,
binuhat na ako ni Sir Marco at tumingkayad siya para manalo.
Pero nahulog kami agad.

Ang una kong naramdaman ay ang pagtama ng labi ni Sir sa bandang leeg ko.
Pangalawa, ang sobrang sakit ng pwet ko sa pagtama nito sa sahig.
Nagsigawan ang ilang tao – not so sure kung dahil sa pusisyon namin ni
Sir na nasa taas ko siya o dahil may nanalo na sa laro. Inalalayan ako ni
Sir makatayo pero mas sumakit ang balakang ko kaya muntikan na akong
dumausdos.

“Hey,” pag-alalay sa akin ni Sir. Hinawakan niya ang beywang ko kaya


napangiti ako nang wala sa oras. Pero masakit pa rin talaga ang balakang
ko! Para sa suporta, humawak ako sa leeg niya. Halos naamoy ko na ang
alak galing sa bibig niya nang magsalita ulit. “Gusto mong magpahinga na
muna?”

Hindi na ako nagpakipot pa at nagpaalalay na ako kay Sir papasok ng


nirentahang bahay. Napatingin pa kami sa kabilang parte dahil
nagsisigawan ang iba pang grupo na nagpaparty. Tahimik akong inalalayan
ni Sir papasok – halos nabibingi na nga ako sa katahimikan namin.

Bubuksan na sana niya ang isang pintuan pero naka-lock ito kaya naghanap
pa kami ng iba pa. Pagkarating namin sa isang vacant room, inalalayan
niya akong mahiga sa kama. He was about to stand but I didn’t let go of
his neck. Kaya napadagan siya sa akin.

I winced a little – pero napangiti rin nang magkatitigan kami ni Sir.


Sobrang lapit ng mukha namin na halos magtama na ang mga ilong namin.

“Sinteya. . .”

Nakadantay sa magkabila kong gilid ang mga kamay niya para sa suporta.
Bumibigat ang bawat paghinga niya at alam kong naaapektuhan na siya sa
presensya ko. Good.

“Why did you kissed me on my cheek last time, Sir?” tanong ko, nakataas
ang kilay. “Hindi ba may girlfriend ka?”

Kumunot ang noo niya. “Girlfriend?”

“Sa restaurant last time,” sabi ko. “The girl—she’s your girlfriend.”

Halos malusaw ako sa titig ni Sir nang sumagot siya sa akin. “She’s not
my girl, Sinteya.”

Gusto ko man itago, hindi ko magawa. Ngumiti ako at mas lalong nilapit
ang ulo niya sa akin – hindi pa rin ako bumibitaw sa leeg niya. Mukhang
wala rin naman siyang balak magpabitaw sa leeg.
“She’s not?” sabi ko. “Then it’s not my imagination when you kissed me on
my cheek.”

Napalunok siya. Tumingin siya sa mga labi ko bago binalik ang tingin sa
mga mata ko. “I was just. . .confused.”

“Confused?”

“You’re my student, Sinteya.”

“So?”

“I was drunk. Hindi ko—at may lalaki kang kasama las—”

“Wala akong boyfriend, Sir,” sabi ko. “Kaya ka ba nagagalit sa akin the
past few days?”

“Hindi ako nagagalit,” mataman niyang sagot.

“Really, Sir?” I said, arching a bro. “Hindi lang pinapansin?”

Huminga siya nang malalim. “You're the one ignoring me.”

“Cause you have a girlfriend.”

“She's not my girl.” Kumunot ang noo niya. “You have a boyfriend.” He
emphasized the word 'you'.

“Wala talaga, Sir.”

“Wala talaga?”

Ngumiti ako.

Gusto ko pa sana gisahin ang topic tungkol sa boyfriend at girlfriend


pero may iba pa akong balak gawin. Mas lalo kong nilapit ang mukha niya.
Halos nagpapalitan na kami ng hininga sa lapit ng labi niya sa akin.

“So you kissed me because you’re drunk. Dapat pala, Sir. Dinadrugs na
kita para hindi na sa cheeks lang?”

I felt like melting because of his stare. “Sinteya,” he said, breathless.


“Sir,” bulong ko.

Halos mamatay ako nang maramdaman ang paghaplos niya sa pisngi ko.
Pumungay ang mga mata niya habang binubulong malapit sa bibig ko ang mga
salitang mas nagpangiti sa akin.

“You don’t need to drug me.”

I could almost feel Sir Marco’s lips when the door suddenly opened. Agad
napaupo nang maayos si Sir at lumayo sa akin. Halos magbuga na ako ng
apoy nang makita ko ang napaka pamilyar na lalaki. Eddard Vane, my step
brother! He was in all smiles pero nawala rin nang makitang may inaabala
siyang pangyayari.

“Oops, wrong room,” sabi nito at sinara agad ang pinto. Narinig ko rin
ang sigaw niyang, “tangina naman ‘tol, walang mga alak doon!”

Nang magkatinginan kami ni Sir Marco, gusto ko na lang maiyak nang tumayo
siya at naglakad palapit sa pintuan. “I, uh. . .got to go.”

Gusto ko na lang magwala. Pumatay. PATAYIN ANG EDDARD VANE NA 'YUN. Why
is he here? Kasama ba siya sa party? Matapos niyang hindi magpakita ulit,
makikita ko siya sa villa?! Or maybe he's with the other party people?
Pero kahit na!

Nakakainis!

Nakakabwisit!

Agh!

=================

Ngptkso 13

Ngptkso 13 // Play A Game

I fell asleep – but I woke up with the moon still shining in the night
sky. Paglabas ko ng kwarto, una kong nadatnan ang halikan ng isang couple
sa may sofa habang ang ilang kasama nila ay knock out na. Maraming
nakahiga kung saan-saan kahit paglabas ko papuntang pool side.
Then I saw Sir Marco, nakaupo sa may hagdanan at nakalublob ang katawan
na nakadamit pa sa tubig. Naalala ko ang nangyari kanina sa kwarto.
Kaunting tulak na lang, okay na, eh. But then again, I'm not the type of
girl who pushes myself to someone. I mean, fine, gusto kong halikan niya
ako.

But I want him to kiss me. Not me, to kiss him.

Lumapit ako sa kanya. Tulala siya habang hawak ang isang bote ng beer.

“Sir?”

Dahan-dahan ang pagtingin niya sa akin. I smiled when he looked at my


lips, cleared his throat and was about to say something when someone
shouted my name.

“Sin!”

Lumingon ako kay Unica. She’s drunk, obviously. Nanliit ang mata ko nang
maaninag ko ang isang lalaki sa cottage na pinanggalingan ni Unica – it
was Eddard Vane, my step brother! Doon ko napansin na nag-merge ang
dalawang party.

“You’re drunk,” sabi ko. Naamoy ko na rin ang beer sa bibig ni Unica
pagtawa niya.

“Seryoso ka ba d'yan, sin? Ako? Lasing? Paano mangyayari 'yun?!” natatawa


niyang sabi habang umiiling. “Tara, pakilala kita sa mga bagong kasapi sa
prayer meeting natin!”

Hindi na ako nakapagpaalam pa kay Sir Marco. Hinila agad ako ni Unica.
Paglapit namin sa cottage, binigyan agad ako ni Unica ng beer.

Ngumisi sa akin si Vane. He held up his shot glass and cheered, “Inom!”
while laughing with his friends.

Tumigil sa paghatak si Unica sa tapat ng isang lalaking naka-topless.


Sumisigaw na si Unica dahil sa ingay ng music sa pagpapakilala sa amin.
“Miller, si Sinteya 'to. Sin, si Miller – siya 'yung may birthday sa
kabila na nakikisabay.”

Natatawang umiling si Miller.

Hinatak pa ako ulit ni Unica palapit sa iba pang hindi pamilyar sa akin,
malapit kanila Vane.
“Tropa niya.” Tinuro niya ang ibang lalaki na unfamiliar sa akin. “Hindi
ko na maalala pangalan nila pero sila sila yan!”

They greeted me. Some cheered with their shot glasses. Everyone was
happy. Mukhang naging close ang lahat ng last standing nang makatulog
ako. Kulang-kulang lagpas sampu pero hindi aabot ng bente katao ang nasa
cottage. Pinaghalo-halo ng mga kasama sa party ni Unica at ni Miller.

“Let’s play a game!” nakangiting sabi ni Vane bigla.

“Siya 'yung lalaki last time sa school.” I know Unica was supposed to
whisper it to me pero malakas ang boses niya sa tainga ko kaya lumingon
sa amin si Vane. He smirked when our eyes met. Umirap ako. “Shit talaga,
nagliliyab.”

I want to shut Unica up pero hinayaan ko na. Birthday naman niya.

“We’re all in legal age, right? Not so conservative?” tanong ni Vane.


Mula sa shorts niya, kumuha siya ng baraha. Hinawi niya ang hanggang
balikat niyang buhok. “Let’s do 1-2-3 pass?”

Sinabi niya ang mechanics ng laro: i-sha-shuffle ang card at bibigyan


kami ng tig-apat. We need to pass one card to the left when someone yells
“pass.” It will repeat until someone has four cards with the same value
in his or her hand. That particular person will need to get the biggest
rock on the table. Others will need to follow – kanya-kanyang kuha ng
bato. And because the rocks are one less the number of the players,
paunahan. The last one without the rock, she or he should strip one thing
out from their body.

Thirteen lang ang pwede makapaglaro kaya ang ilan ay nanood na lang. Isa
sa mga nanonood sa malayo ay si Sir Marco na hindi pa rin umaalis sa
pagkakalubog niya sa pool.

Pagkabalasa at pagkabigay sa amin ng baraha, nagsimula ang laro. But


before someone yelled ‘pass’, agad kinuha ng isang lalaki ang pinaka
malaking bato. So we all followed and got a rock for our own. Nahuli si
Unica na nagrereklamo pa dahil binubunggo raw siya.

Dahil natalo siya, tinanggal niya ang bracelet na suot.

“That’s cheating!” sigaw ni Miller na natatawa.

“Gago ka ba? Nasa katawan ko 'to, eh,” natatawa ring sabi ni Unica.
“Talunin mo ako nang matagal-tagal para maghubad na ako ng damit. Ubusin
mo muna ang earrings ko.”
Umiling si Miller. Naka-ilang balasa, tawanan at pandadaya pa ang naganap
hanggang sa halos lahat ng lalaki sa amin ay naka-boxers at brief na
lang. Ang ilang babae ay nakatakip na lang ng bimpo ang harap dahil wala
na ang mga bra.

Dahil si Unica ay reyna ng piercings, naka-short shorts pa siya at sando.


Kita ang ilang tato niya sa katawan. As for me, bikini top at maong short
shorts ang natira sa akin. Maswerte lang ako dahil hindi ako nauubusan ng
bato kapag nag-aagawan na sa mesa. While my soon-to-be step brother,
Eddard Vane, stopped from playing a few rounds ago and is busy in the
corner – French kissing some girl I know he don’t know.

“Nabobored na ako dito, ayoko na!” sigaw ni Unica at binagsak ang card
niya sa lamesa.

“Ang daya, maghuhubad ka pa,” sabi ng isa pang lalaki.

“Ulol.” Lumingon siya sa paligid then smiled a little before getting her
phone. “Let’s do something more. . .fun.”

Niligpit ang cards ni Vane at tinabi kung saan. Hinayaan lang ito ni Vane
dahil busy pa siya sa ibang babae. Unica scrolled on her iPhone until she
smirked and said, “let’s do love dice.”

She explained the mechanics. Dahil nasa app na niya ang love dice,
someone just need to shake it and let the two dice decide what the
couples should do. The first dice will dictate WHAT to do while the
second dice dictates WHERE to do it. The twist in our game is, nakaposas
sa likuran ang kamay ng couple. Well, dahil walang posas – panyo na lang
ang gagamitin.

Hinatak agad ako ni Unica para maglaro. Natatawa pa ako dahil feeling ko
mas lumala ata ang tama ko sa pag-inom pa ulit ng beer. Hindi ko na nga
rin alam kung anong oras na. Hindi ko rin sure kung nakita ko ba si Chino
somewhere or what.

“Wala akong partner!” sabi ko.

Maraming lalaki ang nagsabi na sila na raw ang partner ko. Even my step
brother smirked and raised his hand to volunteer. Natigil lang ang
hiyawan nang mapalingon kami dahil sa pagkabasag ng isang bote and saw
Sir Marco walking towards us.

Nagkatitigan kami sandali. He looked at me from head to toe until he


said, with a serious voice. “I’ll be Sinteya’s partner.”

Lumawak ang ngiti ni Unica. She pushed me towards Sir. Halos masubsob ako
kay Sir dahil nahihilo na rin ako. Napaatras nga rin si Sir – mukhang may
tama na rin siya.
“Ayos 'yan! Partner na kayo.”

Ilang minuto pa ang lumipas ng paghihintay para sa paghahanap ng


magpapartner. I saw Unica with my step brother kaya napailing ako. Nakita
ko rin, feeling ko hindi naman ako naghahallucinate, si Chino na may ka-
partner na ibang babae while looking at Unica.

Tinanggal ni Sir Marco ang basa niyang pantaas dahil sa pagbabad sa pool.
It crossed my mind that he would look like a bench model without the
clothes pero grabe, I didn't know he would be really like that.

He's so much more than a model.

Tinulungan kami ng hindi kasali sa pagtali ng kamay sa likuran.


Pagkatapos ng ilang pangyayari na hindi ko na rin maintindihan dahil sa
lapit ng halos nakabikini kong katawan sa topless na si Sir, humiyaw na
ang nag-shake ng iPhone ni Unica para sa love dice.

“Guys should. . .”

“Lick heavily,” said the first dice.

The second dice said, “free choice.”

=================

Ngptkso 14

Ngptkso 14 // The Temptation Game

“Lick heavily?” natatawang sabi ni Unica. “Paano 'yon?”

Before everyone could react, Vane attacked Unica's neck. No, really.
Nagulat kaming lahat nang dilaan niya ang leeg ni Unica. It's as if he
was a kid licking his favorite ice cream. Nanlaki ang mata ni Unica for
about 5 seconds bago lumayo si Vane at umayos ng tayo.

“That’s how you lick heavily,” he said, smiling.

“Woah,” na lang ang nasabi ni Unica.


Naghiyawan ang mga tao habang nagkanya-kanyang tingin ang mga couples sa
isa't isa. Nagkatinginan kami ni Sir Marco, hands behind us. Inobserbahan
niya ang kabuuan ko hanggang sa may naghiyawan ulit.

I saw Chino licking the ear of his partner for about 5 seconds.

Sumunod din ang iba: sa cleavage, sa hita, sa paa at kung saan-saan pa.
Tumingin ang lahat sa amin nang si Sir na lang ang hindi kumikilos.
Nagkatinginan ulit kami ni Sir. He was so serious – alam kong hindi niya
gagawin 'yon.

He's an Ethics professor.

Bawal ata 'to sa Professional Ethics.

“Sir, okay lang na—”

I stopped talking when Sir went behind me. Nabibingi na ako sa lalong
paglakas ng hiyawan. Lumuhod si Sir sa likuran ko.

“Sa pwet?” a voice said.

I'm like a kid anticipating what he'll do. Then everyone gasped,
including me, when I felt his hot saliva running through my palm. Paikot-
ikot doon. Ang bilis ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko nahihilo na
ako. Tumayo siya at humarap sa akin.

Nagkatinginan kami hanggang sa ngumisi siya kaunti.

“Sorry.”

Sobrang lalim ng paghinga ang pinakawalan ko. Nararamdaman kong unti-


unting binabalot ng init ang katawan ko. But I dismissed that thought.

Hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa ng pa-virgin na Sir Marco 'yon.

Sumunod na pag-shake ng iPhone, nakalagay naman ang “Girls should” first


dice said “Kiss heavily” while second dice said “nipples.”

I heard laughs. Gasps. And some sighs.

The rule in this round is to kiss heavily each nipple within five
seconds. No tongue. Pinainom muna kaming mga babae ng beer. Paglapit ng
mukha ko sa dibdib ni Sir, sobrang lalim ng paghinga niya. Tumingin muna
ako sa kanya at ngumiti.

He smiled back.

When my lips touched his right nipple, he heaved a sigh.

Sabay-sabay ang mga babae sa paghalik ng right nipple ng kanya-kanyang


partner. After five seconds, sa kabila naman ang hinalikan namin. I could
feel the fast breathing of Sir Marco. I can also hear his heartbeat.
Sobrang bilis. Hindi ko alam kung mababaliw ba ako dahil sa paglapat ng
labi ko sa katawan ni Sir o dahil sa beer na nasa bibig ko.

Nakakabaliw.

Pagtapos ng pangyayaring 'yon, nagkatitigan kami ni Sir. We’re both


panting – parang parehas kaming lumublob sa pool nang walang hingahan.
Parang kakaahon lang namin. I’m itching to touch his body pero the hell,
sobrang higpit ng pagkakatali sa kamay ko sa likuran!

Our staring contest broke when we heard a commotion.

Unica and Chino was talking. Vane's carresing his own arm. Naghatakan at
hilahan pa sila Unica at Chino when Unica pushed Chino. That made the
poor guy lost balance. I was about to talk to Unica and ask what happened
when I heard Sir Marco's voice.

“Wait,” he said, breathless. “We’re still playing.”

And so, we kept on playing.

“Guys should French kiss neck.”

He was quick, Sir Marco is. Hindi pa ako ready, sumunggab na kaagad siya.
Nakiliti ako sa buhok niya. He was moving quick. Nakakaloka. Pinagtuunan
niya muna ng pansin ang likod ng tainga ko. Then he trailed his tongue
towards my collarbone. It's as if he's tasting every inch. Then I felt
his lips kiss my neck. Paunti-unti—butterfly kisses. That made me felt
butterflies in my stomach.

Napapikit ako sa nararamdaman.

I thought it was finished when I couldn’t feel his lips but I was wrong.
Lumipat siya sa kabilang leeg ko at doon nilaro ang mga labi. He was
getting aggressive with his kisses. Nakikiliti ako at naiinitan. Naka-
ilang atras ako. Humahakbang siya palapit sa akin. Natigil lang ang pag-
atras ko nang tumama na ang likod ko sa isang poste.
I felt his tongue again. Mas lalo kong inihilig ang leeg ko, for him to
access it more.

I didn't know pa-virgin Sir Marco is an expert on this.

Gustong-gusto ko nang kumawala sa nakataling panyo sa kamay ko sa


likuran. Mukhang ganoon din si Sir dahil mas lumilikot siya. Nalulunod na
ako sa halik niya sa leeg ko when I heard silence kaya napadilat ako.

And most of the people, even the other couple, are staring. Sir Marco
kept on kissing and licking and sucking – mukhang wala na nga siyang
pakialam sa lahat.

“Sir,” I said. He just moaned as response. “Sir, nakatingin sa atin la—


hat,” I said, suppressing a moan when he bit my neck a bit.

He stopped moving. His breathing heavy. Hindi siya lumayo sa leeg ko and
I can still feel his lips on my neck. Hindi lang gumagalaw. Mukhang wala
siyang balak lumayo kaya nginitian ko ang mga nakatingin sa amin. Unica
looked at me with a smirk in her lips.

“Okay na kami,” sabi ko.

Nagtawanan ang ilan. Nag-usap pa sila habang kami ni Sir Marco ay parang
may tahimik na prayer meeting sa gilid.

Maybe we should really do a prayer meeting. Feeling ko malaking kasalanan


na 'tong nangyayari sa amin ni Sir. . .and I like it.

I felt Sir Marco kiss my neck as he whispered, “I’m losing my mind.”

Mas lumawak ang ngiti ko sa narinig ko.

“Girls should lick mouth.”

Naramdaman ko ang paghinga nang malalim ni Sir Marco. Binigyan din kaming
mga mag-pa-partner ng isang upuan. Hinayaan kong si Sir ang maupo sa
upuan dahil mukhang mas nalalasing siya kaysa sa akin. Hindi ko na
inintindi ang ginagawa ng iba. I sat in his thigh, facing him.

“Okay lang ba, Sir?” I asked.

“Hmm,” he responded and nodded his head a little.


May nagtali pataas ng buhok ko. Nakahawak lang siya at nasa gilid.

“Bawal ang kiss, ha? Lick lang!” rinig ko.

Tumango ako nang wala sa wisyo at lumapit pa lalo kay Sir. Naramdaman ko
muna ang paghinga niya sa bibig ko, almost tasting the beer in his
breath. When I heard the go signal, the tip of my tongue touched sir
Marco's bottom lip.

That made both of us shiver.

I don't know if it's just me or what but I was seducing his lips.
Nararamdaman ko ang panay paglapit ng katawan niya sa akin. Kahit ang
hita niya ay hindi na mapakali. When I started to really lick his lips,
that's when he closed his eyes.

May nagsasalita sa gilid ko ng “wala raw halikan, ah? Dila lang daw,” at
naiirita na talaga ako.

Gusto kong suntukin ang nakahawak sa buhok ko pero nakatali ang kamay ko
sa likuran. Napasinghap si Sir Marco. Hindi ko alam kung anong pumasok sa
utak ko nang pati ang ngipin niya ay pinagtuunan ko ng pansin. I only
stopped from what I'm doing when I felt someone held me closer to him.

Pagtingin ko sa baywang ko, nakahawak na ang kamay ni Sir Marco sa akin.


Free from the tied handkerchief.

Mapungay ang mga mata ni Sir pagkadilat. Nakatingala siyang


nakikipagtitigan sa akin hanggang sa naramdaman ko ang kamay niyang
umangat papunta sa leeg ko. He pulled my head closer – akala ko ayun na
'yung moment, but I was damn wrong when the person holding my hair up got
her other hand in between Sir Marco and my face.

“Uy bawal daw halikan,” nangingiting sabi sa akin ng nagbabantay sa amin.

Umupo ako nang maayos sa sobrang pagkainis. Tiningnan ko nang masama ang
humahawak ng buhok ko at nag-peace sign siya sa akin. Sinandal ko ang ulo
ko sa ulo ni Sir Marco habang nararamdaman ko ang mainit na hininga ni
Sir sa dibdib ko. His hands were everywhere. Nararamdaman ko ring gusto
niyang tanggalin ang bikini top ko.

“Last na 'to ha,” sabi ng naghahawak ng iPhone. “Baka kung saan na


mapunta mga pangyayari, eh.”

“Sinteya,” Sir Marco whispered as he kissed my collarbone.


Hindi ko na rin masyadong naiintindihan ang lahat sa paligid. A few
seconds later, nagsalita ulit 'yung may hawak ng iPhone.

“Guys should.” A pause. Some wiggling of eyebrows. And said, “massage


chest.”

=================

Ngptkso 15

Ngptkso 15 // Aftermath of Temptation

Fck.

Ang lahat ng binuild-up kong panunukso ay nauwi sa pagsabi ko ng 'fck.'

Dumating si Uriah Flynn Valentine, Unica's oldest brother, who happened


to be a kill joy that stopped the party. Natigil kaming lahat when he
said, with his usual voice full of authority.

"No one will massage anyone's chest."

"Kuya?!" reklamo ni Unica. Hinatak siya ni Kuya Uriah patayo at palayo


kay Vane. "Bakit ka nandito?"

Seryoso ang mukha ni Kuya Uriah. "Someone called me you're doing things
you're not supposed to do."

"Sino 'yun?" nakakunot noong tanong ni Unica. "That guy!" she hissed.

It was weird. Ang tagal ko na ring hindi nakita si Kuya Uriah at talaga
namang sobrang gwapo niya. Mas gumawapo pa dahil mukha na siyang
businessman. Every girl's dream boss, kumbaga. Napatingin ako sa isang
babae sa likuran ni Kuya Uriah, naka all-black get-up at parang natatakot
sa tao.

"Party's over, Unica," he said. Tumingin din siya sa akin at tumango.


"You too, Sinteya. We're all going home."

That was the line that ended the party. And everything related to it.

Fck talaga.
The reason why I'm interested to Sir Marco is because of his charms.
Tapos ang pa-virgin pa niya. May mga kilala akong lalaki na ganyan. Mga
pa-hard to get—pero once na nakuha mo na ang loob, mas wild pa sa'yo. And
that's what I'm hoping after Unica's birthday.

But really, bato ata si Sir, eh.

All along, I thought our relationship will somehow be closer, or


something. Sino ba naman kasing hindi magiging close sa mga ginawa naming
kainitan? But I was dead wrong when he decided to ignore the shit out of
me the whole week after. Mas malala pa sa last time.

Before the party, he would smile at me.

After the party, he wouldn't even look at me!

Nadagdagan pa ang frustration ko sa paggising sa akin ni Erica with her


panic voice. She was shouting and almost crying when she said she needs
to go to the hospital. Buong akala ko, may nangyari nang masama sa kanya.
Nalaman ko na lang na tumawag ang hospital kay Javier, na tinawagan si
Erica, para sabihing ang oh-so-cool soon-to-be step brother ko ay
naaksidente at kailangan ng parents or some shit to be discharged from
the hospital.

It was one in the morning. Sinong matutuwa, hindi ba? So I decided to


kill my boredom watching Game of Thrones in the TV. An hour and a half
later, narinig ko na ang kotseng pumaparada sa amin.

Hindi pa ako nakakatayo para salubungin sila, narinig ko agad ang


pamilyar na boses ng soon to be brother ko. He was yelling, "wala nga
lang kasi 'to!"

Then I heard Javier said, "kung wala 'yan eh di itulak mo sarili mag-
isa."

Pagbukas ng screen door, Javier looked so mad. Pagkakita niya sa akin,


mukhang pinilit niyang ngumiti. Naupo siya sa tabi ko at hinalikan ako sa
noo. He even asked me if I already ate. Naka-business attire siya – so sa
tingin ko, galing siya sa work o nasa work siya nang tagawan ng hospital.

"GoT?" He looked at the screen of the TV. Minasahe niya ang noo niya.
Ngumiti siya sa akin at kumuha ng chicharon sa tabing mesa. "Nakakapagod
kanina."

"What happened to your son?" natatawa kong sabi.

"Being the stupid kid he is. Believing he's Superman."


Tumango-tango ako. Nabanggit din kasi ni Javier na sobrang tigas ng ulo
ni Vane. Hindi sumusunod at gustong-gusto na may sariling mundo. Sa
sobrang pasaway nga raw, na-kick out si Vane bago mag-grade 7. Buti na
lang at hindi nahirapan si Javier makiusap sa ibang school na tanggapin
si step brother.

"Honey," boses ni Erica mula sa labas. I heard some grunts. "Can you
please open the door for us?"

"Babe!" sigaw ni Javier. "Hayaan mo na 'yang batang 'yan at wala lang daw
'yan sa kanya."

Natatawa akong umiiling. Tumayo ako at binuksan ang pintuan para


makapasok na si Erica at ang kawawa kong soon-to-be step brother. Na
naka-wheel chair.

"Thanks Honey," Erica said. Humalik ako sa pisngi niya.

Vane's reaction when he saw me was priceless. His eyes are wide. Parang
nag-lo-loading sa utak niyang nakikita niya ako. May ilang maliliit na
pasa at sugat siya sa pisngi. Naka-cast ang kanang braso at paa niya.
Nakabalot ng bandage ang katawan niya kaya hindi masyadong kita ang
tattoo niya sa collarbone.

Nginitian ko siya bago ako naupo sa tabi ni Javier na ang sama ng tingin
sa kanya.

"W-What—What are you doing here?" said Vane.

Oh, yeah. This will be the first time for us to be introduced. As soon to
be step siblings.

Ngumisi ako. "I live here, Eddard Vane."

Kumunot ang noo niya. Tumingin siya sa itaas ng hagdanan kung nasaan ang
CR bago ibalik sa akin ang tingin. Nagpabalik-balik ang tingin niya kay
Erica, kay Javier at sa akin na parang naguguluhan.

"Ha?"

"Siguro napalakas ang impact ng pagtama sa ulo mo, medyo loading na."

Sinaway ako ni Erica. Kumuha ako ng chicharon, tumayo at lumapit kay Vane
na nakatingin lang sa akin. When I kneeled to stare at him straight in
his eyes, pinasok ko ang chicharon sa bibig niya.
"It wasn't a wet dream, my dear soon-to-be step brother."

Lalong nanlaki ang mata niya.

"Ano 'yun?" Erica asked.

"Not much of a big deal, madalas lang magkrus landas naming dalawa."

Mukhang okay naman ang sagot ko kay Erica kaya pinatuunan niya ng pansin
si Vane. Para siyang nag care giver kung maka-alaga siya sa lalaking 'to.
Javier was telling her to stop at hayaan na si Vane. But Erica insisted.
Pinagluto pa niya ng soup at parang nagkukwentuhan na sila sa dining
area.

Wala na rin naman akong pakialam dahil nag-ba-bonding din kami ni Javier
sa panonood ng favorite show niya nang tawagin siya ni Erica. Naiwan ako
sa living area when I heard some loud talking from the dining area.
Tinawag ako ni Erica kaya wala akong nagawa pagpunta sa dining area at
naupo.

I was shocked with what she said next.

"Vane's going to sleep in your room."

"What?"

Hinawakan ni Javier ang braso ni Erica. "Babe, this is not a good idea."

When I looked at Vane, he was smirking as he sipped from his spoon. It's
as if he's planning something. Ginagayuma na ba niya si Erica? Anong
ginawa niya? Are they close or something?

Seryoso ang mukha ni Erica. "Naaksidente ang kapatid mo, he needs a good
rest."

"Bakit ba naaksidente 'yan?" tanong ko.

Tumingin sa akin si Vane at feeling ko, nagpapaawa siya kay Erica when he
said, "nakipag suntukan ako sa masasamang tao para mailigtas ang isang
batang babae. Grabe nga, eh."

I arched a brow. And before he could speak again, sinipa ko ang naka-cast
niyang binti mula sa ilalim ng table. He shouted in pain. Nag-panic si
Erica, asking what's wrong. Vane hissed and stared at me. Ngumiti lang
ako.
Paglingon ko kay Javier, nakatingin siya sa akin. Mukhang alam niyang may
ginawa ako sa anak niya pero wala siyang ibang reaksyon.

"He can sleep on the sofa, Babe." Javier sighed.

"No." Binigay niya kay Vane ang kinuhang gamot. She asked if he's okay or
kung may masakit pa bago binaling ang tingin kay Javier and said, "he's
hurt. Your son's hurt, Javier."

"Dalaga at binata na sila," Javier said. "You can't just let them sleep
in one room."

Nagsalitan ang tingin sa amin ni Vane si Erica. "They're our kids, I want
them—okay. Maybe Sinteya can sleep on the sofa."

"Ako pa talaga?!"

"You know what?" Sa wakas, nagsalita na rin ang kumag na 'to. He looked
at Javier. "Let me have the keys to the condo. I'll just stay there. Nasa
bulsa ng isa kong jeans 'yung susi ng bahay na 'to, kuhanin niyo na
lang."

Kumunot ang noo ni Javier. "Have you seen yourself in the mirror? I
couldn't trust the condo to you. Magulat na lang kami, naging nursery na
ng mga anak mo ang condo."

Tumikhim si Erica. Everyone decided to ignore it.

"I'm using protection."

"You better be—"

Mas lalong lumakas ang tikhim ni Erica. Hinawakan niya sa braso si


Javier. "Babe, I think this is not the right time to talk about things
like that."

"Yes!" sabi ni Javier. Nagulat ako sa pagbagsak ni Javier ng kamao sa


lamesa. Natigil din si Erica sa biglaang reaksyon ni Javier. "Dahil
madaling araw na ngayon! Dahil madaling araw gumagawa ng kumosyon ang
batang 'yan. Hindi mo ako kino-contact nang ilang linggo at ito ang
madadatnan ko sa'yo?"

"Group project nga lang 'to!" sabi ni Vane. "Nadulas ako sa bubong nila
Miller!"
"Don't mess with me, Ned!" pagsigaw ni Javier.

"Vane."

"Ned!" Binagsak ulit ni Javier ang kamao sa mesa. "I call you Ned and
that's final!"

Nagkatinginan kami ni Erica and we're both silent. I have a feeling na


ganito si Javier at Vane tuwing silang dalawa lang ang magkasama. That
is, kung nagkakasama nga sila. Dahil busy si Javier sa business at
mukhang busy si Vane sa sariling buhay niya.

"Ned nang Ned. Puro kasi Game of—"

Tumayo si Javier kaya napatayo rin si Erica para pigilan siya sa kung ano
man ang balak gawin. Nanlilisik na sa galit si Javier and for an instant,
natakot ako—natakot akong magkaroon ng tatay.

"Hindi amoy usok at alak ang mga group project!" sigaw ni Javier. "At
hindi sila nagtatagal ng ilang linggo!"

Tumingala si Vane. Mas lalong nakita ang pasa niya sa mukha at


nakipagtitigan kay Javier. "Wala naman na tayong pag-uusapan ngayon, eh.
Nangyari na nangyari. At ayaw naman ng step sister ko na mahiga ako sa
kama niya."

"That's because you're causing pain to everyone!" sigaw ni Javier. "Hindi


ka man lang mahiya—"

"Babe."

Erica soothed Javier's back. Pinipilit na ni Erica na huwag nang sumigaw


at umakyat na para magpahinga. Binagsak muli ni Javier ang kamao niya sa
mesa bago tumingin kay Vane.

"You're not going anywhere until I say so," Javier said.

"I have school."

"You don't like studying." Javier said. Erica, again, tried to calm down
Javier. "Papasok ka lang sa university kapag magaling ka na. Hindi ka
makakaalis sa bahay na 'to hangga't hindi ka nagtitino."

"Isasama niyo ako sa bahay-bahayan niyo?" nakangiting sabi ni Vane. Yet I


can sense he's not okay with it.. "I'm fine living with myself."
I could sense Javier wanted to hurt Vane so bad. Kahit ako, kung anak ko
ang kumag na 'to, makakatikim talaga siya sa akin. It's weird to see a
father and a son fighting. Or a parent and a child. Hindi kasi kami nag-
aaway ni Erica. She's like a sister. Hindi strict. Tamang guidance lang.

And I don't know a lot – but these two have a lot of issues with each
other. And Erica – she wants to be a part of this father-son issue?
Gugustuhin ko rin nga bang makasma sa ganitong pamilya?

Pagkaalis ni Javier, hindi ko napigilan ang sarili kong mag-react. "Wow.


That was intense."

Ngumisi si Vane at umirap sa akin.

"Sin," Erica said. "This will be just a day or two. Matagal na ang isang
linggo. Aayusin lang ang attic then he'll be off your bed."

"What's it for me? Anong mapapala ko sa ganitong set-up?"

Huminga nang malalim si Erica. "Fine, I'll give you a higher allowance
while he's recovering."

"How high?"

"Five hundred."

Napangiti ako. "Five hundred what?"

"A day!" Tumayo si Erica at minasahe ang noo. "Gagawin mo akong pulubi
sumasakit ang ulo ko."

"Really?"

"You need to take care of him. Ikaw ang mag-aalalay sa kanya at sa mga
kailangan niya."

"Take care of him?" I said and looked at Vane who looked so helpless with
the casts and stuff. Ngumisi ako. "Okay, deal."

Dinaluhan ni Erica si Javier sa taas. Naiwan kami ni Vane. He's finishing


his food when he smirked – as if Javier didn't shout at him.
"So basically, you're my slave," he said. "And I'm worth of five hundred
a day."

Umirap ako at tumayo. Bago umakyat, I said, "At least you're worth of
something."

"Huy teka, huwag mo akong iwan dito!"

Tawa ako nang tawa pagkaakyat ko ng hagdan. He kept on calling me "None!"


as if he's going to die downstairs. Napapasok lang ako bigla sa kwarto
nang marinig kong palabas ng kwarto si Erica. I heard her saying, "Vane?"

Nawala lang ang tawa ko nang magvibrate ang phone ko, indicating for a
message received. Kumunot ang noo ko. Who would text me in an ungodly
hour? At blank space lang ang nakalagay!

To 0922+ Who's this?

I waited for a reply but what I received was a phone call. When I
answered it, my heart was hammering as I heard his voice. His familiar
voice. Familiar sexy voice from the other line.

"H-Hey," he said, almost breathless.

Naghintay pa ako ng sasabihin niya. Paliwanag kung bakit bigla siyang


umiwas sa akin at hindi pa ba sapat ang dilaan at halikang nangyari.
Hindi siya nagsalita at medyo naiinis na ako.

"Sino 'to?"

I heard a heavy sigh from the other line. Nag-init ang pisngi ko. Then
dead. He disconnected.

=================

Ngptkso 16

Ngptkso 16 // Step Siblings


I do believe that the earth is round – well, maybe technically, It’s a
sphere. Or something. Kaya naniniwala rin ako na ang mundo ay paikot-ikot
lang. At ang mga taong makakasaluma natin ay may malaking chance na
makasalamuha ulit natin. Sabi nga sa kanta, it’s a small world after all.

When I met tattoo guy, hindi ko inaakalang ang lalaking hindi marunong
tumingin sa signs, nakikipag quickie sa cubicle at malanding nilalang ay
magkakaroon ng malaking role sa buhay ko. It didn’t even cross my mind
he’ll be my soon-to-be step brother. Let alone Javier’s hardheaded son,
who apparently, likes my bed so much.

“Your bed is comfy,” Vane said with his smirk plastered on his lips.
“Tara, higa ka rin.”

Inalalayan siya ni Erica, with of course, my help, para makahiga siya


nang maayos sa kama kong queen sized bed. Naiinis ako dahil ang mga
gadgets na lagi kong katabi sa pagtulog ay inalis ni Erica. Pinilit
niyang ilagay 'yon sa study table.

Nakapameywang lang akong inoobserbahan ang kawawa niyang itsura. And yet,
he’s smirking. Nakakabwisit lang. Idamay pa si Sir Marco na nakakabwisit
dahil ang pa-virgin.

“What a lovely sky.”

Sinundan ko ang tingin ni Vane sa ceiling ng kwarto ko. There are stars
and all the sky could be proud of. A mix of the shades of pink, blue,
violet and a little bit of red. Napagdiskitahan kasi ni Unica na
pinturahan ang kwarto ko. For her first big art project.

Hinayaan ko na. Maganda naman kinalabasan.

“May kailangan ka pa ba?”

“Ikaw,” he said.

“Ako?” Kumunot ang noo ko. I can’t believe this guy. Is he flirting with
his soon to be step sister? Nakakaloko talaga ang lalaking 'to.

“Oo, ikaw. May kailangan ka pa ba?” natatawa niyang sabi pero ngumiwi
rin. Mukhang nasaktan. Buti nga.

“Kailangan kong manahimik ka at umalis ka na sa kwarto ko.”

Ngumisi siya lalo. “Can’t do, None. You saw how my dad breathes out fire.
Plus, your mom likes me.”
Ngumiwi ako. “Ha, okay.” Hawak ang unan at kumot ko, dumiretso ako sa may
pintuan when I stopped exiting the room when Vane talked.

“You’re good with your mom and my dad marrying?”

Lumingon ako sa kanya. For a moment, nakita ko ang seryoso niyang mukha
na nakatingin sa akin. Wala akong masyadong alam kay Vane. All I know is
he’s a horny kid who maybe hates his life because of his dad (still
debatable) and is hardheaded. But the look on his face when he asked
about our parents, parang. . .may iba pang mayroon sa batang 'to.

No, not a kid. He's a grown-up man-ish. Almost there, kumbaga.

“As long as my mom’s happy, I’m happy.”

Mula sa seryosong mukha ay unti-unti ang pagngiti niya. A cocky smile.

“Let’s be a happy family, my dear sister.”

And that was the cue when he started to annoy the shit out of me. The
next day—or when the sun rose up, someone was calling my cellphone.
Hilong-hilo akong nagising at pagtingin ko sa orasan, it’s just six in
the morning! Four ako natulog dahil sa pesteng si Vane at may gigising sa
akin ng six in the morning?!

Medyo masakit pa ang katawan ko dahil hindi masyadong kumportable sa


sofa. I shifted my body to look at who’s calling. Unregistered number. I
thought it was Sir Marco but then I realized I already saved his contact
number. So when I answered the call for the nth time it rang, I hide my
annoyance. And sleepiness.

“Sino 'to?” I said, almost a whisper.

Gusto kong maiyak nang marinig ko ang kaunting tawa sa kabilang linya.
And with his still cocky familiar voice, Vane said, “wow, ang sarap
pakinggan ng sofa voice mo.”

“The hell?!” naiinis kong sabi. “Anong kailangan mo?”

“I just wanted to greet you a happy morning.”

“Saan mo nakuha ang number ko?”

“From your mom,” he said. “Masyado siyang nag-aalala sa akin.”


I know it’s stupid but I rolled my eyes. Kahit hindi niya nakikita.
Before he could talk, kinancel ko na agad ang call. Pabalik na ako sa
pagtulog nang magring ulit ang phone ko. Nakapikit akong sinagot ang
phone.

“What?!”

“I need to pee.”

“Ano ka, kinder?!” naiinis kong sabi pagkadilat ko. “Do I need to potty
train the shit out of you?”

“You’re harsh, my dear sister.”

“Step lang, bro. Step.”

I could sense his smirk from his voice. “So you knew all along.”

Binabaan ko siya ulit ng phone. Hindi ko alam kung anong gusto niyang
mangyari. I mean, I’m okay with him being my step brother. Pero kung
gigisingin niya ako minu-minuto habang kulang ang tulog ko – masasaksak
ko siya ng ice pick talaga.

Then after a few minutes, tumawag ulit ang bwisit.

“ANO?”

“Sumasakit na pantog ko.”

Napangiti ako at umupo nang maayos. “So? Tanggalin natin para hindi na
sumakit.”

Naghihintay ako ng comeback galing sa kanya but then I heard at loud


thud, then a whimper from his voice. Kumunot agad ang noo ko and said I’m
not buying that shit pero mas lumakas ang naririnig kong pagdaing.
Nagmamadali kong kinancel ang call at nagpunta sa kwarto ko to see Vane.

Then I saw him, lying on my bed, facing me with a smile.

“Hi.”

Gusto kong manakal.


“Hindi mo ba naisip na natutulog ako?” padabog akong lumapit sa kanya at
kinuha ang phone niya. “Hindi ba pwedeng makapaghintay ang pang-aasar mo
hanggang hapon? Kasi apparently, walang pasok ngayon.”

Ngumuso siya. “Naiihi ako.”

“Eh di umihi ka!” Gusto kong basagin ang phone niya pero nanghihinayang
din dahil Samsung Galaxy s6 pa ang unit. “Kailangan mo pa bang ibroadcast
gagawin mo? Gusto mo bang i-tweet ko na rin para sa'yo at mag-instagram?”

He sighed. “Look, sorry for waking you up. But seriously, I really need
to pee.” He looked at his crotch. “It's already hurting and I need help.”

Umirap muna ako bago siya tulungan tumayo. At napaka hirap niyang
alalayan dahil ang bigat at tangkad niya. I could sense he’s trying to
not make it hard for me pero nahihirapan talaga siyang maglakad. Ilang
minuto akong nag-struggle para lang maipunta siya sa CR.

“Do you want me to hold you down there while you pee?” tanong ko nang
nakataas ang kilay. “Baka kailangan mo, eh.”

Umiwas siya ng tingin and swear, I saw him blush. He’s like a kid. Ang
weird dahil ang manyak ng dating niya pero nahihiya-kuno. “H-Ha? Hindi.
Hintay ka na lang sa labas.”

“Fine,” I said and looked at his crotch. “Nahiya ka pa, nakita ko rin
naman na.”

Hindi na niya pinansin ang huli kong sinabi. Humihikab pa ako habang
naririnig ang ginagawa ni Vane sa CR. Nang matapos na siya, inalalayan ko
siya pabalik ng kwarto. Bago pa siya makapagsalita, umalis na ako at
dumiretso sa sofa para matulog.

I was about to go to my dreamland when the phone started ringing again.


Without opening my eyes, inis na inis akong nagsalita.

“Ano na naman ba, Vane?!”

“Vane?”

Napadilat ako nang marinig ang boses ni Sir Marco sa kabilang linya. I
looked at the screen of my phone and it said, ‘Pavirgin Marco ♥’ He's
calling me again?!

“Sir?”
“H—uh, shit. Uh, Sin, I—uhm. . .”

Nagising ang kabuuan ng diwa ko kahit kulang na kulang ako sa tulog. A


few seconds after the silence, he ended the calling. Again! Naiinis at
nafufrustate na ako sa propesor na 'to. What does he want? He leads me
on. Then he ignores me.

Mas malala pa siya sa babae!

But I stopped from ranting to myself when I received a text message.

Pavirgin Marco ♥This is Marco. Sorry for calling and disturbing you on a
Sunday morning. I'm outside your house. Can you meet me for a sex?

After reading the text message, I felt like all the angels and saints
went down from heaven to pat my shoulder as they tell me 'good job, Sin!
congrats!' Matapos akong hindi pansinin for a week, iimbitahin niya ako
for a sex? Nasobrahan naman ata siya sa pagiging straight to the point.

Hindi ko napigilan ang tawa ko.

=================

Ngptkso 17

Ngptkso 17 // Hindered Desires

I think I deserve an award. No, I don't just think, I really need an


award for this. Feeling ko ang laking achievement na nahubad ko ang pa-
virgin mask ni Lourd Marco Aceveda. Tinagal ng isang linggo – so maybe
he's battling whether or not to contact me.

And in the end, he doesn't have any strength to stay away from me.

Mabilis akong naligo. Nakatapis akong pumasok sa kwarto ko para magbihis


nang makita ko si Vane na nakahiga sa kama, unmmoving. Pinagmasdan ko
siya nang mabuti – his eyes are blocked by his left arm. Mukhang tulog na
tulog. That's my cue to get dressed.

Tulog lahat ng tao sa bahay kaya nagmadali akong lumabas. Pagbukas ko ng


gate, agad akong napangiti nang makitang nakasandal ang kagwapuhan ni Sir
Marco sa isang itim na kotse. Nakayuko siya at nakapamulsa habang
naghihintay. Parang wala sa sarili.

Tumingin siya sa akin at agad napangiti. Sinalubong niya ako.

"Sir," nakangiti kong sabi. "Bakit kayo nandito?"

Tumitig muna siya sa kabuuan ko. Mula sa sandals, papunta sa mahaba kong
binti, sa shorts na suot ko at sa midriff kong damit. Lumunok siya
sandali bago binaling ang tingin niya sa mata ko.

Pinasadahan ko rin ang itsura niya. Kung hindi ko lang siya professor,
iisipin ko na isa siyang model ng damit. He got great taste in fashion.
Medyo mas ma-fashion lang si Vane but Sir Marco - hot.

Tumikhim ako bago nagsalita. "Sex?"

Nanlaki ang mata niya kaya natawa ako. "Excuse me?"

Umiling ako at sinuklay ang buhok ko. Sabi ko na, eh. It's just a typo.
Kinuha ko ang phone ko at pinakita ang text niya. "You said let's meet
for a sex," I said, casually.

Natunganga siya sa screen ng phone ko. Mukhang hindi siya naniniwala sa


akin kaya agad niyang kinuha mula sa bulsa ang phone at nag-scroll. I
couldn't help myself from grinning when he bit his lip. "That's—It's
supposed to be sec. Second."

"Seriously?" natatawa kong sabi, hinting I was disappointed. "Sayang


naman Sir, nag-ready pa naman ako."

Tumingin siya sa akin na nakangisi na parang ngiwi. He was obviously


embarassed and I laughed when I saw him blush! Ang cute!

"S-Sorry," sabi ni Sir habang nakagat sa labi. Nagkamot din siya ng


batok. "I didn't—ah, nakakahiya."

Matapos kong matawa, ngumiti ako at hinawakan ang balikat niya.

"It's okay, Sir, sanay na ako sa'yo," panunukso ko.

Lalo siyang nag-blush! He even laughed awkwardly. Kahit na ang manly ng


dating ni Sir, he still have this cute side in him. Okay, cute ang pa-
virgin side ng propesor na 'to. But after the laughing ends, the awkward
silence started.
Ngumiti ako nang tumitig siya sa akin. He smiled too.

"Can we talk?" he said, while scratching the back of his neck. "Inside
the car."

Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Habang papasok, nagkumento ako ng,


"akala ko ba hindi sex?"

Lumunok siya at ngumiti awkwardly.

Umikot siya sa harap at pumasok sa driver's seat. Nanatili kaming tahimik


sa loob ng kotse. His car is not that sassy, but I have this urge to kiss
him because his scent is all over the car. Parang niyayakap ako at
hinihila palapit sa kanya. But if I kiss him, he'll get a chance to push
me away. Kapag ginawa niya 'yon, titigil na ako.

He was the one who broke the silence.

"I'm sorry," he said.

Tumingin ako sa kanya. He's still looking at the road. Wala naman ata
siyang balak paandarin ang kotse.

"For what?" Nagtaas ako ng kilay. "Para sa hindi pagpansin sa akin? Sa


paghalik at dila? Saan ka po nag-so-sorry, Sir?"

Huminga siya nang malalim. "Everything."

"Binabasted mo ba ako, Sir?" tanong ko. "Not that I'm. . ."

"N-No."

"So ano pong nangyayari ngayon?" Will we kiss and make out?

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Shit." He whispered. Yumuko siya sa


manibela na parang nafu-frustrate. "Wala na ata ako sa katinuan."

Tiningnan ko lang siya. I couldn't understand him. Well, joke lang.


Naiintindihan ko siya. Malamang sa malamang, nalilito na siya kung ano ba
ang dapat niyang maisip. Ang ethics niya. O ako.

Well, as much as I want Sir Marco.


I need to do something.

To push him.

To want me.

Walang sabi-sabi kong binuksan ang pintuan ng kotse. Before I could step
out, he held my arm to stop me. Lumingon ako sa kanya, only to see his
serious gaze on me.

"Don't." Humigpit ang hawak niya sa braso ko.

Ngumiti ako. "Wala na pong patutunguhan ang usapan, Sir."

Kaya halikan mo na ako, I wanted to say.

Mas hinila niya ako palapit sa kanya dahilan ng paglalapit ng katawan


namin sa isa't isa. Sumakit lang ang legs ko dahil sa manibelang
nakaharang pero mas nanaig ang kagustuhan kong maamoy ang sexy perfume
niya. Akala ko kung ano nang kahalayan ang gagawin niya paglapit sa akin
but he just locked the door behind me.

Binitawan din niya ang braso ko at naupo nang maayos sa driver's seat.

Badtrip.

"I'm a professor," he said, as if convincing me. And himself too.


Sumandal siya at pumikit sandali. "You're my student."

"Yea, I know," sabi ko. Sumandal ako para mas maging kumportable kahit
bumibigat ang loob ko. "Actually, napag-usapan nga rin sa klase na ang
relasyon ng student-teach—" Natigil ako sa pagsasalita nang hawakan ng
mainit na kamay ni Sir ang pisngi ko.

He turned my face to face him. Hinawi rin niya ang ilang hibla sa mukha
ko bago titigan ang kabuuan ko. Bumaba ang tingin niya sa labi ko. He
gulped and after a few seconds, he whispered, "can I kiss you?"

"Sir?" Nabingi ata ako.

"I want to kiss you," he said again, caressing my face with his thumb.

Gusto ko sana magpa-demure pero hindi ko na naalis ang ngiti sa mga labi
ko. "It's about time, Sir."
Kahit naka-aircon ang kotse, nararamdaman ko ang pag-init ng katawan ko
sa unti-unting paglapit ng labi niya sa labi ko. I was so excited. Hindi
na siya lasing o kung ano man. I didn't do anything too much and here he
is. In a Sunday morning. Outside our house. And here inside his car.

I could almost feel his lips. Then shit gets fck hindi ko na alam.
Biglang tumigil si Sir Marco at yumuko dahil sa malakas na tunog ng phone
ko. His hand caressing my cheek dropped. Sinandal niya ang ulo niya sa
balikat ko. Napapikit ako sa sobrang inis. Tiningnan ko ang phone ko only
to see Vane's fcking name.

A few seconds after I declined the call, tumawag ulit si Vane.

I declined.

Then he called again.

"Ano bang kailangan mo?" naiinis na sagot ko sa phone. Naiinis ako pero
nakikiliti rin ako dahil sa buhok ni Sir na tumatama sa leeg ko.
Nakakabaliw na 'to, shit.

"Saan ka?"

Kumunot ang noo ko. "Bakit?"

"Nagugutom na ako."

Huminga ako nang malalim. Bago pa iangat ni Sir ang ulo niya mula sa
balikat ko, hinila ko siya pabalik. "Tumawag ka para lang sabihin 'yan?
Close ba tayo?"

"Kailangan ko ng tulong tumayo."

Napakagat ako ng labi dahil naramdaman ko ang paghalik ni Sir sa balikat


ko.

"I'm busy."

Pagkababa ko ng phone, tumawag ulit si Vane. I turned off my phone. I was


about to touch Sir Marco's face but stopped when he laughed on my neck.
His breath fanning my skin and it feels hot.

I was so sure I'm the one seducing him. Not the other way around.
"Everything's stopping us," Sir Marco said. "Everyone. This is not
right."

"Sir—"

"What have you done to me, Sinteya?" He kissed my neck and before I could
think of a reaction, a moan escaped my lips. Ang pinaghalong init ng
hininga niya at ng nararamdaman ko ang nagpapabaliw sa akin. He trailed
his butterfly kisses upward to reach my ears and whispered, "let me
forget I'm your professor for a moment."

Iniangat ko ang ulo niya para titigan ang mapungay niyang mata. Ngumiti
ako at hinawakan ang pisngi niya, caressing a few stubles on his chin as
I kissed it lightly. It's weird – dahil hindi kami lasing. Malayo kami sa
alak. And still, my mind is swimming with scenes inappropriate for a
student and a professor to do.

"Lubus-lubusin na natin 'yan, Sir," I whispered as he sighed when my lips


touched his jaw.

My hand roamed around his body clad with his shirt begging to be taken
off by me. I could hear his sighs and I'd want to change it with his
moans. Or him calling my name. Bumaba ang kamay ko sa pantalon niya as I
felt his hand on my waist, pulling me closer to him. Pero shit lang, ang
sakit ng manebela sa hita!

When my hand caressed his crotch, nagulat kaming dalawa nang biglang
bumusina nang napaka lakas ang kotse ni Sir Marco. Mabilis ang pag-iwas
niya ng kamay sa manibela kaya natamaan ako sa panga. Sa sobrang bilis ng
mga pangyayari, nagkauntugan pa kami. Umingay ang labas dahil sa tahulan
ng mga aso at ilang kumusyon ng mga kapitbahay.

And that's great.

Just great.

Fck.

=================

Ngptkso 18
Ngptkso 18 // Sex Education

Kiss lang, ayaw pang mapagbigyan?!

For the past few days, badtrip ako sa paligid dahil doon. Sa school,
hindi ako makausap nang maayos ni Unica. Tahimik lang din naman siya
dahil mukhang may malalim siyang iniisip. Absent naman si Sir sa klase
namin. Dagdag pa ang pagkarita ko sa mukha ni Vane. Not that his face is
irritating to look at – kahit may mga galos at pasa siya sa mukha,
kitang-kita pa rin ang kagwapuhan niya.

And his long hair that curls perfectly, nakakainggit.

Sa totoo lang, I appreciate his face especially when he’s asleep. But
once he open those deep eyes and starts calling me and asking me to do
things for him, that’s when his pogi points gets a negative infinity
score. Ang sarap burahin ng ngisi sa mapupula niyang labi habang sitting
pretty siya sa sofa. If I could just maybe throw some big rock on that
thigh or arm – siguradong burado ang ngisi niya.

“What?” I asked.

Tumaas ang kilay niya, still with a smile. “What?”

“Anong nginingiti-ngiti mo?”

“I’m just imagining the perfect family we can be.”

I snorted. “Really.”

Binato ko sa kanya ang isang plastic bag ng Cheetos. He tried catching it


with his left hand, the good one, – but unfortunately, this guy is not so
much of a catcher. Bumagsak tuloy 'yung chichirya sa lapag. Tiningnan
niya ang Cheetos sa lapag tapos sa akin tapos sa Cheetos ulit. He tried
reaching for it but failed.

Binalingan niya ako. “Hindi ko makuha.”

“Anong gagawin ko?”

Ngumiti siya. “Kuhanin mo.”

“Asa ka pa.”
Paakyat na ulit ako ng hagdanan nang mag-ring ang phone ko. Kahit kaunti
lang ang distansya namin, nakita ko sa screen ang pangalan ni Vane. When
I answered the phone, I shouted “ano?!” just to hurt his ear.

“Ay, sorry.” Tumawa siya. Nilingon ko siya na nakatingin sa akin habang


nakangisi. “Si Tita Erica pala ang tatawagan ko.”

Kumunot ang noo ko. Pinatay niya ang tawag at tinaas ang phone niya para
ipakitang tinatawagan niya si Erica. Pagkalapit niya ng phone sa tainga
niya, tumalikod siya sa akin.

“Ah, hi Tita Erica,” he said with a demure voice. Sa tuwing kinakausap


niya si Erica, nagpapakabait siya at nakakaloko talaga! “Ayos lang naman
po ako. Medyo nahihirapan lang gumalaw. Si ate Sinteya po?” Lumingon sa
akin si Vane at ngumisi. “Hindi ko po sigurado. Hindi po niya sinasagot
ang phone niya, eh. Baka busy p—ay, ayos lang talaga ako. I’m fine on my
own. Nakakalakad naman po ako nang maayos medyo masakit lang kaunti.”

Nanlaki ang mata ko pagkaba-bye niya sa phone at biglang tumatawag na si


Erica sa akin. Ang lawak ng ngisi niya na tinuturo ang Cheetos sa lapag.
Umirap ako at sinagot ang phone paakyat.

“Hey,” I said with a cheerful voice. “Kamusta pagpa-plano sa wedding?”

“Honey, nasaan ka?”

“Nasa bahay.”

Pumasok ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Ah, yes. My soft bed.


Nakakamiss din mahiga tuwing gabi rito. Unfortunately, nakakahiga lang
ako rito kapag wala si Vane sa kama which is not a lot of time. Maswerte
na nga at ginusto niyang manood ng TV sa ibaba.

Ilang days din ang nakalipas, nalasap ko rin ang kama ko.

“Nasaan ka sa bahay?”

“Sa kwarto ko,” I said as my eyes roam around. Walang nagbago sa kwarto
ko – maybe he just stayed here doing nothing. Mukha naman kasi talagang
walang ginagawa si Vane dahil sa mga cast niya.

I'm sure he's bored like hell in here.

“And where’s Vane?”

“Nasa sofa.”
“Bakit hindi mo siya tinutulungan?” she asked. I heard Javier’s voice
from the background. “Bumaba ka at tingnan mo kung may kailangan siya.
Baka nahihiya lang tumawag sa'yo.”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. “Seriously?”

“Go down stairs, Honey. Take care of Vane, he needs you. We’ll be back
after a few hours. Bye.”

Hindi na ako pinagsalita pa ni Erica. Naiinis ako sa pagbaba niya kaagad


ng phone. She didn’t even let me explain. Or talk about Vane and how
irritating he is. Nakakapagtaka dahil sobrang protective niya kay Vane.
Nagpapabango lang? Para matanggap siya as the step mom?

This fusion of family is not that pretty great.

O ako lang ang nakakaramdam nito?

Nanatili akong nakahiga sa kama ko, trying to feel the cotton . . .and
smelled, Vane. His scent. Kumakapit na ang amoy ng lalaking 'yon sa kama
ko.

Not that he doesn’t smell nice.

Actually, he smells good. Better than all the other sweaty guys I've
encounter.

Pero ugh. Erica. Why must you drag me in this mess. Ikaw ang gustong
magpabango sa anak ng aasawahin mo, hindi ba? Bakit ako ang gumagawa nito
para sa'yo? Why must I love you, Mom?!

A few minutes after debating whether to call Erica or stop myself from
breathing, I received a text message.

Javier Sorry for giving you headache bec of Ned.

Kung hindi siguro naging mabait sa akin si Javier the past few days at
kung hindi niya ako binilhan kaghapon ng matagal ko nang gustong bag dati
pa, maaasar ako nang bonggang bongga dahil nagkaroon pa siya ng anak na
tulad ni Vane. Bumuntong hininga ako at nagreply.
To Javier No prob. :)

It was against my will to go downstairs only to see the bag of Cheetos


still on the floor. Unmoved. Vane’s busy watching the movie – and too
lazy to reach for the food. Kahit gumamit lang ng stick, walang effort.
Napatingin siya sa akin pagkakuha ko ng Cheetos. Ngumisi siya kaya
nginitian ko siya pabalik.

Pagtanggal ko sa kaliwang paa niyang nakapatong sa sofa, napangiwi siya.


Nakakunot pa ang noo. When I opened the Cheetos, biglang hinawakan ni
Vane ang braso ko dahilan para matapon ang ilang nasa loob.

With his serious voice, he said, “akin 'yan.”

Natawa ako dahil bigla siyang nagseryoso. Tinanggal ko ang hawak ko sa


braso niya at ngumiti bago kumuha ng isang piraso at kinain 'yon. Nanliit
ang mata niya sa akin.

“Matawagan nga si Tita.”

“Fine. Call Erica and I’ll crush your phone.”

Nagkasukatan kami ng tingin. Umiling siya bago inabot ang Cheetos mula sa
kamay ko at kumuha ng handful. Maayos din naman pala kausap ang nilalang
na 'to. Malakas lang mantrip. Nanatili kaming tahimik sa panonood ng
movie at medyo nabo-bored na rin ako dahil puro bakbakan.

“Bakit Erica lang tawag mo sa kanya?” he asked when the movie finished.
Ni-next niya at nag-play naman ang sunod na movie. “Isn’t she your mom?”

“Oh, bakit?” tanong ko habang kumakain. “She wants to be called as


Erica.”

Nagkibit balikat siya. “She’s too young to be your mom.”

“So?”

Pinasadahan niya ako ng tingin at ngumisi. “You're already twenty-one,


right?” Kinuha niya ang piraso ng Cheetos na nasa kamay ko. Sinamaan ko
siya ng tingin. Kinain niya 'yon. “Mukha lang siyang mga thirty.”
“Thirty-six, actually.” Sinipsip ko ang daliri ko para matanggal ang
cheese na namuo kakakain ng Cheetos. Paglingon ko kay Vane, nakatingin
siya sa ginagawa ko na para bang na-aamaze.

“P-Paano nangyari 'yun?”

I stopped sucking my fingers. Nagkatinginan kami sandali hanggang sa na-


realize kong nakatingin pa rin siya sa mga sinipsip kong daliri.
Napangisi ako at umusog palapit sa kanya, our skin touching already. I
leaned forward and saw his adam’s apple move. Tinitigan ko ang mga mata
niya as I put my hand on top of his chest. His body stiffened with my
touch.

Lalong lumawak ang ngiti ko.

“It’s called sex, Vane,” I whispered in his ears and tapped my index
finger on his abdomen, pointing his crotch. “When the erect penis started
pum—”

Napatigil ako sa pang-aasar sa kanya nang marinig ko ang busina sa labas.


Ngumiti ako at hinipan sandali ang tainga niya bago umupo nang maayos.
Tumingin siya sa akin na tila nagulat. He looked tensed. I saw him looked
at my lips before averting his gaze.

“You asked how it happened,” I said, smiling. “Didn’t get sex education,
kid?”

Napalunok siyang nakatingin sa TV, not giving me any look.

Narinig kong nagbukas ang gate at ilang segundo lang ay dumating na sila
Erica at Javier na nakangiti pero kitang pagod na pagod. Tumayo ako at
lumapit sa kanila para humalik sa pisngi ni Erica.

Javier kissed my forehead. “Thanks for the effort, Sin,” he whispered.


Tumango ako at ngumiti.

“So how is everything around here?” asked Erica. Tumingin si Erica sa may
sofa na parang nagtataka. “Anything wrong, Vane?”

Lumingon ako kay Vane. His good left hand already clutching a pillow in
front of his body. Sobrang higpit ng hawak niya roon. Tumingin siya sa
amin sa may pinto na pinaghalong gulat, tense at takot ang mga mata.
Huminga siya nang malalim bago nagsalita.

“I need to uh, be alone.”


Hindi ko napigilan, natawa ako bigla.

______

March 14, 2015. Happy, happy birthday to the real Sinteya Yeo! I wish you
all the best hihi ♥ ♥ ♥

=================

Ngptkso 19

Ngptkso 19 // Master Bake

Thank the gods I’ve been busy with school works, nababaling ang atensyon
ko sa hell week dahil sa midterms. Hindi na rin magkandaugaga si Unica
dahil sa mga plates niya for her art classes. I’m just thanking myself I
didn’t pursue art course. Baka maging zombie lang ako pag nagkataon.

Okay na ako sa memorization, ilang computation at analyzation. Okay na


ako sa business management.

“Si Sir oh.” Tinuro ni Unica si Sir Marco na may kinakausap na mga
lalaking estudyante niya. “Kamusta na kayong dalawa?”

Nakatingin lang ako kay Sir nang lumingon siya sa akin at nagtama ang
tingin namin sa isa't isa. Iniwas niya ang tingin niya pero ilang segundo
lang ay binalik niya ulit sa akin. Umangat ang gilid ng labi niya for a
while, then he continued talking to his students.

Binalik ko ang tingin kay Unica, “ayun, forbidden pa rin.”

Natawa siya at hinatak ako para maglakad. “Exciting 'yan, against all
odds ang drama niyo!” Hindi pa rin tumitigil ang tawa niya kaya
napapatingin sa amin ang mga nakakasalubong namin. “Wala man lang level
up? Hindi kayo nag-sex after umuwi galing party?”

Napalingon ako sa paligid. Nakatingin ang ilang tao sa amin kaya


napailing ako. “Si Kuya Uriah kasi, eh.”

Natapos ang tawa ni Unica at nawala rin ang ngiti. “Yeah, and that guy.”
“Sino?”

But instead of answering my question, she stopped me from walking and


sighed. “May sasabihin ako sa'yo.”

Tumaas ang kilay ko. “Buntis ka?”

“Ha?” Nanlaki ang mata niya. “Gaga ka ba?”

“What’s with the serious face?”

“Kasi,” she said, shifting her gaze to nowhere. Nagkamot siya ng braso
when she said, “I’ll be joining the university pageant next sem.”

Nagkatitigan kami. No one spoke. Parang may dumaang anghel sa gitna namin
ni Unica bago ako biglang natawa at nagsimulang maglakad. Sinundan niya
ako at hinatak sa braso. Umiling ako habang natatawa.

“Seryoso ako!”

Umiling ulit ako. “Wala kang maloloko, Unica.”

Not that Unica’s not worthy to join a pageant. Pero simula nang dumating
kami sa university na 'to at dahil ang laking big deal ng pageant dito,
kulang na lang mag-rally mag-isa si Unica just to stop the pageant. Hindi
kasi siya pabor sa pagandahang contest. Wala naman daw kasing mapapala –
puro pagandahan lang.

You’ll just flaunt your beauty and that’s it.

And she hates things like that.

Tapos ibabalita niya sa aking sasali siya pinaka prestigious pageant sa


university? Hindi lang sa college nila – sa kabuuan talaga ng university?
Masyadong pinaghahandaan ang pageant na 'yon. Sa sobrang bongga, may mga
kung anu-anong ka-echosan ang ginagawa sa stage at production design.
It’s a must din ang pagnood doon.

Ginulo ni Unica ang buhok niya. “Maglalaslas na lang talaga ako.”

Inayos ko ang buhok niya at kinatok ang ulo niya. Lumabas na kami sa
building at naglakad papuntang sakayan. “Antok lang yan sa dami ng plates
mo.”
“Pinilit lang ako ni Tandang Sora kasi babagsak na ako sa Values,” she
said without breathing. “Shit talaga, hindi ko na matitiis ang
pangalawang take ng Values.” Pumara kami ng taxi. “Nanghihingi ako ng
ibang project pero sabi niya 'yun na lang daw. Kahit hindi na ako pumasok
sa klase niya basta sumali ako sa contest. Naka-sign up na ako.”

Sinabi ko muna kay manong driver kung saan ang punta namin bago binaling
ang tingin kay Unica. “Really?” Taas kilay kong sabi.

“Oo, putangina nga 'yung tandang 'yun, eh.”

Napatingin sa amin 'yung driver mula sa rear-view mirror. I smiled


apologetically for Unica’s profanity.

“Wow.”

Hinarap ako ni Unica at niyugyog. “Tulungan mo ako.”

“Saan? I don’t do pageants.”

“Make up?” she asked.

“You can do it, you’re an artist,” I said. “Para ka lang nagpe-paint sa


canvas.”

Sumama ang tingin niya sa akin. “Some friend you are, Sin. Matapos kitang
tulungan kay Sir Marco, ito ang ipapalit mo sa akin?”

“Hindi naman masyadong effective, pa-virgin pa rin siya, medyo.” Natawa


ako. Sumama ang tingin niya sa akin. Umiling ako. “Fine.”

Nag-usap pa kami tungkol sa mga school works at kung anong balak niya sa
pageant. Hindi pa sinasabi ang theme nila kaya pwede pang magliwaliw.
Nagkwento siya tungkol kay Kuya Uriah at sa babaeng kasama nito nang
sunduin kami mula sa party. She said they were fishy – kahit secretary
lang daw 'yon ng kuya niya. Nagkwento rin ako tungkol kay Erica at Javier
at ang plano nilang magpakasal not longer than six months of preparation.

“Nagmamadali lang?” she said, laughing. “Excited mag-sex, ganun?”

Napansin kong napatingin ulit sa amin ang driver ng taxi mula sa rear-
view mirror. Umling na lang ako at napa-face palm.
“They just want a small wedding, an intimate one,” I said and looked at
the window. “Kuya, liko ka lang d'yan tapos diretso ulit.” I instructed
to the driver which he obliged. “Para silang teenagers.

“Invited ba ako d'yan?”

“Hindi,” natatawa kong sabi. Umirap siya sa akin. “Syempre. Ikaw 'yung
flower girl.”

Si Unica ang nagbayad ng fare sa taxi dahil kinunsensya ko siya. She’s


the one who wants to ride on a taxi, hindi ako. Okay lang ako sa jeep but
she insisted. Wala siyang nagawa.

Pagpasok namin sa loob ng bahay, una kong nakita ay si Vane na nakataas


ang dalawang paa sa lamesa. Naka-cast pa rin ang kanang binti niya.
Samantalang nakabalot na lang ng cloth ang braso niya dahil mas
naiistrain niya ang binti niya kaysa braso.

“Woah,” Unica said when she saw Vane with his hair tied up. Shirt and
shorts.

“Hey,” Vane greeted Unica.

Napairap ako dahil nakita ko ang malanding ngiti ni Vane. I’m sure. He’ll
flirt to any girl he could see dahil nababato na siya sa loob ng bahay.
There's no girls except me and Erica in the house. And by the looks of
him, especially the time when I tapped his abdomen, he's not used to a
life without doing something with a girl.

Or something.

“Hindi mo sinabi sa akin na binabahay mo na pala 'yan,” Unica said while


eyeing Vane. “Paano na si Sir Marco?”

Narinig ko ang pagtawa ni Vane sa sofa. Pinigilan ko ang sarili ko


paraburahin ang ngiti at titig ni Vane kay Unica nang ayain ko si Unica
sa taas.

Pag-akyat namin, papasok na sana si Unica sa kwarto ko pero tinigil ko


siya para paakyatin pa papuntang attic. Unfortunately for me, kahit
naayos na ang attic for Vane, hindi kakayanin ni Vane ang umakyat nang
mas mataas pa kaya dito na muna ako.

In this manly room.

Pagkaupo ni Unica sa gilid ng kama, tiningnan niya ako nang nakataas ang
kilay. Asking for an explanation.
“He’s my step brother.”

“Step brother?”

“Yeah, soon,” I said, opening my laptop. “Javier’s son.”

“May anak pala si Javier?” she asked.

“Unfortunately.”

“Fortunately,” natatawang sabi ni Unica. Tumayo siya at lumipat sa bean


bag na inakyat ko mula sa kwarto ko. “Nag-aalab siya kahit naka-cast ang
binti niya! Swerte mo sa step bro mo, ang gwapo.”

“Gwapo rin naman sila Kuya Uriah at Ulysses.”

Umirap si Unica. “Oo, mga gwapong-gwapo sa sarili.”

“Si Vane din,” sabi ko. “I’m not going to be shocked if I saw him kissing
his own reflection.”

Tumawa si Unica habang chinecheck ko ang mga social networking sites ko.
Naging busy din siya sa phone niya. Mukhang may seryosong tinitingnan.
Napatingin kaming dalawa ni Unica sa cellphone ko nang tumunog ito. Akala
ko si Vane ang tumatawag pero picture ni Sir Marco ang nakikita ko sa
screen.

Medyo pa-virgin Marco ♥ calling. . .

“Sir Marco’s calling!”

Agad napatayo si Unica. She was about to answer the call pero pinigilan
ko siya. Ngumuso siyang tumingin sa akin. “Loud speaker mo.”

“Ayoko nga, baka kung ano pa marinig mo.”

“Jusko naman,” Unica said. “Kahit mag sex pa kayo on call, gusto ko
marinig 'yan.”
Natatawa akong umiling kay Unica. Ni-loud speaker ko ang phone pagkasagot
at natahimik kaming dalawa dahil malalim na paghinga lang ang narinig
namin sa kabilang linya.

“Hmmm. . . Your voice, Sin,” he almost whispered, his breathing were


heavy. “Can I hear it?”

“Sir?” I said.

Silence. Then a deep exhale that made Unica arch a brow. Unica and I
looked at each other when we heard a long sigh from the other line. “Ah,
s-sh. . .bye.”

Biglang pinatay ni Sir ang tawag. Before I could say anything, I burst
from laughing when Unica said with a weird face, “nagjajaks. . .tone ba
si Sir?”

Hindi ko kinaya ang term ni Unica.

____

Lord, sorry po sa term na 'yun. Di na mauulit D:

=================

Ngptkso 20

Ngptkso 20 // Lock the Door

“We’re planning to have our first family vacation during your sembreak,
Honey,” Erica declared over dinner. “Para tapos na rin ang theraphy ni
Vane,” she said looking at Vane. “Napagdesisyunan kasi namin ni Javier na
kailangan natin mag family bonding. Masyado tayong nakafocus sa kanya-
kanyang buhay natin and it’s the best to have our quality time together.”
Nagkatinginan sila ni Javier. “You know, as a real family,” she kept on
saying.

Hindi na ako nagsalita pa para punahin ang redundancy ng salitang


'family' sa sinabi niya. Tumango na lang ako habang kumakain. I don’t
really have an issue with this. This is free vacation! Out in the sun or
something where I'll feel free without wasting my own money.

Ang issue ko lang siguro ay si Vane but not too much, nowadays.
Nagkakabuhay na rin kasi siya dahil sa laptop na pinahiram sa kanya ni
Erica para magamit. At habang pagaling siya nang pagaling ang mga bali ng
buto niya, pawala rin nang pawala ang kaepalan niya para tawagan ako sa
phone palagi just to request to reach for the remote or to change the
channel of the TV.

And that's a good thing for me.

Napatingin kaming lahat kay Vane sa pagbagsak niya ng kubyertos. His arm
almost healing.

“As much as I want to join, Tita Erica,” he said with his sweet smile to
Erica. Tumingin siya kay Javier at nawala ang ngiti niya. “I'll leave
after all of these,” he looked at his body, “are done.”

Paglingon ko kay Javier, nakasimangot na siya. I was ready for a


bickering—really, sanay na ako sa mag-amang 'to at hindi na ako magugulat
kung bigla silang mag-ala expert sa dart at gawing target ang isa't isa.
Kumuyom ang kamao ni Javier but he didn’t talk.

Sinimulan lang niya ang pagkain ulit.

Kahit nahihirapan, tumayo si Vane. “I’m done eating.”

Bago pa makalayo ang iika-ikang si Vane, nagsalita si Javier. I was sure


he was referring to Vane but his eyes were focused on his plate.

“Do you want your car back?”

Lumingon si Vane. “Bakit?”

“After that vacation, I’ll let you have your car back,” he said with
authority. “Kapag nagpakabait ka hanggang sa kasal namin ni Erica, you’ll
get the keys to the condo.”

Tumaas ang kilay ni Vane. “Anong mapapala mo d'yan?”

“Wala nang nakakainit ng ulo sa bahay na 'to.” Javier looked up on Vane.


“Magiging masaya ka na wala ako.”

That was the end of their discussion over dinner. Walang nagsigawan o
nagbagsakan ng kamay sa mesa. It was peaceful and quiet. Umalis si Vane
nang hindi umu-oo o humihindi. When I looked at Javier, he smiled at me
as he continued with his dinner. Ako naman, feeling ko nanood ako ng live
at front seat telenobela.

The next few days were hell. Pasahan na ng mga requirements at hindi na
ako natutuwa sa sobrang hassle. Hindi rin kami masyadong nakakapagkita ni
Unica dahil sa dami ng ginagawa niyang plates. Hindi ko rin
nakakasalubong kahit saang hallway si Sir – nakakawalan tuloy ng gana.

When I went home, wala si Vane sa sala so he must be in his room which is
really my room. Dahil naiirita ako sa buhay ko, I decided to take a
shower. Mahimasmasan lang. Habang nagbababad sa shower, biglang nagbukas
ang pintuan ng CR.

Lumingon ako only to see Vane, looking at me with his widened eyes.
Nakahawak siya sa saklay niya.

“B-Bakit nandito ka?” he asked.

“Can’t you see I’m showering?” Tumaas ang kilay ko nang pasadahan ng mata
niya ang katawan kong basa na ng tubig. It was useless to cover my whole
body. Ang layo ng twalya sa akin at kung lalabas pa ako sa shower area,
mas lalapit ako sa kanya. I arched a brow. “You like what you’re seeing,
bro?”

He blinked a couple of times. Tumikhim siya at ni-lock ang doorknob.


“Lock your door,” he said before closing it.

Napairap na lang ako at nagpatuloy sa pagligo. Sa ilang weeks naming


magkasama sa bahay, alam na niyang hindi ako nag-la-lock ng mga pintuan
dahil nasanay na akong hindi mag-lock. But while I was drying my body, I
realized that maybe – just maybe, I should start locking doors.

Maybe.

Guminhawa ang pakiramdam ko pagkatapos kong mag-shower. Pagbukas ko ng


pintuan ng kwarto ko, na pinag-iistay-an ni Vane, nagulat siya nang bigla
akong pumasok nang nakatapis.

“S-Shit—learn how to knock!”

Tiningnan ko siya nang nagtataka at pinasadahan ang kabuuan niya.


“Nakahubad ka ba? Hindi naman, di ba?” Umiling akong naghanap ng damit sa
closet ko. Pagkatapos kong makahanap ng damit, lumingon ako kay Vane only
to see him staring at me. “What’s your problem?”

He blinked a few times. Huminga rin siya nang malalim bago sumagot.
“Wala.”
“Weird mo,” sabi ko. Bago ako umalis, tinawag niya ako.

“Lock the door.”

“Ano ako, yaya mo?” I said habang umiiling. Ni-lock ko muna ang door knob
at lumingon sa kanya na tahimik pa ring nakatingin sa akin. “Pasalamat ka
gwapo ka,” natatawa kong sabi bago sinara ang pinto. Bago pa ako umakyat
sa attic para makapagbihis, I heard him almost shout the word ‘shit’.

Natapos ang midterms nang muntik na akong maiyak sa sobrang pagka-busy.


Hindi ko pa rin makausap si Unica dahil busy pa rin siya. Finalizing for
midterms na lang ang nangyayari sa akin. Pagkatapos ng evening class ko,
nilapitan ako ng isa kong kaklase at may binigay na envelop.

“What’s this?”

“Lahat ng paperworks para sa Ethics,” she said with a smile. “Ikaw daw
magbigay kay Sir kapag na-collect ko lahat.”

Kumunot ang noo ko. “Bakit ako?”

Lalong lumawak ang ngiti niya. “Baka crush ka.”

Natatawa akong umiling sa kanya habang tinutukso pa ako. Sinamahan niya


ako hanggang sa labas ng faculty room at nagpaalam na dahil nagmamadali
siya. Nagbukas ang pintuan ng faculty room at nakasalubong ang mga
professors na pauwi na. Pagpasok ko sa faculty, wala nang katao-tao –
well, except for a well-built professor who’s back is so sexy to look at.

Nakangiti akong naglakad palapit sa nakayukong si Sir. Inaalala ang


pagtawag niya sa akin nung isang araw. Mukhang hindi niya napapansin ang
paglapit ko at para lang manggulat, yumuko ako at bumulong mula sa
likuran.

“Sir, ito na po 'yung mga papers.”

Nabitawan ko ang envelop nang biglang lumingon si Sir sa akin at


napaatras. Nagkatitigan kami sa sobrang lapit namin sa isa't isa and I
saw him looked at my lips. Hindi na ako nabigyan ng pagkakataon umalma
nang maramdaman ko ang kamay ni Sir Marco sa batok ko at mabilis na
nilapit ang mukha ko sa kanya as he claimed my lips.

It was weird. I was shocked. But I couldn't hide my smile.


Gusto kong magpumiglas at sabihing, “Sir, wag po,” pero baka maudlot na
naman. I tried to push him lightly but he just pulled me closer and
started moving his lips, asking for my response. So I did. His other hand
snaked around my waist as he led me to sit on his lap without stopping
what we’re doing. He nibbled my upper lip before I broke the kiss.

Parehas kaming hinihingal.

“Sir,” I said but he didn’t stop kissing my jaw. “Hindi naka-lock 'yung
pinto.”

Not that I like locking doors. But. . . this is a faculty.

I felt his hot breath on my ear when he whispered, with the same voice on
the phone when he called me: “I don’t care.”

So yeah, nawala rin ang care ko sa paligid.

He licked my lower lip before claiming my mouth again. Hindi ko mapigilan


ang ngiti sa bawat malalim na paghinga niya. My heart was beating fast.
He tastes so sweet and bitter, like coffee. He deepened the kiss and
coaxed my lips apart as his tongue explored within. Nalalasing na ako sa
mga halik niya nang itulak ko siya sandali, halos habulin niya ang mga
labi ko.

“Teka, Sir.”

Hindi siya nagpatigil dahil napapasinghap ako sa bawat paghalik niya sa


leeg ko. Napapaso ang balat ko sa hawak niya sa baywang ko.

“Tinutukso mo ako, Sinteya Yeo,” he said.

I moaned when his lips made its way from my neck to my collarbone,
nibbling every part of it. Tinigil ko siya muli sa ginagawa niya at
tinitigan ang mapupungay niyang mga mata. Before he could do something to
me, hinalikan ko ang panga niya papunta sa kanyang tainga.

“Natutukso ka ba, Sir?”

Hinawakan niya ang mukha ko at tinigil sa ginagawa kong pagkagat ng


tainga. He stared at me with his darkened eyes. Lasing na rin siya tulad
ng pagkalasing ko sa halikan namin. It was weird – dahil hindi ito ang
dream place ko para mahalikan si Sir – but if this is what destiny wants,
I won’t complain.

Halos mapatalon kami sa gulat nang biglang may tumawag ng pangalan ko.
Lumingon ako, only to see Unica laughing so hard. Looking at us. Sa
likuran niya ay si Chino na may dalang malaking canvas at art materials.
Gulat ang mata sa likod ng eyeglasses.

“Learn to lock the door, Sin!” Unica shouted as she banged the door
close.

I stood up but Sir pulled me closer to him. Hinalikan niya ang tainga ko
pababa. I felt his teeth bit my skin a little that made a moan escape my
lips.

“Nagpatukso na ako,” he sighed and claimed my lips again.

=================

Ngptkso 21

Ngptkso 21 // His Inhibitions

I must be dreaming. . .

Muli kong tinitigan ang hinahawakan ko. I can't believe this. I have a
feeling that the angels from above are singing their allelujah with a
beautiful music companion serenading my ears. Heaven!

Hindi ako makapaniwala.

I couldn't wipe my smile off while holding my phone, reading his text
message.

Kunwaring pa-virgin Marco ♥Morning, Sin. Get ready and dressed. See you
in school. :)

Lutang at walang paramdam si Sir matapos ng halikan na naudlot dahil sa


pagkatok ng isang janitor. Wala ring kahit anong pangungulit mula kay
Unica, asking for juices. So basically, my weekend was quiet.
Akala ko wala na. Well, I'm okay with it. . . pero mukhang nagnilay-nilay
lang si Sir nitong mga nakaraang araw kaya nawala rin siya at hindi
nagparamdam. Tapos ito ngayon, magigising ako sa isang text message
galing kay Lourd Marco Aceveda. Wala na atang makakabali ng good mood ko
dahil balik kwarto na rin ako. Fortunately for me, okay na si Vane sa
attic kahit iika-ika siya. Umayaw pa si Erica dahil nahihirapan pa rin si
Vane but yeah, Javier's the boss.

Ang sarap tuloy ng tulog ko. Lalo na ang gising ko.

To Kunwaring pa-virgin Marco ♥Lazy. Undress me, Sir?

Mabilis ang pag-reply ni Sir.

Kunwaring pa-virgin Marco ♥Haha. ;) I want to see you badly.

Yup, confirmed. Pa-virgin pa rin si Sir. Nagkukunwari nga lang.

Pagkatapos kong mag-ayos at mag-ready sa school, nakita kong nag-uusap


nang seryoso sila Erica at Javier sa kitchen. I smiled when Erica looked
at me. Nagtaka lang ako nang hawakan ni Erica ang kamay ni Javier, that
made Javier stop from talking. Lumingon sila sa akin at ngumiti — na
naging mukhang ngiwi.

I arched a brow when I sat on the dining. "What's up? A top secret that
can't be heard?"

Umiling si Erica at inayos ang table para sa breakfast. Ngumiti siya at


hinalikan ako sa pisngi. "Where's Vane?"

Nagkibit balikat ako. Pagkaupo ni Javier sa pwesto niya, bumaba si Vane.


His cast are all out. Medyo iika-ika siya pero okay na ang kabuuan niya.
May pasa lang na nakikita.

Ayaw ko man pero napangiti ako sa itsura ni Vane. Nakaayos siya at ngayon
ko na lang ulit nakita ang hot look niya. Ilang linggo rin kasi siyang
mukhang hermit. His hair was brushed up, his shirt and jeans fits him
perfectly. Ngayon ko na lang ulit na-admire ang kabuuan ng step brother
kong 'to lalo na ang pagsilip ng mga tattoo niya lalo na sa collarbone.

Hindi ako nakaiwas ng tingin sa paglingon sa akin ni Vane. He smiled at


me and winked. Pagkaupo niya, lumapit siya sa akin at hinawakan pisngi
ko. "You're drooling," he said with a low voice.

Umirap ako at pinalo ang kamay niya. Tumatawa siyang naglalagay ng


pagkain sa sariling plato. Tumama ang tingin ko kay Javier na nakatingin
kay Vane.

"Saan ka pupunta?" Javier finally asked.

Imbis na sumagot si Vane, nagsimula siyang isubo ang pagkain niya.

"Babe," Erica whispered.

"Aalis ka?" Javier said.

Uminom muna ng tubig si Vane bago sumubo ulit ng bacon and egg. Walang
nagsalita sa aming lahat. By the furrowed eyebrow, I can sense Javier's
getting mad already. Ngunit nanatili lang si Vane na tahimik.

"Ned, answer me when I'm asking." May galit sa boses ni Javier.

"Kanila Miller," sagot ni Vane, nakatitig sa pagkain.

Kumunot ang noo ni Javier. "Bakit?"

"Basta."

"Bakit nga?"

"Basta nga."

"Ned—"

"Babe," Erica stopped Javier from what he's about to say.

Tumingin ako sa kanilang lahat and before anything starts — a fight, a


war, a punch or something — tumayo ako at nagpaalam na. Wala pang isang
minuto nang makalabas ako ng bahay. Naglalakad na ako palayo when I heard
a shout — then a few seconds later, lumabas na rin ng bahay si Vane nang
nakangisi.
Nagkatinginan kami. Tinaas-taas niya ang kilay niya sa akin bago ko siya
tinalikuran para ipagpatuloy ang paglalakad. I was expecting him to run
after me, para mangulit lang, but he didn't. Paglingon ko, with his hot
get up, iika-ika siyang naglalakad sa likuran ko, ilang metro ang layo.
Hindi ko maiwasan ang pagtawa at pag-iling.

Kawawang Vane.

Hindi na ako nakapag-retouch dahil late na ako. Diretso tuloy ako sa


klase. The usual ang discussion. Pagkatapos ng ilang boring na subjects,
hindi ako makapali dahil makikita ko na naman si Sir Marco sa klase.

And before I knew it, Ethics class na. I saw Sir Marco sitting beside the
teacher's table. Lumingon siya sa akin at ngumiti. I smiled back.
Nagsimula ang klase namin. After ilang minutes, nag-vibrate ang phone ko.
A text message from Unica - after a long silence from her.

UnicaNakita ko si Miller kanina, nag-aayang mag-inom next week. Sabi niya


'ok lang sumama hot friend mo' haha! G?

Napangiti ako. Magrereply na sana ako nang biglang may kamay na bumagsak
sa desk ko. Pag-angat ko ng tingin, seryoso ang mga titig sa akin ni Sir
Marco. Tiningnan niya ang hawak kong phone at tumikhim.

"I want your full attention on me, Ms. Yeo."

Napangisi ako at umayos ng upo habang nakatitig sa kanya. Imbis na


makipagtitigan sa akin, naglakad siya palayo at nagpatuloy sa pagtuturo.
Hindi na niya ako binalingan pa ulit ng tingin hanggang sa matapos ang
klase pati quiz. Bago pa ako makatayo para lumabas, tinawag niya ako.

"Stay."

And so, I stayed.

Hindi tumitingin sa akin si Sir habang isa-isang lumabas ang mga kaklase
ko hanggang sa kaming dalawa na lang ang naiwan. Busy siya masyado sa
phone niya, mukhang may kausap dahil panay ang tunog. Nabobored na ako
kaya tumayo ako para umalis.
Hawak ko na ang doorknob ng pinto nang may tumawag sa phone. I saw
Unica's face and name on the screen. Pagkasagot ko ng tawag, agad kinuha
ni Sir mula sa likuran ang cellphone ko at siya ang nagsalita sa mouth
piece.

"She's busy, call tomorrow."

Kumunot ang noo ko. "Sir, si—"

Natigil ako sa pagsasalita nang hakawan niya ang baba ko at tinitigan ako
nang mataman. Lumapit siya sa akin. Umatras ako. Sa pag-atras, tumama na
ang likuran ko sa pinto.

"Akala ko ba, akin ka?" seryoso niyang tanong.

Imbis na magsalita, tinanggal ko ang hawak niya sa akin. Hinila ko ang


kurbata niya palapit sa akin at hinalikan siya sa labi. Agad niyang
sinagot ng mainit na halik ang ginawa ko ngunit tinulak ko siya kaunti
para matigil. Hinabol pa niya ang mga labi ko kaya napangiti ako.

"We're in a classroom," I said. "What about your inhibitions, Sir?"

Lalo siyang lumapit sa akin at hinalikan ang gilid ng ulo ko.


"Inhibitions?" pabulong niyang sabi. "What inhibitions?"

Mukhang totoo ngang lumipad na ang lahat ng kahihiyan ni Sir. Binigay


niya ang phone ko at habang pasimpleng tinitingnan ang bagong message na
na-receive ko, napapangiti ako. Sa kiliti sa paghalik ni Sir sa likod ng
tainga ko pati na rin sa text ni Unica.

Unica

DID YOU LOCK THE DOOR?! Hahaha!

Pinulupot ni Sir ang kamay niya sa baywang ko. Pumikit siya at huminga
nang malalim pagsandal niya ng noo niya sa gilid ng noo ko. "I can't
think straight."

"Sir."

"Hindi kita maalis sa utak ko," he whispered.


Agad kong naalala ang pagtawag niya sa akin sa phone nitong mga nakaraan.
With his heavy sighs and moans. "Pansin ko nga, Sir," panunukso ko.

Natauhan si Sir nang biglang mag-bell nang napaka lakas. It was the cue
that we should get to our own lives. Bago pa ako makalabas ng classroom,
hinila niya ulit ako. Akala ko namimiss na niya ang labi ko pero tumitig
lang siya sa akin at ngumiti.

One of my weaknesses is a professor as hot as Sir Marco.

"Let's go on a date this weekend."

And I couldn't say no to a hot professor — especially if his name is


Lourd Marco Aceveda, could I?

_____

Happy 1 month sa ngptkso!! YAY :D

=================

Ngptkso 22

Ngptkso 22 // Popcorns and Kisses

“Action?”

Hinatak ko na si Sir kahit takang-taka pa rin siya sa movie choice ko.


Tatlong minuto na lang, magsisimula na ang bakbakan kaya hindi pu-pwedeng
hindi ako makapanood kahit isang trailer man lang. Bago pumasok,
pinasadahan ko ng tingin si Sir.

Even though he’s in glasses, his well-trimmed hair, white long folded
sleeved polo-shirt and black khaki shorts made him younger. And hotter.
Walang mag-aakala na isa siyang professor kung ganyan siya manamit lalo
na't malayo-layo kami sa school area.

Unang kita ko nga sa kanya nang magkita kami, akala ko ibang tao. Akala
ko for a moment, sineseduce niya ako. But who am I kidding, this is Sir
Marco I'm talking about.
Madilim na sa sinehan pagkapasok namin. Isang trailer lang ang napanood
namin bago magsimula ang pinaka movie. I don’t really know what the movie
is all about. Nakita ko lang na ito ang pinaka kaunting nanonood kaya ito
ang pinili ko. Nilantakan ko ang hawak na popcorn habang si Sir ay
nakaupo sa tabi ko. He was just staring at the screen, unmoving. Too
stiff.

Dahil naka-sando lang ako, wala pang thirty minutes, nilamig na agad ako.
At kahit mukhang napapansin niyang nilalamig ako, walang balak gumalaw si
Sir Marco. Umirap ako at hinawakan ang braso niya para iakbay sa akin.
Umusog ako palapit sa kanya.

“Ang lamig,” bulong ko.

Thank the gods at niyakap na rin niya ako at hinimas pa ang braso kong
nilalamig. Akala ko ako pa ang hahawak sa kamay niya para lang mas
yakapin ako, eh.

Naramdaman ko ang halik ni Sir sa buhok ko. “Stop tempting me, I can’t
resist you.” Pinisil niya ang braso ko.

Tumingala ako at ngumiti. “Bakit kailangan mo kasi i-resist, Sir?”

“This is a date,” he said. “Our first date. I don’t want to screw up.”

“By screwing up you mean?”

Hindi siya sumagot.

Kahit itutok ko ang atensyon ko sa movie, napapahikab ako. Action is not


my thing. Akala ko ibang action ang pwedeng maganap sa movie theater pero
si Sir Marco nga pala itong kasama ko. Si kunwaring pa-virgin. And so,
nanatiling tahimik kami hanggang sa napansin kong kukuha ng popcorn ang
kamay niya.

Agad ko 'yong pinalo na kinagulat niya. Ngumiti ako at kinagat ang labi
bago sumubo ng popcorn. “Gusto mo ng popcorn?”

“Uh, yeah?”

Sumubo ulit ako ng popcorn pero inilagay ko lang 'yon sa gitna ng labi
ko. “Ito lang ang pwedeng kuhanin, Sir.”

Nagkatitigan kami. Mukha wala na naman siyang balak gumalaw kaya naupo
ako nang maayos at nilapit ang labi ko sa labi niya. Kinuha niya ang
popcorn sa labi ko.
“Better?” I asked, licking my lips.

Tinitigan niya ako. Nginuya niya ang popcorn. “The best.”

That went on for the rest of the movie. Hanggang sa ma-bored ako dahil
kahit idiin ko ang labi ko sa kanya, wala pa rin. Walang kahit anong
move.

“Ano ba 'yan,” narinig kong bulong ng isang babae sa likuran. “Landi-


landi. Mag-bebreak din kayo.”

Nagkatinginan kami ni Sir at sabay na bumaling sa likuran. Nakataas ang


kilay ng babaeng nakatingin sa screen. Wala siyang katabi sa buong
helera.

Ngumisi ako. “You want?” Kumunot ang noo niya pagbaling ng tingin sa
akin. “Wag ka kasi manood ng action kung ayaw mong makapanood ng action,”
I said while laughing.

Nangingiti din si Sir sa sinabi ko at biglang kumuha ng popcorn. Hindi ko


na mabawi dahil agad niyang nilagay sa bibig niya ang popcorn kaya
ngumuso ako.

“Ayaw mo na?” tanong ko.

Ngumiti siya. “Nakakahiya na sa nakakita.”

Tumitig ako sa kanya at nakaramdam ng inis. Minsan na lang lumandi,


umaayaw pa. Bumuntong hininga ako. Gusto kong alisin ang akbay sa akin ni
Sir pero nakakahiya naman. Baka lalo pang umayaw si propesor.

Tinuon ko sa boring na movie ang atensyon ko. Habang nagpapakadalubhasa


sa pagpigil ng antok, nagulat ako nang biglang ilagay ni Sir Marco ang
popcorn na hawak sa gitna ng labi ko.

Napangiti ako nang kagatin ni Sir ang ibabang labi ko pagkakuha niya sa
popcorn. Ngumiti rin siya sa akin – bwisit. Can’t believe that single
gesture will make me smile! Ang simple lang pero napangiti agad ako?
Gahd.

Teenager lang ang peg?

“Isa pa,” Sir Marco said.


Nilagay ko ang popcorn sa gitna ng labi ko at hinatak ang kwelyo ni Sir
para maglapat ang labi namin. I pushed the popcorn inside his mouth using
my tongue. When our tongue touched, pakiramdam ko ay biglang uminit ang
katawan ko. Bago pa ituloy ang pwedeng mangyaring halikan, lumayo agad si
Sir at bumulong sa labi ko.

“Let’s go somewhere else.”

Ako naman, excited. Okay na ako sa somewhere else kung hindi lang
restaurant ang ibig niyang sabihin doon. Gusto kong magwala at mag flip
table pero naupo na lang ako. Hindi ako clingy person pero gusto ko sana
magkatabi kami. Umupo siya sa tapat ko, nakakainis.

Habang naghihintay ng order, nakatingin lang sa akin si Sir. Hindi ko na


alam kung anong iniisip niya. Laban-bawi ang propesor na 'to, hindi ko
ma-gets!

“Why the stare, Sir?” I asked.

He smiled. “Still calling me Sir?”

“Nasanay lang.”

“I find it hot.” Nanlaki sandali ang mata ni Sir at napakagat ng labi.


“Ibig kong sabihi—”

“Okay lang Sir.” Kahit na nakakainis siya minsan, ang mga slip of the
tongue niyang tulad nito ang nagpapatawa sa akin. Maybe I should ask Vane
for some drugs. Baka sakaling gumana kay Sir 'yon. “This will be our
little secret,” I said and leaned forward. Pinatong ko ang kamay ko sa
kanya at ngumiti. “Sir.”

Umiling siya at ngumiti. This will be my favorite gesture of his. Ngiti.


Iling. Mukhang kinikilig na teenager.

Pagkarating ng order, nagkwentuhan kami sa mga bagay-bagay. From the


university, radio booth na magsisimula na next sem, mga grades ng mga
kaklase ko pati ang kagustuhan niyang maging lawyer. Nang matapos kaming
kumain, inaya ko siyang maglakad kahit walang patutunguhan. And while
walking, I felt his hand brushing my hand.

Tumingin ako sa kamay namin na magkalapit. Pag-angat ko ng tingin sa mata


niya, nakatingin din siya sa kamay namin. Inangat din niya ang tingin sa
akin at lumunok sa titigan naming dalawa. Iniwas niya ang tingin at
dumiretso.

“C-can I hold your hand?” he asked, almost a whisper. Kamuntikan ko nang


hindi marinig.
Tumingala ako sa kanya, diretso pa rin ang tingin niya sa dinadaanan
namin.

“Do you want to?”

Tumikhim siya. “Yes.”

Hinawakan niya ang kamay ko na parang isang babasagin ito kung hindi niya
iingatan. Hindi ko na kailangan iutos o mag-make move. He intertwined our
hands and it felt – bold. I’m holding hands with a hot professor outside.
Where a lot of people could see us.

Mas nag-enjoy ako sa usapan namin ni Sir habang magkahawak kamay. Ang
hindi ko lang siguro nagustuhan ay ang pag-aaya niyang umuwi nang mag
madaling araw na. All along I thought things will happen. Wala pala
talaga.

I don’t know if Sir’s such a gentleman – or a coward. Maybe a virgin?

Tahimik kami buong byahe. Tutok siya sa pagda-drive habang paminsan-


minsan siyang lumilingon sa akin. Dahil sa katahimikan, pumapasok sa isip
ko ang pwedeng mangyari: this will be the last date. Hindi na ako
papansinin ni Sir Marco dahil hindi niya ako na-trip-an. Or pinagbigyan
lang talaga niya ako sa date na 'to. Panay kasi ang landi ko sa kanya at
baka iniisip niya, titigil din ako matapos nito.

But he didn’t get laid. Ito lang naman madalas ang gusto ng isang lalaki
sa babae. So naguguluhan talaga ako kung may next pa o wala na.

Pagkarating namin sa tapat ng bahay, tinigil niya ako sa pagtanggal ng


seatbelt at siya mismo ang nagtanggal no'n. That gesture made me smell
him – kahit buong araw kaming naglakad, amoy pa rin ang pabango niya.
Nakakaakit.

“Stay there,” he said. Lumabas siya ng kotse, umikot sa harap at


pinagbuksan ako ng pintuan. Inalok pa niya ang kamay niya sa akin at
gusto ko na lang malusaw sa sobrang pagka-gentleman niya.

The last time I met someone this gentleman—nope. Wala pa ata.

Nakatayo sa tabi ko si Sir Marco habang hinahanap ko ang susi ng lock ng


gate sa bag ko. Pagkabukas ko ng lock, lumingon ako sa kanya nang
nakatayo pa rin at parang hindi mapakali. Ngumiti siya sa akin. . . kaya
ngumiti rin ako. Kinabahan ako dahil sa titig niya.

Bakit ba feeling ko ang birhen ng dating ko sa titig ni Sir?


Before opening the gate, he pulled my hand closer to him. Mas lalong
lumakas ang kabog ng dibdib ko.

“S-Sir?”

“Second date?” he asked.

The question made me smile for some unknown reason. Parang may mga
umaaligid din sa tiyan ko habang naghihintay siya ng sagot galing sa
akin. Nakakatitig siya with his pure eyes. So pure it feels like I'm
melting in his gaze.

“Sure.”

Lumapit siya sa akin. Ready na akong makipaghalikan pero imbis na sa


labi, sa noo siya humalik. And that was weird. . .because guys who wants
to get laid kiss girls in the lips. Ngumiti siya sa akin pagkasabi niya
ng, “goodnight, Sin.”

Hindi ko na talaga maalis ang ngiti ko kahit nakaalis na si Sir Marco.


Pagbukas ko ng gate, nag-vibrate ang cellphone ko. Dalawa na pala ang
message.

VaneAahh! That lamest goodbye kiss is hurting my eyes.

Lumingon ako sa paligid. Nakita ko si Vane na naglalakad palapit sa akin.


Tinaas niya ang kamay niya habang nakangisi. Naka-ayos siya at mukhang
galing sa kung saan. Umiling ako habang papasok. Sumunod siya sa akin,
naaamoy ko ang alak sa kanya.

Nagkanya-kanya kami ng punta ni Vane kung saan-saan pagpasok ng bahay.


Imbis na siya ang pagtuunan ng pansin, mas lumawak ang ngiti ko at
nagrambulan ang kung ano man sa tiyan ko pagkabasa ng sunod na message.

Kunwaring pa-virgin Marco ♥ Thank you. Can’t wait for the next one. :*

=================

Ngptkso 23

Ngptkso 23 // Court of Victoria

The second date happened a week after the first one. We did the usual
date routine. Kain sa labas, nood sine, then strolling before getting
home. Wala akong curfew pero inuwi niya ako nang 7pm. I tried to get him
on bed. . .ngunit mukhang nilalayo niya ako sa kama. Mukhang
nanampalataya si Sir na hindi kami pwedeng mapag-isa nang may kama sa
tabi.

I don't know why but that made me smile.

Kakatapos lang ng klase namin sa Ethics nang lapitan ako ni Jazz, isa sa
mga kaklase ko. Nakangiti siya pag-angat ko ng tingin sa kanya.

"Bakit?" I asked.

"Hindi mo na crush si Sir?" tanong niya. Agad akong natawa. Lumingon ako
kay Sir na nag-aayos ng gamit sa teacher's table. Nagtaas siya ng kilay
at nagtext bago ko ibaling ang tingin kay Jazz na nangingiti.

"Why the sudden question?"

Nag-vibrate ang phone ko at napangiti sa text ni Sir. He's asking what's


funny. Hindi ako nag-reply.

"You're not flirting with him," sabi ni Jazz. Pasimpleng tumingin sa akin
si Marco. Pinakita niya ang phone niya sa akin. I nodded as response bago
siya lumabas ng room. "Nasanay kasi ako na nilalandi mo siya."

I looked at my phone only to receive another text from him.

StillKunwaring pavirgin Marco ♥Ingat sa next class mo. :)

Tinuon ko ulit ang pansin sa kaklase ko. "People change."

And maybe, I'm one those people who change. Habang lumilipas kasi ang mga
araw na mas nakikilala ko si Sir Marco sa labas ng university, nawawala
na ata ang kalandian sa katawan ko. I feel so. . .pure. Innocent. The
last time we really made out, sa faculty pa. It was months ago.

And for some odd reason, I'm not complaining one bit.

Pagkatapos ng pakikichismis ni Jazz, tinext ko si Unica, asking her where


the hell is she and we need to talk. Nagreply siya at sinabing magkita
kami sa condo niya. Pagpunta ko doon, nasa kwarto niya siya. Tumigil siya
sa pag-paint pagkakita sa akin.

Umupo ako sa kama niya para tingnan ang mga paintings niyang naglalakihan
ang canvas. Half of the paintings were done, the rest, unfinished works.
"Wow," I said.

Ngumisi si Unica at nahiga sa kama. "Pagod na ako!" Pumikit siya at


tinakpan ng braso ang mata. Nakita ko ang tato sa may hips niya dahil sa
pag-angat ng shirt niya. "Gusto ko na lang matulog at magising na tapos
na lahat."

Tumaas ang kilay ko. "Really, Unica? Kakarating ko lang, tutulugan mo


ako?"

Nakapikit siyang sumagot. "Antok ako."

"C'mon, wake up!" Wala pa ring nangyari nang yugyugin ko siya kaya
nagsimula ako sa pagkwento tungkol kay Sir Marco. Bigla naman siyang
naupo at nakinig. Natawa na lang ako. "Akala ko ba antok ka?"

"Ikwento mo na!" natatawa niyang sabi.

And so, I told her all the juices. Tawa siya nang tawa habang nagkukwento
ako. Obvious na interesado siya. She kept on saying 'ginawa niya 'yun?!'
at 'wow pavirgin talaga' kaya natatawa rin ako. Hindi ko na binanggit pa
ang ilan pang nararamdaman ko tulad ng butterflies at kung anu-ano pang
kainusentehan na pang pavirgin teenager.

"Ikaw, no stories to tell?" I asked. Ngumisi siya at nahiga ulit sa kama.


"Imposibleng wala."

Pumikit siya bago nagsalita. "Nag-pe-paint lang ako habang


nakikipaglandian ka sa isang propesor, sobrang busy natin, no?"

Tumawa ako sa sinabi niya at tumango. Nanatili siyang tahimik sa kama


habang inaliw ko na ang sarili ko sa pagtingin ng mga paintings ni Unica.
She really have a talent. Nakakatuwa dahil supportive ang daddy niya sa
ginagawa niya.

I just hope when her mom sees these, suportahan na rin niya si Unica.

"Nica, som'ons calling!" I heard Ate Nena called. Nilingon ko si Ate Nena
na pumasok sa kwarto habang hawak ang iPhone ni Unica. "She sleepin'?"
Ate Nena asked.

Tumango ako. Binigay niya sa akin ang phone ni Unica. Napatitig ako sa
nakita ko sa screen. Eddard Vane calling. And the picture on screen looks
like a drunk Vane and Unica.
Kumunot ang noo ni Ate Nena. "A hottie callin'. Yah should answer tha'
must be impor'ant."

Ngunit bago ko pa masagot, nawala rin ang tawag. May passcode ang phone
ni Unica kaya tinanong ko kay Ate Nena ang code. Hindi raw niya alam.
Umalis siya para mag-ready ng hapunan habang sinusubukan kong i-open ang
phone ni Unica hanggang sa mag lock screen na. Hindi na rin naman tumawag
si Vane.

Or is it just my imagination?

Tumingin ako kay Unica na tulog. "Close kayo ni Vane?" I asked.

Hindi siya sumagot o gumalaw man lang. Tulog na nga talaga.

Dumaan ang ilang linggo nang hindi ko ulit nakausap si Unica. Hindi ko
rin siya masyadong nakikita sa school. Hindi ko na ginulo dahil busy
sigurado 'yon sa paintings niya. Plus may pageant pa siyang pinoproblema.

Ito siguro ang naging dahilan kaya mas lalong napapadalas ang pagsama
namin ni Sir Marco. The second date was followed by a third. A fourth. .
.fifth. It was Saturday at niyaya niya akong mag dinner sa isang
magarbong resto. I asked why and he just said, "experience lang."

Flesh casual dress at brown high-heeled sandals ang sinuot ko with my


hair done in a semi-messy bun. Sinundo niya ako gamit ang itim niyang
kotse with his casual long sleeved polo, skinny jeans and black leather
shoes get-up.

Napapamura na lang ako sa kagwapuhan ng propesor na 'to.

"May I?" He held my hand as we walk our way to our reserved table. Hindi
ko mapigilan ang ngiti ko sa buong paligid. Ang engrande at sobrang pang-
mayaman. May nag-va-violin pang kung saan-saan naglalakad.

"Seryoso ba 'to, Sir?" I asked.

Tumitig siya sa akin at hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa table. "I


hope so. Feels like a dream."

Nag-usap kami habang kumakain. Sobrang sarap ng mga pagkain at ang ilan
ay nagmemelt pa sa loob ng bibig ko. Nagtatawanan din kami. Hindi namin
iniinda ang tingin ng iba dahil sa ingay namin. From the dates we had, I
realized that he's not really that serious to be with.
Lumapit ang nag-va-violin sa table namin. He was staring at us. Ngumiti
si Sir Marco at tumayo. Nilahad niya ang kamay niya sa harap ko. "Can I
have this dance?"

Natatawa ako dahil sa kabaduyan ng mga nangyayari. It's so cliche feeling


ko nasa isang teledrama ako at kailangan namin pakiligin ang audience
kaya magsasayaw kami. Umiiling akong tinanggap ang kamay niya at tumayo.
Hinawakan niya ang baywang ko kasabay ng pagpulupot ko ng braso sa
kanyang leeg. Tinitigan niya ako habang nakangiti. He lowered his head
and whispered to my ear.

"You look so beautiful tonight, Sin."

Ngumiti ako. "You too, Sir."

"Handsome?" he asked.

Tumawa ako. "Hindi Sir, beautiful din."

Nagtawanan kami sa sinabi ko. Paglingon ko sa nag-va-violin, nakangiti


lang sa amin. Pagbaling ko ng tingin kay Sir, agad akong hinalikan ni Sir
Marco. And then again, I felt butterflies flying on my stomach.

Natapos ang dinner nang hindi ako nabusog sa pagkain pero nabusog sa ka-
sweetan ng pangyayari. Gusto kong mag-welga na kakaunti ang hinain na
pagkain sa amin pero ang romantic lang talaga ng ambience kaya
pagbibigyan ko na lang. Diretso ang tingin ni Sir Marco sa kalsada habang
nakatingin ako sa kawalan, inaalala ang nangyari sa dinner. It was the
first time I experienced a date like that.

It was an innocent date. A romantic innocent date. It was so romantic I


want to puke rainbows.

Nasanay ako sa landian at sex after a hot date. But this. . .Sir Marco's
different.

"Thank you for this night, Sir." Lumapit ako sa kanya habang diretso lang
ang tingin niya sa kalsada. Pinatong ang kamay ko sa hita niya at inangat
nang inangat.

"H-Hey, baka mabangga tayo," he said with his breathless voice.

Lumawak ang ngiti ko. Hinawakan niya ang kamay kong malapit sa zipper
niya. Tumawa ako at pinalo ang hita niya. I still can't stop myself, I'm
sorry!

"Blame your thigh, can't get my hands off it."


Ngumiti siya habang nakataas ang kilay. His eyes still on the road.
"Thigh? Or zipper?"

Tumawa ako. "Naughty professor."

Tumawa siya at umiling. Namumula rin siya kaunti. Gusto ko pa sana asarin
si Sir kaya lang, biglang tumunog ang phone ko. Sinagot ko ang tawag ni
Unica. It's already midnight, and for all I know, busy siya sa paintings
niya kapag ganitong oras kaya nakakapagtaka ang pagtawag niya.

"What's up?" I said. Tumingin sa akin si Sir na nagtataka, I mouthed


Unica. Tumango siya.

"Uh, Sin – uhm, Vane's in trouble."

Kumunot ang noo ko. "Vane?"

"H-He just called, nasa police station daw siya."

"What?!" Nagkatinginan kami ni Sir sa pagsigaw ko. I can't believe it!


"So close nga kayo?"

Biglang tumawa si Unica sa kabilang linya habang seryoso ako. Totoo nga
na close sila. Totoo ngang nag-uusap sila nang hindi ko alam. And yet
Unica didn't tell me! Gusto ko siyang pagsabihan dahil nagsasabi siya ng
mga sikreto pero naaalibadbaran ako sa tawa niya.

"Step bro mo, Sin. Nasa police station tapos 'yan ang poproblemahin mo?"
she said. "Yung totoo? Nasa Las Piñas siya. Gumagawa ng gulo."

Tumingin ako sa bintana. "Wait, bakit sa'yo tumawag?"

"Uh, dehins ko rin alam," she said. "S-Sige na, may ginagawa pa ako.
Huwag mo raw tawagan si Javier, sabi niya. Bye!"

Binabaan ako ng phone ni Unica. Lumingon sandali sa akin si Sir at


hinawkaan ang kamay kong hawak ang phone ko.

"What happened?"

Tumingin ako sa kalsada. Ilang kilometro ang layo nito sa Las Piñas pero
hindi ko maiwas sa isip ko kung anong sasabihin ni Javier o ni Erica
kapag nalaman nilang may kalokohan na namang ginawa si Vane. Narinig ko
ang sigawan ni Javier at Vane sa utak ko. Then I'll hear Erica defending
Vane. Then Erica and Javier will fight.

Ugh, Vane.

"I need to go." Bago ko pa matanggal ang seatbelt ko, pinigilan niya ako
agad. He asked me why. "Kailangan ko pumunta ng Las Piñas."

"Para saan?"

Napakagat ako ng labi. "Trouble."

Kahit na sinabi kong mag-ta-taxi na lang ako, pinilit niyang ihatid ako
sa Las Piñas. Pinilit pa niyang suotin ko ang jacket niya pero humindi
ako. Namilit pa siyang hintayin ako pero hindi pu-pwede. Ayaw kong makita
niya si Vane na kasama ko.

And I don't want Vane in his car. Baka kung ano pa ang magawa ng lalaking
'yon sa sagradong kotse ni Sir Marco.

"Are you sure?" he said when I insisted na kaya ko na. Ngumiti ako at
nagpaalam. I kissed him goodbye bago lumabas ng kotse. Agad akong tumakbo
pagkababa ko papuntang police station. Tinatawagan ko si Vane sa phone
pero hindi siya sumasagot. Pagkarating ko sa station, I saw Vane sitting
alone, staring at nothing.

"What the hell?" Lumapit ako kay Vane na nakatakip ang hanggang balikat
niyang buhok sa mukha.

Umangat ang tingin niya sa akin at pinasadahan ng kamay ang buhok


palikod. Tumingin siya sa itsura kong naka-ayos at naka-dress. Tumigil
sandali ang tingin niya sa legs ko, sumipol at ngumiti bago iangat ang
tingin sa mata ko. "Hi."

Napairap na lang ako. Kinausap ako ng mga pulis. Pinapirma nila ako ng
kung anu-ano. Nakisama raw kasi si Vane sa gulo sa isang bar. Hindi ko
mapigilan ang iling at badtrip nang tulungan ko na si Vane makatayo. At
dahil sa tangkad at bigat niya, nahirapan pa ako.

"I hate you, Vane," I said while trying to balance him. "Sinisira mo
diskarte ko kay Sir."

Tumawa si Vane at tumango-tango. I wasn't prepared for his next move:


hinalikan niya ako sa pisngi. Malapit sa labi ko! Kamuntikan ko siyang
itulak kung hindi lang siya yumakap sa akin. "Ang bango mo," he said,
laughing while nuzzling my neck.
Pinipilit kong kumawala pero ang higpit ng yakap niya sa akin. Umirap ako
sa kawalan. "We're going home."

Nagsimula akong maglakad ulit pero tinigil niya ako.

"Don't."

"The hell, Vane. Stop being a kid."

"I don't want to go home," he said while kissing my hair. "I'll see my
dad. I hate him."

Tumaas ang kilay ko. "You and your daddy issues."

Napag-isip isip ko rin na tama nga na hindi muna umuwi si Vane lalo na at
ganito ang estado niya. Tawa siya nang tawa. Mas hinigpitan niya ang
pagpulupot ng braso sa baywang ko. Nagpara ako ng taxi. Nahirapan pa
akong papasukan siya dahil panay ang galaw niya.

"Saan tayo?" the driver asked.

Hindi na ako nakapag-isip nang magsalita ako. "Nearest motel."

Tumingin ang driver sa amin gamit ang rear-view mirror. Kita ang ngisi
niya sa labi. Hindi pa nakatulong ang pilit na paghalik ni Vane sa leeg
ko pati ang pagbulong niya ng "you're so sweet, bae."

I rolled my eyes. "Bae? Really, Vane. Gross."

"Hindi na mapigilan?" nakangiting sabi ng driver.

Ugh. Kill me now.

The whole ride was awful. And hot. Kung saan-saan na nakakarating ang
kamay ni Vane at kailangan ko pa siyang pigilan sa kung ano man ang balak
niya. He's already kissing me on my neck when we arrived at a motel.

Nakangiti pa rin ang driver sa amin pagkabayad ko at pagkababa namin.


"Have fun po Ma'am at Sir, ingat."

Bago pumasok sa loob, kamuntikan nang ma-out of balance si Vane kaya


nahila niya ako palikod. Napalingon ako sa isang itim na kotse na
nakaparada sa hindi kalayuan.
For a moment, nakaramdam ako ng kaba sa kotseng 'yon.

Hinatak ko si Vane papasok ng motel. Pagpunta sa front desk, sinalubong


kami ng ngiti at greeting ng babae. Hindi ko malaman kung inusente o may
ibang dahilan pa ang pagngiti niya pagtingin sa kay Vane at sa akin.
"Anong room po?"

"Kahit ano," I said. Hinawakan ko na ang dalawang kamay ni Vane dahil


pinipilit na niyang hawakan ang dibdib ko. Binulungan pa niya ako ng
'hard to get, eh?' kaya napailing ako at irap. "C'mon Miss, nagmamadali
kami."

"Namamadali." Pumikit at tumawa si Vane. Pagdilat ng mga mata, pulang


pula na ito nang tumingin sa receptionist. He smiled at her. And it was a
flirting smile, I know. "The most expensive room."

"What?!" agad kong sabi. "Wala akong pera!"

Lumawak ang ngisi ni Vane at pumiglas sa hawak ko sa kamay niya. Kinuha


niya ang wallet sa back pocket ng pants niya at naglabas ng pera. Nagulat
ako dahil ilang libo ang binagsak niya sa harap namin. Nagkatinginan kami
ng receptionist na parehas nanlalaki ang mata.

"The most expensive one," Vane said, still smiling. "I want my bae to be
treated like a princess."

Gusto kong umirap. Natawa ang babae sa amin habang binibigay ang susi ng
kwarto. She asked us if we need someone to accompany us. Humindi na ako
at tinulak si Vane papasok ng elevator.

When we went inside the elevator, my eyes widened when he licked my ears.

"Stop it!" Sinampal ko siya.

Tumigil siya at tumingin sa akin. Akala ko natauhan na siya sa mga pinag


gagagawa niya but I was wrong. He smirked and wrapped his arm around my
waist and pulled me closer. He even touched my butt! Tinulak ko siya sa
dibdib pero nararamdaman ko na ang panghihina. Napakagat ako ng labi.
Hindi ko na nagugustuhan ang reaksyon ng katawan ko sa pinaggagawa niya.

Nilapit niya ang labi niya sa tainga ko. "Hard, I like it hard."

Wala na akong time para mamangha sa laki ng kwarto dahil bigla akong
binuhat ni Vane at binaba sa pulang kama. Pumaibabaw siya sa akin at
hinalikan ako sa leeg, his hand touching my thigh already. Napakagat ako
ng labi – this is bad. This is really bad!
My body's reaction. . .I want him close.

Shit.

Tinulak ko ulit si Vane. He suddenly stop from moving. Nakatulog siya


habang ang mukha niya ay nakaharap sa leeg ko. Tinulak ko siya palayo sa
akin at hiniga siya nang maayos. Feeling ko rin naging katulong ako sa
pagtanggal ng sapatos niya. Napatingin ako sa kanya nang marinig ko ang
mahina niyang tawa. Nakadilat na ulit siya at nakatingin sa akin.

"Your boobs," he said, his voice almost a whisper, and smiled. "It's
begging to be touched."

Nanlaki ang mata ko sa naramdamang init. Yumuko ako at napakagat ng labi


nang marinig pa ulit ang mahinang pagtawa ni Vane. I can't believe this.
I have a perverted step brother! Pinalo ko siya nang malakas sa binti na
nagpatawa ulit sa kanya. HIrap akong takpan ang harap ko habang tinatapos
ang pag-alis sa boots niyang de-sintas pa.

Nanahimik siya ulit kaya nag-CR ako para mag-ayos. Mukha akong na-harass
pagtingin ko sa salamin. Mukhang after sex ang datingan kaya
napagdesisyunan kong magshower muna.

The dress was uncomfortable, but it's the only clothing I have. So wala
akong choice kung hindi suotin 'yon para makatulog na. Pagbalik ko sa
kama, nagvibrate ang phone ko. A message from Sir Marco.

StillKunwaring pavirgin Marco ♥You home?

StillKunwaring pavirgin Marco ♥Are you okay?

StillKunwaring pavirgin Marco ♥Text back if you're home. I'm worried.

Umupo ako sa kabilang gilid ng kama habang nagpapatuyo ng buhok. Hindi ko


mapigilan ang ngiti ko pero hindi ko magawang mag-reply. Tumingin ako kay
Vane na mahimbing na natutulog sa kabilang gilid.

I'm not yet at home. How can I text back? And why do I feel so weird?
What the hell. Feeling ko nagtataksil ako.

Huminga muna ako nang malalim at pikit matang nagreply. Napairap pa ako
dahil nakarinig ako ng sigaw ng 'fvck, fvck' mula sa kabilang kwarto.

To StillKunwaring pavirgin Marco ♥I'm okay. Already sleepy. Night.

Mabilis ang reply niya na nagpakaba sa akin.


StillKunwaring pavirgin Marco ♥At home? Okay. Night. :)

Hindi na ako nagreply. I'm not at home! Pero hindi ko masabi. Iniisip ko
pa lang ang iisipin ni Marco kapag sinabi kong wala ako sa bahay at nasa
isang motel ako kasama ang step bro ko, kinakabahan na ako. Hindi ko
maisip na magagawa ko sa kanya 'to.

Shit, I should stop thinking!

Binaba ko ang phone ko sa side table para makaiwas sa weird thoughts ko.
Napatingin ako sa drawer ng side table na nakabukas. Agad akong natawa
nang makita kung ano ang nandoon. Hinawakan ko 'yon at medyo na-amaze
dahil ito na ata ang pinaka malaki at mahabang laruan na nakita ko nang
personal.

"Free lollipop?"

Lumingon ako kay Vane. His eyes were half open. Gumulong siya palapit sa
akin at kinuha ang hawak ko. Tinitigan niya ito sandali and shit! He
almost licked it!

"Stop!"

Nagulat siya sa pagpigil ko. Kinuha ko ang laruan sa kanya at binalik sa


drawer. Ngumisi siya habang kinakamot ang dibdib niya. Mas nakita ko ang
tato doon na sumisilip. Umangat ang tingin ko sa mata niyang nakatingin
sa akin. With one hand, he wrapped it around my waist. Nilapit niya ang
ulo niya sa hita ko at hinalikan 'yon.

"Let's sleep," he whispered.

Kahit nakabalot ako ng dress, feeling ko nahuhubaran ako.

He's drunk. I think he's also stoned. His hair were everywhere. And yet,
he looked – hot? Huminga ako nang malalim. Nababaliw na ata ako sa pinag-
iisip ko. Tinulak ko si Vane at gumulong naman siya palayo.

Tumingin ako sa phone ko. Gusto ko na umuwi pero madaling araw na at


naka-dress pa ako nang ganito. I can call Sir Marco, but what will I tell
him if he asked my why on earth I'm at a motel?

Mukha namang harmless si Vane na nasa gilid ng kama kaya nahiga ako sa
kabilang gilid. Pagod ako kaya lutang agad ang feeling kahit na ang bilis
ng tibok ng puso ko.
I was half asleep when the bed moved. Hindi ko pinansin ang naramdaman
kong malalim na paghinga sa gilid ko. I felt Vane's lips kiss my jaw.
Huminga ako nang malalim nang maramdaman kong may nakapatong na kamay sa
kaliwang dibdib ko. It was Vane's.

My mind says I should get his hands off me. But the thing is, my body
decided not to.

=================

Ngptkso 24

Ngptkso 24 // Ned & Sin

I woke up only to see a red ceiling. Nilingon ko ang paligid. Red,


everywhere. Tumaas ang kilay ko pagkakita ko ng dalawang pole sa isang
gilid. Pagtingin ko sa katabi ko, nakapikit na mata ni Vane ang nakita
ko. Some of his hair covering his face. Malalim ang paghinga niya.

Bumaba ang tingin ko and he was top naked. Kitang-kita ang katawan niyang
nakaharap sa akin, distorted ang tato sa collarbone at v-line niya.

Unang pumasok sa utak ko ang tanong na. . . why?

Why the hell am I here?

Ilang segundo pa ang pagtitig ko sa kanya when everything clicked.


Napatingin ako sa dibdib ko. Wala namang kamay. Maybe it was just a
dream? Ugh, nevermind.

Natawa ako nang makitang naiirita si Vane sa buhok niyang tumutusok sa


ilong niya. Hinawakan ko ang mga hiblang 'yon at tinusok pa sa ilong
niya. Halos ma-distort ang mukha niya sa pagkairita.

Pagbangon ko, dumiretso ako sa CR para makapag-ayos. It’s already six in


the morning. I need to go home. Matapos kong mag-ayos, lumabas ako only
to see Vane looking at me intently lying on the bed.

I smiled at him while trying to tie my hair in a bun.

“Morning,” I said.
Kumunot ang noo niyang nakatingin pa rin sa akin. Umupo siya nang maayos
at tumayo. Lumapit siya sa akin. And before I knew it, he touched me in
my cheek.

“What?” tanong ko.

Lumunok siya. “You’re real.”

Umirap ako sa sinabi niya. “No Vane, I’m just a hologram.”

“You’re with me last night?” he asked. “Here?”

Nilingon niya ang paligid ng room. Ginaya ko ang ginaya niya. Nang
magkatinginan ulit kami, nakataas na ang kilay ko.

“Uh, yeah?”

Tumingin kami sa pintuan dahil sa pagkatok. “Breakfast, ho.”

“You ordered breakfast?” tanong ko.

“No,” he said. Hinawakan niya ang ulo niya at kumunot ang noo. “I'll take
a shower.”

Pumasok siya ng CR at ako naman ang nagbukas ng pintuan. A guy in a white


shirt and black pants smiled at me while holding tray of food.

“We didn’t order food,” I said to him.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. I’m in a dress – pero nakapaa
lang. He looked at me with a smile on his face. Sumilip din siya sa loob
at lalong ngumiti.

“Uh, ma'am—”

“Bakit ang tagal?”

Lumingon ako only to see Vane walking towards us. Inakbayan niya ako at
hinalikan sa sentido bago tumingin sa lalaking may hawak ng tray. Tumango
siya sa lalaki. Napaatras sandali ang lalaki at yumuko.

“Kasama po ito sa bayad sa suite, Ma'am, Sir.”


Kinuha ni Vane ang tray sa hawak ng lalaki. Seryoso pa rin ang itsura
niya. “You can go.”

Ngumiti muna ang lalaki bago umalis. Inalis ni Vane ang akbay sa akin at
naglakad papasok. Binaba niya ang pagkain sa lamesa at tiningnan bago
naglakad sa papuntang CR. Because of his his naked back, nakikita ko ang
magugulong linya sa bandang taas ng likod niya na bumubuo ng isang
statement. The lines were connected to the two lines on both of his arm.

“Eat,” he said before closing the door of the CR.

Hindi na niya ako kailangan utusan, really. Kumain ako dahil gutom na ako
at thank the gods dahil masarap naman ang pagkain sa motel na 'to.
Napalingon lang ako sa kama nang mag-ring ang isang phone. It was Vane’s.
Tumingin ako sa pintuan ng CR pero mukhang hindi pa magbubukas 'yon.

Nagtaka ako dahil sa contact name ng tumatawag.

IGNORE THIS Calling. . .

Naupo muna ako sa may lamesa at kumagat sa breakfast bago sinagot ang
phone to know who this person Vane is ignoring. Pwedeng ex na hindi siya
maka-move on. Pwedeng babae na panay ang text sa kanya. Pwedeng past love
niya na never naging sila.

When I answered the call, hindi ko mapigilan matawa sa narinig kong sigaw
ng boses sa kabilang linya.

“Ned!”

It was Javier.

“Who’s this?” Mukhang narinig niya ang tawa ko. “Hello?”

“Hi,” I greeted.

Nakarinig ako ng kaunting ingay sa kabilang linya then Javier said,


“where’s my son?”

“He’s in the shower,” I said.

In all fairness talaga, masarap ang pagkain ng motel na 'to. Plus the
suite is spacious. Mahal nga lang but it’s cool. Parang sumuka ng red
puke sa buong kwarto.
“Shower?”

“Yup,” I said, popping the p.

“And you are?” he said, I can sense his anger in his tone. “Give the
phone to him.”

Ngumisi ako. “Can’t. Told you he’s in the shower. O gusto mong ipasok ko
siya d'un?”

Nagkaroon ulit ng ingay sa kabilang linya at gusto ko na matawa. Gusto ko


pa sana manloko pero binabaan agad ako ng phone ni Javier. Nagsimula ulit
ako sa pagkain. A few minutes after, tumawag ulit si Javier.

“Hi!”

“Who are you?” he said. Mukhang nagpipigil na ng inis. “Are you one of my
goddamn son’s girl?”

Natawa ako at mukhang nainis si Javier doon. “It’s Sin.”

“Oo! Kasalanan talaga yan, iha,” Javier said. “Kaya nakikiusap ako,
pakausap sa anak ko.”

“No, it’s me, Dad,” I said, smiling. Emphasizing the word dad. Minsan ko
lang siyang tawagan nang ganito dahil nahihiya ako. Hindi naman kami
magkadugo at hindi pa sila kasal ni Erica, baka isipin niya, pinepressure
ko siya. But I think this is the right time to call him that. “It’s me,
Sin. Sinteya.”

Natahimik sandali bago nagsalita si Javier. “Sin?”

“Yeah, good morning,” nakangiti kong sabi.

“B-Bakit ikaw sumagot? Are you two together? You're with Ned?”

“Yeah, unfortunately,” natatawa kong sabi.

“Bakit. Ano. What?”

“Something happened last night,” I said. Napalingon ako sa CR dahil


nagbukas na ito at tumambad ang naka-topless na si Vane. Basa ang kanyang
buhok at isang twalyang puti lang ang nakabalot sa baywang niya. “So,
ayun.”

“And Ned?”

“Dad?” Vane mouthed.

Tumango ako. Napaatras ako dahil bigla siyang lumapit sa akin at kinuha
ang phone sa kamay ko. Tiningnan na muna niya ang screen bago pinatay ang
tawag.

“You can't read?” tanong niya.

“Huh?”

“It says, IGNORE THIS. Bakit sinagot mo pa?”

Ngumiti ako sa kanya. “Masarap gawin ang bawal.”

Pinasadahan niya ng palad ang basa niyang buhok at huminga nang malalim.
Gusto ko sanang matawa kung hindi lang ako natigil sa sobrang lapit ng
medyo basang katawan ni Vane. Napatingin ako sa twalya na nakabalot sa
baywang niya.

Iniwas ko ang tingin sa kanya dahil napapatitig ako nang matagal. Kinuha
ni Vane ang damit niya at nagbihis sa loob ng CR. Nakakalahati ko na ang
pagkain ko pagkalabas ni Vane sa CR na bihis na. Umupo siya sa sa gilid
ng kama habang nagsisintas ng boots. Tumingin siya sa gilid na tila nag-
iisip kaya natitigan ko ang perfect side view ng lalaking 'to. Matangos
ang ilong. Magandang hugis ng panga. Malalim na mata. Makurbang labi.

Naubo ako sa biglang paglunok dahil lumingon siya sa akin.

Tumaas ang kilay niya. “What?”

“What?”

Umiling siya. Parehas kaming lumingon sa side table nang mag-ring ang
phone ko. Bago pa ako makatayo, kinuha na ni Vane ang phone. Nagmadali
ako sa paglapit pero sinagot na niya ito nang nakatingin sa akin.

“Yes?” he said with a low voice. Kumunot ang noo niya. “Nandito siya,
bakit?”
Halos isang metro na lang ang layo namin ni Vane sa isa't isa nang ibigay
niya ang phone ko sa akin. I saw Sir Marco’s handsome face and his name
on screen.

Ngumisi si Vane bago nglakad palayo sa akin. Pinagmamasdan ko ang


pagsuklay ni Vane ng buhok niya gamit ang kamay at naupo sa may lamesa
para kumain.

“Hello?” I said to the phone, still looking at Vane.

“Who answered the call?” I heard Sir Marco asked. . .pero hindi ako
mapakali nang makitang isinubo ni Vane ang pagkain gamit ang kutsarang
gamit ko. He even sipped the coke through the straw I used. “Sin?”

“Uh, wala, uhm, napatawag ka, Sir?”

Tumayo si Vane at lumingon sa akin. Tumitig muna siya bago nagsalita. “Do
you have money?” he asked. Nagtataka akong tumango. He smiled at me and
turned his back before exiting the room. Tinaas niya ang kamay niya na
para bang nagpapaalam nang hindi nakatingin sa akin. “I'll leave first.”

Narinig ko ang boses ni Sir sa kabilang linya pero hindi ko masyadong


naintindihan.

“Sorry Sir, uuwi muna ako,” I said.

“I thought you're alrea—” Binaba ko ang phone ko.

Hinabol ko si Vane. Sa sobrang pagmamadali, nakapaa pa ako at ang nahatak


ko ay ang buhok niya. He looked at me as if he’s going to kill me. And
all I could say is, “iuwi mo ako, shit ka.”

Hinintay niya ako para makapag-ayos at makapag sandals. Wala akong


masyadong idea sa lugar na 'to kaya kailangan ko ng tulong. And I know
this is far from our house. Kung mag-tataxi ako, kukulangin. Mukhang
hindi rin practical ang mag-taxi dahil pagkalabas namin sa motel, sobrang
traffic.

At punuan ang mga bus.

Lagpas tatlumpong minuto ang nilakad namin ni Vane sa kahabaan ng kalsada


bago nakasakay sa bus na siksikan. Halos matapilok ako dahil sa sandalas
na suot ko. Wala namang balak magpakagentleman ang walangyang si Vane.

Nakatayo ako sa bus habang napapansin ko ang ilang babae na nakaupo sa


pangdalawahan na nakangiting nakatingin sa katabi ko. Paglingon ko kay
Vane, he too was smiling. Looking at the girls.
Umirap ulit ako.

Really? Makikipaglandian ka sa siksikan na bus?

“Uhm, Miss.”

Sanay naman ako mag-bus pero nahihirapan ako mag-balance kung puro
pambubunggo ang pinag-gagagawa sa akin ng mga katabi ko. Plus, kahit
umaga pa lang, nakakaamoy na ako ng hindi kanais-nais.

“Miss, upo ka.”

Tumayo ang lalaki sa may harap ko at ngumiti sa akin. I cant believe


this! Nagkaroon ng pogi points si koya dahil kakailanganin talaga niya
'yon at dahil din sa pagkagentleman niya. Uupo na sana ako nang biglang
may humatak sa akin.

In a second, I was wrapped by Vane’s arms.

Inangat ko ang tingin sa kanya na nakangisi. And before I knew it, umupo
siya sa dapat na uupuan ko at hinatak ako paupo sa hita niya.

“What the hell?” Pinipilit kong tumayo pero hinatak niya ako.

Hinigpitan niya ang hawak sa baywang ko. “Make the most out of your
resources,” he said with a smirk.

“Wow, gentleman.” Sarcasm dripping.

“So I've heard,” he said and nudged me closer to him.

Umirap ako at humawak nang mahigpit sa upuan. Mukhang wala siyang balak
pakawalan ako. Lumingon ako sa paligid. People were staring at us. Sino
ba kasing matinong tao ang magkakandungan sa bus?! Vane. . .is killing
me.

It was an hour of hell, sitting on his lap. Napapaso ako sa tingin ng mga
tao sa amin. Tumahimik din si Vane at malalim ang paghinga hanggang sa
makababa kami.

The walk to our house was the most awkward walk with Vane. Malalim pa rin
ang bawat paghinga niya and I know why. I felt it. Gusto ko siyang
sisihin dahil pinaupo pa niya ako sa hita niya but what’s done is done.
Huwag na lang iungkat.
Tumigil siya sa paglalakad kaya nilingon ko siya. “Bakit?”

Pinasadahan niya ng palad ang buhok niya. “Hindi ako uuwi.”

“Seriously?”

“I’ll let Dad calm down first.”

“Kaya nagagalit sa'yo 'yun dahil panay ka alis,” I said and rolled my
eyes. “Sino bang hindi maiinis sa pinag-gagawa mo?”

“Sinagot mo kasi tawag niya,” he said. “Kung hindi mo sana sinag—”

“Malay ko ba kung sinong ‘IGNORE THIS’ pala 'yun.”

“Malalagot ako sa kanya.”

Kumunot ang noo ko. “Then why are you here walking with me?” Isang liko
na lang, malapit na ang bahay.

He cleared his throat. “To know you’re safe.”

Nagkatinginan kami. Nagtaas din ang kilay ko but his face was serious.
Umirap ako. I did not expect that from him. Ngumiti siya, tumalikod at
naglakad palayo.

“What if he asked me where you are?” I asked, almost shouting.

“Tell him you don’t know. That I ran away from you.”

“You ran away from me? How romantic,” natatawa kong sabi.

Umiiling akong bumalik sa paglalakad papunta sa amin. That kid. . .that


Vane. He’s something. He has issues, I know. Pero hindi niya pinapakita.
Nakaka-curious tuloy ang lalaking 'yon.

Bubuksan ko na ang gate ng bahay namin nang magulat ako sa isang busina.
Paglingon ko, I saw a black car a few meters away from me. Tinitigan ko
lang 'yon hanggang sa umandar ito at umalis. And I’m sure as hell.

It was Sir Marco’s car.


___

Pronunciations:

Sin-te-ya Yoh

Lord Mar-ko A-se-ve-da

Ed-dard Veyn Ee-bo-wa

Ah-ni-ka Fey Va-len-tayn

=================

Ngptkso 25

Ngptkso 25 // Sex Object

His smile is killing me.

I was expecting something. Questions. Anger. Argument. Cold treatment.


Something—isang emosyon na makakapagsabi sa aking naiinis o nagagalit
siya. Tipong makakapagbigay sa akin ng pagkakataon para ma-frustrate din.
But Sir Marco – instead of doing things I was expecting him to do, he's
giving me his smile. Not an evil smile or a smirk.

An innocent smile.

"Are you okay?"

It's been weeks since that Vane and motel incident. It's been weeks that
I know Sir Marco knows something about it. Hindi ko alam kung may idea
siya kay Vane bilang step brother ko but I'm sure as hell, he was the one
driving that black car.

"Okay lang," ngiti kong sagot.

Ngumiti siya sa akin. He held my hand; squeeze it a bit before continuing


with his food.

There's no us, I know. But he still made this romantic dinner for us in
his apartment. For a moment, natuwa ako dahil nilalapit na niya ako sa
kama. His own bed! But guilt was killing me because he's not accusing me
of things.

"Anong gagawin mo sa semestral break, Sin?"

Inikot ko ang spaghetti ko at sinubo iyon. Tinitigan niya akong ngumuya


hanggang malunok ko ang pagkain. "Family vacation."

Tumaas ang kilay niya at ngumiti lalo. "Really?"

"With your mom's boyfriend?"

"Yes."

Tumango-tango si Sir. "Wala nang ibang kasama?"

"Actually—"

"Nevermind."

Nagkatitigan kami sa pagputol niya sa sasasabihin ko. I examined his


facial expression. He's still smiling. . . but I can sense the
seriousness in eyes.

"Hanggang kailan 'yun?"

"The trip?"

Tumango siya.

"Less than a week."

"Ah."

Sobrang uneasy ng feeling. Nakaka-stress. Nag-iinit na rin ang pakiramdam


ko at pinagpapawisan na ako nang malamig. I don't know what's up with
him. He's killing me with his kindness! Mula sa pagtitig ko sa spaghetti
na niluto niya, napalingon ako sa kamay niyang pumatong sa kamay ko.
Inangat ko ang tingin sa kanya.

"I want you to meet my family."

Nabilaukan ako ng sarili kong laway sa sinabi niya. "W-What?"


Lalo siyang ngumiti. "Let's go to Isabela after your family trip."

Napahawak ako sa noo ko. Parang biglang sumakit ang ulo ko sa narinig ko.
Nakita niya ata ang pagngiwi ko kaya nawala ang ngiti niya sa labi.

"Are you okay?"

Meet? His family? Bakit ko gagawin 'yon? Tumayo ako at lumapit sa kanya.
Sinundan lang niya ako ng tingin. I don't know what the hell is in his
mind right now. Hindi ko mabasa! Does he like me? Does he lust for me?
Does he want me in his bed right now? Kaya ba niya gustong ipakilala ako
sa pamilya niya ay para maikama na niya ako?

Then why not now? Bakit maghihintay pa ng matagal? Ano bang ginagawa sa
akin ng propesor na 'to? He's doing things I'm not expecting him to do
and it frustrates me.

"Sir?"

Nagtitigan kami hanggang sa makalapit ako sa kanya. I pushed the table to


sit on his lap. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko at tatayo na sana pero
hindi ko hinayaan.

"Sir, you don't know what you'r—"

"Drop the 'Sir'," he said, his breathing heavy.

Ngumisi ako nang makita ang paglalim ng mga mata niya habang nakakatitig
sa akin. Nilapit ko ang labi ko sa pisngi niya at bumulong. "I thought
you find it hot, Sir?"

"I do," he answered.

Huminga siya nang malalim nang halikan ko ang panga niyang tinutubuan na
ng balbas. Hinawakan niya ang baywang ko kaya mas nilapit ko pa ang
katawan ko sa kanya.

"I'm sexually attracted to you, Sin."

Lumayo ako sa kanya kaunti at tiningnan siya nang mataman. Agad akong
napangiti sa narinig ko. Game over. The game has ended and I won. I
massaged his chest with both of my hands. Hinalikan ko siya sa pisngi
pero nagulat ako nang hawakan niya ang braso ko para patigilin sa
ginagawa ko.
"It's not the best feeling in the world."

"Huh?"

"I saw you with a guy a few weeks ago entering a motel," he whispered on
my cheek. "And god knows how angry I was when I heard a guy's voice
answering your phone that morning."

"You waited for weeks to say that?" I was expecting him to get angry!
Frustrated. And that argument will lead to some hot make out or sex. But
he didn't say anything? Nagtimpi siya? Nagpaka-martyr siya?

What the hell?

Ngumisi siya at yumuko. "Am I not enough?"

Dahil walang balak pakawalan ni Sir ang kamay ko, inangat ko ang kamay
niya sa paghalik sa kanyang panga pataas. Inilayo niya muli ang mukha
niya sa akin na nagpakunot ng noo ko.

"Answer me, Sin," he said. "Am I not enough cause I'm not touching you
the way you wanted to be touched?"

Nanigas ang katawan ko sa sinabi niya. Nag-init din ang pakiramdam ko at


mas naging aware ako sa katawan kong nakaupo sa kanya. "Sir—"

"Drop. The. Sir."

Nanlaki ang mata ko sa pagkaseryoso niya. "O-Okay."

Pinakawalan niya ang mga kamay ko at hinawakan ang pisngi ko. "I don't
like to see you with other guys thinking all they want is your body," he
said. "And I don't want to touch you just because I lust for you."

"So you lust for me," I said with a smile.

"Every guy does. And I hate it that you want it."

Napalunok ako sa pinagsasasabi niya. I was about to stand up from sitting


in his lap but he pulled me. Closer to him. And hell, I want to kiss him.
I want him to kiss me. I want him. But what stopped me from acting my
thoughts was his next statement.

"You're more than just a sex object."


Napapikit ako sa narinig ko. Nanlabo ang nasa isip ko. There was lust.
And shock. And depression. And all the fvcked up things. Lalong sumakit
ang ulo ko. Huminga ako nang malalim. Hindi ko na mapigilan ang pagbilis
ng tibok ng puso ko.

Everytime I'm with a guy, there's always sex. Always. No emotions or


anything. Kaya bakit. . . bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ko
maintindihan! This. . .should not be like this.

"St—"

"You're so much more to me, Sinteya Yeo. The student I like."

I tried to joke, "studentzoned ba ako?" but failed miserable when he


pulled me into a hug. Tinulak ko siya para hindi niya maramdaman ang
bilis ng tibok ng puso ko. Ngumiti siya sa akin and I swear to the gods,
I'm scared as hell.

I'm scared for the words that will leave his lips.

"You're the student I like to have a serious relat—"

That was it. Diniin ko ang labi ko sa kanya. I don't want to hear things
anymore. Pinipigilan niya ako but I didn't stop. Gusto ko na lang ay
maghalikan at huwag na mag-usap. I forced my tongue to him. I heard his
moan but it wasn't enough. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang lakas
ko kahit na nanghihina ang katawan ko sa mga sinabi niya. I tried to
reach his crotch but he stopped me. Mas diniin ko ang halik sa labi niya.

I just want him to stop. I want him to not say anything more than that. I
don't deserve his words. Those. . .those feelings.

Lourd Marco Aceveda is killing me and I hate to know the reason why.

=================

Ngptkso 26

Ngptkso 26 // No Other Feelings


I was still a kid when I learned that guys only want to play. Hindi sila
nagseseryoso. Once they got what they want, aalis sila. Mang-iiwan.
Hahayaang umiyak ang babae. So if what they want is a game, give them a
game they won't forget.

Hindi dapat magseryoso. Kapag kasi nagseryoso, talo.

The attention of guys is what I ache for. I want them to lust over me. I
want them to want me. Alam kong mali 'yon, pero 'yon ang gusto ko because
that's the way I won't lose. Some may arch a brow on my life, but hell. I
only live once and I don’t want to suffer the consequences of not having
the time of my life.

Fuck people and their so-called 'morals' because deep down in their soul,
they also wanted to be fucked.

When I met Lourd Marco Aceveda, he’s so. . .innocent. And hot. I want
that innocence gone. Kasi alam kong maskara lang niya 'yon. Sooner or
later, that mask will fall off. And he’ll want me. He’ll want to touch
me. He’ll want to be inside me.

Just like any other guys who lust for any other girls.

Sure enough, that’s what he’s feeling, he said. But he’s ignoring those
thoughts. He’s stopping himself to do things. And the reason?

Because he likes me.

The like was greater than the want.

And I’m not sure if I’m okay with it.

“Eh ano ba talagang gusto mo, ineng?” Unica said with her arched brow.
Naka-ponytail ang straight at mahaba niyang buhok. Busy siya sa
pagpipinta pero kinakailangan kong lumapit sa kanya dahil sa pangyayaring
'to. “Gusto ka na pala ni Sir, eh. Hindi ba 'yun 'yung gusto mo?”

“I don’t want us to happen, I just want him to want me.”

“Ay ganun? Sex-sex lang?”

Napatingin kaming dalawa ni Unica sa phone kong nag-riring. Simula nang


nagmadali ako sa pag-alis sa apartment niya a few days ago, hindi na ako
nagpakita. Umabsent pa ako sa klase, twice. I just want to stay away from
him.
But he keeps on calling me. Walang palya.

“Promise, kung hindi mo sasagutin 'yang tawag, i-off mo na lang o


itatapon ko phone mo.”

Tumigil din naman ang tawag kaya napahiga ako sa kama at huminga nang
malalim. Pilit pumapasok sa isip ko ang mukha niya. His smile. Those
innocent eyes. Yung gesture niya tuwing kinikilig na iiling at ngingiti.

Shit talaga. I don’t deserve that kind of guy.

“Dun’ be too se’ious ‘bout it, Sin,” Ate Nena said while placing the
glass of juice on the table. “Loo’ at meh, fling fling lang. No hard
feelin's, 'ayt?”

“Seryoso Ate, fling lang kayo ni Gardo sa kabila?” tanong ni Unica.

“Sshh.” Nakangiti pa si Ate Nena. “But if ya’ dun’ want’ any


rela’ionship, then haf fun, girl! Dun' stress ye'self!”

Kumunot ang noo ni Unica habang nakatingin kay Ate Nena. Hinimas niya ang
noo niya habang natatawa. “Sige na, Ate. Tama na 'yan at ako ang
naiistress.”

Pagkaalis ni Ate Nena, pumikit ako. Sex lang ang habol ko. . . walang
feelings. Yun na 'yon! And Sir Marco—he wants those other feelings. But I
can’t. . . ugh.

Medyo nakakatulog na ako nang tumunog ulit ang phone ko. Bago ko pa
masagot ang tawag, kinuha na ni Unica ang phone. She was smiling when she
answered the call.

“Ah, yes, Sir—si Sin? Ito po, nagmumukmok sa kama ko kasi po natatakot
mainlove sa'y—”

“Shit!” Hinablot ko ang phone ko kay Unica. Tawa siya nang tawa.
Tiningnan ko ang screen only to see Unica’s face. Masamang tingin ang
ipinukol ko sa kanya. Pinakita pa niya ang screen ng iPhone niya sa akin
na connected sa phone ko. “Leche ka?!”

“Eh di lumabas din ang totoo,” she said. Tuluyan niyang tinigil ang
pagpipinta at humarap sa akin. “Gusto mong makipag-sex siya sa'yo para
ma-push mo ang point mong sex lang habol ng mga lalaki sa'yo. At dahil
iba si Sir, natatakot kang ma-in love—”

“I’m not.”
“Eh ano?” kumunot ang noo niya. “Hindi ko rin gets, teh. Ayan na oh,
sasaluhin ka niya kung ma-in love ka man. Sir Marco na 'yan, girl. Tiba-
tiba na,” natatawa niyang dagdag.

Bumuntong hininga ako. “Hindi ko alam.”

“Twenty one years mo nang pinipigilan ang sarili mo ma-in love. Ayan na
si Sir, offering you a free dick with a sprinkle of pagmamahal, aayaw
pa?”

Pinanlakihan ko siya ng mata dahil sa wordings niya. Tumawa lang siya


kaya umiling ako. “I need to drink.” Tumayo ako at inayos ang gamit.
“Sama ka?”

Nagkatinginan kami sandali. Iniwas niya ang tingin niya sa akin.

“Di pwede, eh. May gagawin ako.”

“Ano?”

Tumingin siya sa paligid. “Uh, magpipinta? Hindi pa ba obvious?”

Umirap na lang ako habang tumatawa. This girl really needs a life! Or. .
.I need a life?

Binigay sa akin ni Unica ang card niya para makapasok agad sa The Ultima,
isang high-end bar na pagmamay-ari ni Kuya Ulysses, Unica’s second older
brother. Hindi nabigo ang platinum card ni Unica dahil pinapasok agad
ako. I went straight to the counter and ordered a shot.

Get drunk. That's my mission. And be distracted.

Maingay ang buong bar dahil sa malakas na sound system at mga tao pero
mas maingay ang nagsisigawang grupo sa isang parte. Pamilyar ang mga
mukha nila but I can’t pin point who they are. Mukhang nagkakasiyahan
sila roon. Pagtingin ko sa kabila, kamuntikan kong mabuga ang iniinom ko
nang makita ko si Sir Marco.

Kinusot ko ang mata ko.

I'm hallucinating. Gods!

Naka-ilang shots na ako kaya nakatulala na lang nang kalabitin ako ng


isang waiter. “From an admirer, madam,” he said as he placed a glass of
Margarita on the table. The guy which was pointed by the waiter smiled at
me. Ginaya ko ang pagtaas niya ng baso at ngumiti.

A few seconds later, nasa tabi ko na ang lalaki na akala yata ay close
kami. “Alone?” he asked.

Tumingin ako sa paligid. “Nandito 'yung mga friends ko, invisible lang
ata.”

He laughed at my joke and stared at me with his eyes full of desire. Ito
ang sinasabi ko – guys who lust for me. Guys who wants me. Not likes me.
Tiningnan niya ang kabuuan ko habang ngiting-ngiti.

“Why are you staring?” I whispered with a smile.

Lalong lumawak ang ngisi niya. Hinawakan niya ang braso ko kaya lalo
akong napangiti. This. . .this is the feeling that I want.

“Can’t help it, you’re more beautiful in a closer view.”

“Yes, and she’s mine.”

Napalingon ako nang maramdamang may humawak sa balikat ko. “Vane?”

Nagkatinginan kami ng lalaking nakikipaglandian sa akin. Tumaas ang kilay


niyang nakatingin kay Vane. “You know this guy?” he asked me.

Inangat ko ang tingin kay Vane dahil sa tangkad niya. He was seriously
staring at me it’s giving me a headache. Binalik ko ang tingin sa lalaki
at ngumiti.

“Yeah.”

“See?” Vane said to the guy. Hinatak niya ang lalaki sa balikat patayo.
Vane’s much taller kahit mukhang mas matanda ang lalaki sa kanya. “Get
the hell out of here.”

Tinulak ni Vane ang lalaki. The guy glared at me kaya ngumiti ako lalo.
“Thanks for the drink,” I said and raised it to him.

Umiling ang lalaki sa akin. Natatawa akong ininom ang nilibre niya. Umupo
sa tabi ko si Vane at kinuha ang baso sa akin saka nilagok lahat.

“Hey!” pagsaway ko sa kanya. I looked at the glass – empty. Ugh, I need


another one.
“Don’t drink alcohols from strangers.”

Tumatawa akong tumayo. Lumapit ako sa bartender na busy sa pag gawa ng


drinks sa counter bago humarap kay Vane na sumunod sa akin. “Really? You
really like preaching, huh.” Umiling ako. “Bakit ka ba nandito, bawal ka
sa ganito, ah?”

Tumaas ang kilay niya. “I’m already eighteen.” Proud pa siya sa


pagkakasabi niya.

Nagtaas ako ng kamay para tawagin ang bartender at para mag-order ulit ng
drink. Tinuro ko si Vane at sinabing siya ang magbabayad ng mga 'to bago
naupo sa stool. Nanlaki pa ang mata ni Vane kaya nginitian ko siya.

“Mayaman ka naman,” sabi ko. “Or else, you want our dad to know about
this.”

Pinasadahan niya ng kamay ang hanggang balikat na buhok. He looked


stress. Alam niyang may say ako dahil ako ang pinapaniwalaan ni Javier.
Tulad dati na nag motel kami ay naabswelto siya dahil sa pagtatakip ko sa
kanya.

“Sige, babayaran ko 'yan in one condition.”

Kumunot ang noo ko. Napapapikit ako sa ingay ng bar at sa dilim. Siguro
dahil na din sa alcohol sa katawan ko. “What condition?”

Binigay sa akin ng bartender ang inumin. Uminom na ako doon habang


naramdaman ko ang pagpulupot ng kamay ni Vane sa baywang ko. Nag-init ang
pakiramdam ko nang tumama ang katawan niya sa akin.

“Let’s get out of here,” he whispered.

“At bakit?”

Tinuro niya gamit ang mga mata niya ang gilid. Sumilip ako mula sa
likuran niya. I saw the group of guys earlier na nagkakasiyahan. Some
were laughing while some were drinking with their eyes on me. Us.

“What’s up with them?”

“I told them I can get you in bed.”


Napaawang ang bibig ko at tinulak ko siya pero mas nilapit niya ang
sarili niya sa akin. “You’re kidding, right?”

“No.”

“What the hell, Vane?”

Kinagat niya ang labi niya at bumuntong hininga. “Hindi naman kita—uh,
basta! I just need them to hear things.”

Pinandilatan ko siya. “Bakit ako?”

Kinuha niya ang basong hawak ko at uminom doon saka nag-iwas ng tingin.
“I lost our bet and they dared me to bed the hottest girl in this bar.”

Tumawa ako sa narinig ko kahit feeling ko wala namang nakakatawa.


Hinawakan ko ang pisngi niya at ngumiti. Sumandal din ako sa dibdib niya.
“Hottest girl, huh?” I could hear his heart banging from his chest. Or
maybe that’s just the loud music. “What’s in it for me?”

“Nilibre kita ng inumin.”

Napaupo ako nang maayos at parang nahilo pa ako sa biglaan kong ginawa.
Napahawak siya sa akin to balance me. “Isa lang?! Sa tingin mo papayag
ako sa crazy idea mo with just one drink?”

“Then what do you want?”

I giggled before answering, “I’ll think about it.”

Nag-order pa ako ng isang drink. Pagkabigay sa akin ay ininom ko ito nang


ilang lagok lang. Hinayaan kong nasa tabi si Vane na nakatayo. He was
waiting. He was patiently waiting and I couldn’t stop myself from
laughing! Tumingin ako sa mga kaibigan niya na nakatingin pa rin sa amin.

He cleared his throat. “Are you game?”

“They just need to hear things?”

“Yes,” he said, his voice was low. His eyes were serious. I giggled and
tapped his cheek. Bakit ba ang cute ng step brother kong 'to? He's a mix
of hot guy, bad boy and innocence. It was a weird combination.
“Tara.” Hinatak ko siya palapit sa akin na kinagulat niya. He was
startled when I kissed him in the cheek and whispered to his ear. “Hindi
sila maniniwala kung hindi nila makikita ang halikan, right?”

I moved Vane to get his guy friends out of my sight. His back facing his
friends. Nilapit ko ang labi ko sa labi niya with an inch for a distance
at bumulong ulit. “Try mo magpanggap na nakikipaghalikan,” natatawa kong
sabi. Hinawakan ko ang kamay ni Vane at pinulupot sa baywang ko. “Don’t
be too stiff.”

Naramdaman ko ang labi ni Vane sa leeg ko at nag-init bigla ang


pakiramdam ko. Tinulak ko siya dahil nakikiliti ako sa buhok niyang
tumatama sa panga ko. “Huwag mong idikit.”

I felt him smile on my neck. “Sorry.”

Tulad ng sinabi ko, hindi niya dinikit ang labi niya sa balat ko. We’re
moving. And swaying. Just like we’re really actually kissing. May mga
times na tumatama ang buhok niya sa akin. Ang ilong niya sa akin o minsan
ay tatama ang labi niya sa balat ko but that was it. I saw his friends
looking at us with their mouth hanged open. Napangiti ako doon habang
bumubulong kay Vane.

“Bayaran mo na 'yung inumin while we’re doing this, then let’s get out of
here.”

“You’re an expert on this.”

My smiled widened. “Hindi naman, I’m just three years more experienced
than you.”

Pagkabayad ni Vane, napatingin ako sa tao sa kabilang table. She was


eyeing us and all I could do was smile. Nagtataka siguro siya sa pinag
gagagawa namin ni Vane.

Hinatak ako ni Vane patayo para makaalis sa bar. Hinila niya ako sa isang
pulang kotse na never ko pang nakita and it was a sexy car. Binuksan niya
ang pintuan at pinapasok ako.

“What a gentleman,” I giggled.

Nilingon ko siya pagkapasok niya sa driver's seat. Hindi ko mapigilan ang


pagka-amaze sa loob ng kotse. “Your car?”

Umiling siya. He started the engine. “My car is with Dad. Pinahiram lang
sa akin 'to ngayong gabi.”
“Just for you to bed a girl?”

“Yeah.”

Tumawa ako kahit hindi ko alam kung bakit. Tahimik kami sa byahe. Diretso
kami sa receptionist pagkarating sa motel. Si Vane ang nagbayad, courtesy
from his friends. Just to bed a girl. Grabe lang. Nasa elevator kami ni
Vane nang i-explain niya sa akin ang mga dapat gawin.

“I need to call them, and let them hear things.”

“Tapos?”

“Ayun lang.”

“Okay,” I said. Ayun lang naman pala, eh.

Pagkarating namin sa floor namin, I instructed him to call his friends.


Nagtaka pa siya kung bakit pero pinilit ko siya. He dialed his phone and
his friends answered it. Hindi ko hinayaang magsalita si Vane and I know
the call was in loud speaker.

“I want you,” I said. Nanlaki ang mata ni Vane sa sinabi ko. Ngumisi ako
habang tinutulak ko siya papunta sa room namin. “C’mon, open the damn
door,” I whispered to the phone. Kinuha ko ang susi kay Vane na gulat pa
rin. Kinalabog ko ang pinto bago ito binuksan.

“Sin—”

Hindi ko na pinatapos si Vane nang takpan ko ang bibig niya at tinulak


papuntang kama. I can sense Vane is still in shock on what was happening.
Pumatong ako sa nakahigang katawan niya.

“V-Vane,” I moaned as sexually as I can.

“Damn Vane, anong nangyayari na d'yan!” rinig kong sigaw sa kabilang


linya. “Tangina pre, nakapuntos na—” then a muffled sound. Then some
laugh. Gasps. And some music.

Those reactions made me smile.

“What are you doing?” he whispered to me, blocking the mouth piece of his
phone.
“Having sex,” natatawa kong sabi. “C’mon Vane, let your friends hear your
moan.”

“I can’t fake a—”

Ako na ang yumuko para hinalikan siya sa panga. I trailed my tongue on


his hot skin. And before I knew it. There. He moaned. Mas lalo akong
napangiti sa reaksyon ni Vane. Kinilabutan siya. Umupo ako nang maayos at
napansin ang paghinga niya nang malalim habang nakatingin sa akin.

“Make me moan,” I commanded. Hindi siya kumilos kaya napairap ulit ako.
Ako lang ba talaga gagawa ng lahat? Nilapit ko ang phone niya sa tainga
niya. And with my face buried to his neck, I moaned as I licked his neck
to make him create a sound.

Mas lalong lumakas ang reaksyon sa kabilang linya.

“Are you ready?” I said to Vane.

Mukhang wala na siya sa katinuan dahil ang nasagot na lang niya ay isang
‘huh’ kaya natawa ako. Inayos ko ang upo ko sa katawan ni Vane. And
because I need a reaction from him, naupo ako sa tapat ng crotch niya. I
can feel him down and that’s what I need right now.

I’m aching for something. . .but this is all for a show.

I started grinding my body to him. Nanlaki ang mata niya sa ginawa ko


pero hindi ko pa rin tinigil. I mouthed ‘moan for me’ and he did. I
massaged his body still with his clothes on and smiled when his eyes
started to flutter and his breathing was getting a lot more heavier.

Hindi ko na siya kailangan utusan gumawa ng ingay. He was doing it all on


his own. He held my waist and started moving me to the phase he wants me
to move. Mas mabilis. Nararamdaman ko na ring ginagalaw na niya ang
sarili niya papunta sa akin. We were meeting halfway. . .and I was
feeling something inside that I was aching to feel.

Nababaliw na ako.

Bumibilis ang paghinga ko sa bawat pag-galaw. Ganoon din si Vane sa


ilalim ko. He stopped me from moving. Inikot niya ako at pumaibabaw. We
stared at each other as he intertwined our hands on both of my side. His
dark eyes were staring at me. Binaba ko ang tingin sa labi niya na
nakaawang kaunti and gods. . . I want to. . .

“Vane’s the man!”


Natauhan ako sa narinig ko. “Shit!”

Lumingin ako sa phone at agad kinancel ang call. Nagkatitigan pa kami ni


Vane sandali bago siya umikot para mahiga sa tabi ko. Then silence.
Walang nagsalita sa aming dalawa habang nakatitig sa kisame. We’re both
panting and I don’t know if it’s the alcohol or lust kicking inside of
me.

“That was fun,” Vane said after a few seconds of silence. I looked at him
and he was grinning at me.

Napairap ako. “Sakto lang,” I said. Bitin.

“Can I have your panty?” he said.

Nanlaki ang mata ko. “What?!”

“Kailangan ng ebidensya,” tumatawa pa siya.

“Seriously?”

Mukhang narealize niya ang sinabi niya kaya mas lalo siyang natawa. “That
was weird,” he said. “Why would I ask for your panty?” He smirked at me.
“Bibili na lang pala ako.”

Naimagine ko si Vane na pupunta sa isang lingerie shop to buy a panty.


Natawa ako bigla sa imagination ko.

“Fine,” I said. “Let’s go home and bring one to them. Kung gusto mo i-
paframe niyo pa,” natatawa kong sabi.

Hindi pa rin natapos ang tawa ni Vane at umupo nang maayos. Hinihingal pa
rin siya at pinagpapawisan. Hindi ko maiwas ang tingin ko sa ibaba. He
needs to do something about that. Mukhang sasabog na. That thought made
me giggle. I want to help but. . . but what?

“I didn’t know you’re this cool, Sin,” he said, his voice serious.

Ngumiti ako sa kanya. He's staring at me. Ngumisi ako dahil kabisado ko
na kung ano ang nasa mata niya. Lust. Desire. A guy feeling. Umupo ako at
hinalikan siya sa pisngi. “You still owe me something in return, my dear
step bro.”

Kinuha niya ang phone niya na tumunog. Ang laki ng ngiti ni Vane nang
ipakita niya sa akin ang text ng kaibigan niya.
Jax UnivThat was hot bro! Damn. Inggit na inggit si Miller hahahahaha
shit.

Nagkatinginan kami ni Vane at tumawa. That was the distraction I needed.


No other feelings involved. And hell, there's no denying it was really
fun.

____

Media picture: Tweet ng the real sinteya yeo sa picture ni Sir Marco
hihihi ♥

=================

Ngptkso 27

Ngptkso 27 // Devil's Touch

"Three o'clock."

"Mine or yours?"

Umikot si Unica para tumalikod sa akin. Tumawa siya bago humarap sa akin.
"Fine, nine o'clock mo."

Lumingon ako sa kaliwa. Gusto kong sakalin si Unica pero nanigas ako sa
kinatatayuan ko nang makita si Lourd Marco Aceveda na naglalakad sa
hallway. He was talking to a student na mukhang kinukulit siya for the
final grade. Casual ang attire niya pero smart pa rin tingnan. Kung
sobrang casual naman kasi, hindi na obvious na isa siyang professor.

Binalingan ko si Unica. She stared at me with curiosity.

"Ay ganun, walang kilig moment?"

Pinanlakihan ko siya ng mata at hinatak palayo. Nakuha naman na namin ang


grades namin kaya pwede na kaming makaalis. Nagmadali akong bumaba,
sumusunod si Unica. We even saw the radio booth na mukhang magiging okay
na para sa next semester.

"Sa wakas maayos na ang Values ko!" tuwang-tuwa na sabi ni Unica.

Ngumisi ako. "May pageant next sem."

Nadismaya at mukhang nabadtrip ang mukha ni Unica kaya natawa ako. Umupo
kami sa pwesto namin sa cafeteria. Mula sa ngiti ay naging seryoso ang
mukha ni Unica.

"What's up with you?"

Natauhan siya sa pagtawag ko sa kanya pero kita pa rin ang pagkatulala


niya. Nilingon ko ang mukhang tinitingnan niya at naghanap ng gwapo or
something. Pero ang nakita ko lang ay si Geeky Chino na may kasamang
babae na petite at mukhang mahinhin. They were both laughing. And looks
cute.

"May girlfriend pala si Chino?"

Kumunot ang noo ni Unica. "Pake ko? Panget naman nila."

Tumawa ako sa reaksyon ni Unica. Umirap siya sa akin at marahas na kinuha


ang grade ko mula sa kamay ko. Kumunot ang noo niya.

"Wala kang grade sa Ethics?" she asked. Napakagat ako ng labi. She looked
at me with an arched brow. "Anyare?"

"Nag-drop ako."

Nanlaki ang mata niya. "Kailan?"

"Ages ago."

"Pero pumapasok ka pa nung midterms, ah? Bawal na mag-drop n'un!"

"I dropped myself from the class."

Tumaas lalo ang kilay niya sa sinabi ko. Pinagmasdan niya ako at
pinanliitan ng singkit niyang mata bago tumayo at kumuha ng pera sa
wallet. Mag-order lang daw muna siya. I was staring into nothing hanggang
sa dumating si Unica dala ang tray ng mga pagkain.
"Anyare? Bakit hindi mo sinabi 'to?"

Huminga ako nang malalim at kumuha ng fries sa pagkain niya. "I need to
stay away from him."

"Kanino? Si Si—"

"Miss Valentine."

From that voice. From the owner of that freaking sexy voice!

Kaagad akong kinabahan sa narinig kong boses mula sa likuran ko. Napaupo
nang maayos si Unica habang nakatingin sa akin. Nanlalaki ang mata niya
nang ngumiti siya sa taong nasa likuran ko.

"Hi Sir," bati ni Unica na may pagtataka pa rin sa mata pagtingin sa


akin.

"Ms. Yeo."

Pumikit ako at huminga nang malalim bago lumingon kay Sir Marco.
Nakatingin siya sa akin nang seryoso. I didn't greet back. Ngumiti lang
ako at kumaway kaunti bago ko binalik ang tingin kay Unica. Who was
staring at us.

Gusto kong tumakbo palayo nang umupo si Sir Marco sa tabi ko.

"Ang tagal nating hindi nagkita, Ms. Yeo," he said. I could see him in my
peripheral vision. He's staring at me.

Ngumiti ako. Still not looking at him. "Ah, oo nga, Sir."

"Decided to stop schooling? May I?" tanong niya kay Unica na hawak ang
grade ko. Umiling ako kay Unica pero kinuha na ni Sir ang grades ko. It's
so awkward I want to die right now. Tiningnan ko ang expression ng mukha
niyang mula sa ngiti ay naging seryoso. A few seconds later, his brows
furrowed. "Ethics lang."

Oh gods. Can I die?

"Sir!" Napalingon kaming lahat sa sigaw ng tatlong lalaki na palapit sa


table namin. I recognize them as first years. Lumapit sila sa amin,
specifically kay Sir Marco. "Project na lang oh, Sir sige na. Nagagalit
nanay ko, eh."
Tumayo si Sir Marco at nagpaalam sa amin. Hindi ko siya matingnan kaya
ngumiti lang ako at kumaway bago siya umalis kasama ang mga estudyante
niya. Tahimik kami ni Unica pagkaalis ni Sir Marco. She was the one who
broke the silence.

"Gets mo namang para grumaduate, kailangan mo ipasa ang Ethics, di ba?"


tanong niya sa akin habang kinakain ang garlic bread niya. "Isang sem na
lang, graduate na tayo. Hindi mo pa siya pinasukan?"

"Kailangan ko kasi lumayo."

Lalong kumunot ang noo niya at inobserbahan ako. "Gets mo rin naman na
malaki ang chance na si Sir pa rin ang prof mo sa Ethics next sem?"

It was an impulsive decision, I know. Hindi ako pumasok sa klase niya


hanggang matapos ang semester dahil natatakot ako. Umiwas ako. Fvck.
Nawalan ako ng balls. Ugh. I don't even have balls! Gusto kong matawa sa
katangahan ko but I need to protect him from me. Or protect myself from
his feelings.

I don't know!

"There's also a chance na hindi siya ang prof. Or kung siya man, pwedeng
wala na 'yung feelings."

Tumawa si Unica. Inusente man ang mukha niya, mas nadagdagan ng sakit ang
sinabi niya dahil sa malalim niyang boses. "Pinaka bobong desisyon,
Sinteya."

Umirap ako kaya mas lalo siyang tumawa. "Sumasakit ulo ko sa'yo."

"Mas lalo ako!" Tumingin siya sa likuran ko at kumunot ang noo. Umirap
siya at tumingin sa akin. "Bwisit, sumasakit din mata ko sa mga nakikita
ko. Alis na ako," she said and stood up. Hindi pa nauubos ang pagkain
niya. "May meeting pa dun sa pesteng pageant."

Tumango ako at umalis na siya.

Semestral break na kaya hindi na nagdalawang isip si Erica para i-push


ang kagustuhan niyang pagpunta sa Puerto Galera. Iniisip ko pa lang na
magtatampisaw kami sa beach nang ganitong buwan, giniginaw na ako. But
Erica insisted. Sa sobrang excited niya, gumawa pa siya ng listahan ng
mga gagawin namin doon for three days and two nights.

"Let's go scuba diving after the beach then we can let the kids drink a
few alcohols, no? Let's enjoy our family vacation, okay?" Erica said
smiling.
Nasa front seat siya katabi ni Javier na nag-da-drive. Vane is sitting
beside me, his eyes closed at may nakapasak na earphones sa magkabilang
tainga.

Javier looked at Erica and smiled. Parang may kung ano akong naramdaman
sa tiyan ko. His smile was so pure, nakakainis. I'm remembering a guy I
should not remember. C'mon, mind. Give me a break!

Hinawakan ni Javier ang kamay ni Erica. "Okay, Babe."

Pinapanood ko silang dalawa. Minsan ay magtitinginan sila at


magngingitian sa kahabaan ng byahe. Gusto kong masuka sa sweetness nila.
Not that they're not sweet in the house. . .pero ito kasi, back seat pa
ako. I can see their every move. Hindi tulad pag may pasok ako at sila ay
inaasikaso ang wedding nila, parang wala lang.

Lumingon ako nang biglang sumandal ang ulo ni Vane sa balikat ko. He's
asleep. Ewan ko rin kung bakit bigla akong sumandal sa ulo ni Vane bago
pa lumingon si Erica sa amin. I heard her sigh.

"Look, Babe. Our kids. They look so cute," she said.

Kids, really?

Narinig ko ang tawa ni Javier. "Can't, Babe. Mababangga tayo."

"Picture-an ko na lang sila," Erica giggled. May binulong si Javier na


hindi ko naintindihan. Bumulong din si Erica then a click and a
snap. Ang huli kong narinig mula kay Javier ay, "to fix things."

Namalayan kong nakatulog pala ako nang magising ako nang sobrang sakit
ang leeg ko. Nanlaki ang mata ko sa realization na nakasandal ang ulo ko
sa balikat ni Vane. Nakatingin siya sa akin at nakangiti. His earphones
still on his ear.

"Morning, sleeping beauty," he whispered.

Umupo ako nang maayos at tumingin sa labas. The buildings were gone and
before I knew it, we're at the pier. May kinausap si Javier sa parking
thing while Erica is doing something near the cashier or something. Naupo
kami ni Vane sa tabi habang naghihintay when my phone vibrated.

Need to Ignore ♥You don't need to reply, I know you won't. Still, enjoy
your vacation. I just remembered it's today, right? G'Morning :)
Nanginig ang kamay ko. Tinitigan ko ang text niya hanggang sa naramdaman
ko ang akbay ni Vane sa akin. Naka-sun glasses na siya at mukhang ready
na sa beach kahit medyo malamig. He smirked at me and saw him look at my
phone.

"Nagtext na si propesor!" malakas ang boses na sabi ni Vane. "Sweet n'yan


ah, 'need to ignore' na pangalan," tawa niya.

Umirap ako at tinulak ang mukha niya. "Shut it, Vane."

Sumipol siya at tinaas ang dalawang kamay sa ere. Ang laki ng ngisi niya
habang naglalakad palayo para kuhanin ang mga bag namin.

"Let's go?" aya ni Erica sa amin.

Pinatay ko ang phone ko. . . I don't want to receive messages like that
in this vacation. Bakasyon nga, eh. Break! What is this professor doing
to me?!

Dala-dala ang sari-sarili naming bag, umakyat kami sa ferry matapos ng


ilang usap na naganap. Iniwan ang kotse sa carpark ng pier. Naupo kami sa
pwesto namin at nawala ang stress ko sa text nang makita ang magandang
dagat sa pag andar ng ferry.

Lahat kami nila Javier, Erica at ako ay masaya at nagkukwentuhan pwera


kay Vane na hindi mapakali sa pwesto.

"Picture!" Erica said at nakipag-selfie sa amin ni Vane na tahimik.

Nang sila Erica at Javier naman ang nag-picture at tawanan (and


seriously, they act like teenagers!), binalingan ko si Vane na seryoso pa
rin ang mukha.

"What's your problem?" I asked.

Nilingon ako ni Vane. "Never been a fan of boats."

"Scared?"

Hinimas niya ang braso niya. Naka-sleeveless siyang kulay white. With a
black skinny pants to partner it with. "Childhood."

"What about?" I asked.


"You'll just laugh at me."

"Try me."

Ngumisi siya sa akin at binaba ang sunglasses niya. "Try you?"

I arched a brow. "Why not?"

Nagkangitian kaming dalawa kaya napairap ako. This. . .this happened


after the night in the bar. Or motel. Hindi ko alam kung lumalandi ba ako
o malandi talaga ako tapos itong si Vane ay nanlalandi rin kaya para
kaming adik na naglalandian na hindi.

It was weird, really.

Pinasadahan niya ng kamay ang buhok niya at tinali ito. Sa pagtali ng


buhok, natitigan ko ang braso niyang mas nadepina ang muscles at ang
ilang ugat na nandoon. Napapansin ko ring tumitingin ang ilang tao sa
paligid namin sa kanya. Because of his good looks, long semi-curly hair,
or tattoos, hindi ko sila masisisi.

"Nahulog ako sa dagat nung bata ako, muntik na malunod."

"Really?"

Tumango siya. "Makulit kasi ako nung bata ako." Hinimas niya ulit ang
braso niya. "Lumusot ako sa bintana tapos ayun."

"Eh di dapat sa dagat ka takot?"

"Okay ako sa dagat, huwag lang mahulog galing sa taas papuntang dagat."

Pinipigilan ko ang pagngisi. Na-imagine ko kasi ang itsura ni Vane na


lumusot sa bintana at nahulog. Na-imagine ko rin ang pag-iyak niya. I
mean, look at this guy. Matangkad, long hair pa at may mga tato. He looks
sexy. . .and yet, takot sa ganito?

"She won't laugh, she said," he said, his brows furrowed.

Tinakpan ko ang bibig ko. "I'm not."

Nakatitig siya sa akin nang umiiling. Ang sama ng tingin niya kaya natawa
na ako nang tuluyan. Tumingin sa amin si Erica at agad pinicture-an ang
pangyayari.
One and a half hour ang byahe namin sa ferry kaya medyo pagod pagkasakay
ng tricycle papunta sa resort na tutuluyan namin. We settled our bags
before eating.

Pagkatapos kumain, dumiretso si Javier sa may mga diving thing kasama si


Erica while as for me, napagdesisyunan kong magpahinga muna sa suite
dahil sa pagod.

Nagising ako sa katok sa pintuan. It was Vane, and he's already in his
beach shorts. His topless body was wet with water. Mukhang nag-shower
muna siya.

"Now you lock your doors?" nakangisi niyang sabi. I just smirked.
"Beach?"

"Saan sila?"

"Nauna na."

Tumango ako. "Bihis lang ako." Sinara ko ang pinto, didn't bother locking
it at nagshower sandali saka nagbihis ng bikini, short shorts at white
sando pantaas. Nakahiga sa sofa si Vane na naghihintay sa akin paglabas
ko ng kwarto. "Let's go?"

Lumingon sa akin si Vane. Pinasadahan niya ako ng tingin at agad ngumiti


saka tumayo. Habang naglalakad papuntang beach, panay ang ngiti niya.
Nauuna siyang maglakad kaya nakikita ko ang magugulong linyang tattoo
niya sa bandang taas ng likuran. I'm still curious what those lines are
all about.

Erica was lying on a beach reclining chair under a big umbrella. People
were everywhere – pero hindi siksikan. Siguro dahil hindi ito summer time
at para lang sa malalakas ang loob ang mag-beach sa last week ng October.

I sat to the other reclining chair and saw a plastic table in between the
two chairs. Napangiti agad ako dahil mukhang pinaghandaan talaga nila ang
bakasyon na ito. Binigay ni Erica ang sunblock sa akin kaya sinumulan
kong magpahid sa braso, legs, leeg balikat at mukha.

Hinubad ko ang sando ko at lumingon kay Erica para sana magpapahid ng


sunblock sa likod only to see no one.

"Sunblock?"

Umupo si Vane sa pwesto ni Erica kanina. Tumalikod ako sa kanya


pagkabigay ko ng sunblock. I heard the opening of the bottle behind me.
Narinig ko rin ang malalim na paghinga ni Vane and I, too, breathed
heavily when I felt his hand on my back.

"Do you work out?" Vane asked while putting sunblock on my back shoulder.

Malalim ang bawat paghinga ko dahil sa init ng palad niya. "Why?"

"Your body," he said.

Lumingon ako kaunti pero hindi ko siya maaninag masyado. "What's with my
body?"

"Wala."

"Stop checking on me, baka mag-init ka," natatawa kong sabi.

Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Pinahiran niya ng sunblock ang buong
likuran ko and I know it's done. But his hands started caressing my hips
that made my body arch with his touch.

"Vane," I called.

"Hmm?"

Napakagat ako ng labi sa narinig kong parang isang imbitasyon. Nakikiliti


na ako sa pagpahid niya ng sunblock sa gilid ko. I felt his hands going
higher. . .and higher. . . higher.

Hinawakan ko ang kamay niya para itigil siya. Kaunting galaw na lang ay
nasa gilid na ng dibdib ko ang dalawa niyang kamay. He was not going to
stop. . .so I need him to stop. I was holding my breath, fvck. This is
not good.

"You're burning me," I said, catching my breath. "Stop."

Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ko ang hininga ni Vane sa balikat ko


papunta sa leeg ko. Napakagat ako ng labi nang maramdaman ang labi niyang
dumampi sa leeg ko. I felt him smile.

"That's the goal," he said, almost whispering. "Burn to my touch."

Mabilis ang paglingon ko sa kanya. He was smirking when he stood up and


gave me the bottle of sunblock. Pinagmasdan ko siya habang papunta sa
dagat.
"You okay, honey?" Erica asked. Lumingon ako sa kanya na naglalakad
palapit sa akin. Umupo siya muli sa pwesto niya na may hawak nang isang
baso ng pineapple juice. "You're all red, na-sun burn ka kaagad?"

Umiling ako. Hindi ko magawang ngumiti. Tumingin ako kay Vane na


nagtatampisaw na sa dagat na nakatingin nang diretso sa akin. Huminga ako
nang malalim. Ugh. Fvck his devil touch.

______

Happy graduation day sa mga grumaduate, gumagraduate (wat) at ga-


graduate! :D

=================

Ngptkso 28

Ngptkso 28 // Game Start

Nagbabad kami sa dagat at buti na lang nag-sunblock ako kaya hindi


nasunog ang balat ko. Tawa naman ako nang tawa dahil sa itsura ni Vane na
nasunog ang balat. Nasa restaurant kami habang kumakain ng dinner nang
paluin ko ang balikat niyang namumula.

Sumigaw siya sa sobrang sakit kaya lalo akong natawa.

“Sorry.” Nag-peace sign ako.

Tinitigan niya ako nang masama pero hindi siya makakilos nang maayos
dahil na rin sa sunburn pati sa tingin ni Javier. Minamatyagan siya ni
Javier nang maligo kami sa dagat. Mukhang nasa kanya ang half atensyon ng
daddy niya.

So yeah, he needs to be a good boy for his beloved car.

Nagkwentuhan kami sa hapagkainan tungkol sa school without me saying that


I dropped Ethics and I need to get that subject again the next sem. Ilang
minor at last sem for thesis na lang naman ako. Hindi na ako nagko-
complain dahil masisipag ang mga kagrupo ko for our feasib. Mukhang hindi
rin naman nila idea ang pagtuon ng pansin sa grades ko dahil may iba pang
issues. For example: Eddard Vane Yboa.
“Ikaw Ned.” Tiningnan ni Javier si Vane habang kumakain. “Balak mo nang
bumalik sa school next sem?”

Diretso ang tingin ni Vane sa pagkain niyang sumagot. “May magagawa ba


ako?”

“Pwede kang humindi para hindi masayang ang pang-tuition fe—”

“Babe.” Hinawakan ni Erica ang kamay ni Javier at umiling. Bumuntong


hininga si Javier at nagpatuloy sa pagkain. Napansin ko ang masamang
tingin na pinukol ni Vane sa daddy niya bago isubo ang pagkain. “Having
fun, kids?” pag-divert ni Erica sa awkward silence.

“I’m having fun,” I said with a smile. Nilingon ko sa tabi ko si Vane at


pinalo siya ulit sa balikat kaya napasubsob siya at napangiwi sa sakit.
“Hindi ba, Vane? Ang saya?”

Dahan-dahan siyang lumingon sa akin nang masama ang tingin. I couldn’t


help myself but to laugh. Pinanlisikan niya ako nang nangungusap niyang
mata. He grimaced and I grinned in return.

“After this vacation, may gagawin pa kayo?” tanong ni Javier while


sipping his wine. “Kailangan na kayo sukatan para sa kasal. Bride's maid
at best man.”

Natawa si Vane. “Best man?”

Tiningnan ni Javier si Vane at ngumiti. “Gusto mo bang maging ring


bearer? Sabihin mo lang.”

Umirap si Vane at nagpatuloy sa pagkain. Sa buong kwentuhan tungkol sa


wedding nila Javier at Erica, tahimik si Vane. Hindi na nga siya nakinig
dahil nagpasak pa siya ng earphones sa tainga. While as for Erica,
excited siyang nagsasabi sa akin na malapit na matapos ang guest list,
ang mga souvenirs at pipili na lang siya ng gown nang kasama ako.

I don't know what the hell they did pero dalawang buwan na lang, ikakasal
na sila. That fast! Pagpasok ng bagong taon, they'll get married. My mom
will be Mrs. Yboa.

Ako na lang ang Yeo.

“Nagmamadali talaga kayo?” I asked.


Nagkangitian sila Javier at Erica. Umismid si Vane kaya tumalas ang
tingin ni Javier sa kanya. Ngumiti sa akin si Erica. “I told you Honey,
matagal ang hinintay namin para rito.”

That’s what they always answer. It’s about time they get married. They
look so hopeless romantic I want to puke. But okay, for Erica – if she’s
happy, I’m good. Kahit nakakasuka talaga. Okay lang din naman na si
Javier all of that father figure and shit. Sana lang ay hindi siya gumawa
ng ikakabadtrip ko. . .o ikakaiyak ni Erica.

Bumalik na kami sa suite pagkatapos kumain. Tulog agad sila Javier at


Erica o gusto lang nilang mapag-isa sa kwarto nila. Vane’s watching TV
when I decided to sit next to him and open my phone that was off since we
got here. Madaling araw na rin – wasn’t expecting any text pero dumating
ang ilang text galing sa mga naging kaklase ko at puro GM ng kalandian
nila.

There’s no text message from Lourd Marco Aceveda.

Bakit?

“Malapit na talaga araw ng mga patay,” sabi ni Vane. Umangat ang tingin
ko sa kanya na nakangising nakatutok ang mata sa TV.

“Huh?”

Binalingan niya ako. Hinawakan niya ang baba ko at nilapit sa kanya ang
mukha ko na halos magtama ang mga ilong namin sa isa't isa. “Para kang
namatayan.”

Tinulak ko ang mukha niya palayo sa akin kaya tawa siya nang tawa. Umirap
ako at tinago ang phone ko nang tumunog ito. Kumunot ang noo kong
tiningnan ang screen ng phone. Tumingin pa ako sa orasan just to make
sure. It was three in the morning already and yet, Unica’s calling?

Pagkasagot ko ng phone, nagtaka ako dahil biglang nawala 'yung tawag.

Sinibukan kong tawagan si Unica pero can’t be reached na. Nagulat si Vane
sa pagkuha ko ng phone niya sa mesa. Pinipilit niyang kuhanin ang phone
niya sa akin pero sinisipa ko siya palayo.

“Akin na!” pasigaw niyang sabi. Napahiga na ako sa sofa sa sobrang


pagpupumilit niya.

Natatawa na ako. “Wait lang, I’ll just call—”


Natigilan ako nang makita ang lock screen ng phone ni Vane. Tumitig ako
sa kanya na nakasampa na sa akin, nakatungkod ang magkabilang kamay sa
gilid ko para hindi ako madaganan. Nagkatitigan kami sandali bago niya
marahas na kinuha ang phone sa kamay ko at nilagay sa bulsa ng shorts.
Umupo siya nang maayos habang nakahiga pa rin ako sa sofa.

A few seconds after, hindi ko na mapigilan ang ngiti ko.

Sumandal siya sa sofa na tutok na tutok sa TV, hindi naiilang sa pagtitig


na ginagawa ko. Pinanliitan ko siya nang mata. His adams apple, moving.
Ginulo niya ang buhok niya at sinuklay ng palad pagkatapos. Tumayo siya
bigla pero pinigilan ko siya gamit ang pagsipit ng binti niya gamit ang
dalawang paa ko.

“I’m gonna sleep,” he said, trying to walk away.

Nakangiti pa rin ako. “You have a crush on me?”

Tumigil siya sa pag-attempt na makalayo. His was serious when he looked


at me. Hinawakan niya ang dalawang paa ko at inalis sa pagsipit sa binti
niya. “Itulog mo na 'yan, Sin.”

Pinigilan ko ulit siya sa paglalakad nang maupo ako nang maayos sa sofa
at hinatak siya sa kamay paupo sa sofa. Gusto pa niyang kumawala pero
tinungkod ko ang tuhod ko sa sofa at umupo sa hita niya. Huminga siya
nang malalim nang yumakap na ako sa leeg niya.

Malaki ang ngiti kong nagsalita. “Wala ka nang kawala.”

“Anong gusto mo?”

“I want you to answer my question,” I said, still grinning.

“What question?”

Ibinaba ko ang isang kamay ko katawan niya. Napapikit siya sa ginawa kong
'yon at napahawak sa baywang ko hanggang sa kuhanin ko ang phone niya sa
bulsa ng shorts niya. Tinitigan niya ako, his eyes more serious.

Pinakita ko ang screen ng phone niya sa kanya. “Bakit mukha ko 'to?”

Tiningnan niya ang cellphone niyang lock screen wallpaper ang mukha kong
nakapikit at mukhang mahimbing na natutulog. And I know that this was
taken while we were in the car. Ito 'yung time na nakatulog ako sa
balikat niya. I can see some of his hair, his earphones and skin in the
picture.
Humigpit ang hawak niya sa baywang ko at napatili ako nang bigla siyang
tumayo. Binuhat niya ako na para bang hindi siya nahihirapan sa bigat ko.
Pinulupot ko ang binti ko sa kanya nang maglakad siya papunta sa kwarto
ko. Pinipilit niya akong ibaba sa kama pero mahigpit ang pagyakap ko sa
kanya kaya napahiga rin siya sa kama, nakadagan sa akin.

I could feel his body's heat on mine.

Inalis ko na ang yakap ng binti ko sa kanya pero hindi ko pa rin inaalis


ang yakap ko sa leeg niya. I can feel his heart beating fast and his
breathing faster.

“Answer, Vane.”

Nagulat ako nang bigla niyang kagatin ang tainga ko kaya naalis ang
pagkakayakap ko sa kanya. Ngumisi siyang tumayo nang maayos pero hinatak
ko ang shirt niya kaya napahiga siya sa akin.

“Don’t do this to me, Sin.”

Kumunot ako at ngumuso. Nakikiliti ako sa buhok niyang tumatama sa mukha


ko. “What 'this' are you talking about?” Tiningnan ko ang mga mata niyang
bumaba ang tingin sa labi ko.

Lumunok siya nang ilang beses bago nilapit ang mukha sa akin. His face
inches away from me. Naramdaman ko ang mainit niyang palad na tinaas
kaunti ang suot kong t-shirt. Ang isang kamay niya ay nasa hita ko.
Nakatungkod ang kaliwang tuhod niyang nasa gitna ng legs ko sa kama
habang ang kanang paa niya ay binabalanse ang katawan niya na nakatapak
sa sahig. Ang init ng palad niya ay lumalaganap na sa balat at dugo ko.
Mas hinatak ko siya palapit sa akin at ngumisi.

“NED?”

“Javier!” halos pasigaw kong bulong. If that makes sense.

Natulak ko si Vane nang sobrang lakas na napatayo at na-out of balance.


Napaaray siya. Umupo ako sa kama at tiningnan si Vane na nakaupo at
mukhang nasaktan.

“Ned?”

Nagmadali ako tumayo at ni-lock ng pinto. Nanginginig ang mga kamay at


binti kong napaupo sa gilid ng kama. Nanlalaki ang mata kong tiningnan si
Vane na hinihimas ang ulo niyang tumama sa pader. Nakangiwi pa rin siya.
“Hanggang dito sa Puerto Galera nagsasayang ka ng kuryente.”

Narinig ko ang paglakad ni Javier. Nawala ang ingay galing sa TV. Mahina
ang paglakad ko palapit sa pinto at dinikit ang tainga roon. Pinipilit
kong pakinggan ang pagkilos ni Javier sa sitting room. Mukhang nagbukas
pa siya ng ref at uminom ng tubig dahil narinig ko ang pagbagsak ng
siguro ay baso. Ilang segundo ang nakalipas pero wala pa ring pagbukas at
sara ng pinto ng kwarto nila Javier.

I helped Vane stand up. Hinihimas pa rin niya ang ulo niya. His breathing
was slow and I think our breathing both stopped when we heard Javier's
voice from outside the room.

“Are you in Sinteya’s room, Ned?”

=================

Ngptkso 29

Ngptkso 29 // Friendly Lake

We stared at each other as my heartbeat was killing me. But I want to


laugh – I couldn’t even suppress my smile that Vane stared at me with an
arched brow. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang ngiti ko.
Kinakabahan ako. My veins were tingling. Nag-iinit at nanlalamig ako.
Gusto kong tumalon at sumigaw at sumayaw. Nanghihina ako at the same time
ay feeling energetic!

This. . . this is what I’m talking about.

The rush.

“Ned?”

Gumalaw ang doorknob. Thank the gods at naisipan kong i-lock ito. Javier
knocked again, calling Vane’s name. Pinanlakihan ko ng mata si Vane.
Umaray kasi siya! Siguradong narinig ni Javier ang boses niya. Hindi rin
niya alam kung anong gagawin kaya binulong kong magsalita siya.

“W-What? Dad?” Vane said. “I’m sleeping.”

“On Sinteya’s bed? I heard you fall?”


Lalong gusto kong matawa. Hinila ko si Vane at binulungang buksan niya
ang pintuan at magpakita na kay Javier. Ginulo ko ang buhok niya.
Tinulungan ko pa siyang hubarin ang shirt niya para mukhang natutulog
talaga. Pinalo ko nang mahina ang dibdib niya na inarayan niya dahil sa
sunburn bago ako at nagbilang para buksan niya ang pintuan.

“Why are you there?”

Mas lumakas ang boses ni Javier dahil sa nakabukas na pintuan – sumasabay


sa lakas ng tibok ng puso ko. Nakatago ako sa likod ng pinto.

“We changed rooms,” Vane said. Sumilip siya sa akin kaya pinanlakihan ko
siya ng mata. “Nilalamig daw siya dito kaya nakipagpalit sa akin.”

Tumahimik sandali. I want to know what’s Javier’s expression when I heard


his footsteps.

“Teka.” Nagpanic si Vane at medyo lumabas. What’s happening?

“Bakit?”

Lumabas na nang tuluyan si Vane. “She dislikes locking her door, Dad,”
Vane said. Sumilip ako kaunti sa may hinge ng pinto. Napakagat ako ng
labi dahil balak kumatok ni Javier sa dapat na kwarto ni Vane. “Baka
hubo’t hubad 'yun na natutulog.”

Nanliit ang mata ko at tumayo nang maayos. Sa tingin niya gan'on ako?
Natutulog nang nakahubad? Hindi ako makapaniwalang naniwala si Javier sa
anak niya at bumalik sa kwarto nila ni Erica. When I heard the lock
clicked, lumabas ako at nakita si Vane na nakasandal sa pinto ng kwarto
niya. Seryoso ang mukha niyang lumingon sa akin kaya ngumiti ako.

“Good night, Vane,” I whispered. Binato ko ang shirt niya sa kanya.


Before closing the door of my room, sumilip muna ako sa kanya na malalim
ang paghinga kaya lalo akong nangiti.

The next day, my mood was in full blast. Feeling ko na-recharge ako kaya
ang saya-saya ko. I was waiting for Erica and Javier while watching In
Time on Javier's iPad. May pinuntahan kasi sila then sa scuba diving na
ang diretso namin. Ready na ako suot kong isa na namang two piece bikini
na nakapaloob sa manipis na shirt at denim shorts.

Naupo si Vane sa tabi ko pagkagising niya. He was top naked and his hair
was disheveled pero mukhang lagi naman kasing magulo ang buhok niya.
Humihikab pa siya at kinukusot ang mata pagtingin sa akin at parang
nagulat na makita ako.

“Hi,” I greeted.
Ngumiti siya sa akin at tumango. Binaba ko ang iPad sa mesa. Tinitigan ko
siya dahil parang na-tetense siya. Unti-unti siyang lumingon sa akin kaya
natawa ako.

“What?” I asked.

Kumunot ang noo niya. “What?”

Umiling ako habang nakangiti. Wait. . .napakagat ako ng labi sa naalala


kong gesture na ganito. Ugh. I need to forget!

I focused my attention to Vane’s hair. Hinawakan ko ang buhok niya na


pinagtaka niya pero hinayaan lang ako. Medyo curly ang baba ng buhok
niyang medyo dark brown. Malambot din ito na parang alagang-alaga.

“Bakit ka nagpapahaba ng buhok?” I asked, observing his hair. Inikot ko


ang ilang tips ng buhok niya sa daliri ko. “Is your curls natural?”

Ngumisi siya. Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa buhok niya at
binaba 'yon. Sa hita niya nag-stay ang kamay kong hindi niya binibitawan.
He was just staring at me. Hindi ako nagpatalo. Nilapit niya ang mukha
niya sa akin, hindi pa rin bumibitaw sa titig.

“Ano sa tingin mo?”

“What do you want, Vane?” Mas nilapit ko ang mukha ko sa kanya na nagtama
na ang ilong namin sa isa't isa. Lagi na lang kaming ganito sa tuwing
nagkakalapit kami. If this is what Erica thought of us being close.

Well, be careful of what you wish for.

“Ikaw. . ” he trailed off. I arched a brow then he added, “ano rin bang
gusto mo?”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinawi ang kamay niyang nakahawak


sa kamay ko. Hindi siya nagpumilit. Tinanggal din niya ang hawak sa kamay
ko. I gently massaged his thigh and earned a heavy breathing from him.

Tumunog ang phone ni Vane pero imbis na umalis sa pwesto ay kinuha lang
niya ang phone. He’s still staring at me with an inch apart when he
answered the phone.

“Po?”
Nanliit ang mata ko at mas tinaas ang kamay ko. Pinanlakihan niya ako ng
mata kaya tumawa ako. I looked down at my hand on his almost inner thigh.
Hinawakan niya ang kamay ko para pigilan sa paggalaw pa.

“Sige po, opo.”

Pagkababa niya ng phone, napatili ako nang bigla niya akong buhatin.
Hindi ako masyadong makahinga dahil naiipit ang tiyan ko sa balikat niya.
Pinapalo ko ang likod niya para pababain ako pero umikot siya kaya
natatawa ako.

“Stop this madness,” he said.

Nahihirapan akong tingnan siya dahil ang view ko lang ay ang likuran
niya. And I’m not really complaining lalo na't medyo toned ang katawan
niya. Plus his tattoo on his back – isang statement ang nakasulat gamit
ang magugulong linya.

Nag-init ang buong katawan ko nang maramdaman ang labi ni Vane na


hinalikan ang hita ko. Binaba niya ako sa sofa na hinihingal.

“Scuba diving na raw,” nakangiti niyang sabi.

What the.

I was stopping myself from jumping to him and just do whatever I want
with him. Nauuna siya sa paglalakad at mas pinili kong huwag sumabay
dahil ayaw kong bigla ko siyang sunggaban. Inobserbahan ko ang paligid
pwera at inalis ang atensyon kay Vane hanggang sa makarating kami diving
store. Nakita namin sila Erica at Javier na naghihintay sa amin.

“What took you so long?”

Nagkatinginan kami ni Vane. . .and for the odd reason, we both smiled.
Umirap nga lang ako at siya ay medyo natawa na pinagtaka nila Javier at
Erica. Pumasok kami sa store. Maraming equipments sa paligid na nakaka-
overwhelm. May isang lalaking nasa kaedaran ko lang siguro or older na
lumapit sa amin.

“Hi, I’m Lake, your instructor for today.”

Unang nakipagkamay sa akin si Lake na ngiting ngiti. I smiled back at


him. Hindi ko maitatanggi na ang gwapong moreno ng lalaking 'to.

“Lake,” natatawang sabi ni Vane mula sa likuran na tiningnan nang masama


ni Javier. “Saan si Ocean?”
“Ned,” malamig na tawag ni Javier.

Ngumisi si Vane at umirap. Isa na ata siya sa pinaka maarteng lalaki na


nakilala ko but still, Vane's kinda cool. Nang binigay sa amin ang
garments para sa scuba diving, mabilis nasuot ni Vane ang kanya na parang
sanay na.

“Let me help you with that.” Hinawakan ni Lake ang braso ko at tinulungan
ako sa pagsuot ng garment. Nginitian ko siya at nagpasalamat. Ngumiti
siya sa akin. “Anything for a beautiful lady.”

Tumingin sa akin si Erica na ngiting-ngiti. Umiling na lang ako habang si


Javier ay tinitigan si Lake. Habang naglalakad kami papuntang bangka para
makapunta sa diving site, nasa tabi ko si Lake na nakikipag-usap. Nauuna
sila Javier at Erica sa paglalakad.

“Family vacation?” Lake asked me.

“Yeah.”

“Hindi ko pala natanong pangalan mo?” Patalikod na naglakad si Lake para


maharap niya ako. Inalok niya ang kamay niya sa akin. Napansin ko ang
muscles niya sa bisig. “Lake.”

Ngumiti ako at inabot ang kamay niya. “Sinteya.”

Bumalik siya sa normal na paglalakad sa gilid ko habang ngiting-ngiti.


“That’s a nice name.”

“Talaga 'tol?”

Napalingon kami ni Lake kay Vane na nasa likuran namin at seryoso ang
mukhang naglalakad. Lumapit siya at pumagitna sa amin ni Lake. Medyo
tinulak pa nga niya si Lake.

“Ako ba pre, hindi mo tatanungin pangalan ko?”

Nagkatinginan sila Lake at Vane. Lake’s body was more toned but Vane was
taller – and more intimidating. Dahil siguro sa long hair at tattoos.
Tumingin sa akin si Lake tapos kay Vane at ngumiti.

“Sorry.” Inangat ni Lake ang dalawang kamay niya. “Just being friendly,
Ned.”
“Don't call me Ned.” Mas naging seryoso ang mukha ni Vane. Pinigilan ko
ang braso ni Vane dahil balak pa ata niyang itulak si Lake. “Get friendly
with someone else.”

“Lake, dito ba?”

Lumingon kaming tatlo kay Erica na nakaturo sa isang bangka na may logo
ng store. Tumango si Lake at tumingin sa akin para ngumiti.

“Tara?”

Nauna siyang naglakad at napansin kong parang mas nainis si Vane. Nag-
uusap sila Erica, Javier at Lake habang kunot noo si Vane sa tabi ko.

“Bastos 'yun ah?” may galit sa boses niyang sabi.

Umiling ako at pinalo ang likod niya. Napa-aray at himas siya sa likuran.
“Don’t be a girl with period, lighten up!”

“Paano mag-lighten up kung naglalandi kayo sa harap ko?”

Tumaas ang kilay ko at tumawa. “Nagsalita ang hindi malandi, hanap kita
ng babaeng malalandi mamaya.”

Iniwan ko siya at tumakbo palapit sa bangka. Nakasakay na sila Erica at


Javier. Tuwang-tuwa si Erica kaya panay ang picture niya. Inabot ni Lake
ang kamay ko para alalayan ako sa pagsakay ng bangka.

“Move.”

Lumingon ako kay Vane dahil naalala ko ang boses na 'yon. It was the same
voice from that night. Siya 'yung lalaking bumunggo sa akin sa labas ng
resto noon. The time when I was with. . .ugh, Sin. Forget about it!

Bumalik ang atensyon ko kay Lake na napaupo sa tulak ni Vane na mabilis


ang pagsakay sa bangka. Agad sinigawan at pinagalitan ni Javier si Vane.

“Are you okay?” tanong ko kay Lake at inalalayan siyang makatayo.

Nagpagpag siya ng sarili at tumingin kay Vane. Ngumiti siya sa akin.


“Ayos lang.”

“Lampa,” Vane whispered pero mukhang nilakasan niya rin para marinig ni
Lake.
“Vane.” Si Erica na ang nagsalita at hinawakan ang kamay ni Vane. Ngumiti
si Erica kay Lake. “Let's go?”

Nakataas ang kilay kong nakatingin kay Vane na tulala habang umaandar ang
bangka. Mukhang binabalewala ni Lake ang mga sinabi at ginawa ni Vane
dahil cheerful ulit siyang naglecture sa amin. Tinuruan din niya kami ng
mga sign language na kakailangan namin pag nakababa na sa dagat.

Malakas ang hikab ni Vane at bumulong. “Boring.”

Tinuruan din kami ni Lake kung paano ang tamang laglag. May isa pang
bangka na katabi namin na nakasakay ang mga experts. Sasabay sila sa amin
just in case.

Lake was helping me with my tank when Vane hissed at us.

“Namumuti na mata ko, tama na 'yan.”

Mabilis ang paglaglag ni Vane sa dagat na kinagulat ng lahat.

“Lake!” sigaw ng isang expert sa katabing bangka. Napatigil kami nila


Javier at Erica at tumingin sa lalaki. Mukha siyang nagpapanic. “Yung
tangkeng walang oxygen 'yung ginamit nung lalaki!”

Nagkatinginan kami ni Lake and the next thing I knew, sumugod agad si
Lake sa dagat. To save Vane from drowning in jealousy.

=================

Ngptkso 30

Ngptkso 30 // Dare the truth

Ilang oras na ang nakakalipas, hindi pa rin ako maka get over sa fact na
muntikan nang malunod si Vane dahil lang sa biglaan niyang pagtalon sa
dagat. Good thing, Lake helped him. I was shocked. . .but I laughed, too.
Pinagalitan ako ni Erica for laughing. Hindi naman daw kasi biro 'yon
habang inaalo si Vane.

Javier was mad. Nagsagutan sila ni Vane but Erica stopped them from
killing each other. Hindi na nagpatuloy sa pag-dive si Vane sa pagkairita
at dumiretso na sa suite. I was excited to scuba dive but Erica insisted
to get Vane.
Family vacation nga raw kasi.

Umayaw pa rin si Vane. . .so in the end, hindi kami nakapag scuba diving.
I was disappointed, really. But the image of Vane's face when Lake helped
him up, it was hilarious! Mukha siyang basang sisiw.

"Stop laughing."

"I can't," I said, still laughing. "It was such a classy act, step bro."

"It was hours ago, step sister." Diniin niya ang step sister sa sinabi
niya. Masama ang tingin niya sa akin. "Let it go."

"Nag-thank you ka na ba kay Lake?" pang-aasar ko pa.

Umirap siya. "I really hate boats."

"Nanisi pa ng bangka."

Tumawa pa rin ako kaya mas nainis siya. Pinanliitan niya ako ng mata
habang naglalakad kami papunta sa bar. Dahil last night na namin, Erica
said that we need to ease our stress kaya nasa spa sila ni Javier. Vane
wants to drink, Erica asked me to accompany him.

At the back of his mind, pahiyang-pahiya siya lalo na't si Lake pa ang
sumugod para iligtas siya. Not that he drowned. Muntik lang. But Lake
didn't actually mind. Pagkaalis ni Vane, nagpatuloy lang si Lake sa
ginawa niya: Flirt with me hanggang makaalis kami sa store nila Erica at
Javier.

When we got to the bar, naupo ako sa empty stool near the counter.
Maingay ang paligid at nagsasayaw na ang mga tao sa dance floor plus, it
was cold. Siguro dahil open area ang bar na ito. Tumabi sa akin si Vane
and ordered us beer. Pagkabigay sa amin ng bartender ng order namin, agad
tumungga si Vane.

Natawa ulit ako at tiningnan niya ako nang masama.

"Stop laughing or else."

Tumaas ang kilay ko at nilapit ang mukha ko sa kanya nang uminom ako sa
hawak kong beer. "Or else?"
Hinawakan ni Vane ang baba ko at ngumisi. Ngumiti din ako nang makita ang
pagkagat niya ng labi. Lumingon ako sa pagtapik sa balikat ko.

"Lake!" napangiti agad ako.

Ngumiti sa akin si Lake. He was with some other guys na nakangiti rin sa
amin. May ilang babae rin siyang kasama at lahat sila ay mukhang into the
ocean because of their tanned skin and toned bodies.

"Hi Sinteya," he greeted.

"Nandito ka na naman?" Tumayo si Vane at humarap kay Lake.

"Wala kang nainom na tubig dagat?" Lake asked with innocence in his tone.
Pero mukhang nang-aasar.

Gusto kong matawa pero tinikom ko lang ang bibig ko dahil mukhang
nabadtrip si Vane.

Lake smiled and offered his hand for a shake but Vane just looked at it.
Napangiwi si Lake sa gesture ni Vane, but managed to smile at me.
Pinakilala niya sa amin ang mga kasama niya. I greeted his friends. .
.pero hindi ko maalala ang lahat ng pangalan.

Naging busy din si Vane dahil kinakausap siya ng mga babaeng kaibigan ni
Lake. They were in bikinis. . .ewan ko na lang kung hindi pa siya maging
busy doon. Na-feel ko ang conservative ko pala dahil naka sando at shorts
pa ako.

Nasa tabi ko si Lake habang nanonood kami sa nagsasayawan sa dance floor.


His friends tapped his shoulder bago umalis. Naiwan kami ni Lake sa may
counter. Paglingon ko kay Vane na inaya ng mga girls sa dulong table,
nakatingin siya sa akin nang seryoso.

Ngumiti ako at tinaas ang bote ng beer sa kanya. Ginawa rin naman niya at
nag-iwas na ng tingin para bigyan ng atensyon ang lumalandi sa kanya.

My attention shifted to Lake's when I felt his hand around my waist.


Nilapit niya ang katawan ko sa kanya. Hinayaan ko na lang at uminom.
Nilapit niya ang mukha niya sa akin at bumulong sa tainga ko.

"Want to join us play?"

"Play?" I asked.

"Truth or dare."
Tumango ako at sumama sa kanya sa buhanginan sa labas. Nandoon na ang mga
kasama niya kanina and I even saw Vane with the girls join the circle.
Pinipilit ni Lake na maupo sa tabi ko pero pinagtulukan siya ng mga
kaibigan niya palayo sa akin. Tumawa na lang ako as Vane sat on the other
end facing me. May isang maliit na wooden table sa gitna at isang bote ng
gin with a shot glass. Kulang-kulang nasa sampu kami.

"Same old rules, dudes," sabi ng babae na nasa gitna at hawak ang
nakababang bote ng gin. "Truth or dare. Truth, kahit sinabi ang
katotohanan, inom pa rin. Kapag ginawa ang dare, yung nag utos ang
iinom."

Nagtaas ako ng kamay. "Paano kung hindi ginawa ang dare?"

Ngumiti siya nang malawak. "Iinumin lahat ng nasa bote."

"That'll be suicide!"

Tumawa siya. "Right. Kaya no one dared to not do dares," she said as she
winked. Nagtaas ang kilay ko but that made me excited. "Wala namang pa-
virgin dito, no?"

People in the circle laughed. Napakagat ako ng labi sa narinig ko. Pa-
virgin. A certain guy popped in my mind. Huminga ako nang malalim nang
magsimula ang pagpapaikot ng bote ng gin.

Tumigil ang bote kaya naghiyawan ang mga tao.

"Truth or dare," sabi ng babae sa kaibigan niyang lalaki.

"Truth."

Nag-isip sandali ang babae at ngumiti. Nagsasalin na rin siya ng gin sa


shot glass. "Kung makikipag sex ka ngayon din, kanino dito sa bilog na
'to?"

Naghiyawan ang lahat sa tanong. Tawa ako nang tawa dahil unang tanong pa
lang ay gan'on na kaagad. Sinabi ng lalaki ang pangalan ng babaeng katabi
niya na tawa nang tawa at hinalikan pa siya ng babae. Naghiyawan ulit
kami.

Uminom din ng gin 'yung nagtanong dahil parang naging dare ang nangyari.
Inikot na ulit bote at tumigil sa isa pang lalaki sa may kaliwa. The guy
dared his friend to be buried under the sand for about five minutes.
Nagtawanan at hiyawan ang mga lalaki nang magsimula silang maghukay sa
buhangin at ipinasok doon ang kawawa nilang kaibigan.
Natatawa na rin ako sa mga pinaggagagawa nila.

Matapos ng five minutes, umalis na sa buhangin ang lalaki at inikot ang


bote. The bottle stopped and pointed to this girl na mukhang mahinhin
kung hindi lang siguro naka-bikini.

"Dare," she said, smiling.

"Tutal magaling ka mag booty shake," the guy said. Nagsasalin na siya ng
gin sa shot glass para mainom. "Booty shake sa harap ng pinaka gwapong
lalaki sa circle na 'to! Tara na sa harap ko." Nagtawanan ang mga lalaki.

Agad lumingon ang babae kay Vane. Naghiyawan ang lahat pagtayo ng babae,
papalapit kay Vane. Mukhang lutang pa nga si Vane dahil natauhan lang
siya nang hawakan siya sa balikat ng babae.

Napairap ako dahil ngiting-ngiti si Vane nang mag booty shake sa harap
niya 'yung babae. Her bottom was facing his face! Tawa nang tawa ang ilan
hanggang sa matapos ang babae at hinalikan sa pisngi si Vane.

"Boner!" sigaw ng isa sa mga lalaki at kinantyawan si Vane. Tumawa si


Vane habang nagpupumilit tingnan ng mga lalaki ang shorts niya.

Nagpatuloy ang ikot ng bote hanggang sa tumigil ito sa tapat ni Vane. I


sensed that most of the girls in the circle are waiting for his turn.
Hindi pa natatanong si Vane nang magsalita siya.

"Truth."

"What?" KJ mo dude!" natatawang sabi ng isa.

"Lazy getting up," sagot ni Vane.

"Okay, truth." Pinainom muna si Vane sa shot glass. Nag-isip 'yung


lalaking ng sasabihin hanggang sa ngumiti siya bigla. "The girl you want
to fuck in this circle," sabi ng lalaki sabay tawa.

Nakitawa rin kaming lahat. Umikot ang mata ni Vane sa aming lahat
hanggang sa napataas ang kilay ko dahil tumigil ang tingin niya sa akin.
Umangat ang kaliwang gilid ng labi niya kaya bigla akong kinabahan.
Pinanliitan ko siya ng mata.

"Fuck?" he said, still staring at me. Napalunok ako dahil nag-init bigla
ang pakiramdam ko. "None."
"None?" the other guy shouted. Tinitigan ko si Vane na inalis ang tingin
sa akin habang tawa nang tawa. "KJ talaga!"

"Ako na lang!" sigaw ng isang babae na mukhang lasing na rin dahil panay
ang inom niya sa gin. "I volunteer!"

"Shut up, Kati-niss," sigaw ng isa pang babae na natatawa. "Pakamot mo sa


iba 'yang kati na 'yan."

"Hindi pwede 'yang wala," sabi ni Lake na nakangisi.

Matalas ang tingin ni Vane kay Lake. "None nga, eh. Makulit?"

"Woah~" sigaw ng nagtanong kay Vane at kinuha ang bote para magbuhos ng
gin sa shot glass. "Uminom ka na lang ulit," nakangiti nitong sabi.

Ininom ni Vane ang laman ng shot glass na mas marami kaysa sa dati at
pinaikot ang bote. Hiyawan at tawanan ang nangyayari dahil kung anu-ano
na ang pinag-uutos ng mga lalaki sa mga kaibigan nila. Hanggang sa
tumigil ang bote sa tapat ni Lake na napangiti.

"Sa wakas napuntirya rin si Lake!" natatawang sabi ng kabarkada niya.


"Bawal ang truth. DARE!"

Ngumiti si Lake habang nakatingin sa akin. "Sige, dare."

"Hottest girl in the circle. MOMOL."

"MOMOL? Bading ng term mo pre."

Nagtaas ng kilay ang isa nilang kasama. "Anproblema mo sa bading? Gago ka


ah."

Nagkulitan at tawanan ang mga kaibigan niya habang patayo si Lake.


Napansin kong nakatingin sa akin ang ilang lalaki. Pinagtulakan ng mga
boys si Lake palapit sa akin. I saw Vane staring at me before Lake's body
blocked my view on him.

Lumuhod si Lake sa harap ko at ngumiti na parang nahihiya. "Sorry dito,"


he said.

"Sige na! MOMOL na!" tawanan ng nasa bilog.

"Okay lang ba?"


Ngumiti ako at hinawakan ang mukha niya para matapos na. He dipped his
head and when I tasted the alcohol in his lips, his tongue touched my
lower lip asking for entrance. Inawang ko ang bibig ko as he started to
explore. His kiss deepened as I started moving mine as well. Hinawakan
niya ang leeg ko at mas diniin ang halik while his other hand's busy with
my waist. Nararamdaman ko ang pagtaas niya ng sando ko. I gasped as his
hand cupped my breast. Then he suddenly stopped.

Tinanggal ko ang kamay niyang pumasok sa sando ko. Lumingon siya sa


likuran, people in the circle were looking at Vane who's staring at us.
Hinimas ni Lake ang likod ng ulo niya at tumingin sa ibaba.

There's a sea shell on the sand near Lake.

"Tang. . ." Lake reacted.

"Masyado nang matagal, na-bo-bored na ako."

Nagtawanan ang mga tao sa sinabi ni Vane. Nakita ko namang nabadtrip si


Lake na bumalik sa pwesto niya. Nagtitigan sila ni Vane, at ito namang si
Vane ay nakuha pang mang-asar dahil panay ang ngiti. Pinaikot ni Lake ang
bote. Naghiyawan ang mga tao nang sa akin na tumutok ang bote.

Nakita kong umirap si Vane sa tapat ko bago napunta ang atensyon ko kay
Lake.

"Dare," I said.

"Tapang!" sabi ng isang babae. Ngumiti ako.

"Skinny dipping."

Tumaas ang kilay ko. "Ngayon na?"

"Oo. Kasama ko."

"Woah!"

Nabingi ako sa hiyawan. Sa sobrang lakas, mukhang nabulabog ang ilang


nananahimik sa kadiliman ng beach. It must be midnight already, nasa peak
na rin ang party sa bar.

Tumawa ako at tumayo. Tumayo rin si Lake at mapaglarong tinaas-taas ang


kilay. Hiyawan at sigawan pa rin ang mga kasama namin. Tawa rin nang tawa
ang ilan. Naglalakad kami ni Lake papuntang dagat nang sumigaw ang isa sa
mga barkada niyang lalaki.

"Five minutes lang, ah!"

Ngiting-ngiti si Lake at sumagot ng, "susubukan!"

Nasa tabi na kami ng dagat at nag-aalis na ako ng sandals. "You really


want me naked, don't you?"

Tumawa si Lake. "Sakto lang."

Umiling ako at binaba ang shorts ko. Tinanggal ko rin ang sando ko kaya
nakabikini na lang ako while Lake is in his trunks. Kita ang muscles at
abs niya mula sa liwanag na nagmumula sa bar at poste ng ilaw sa likuran.

"Ready?" natatawa kong sabi.

"Since the day I laid my eyes on you."

Tumawa ako at tumakbo sa dagat. Lumublob ako saka ko tinanggal ang bikini
top at bottom ko. Napansin ko ang reaksyon ng mukha ni Lake na nadismaya
but he still managed to smile at me. Tinanggal na muna niya ang suot niya
na nagpatawa sa akin nang malakas bago siya lumublob sa tabi ko.

"Confident with your body?" natatawa kong sabi.

"Okay lang ba?"

"Not bad," I said. Hawak ko ang bikini ko at nararamdaman na ang lamig.


Umaalon pa kaya nakakainom ako ng tubig. Tumahimik kami sandali when I
asked, "so what will we do?"

"Make out," nakangiting sabi ni Lake.

Ngumiti ako. Hinawakan niya ang mukha ko at nilapit sa kanya. I felt his
hand on my bare back, moving me closer to him. Hinawakan ko siya sa ibaba
para hindi masyadong tumama sa akin ang pagkalalaki niya. Naghalikan kami
at naghalo ang lamig at init sa nararamadman ko. Hawak ko na siya sa
ibaba. All I need to do is push him inside me but I got distracted with
the light flashing on my face.

"Times up," Vane's voice.


Napaatras ako kay Lake nang makitang palapit sa amin si Vane. Lake's guy
friends were laughing at the sea shore. Ang isa ay may hawak na
flashlight at nakatutok sa aming dalawa.

Hinawakan ni Vane ang braso ko at nilayo kay Lake. Pinipilit pa akong


umalis sa dagat pero pinigilan ko siya.

"I'm naked," sabi ko.

Tiningnan niya ako nang mataman. Nag-sink in lang ang sinabi ko sa kanya
nang manlaki ang mata niya at napatingin sa baba. Tumingin din ako sa
baba pero hindi na kita ang kabuuan dahil sa dilim ng dagat.

"Then get dressed!"

"Huwag kang sumigaw," naiirita kong sabi.

Nakita ko si Lake na umahon nang nakahubad at sinuot ang trunks niya pati
shorts. Hirap akong sinuot ang bikini bottom ko. Sinuot ko rin ang top
pero nahihirapan akong itali sa likuran. Napansin ni Vane ang paghihirap
ko.

"Help," I asked.

Hindi ko nakita ang expression niya. Tumalikod ako sa kanya at


naramdamang hawak na niya ang tali ng bikini top ko. Rinig na rinig ko
ang paghinga niya sa balikat ko at pakiramdam ko mababaliw na ako sa
nararamdaman ko. After shock pa ata to kay Lake. Pagkatali ni Vane ng
bikini top ko ay umahon na rin kami. Nabasa ang sando at shorts pagkasuot
ko dahil sa bikini.

Hinihintay kami ng grupo pagkabalik namin sa bilog. Naupo ako sa pwesto


ko at ganoon din si Vane. Lake looked at me and smiled. I smiled back.

Uminom ng gin si Lake sa shot glass bago ko pinaikot ang bote. And what
do you get. . .sa akin ulit tumama.

"Shall I dare myself?" natatawa kong tanong.

"Yung isang tumapat na lang sa kabila," sabi ng isa. Lahat ng nasa bilog
ay napatingin kay Vane dahil siya ang katapat ng dulo ng bote. "Vane!"

Nagkatitigan kami ni Vane hanggang sa ngumisi siya.

"Truth?" asked Vane, his brow arched.


Umirap ako bago sumagot ng, "dare."

Tahimik ang lahat habang naghihintay ng susunod na mangyayari. May


binulong ang katabi niyang babae sa kanya na nagpangiti lalo sa kanya.
Nanliit ang mata ko nang huminga siya nang malalim at tumitig sa akin
nang seryoso.

"Lap dance on me."

Naghiyawan ang mga lalaki.

"Seryoso? Hindi ba you're like brother and sister?" Pabalik-balik ang


tingin sa amin ng babae habang magkatitigan kami ni Vane. Tumaas ang
kilay ko habang nakangisi siya. "You even have the same. . . hairstyle.
Medyo curly sa baba," she laughed.

Tumayo si Vane at naglakad papunta sa akin. Hinawakan niya ako sa braso


at tinayo.

"Are you serious?" I asked him.

He tugged me closer to him. "Never been more serious, Ate Sin."

_____

Opo, alam na nating malandi sila. Huwag na paulit ulit ang comment ng
'malandi ka!". Iba naman, pips. Be unique. Hahahaha jk. Salamat sa
pagbabasa at suporta at vote at comment at reactions sa twitter!
Harthart.

Opo ulit, wala si Sir Marco dito kasi malaki ang posibilidad na imposible
na nandyan din siya sa Puerto Galera eh nasa Manila siya. Busy yon,
nagkocompute ng grades o nagreready ng lesson plan para sa next sem.
Fiction to pero push pa rin tayo sa reality, okie? Hihi. ♥ ♥

=================

Ngptkso 31

Ngptkso 31 // The Professor God


People were cheering on us when Vane sat on the small table in the
middle. He stared at me with a serious face. Naghiyawan na ang mga tao
pagka-play ng music. I noticed his jaw clenched looking at the back.
Lumingon ako to see Lake, smiling at me.

Ngumiti rin ako pabalik bago tinuon ulit ang pansin kay Vane.

When I started swaying my hips in front of Vane, he stopped me by holding


my waist.

"What?" I asked.

Tumayo siya at hinawi ako. And the next thing I knew, people gasps and
the girls shrieked when Vane punched Lake's face.

"Fuck," Lake cursed. Napahiga pa siya sa buhanginan sa sobrang


pagkabigla. "Anong problema mo?!"

Tumayo nang maayos si Vane. Hinawakan niya ang kanang kamay na


pinangsuntok kay Lake at hinimas 'yon. "I was itching to punch somebody,
ikaw unang na-target."

Pinigilan nila ang pagsugod ni Lake kay Vane. Taas kilay kong tiningnan
si Vane na naglakad patungo sa isa pang lalaki sa bilog. Ngumiti siya at
kinuha ang phone ng lalaki. Lumapit ako nang mag-scroll siya sa phone and
then in the gallery, may isang video. Nanlaki ang mata ko dahil nandoon
ang skinny dipping make out scene namin ni Lake!

Nag-init bigla ang pakiramdam ko and it was not the hot feeling which is
good for me. Naiirita ako. Ang usapan ay walang recording ng kahit anong
mangyayari sa bilog. Kunot noo kong tiningnan ang lalaki na pinipilit
kuhanin ang phone niya kay Vane. Tinulak ng lalaki si Vane nang pindutin
ni Vane ang reformat. Bumagsak ang phone sa buhangin nang mag-shut down
ito.

"Tangina?!"

Ngumisi si Vane. "Thank me for not breaking it for you."

"Gago ka ah?!" He was about to punch Vane but I pushed him. Mukhang
nagulat siya sa pagtulak ko sa kanya kaya napaatras siya.

"Gago ka rin," sigaw ko, nanginginig ako sa asar at inis. "Ano ba FB mo,
bigyan pa kita sex scandal."
Narinig ko ang pagtawa ni Vane sa gilid ko.

"Slut," the guy said. Mas humigpit ang hawak sa kanya ng mga kaibigan
niya.

I smirked and rolled my eyes. "You think I care? Think again."

"Umalis na nga lang kayo," the girl said to us. Nagpupumiglas ulit 'yung
lalaki habang kalmado na si Lake pero nakatingin nang masama sa amin.
Sumigaw ulit 'yung babae. "Alis na, please! You two are causing trouble!"

Umirap ulit ako. Tumungga pa ako sa bote ng gin bago humawi ang nasa
bilog para padaanin ako. Sumunod si Vane at umakbay sa akin.

He laughed. "Yeah, I want my lap dance private."

"Really?" I asked. "Lap dance pa rin nasa utak mo?"

Ngumiti si Vane. "Next time."

Pagkalayo namin sa bilog, tinaas ni Vane ang kamay niya na parang


nagpapaalam. We heard a few shouts like "dick!" and "slut!" but we didn't
care. We just laughed our way out of those people. Nang makalayo-layo
kami, gumegewang na kami sa paglalakad.

Tumawa ako nang may maalala. "Fuck."

Lumingon sa akin si Vane, nakaakbay pa rin siya. "Huh?"

Kinagat ko ang labi ko at hinawakan ang mukha niya para ilingon sa akin.
Kamuntikan pa kaming ma-out of balance. I smiled at him. "None."

"None?"

"You like to fuck none?"

Hinigpitan niya ang hawak sa balikat ko. Sinandal niya ang noo niya sa
gilid ng noo ko. Ngumisi siya. "Your name is Sinteya, unless you want it
to be None. .. "

"Wala akong sinasabi, Vane."

Lalong lumakas ang tawa ko na naging dahilan para tumingin ang ilang
nakakasalubong namin sa daan. Tumawa rin siya at hinawi ang buhok niya. I
don't know if it's because the alcohol is kicking in pero ang saya namin
parehas. Kaya pagkarating namin sa suite, nagtataka sa amin sila Erica at
Javier.

"You two reek of alcohol!" Erica said. Lumapit siya sa amin at inamoy
kaming dalawa. Nagpunta siya sa kusina at pinagtimpla kami ng
kape. "Having fun, I see."

Nagkatinginan kami ni Vane. Nakahawak ako sa baywang niya samantalang


siya ay nakaakbay sa akin. Sabay kaming ngumiti at nilingon si Erica na
katabi si Javier sa sofa. Mukhang masaya rin sila.

"Too much fun," I answered.

Vane added, "yeah."

Kumunot ang noo ni Javier sa amin na umiinom ng kape. "Kita ko nga."

Knock out kami parehas ni Vane pagkatapos magsiligo. But when I woke up,
sobrang sakit ng ulo ko na bang hindi sapat ang lagpas sampung oras na
tulog ko. We ate lunch first before packing our things. Nag-stay kami sa
lobby where Javier was talking to the receptionist for something we
didn't care at all.

Umupo ako sa tabi ni Vane para kulitin sana siya but he ignored me as if
I'm not beside him. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa phone at
mukhang may katext. Pinalo ko ang hita niya. Tinago niya ang phone niya
at agad nilingon ako.

"Why so serious, Vane?"

Ngumisi siya at pinatong ang braso sa sandalan. "Namiss mo agad ako?"

Umirap ako sa kanya.

"Cute, couple vacation pala 'to. Partner-partner."

Lumingon ako sa nagsalitang babae na nasa may reception. Nakangiti siya


sa amin at sabay-sabay kaming nagkatinginan nila Erica, Javier at Vane.

Erica was the one who answered the lady. "Ah, no. Anak namin sila."

Natigilan ang babae at nag-double look pa sa amin ni Vane na nakaupo sa


sofa ng lobby. Binalik niya ang tingin kanila Erica at Javier na nasa may
counter at ngumiti.
"Oo nga no?" the lady chuckled. "Hindi ko napansin na magkakahawig kayo.
You two look young," she added. "Nice genes."

Awkward smile lang ang naibigay ni Erica sa babae. Pagkaalis namin,


inakbayan ako ni Vane at ngumisi.

"Bagay pala talaga tayong magkapatid," natatawa niyang sabi. Pinagmasdan


niya ang mukha ko. "Ganda ng ate ko."

Tinulak ko ang mukha niya dahil masyado na siyang lumalapit. "Yeah,


pasalamat ka gwapo ka."

Tumingin sa amin sila Erica at Javier. . . then they smiled at us.

The next few days pagkauwi namin were a blur. Hindi kami masyadong
lumalabas dahil hindi namin ugali ni Erica ang bisitahin si Mommy and
Daddy, my grandparents – at ganoon din sila Javier at Vane. Hindi rin
kami nakapagsukat dahil biglang naging busy sila Javier at Erica sa
invitation dahil nagkaproblema kaya na-delay. As for Vane, madalas siyang
wala sa bahay, siguro umiiwas kay Javier and their bickering.

Sa sobrang boring nga mga pangyayari, the next thing I knew, pasukan na.

"Ready ka na makita si Sir?" natatawang sabi sa akin ni Unica. "Nakaka-


excite ang muli niyong pagtatagpo!"

Inirapan ko siya. . .but the thing is, hindi ako mapakali habang
papalapit sa room ng Ethics class ko. Gusto kong lumiko o umurong at
umalis para tumakbo palayo sa room. Hindi ko alam kung anong gagawin ko
kapag nakita ko ulit si Sir.

Dapat kasi tinapos ko na ang Ethics class, eh.

Bumuntong hininga ako pagkalapit namin sa room. Wala pa ang professor


pero nanginginig na ako sa sobrang kaba. Unica bid me good luck before
she entered her room at the other side, World Lit class niya. Sa dulo ako
naupo and waited until the front door opened and revealed our Ethics
professor.

Good thing, it wasn't Lourd Marco Aceveda.

Naging panatag ang loob ko sa buong klase but I can sense disappointment
with the lower batch na kaklase ko dahil hindi daw si The Professor God
ang professor namin. Ako lang ata ang may gustong hindi si Sir Marco ang
professor. Hanggang lumipas ang oras at sa business class ko, feeling
light ang peg ko.
Hindi ko nakakasalubong sa kahit saan si Sir Marco. Good.

But the next day, in my History class, pumasok ako to see a familiar
geeky guy. Nginitian at kinawayan ko ang nakaupo sa dulo na si Chino na
kinabigla niya. Kumaway siya pabalik sa akin and I wanted to laugh cause
a group of guys looked at him with a weird look.

Naupo ako sa pinaka malapit na vacant seat. I was just waiting and
observing people. The group of guys with Chino were looking at me.
Mukhang may sinasabi sila kay Chino na kinahihiya ni geeky guy.
Naghihintay lang ako sa professor nang tumawag si Vane sa phone ko.

"Oh?"

Narinig ko ang tawa niya sa kabilang linya. "Cold naman."

"Bakit ka napatawag?"

"Tingin ka sa pinto."

Automatic ang pagtingin ko sa pinto and saw Vane through the glass
window. Tuwang-tuwa ang mokong na kumaway sa akin kaya napairap ako. One
week din kasi kaming hindi nakapagkita. He's too busy dealing with his
own stuff.

"What do you want? Get in your class or else."

"Or else?" he asked.

"Susumbong kita kay Javier."

"Scary," natatawa niyang sabi. I know, lame. Para lang mga bata, gods.
"Ito na, papasok na sa klase."

Lumingon ang karamihan ng nasa classroom sa pagbubukas ng pintuan


expecting our professor but I narrowed my eyes when Vane entered the
room. Napansin ko agad ang ilang bulungan ng mga babae at lalaki dahil sa
aura ni Vane na sumabog sa buong classroom. Lumapit siya sa akin at
ngumiti, hawak pa rin namin ang phone namin malapit sa tainga.

"Bakit ka nandito?"

Ngumiti siya ulit at bumulong sa cellphone niya. "Is this seat taken,
classmate?"
Pinatay ko ang phone pagkaupo niya sa tabi ko. "Kaklase kita?" I asked.

Kinagat niya ang labi niya at tinaas-taas ang kilay na parang nanloloko.
He crossed his legs. Pinalo ko siya kaya lalo siyang tumawa. Narinig ko
ang bukas ng pintuan ng classroom at lumingon sa harap.

My heart skipped a bit when I saw him.

Him.

No, seriously? History class?! Hindi pwede 'to.

Narinig ko ang mahinang sipol ni Vane sa gilid ko.

"Sorry for being late, class." Nilagay niya ang mga gamit niya sa
teacher's table. Hinihingal siya at pawisan na para bang tumakbo siya
papunta rito. Natigil ang ingay sa loob ng classroom kaya mas narinig ko
ang mabilis na tibok ng puso ko.

"Sir, okay lang kayo?" a girl asked with a smile.

Nilingon niya ang babae at ngumiti. Nakaramdam ako ng pagkairita. Humarap


siya sa aming lahat. "Traffic sa dinaanan ko, may ginaga—" then he
stopped when his stare fell on mine. Nakatitig pa rin siya sa akin nang
seryoso when he greeted us. "Morning, class."

Mabilis akong tumayo na kinagulat ng ilang malapit sa akin. Vane asked me


where I'll go pero hindi ko siya pinansin. Nagmamadali akong lumapit sa
pinto para makaalis pero napahinto nang marinig ko ulit ang boses niya.

"You don't really know how to properly leave, Ms. Yeo," his sexy voice
said. Pinihit ko ang doorknob pero kinakabahan na ako nang marinig ko ang
paglapit niya sa akin. Nilingon ko siya na halos isang metro na lang ang
layo. "Wala man lang pasabi?" he asked again. "Leave this room and you'll
fail."

"Sir!" a girl raised her hand.

Hindi pinansin ni Sir ang tawag sa kanya at tinitigan ako.

"Go back to your seat," he said with authority. Hinawakan niya ang braso
ko and I felt his soft and warm hand on my skin. Napabitaw ako sa
doorknob. "We'll start our class."
I wanted to run. . .get away from him. But gods. Why did I follow his
order? Ugh.

____

Sorry sa late update, nawalay ako sa laptop at internet nitong mga


nakaraang araw. Will try to update everyday again (sana). Sali po kayo sa
fb group na ginawa ng mga admins, search: Saksi ni Pilosopotasya, maingay
sila don. Haha salamat :D

=================

Ngptkso 32

Ngptkso 32 // Tension

Attention was one of the things that I didn’t lack. Since I was a kid,
people around me don’t have the guts to ignore me. Noong naglalaro pa ako
sa labas kasama ang mga uhugin kong kapitbahay, ako lagi ang first choice
– it’s either dahil crush ako ng leader o dahil crush ako ng kabilang
leader at kailangan ako ng grupo para maging bait. I was okay with it – I
want it.

Hindi nawala ang atensyon na 'yon hanggang sa pagdadalaga ko all thanks


to puberty for doing its job. Maybe thankful din ako sa genes ni Erica at
ng lalaking nilandi niya noong highschool which is my biological father.

Let’s be honest: In this cruel world, kapag maganda – maraming privilege.

That’s the truth.

And the truth for me is an advantage.

Kaya all hell break lose when this guy—this History professor—this
Professor God with a name of Lourd Marco Aceveda—started to ignore me.

What the hell?!

‘Look at me,’ I keep repeating on my mind while staring at him. Pero


hindi siya tumitingin at naiinis ako. Panay lang ang salita niya
tungkol sa outline ng klase namin. ‘Fuck, Aceveda. Stop ignoring me!’
Shit talaga. He’s really ignoring me.

Kaya nang mag-ring ang bell, agad akong tumayo dahil naiinis ako at the
same time, gusto kong suntukin ang propesor na 'yon. How dare he ignore
me?!

Pagkalabas ko sa kabilang pinto, lumabas din si Sir Marco sa kabila.


Kinakausap siya ng isa sa girl classmate ko kaya panay ang ngiti niya and
I just want to wipe that smile of his. O pwede rin burahin ko ang mukha
ng babaeng kumakausap sa kanya dahil kanina pa siya nagpapansin kay Sir!

Naalis ang tingin ko kanila Sir nang lumabas si Vane sa classroom at


ngumuso sa akin.

“Why did you leave me?” he asked. Nagpapa-cute na naman ang lalaking 'to.

Binaling ko ang tingin kanila Sir. I saw the shift of Sir Marco’s eyes.
He bid good bye to the student. Dumaan siya sa harap namin ni Vane.

“Sir,” nakangiting bati ni Vane.

Lumingon sa pwesto namin si Sir Marco pero hindi siya tumingin sa akin.
Kay Vane lang. He smiled and left.

Napapamura na lang ako sa pang-snob niya, ugh.

“Hey,” the girl who was talking to Sir Marco earlier greeted us. Tumingin
siya sa akin at ngumiti. “I’m Jill,” pagpapakilala niya pero napataas ang
kilay ko dahil kay Vane siya nakatingin. “Transfer student here.”

Tumango ako at ngumiti pero gusto ko na lang siyang supalpalin palayo sa


akin.

“You’re?” she asked again when Vane and I didn’t speak. Tumingin siya kay
Vane then sa akin at ngumiti.

“Sin.”

Lalo siyang ngumiti at binaling ang tingin kay Vane. Nakangisi si Vane
dahil inabot pa ng babaeng 'to – or fine, si Jill – ang kamay sa kanya.

“Vane.”
“Nice name,” she said when they shook hands. Napairap na lang ako.
“Magkaano-ano kayo?” she added.

Tumikhim ako at ngumiti kay Jill. “Sorry ah? Nagmamadali kasi kami,
walang time maglandian. Okay lang?”

Ngumuso si Jill at kumunot ang noo. I heard Vane chuckled before Jill
left us with a smile for Vane and rolled eyes for me. Pagkalayo ni Jill,
inakbayan ako ni Vane habang nakangiti. Kinagat pa niya ang labi niya
bago bumulong sa tainga ko.

“Possessive step-sister?”

Umirap ako at nagsimula nang maglakad. “She talked to me because of you.”

Lalong tumawa si Vane. Napansin ko ang ilang babaeng nakakasalubong namin


na panay ang tingin kay Vane kaya parang mas naiirita ako. Kahit ang
ilang lalaki ay napapatingin sa kasama ko. I know he's not the typical
guy na makikita kung saan-saan. Vane looks like a bad boy model na
tinitilian.

Pero gahd, this attention? Too much.

“Yeah,” Vane said. Sinuklay niya ang buhok niya. “She thinks I’m hot.”

“No one dared using me to check out someone who's not me,” hindi pa rin
ako makapaniwala.

Even when I’m with Unica, we have our fair share of attention. Iba kasi
ang nakukuha niyang atensyon – parang puro mga artist people siguro dahil
sa artist aura niya. Sa akin naman, halo-halo maybe because of my bitchy
aura. We're both intimidating, Unica and I. Still, no one dared to talk
to me to check her out.

Ngayon lang!

Kay Vane lang!

Nilapit ako ni Vane sa katawan niya. “Sorry, masasanay ka rin.”

Nag-init ang pakiramdam ko dahil tumama ang dibdib ko sa katawan niya. I


ignored the feeling at sumimangot. “Gods!”

Hindi ko na nakita pa si Sir Marco pagkatapos ng class. Kami ni Vane ay


may kanya-kanyang klase. He’s in his engineering class habang ako ay sa
major. Supposedly, magpapasukat na kami after class for Javier and
Erica's wedding. But Vane got an emergency kaya ginabi na siya.

TInawagan nga rin niya ako in the middle of the night pero nawala rin
agad. Nag-off pa ng phone. When I asked him what happened and why he
called me the next day, wala lang daw 'yon. So I shrugged it off.

“C’mon kids, naghihintay na sila sa dress shop,” sabi ni Erica


kinabukasan. Nag-set kasi siya ulit ng meeting dahil nga hindi pupwede si
Vane last night.

Tumayo si Vane mula sa sofa at umiling. “Kids.” Lumapit siya sa akin at


tiningnan ako nang mataman sa mata. “Your mom keeps on calling us kids.”

Nagkibit balikat ako at lumabas ng bahay.

“Ned.”

“What?” bakas ang asar sa mukha ni Vane.

He doesn't really like being called Ned. Galing kasi sa favorite


character ni Javier sa librong The Song of Fire and Ice which is
popularly known as Game of Thrones na palabas. Si Javier lang ang
tumatawag sa kanyang Ned. Nang-aasar ata.

Sumeryoso ang mukha ni Javier. “Still know how to drive?”

Kumunot ang noo ni Vane at mukhang nagpanic sa paghagis ni Javier ng


isang susi. Tiningnan ko ang mukha ni Vane na mula sa seryoso ay nagulat
papunta sa pagngiti.

“You’re giving me the car again?” Vane said, he couldn’t hide his smile!
Cute.

“Ayaw mo ba?” Javier asked. Tumango siya patungo sa garahe. “Your car is
waiting for you. Convoy na lang.”

Masayang-masaya si Vane na nagpunta sa garahe. Narinig pa namin ang sigaw


niya at ang pag-andar ng kotse kaya umiling na lang si Javier at pumasok
sa loob. Nakangiti si Erica pagkapasok sa tabi ni Javier habang tahimik
lang ako sa backseat.

Habang nasa byahe, panay ang tingin ni Javier sa likuran just to check if
Vane’s still following us. Pansin ko naman na panay ang ngiti ni Vane at
mukhang wala nang balak mawala ang ngiti na 'yon dahil sa dinadrive na
niya ang sexy black car niya. His car was flashy although I’m not sure
what’s its called, obvious na parehas na papansin sila Javier at Vane.
Mag-ama nga.

Pagkarating namin sa dress shop, tuwang-tuwa si Erica dahil pinakita na


sa kanya ang wedding gown niya and I was amazed when she tried it on and
showed it to us. Her white gown was edgy. Medyo nakikita ang cleavage at
kitang-kita ang kurba ng katawan niya but the flowing of her dress made
her look like a royalty.

“Wow,” Vane commented. Nakangiti siyang nakatingin kay Erica.

“Okay ba?” nakangiting tanong ni Erica.

I was smiling, too. Lumabas si Javier mula sa isa pang dressing room at
lalo akong napangiti nang lumapit siya kay Erica at humalik sa bunbunan.
He was in his dark suit. Mukhang wala siyang tato sa katawan at mukha
siyang matino. Well, mas mukha siyang matino kay Vane.

They look like a King and a Queen.

“How do we look?” Erica asked again.

I was the one who answered, “perfect.”

Ngumiti sila sa amin and they even kissed in front of us. Natawa ako nang
ngumiwi si Vane at nagkukunwaring tinatakpan ang nakikita niya.

“Porn! Porn!” natatawa niyang sabi.

Tumawa rin ako habang pinipicture-an ko sila.

Nakipag-usap sila Erica at Javier sa tailor habang kami ni Vane ay


sinusukatan. Pinapapili din ako kung anong gusto ko sa mga red dresses na
nasa catalog nila. Napangiti pa ako nang makita ang pamilyar na mukha ng
kuya ni Unica.

“Model dito si Kuya Ulysses?” nakangiti kong sabi.

The girl asked me, “you know Mr. Valentine?”

Tumango ako. “Brother of my best friend.”

Tumango-tango ang babae habang natatawa na kinikilig. “Swerte ng best


friend mo, gwapo ng kapatid.”
“Yeah, and her other brother. Kuya Uriah. Hot parehas.”

Nagtawanan kami ng babae habang nagtingin ulit ako. Natutuwa ang mata ko
dahil si Kuya Ulysses ang model at ang gwapo niya sa suit. Habang ang mga
dresses naman, ang gaganda. . .but a certain dress caught my attention.

“Beautiful choice,” the girl said. “Perfect for your face and body.”

Pinasukat sa akin ng babae ang dress na pinili ko at medyo maluwag 'yon.


Pagkalabas ko, nakabihis na ng normal sila Javier at Erica while Vane is
not with them. Nakatingin ako sa salamin nang tumayo si Erica at lumapit
sa akin. Hinawi niya ang buhok ko at ngumiti sa reflection namin.

“You look stunning, Honey.”

Ngumiti ako. “Mana lang sa'yo.”

“Don’t forget your maid of honor’s speech.”

Tumawa ako. “Sure, mambobola lang naman ako, hindi ba?”

She laughed. Lumingon kami nang lumabas mula sa dressing room si Vane na
naka-tux. Vane and I both smiled when our eyes met. I don’t know why but
his long hair suits his tux. Parang ang lakas maka-bad boy ng dating who
looks a little decent because of his suit. Contradicting. . .pero ang
gwapo.

He was just smiling habang palapit ako sa kanya. Hinatak ko siya para
humarap sa salamin. Tumingin ako sa reflection naming dalawa pero
nakagilid siya at nakatingin pa rin sa akin. Tinutok ko na ang camera ng
phone sa salamin pero nakatingin pa rin siya.

“Vane, picture tayo,” sabi ko.

“Wait,” he almost whispered. Kinagat niya ang labi niya. “Can’t take my
eyes off you.”

Binaling ko ang tingin sa kanya mismo. Nakatingin pa rin siya sa akin at


nakangiti. Hinawakan ko ang mukha niya para ilingon sa salamin nang
hawakan niya ang balikat ko. Pagpicture ko, napatitig ako kay Vane nang
ilapit niya ako sa kanya at pinisil ang hawak niyang balikat.

“Nilalanggam ako!” the girl shouted. Umiwas ako kay Vane at nilingon ang
babae na nagsukat sa akin kanina habang nakangiti sa amin ni Vane. “Ang
sweet niyo namang magkapatid,” she added.
Pagtingin ko kanila Javier at Erica, nakangiti lang sila sa amin. Nag
thumbs up din si Erica sa akin. Pagbalik ko ng tingin sa salamin, nakita
ko ang reflection ni Vane na nakatitig sa reflection ko sa salamin. His
eyes, serious.

And for a moment, I felt something. . .again.

This was the feeling I left in Puerto Galera. It’ coming back. Oh Vane,
please. Don't make me lust for you even more. I might get tempted.

____

Pagkakita ko ng tweet sa akin ni the real Sinteya (see picture in media),


sobrang natuwa na kinilig na natawa ako. Baliktad lang 'yung dalawang
lalaki sa 'long hair' description. Pero ugh. Ikenat. :"> <3 ♥

=================

Ngptkso 33

Ngptkso 33 // Get a Grip

Nag-overnight ako kanila Unica a few days after dahil kailangan ko siyang
tulungan sa make up at mga gamit niya para sa photoshoot ng pageant.
Ilang weeks na lang, pageant na at hindi pa rin mapakali si Unica dahil
ayaw niya talaga pero bantay sarado siya ni Tandang Sora.

Unica was on the phone calling her brother. Unfortunately, Kuya Uriah
couldn't drive her. Wala rin ang driver dahil may importanteng nilalakad
for Kuya Uriah's businesses. Fortunately! May isa pa siyang Kuya.

“Hello? Sino 'to?” she said to the phone. I looked at her with question.
“Ikaw ang sino? Baki—” Nanlaki ang mata ni Unica habang tinititigan ang
screen ng iPhone niya. “Putragis! Binabaan ako ng phone?!”

“Ng kuya mo?” I asked.

“Hindi! Ng kaladkarin na babae!”


Tumawag siya ulit na naaasar. Natawa na lang ako dahil kunot ang noo niya
at nakapameywang pa. She signaled me to keep quiet.

“Hoy!” pambungad niya na nagpatawa sa akin. “Hayop ka isang baba pa sa


tawag ko kakaladkarin kita paalis d'yan sa condo ng kuya ko. Narinig mo?”
her voice was higher than her normal deep voice. “Kuya ko. Kapatid niya
ako at parausan ka lang n'yan. Huwag kang magmaganda baka ipakaskas ko sa
riles 'yang kakapalan mo, ha? Pakausap na ako sa kuya ko!”

A few seconds later, Unica shouted at the phone.

“MALELATE NA KAMI KUYA! Please naman!”

Pagkababa niya ng phone, tawa ako nang tawa. Sa sobrang lakas, binato ni
Unica ang unan niya sa akin na sinalo ko rin agad. Minamasahe niya ang
noo niya sa sobrang stress.

“Bwisit kasi 'yung kotse ko sana binigay na lang sa akin, eh!”

“Chill,” I said.

“Chill amputek, paano mag-chi-chill? Kapag na-late ako, sasapakin ako ni


Tandang Sora!”

“Nics!” I heard Ate Nena called. Pumasok siya sa kwarto dala ang isang
damit. Pinakita niya sa amin ang isang shirt at napataas ang kilay ko
dahil pamilyar ang shirt na 'yon. “Is this yo’rs? I coul’n’t remem'er
t’is.”

Tumingin sa akin si Unica kaya mas nagtaas ako ng kilay.

“Is that Vane’s?” I asked.

Agad ngumiti si Ate Nena. “Oh, Van’! Tha’ bad bo’ na naghatid sa’yo here
las’ time?”

Nagpapalit-palit ang tingin ko kay Unica na nanlalaki ang mata at kay Ate
Nena na mukhang walang idea na nagsasabi siya ng top secret ni Unica.

“Naghatid? Last time?”

“Yes Sin! Nics here kasi, naglasi—”


“Alam mo ate Nena.” Lumapit si Unica at kinuha ang shirt kay Ate Nena.
“Mas magandang magluto ka na lang o abangan mo si Gardo kasi di ba,
mukhang may ibang kinakalantari ka-fling mo?”

Umismid si Ate Nena and pouted bago umalis. Pinagmasdan ko si Unica na


parang hindi alam ang gagawin kaya tumingin siya sa akin at ngumiti.
Binigay niya sa akin ang shirt ni Vane.

“Paki-sabi, salamat.”

Lalong tumaas ang kilay ko. “At bakit?”

Bumuntong hininga siya. “Naglasing ako. Nasukahan ko ang damit ko,


pinahiram niya sa akin 'yan. Walang time maibalik.”

“Naguguluhan pa rin ako.” Tumayo ako at hinawakan siya sa magkabilang


pisngi. “What’s up with you two? Kailan 'to?”

“A few days before.” That clicked to my mind. It was the night na dapat
magpapasukat kami pero nagkaroon ng emergency si Vane. “Pero promise
mamatay ka man, walang sex na nangyari.”

“Really? Knowing Vane. . .”

Pinatong ni Unica ang kamay sa balikat ko. “Knowing Vane, oo. Malandi
'yung hayop na 'yun, eh. Pero ako, alam mo naman na—”

“Yeah, you’re saving your virginity for prince charming,” natatawa kong
sabi.

Tinulak niya ako palayo kaya napaupo ako sa kama niya. Tawa pa rin ako
nang tawa pero natigilan nang may sinabi siya ulit. “Tsaka ang alam ko,
nagkikita ulit sila ng first love niya.”

“His first love?” I asked.

Nagkibit balikat si Unica habang ako naman ay napaisip. First love ni


Vane? Nang maalala ko ang sinabi ni Unica, agad ko siyang pinalo sa
balikat na kinabigla niya.

“Ako talaga mamamatay? Ikaw na lang kaya.”

Tinawanan na lang niya ako.


Lagpas thirty minutes din ang nagdaan bago dumating ang kuya ni Unica.
Asar na asar siya at panay ang reklamo habang ako naman ay nakatitig kay
Kuya Ulysses na nginitian ako.

The wedding catalog didn’t do his handsome feature any justice. Mas
matipuno ang katawan niya sa personal at mas naging matangkad simula nung
huli kong kita sa kanya noong highschool. I have a feeling na mas
matangkad siya sa eldest nilang si Kuya Uriah. . . pero parehas silang
intimidating tingnan.

Ang pinagkaiba siguro nila ay mas laid back ang itsura ni Kuya Ulysses
dahil sa black v-cut shirt, jeans at sneakers. With his brown, messy
hair. Si Kuya Uriah kasi ay madalas naka suit dahil sa trabaho at black
and clean cut ang buhok. While as for Unica, the youngest – naka loose
shirt, jeans and boots. The super duper laid back look with her long,
straight hair in a messy bun.

“Bakit ka ba kasi late?” Unica asked pagkakita niya sa kuya niya.

“Hey, you’re the one asking for a favor here,” Kuya Ulysses said with a
deep voice. Napangiti ako dahil makalaglag panty ang boses niya. Pare-
parehas silang magkakapatid. Kahit kasi si Unica, may deep voice. “You
think I’m happy to be your driver? I should be resting!”

“Ewan ko sa'yo English, English ka pa marunong naman magtagalog.”

Tinulak ni Unica ang Kuya niya pagkabigay ng ilang costumes. Dinala ko


ang make-up kit ko. Bago ako makapasok sa kotse ni Kuya Ulysses, narinig
ko ang pagbulong niya.

“Curse that Uriah.”

Pagpasok sa loob ng kotse, may lalaking medyo chinito at maputi ang


nakaupo sa tabi ng driver’s seat. Sobrang tahimik niya na akala ko walang
ibang tao sa kotse. He was busy looking at his phone na tiningnan lang
niya ako nang magsalita ako.

“Sino ka?” I asked.

Pumasok si Kuya Ulysses sa driver’s seat at pinaandar ang engine. “You’re


a shit, Miko. Hindi mo man lang naisipan tumulong.”

Ngumuso ang lalaking tinawag na Miko. “Kaya na 'yan ng muscles mo,


magbubuhat lang eh.”

“O, sino 'to?” Tinuro ni Unica ang lalaki sa tabi ng driver’s seat
pagkapasok niya.
Lumingon ulit sa amin ang lalaking tinawag na Miko ni Kuya Ulysses.
Tumingin muna siya sa akin at ngumiti nang makahulugan. Pagkabaling niya
ng tingin kay Unica, he held his hand. Yung hindi nakahawak sa phone.

“I’m Melchizedek Jesus Crux,” pagpapakilala niya.

Ano raw?

“Ano? Mesiah Hesu Kristo?” Unica asked. I laughed.

“Aray, pinagtatawanan pangalan ko.” Tumawa si Miko at nilapit ang kamay


sa dibdib niya na akala ay nasasaktan. “Miko na lang, less nosebleed.”

Habang nasa byahe, kitang-kita ang kaba ni Unica dahil panay ang tingin
niya sa labas at sa orasan. Tahimik kami sa byahe pwera sa pinapatugtog
sa kotse at ilang pagmumura ni Kuya Ulysses dahil sa traffic.

“Fuck this heavy traffic in the Philippines,” he said with disgust.


Lumingon siya kay Miko na busy pa rin sa phone. “Fuck that. Why do you
keep reading on that app?”

“Huwag ka magulo, busy ako sa Wattpad,” diretsong sabi ni Miko, nakatutok


pa rin ang mata sa phone.

“Wattpad?” I asked. “Ano 'yun?”

Lumingon sa akin si Miko na ngiting-ngiti. Pinakita niya sa akin ang


screen ng phone niya. Ang una kong napansin ay ang orange something doon
at parang e-book.

“Ito 'yung Wattpad oh,” sabi niya habang nakangiti sa akin. “Maraming
stories dito tapos 'yung mga authors, pwede mong makausap.”

Tumango-tango ako sa kanya. I didn’t know he’s like a nerd who likes
reading books and stories. Mukha kasi siyang boy next door type na walang
pakialam sa literature. Nabasa ko pa sa title na ang hearts or something.

“DAMN!”

Biglang tumigil ang kotse na kinabigla naming lahat. Tumingin kami sa


paligid, umaandar naman ang ibang kotse.

“Shit!” Kuya Ulysses shouted. Pinipilit niyang buhayin ang engine pero
hindi pa rin nabubuhay. Mas naiirita ata siya dahil sa busina sa likuran.
Lumingon siya sa likuran. “Assholes!” he said. “Fuck you all!”
“Tangina naman Kuya, bakit ngayon pa?”

Bigla akong natawa. “Cursing feast talaga pag magkasama kayo, no?” bulong
ko kay Unica. Sinamaan niya ako ng tingin.

“Ulysses, behave!” sigaw ni Miko.

Lalo akong natawa. “Aso lang?”

“Fuck you, Miko!”

Tumawa si Miko. “Bumalik ka lang sa Pinas, lalaki na hanap mo?”

Lalo akong natawa. Nilingon ako ni Miko ang kumindat. Tiningnan ni Unica
ang phone niya and I saw someone texted her. Binasa niya 'yon and it’s
the organizer of the pageant.

“Kuya!” Unica said. “Male-late na ako!”

“Fuck,” Kuya Ulysses hissed. “It wouldn't start!”

“Tawagan natin si Marco,” Miko said. Napatitig ako sa kanya dahil sa


pangalan na sinabi niya. He dialed on his phone pero mukhang walang
sumasagot. “Mukhang busy.” Nilingon kami ni Miko at ngumiti. “Gusto
niyong hanap ko kayo ng taxi?”

Ngumiti ako sa kanya. “Yes please.”

Lumabas siya ng kotse. Panay ang pagmumura nila Kuya Ulysses at Unica
dahil sa ingay ng mga busina. Nasa gitna kasi kami ng kalsada at ang laki
talaga naming harang. Mabuti na lang, nandyan si Miko na nag-iisang
kalmado at nakuha pang mag-joke.

Nakapag-taxi kami ni Unica dala-dala ang mga gamit para sa photoshoot


habang nakita ko namang sumakay ng bus sila Miko at Kuya Ulysses. Mukhang
nag-alinlangan pa nga si Kuya Ulysses pero tinulak siya ni Miko papasok.

“Late ka na, Balentino!” sigaw ni Tandang Sora pagkarating namin na


hinihingal sa venue ng photoshoot. Nag-iba ang timpla ng mukha ni Tandang
Sora nang makita niya ako. “Oh nandito ka rin pala Yewoy.”

“Yeo po.”
“Yewoy, Yoh – parehas lang. Hala sige na, mag-ayos na kayo!”

Hinila ko si Unica palayo. She whispered, “sunugin kita d'yan eh.”

That made me laugh.

Nag-uumpisa na ang ilang contestants sa make up session. Ang ilan naman


ay pinipicture-an na. Naging maayos ang pag make-up ko kay Unica pwera na
lang nang magsimula siyang magkamot na nagpairita sa akin.

“Stop scratching your face,” I said while fixing her blush on.

“Ang kati ng make-up.”

Panay pa rin ang kamot niya kaya pinigilan ko ang kamay niya at pinalo.
“Unica, stop!”

“Pero ang kati!”

“Isusumbong kita kay Tandang Sora nag iinarte ka pa.”

Tumingin siya sa akin nang masama. She stayed still kaya ngumiti ako at
pinagpatuloy ang pagmake-up. Nang matapos na ako para sa themed make up,
nag-ready na si Unica for the photoshoot. Narinig ko ang kalabog sa may
pintuan and I saw a familiar geeky guy na nakasilip sa glass window ng
pinto. Mukhang nagtutulakan sila ng mga kaibigan niyang geeky rin.

Pumasok sa loob ng room si Chino na may dalang mga papel at dumiretso kay
Tandang Sora habang ang mga kaibigan niya ay pumasok pero hanggang
likuran lang. Nakatingin sila sa akin habang nakangiti kaya napangisi ako
at umiling. These guys want my attention.

Ang cute lang.

Pagbaling ko ng tingin kay Tandang Sora at Chino, napansin kong


nakatingin nang diretso si Chino habang kausap siya ni Tandang Sora.
Sinundan ko ang tingin niya kay Unica. Pinagmasdan ko ang dalawa. Kumaway
ako kay Chino and friends pagkaalis nila at nang ibaling ko ang tingin
kay Unica, mukha siyang tensed.

Either it’s because of the photoshoot. . .or Chino’s presence.

Natapos ang shoot nang bored na bored ako. Hindi ko nga napansin na
nakatulog ako kung hindi lang ako ginising ni Unica. Gabi na kaya kumain
muna kami sa cafeteria nang makita ko ang grupo nila Chino sa kabilang
table. And the thing is, kasama na naman ni Chino 'yung mahinhin na girl.
Tumingin ako kay Unica na mukhang nakita rin ang nakita ko. Yumuko siya
at kulang na lang, masira ang tinidor niya sa pagsaksak sa plato.
Tinawagan niya ulit ang Kuya niya pero hindi na sumasagot kaya lalo
siyang nainis.

“Sinong maghahatid sa atin?!” halos pasigaw niyang sabi dahilan para


mapatingin sa amin ang grupo nila Chino. Halos basagin na nga niya ang
hawak na baso. “Bwisit!”

“Kanino ka ba nabu-bwisit?”

Tiningnan ako ni Unica. At bigla akong inirapan! Kaya tumawa na lang ako
at tinawagan si Vane. “Si Vane na lang,” sabi ko habang nakalapit ang
phone ko sa tainga.

When Vane answered the call, I was about to greet him but stopped when I
heard a giggle. Of a girl. Nanlaki ang mata ko sa narinig. I heard Vane
sigh before I heard his voice on the other line.

“H-hello?” his voice was husky.

Tumingin ako sa orasan. It's just eight in the evening. Bakit may ganito
na agad?

“Vane?”

Nakarinig ako ng katahimikan sa kabilang linya. At bigla na lang akong


nakarinig ng mura ni Vane at sigaw ng babae na mukhang nalaglag. Narinig
ko rin kasi ang pagkalabog at paglaglag ng mga bagay.

“Sin!” he almost shouted. “Bakit? Anong nangyari? Ha?”

Tumawa ako pero at the same time, nakaramdam ako ng kaba. “Who’s the
lucky girl?”

“W-wala.”

“Really?” I asked at umirap pa. Unica looked at me with a questioning


look. “Tip lang, don’t answer the phone if you’re busy, alright?” Bago ko
pa ibaba, narinig ko ang pagprotesta ni Vane pero hinayaan ko na.
Nilingon ko si Unica at nagkibit balikat. “Vane’s busy.”

“Kasi naman 'yung kotse ko, eh.” Unica hissed. “Taxi na nga lang.”
Naglalakad kami sa hallway papuntang entrance habang halos kaladkarin na
namin ang mga gamit at props niya. Malapit na kami sa entrance nang bigla
akong kabahan. Nanghina rin ang mga tuhod ko kahit gusto kong tumakbo
palayo.

“Sir!” Unica greeted. Hinawakan niya ako sa braso at pinisil pa.


“Kumusta?”

Umiwas ako ng tingin when Sir Marco looked at us. “Ang dami ata 'yang
dala niyo?”

“Oo Sir, pageant shit, eh,” Unica said. “Ay Sir, busy ka ba?”

Nanlaki ang mata ko kay Unica pero hindi siya nakatingin sa akin. No.
This can’t be. Don’t, Unica. Don’t! Why are you doing this?!

“Ibabalik ko lang 'tong susi kay Ma'am Retiro tapos pauwi na. Kayo ba?”

“Pauwi na rin Sir, kaya lang kas—”

Napakagat ako ng labi nang tumingin siya kay Unica at binaling ang tingin
sa akin. Halos malusaw ako sa titig niya habang umaalingawngaw ang boses
niya sa tainga ko.

“Hatid ko na kayo.”

“Ayos yan, Sir!” Unica said with a smile.

It was so awkward inside Sir Marco’s familiar car. Sa bawat lingon ko,
naaalala ko ang ginawa namin ni Sir sa kotseng ito. And now, kahit nasa
tabi ako ng driver’s seat, sobrang awkward ng atmosphere.

Unica’s asleep with her garments beside her sa back seat. While as for
me, gusto ko rin makatulog. Kung papatulugin ako ng mabilis na tibok ng
puso ko.

“Sumasali pala sa pageant si Unica?” biglang sabi ni Sir Marco.

“Yeah.”

Napapikit ako at napakagat ng labi. Why is my heart beating so fast?!


Kasi ngayon na lang ulit kami nagkasama at nagkalapit nang ganito
katagal, ganon? Kahit dati naman, mas malapit pa ang nagagawa namin?

Anong pa-virgin feeling 'to, Sin?


My mind was in haywire. Not sure if the silence is a good thing or not
pero hinayaan ko na. At least I’m not stuttering or anything.

Pagkahatid kay Unica na nagpaalam agad dahil pagod na siya, nanatili


kaming tahimik ni Sir Marco. Ni hindi ko na nga tinuro sa kanya kung saan
ang bahay namin dahil alam na niya. Nagpasalamat muna ako at bago pa ako
makababa, tinawag niya ako.

“Ms. Yeo.”

Pinapatay ako ng tibok ng puso ko.

“Po?”

Lumingon siya sa akin nang seryoso ang mukha. “Pumasok ka lagi sa klase
para hindi bumagsak.”

Tumango ako. Nagpaalam na siya pagkatapos. I thought he’s going to say


something more. . .pero nakaalis na siya't lahat, wala na talaga. Kahit
text man lang. . . and I don’t know why I texted him

To Need to Ignore ♥Ingat Sir :)

And shit lang, he didn’t reply.

Why am I even waiting for his reply? Gods Sin.

You're Sinteya Yeo. Get a grip.

=================

Ngptkso 34

Ngptkso 34 // Taste of Own Medicine


I once said that one of the best things that this semester have done is
the radio booth. But after a few minutes of hearing it, binabawi ko na.
Nanririndi kasi ako sa ‘love advice’ segment ng radio booth at kahit saan
ako magpunta, kahit sa CR, naririnig ang radio.

“Hindi niya ako pinapansin at ang sakit-sakit na!”

Pansin ko na halos lahat ng nakatambay ay nakikinig. Kausap ng student DJ


na si "DJ Andro" ang isang babaeng caller na namomroblema dahil hindi na
raw siya pinapansin ng binasted niya. Naiirita ako dahil ang arte-arte at
kasi. . .kasi. Basta. Nakakairita.

“Inayawan mo siya, eh,” DJ Andro said. “Sa totoo lang, kaming mga lalaki—
mukha lang kaming matapang. Pero natatakot din kami. Masakit sa amin ang
rejection. Mahirap kasi kumuha ng lakas ng loob at sa huli ay
mababalewala rin.”

“Pero sa mga binabasa kong stories, nagpupursige ang mga lalaki!”

Tumawa si DJ Andro at infairness sa kanya, gwapo ang tawa niya. Okay,


pati ang boses. “Ms. Tweetums, fiction 'yun. Nasa reyalidad tayo. Hindi
lang kayong babae ang nasasaktan at nabibigo.”

Naging patok ang radio booth lalo na ang love advice dahil sa mga
prangkang advice ni DJ Andro. Naging usap-usapan din kung sino siya dahil
nagpapakamisteryoso talaga siya. Kahit saan ako magpunta, radio booth ang
pinag-uusapan. Hanggang sa pagpasok ko sa History class, naririnig ko pa
rin ang usapan sa nadadaanan ko. Gusto ko tuloy mambato ng mic nang
makitang nasa may labas si Sir Marco ng room habang may kausap na babae.

Napatingin sa akin si Sir Marco at nanliit ang mata ko dahil yumuko siya
at mas nilapit ang sarili nang hawakan siya ng babae sa braso. Kumunot
ang noo ko. I wanted to smash his face on the door pero mas pinili kong
umirap at pumasok sa classroom.

“H-Hi Sin,” Chino greeted me awkwardly nang magkasalubong kami.

I greeted him back pero bumalik ang sama ng tingin ko pagkaupo. Nakikita
ko pa rin sa may bintana ng pinto si Sir Marco at panay ang ngiti niya. I
know he likes smiling. . .pero dapat ba ibigay 'yan sa lahat ng babaeng
manlalandi sa kanya? Sa lahat ng estudyante?! Lumingon siya sa classroom
at nagtama ang tingin namin sa isa't isa. Hindi ko tinanggal ang paningin
ko hanggang siya ang nahiya at nag-iwas ng tingin.

Pagpasok niya ng room, nakatingin pa rin ako sa kanya. Sumilip siya sa


akin pero nag-iwas ulit ng tingin dahil hindi ko inaalis ang titig ko. I
want to kill him with my eyes. Gusto kong malaman niyang nababadtrip ako
sa kanya. Umalis naman na 'yung babae at good thing 'yon dahil gusto ko
siyang kalbuhin!
Nagbukas ang pintuan sa likuran at nagtaka naman ako dahil magkasama si
Vane at Jill. Inaaya pa ni Jill na maupo si Vane sa tabi niya pero
tinaasan ko na ng kilay si Vane kaya naupo siya sa tabi ko. Ngumiwi ako
sa flying kiss ni Jill.

“What was that?” I asked Vane.

Ngumisi si Vane. “Pampalipas oras.”

“I heard you're meeting with your first love.”

Sumeryoso ang mukha niya. “Saan galing ang balitang 'yan?”

Nagkibit balikat ako. And he didn't try to ask me if I know more.

Nagsimula ang klase nang nakatitig lang ako kay Sir Marco. Gusto ko
siyang lusawin dahil naiirita pa rin ako. Pinag quiz niya kami kaya mas
lalo akong nabadtrip. Nang matapos ako, nag-alok si Vane na siya na ang
magbibigay ng paper namin pero kinuha ko ang papel niya at ako na ang
tumayo.

I strutted my way to Sir. I can sense that all eyes were on me. Dahan-
dahan ang pag-angat niya ng tingin sa akin. I plastered my nicest smile.

“Sir—”

“Don’t,” he stopped me. Huminga siya nang malalim. “Call me.”

“Huh?”

Kinuha niya ang papel sa kamay ko at binaling ang tingin doon. Hindi siya
tumingin sa akin nang magsalita siya.

“Pwede ka na umalis.”

Binagsak ko ang kamay ko sa teacher’s table na kinagulat ni Sir Marco.


Tiningnan ko siya nang masama. Naririnig ko ang ilang bulungan ng mga
kaklase ko na mukhang nagulat din sa ginawa ko. Tumayo ako nang maayos at
ngumisi kay Sir.

“Thanks,” matigas kong sabi.

Paglingon ko sa pwesto ko, mas nairita ako dahil nakaupo si Jill sa upuan
ko. Kinakausap niya si Vane na nakatingin sa akin. Ngumiti siya sa akin
at tumayo kaya tumayo rin si Jill. Ano ba 'to, aso? Sunod nang sunod kay
Vane.

Niyakap ko ang baywang ni Vane na pinanlakihan ng mata ni Jill.


Naramadman ko rin ang paninigas ng katawan ni Vane. I pinched his waist
at ngumiti sa kanya.

“Wha—” Before he could react, I hushed him.

“Bakit panay lapit ka kay Vane?” tanong ko nang nakataas ang kilay kay
Jill.

“Ikaw rin ba, bakit ang feeling close mo kay Vaney?”

Natawa ako sa narinig ko. Tumingin ako kay Vane at tinaasan siya ng
kilay. “Vaney?” Kumunot lang ang noo niya. Binaling ko ang tingin kay
Jill at ngumiti. “I’m with Vaney already,” I said.

Tumingin sa akin si Vane. “You’re with me?”

I assured him. “You’re with me.”

“Really?” taas kilay niyang tanong.

Mukhang nagtataka siya pero kailangan kong ipagpatuloy 'to dahil


nararamdaman ko na rin ang tingin sa likuran ko. I can sense that
professor is looking at us.

“Really,” I confirmed.

Ngumisi si Vane at gusto kong tapalan ang laki ng ngising 'yon. Kinagat
niya ang labi niya at umakbay sa akin. “She’s with me.”

Nanlaki ang mata ni Jill. Inismiran ko na siya bago pa siya


makapagsalita.

“Ms. Yeo, Mr. Yboa, Ms. Alias.”

Ngiti agad ang reaksyon ko sa boses na 'yon. Lumingon ako to see Lourd
Marco Aceveda looking at us with his serious face.

“Yes, Sir?” nakangiti kong sabi.


“Kung tapos na kayo sa quiz, pwede na kayong umalis dahil nakakaabala
kayo sa mga nag-sasagot pa.”

Tumango ako. Hinawakan ko sa kamay si Vane at hinatak siya palabas ng


room. With our classmates looking at us. With Jill’s mouth hanged open.
And Sir Marco’s death glare.

Tawa ako nang tawa pagkalabas ng room pero at the same time, kinakabahan
ako. Nanghihina pero at the same time, I wanted to shout. It was the
rush. I can feel the tingling sensation in my veins and it felt great!
Kung nasuntok ko rin siguro si Jill, mas masaya sana.

Tumikhim si Vane sa tabi ko. “We’re together now?”

Nalimutan kong magkahawak pa rin pala kami ni Vane ng kamay. At tingnan


mo nga naman ang lalaking 'to, intertwined fingers agad?

“What will Dad and your Mom say?”

Minsan ang cute talaga nitong si Vane, eh. The bad boy and somewhat
innocence made him adorable. Ang sarap gawing keychain! Pinisil ko ang
kamay niya at ngumiti.

“Naalala mo 'yung humingi ka ng pabor sa akin for bedding me?” natatawa


kong sabi.

Sumeryoso ang mukha niya. “Yeah, why?”

“Ito na ang kapalit. Sa harap nila Sir at tuwing may klase.”

“I'll pretend to be your boyfriend?” he asked. Tumango ako. “That


professor likes you, right?” he asked again. “You don't like him?”

“Stop asking questions.”

Sumipol siya at ngumiti. Inangat niya ang kamay naming magkahawak at


hinalikan ang daliri ko. Tumingin ako sa paligid. Nakatingin sa amin ang
ilang nakakasalubong namin sa hallway.

Talk about PDA.

“So you like me?” he asked.


I rolled my eyes and stopped walking. Inalis ko rin ang hawak niya sa
kamay ko para mahawakan ko siya sa magkabilang pisngi. Inilapit ko ang
mukha niya sa akin.

“You want me to like you?”

He just smirked at me.

The pretend was not a bad idea, really. Hindi naman kasi kami masyadong
clingy pero sa klase at sa harap ni Sir Marco, gusto kong matawa. Vane is
great in this pretend thing. Para lang kaming naglalaro and the fun part
is, walang halong kahit anong feelings. Ang feelings involved lang ay ang
pagkainis ni Sir Marco sa amin.

Pinag-iinitan niya kami ni Vane. Tatawagin at magtatanong ng mga


imposibleng tanong. Minsan ay paglalayuin din niya kami kahit na by
surname ang sitting arrangement.

C'mon. Yboa and Yeo, mapaglalayo? Ang cute ni Sir Marco.

Minsan magpa-plano pa kami ni Vane ng mga scenes sa bahay para gawin kung
sakaling makita namin si Sir Marco sa ibang lugar.

“Dapat yayakapin kita bigla para masaya,” natatawang sabi ni Vane.


Nakatali ang buhok niya at naka-boxers shirt lang. Nakatambay kami sa
sofa habang nagpapaantok. “Yung ganito kahigpit.”

Hinatak niya ako at niyakap nang sobrang higpit kaya tawa ako nang tawa.
Dahil he's top naked, ramdam ko ang kaunting pawis at init ng katawan
niya. “Stop it, Vane!”

“Hindi, dapat sobrang higpit para malaman niyang hindi siya kailangan
para maprotektahan ka.”

“I'm not a damsel in distress.” Tinulak ko si Vane at pinalo siya sa


hita. Papaluin ko pa sana siya ulit pero hinawakan niya ang kamay ko para
pigilan. Tiningnan niya ako nang seryoso at unti-unti ay ngumiti.

“Baka magising,” he said and looked down. “Patulugin mo naman ako.”

“Kadiri ka,” natatawa kong sabi. “Let’s sleep before that wakes up.”

Kaya naman nang dumating ang pageant ni Unica, nagtataka siya sa


closeness namin ni Vane. Tinulungan kasi ako ni Vane sa pagdadala ng mga
make-up kit. We needed to pretend lalo na't may mga kaklase kami sa
history class na pagala-gala. Hindi ako tinigilan ni Unica kahit na
nagmamadali na kami sa pag-aayos sa kanya.
“We’re just pretending, okay? Sa harap ni Sir.”

“Pretend pa ba ang closeness na 'yun?”

Tumawa ako kaya tinigil ko muna ang paglagay ng eyeliner sa kanya.


Tiningnan ko siya nang mataman at mahina siyang pinalo sa pisngi. “Close
lang, Unica. Step siblings din kasi kami.”

“Hindi pa.”

“Oo, pero parating na dun. Nagki-click lang kami.”

Tinitigan niya ako nang masama na para bang may ginagawa akong kakaiba.
Pinapatuloy ko na lang ang pagmake-up. Dumating si Chino sa backstage
dahil isa siya sa mga staff ng organization na namamahala sa pageant.
Tinawag ko siya para picture-an kami ni Unica.

Unica tensed. Nanginginig naman ang kamay ni Chino kaya panay blurred ang
kuha. Napairap ako at tinulak si Chino palapit kay Unica.

“Kayo na lang picture-an ko,” I said with a smile. Parehas silang na-
tense kaya ako pa ang naglapit sa kanila. Ang awkward nilang dalawa,
nakakaloka. “Say cheese.”

They didn't smile at all.

Pagkatapos ng picture-picture at selfie namin ni Unica, nagsimula na ang


pageant. Nanood ako sa backstage dahil may LCD doon na pinapalabas ang
buong pageant. Sabi ko nga, this is a big event. Masyadong
pinaghahandaan. Halos lahat ng nasa college department, ito ang pinaka
inaabangan.

Sigaw ako nang sigaw habang rumarampa si Unica mapa themed, swimwear at
hanggang gown niya. Wala namang mapaglagyan ang saya ko nang makasama
siya sa top five. Unfortunately, nang pinabalik sila sa backstage,
pinaalis na kaming tumutulong sa mga contestants para walang pandaraya sa
questions.

Eh ang question lang naman ay, “How will winning this pageant help you as
an individual?”

Ang una ba namang sinabi ni Unica ay, “shet, nosebleed,” sabay tawa niya.
Dahil nga contagious ang tawa ni Unica, halos lahat kami sa audience ay
natawa. The MC even thanked Unica for breaking the ice. Masyado raw
kasing serious ang pageant.
Unica looked elegant with her white gown. Mukha siyang greek goddess na
may tato sa katawan na may halo-halong kumento. Kesyo bakit sumali eh may
tato at may iba namang natutuwa at naaastigan dahil kahit may tato,
sumali pa rin.

Ako? I’m just proud of her.

Kahit walang ka-class – class ang sagot niya sa tanong.

“Sumali lang ako dito kasi kailangan ko pumasa sa Values class,” she said
with a smile. Nagtawanan ang mga tao. “De seryoso, pumasa ako sa Values
kaya thank you Ma'am! You the best. Kaya naman natulungan ako ng pageant
na 'to pumasa sa subject ko. Pasadong subject lang, sapat na!”

Nagtawanan at hiyawan ang mga tao sa sagot ni Unica. Nagpalakpakan din


ang lahat at nakakuha siya ng standing ovation. I was laughing so hard.
People’s choice na sigurado si Unica.

Unfortunately, judges didn’t like what she said.

Lalo na si Tandang Sora.

Still, at the end of the pageant kahit wala siyang nakuhang korona, she
won the people’s heart. That's more important for her.

Nagkaroon ng after party sa The Ultima bar pagkatapos ng pageant. All


eyes were on Kuya Ulysses and Miko when they went upstairs, papunta sa
VIP area. Matatangkad kasi sila at matitipuno. Magkaiba ang aura pero
parehas na nagbabaga.

I was just near the counter observing people while drinking. Parang baliw
na ang mga tao sa dance floor. Sumasabay sa nakakabinging music. Sa
sobrang daming tao, nawala sa paningin ko si Unica na kanina ay
nagsasayaw sa gitna.

I was minding my own business when someone held my arm. Lumingon ako and
smiled at him.

Umupo sa tabi ko si Vane. “Bakit mag-isa ka?”

“I like being alone sometimes.”

Tumango-tango si Vane. Nakiinom pa siya sa hawak kong baso.

“Hey, that’s mine!”


Niyakap niya ako sa baywang gamit ang isang kamay. Nagtaas siya ng kamay.
Nilapitan siya ng bartender at nag-order ng isa pang drink. Umiling na
lang ako. Masyado niyang inaabuso ang libreng drinks! Pagkarating ng
inorder niya, uminom muna siya bago niya binigay sa akin ang baso.

Nilapit niya ang labi niya sa tainga ko kaya nakiliti ako. “Can I ask for
a kiss?”

Lumayo ako sa kanya at pinalo-palo siya sa pisngi. Nakangiti lang siya.


“You’re drunk.”

“No,” he said with a grin. Tumuro siya kaya sinundan ko 'yon and saw the
familiar friends of his. Parang ganito na naman 'yung eksena last time.
“Isa lang, gusto ko lang pamukha kay Miller.”

“Na?”

“You’re mine.”

Tumawa ako at uminom sa baso. Pinainom ko rin siya sa baso bago ko binaba
sa counter. Hinawakan ko siya sa pisngi.

“C’mon step bro, let’s make them burn with jealousy,” natatawa kong sabi.

He touched my lower lip smiled. He dipped his face when I heard a loud
shout from above.

“Marco!”

Mabilis ang pag-angat ko ng tingin sa taas. Naramdaman ko ang halik ni


Vane na bumagsak sa panga ko. Sa taas ay nakita ko si Miko sa may railing
na malaki ang kaway sa akin. Ngiting-ngiti siya nang manigas ako sa
kinatatayuan ko sa narinig.

“Excuse.”

Nagulat ako nang may lalaking pumagitna sa amin ni Vane. Napamura si Vane
at napaatras. Lasing na siya kaya kamuntikan pang bumagsak. Habang ako,
nanlalaki ang mata sa side view ni Sir Marco na kausap ang bartender.

Nakatitig lang ako sa kanya. Sobrang lapit namin sa isa't isa and I just
want to kiss him so bad. Or I just want to kiss someone. Somebody.
Pagkakuha niya ng baso, tumingin siya sa akin at naglakad paakyat.
Pumunta siya sa pwesto nila Miko at Kuya Ulysses.
“Hey,” Vane whispered to me. “Sin.”

Bigla akong nakaramdam ng hilo at panghihina. Naiinis ako dahil hindi ako
pinapansin ni Sir Marco. Is he doing this because I'm ignoring him? So
ano, taste of my own medicine ang gusto niya?

Fine! If that's what he wants. FINE! I don't care. He's just a professor.
Makakahanap din ako ng ibang propesor na mas gwapo sa kanya o mas hot sa
kanya.

I don't care!

“Sin!”

Lumingon ako kay Vane. “Uuwi na ako.” I said before storming out of the
bar.

=================

Ngptkso 35

Ngptkso 35 // Bouquet and Garter

I'm the type of girl who dislikes drama. Kahit anong klaseng drama, hindi
ko gusto. Kinaiinisan ko. Kinababadtrip ko. That's the reason I hate TV
and social networks. Lalo na ang mga nagpaparinigan?

Pathetic.

Bwisit na bwisit ako sa sigawan at iyakan. Siguro kasi hindi naman kami
nagsisigawan ni Erica. O siguro dahil ang huling iyak ko nang sobra ay
noong bata ako.

Less drama kasi, less hassle.

Kaya feeling ko ang pagbabara ng lalamunan ko habang nasa harap ng mga


tao ay nakakapanibago. Erica and Javier's smiling at me. I'm all smiles
too. Sino bang hindi ngingiti para sa newlywed couple? I mean, halos
lahat ay maayos at masaya. Plus the red, black and white motif suits
them.

Danger. Love. Purity.


Before speaking, I cleared my throat. "Hi," I greeted.

Tahimik ang buong paligid. The lights surrounding the event made the
reception magical. All eyes on me. Nilingon ko si Vane na nakahawak sa
phone at minsan ay nagtetext pero binabalik din niya ang tingin sa akin.
He smiled at me. So I smiled back.

"Hi, I'm Sinteya," I started, calming myself. "I've known Erica Serenity
Yeo—now Yboa since I was five and she's a twenty-one college student
then. Noong una ko siyang nakita, hindi ko siya kilala kaya inisnob ko
siya."

The guests laughed.

"Although she was a stranger to me, naging close kami. Feeling close kasi
siya." Ngumiti ako at tiningnan si Erica na naluluha. "When I graduated
in elementary, Mommy — my Lola — confessed that Erica Serenity Yeo, ang
babaeng feeling close sa akin for the past few years. . .is my real mom."

Lumunok ako nang ilang beses.

"Hindi ko matanggap, teh." I laughed. "Being the rebel that I was, I


didn't care about what she feels. Wala akong paki kung masaktan ko man
siya gamit ang masasakit na salita. I was a teenager. A rebel. Nanay ko
pala siya so kailangan kong magrebelde laban sa kanya. Ginusto niya 'yan,
eh."

Tumatawa si Erica. She shouted, "nagsisisi ako!" that made everyone


laugh.

After I calmed myself from laughing, I started again. "But what I like
about her. . .is she didn't stop proving herself to me. Hinintay niya
akong mag-adjust. . .actually, minsan nawawala sa isip ko na nanay ko
pala siya. Para kasing best friend lang."

Tumingin ako kay Unica na nasa likuran habang inaayos ang pinaint niya.
She was hired by Javier and Erica to paint the wedding vow kanina.
Finalization na lang ang ginagawa niya sa canvas.

"No offense Unica. Wedding day kasi nila 'to, eh."

Tumawa ulit ang mga tao. Tumawa rin si Unica and gave me a finger kaya
natawa ako.

"As a mom, masyado siyang maluwag sa akin. She once said that she wants
me to experience life. Kung nasa mood siya, she'll sprinkle me with her
words of wisdom. Pero minsan lang 'yun. Sa sobrang luwag nga niya sa
akin, ako pa ang nag-ga-ground sa sarili ko."

Again, they laughed. I saw Javier kissed Erica on the side of her head.

"As the days passed by, unti-unti nang nawawala ang pagkarebelde ko at
mas nagiging close na kami. Hindi ko na iuungkat ang nakaraan. . . cause
the woman we're seeing here today," I said and looked at Erica. Napakagat
ako ng labi at pinipilit ang sarili kong hindi maluha. "Deserves
everything she has. Sino pa bang magrereklamo kung ako ang anak niya?
Don't laugh. Totoo 'yun."

Still, people laughed.

"And now, she's sitting beside the guy I hate." Binaling ko ang tingin ko
kay Javier na nakatingin lang sa akin at nakangiti. "I hate him with
passion for stealing Erica from me. Actually, nagpaplano na talaga ako ng
scheme ko para madispatya si Javier after the wedding."

Nanlaki ang mata ni Javier at humagalpak ng tawa.

"Feeling ko makukulong ako for telling you all what's inside my mind. But
when I gave Erica's hand to Javier and said 'you take care of her' to
him, my heart melted when he hugged me and answered 'I'll take care of
you two'."

Huminga ako nang malalim dahil nagbabara na naman ang lalamunan ko. I
smiled, trying to hide the almost falling of these freaking tears.
Tumingala ako sandali para ibalik ang nagbabadyang tumulo sa mata ko.

"I grew up without a father. Sucks, right?" Huminga ulit ako nang
malalim. I'm not into dramas but hell, why am I telling this to people?
"Erica fulfilled her duties as my parent and best friend. Hindi ko na
kailangan ng father figure. Aanhin ko ang tatay na magpapaiyak lang sa
tanging magulang ko? But that was me back then, before Javier. Ngayon
kasi? I wouldn't mind to have a dad as long as I can see my Mom's smile."

Ngiting-ngiti si Javier.

"This night is the perfect night for these two beautiful human beings
celebrating their step to forever. As for me, hindi ko na itutuloy ang
naiisip ko noon para kay Javier," I laughed. "Now, I'll always be willing
to be of support. Kung dati, kay Erica lang — ngayon, kasama na si
Javier. I'm not a believer of love, but as I'm witnessing the smile of my
Mom and soon to be Dad, there's hope of me believing. A toast for the
love of Mr. and Mrs. Yboa"
Nagpalakpakan ang mga tao habang pabalik ako sa pwesto ko. Agad akong
niyakap ni Erica habang iyak nang iyak. Hindi ko na napigilan ang pagtulo
ng luha ko pero pinunasan ko ulit kaagad.

"Grabe ka mambola, Honey," she said to me as she sob.

I patted her back, tears trying to escape pero hindi ko hinayaan. "Yeah,
I'm sweet as hell."

Tinawanan niya ako kaya natawa rin ako. Buti na lang at waterproof ang
make up niya kung hindi, she's going to look disaster.

Vane was the next to have his speech. Nagpunta siya sa unahan habang
hawak ang wine glass niya. I saw some ladies ogling at him kaya napairap
ako. Pati ba naman dito?

"Hey," Vane greeted us with his low voice. Narinig ko ang ilang usapan ng
mga babae sa likuran namin na parang kinikilig. "Eddard Vane Yboa, son of
Javier Yboa." Tumingin sa akin si Vane at ngumiti bago binaling ang
atensyon kay Javier. "Dad, I'd like to thank you for marrying my soon to
be Mom. And Mom, can I call you that?" Vane asked. Tumango si Erica.
"Thank you for marrying my Dad. He's a mess. So am I, but you still
accepted us. And yeah, thank you for having a daughter as hot as Ate
Sinteya."

Nanlaki ang mata ko at natawa. Tumawa rin ang mga tao sa paligid.
Kumindat sa akin si Vane while Erica looked at me and laughed. Seryoso
naman ang mukha ni Javier.

"On a serious note, cheers to the newly wed." Tinaas niya ang wine glass
niya at ngumiti. "You two are perfect for each other."

Erica and Javier's wedding was a big distraction for me, thank the gods.
Nawala kasi sa isip ko ang school works. And anything related to school.
Masarap ang mga pagkain at marami ring pakulo. Unica left early dahil may
gagawin pa raw siya. Ipapadala na lang daw niya ang painting kapag tapos
na.

I was having fun, really. Iinom lang at kakausap sa mga tao but then
again, hindi pala pwedeng good mood ako lagi. Lalo na nang marinig ko ang
usapan ng dalawang matandang babae. I think they're Javier's aunties or
something.

"Bakit pinakasalan pa niya 'yan?" the old hag said. Sinundan ko ang
tingin niya na nakatutok kanila Erica at Javier na nagsasayaw sa gitna.
"Hindi ba niya naisip na walang kinabukasan kasama ang babaeng'yan?"

"Lilia," the other old hag with glasses said. "Alam mo namang noon pa ay
nagayuma na ng babaitang 'yan ang pamangkin natin."
"Susmarya, kaya nga pinag hiwalay dahil nakakasira sa buhay ni Javier."

Nag-iinit na ang ulo ko at hindi ko na napigilan ang sarili. Binagsak ko


ang wine glass sa lamesang nasa harap ng dalawa at nginitian sila.
Mukhang nagulat sila at napaatras. Tumingin din sa amin ang ilang
nakapaligid.

"Gusto niyo po ng wine?" I asked.

"Bastos kang bata ka, kita mong—"

"Aunties!"

Nilingon ko si Vane na palapit sa amin. Naka-tux siya at naka-brush up


ang buhok. Nakipag-beso siya sa dalawang gurang. Nakangiti ang mga
gurang. But I can see disgust in their faces. Sinundan ko ng tingin si
Vane na nakangiti pa rin at kinakausap ang dalawa.

"How was States?" he asked politely.

The other hag without glasses looked at Vane from head to toe. "Fine. How
was Philippines for you? Ang init-init, ang haba ng buhok mo. Bakla ka
ba?"

Gusto kong manuntok.

"Ano ka ba, uso 'yan sa mga kabataan ngayon. Mga pasikat."

Tiningnan ko si Vane. . .and he just smiled at them. Sa sobrang pagkainis


ko at bago ko pa mabuhos ang wine sa mga matatandang 'yon, nagpaalam na
ako sa dalawa.

"Will you excuse us, po?" I said. I was almost cringing for that po. I
just want to say potangina but hell. I shouldn't make any scene. "Mag-
uusap lang po kami tungkol sa mga hag."

"Excuse me?" the hag with the glasses said.

Ngumiti ako. I want to puke at them. "I mean hat. We'll get going."

Hinatak ko palabas si Vane, patungo sa garden. Nagsindi siya ng sigarilyo


at humithit doon. For a moment, I felt turned on with his act. Ngayon ko
lang kasi siya nakitang nagyosi sa harap ko.
He looked manly.

I dismissed the thought of him being sexy as hell right now. Naalala ko
ang dalawang bwisit na matanda. Ininom ko muna ang wine bago nagsalita.
"What the hell was that?"

"Ang alin?" he asked. Binuga niya ang usok galing sa bibig.

"That two old hag."

Tumawa siya sandali. "Ah, Auntie Lilia and Yayo."

Kumunot ang noo ko. "They dislike you," I stated.

Ngumisi si Vane. Humithit ulit siya at bumuga. Nakaharap lang siya sa


garden at ang ilaw lang na tumatama sa kanya ay ang nasa mga puno.

"Since I was born," he laughed with bitterness. "I was never really
welcomed in Dad's family. Hindi pu-pwede sa Yboa ang unwanted child."

"Bakit nandito sila sa kasal?"

"Malay ko sa tatay ko."

Umirap ako. That's just one big fucked up family relationship. I didn't
pry that much kaya natahimik kaming dalawa sa garden habang nagsasaya ang
mga tao sa loob. May nagtext sa kanya kaya naging busy din siya sa phone
nang tinawag ako para pumasok sa loob.

Naiwan si Vane dahil uubusin pa raw niya ang sigarilyo niya. Wala na
akong nagawa nang hatakin ako ni Erica papunta sa gitna kasama ang iba
pang babae.

I whispered "you want me to get married already? Hindi ba 'to sukob?" to


her. She just chuckled.

Hindi na ako nagulat nang ako ang nakasalo ng pagbato ni Erica ng


bouquet.

Guys were staring at me as I sat. Nang mag simula na ang garter toss,
marami sa tumitig sa akin ang sumali sa gitna. Gusto kong matawa. I know,
guys. I know I'm desirable. Huwag pahalata. Pinanlisikan ni Javier ang
ilang lalaki na nakisali at mukhang binabantaan pa.
When Javier tossed it in the air, lahat kami ay napatingin kay Vane na
naglakad sa gitna. He was talking on the phone. . .and the garter landed
around the hand holding his phone. Nagulat si Vane at nagtaka pa nang
hawakan niya ang garter. He looked at me holding the bouquet. Tiningnan
niya ulit ang garter.

"Bakit ka naglakad sa gitna?" Javier asked, almost a whisper but with


anger in his voice.

Tumingin ulit sa akin si Vane and he smiled. To me. And Javier. Binulsa
niya ang phone niya at hinawakan nang maayos ang garter.

"Meant to be," Vane said.

"Let's start again," Javier announced. "They're siblings."

Lumapit si Erica nang nakangiti. "Hayaan mo na, this is just a game,


Babe."

"But—"

Umiling si Erica. Pinalapit niya ako sa gitna at may nagbuhat ng upuan


para upuan ko. Pinlay ang music na nagpakabog ng dibdib ko. Nakatingala
ako kay Vane na nakangiti sa akin habang pinaglalaruan niya sa isang
kamay ang garter.

He sat in front of me while my heart was pounding. He bit his lower lip
when he slid the garter around my leg. The way his slender fingers gently
touched my skin, stopped my heart from beating. Biglang nag-init ang
pakiramdam ko sa unti-unti niyang pag-akyat ng garter while staring at
me. Ngumiti siya sa akin habang bumibigat ang paghinga ko.

Tinaas pa niya hanggang hita ang garter. Naghiyawan ang mga tao pagkatayo
ni Vane. Inalalayan din niya ako tumayo. Umingay muli. But I felt empty
after.

Nagkaroon ng after party ang reception pero naunang umuwi sila Javier at
Erica sa hotel na pag-istay-an nila for the weekend. It's just a mini
honeymoon for them, may balak pa sila this Christmas na magbakasyon sa
ibang lugar.

Napagdesisyunan namin ni Vane na umuwi at sa bahay na lang ipagpatuloy


ang inuman. We were just talking about random stuff on the sofa. Walang
patutunguhang matinong topic. Tumatawa na ako sa bawat sinasabi ni Vane.
Alam kong may tama na ako pero nararamdaman ko pa rin ang garter sa hita
ko dahil hindi pa rin kami nagpapalit.
I'm still in my red fitted dress with spaghetti strap while he's still in
his black tux. Ang brushed up hair niya ay medyo nagugulo na rin.

"What do you think they're doing now?" he asked as he drank his beer.

Tumawa na naman ako. "Baka nag ja-jak-en-poy."

Inakbayan niya ako nang sumandal siya kaya napasama ako. Pinipilit niya
akong ilapit sa sarili niya pero tumatawa akong tinutulak siya.

"Ang sikip, Vane. Layo ka nga!"

Ngumiti siya. "Ang init."

Pagkasabi niya n'on, parang automatic na nakaramdam ako ng init. Doon ko


rin naramdaman ang pawis na tumatagaktak sa katawan ko. Nagpunas ako ng
pawis at medyo nagugulo na ang dress ko pero hinayaan ko lang.

Paglingon ko kay Vane, nakatingin siya nang seryoso sa akin. Nakapatong


lang ang braso niya sa headrest. He looks amused while watching me.
Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at ngumiti nang pinduntin ko ang ilong
niya. Ngumiti rin siya sa ginawa ko kaya tumawa ako.

"Have someone told you you're beautiful?"

Napatitig ako sa tanong niya. Nakatingin lang siya sa akin nang uminom
siya ulit sa bote na hawak niya. My smile widened. Kinuha ko ang bote sa
hawak niya at uminom. Mainit sa lalamunan ang beer pero okay lang. Parang
kailangan ko nga ng init.

"Hindi na bago," natatawa kong sabi. "Kahit nga si Sir Pa-virgin,


nagagandahan sa akin. He has the hots for me, you know?" I said to him.
Humarap ako sa TV at pinagpatuloy ang pagkwento. "Bwisit nga 'yung
propesor na 'yun, eh." Kumunot ang noo ko, nag-iinit ang ulo ko. "He's
ignoring me. I mean, c'mon. I'm Sinteya Yeo."

"He's a dick for ignoring you."

Mabilis ang lingon ko kay Vane kaya nahilo ako. Napasandal ang ulo ko sa
sofa at tinitigan si Vane na nakatingin lang din sa akin. His eyes were
dark. Maybe because the whole house is dark.

"True!"

Tinaas ko ang bote ng beer bago uminom doon. Naubos ko na ang laman kaya
pinatong ko na sa center table. Naghanap pa ako ng maiinom pero mukhang
naubos na namin ang dalawang bote ng beer at wine. Kinamot ko ang balikat
ko dahil nangangati. . .gusto ko na nga rin hubarin ang dress ko dahil
naramdaman kong nangangati ako sa buong katawan.

"Who the hell ignores me, right?" I almost shouted.

Lalo akong nairita sa dress ko. Vane held my wrist to stop me from
scratching. Naramdaman ko na naman ang init sa katawan ko. Ang kamay
niyang nakasandal sa headrest ay pinaglalaruan ang buhok ko.

With a serious face, desire and lust in his eyes, he whispered, "I
don't."

"Oh fuck it."

My mind went shut as I tugged his shirt closer and our lips crashed into
each other's.

=================

Ngptkso 36

Ngptkso 36 // An After-Wedding Act

I feel like I’m drowning.

Frustration and beer and the irritation made my hand snake on his hair
and gathered a handful of strands to squeeze it a little. I tugged him
closer to me, kung mas may ilalapit pa. Mas dumiin ang halik niya sa akin
na tinumbasan ko. It was fast. Fierce. Dangerous. His hand was at the
back of my head, the other on my leg massaging it.

He bit my lower lip that made me breathed heavily. His tongue touched my
lips as his hand traces my waist to my hips. My lips parted as I tasted
the beer on his mouth. Hinawakan ko ang pisngi niya at nakipagsabayan.
Nahiga na ako sa sofa sa pagtulak niya and we’re still not breaking our
kiss. Nakikiliti ako sa buhok niyang tumatama sa mukha ko.

But the feeling of hotness wasn't enough when I felt my stomach twisting.
May bumabara rin sa lalamunan ko and I felt dizzy. His kisses were
sensual. . . but I feel something strange.

Acid.
Tinulak ko siya para patigilin but he didn’t budge. He held my thigh and
started pulling the garter down. Because I’m touching his cheek,
ginabayan ko ang labi niya patungo sa pisngi ko na sinunod din niya. He’s
giving me kisses on my jaw when I pushed him again.

“Nasusuka ako,” I whispered.

Tumigil siya sa paghalik pero hindi siya umalis sa taas ko. Mabagal ang
paghinga niya and I felt him kissing my ear. The tip of his tongue
touching my earlobe. Mas nag-init ang pakiramdam ko pero mas nararamdaman
ko ang kagustuhan kong magsuka.

“I hate this,” his voice low.

He lifted himself up and sat on the sofa. Nakuha ko pang tingnan ang
magulo niyang buhok at ang gusot-gusot niyang polo. Nakasandal ang ulo
niya sa headrest ng sofa at nakapikit. Malalim ang paghinga niya.

Naramdaman ko ulit ang nagbabadya sa lalamunan ko. Tumakbo ako sa taas at


dumiretso sa CR. Nilabas ko ang lahat sa toilet. Sobrang sakit ng
lalamunan ko at nahihilo pa ako sa amoy. I flushed after and sat on it.
Tumingin ako sa shower and decided to take a shower dahil tumatagaktak
din ang pawis ko sa katawan.

Sobrang sarap sa pakiramdam nang tumama ang malamig na tubig ng shower sa


katawan ko. I welcomed all the cold water. Nagmumog din ako when I
suddenly opened my eyes na sumakit dahil natamaan ng tubig.

Lumingon ako sa nakasarang pintuan. I saw the garter on the floor at


pumasok sa isip ko ang isang bagay: I made out with my step brother.

And shit. I want more.

Nagising ako kinabukasan nang masakit ang ulo ko at ang unang pumasok sa
isip ko ay ang ginawa ko. . .kasama si Vane. Nararamdaman ko pa rin ang
halik niya sa labi ko and it feels shit knowing I liked it. Lumabas ako
ng kwarto. Nagpunta ako sa attic para makausap siya but his room was
locked.

I knocked a lot of times pero walang sumasagot.

Pagtingin ko sa phone ko, biglang tumawag si Erica. I answered the phone


and heard Javier’s voice. Then Erica’s voice in the background saying,
“wait.” Nag-cut ang tawag. I texted her what’s up pero wala namang reply.
Pagpunta ko sa kitchen, may pancakes sa dining table. Nandoon din ang
iPad ni Javier. I opened the iPad and there’s a message written on the
screen.

Got something to do, eat up.

Agad akong napangiti nang obserbahan ko ang pancake. Sunog ang ilalim ng
pancakes na ginawa niya. Sa ibaba ng screen ng iPad, may maliit na
nakasulat na kailangan ko pang i-zoom.

Scroll right.

So ako naman, I scrolled right. Mas lalo akong napangiti nang makita ang
picture ko na natutulog sa kama ko na katabi si Vane. Naka-topless siya
pero mukhang kakaligo lang dahil sa basang buhok. Nakayakap siya sa akin
with his tongue sticking out in a wacky face sa selfie na 'yon. I was
just sleeping! Hindi ko man lang naramdaman.

Nag scroll right ulit ako. Tumawa ako sa nabasa.

Thank you hug for last night, ate?

“Manyak,” na lang ang nasabi ko. Before I deleted the pictures on the
iPad, pinasa ko sa phone ko ang pictures para remembrance.

But he didn’t went home for the weekend kaya mag-isa lang ako. Nauna pa
nga sila Javier at Erica na umuwi na mukhang bothered. They asked me
where’s Vane, I told them I don’t know. Mukhang magagalit pa nga ata si
Javier pero pinigilan siya ni Erica.

Hindi pa rin nagpakita si Vane kahit sa history class. Feeling ko tuloy


wala akong laban ngayon sa professor na nagsasalita sa harap. Jill eyed
on me kaya inirapan ko.

“Next week, we’ll be having our historical trip in Vigan for two days and
a night,” he said as the girls squealed and the boys high fived each
other. Umirap ako sa giddiness ng mga kaklase ko, ang babaw lang kasi.
Tumingin ang professor na 'to sa akin nang seryoso as he said, “I expect
everyone to join. Nakasalalay dito ang final grades niyo.”

I just stared at him with bored eyes.

“Pasalamat talaga si Sir gwapo siya,” the girl behind me said while
giggling with her friend. “Napaka demanding ng subject!”
Hindi na ako tinapunan ng tingin ng propesor sa buong klase. If he’s
passive, I’ll be more passive. Bored, even. Bahala siya sa buhay niya. At
really, naiinis din ako sa sarili ko.

I shouldn’t be so affected.

What the hell, Sinteya?

Hearing the school radio on with DJ Andro didn’t help me. May tumawag
kasi ulit na babae sa kanya. And really, minsan naiisip ko kung bakit
puro babae ang tumatawag sa kanya. Wala bang lalaki? Are girls really
that. . . what’s the word. Problematic?

“DJ Andro, kailangan ko ng help,” the voice of the girl said. She sounds
familiar.

Nag-CR ako for a powder break pero hanggang dito, naririnig ko pa rin ang
radio.

“Yes, proceed Ms. J.Law.”

“Kasi MU kami ng isang lalaking tawagin na lang nating GoT. Kung sa iba,
Mutual Understanding ang meaning ng MU. Sa amin, Malibog na Ugnayan.”

DJ Andro laughed. “Eh di hindi na MU 'yun. MnU na.”

Umirap ako pagkalabas ng CR. Anong kakornihan 'yan. Pero may ilan akong
napansing natawa sa narinig. The DJ cleared his voice and said his sorry
to the girl. Tumawa rin 'yung babae pero sandali lang saka nagpatuloy sa
kwento niya.

“So ayun nga, MU kami. Kaya lang the past few days, napapansin kong gusto
ko akin lang siya. Gets? Parang I want him all for me. Ayaw kong may
ibang girls na umaaligid sa kanya. Then when he smiles, napapa-smile rin
ako. It’s so weird, DJ Andro.”

“Pamilyar ka ba sa salitang pag-ibig?”

“Oh gods, ang korni,” I said and rolled my eyes. Bago ko pa marinig ang
susunod na sasabihin ni DJ Andro, pumasok ako sa isang classroom dahil
hindi naririnig dito ang radio booth.

Natigil ang discussion sa loob ng room. Natigilan din ako nang makita ko
si Tandang Sora na nakataas ang kilay sa akin. Lumingon din sa akin ang
ilang estudyante niya. Nakita ko si Unica na nakaupo sa kabilang dulo na
nagtataka sa akin.
Inayos ko ang itsura ko at kinuha ang lahat ng confidence na makukuha ko
para tumayo nang may poise. Kumuha ako ng papel sa bag ko para iangat at
makita ni Tandang Sora na may hawak ako.

“I just need to give this to Unica.”

Tumingin ang lahat kay Unica. She’s still eyeing me as I walk towards
her. Binigay ko sa kanya ang papel na kinuha rin naman niya.

“Ano 'to?” tanong niya. Binuklat niya ang papel to see that it’s my
business class scratch plan. “Aanhin ko 'to?”

“I’ll text you.”

Nginitian ko si Tandang Sora at nagpasalamat bago lumabas. Nahagip nga


rin ng tingin ko ang pamilyar at maamong mukha ng mahinhin na babaeng
laging kasama ni Chino.

Diretso tulog ako sa bahay pagkauwi. Ginising ako ni Erica para kumain
but the weird thing is, wala pa rin si Vane. Tahimik lang sila Erica at
Javier kaya nagtataka ako dahil hindi naman sila ganito.

“Where’s Vane?” I asked to break the silence.

Sabay akong tiningnan nila Erica at Javier. Erica smiled at me and


answered, “he’s back in Makati. Sa condo.”

Tumaas ang kilay ko. “Hindi na siya titira sa bahay?” Kaya ba hindi ko
rin nakita ang kotse niya?

“No,” Javier was the one who answered. “Naging mabait siya sa kasal kaya
premyo niya ang condo.”

Nanahimik na ako after. I wanted to tell them that Vane didn’t go to


school pero. . . I don’t meddle with people’s life. Hindi na rin ako nag-
text o ano pa. For almost a week, hindi kami nagkita ni Vane and I admit,
I miss his presence in our house. Nakakamiss ang bagong gising niyang
itsura at ang magulo niyang buhok na laging nakatali. I even miss his
naughtiness. Hindi ko rin kasi siya nakikita sa school. Ah, and his lips.

Yep. I definetly miss his lips.

“Kailan ulit ang trip niyo sa Vigan?” Erica asked while we're all
watching TV.
“Sa Saturday, balik sa Sunday.”

Javier butted in. “Magkaklase kayo ni Ned, hindi ba?” Tumango ako. “He’s
coming? Hindi siya nanghihingi ng pera.”

“Hindi ko sure, eh. Baka may sariling pera?”

Kumunot ang noo ni Javier. Tumayo siya. Napansin kong may tinatawagan
siya sa phone at parang badtrip na naman. I bet he’s calling Vane pero
hinayaan ko na. Hinalikan niya ako sa noo bago ako umakyat papuntang
kwarto.

Nakatulog ako sa pagkainip but I woke up in the wee hours na nanlalagkit


sa init. Dahil sa pagkairita sa init, napagdesisyunan kong maligo.
Napansin kong nakabukas ang ilaw sa may kitchen pero hinayaan ko na at
baka si Erica lang 'yon na umiinom ng tubig.

Pagkabukas ko ng shower pagpasok ko ng CR, sumigaw ako sa sobrang lamig


ng tubig. Tawa pa ako nang tawa dahil ang babaw ng pagsigaw ko. Pumikit
ako at ninamnam ang nakakaginaw ng tubig nang maalala ko bigla si Sir
Marco. Nabwisit agad ako kaya dumilat ako at pinatay ang shower.

Bwisit talaga.

Nag-shampoo at sabon ako nang mapatingin ako sa pintuan dahil narinig ko


ang ingay ng doorknob. Tinitigan ko lang 'yon hanggang sa nagbukas ito at
tumambad si Vane na diretso ang tingin sa akin. Nakipagtitigan siya sa
akin, his eyes roamed on my body.

“Are you drunk again?” I asked but he didn’t reply. Instead, he entered
the bathroom and locked the door behind. “Vane?”

Kita ko ang bagal ng paghinga niya habang hindi pa rin nababali ang titig
niya sa akin. Naglakad siya palapit sa akin. Tiningnan ko siya nang
nagtataka. Before I could react, he pushed me on the wall and kissed me.
My eyes widened with shock, may shampoo pa ang buhok ko at sabon naman sa
katawan. He held my wrist, not wanting me to move kahit ang dulas.

I taste alcohol in his mouth. . .but not too strong to act like this.
Napapikit ako sa panghihina dahil sa mapusok niyang halik. He deepened
the kiss and I moaned when his tongue started to play.

Nalalasahan ko rin ang sabon sa bibig ko kaya tinulak ko siya. Nagulat


siya sa ginawa ko at huminga nang malalim saka pumikit nang mariin.

Hinihingal din ako habang nakatingin sa kanya. I chuckled a little. “What


was that?”
Tiningnan niya ako nang mataman. Inilapit niya ang sarili niya sa akin at
hinawakan ang pisngi ko. “I just missed you.”

“You missed me?” I smirked. The tip of his nose brushed on mine. “You
really have a crush on me, Vane.”

He breathed heavily before answering, “since the first day I saw you.”

Vane claimed my lips again but in a much less forceful way. Napapikit ako
sa sensasyong naramdaman nang gumala na ang kamay niya sa madulas kong
katawan. Pumiglas ako sandali. “I’m covered with soap. And shampoo.”

Diniin niya ang halik sa akin at nagulat nang buksan niya ang shower.
Nababasa na ang polo shirt at pants niya pero mukhang hindi niya iniinda
'yon dahil sa busy siyang humalik. I pushed him slightly as I looked at
him, him facing me with the shower at his back, his hair becoming wet,
the water rolling down from his face to his shirt.

“Nababasa ka,” I said as I helped him to get his polo shirt off his body.
Tinitingnan lang niya ako hanggang sa mawala na ang pantaas niyang suot.
I caressed his collarbone, tracing his tattoo that made him sigh. “Why
are you here exactly?”

Hinawakan niya ang kamay ko at tinitigan ako. “From the time I first saw
you naked in my dream, I couldn’t see you with clothes anymore.”

Lumayo ako at ngumiti para hindi tumama ang malamig na tubig sa akin.
Lumapit siya sa akin. “It wasn’t a dream.”

“More reason for wanting you.”

Niyakap niya ako at binigyan muli ng mariing halik. Ang kamay niyang nasa
likuran ko ay umakyat hanggang sa dibdib. Isang singhap ang tumakas sa
labi ko. Tinulak ko siya ulit sa ilalim ng shower habang tumutulo ang
shampoo sa katawan ko. He stopped from kissing me. Natigilan ako nang
tinalikod niya ako at sinimulang imasahe ang ulo ko.

“You should stop imagining me naked.” Bumabagal ang paghinga ko. Sobrang
init ng nararamdaman ko na tila napapaso ako sa lamig ng tubig.

“I tried. But I can’t unsee your beauty.” he whispered when he gave me


light and butterfly kisses on my neck to my shoulder. “You smell nice.”
He massaged my front with both hands, almost hugging me from behind.
Dumulas ang kamay niya paibaba kaya hindi ko na alam kung saan ako
tutungo.
Tinigil ko ang paghalik niya at ang kamay niyang gumagala paibaba para
humarap. “It’s unfair.”

“Hmm?”

“Ako lang nakahubad?”

Tumawa siya sa sinabi ko at hinawi ang buhok niyang tumatama sa mukha


niya. He kissed me again as he guided my hand towards the zipper of his
pants. Bumulong siya sa labi ko.

“Help me, then.”

Ngumiti ako. Hinalikan ko siya ulit pero nilipat ko ang labi ko sa


kanyang pisngi patungo sa panga niya. I lowered to his neck, nibbling it
a bit before I continue kissing his tattoo on his collarbone. I could
feel his breathing and his heart beating fast as I kiss him until his
abdomen. I traces the tattoo on his V-line with my tongue that made him
close his eyes.

Binuksan ko muna ang butones bago ko kinagat ang zipper ng pants niya. I
saw his jaw tensed as he opened his eyes to look at me, still cold water
running on his body and mine as I slid the zipper down for him. Ginamit
ko na ang kamay ko para ibaba ang pants niya.

“Should I help you with this?” I asked.

I smiled as I poked him that made him grunt.

Bago siya magsalita ay tumayo ako. Kinuha ko ang sabon at sinimulan ko


siyang sabunan sa katawan. “Para mabango ka rin,” I laughed as he kept on
breathing heavily. Inilibot ko ang kamay ko habang hawak ang sabon but I
was careful not to touch him down there.

When I started putting shampoo on his hair, he started nibbling my neck


and licking it. Napasandal na ako sa pader sa panghihina. He slid his
hand on my thigh, trying to get closer as we kiss. Pinipilit niyang
lumapit pa kaya yumakap na ako sa kanya, our body crashing each other as
he held my thigh up.

I can feel him down, itching. The piece of cloth in between us was so
damn soaked. Gusto kong matawa dahil any moment, Javier or Erica can
knock on the door and ask what was happening. But at the same time, I
felt so alive. Naglalaban kasi ang init ng nararamdaman ko at ang lamig
ng tubig.

Hindi ako nakainiom pero nalalasing ako sa kanya.


Pinigilan ko muli siya sa paghalik at pinagbanlaw. Nakatitig lang siya sa
akin habang binabanlawan ko ang buhok at katawan niya.

“Let’s go?”

“Why not now?”

I slapped him on his chest. “In the shower? Not a good idea.”

Tinuyo ko muna ang sarili ko at nagtakip ng twalya. I heard him following


me as I went upstairs to the attic, to his room.

“Where’s your key?”

Tinitigan niya ako sandali. Nagmamadali siyang bumaba. Wala pa atang


ilang minuto ay bumalik siya hawak ang susi ng kwarto niya at binuksan
'yon.

Pumasok ako sa loob habang nakatapis lang at hawak ang damit ko. Hindi pa
ako nakakapag-adjust sa dilim ng kwarto niya nang marinig ko ang lock ng
pinto at sinandal niya ako sa pinto para halikan muli. Tumatawa ako dahil
sa pagkasabik niya. I pushed him and saw him frown, the light post from
outside giving us a dim effect for his room.

“What now?” he asked, his voice was low and husky.

“Nakakangalay ang nakatayo,” I said as I pushed him harder. He fell on


his bed still with a towel wrapped on his bottom half. My hand landed on
him and the little squeeze made him shut his eyes and pleasure to escape
his lips. “Mas okay ang nakahiga, hindi ba?”

“Yeah.”

I crawled my way on top of him as he held the towel covering my body and
threw it away. Umupo ako sa kanya habang ang mata niya ay nakatitig sa
akin at ang kamay ay lumilibot sa katawan ko.

“You’re so beautiful; I’m wishing you’re not my sister right now.”

Lumaki ang ngisi ko as I circled my hips on to him. I massaged his chest,


making him relax more. He arched a bit, wanting to press more of him to
me.

“I’m not your sister.”


“Uh huh,” he replied unconsciously.

I was still doing rubbing myself to him when I kissed him on the lips.
“I'm just your dad’s wife’s daughter.”

“Step-siblings.”

“Does it matter?”

Hinawakan niya ang baywang ko at tinigil. Nanliit ang mata ko pero natawa
ako nang inikot niya ako para pumaibabaw siya sa akin. He slowly kissed
my neck and nibbled his way to my bosom. His tongue trailed his way on
the middle and made me cry for his name.

Inalis niya ang twalyang nakabalot sa kanya kaya napangiti ako. I held
him and gave him what he deserves as he moaned my name with ecstasy.
Kahit galing sa paligo ng malamig na tubig ay mainit pa rin ang paligid.
Pinagpapawisan pa rin ako at ganoon din siya.

“We're really doing this,” he said with a low voice.

Tumawa ako sandali. “No, this is just your wet dream.”

“Every single time.”

The nibbling and tongue tracing went from my lips down to me. I cried for
him to give more. I was aching for more. I want more. We locked our gazes
to each other. My fingers dug in his back when he entered me and started
moving his as I meet him halfway.

This is what I wanted. . .

A sex without feelings. An act without anything but fun.

He was a flame. I was on fire. The desire was burning like hell but if
feels heaven as ours lips both cried each others name. Wanting each other
more. Deeper. Faster.

He laid beside me after. He was panting and I'm trying to fix my


breathing pattern. Nagkatitigan kami hanggang sa unti-unti akong ngumiti.
We both laughed. Hinawakan niya ang pisngi ko at tinitigan ako sa mga
mata.

“This really happened,” he whispered.


Ngumiti ako. “I told you, wet dream.”

“Feels real.”

He dipped his head and kissed me full on the lips with a hint of smile.
As I return the ecstasy and pleasure on every kiss and touch, I know for
sure. We won't care drowning in lust and temptation.

_____

Unedited shit yoko na bahala kayo ayoko na ireread no stahp no!!!!!!


Hahaha unedited. Grammar nazis are welcome huhu I crey :(

=================

Ngptkso 37

Ngptkso 37 // Moth to a Flame

"You know the idiom like a moth to a flame?" Using my fingers, I drew
invisible circles on his chest. Medyo madilim pa rin ang paligid, wala pa
rin ang araw. Kitang-kita ko ang nangingintab na mga mata ni Vane dahil
sa ilaw sa labas.

"Yeah?"

Pinaglaruan ko ang kaunting buhok sa kanyang dibdib. "Who's the moth. .


.and the flame?"

"Uh huh?"

"Sino sa atin ang ano?"

Huminga siya nang malalim. Nakapatong ang ulo ko sa braso niya habang
nararamdaman ko ang pagpisil niya sa likuran ko. I traced his collarbone
and the inked tattoo.

"You should at least stop yourself last night," I said to him.


"Can't."

"Neither do I."

Mas humigpit ang yakap niya sa akin. Tumatama ang katawan namin sa isa't
isa. I felt him kiss my hair kaya siniksik ko pa lalo ang mukha ko sa
leeg niya.

"Vane."

"Hm?"

Pumikit ako at kinagat nang kaunti ang leeg niya. "We're just playing
here."

Hindi siya gumalaw nang ilang segundo kaya nag-alala na ako. Tinaas ko
ang tingin ko para tingnan siya na nakatingin sa akin. Unti-unti ay
ngumisi siya.

"Bakit, dapat bang totohanin?"

"Whatever."

Tumawa siya kaya nakitawa rin ako. Good. Gumaan ang loob ko. It feels
great knowing we're on the same page.

We did a quickie before fixing ourselves. Pinagmasdan ko ang likod niya


may mga linyang namumula at namamantal.

"Scratches? I didn't do that, right? Ganyan ka-wild mga nakakasex mo?"

Nagkibitbikat siya at tumawa nang pinalo ko siya sa gitna. Pinanliitan ko


siya ng mata, not knowing if he could see my expression or not.

"Behave," I said and caressed him which made him sigh.

Lumabas ako ng kwarto niya na para bang walang nangyari. Inaayos ko ang
buhok ko pababa ng hagdan nang matigil ako dahil nakatingin sa akin si
Javier, kakalabas lang niya ng CR.

Tumingin siya sa taas ng hagdan tapos sa akin ulit.

"Anong ginawa mo sa taas?" taas kilay niyang tanong.


I felt like my heart exploded into pieces with his question. Lumapit ako
sa kanya at hinalikan siya sa pisngi saka yumakap. Akala ko mawawala ang
tension sa mata niya pero nang tingnan niya ako, parang mas nagtaka siya.

"Vane's sober. Tinulungan ko siyang makaakyat."

Nilayo niya ako sa kanya. "Nandito siya? Since when?"

"Kanina."

Mas lalong kumunot ang noo niya. Pinapatay na ako ng kaba ko sa mga
tanong niya kaya pinilit ko ang sarili kong ngumiti. But he didn't smile
back.

"Kanina pa ako gising, hindi ko narinig na pumasok siya."

I looked at the clock and it says it's already five in the morning.
Kanina pa ako sa bathroom ng two. So when Javier did woke up?

"Kaninang madaling araw pa, actually, mga one," pagdadahilan ko.


"Pinakain ko muna siya," I almost smiled with what I said and added,
"tapos hindi siya makatulog kaya kinwentuhan ko pa para hindi mag-ingay."

"Nagkwentuhan kayo?"

"Yeah."

"About what?"

Nanliit ang mata ko sa tanong niya. Why is he prying? Narinig ba niya?


Pabilis na nang pabilis ang tibok ng puso ko. I smiled to hide the
tension.

"Things. You can ask him about it. Gising pa ata siya."

Gusto ko rin sana idagdag ang kwentuhan na 'yon ay may kasamang hawak. .
.at halik. . .at iba pang bagay pero nevermind. Ano bang pinag-iisip mo,
Sinteya? Get a grip.

I didn't know if he believed my story but he just nodded and kissed my


forehead. I bid good morning and entered my room with my heart trying to
get out of my chest. Sobrang sakit ng dibdib ko pero gusto kong sumigaw
at magtatatalon.
Nakatulog ako nang nararamdaman ko pa rin ang haplos ni Vane sa katawan
ko.

"Change to Yboa?" I asked while looking at Erica and Javier. Hopeful ang
expression ng mukha nila. "Why do you want me to change my surname to
Yboa? Masyadong matrabaho 'yun."

Uminom ng tubig si Javier bago sumagot. "Lahat kami ay Yboa na, maganda
sana kung pati ikaw—"

"Mapapalitan din naman ang apelido ko after I get married," I said.


Nakita ko ang lungkot sa mukha ni Javier sa sinabi ko. Nagkatinginan sila
ni Erica and I felt a pang of guilt in my heart with that look of his.
Huminga ako nang malalim. "I like the Yboa surname. Kaya lang." I looked
at Vane who was just silently eating his food. "If ever pinalitan ko ng
Yboa ang surname ko, parang magmumukhang nagpakasal kami ni Vane
pagkatapos niyo. That'll be weird."

Naubo si Vane sa sinabi ko kaya napairap ako. Pinainom ni Erica ng tubig


si Vane hanggang sa kumalma na siya. Tiningnan ako ni Vane nang may ngisi
sa labi.

"You could just ask if you want us married."

"Ned!" suway ni Javier. "Anong pinagsasasabi mo?"

Tumawa si Vane at uminom muli ng tubig. "Just joking."

Pinanliitan ko siya nang mata. The smirk on his lips still didn't vanish.
Pagtingin ko kay Javier, tahimik na lang siya kaya bumuntong hininga ako.

"I'll think about it."

Natahimik kami sa hapag kainan habang kumakain ng dinner. Naramdaman ko


na ang awkwardness dahil sa katahimikan nang basagin ito ni Erica sa
pagtanong kay Vane.

"Kasama ka rin sa Vigan trip?"

"Yes Mom," he replied. I saw Erica smiled with the response.

Natigilan ako. Nanlaki ang mata ko nang maramdamang may paang humahaplos
sa binti ko paakyat. Hindi na ako nagulat nang tingnan ko ay si Vane
'yon. I looked at his face pero tahimik lang siyang kumakain. Still, I
can see a faint smile on his lips.
"What is it, Sin?"

Tumingin si Javier sa ibaba ng table na kinabigla ko. Mabilis ang paglayo


ni Vane ng paa niya sa akin. Pinanlisikan ko ng mata si Vane at sinipa
siya. Napa-aray siya na kinagulat ng lahat.

"Sinisipa kasi ako nitong si Vane," pagsusumbong ko.

Javier looked at Vane and narrowed his eyes. Sumimangot si Vane nang
isubo niya ang pagkain niya.

"Ned," pagbabanta ni Javier. "Stop kicking your sister."

Tinaas ni Vane ang dalawang kamay. "Sorry."

"The last time I saw you both, close kayo," Erica commented. "Bakit
ngayon nag-aaway na?"

Nagkatinginan kami ni Vane. Inirapan ko siya na kinatawa niya. Umiling


ako at tinuro si Vane gamit ang kutsarang hawak ko. "He's getting
annoying and clingy."

"Ako pa talaga?" Vane asked, chuckling. Pinasadahan niya ng palad ang


buhok niya palikod. Narinig ko ang bulong niyang, "hanep" pero hindi ko
na pinansin.

Nag-usap pa kami tungkol sa mga bagay-bagay especially with Christmas.


Ang balak ni Erica at Javier ay magsama-sama kami at mag out of town but
I insisted to stay dahil alone time nila 'yon. Vane seconds the notion.
They asked us if we would be okay with just the two of us.

"We will be," Vane was the one who answered. I kept mum. Erica just
smiled but Javier looked at us, eyes narrowing.

We ended the night with us staring at Unica's painting of Erica and


Javier's wedding day. Dinisplay nila 'yon sa taas ng TV.

Jill was the one with Vane the whole Manila to Vigan bus ride the next
day. Napapairap na lang ako sa pagyakap ni Jill kay Vane na para bang
nawawala siyang hito. As for me, I was sitting on my own space without
company dahil mas gusto kong mag-isa ako sa maluwag na upuan. Si Chino
ang nasa may harap katabi ang professor ng ibang class na kasabay namin.
The other classes are on the other buses.

Nakikinig lang ako ng music sa phone nang magtext si Unica sa akin. She's
on the other bus.
Unica

Kita tayo pagbaba! Libre mo ako

To Unica

I'll hide :P

Unica

Osige lang. Ayain ko na lang si Sir papansinin ako nun haha!

Nairita agad ako pagkabasa ko ng text ni Unica. I rolled my eyes as I


typed my reply.

To Unica

Watevs

She replied a lot of poop emojis.

Ikinwento ko kasi kay Unica ang kawalanghiyaan ni Sir Marco. As per


usual, tinawanan lang ako ng magaling na si Unica Fae Valentine. Maayos
naman ako, eh. Basta ba hindi ko nakikita ang naka-shades, medyo magulo
ang buhok, polo shirt at khaki shorts na Sir Marco ay ayos na ako. It's a
good thing he's facilitating the other class. Nakakainit kasi ng ulo
kapag nakikita ko siya.

Akala ko mang-aasar na naman si Unica dahil may nagtext ulit sa akin pero
napangiti ako nang makita ang pangalan ni Vane. I looked at him from the
back. Nakatingin siya sa akin nang nakataas ang kilay habang hawak ang
phone niya. Jill's talking beside him, arms wrapped around him.
Vane

Am I crazy for thinking step-incest (haha!) is better than Jill hugging


me?

Tumawa ako. Napatingin sa akin ang dalawang nakaupo sa tapat ko na


nagtataka. I just smiled at them. Hindi na sila nag-react.

To Vane

Nah. You're crazy if you think she's better.

Vane

Yeah. I miss.

To Vane

Ang alin?

Vane

Meow. :3

Biglang lumakas ang tawa ko na naging dahilan para tingnan ako ng ilang
tao. I didn't have any excuse. Para akong baliw. This Vane. . .is making
me crazy. Tinuro ko ang phone ko at nangingiting nagsalita.

"Watching porn. Ang korni kasi, eh."

Ngumiti sa akin 'yung mga nakarinig. Hinayaan ko na lang kung ano man ang
isipin nila sa akin. The next few hours of our ride wasn't too boring as
much as I expected because of our texts. Hindi ko alam kung saan nakuha
ni Vane ang mga pinagsasasabi niya pero bentang benta siya sa akin.

After a few hours of the road trip, dumating na kami sa Ilocos Sur nang
tanghalian. Dahil marami kami, more or less sixty plus students, nag-
buddy buddy na muna sa kainan then balik na lang after an hour.

"Vaney, doon tayo!" I heard Jill's voice. I cringed. Vaney? Ugh.

Dahil gusto ko mang-asar, lumapit ako sa kanila ni Vane. She's still


clinging around Vane's arms, parang koala lang ang peg. Tinaasan niya ako
ng kilay.

"Anong kailangan mo?" she asked me.

Tumingin ako kay Vane. Hinawi ko si Jill palayo kay Vane dahilan para
sumigaw siya. Tumawa ako sa kanya. Hindi ko na kailangan utusan si Vane.
Hinawakan na niya ang kamay ko sa harap ni Jill na nakanganga sa kamay
namin.

"What the?!"

"Time's up, Jill," tumatawa kong sabi. "Pinagbigyan lang kita."

Iniwan namin si Jill nang gulat pa rin ang mukha. Pinipigilan ko ang tawa
ko nang makita ko si Chino na nakatingin sa akin, seryoso ang mukha niya.
Nginitian ko siya pero mukhang napilitan siyang ngumiti pabalik.

I texted Unica.

To Unica

San ka na? Paano kita ililibre?

Unica

Can't. Nandito pala si Kuya, libre daw niya ako.

Luminga-linga ako sa paligid. Wala akong nakitang Unica sa mga mukhang


nagpapapansin sa paligid.
To Unica

Sinong kuya?

Unica

Kuya U.

Natawa na lang ako. Sinong kuya U 'yon? Eh lahat sila, nagsisimula sa U


ang pangalan?! Hindi ko na siya kinulit pa at tinuon na lang ang pansin
sa pag-order. Habang naghihintay kami, nakatingin lang sa akin si Vane.

"What?" tanong ko.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya at ngumiti. "Wala."

"Wala? Mukhang huhubaran mo na ako sa titig mo."

Ngumisi siya. "How did you know?"

Umirap ako sa kanya. Pinagmasdan ko ang restaurant. It's too. .


.ancestrial-feel. Panay kahoy ang paligid and stuff. Kakaiba rin ang
bintana, parang bumalik kami sa Spanish-Era. Lumingon ako sa pintuan ng
restaurant dahil may pumasok. Ang mga professors.

Nangunguna si Sir Marco kaya bigla akong kinabahan. Huminga ako nang
malalim nang lumibot ang paningin niya, trying to see if there's a vacant
table. Nang magtama ang tingin namin sa isa't isa, tumitig siya sa akin.
At sa kasama ko.

"Hey."

Nabalik ang tingin ko kay Vane nang hawakan niya ang pisngi ko. Hindi ko
nagawang paluin ang kamay niya dahil nakakunot ang noo niya. Lumingon
siya sa tinitingnan ko bago tinanggal ang hawak sa pisngi ko at ngumiti.

I saw Sir Marco walked out of the restaurant. Mas lalong bumilis ang
tibok ng puso ko.
"I'm here," Vane said. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil 'yon.
Ngumiti siya sa akin nang sumimangot ako at hinawi ang kamay niya. "Paano
siya maniniwala kung hindi mo matanggal atensyon mo sa kanya?"

"Napatingin lang ako."

"You're staring," he chuckled. "Magkaiba ang napatingin at tumitig."

Umirap ako sa kanya kaya tumawa ulit siya. Dumating ang order namin nang
kwento siya nang kwento at panay ang landi. Puro pa siya paalala ng mga
nangyari kaya pinanlisikan ko siya ng mata.

"Alam mo bang naiwan mo 'yung basa mong damit sa CR?"

Tumawa siya. "Really?"

Nanliit ang mata ko. "Really."

"Kaya pala may tinatanong sa akin si Dad tungkol sa damit." Lalong


lumakas ang tawa niya kaya may ilang napatingin sa amin. Hinawakan ko ang
kamay ni Vane at kinurot siya.

"Keep quiet."

Napapa-aray siya pero ngiting-ngiti pa rin. Umiling na lang ako at


umirap.

Bago kami dumiretso sa pag-stay-an namin which some professors were


handling, napagdesisyunan na ihati kami sa dalawang grupo. Two and a half
section each group ang nangyari. Fortunately, kasama ko si Vane.
Unfortunately, nasa kabila sila Unica. Napansin ko rin na nasa kabila rin
'yung mahinhin girl na mukhang girlfriend ni Chino dahil panay dalo ni
Chino sa babae.

Ang group namin ay unfortunately, facilitated by two professors. Ang isa


ay si Sir Marco at ang isa naman ay babaeng prof na kung makatingin kay
Sir Marco ay akala mo pagkain.

Dumiretso ang group namin sa Syquia Mansion habang ang isang group ay sa
Crisologo Museum daw. Sa totoo lang, okay naman ang loob ng Syquia
Mansion at very friendly ang mga tour guide. Ang kinaiinisan ko lang ay
ang public landi ng babaeng prof na 'to kay Sir Marco. Madalas ay umaalis
sila sa group at mag-pi-picture kasama ang mga antique shits.

Ang sakit sa mata tingnan. Ang lalandi.


Pagkatapos ng landian nila Sir Marco at 'yung babaitang prof – I mean, ng
tour, tinanong kami ng professor na malandi. May choice daw kami kung
gusto namin magpunta sa Crisologo Museum o diretso na sa St Paul
Metropolitan Cathedral. Sa cathedral ang naging desisyon at sa totoo
lang, hindi rin ako nag-enjoy.

Ang init. Nakakabwisit pa ang mga landian ng professors.

"Vane," tawag ko kay Vane sa tabi ko na nakatunganga lang sa paligid ng


simbahan. Napalinga ako sa tatlong babaeng nagngingitian na nakatingin
kay Vane sa isang parte. Umiling ako. "Can I have your phone?"

Tumingin siya sa akin at ngumisi. "Possessive girlfriend?"

"Shut up, maglalaro lang ako ng games."

"Bakit hindi sa phone mo?" kunot-noo niyang tanong.

Sumimangot ako. "Eh di huwag na." Tatayo na sana ako nang pigilan ako ni
Vane. Tumatawa siyang binigay sa akin ang phone niya. Kinurot niya ang
pisngi ko. Umirap ako.

Hindi ako naglaro ng games. Nagtingin agad ako sa pictures at napairap


nang makita ang ilang pictures ko na stolen.

"Don't be too obvious, Vane," natatawa kong sabi.

"I want it obvious."

May mga selfies din siya at group pictures. With girls. With beers. With
his friends. Ang party people talaga ng lalaking 'to. Kaya hindi na ako
nagtatakang naiinis sa kanya lagi si Javier. Nang ma-bored na ako sa mga
pictures ng babae na nakahalik sa pisngi niya, dumiretso ako sa messages.

May ilang unread messages na galing sa babae. Nag-scroll lang ako at


natatawa sa mga nababasa ko nang maramdaman ko ang isang kamay sa hita
ko. Natigilan ako. Tiningnan ko ang hita ko na pasimpleng hinahawakan ni
Vane.

"Your hand."

Nagkatinginan kami. Pa-joke siyang nagulat. And before I knew it, tumawa
na ako dahil nag-act siyang hindi niya mapigilan ang kamay niyang humawak
sa hita ko. Nakakaramdam tuloy ako ng init. But as much as I want to kiss
him right now, marunong naman ako rumespeto sa simbahan.
Tumingin ako sa phone ni Vane nang may biglang tumawag. Una kong nakita
ay ang picture ng napaka pamilyar na babae. Si mahinhin girl na laging
kasama ni Chino. Bago ko pa makita ang pangalan, hinablot agad sa akin ni
Vane ang phone niya at pinatay ang tawag.

"Who's that?"

"Wala."

Pinanliitan ko siya ng tingin. Nilibot ko ang paningin ko sa simbahan.


Hindi ko makita si Unica. Nandito naman si Chino pero si mahinhin girl,
wala. Nakita ko naman si Jill sa kabilang upuan na nanlilisik ang mata sa
akin. Kinawayan ko siya kaya umirap siya. Natawa ako. Binalik ko ang
tingin kay Vane na mukhang pinatay ulit ang tawag sa phone niya.

"Pick up the phone, must be important."

"Hayaan mo na."

Kumunot ang noo ko. "Ako ang sasagot n'yan kung hindi mo sasagutin."

As if on cue, may tumawag ulit kay Vane. Wala na siyang nagawa kaya
sinagot na niya ang tawag. Pero bago pa siya makapagsalita, nagulat kami
nang may tumapik sa likuran niya. Inangat ko ang tingin ko only to see
the serious face of Sir Marco.

"Sir?" tanong ni Vane.

"No cellphones."

Nagkatinginan kami ni Vane. Mukhang namroblema siya kaya pinalabas ko na


siya para makausap niya na ang tumatawag na 'yon. Tahimik akong naupo
nang mawala si Vane. I can sense Sir Marco's still on the back.
Pakiramdam ko rin ay nabubutas na ang likuran ko dahil sa titig niya.

Gusto ko lang magwala nang dumating na naman ang haliparot na professor


at lumapit kay Sir Marco.

"Picture tayo, Marc!"

MARC?! What the hell.

Mas nakaramdam ako ng asar nang may kumalabit sa akin. Si haliparot


professor. Ngumiti ako nang ngitian niya ako. Binigay niya ang tablet
niya sa akin.
"Pa-picture naman kami? Kasama altar?"

Gusto kong basagin ang tablet niya. Tapak-tapakan at pagtapos ay ibigay


sa kanya. But I composed myself and breathed before answering, "okay
Ma'am."

Tinitigan ako ni Sir Marco habang patayo ako. Tinuro sa akin ni haliparot
professor kung paano mag-picture and I just want to shout at her that I'm
not stupid.

"Sa gitna po ba kayo ng picture?" tanong ko.

Miss smiled. "Basta kita 'yung altar."

Hindi ko alam kung nakita ba ang pag-irap ko dahil natatakpan ng tablet


ang mukha ko sa view nila. Mas lalo akong naasar nang pilitin ni Miss si
Sir Marco na akbayan siya. Ito namang lalaking professor na 'to, mukhang
natutuwa pa sa nangyayari lalo na nang yakapin siya ni Miss sa baywang.

Huminga ako nang malalim, trying to control myself. Kaunting-kaunti na


lang ay babasagin ko na 'to sa harap niya. Ewan ko na lang kung makangiti
pa sila. But then again, I got a plan.

Inistretch ko ang isang braso ko and made a number one sign with my
pointing finger. Minake sure kong natatakpan ng daliri ko si Miss sa
picture.

"Uy girl, baka naman natatakpan na kami ng daliri mo," natatawang sabi ni
Miss.

"Nako Ma'am, inaayos ko lang 'yung angle."

Pinicture-an ko si Sir na kasama ang daliri ko. Okay naman 'yon dahil
mukhang kuko ang haliparot na professor na 'to. Nilayo ko na ang daliri
ko at nagpanggap na pinicture-an sila. Inexit ko muna ang application at
shinut down ko pa para masaya bago ko ibigay kay Miss ang tablet.

"Huh? Bakit mo pinatay?"

Kumunot ang noo ko. "Hindi ko po pinatay, Miss."

Tiningnan ko muna si Sir Marco na nakatingin sa akin nang seryoso bago


ako tumalikod sa kanila. Nagmadali na rin ang lahat dahil diretso na kami
sa Plaza Burgos para makita ang pinagmamalaki raw ng Vigan na "dancing
fountain."
Hindi ko na nakita pa si Vane kaya sumama na lang ako sa mga kaklase ko.
I was mesmerized when the fountain started to dance. Ang sarap tingnan ng
tubig at ng ilaw na gumagalaw. Nawala sandali ang pagod at irita na
naramdaman ko.

Nakareceive ako ng text galing kay Vane.

Vane

News update: Jill's confessing she might be in love with me.

Napangiti ako.

To Vane

Kaya pala nawawala ka, nakikipaglandian ka sa iba?

Vane

Jealous? ;)

To Vane

Hah. Next time, kid. :P

Vane

Ouch.

"What the hell?!" Napalingon ako nang may humawak sa balikat ko at


marahas akong hinarap. Nanlaki ang mata ko nang makita si Sir Marco na
seryoso ang mukha habang hawak ang tablet ni Miss haliparot. "Sir?"
"We're going to talk."

Pumipiglas ako sa paghatak niya sa akin. Sobrang sakit na ng wrist ko. No


one seems to notice our little scene dahil busy ang lahat sa dancing
fountain. Madilim na rin kasi sa paligid at tanging ilaw sa fountain ang
nagpapapansin.

"Stop dragging me, let go!" sigaw ko pero mas humigpit ang hawak niya.
"Wala tayo sa koreanovela, please lang. I can walk on my own."

Doon niya ako binitawan. Malayo na kami sa mga tao habang nakatingin siya
sa akin. Hinimas ko pa ang wrist ko dahil sa pagkaladkad niya.

"What's this?"

Pinakita niya sa akin ang tablet ni Miss at ang picture na kinuhanan ko.
Napangiti ako dahil parang daliri ko talaga ang kasama ni Sir Marco sa
picture.

"That's a nice picture." I laughed a little and observed the picture. "I
think I should get my nails done."

Hinawakan niya ulit ako sa braso. "What are you doing, Ms. Yeo?"

"Anong what am I doing?" kumunot ang noo ko at tinitigan siya sa mata.


"Sir Aceveda?"

"Bakit. . ." mukhang frustrated siya habang tinitingnan ang tablet. Hindi
niya malaman kung anong sasabihin niya at gusto kong matawa sa inis.
"Bakit ganito?"

Nagkibit balikat ako. . . kahit ang totoo ay bwisit na bwisit na ako.

"Sabi niya kita altar, hindi ba kita 'yan?"

"She's a professor, Ms. Yeo."

"Yes, Sir, I know."

Tiningnan naming dalawa ang bulsa ng khaki shorts niya dahil tumutunog
ang phone niya. Tiningnan ko siya na nakatingin na sa akin. Not minding
his phone.

"Stop this."
"Ang alin?" naiinis kong tanong.

"This. You're already disrespecting a professor!" halos pasigaw niyang


sabi. "Nahirapan pa akong ipagtanggol ka—"

"Bakit kailangan mo pa akong pagtanggol?" I asked with the same


frustrated voice like his. "Hindi ko kailangan ng taga pagtanggol."

Ngumisi siya. "Yeah, kasi may boyfriend ka na."

Huminga ako nang malalim dahil mas lalo akong nairita. Tinanggal ko ang
hawak niya sa braso ko. Marahas kong kinuha ang tablet at dinelete ang
picture. Gusto ko rin itapon ang maingay niyang phone pero pinigilan ko.
I pushed the tablet to his chest.

"Ayan na, wala na 'yung picture. Okay na ba?"

"Hindi ba dapat ako ang mainis sa inaasal mo?"

Napasuklay ako sa buhok ko. I was trying to calm myself but I couldn't.
Gusto ko siyang suntukin sa panginginig ng mga kamay ko. Kung hindi lang
siya binati ng dalawang estudyante na dumaan, nagdudugo na sigurado ang
ilong nito.

"Sinabi ko bang bawal kang mainis?"

"Kabastusan pa rin 'to. Respetuh—"

"That's bullshit!" pagsigaw ko. Nilapitan ako ni Sir at pinanlakihan ng


mata. Mas nilayo niya ako sa mga tao pero kumawala ako. "Respeto ba Sir?
Okay. Let's talk about that shit of respect na pinagmamalaki mo."

"Sin—"

"Alam mo 'yung nakakagago?" I asked him. Nanahimik lang siya kaya


nagpatuloy ako and I don't know why I keep on talking. I should shut my
mouth. But I couldn't. "Sasabihin mo na nirerespeto mo ako tapos
maglalandian kayo ng isang professor sa harap ko? Anong pinagkaiba mo sa
mga lalaking ang hilig lang ay sex?"

"Sinteya!" mas tumaas na ang boses niya.

"What?!"
"Anong—"

Hahawakan pa sana niya ako pero tinulak ko na siya. Bumibilis na ang


paghinga ko at nanghihina na rin.

"Don't touch me!"

"What are you—"

"I hate you!" I shouted at him. Wala na akong paki kung may makarinig pa.
"Go respect some other woman and answer that goddamn call!" Tinulak ko
siya lalo na kinabigla ng nakakita.

Naglakad ako palayo, mabilis ang bawat hakbang. Naaninag ko si Vane sa


hindi kalayuan and he's with a girl. I wanted to ask him why he's with
the mahinhin girl. Nag-uusap sila at seryoso pa. Napalingon sa akin si
mahinhin girl at nanlaki ang mata na para bang natakot. Hinayaan ko na
lang sila dahil hindi na ako nakakapag isip nang maayos.

I'm hell. I'm confused. Ako ang lumalayo pero ako ang nakakaramdam ng
kashitan? I just want to get out of here! Malayo sa propesor na 'yon.
Malayo sa pakikipaglandian niya sa iba. Malayo sa pesteng nararamdaman
ko!

I dialed Erica's number. Nanginginig na ang mga kamay ko. Sa galit. Sa


inis. Sa bwisit. Sinagot niya sa pangalawang ring. Bago pa siya
magsalita, halos magmadali ako sa sinabi ko.

"I-I want to go home," nagbabara ang lalamunan ko sa pagsasalita.

Hell. I hate this feeling. Napapaso ako and it's not in a good and
pleasurable way.

_____

SinCo?

SinNed?

=================
Ngptkso 38

Ngptkso 38 // Weak Point

Nanatili ako sa hallway ng mga rooms habang nakatunganga sa paghihintay


kay Javier. It’s freezing cold outside but the scenery from my view in
Hotel Luna is beautiful. Hinihimas ko ang braso ko nang lumingon ako sa
tawa ng isang babae. Nag-init ang ulo ko sa nakitang view.

Miss haliparot, laughing. Sir Marco, smiling.

“Nandito na ang susundo sa'yo?” Miss haliparot asked. “Why don’t you
sleep muna?”

“Okay lang ako, Miss.”

Tumitig ako sa braso niyang nakayakap sa braso ni Sir. Nanikip ang dibdib
ko sa pagkaasar. Gusto kong kumuha ng chainsaw at paghiwalayin silang
dalawa. I want to push her out of my way.

Narinig kong bumulong si Miss haliparot kay Sir. Hindi ko sila pinansin
at tumingin na lang sa ibaba, sa pool. Nandoon ang ilan kong schoolmates
na nagsasaya. Kung ako na lang kaya ang tumalon? Diretso naman ako sa
pool if ever.

“Anyway, I gotta sleep. Night, Marc.” Nakipagbeso si Miss haliparot kay


Sir at dumiretso sa kabilang dulo ng hallway.

Diretso at seryoso ang tingin sa akin ni Sir Marco. Huminga ako nang
malalim at pairap na binalik ang tingin sa pool. I heard the door close
behind. Paglingon ko, siya pala ang nasa katabing kwarto.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. I want to stab somebody. Pumikit ako
at sinandal ang ulo sa braso kong nakapatong sa railing. I could hear the
faint laughters from the pool. Dapat masaya rin ako dahil uuwi na ako
pero I really feel sick.

Nagulat ako sa jacket na pinatong sa balikat ko. Nahulog pa ang jacket sa


pagtayo ko nang maayos. Lumingon ako and saw Sir Marco picking the jacket
from the ground. Pinagpag niya 'yon kaunti at pinatong ulit sa akin.

“W-What are you doing?”

“Nilalamig ka.”
That voice made me want to smile pero pinigilan ko. Hinayaan ko lang ang
jacket sa balikat ko and I felt like his hands are around me because of
it. Sobrang warm ng jacket niya.

We stayed still. Walang nagsasalita sa amin habang nakatingin kaming


dalawa sa ibaba, pinagmamasdan ang mga taong masayang nagsu-swimming. My
heart was killing me for beating this fast. Feeling ko illegal na 'to.
Feeling ko kailangan ko nang magpagamot dahil lahat ng inis ko, nalusaw
dahil lang sa pagpatong niya ng jacket sa akin.

“Sumasakit pa ba ang ulo mo?”

“Hindi na.”

“Uminom ka na ng gamot?”

“Yeah.”

“Uuwi ka pa rin?”

Humarap ako sa kanya. “Why are you being nice?”

He moved his head and looked at me with his dark eyes. Matagal na akong
tumititig sa kanya to seduce him before pero for this moment, feeling ko
wala akong bala. Is it because it’s too cold, kaya hindi ko magawang
lumandi ngayon? Or maybe because it’s my heart, trying to play with me
for beating so fast.

“I’m always nice.”

I snorted. “Yeah.” Umiwas ako ng tingin. “Sa sobrang bait mo, nakakairita
na.”

Pinatong niya ang braso niya sa railing at medyo yumuko. Nanatili na


naman ang katamihan and I hate it. It feels like the silence is eating
all my confidence. Pwedeng-pwede ko igapang ang kamay ko sa katawan ni
Sir pero hindi ko magawa.

Bakit hindi ko magawa?

“Do you really hate me?” Tumingin siya sa akin nang seryoso. “Do you hate
me for being too nice?”

Hindi ako makapagsalita.


“What happened, Sinteya?”

He held my face and the warmth in his hand made me relax. . .too much.
Nakakatakot dahil sa simpleng titig at hawak lang niya ay iba na ang
nararamdaman ko. Pinalo ko ang kamay niya palayo sa akin. I shoved his
jacket to him.

I felt relieve when my phone started ring. “Aalis na ako, Sir,” sabi ko.
Kinuha ko na ang mga gamit ko sa gilid at mabilis na naglakad palayo kay
Sir. I heard a door opened. Lumingon ako and saw Miss haliparot,
naglalakad palapit kay Sir Marco.

I want to salute my middle finger pero mabigat ang dala-dala kong mga
gamit.

Hindi na ako tinanong pa nila Erica at Javier sa dahilan kung bakit gusto
kong umuwi agad. Panay ang tawag sa akin ni Unica nang nasa bahay na ako
kaya pinatay ko ang phone ko. Asar na asar ako. Walang mapaglagyan ang
pagkabwisit ko.

I want to stab someone.

Particularly that haliparot professor.

Kumatok si Erica pero hindi na niya nahintay ang pagsalita ko pagkapasok


niya. Ngumiti siya sa akin kaya nagtaka ako.

“Gusto ko matulog,” sabi ko.

“Halos isang araw ka nang ganyan.” Umupo siya sa gilid ng kama ko at


hinawakan ang noo ko. “Wala ka namang sakit.”

“May sakit ako.”

Tumaas ang kilay niya. “Sakit saan? Sa puso?”

“Yuck!” natatawa kong sabi. “Ang korni naman.”

Umiling siya. Pinilit niya akong umupo at para hindi na mangulit, naupo
na ako. Sinuklay niya ang buhok ko kaya parang nawala rin ang stress ko.
Her touch felt so relaxing. Sana ganito na lang lagi everyday. She
started humming as she brushed my hair.

“This feels nice.”


“Hindi mo na na-enjoy ang Vigan,” she said.

Umirap ako at humarap sa kanya. “Hindi naman talaga nakaka-enjoy.”

“Bakit? Maganda raw doon.”

“I hate it.”

Tumawa siya at hinarap ako. “Any news for you and your professor?”

Tinigil ko ang pagsuklay niya sa akin. Hinarap ko siya. Makahulugan ang


tingin niya sa akin. I frowned when she started smiling, anticipating
what I’ll say next.

“Wala.”

Kumunot ang noo niya. “Wala?”

“Let’s not talk about this, Erica.”

“Bakit?” Pinagmasdan niya ako. She started massaging my eyebrows habang


ngiting-ngiti. “Masyado kang stressed.”

Tinigil ko ang pagmasahe niya sa nakakunot kong noo. “Gusto ko kasi


matulog.”

“Are you in love?”

“What?” halos pasigaw kong tanong. “I just want to sleep.”

Huminga siya nang malalim. “You know your dad?”

“Who? Biological or Javier?”

Ngumiti siya. “Sperm cell na pinanggalingan mo.”

Tumawa ako. Hindi ko alam kung saan patungo ang usapang ito pero hinayaan
ko na siya. Just to get away from a topic I don’t want to talk about.

“What about him?”


“We were just playing,” pag-uumpisaniya. “Laro lang, walang feelings.
Hanggang sa pinipilit siya sa anak ng kakilala ng daddy niya. Sobrang
inis ako sa kanya to the point na sinapak ko siya kahit hindi ko
maintindihan kung bakit ako naiinis.”

“Then?”

She smiled. “I realized I was in love with him. He then realized it, too,
when he promised me a happily ever after.”

Ngumisi ako at umirap. “Hah. Apparently, promises are meant to be


broken.”

Tumango siya. “True,” she said. “But Javier is here, and you and Vane.
Giving me my happily ever after.”

That was the cheesiest line I’ve ever heard. Nanatili akong tahimik
habang sinisimulan niyang suklayin ulit ang medyo kulot kong buhok.

“My point is, nag away kami’t lahat. Nagkalayo. Pero ngayon, I’m living
my happily ever after cause I kept on believing that love will find it’s
way to me.”

Lalo akong na-lo-lost sa pinagsasasabi niya. “Why are you saying this?”

“Saw your professor’s account. Tagged photo. With another girl.”

“Ah, the haliparot professor.”

“Jealous?”

“No!” Kumunot ang noo ko. “Anong pinagsasasabi mo?”

“Okay, Honey,” she said and smiled. Binigay niya sa akin ang suklay at
tumayo. “Don’t be too hard to yourself.” Hinalikan niya ako sa buhok.
“Let yourself feel. Love is a wonderful thing to acknowledge.”

Hindi na ako nakatulog pa dahil sa sinabi ni Erica. It kept on ringing on


my head. Paulit-ulit and I hate it. I want to talk to Vane for a
distraction pero hindi niya sinasagot ang phone niya.

“Anyare ba kasi?!”

Hindi ko pinansin si Unica. Kanina pa kasi siya tanong nang tanong kung
bakit umalis ako kaagad sa trip simula nang magkita kami sa school. It’s
already irritating. I just want peace and quiet. And sex! But apparently,
nawawala rin si Vane. Hindi siya umuwi sa bahay after that Vigan trip.

“Tigilan mo ako sa silent treatment, hindi mo magugustuhan kapag pinilit


kitang ibuka 'yang bibig mo.”

Inirapan ko si Unica. “I just felt sick. Kaya kinailangan kong umuwi


agad.”

“Sick? Saan? Sa view?”

“Huh?”

“Sir Marco and Miss Takano.”

Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan nang mataman si Unica. Tumigil din


siya, nakataas ang kilay niya. “Shut up,” I said. “Wala akong paki kung
mag-sex pa sila sa loob ng kumbento sa harap ko.”

Biglang tumawa nang malakas si Unica sa sinabi ko kaya mas lalo akong
nanrindi. Pinigilan ko siya, pero tawa pa rin siya nang tawa. Sinimulan
kong maglakad, para makalayo na sa kanya pero hinabol niya ako.

“Nangangamoy,” tumatawa pa ring sabi ni Unica.

“Ano?” naiirita kong tanong.

“Selos.”

Umiling ako at umirap. Mas binilisan ko ang lakad ko nang halos pasigaw
na nagsalita si Unica.

“Hindi mo gusto malaman kung anyare pagtapos mong mawala?”

Tumigil ako sa paglalakad. Nilingon ko si Unica na malaki ang ngisi,


parang nang-aasar. And I hate it that I want to know what happened.

“I don’t care,” I said, coldly.

Nagkibit balikat siya at naglakad palapit sa akin. “Okay, sabi mo, eh.
Sayang.”

“I’ll go home.”
Pinigilan ako ni Unica sa paglalakad. “May klase ka pa, ah?”

“Tinatamad ako, hindi ako papasok.”

Pinanlisikan ako ng mata ni Unica. “Pasukan mo yang History class mo!


Don’t drop it. Mag fa-finals na next year. Hindi mo gugustuhing ulitin
ang history at malaman na yung iniiwasan mo ang magiging prof mo.”

“Tinatamad lang ako,” I said in my defense pero naiinis na ako sa


patutunguhan ng usapang 'to. “I just need rest, kaya nga ako umuwi agad
sa Vigan trip di ba?”

“Umuwi ka kaagad dahil kay Sir.”

“Hindi ah.”

Umirap siya. “Wala kang maloloko dito,” she said. Nagbuntong hininga
siya. “Ikaw kasi, bakit kay Sir pa, eh.”

Hindi ko alam kung bakit biglang nag-init ang ulo ko. It’s a cold
December, pero ang bilis bilis mag-init ng ulo ko!

“You’re the one who pushed me to him.” Pumikit ako at kinagat ang labi.
Again, I want to stop myself from talking but I couldn’t. Parang
kailangan ko ilabas 'to para hindi ako masiraan nang bait. “Remember,
ikaw nagpakilala sa amin na parang hindi student-teacher.”

Tinitigan ako ni Unica. “O really?” Taas kilay niyang tanong, as if she’s


amused on what I said. “Kaya lang kita itulak physically, 'yun naman ang
plano, hindi ba?” I didn’t say anything. “Hindi kita kayang itulak sa
kanya mentally,” she said as she poked my forehead. “Lalo na ang
emotionally.” She looked at my chest kaya umiwas ako sa kanya.

“Basta.” Pa-martsa akong naglakad. “I’m going home.”

“Sir!”

Napalingon ako kay Unica sa biglang pagsigaw niya. Lumibot ang paningin
ko sa hallway pero wala akong nakita at narinig ko ang tawa ni Unica sa
ilang metro naming layo. My phone rang, Unica’s calling. Nakatingin ako
sa kanya nang nanlilisik ang mata bago ko sagutin ang tawag.

“What?” naiirita kong sagot.

Ngumiti si Unica at bumulong sa phone. “Ingat pag-uwi, nakakamatay 'yan.”


“Ang alin?”

Lalo siyang tumawa. Before she could say anything anymore, binaba ko na
ang call. Dumiretso si Unica sa klase niya. Bago ako umuwi, napag-isip
kong gusto kong i-retouch ang make up ko. Dahil sa dami ng babae sa
karamihan ng CR, sa fifth floor ako nag-CR.

And I saw Jill, shouting ‘malandi ka’ while continuously slapping a girl
below her. It was not really my business but when I heard the girl below
Jill crying her heart out, I intervened. Hinatak ko si Jill palayo sa
babaeng kinakawawa niya and I was shocked when I saw na si mahinhin girl
pala ang inaaway ni Jill. Her clothes were almost torn apart at may
kalmot na rin siya sa braso at pisngi. Iyak nang iyak si mahinhin girl
habang pilit na lumalayo kay Jill.

“What the fuck!” Jill shouted when she saw me. “Ano bang problema mo
bakit ka nakikialam?”

Tinulak ko siya. “Ikaw, what’s your problem? Pinapatulan mo ang isang


babaeng hindi ka pinapatulan?” I asked and looked at mahinhin girl again
who’s looking at me, still crying. Nanlaki ang mata niya at bago ko pa
mabalik ang tingin kay Jill ay hinatak na niya ang buhok ko pababa and
hell! Ang sakit sa anit!

I pushed her face away from me pero napaupo ako sa higpit ng hawak niya
sa buhok ko pababa. Nararamdaman ko ang kalmot niya sa braso kaya
nasuntok ko siya sa mukha sa sobrang pagkainis. Don’t blame me, Unica’s
my friend and she taught me how to punch bitches!

Kinuha ko ang phone ko at binato kay mahinhin girl.

“Call Vane, mukhang siya dahilan bakit nagkakaganito ang bitch na 'to.”

Sumigaw si Jill. Napahiga ako nang sumunggab siya sa akin. Napamura ako
sa sakit ng ulo ko sa pagkakauntog sa sahig.

“A-Anong password?” the mahinhin girl asked.

Shit. Mahirap nga pala ang pattern ko. Gusto ko man lumapit kay mahinhin
girl but Jill is a freaking monster! Nanginginig ang mga kamay ni
mahinhin girl na kinuha ang sariling phone at nagdial.

“H-Hello Vane?”
“Fuck!” Jill looked at mahinhin girl at nagwala. Tumayo siya at mabilis
na hinatak kay mahinhin girl ang phone at binato 'yon. “Fuck you! Kunwari
ka pang mahinhin, nilalandi mo naman si Vane!”

Lalong umiyak si mahinhin girl kaya wala na akong nagawa kung hindi
sipain palayo si Jill. Napaaray siya at umiyak na rin habang minamasahe
ko ang anit ko.

“C’mon Jill, don’t stoop so low for Vane, pampalipas oras ka lang niya.”

“Fuck you Sinteya. Gaganti ako sa'yo,” umiiyak na sabi ni Jill.

“Sa akin lang?” natatawa kong sabi.

Lalapit na sana ulit ako sa kanya pero lumayo siya nang lumayo hanggang
sa nakatayo na siya at tumakbo palabas ng CR.

“Are you okay?” tanong ko kay mahinhin girl. Nanghihina ang katawan niya
kaya inalalayan ko siyang makatayo. Nanginginig ang buong katawan niya
habang inaayos ko ang buhok niyang gulo-gulo. “Sira na ang phone mo,”
sabi ko.

“T-Thank you,” she said.

Ngumiti ako. Kinuha ko ang phone kong nasa lapag. “Do you want me to call
Vane for you?” I asked mahinhin girl. Tumingin lang siya sa akin na
parang nagulat. “Or do you want me to call Chino?”

“A-Ano—”

Tumawa ako. “Joke, wala akong number ni Chino.”

Mukhang kinakabahan siya na hindi ko malaman. Pinagmasdan ko siya mulo


ulo hanggang paa. Sobrang simple niya at totoo talagang mahinhin siya.
Her hair is in a ponytail na gulo-gulo na pati ang full bangs niya. May
napansin din akong sugat sa tabi ng labi niya. Actually, she looks like a
maniquin dahil na rin sa petite niyang katawan.

“Anyway, I gotta go.”

“Salamat ulit,” sabi niya.

“May kapalit 'yon,” nakangiti kong sabi. Mukhang na-tense siya kaya
hinawakan ko ang balikat niya at tiningnan siya sa repleksyon ng salamin
sa harap namin. “What’s your name?”
“A-Aris.”

Tumango ako. “Okay, Aris. Ang kapalit n'un ay umuwi ka na or magpunta ng


clinic. Huwag ka na rin lalapit kay Jill.”

Ngumiti siya. “Salamat ulit talaga.”

“No problem.”

I feel like a saint. Minsan pala dapat gumawa rin ako ng good deed para
hindi lang puro black aura ang bumabalot sa paligid ko.

Pagkarating ng Christmas break, mas lalo akong na-bored. Paalis na sila


Erica at Javier for their honeymoon. Busy rin si Vane sa mga ‘parties’ na
pinupuntahan niya and I couldn’t contact Unica. Same old issues ang
nakikita ko sa FB newsfeed pwera sa issue na may nakaaway si DJ Andro
habang on air ang radio booth.

Naaagnas na ako sa bahay when someone called my phone.

Need to Ignore ♥ calling. . .

Nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko. I saw Erica cleared her throat
and smiled. Hindi ko alam kung bakit napasagot ako dahil doon.

“Yes?”

“Sinteya.”

Shit. Gusto kong manghina sa pagtawag niya sa akin. Sobrang seryoso ng


boses niya na gusto ko na lang magpayakap and—hell. What am I thinking?!

“Sino 'to?”

Natigil siya sa kabilang linya. Napakagat ako ng labi at gusto kong


sumigaw sa pinag gagagawa ko. What the hell, Sinteya?!

“This is Marco,” matigas ang boses niya. “Lourd Marco Aceveda.”


“Ah.” Gusto kong maiyak. Naguguluhan ako! “Sir, napatawag ka?”

Tumahimik sandali sa kabilang linya. “Labas ka.”

Mas lalo akong kinabahan. Maluwag na shirt at short shorts lang ang suot
ko nang lumabas ako. Nakatapak lang ako just to let him know I don’t need
to fix myself for him. Nakasandal siya sa kotse niya. Walang nagsalita sa
amin.

Nang mapansin niyang hindi ako lalapit sa kanya, nagulat ako nang hatakin
niya ako papasok sa kotse niya.

“What the hell?!”

Kinabit niya ang seatbelt and looked at me with a serious face. “Don’t
move.”

Para akong bata na hindi nga gumalaw hanggang sa naglakad siya sa harap
ng kotse at pumasok sa driver’s seat. Inayos niya ang seatbelt niya at
nagsimula sa pagdrive.

“Anong kalokohan 'to, Sir?” I don’t do histericals kaya mahinahon akong


nagtanong. “Are you kidnapping me?”

Narinig ko ang pagngisi ni Sir Marco at parang naasar ako dahil doon.
Bakit? Hindi ba ako worthy para kidnap-in? Not that I wanted to be
kidnapped by this sexy professor. Tiningnan ko siya nang masama when he
looked at me and smiled that melted the cold weather of December.

“Will you let me if I said yes?”

=================

Ngptkso 39

Ngptkso 39 // Talk About Feelings

"Kapag sinabi ko bang hindi, ibabalik mo ako sa amin?"


Tiningnan ko muna ang kalsadang dinadaanan namin bago binaling ang tingin
kay Sir Marco. Ngumiti siya at umiling bago sumagot.

"No."

"Hindi naman pala, eh. Nagtanong ka pa."

His smile didn't fade. Nagpatuloy lang siya sa pagda-drive habang


nagtataka ako kung saan kami papunta. I texted Erica that I'll be gone
for a few hours. Pumayag naman siya at aalis na sila mamaya para sa
honeymoon nila ni Javier. Vane's still not at home.

Nang ma-bored na ako, I tried choosing a station in his radio. Para hindi
kami balutin nang sobrang awkward silence. Naka-ilang lipat na ako nang
magulat ako sa paghawak niya ng kamay ko. I looked at him while his eyes
were still looking on the road.

"Pwede mo patayin kung wala kang type na kanta."

Tinanggal ko ang hawak niya sa kamay ko. "It's boring."

Tumingin siya sa akin sandali bago binalik ang tingin sa harap. "Then
talk to me."

"Bakit kita kakausapin?"

"Para hindi ako antukin."

I couldn't help myself but to smirk. "Well, too bad. I'm sleepy.
Kasalanan mo 'yan, panindigan mo."

Sinandal ko ang ulo sa bintana at pumikit. Pinakiramdaman ko lang ang


paligid. Ang lamig ng aircon. Ang amoy ng pabango ni Sir Marco sa loob ng
kotse. Ang bilis ng tibok ng puso ko. I was almost asleep when I felt a
hand held mine. My brows almost furrowed when I felt him kiss my knuckles
softly. Parang pinipiga ang puso ko sa kinikilos niya.

I want to open my eyes, talk to him — or something. But hell, oo na.


Naduduwag ako.

Hindi niya pinakawalan ang kamay ko hanggang sa tuluyan akong nakatulog.


Nagising ako dahil sa isang tapik sa balikat. Sobrang sakit ng leeg ko
dahil sa pagkakasandal sa bintana nang lumabas na si Sir ng kotse. May
nakapatong na jacket sa akin.
"Bakit tayo nandito?" I asked when I got out. Pinagmasdan ko ang
establishment na tapat ng pinag-parking-an niya.

Nahiya ako nang pasadahan ni Sir Marco ang itsura kong suot ang jacket
niya. The smile from his face faded when he saw my bare feet.

"Sorry about that," he said.

Ngumiti ako. "No worries. Masakit lang sa paa pero naiintindihan kong ito
ang galit mo sa akin."

Nanlaki sandali ang mata niya. When I told him I'm just joking, umiling
siya at ngumiti kaya gusto ko siyang yakapin na lang dahil ang cute niya.

"Gusto mo sa kotse ka muna? May kukuhanin lang ako."

"Matapos mo akong kidnap-in, iiwan mo ako sa kotse? Ayaw ko nga."

Bumuntong hininga siya. "Let's clean your feet inside."

Binati siya ng mga nagtatrabaho sa coffee shop as if they know each other
well. Nakipag-usap siya sa taong nasa counter at nilingon ako para
senyasang sundan siya paakyat.

Nakaka-relax ang artworks at amoy ng coffee. Pag-akyat, may maliit na


lobby at sa isang pinto ay may nakasulat na MJ Crux. Pagpasok sa loob,
natatakpan ng malaking computer screen ang mukha ni Miko na nilingon
kami.

"Oh anong ginagawa niyo rito?" Nakangiting bati sa amin ni Miko. Kumunot
ang noo niya nang makitang I'm not in the best clothes. Ngumisi siya kay
Marco. "Coffee shop at art studio 'to ah, hindi motel."

"Gago."

Shit. Bakit ang sarap pakinggan ng pagmumura ni Sir sabay tawa niya?

Nag-usap sila habang tahimik akong nakaupo sa sofa, trying to look at the
comic book na may title na Karmic Hearts. May papel pang nakaipit na
Remembering Cupid naman ang nakasulat and they're all character sketches.
Nang ma-bored na ulit ako ay nilibot ko ang mata ko sa mga artworks. Ang
artwork ni Unica ay dramatic compared to the designs here which is more
fun.

Pagkapasok ni Sir sa isang room, ngiting-ngiti sa akin si Miko.


"What?"

Sumipol siya. "Ang sungit."

Bumuntong hininga ako. I'm not really good with small talks. Ang kaya ko
lang ay maglandi. And I don't want to flirt with this guy. Umiling muna
siya bago nagpakabusy sa computer niya.

I cleared my throat before talking. "Since when did you two become
friends?"

Tumaas ang dalawang kilay ni Miko pero nakatingin pa rin sa computer


niya. Dahil nasa gilid ang sofang inuupuan ko, nakikita kong nagdo-
drawing siya sa malaki niyang screen.

"Sino?"

"Sir Marco."

Natigil siya sa ginagawa niya at tumingin sa akin. Lalong lumawak ang


ngiti niya. Masyado siyang masaya. Nakakaloka.

"Say it again."

"Ang alin?"

"Sir Marco."

"Sir Marco?" I said, unsure.

Tumawa siya. "Uto-uto ka pala, eh!"

Nag-init ang pisngi ko at napanganga. How dare he?!

Nag-peace sign siya sa akin habang bumubungisngis. "Huwag mo na siya


tatawaging Sir ulit, baka maadik pa lalo sa boses mo."

Mas lalong nanlaki ang mata ko. Hindi ko alam ire-react ko pero may
something sa akin na parang natutuwa. And I shouldn't feel happy. Ugh.
Nahahawa na ata ako sa Miko na 'to.

Mabuti na lang, lumabas na sa pinanggalingan si Sir na may dalang unan at


kumot. Nilingon niya si Miko na nakangiti pa rin sa aming dalawa. Nagulat
ako nang ilapag ni Sir Marco ang isang pares ng pink, fluffy slippers sa
harap ko.

"Bakit may ganito?"

"Para hindi madumihan paa mo."

"Don't judge!" halos pasigaw na sabi ni Miko,. natatawa. Nakatingin lang


siya sa screen ng computer. "Sa nanay ko 'yan."

Tumawa si Sir Marco at nilingon si Miko. "Oo kasi color blue sa'yo."

"Ah?!" pasigaw na react ni Miko. Nanlalaki ang mata. "Masarap kasi sa paa
'yan! Nakakarelax."

"Hindi mo na kailangan mag-explain." Tumawa at umiling ulit si Sir Marco.

Bago ko pa masuot ang fluffy slippers, nagulat ako nang lumuhod siya sa
harap ko. Napansin ko ang wet wipes na hawak niya nang bitawan niya ang
unan at kumot sa tabi ko.

"Pasensya na kung nadumihan ka dahil sa pagkidnap ko."

Hindi ko na naiwasan ang sarili ko sa pagngiti nang punasan niya ang paa
ko. Dahan-dahan ang paglinis niya kaya nakikiliti rin ako.

"Kilig naman 'yan," natatawang sabi ni Miko. "Niroromanticize ang kidnap


scene."

Napalunok ako pero tinawanan lang ni Sir Marco ang sinabi ni Miko. Siya
rin ang nagsuot sa akin ng slippers pagtapos malinis ng paa ko.

"Balik niyo 'yan nang buo ah! Papatayin ako ng nanay ko."

"Sige, pakumusta na lang kay Tita at kay Nef."

Ngumisi si Miko. "Matutuwa 'yung Nef na 'yun sigurado, alam mo ba Sin?"


Nilingon ko si Miko. "Pinaasa n'yang si Marco kapatid kong si Nef?
Tingnan mo hanggang ngayon, umaasa pa rin kapatid ko."

Tinawanan ni Sir Marco si Miko. Nag-apir pa sila bago kami bumaba sa


coffee shop. Panay pa nga ang kwento ni Miko pero pinatigil na siya ni
Sir. Bumili ng kape si Sir bago kami dumiretso sa kotse at pinaandar na.
"Para saan 'tong mga 'to?" I asked while looking at the pillow and the
blanket. Hindi ko kasi alam kung saan ko ilalagay ang mga 'to.

"Nakita ko kasing hindi ka kumportable sa pagtulog," he said that made me


silent. "Kaya nanghiram ako ng unan at kumot."

Huminto ang paligid ko sa sinabi niya. Tiningnan ko muli ang hawak kong
unan at kumot. So these. . .are all for me? So stop-over lang ang lahat?
Pati ang pink fluffy slippers?

"Saan ba tayo pupunta?" I asked. Tinabi ko likod ang unan at kumot na


dahilan ng pagkunot niya ng noo. "Bakit ba ako nandito?"

Bumuntong hininga siya. "You're not sleepy?"

"Just answer me."

Nilingon niya ako. "I want us to talk without you running away from me."

Tumaas ang kilay ko. "So ano, dito lang tayo sa kotse?"

"May pupuntahan tayo, but it's a 12-hour drive."

"What?"

Tinigil niya ako kotse sa tabi. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko
and it's not funny anymore. Nilingon niya ako and my heart almost jumped
when he got near me. Para akong pinapaso habang tinatanggal niya ang
seatbelt sa akin.

"I want you to meet my family," he said, looking at me. "You can get out
of this car if you don't want to."

"Iiwan mo ako sa kalsada? Mag-isa? Sa madaling araw? Nang walang dala na


kahit ano pwera cellphone?"

"You can have my jacket."

"What the hell?!"

Ngumisi siya at doon ko napagtantong he's into something. Tinitigan ko


lang siya hanggang sa lumapit ulit siya at parang natigilan ako nang
buksan niya ang pintuan sa likuran ko.
"You can get out and go home or you come with me to my home."

"W-What are you doing?"

"I'm giving you a choice, Sinteya," he said with a stern voice. "It's a
yes or a no. Pagkatapos nito, kung gusto mo — titigil na ako."

"S-Sir."

"Please."

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko na dahilan para mas kabahan ako.
Nilapit niya 'yon sa labi niya. Hinintay ko ang idudutong niya sa
'please' pero wala na siyang sinabi. I wanted to cry and I don't know
why. Nakayuko lang siya habang hawak nang mahigpit ang kamay ko and I
want to kiss him so bad.

Tinanggal ko ang hawak niya sa akin na kinagulat niya. Ni-lock ko ang


pinto sa likuran ko at inayos ang seatbelt. Nakaharap lang ako sa kalsada
when I said, "drive." Hindi pa rin siya nagsasalita kaya nilingon ko siya
at tinaasan ng kilay. "Next year pa tayo makakarating sa inyo kung hindi
mo pa sisimulan mag-drive."

Nanahimik kaming dalawa habang nagda-drive siya. Almost three hours na


rin ang nakakaraan and my heart's still beating so fast. Naiilang ako.
Gusto kong balikan ang mga pinagsasasabi ko kanina and the act of not
running away from him again made it so obvious.

Napaka obvious and I hate it!

"If you think I want to meet your family, you're wrong," I said while
looking outside the window. "Ayaw ko lang maiwan sa kalsada nang madaling
araw."

"You think I'll leave you alone?"

Nilingon ko siya. "Hindi ba?"

Ngumiti siya. "I'm not heartless. I won't do such thing."

"Bakit pinapili mo pa ako?"

Halos tumitig siya sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin. Nanahimik ulit
kami.
Tuloy-tuloy na ang byahe at nakikita kong halos nawawala na ang buildings
ng Manila. If I'm not mistaken, sa Isabela ang dati niyang sinabi na
lugar nila. I don't know where that place is pero obvious na malayo nga
ito dahil sumasakit na ang pwet ko kakaupo.

Lumiliwanag na nang mag-stop over kami para kumain. We didn't talk and
for me it's awkward but comfortable at the same time. Nagpagas na rin
muna bago dumiretso ulit sa byahe.

Nakatulog ako pero nagising ako nang medyo kumportable ang pakiramdam.
Nakapatong ang ulo ko sa unan at nakakumot pa ako. Nilingon ko si Sir
Marco na mukhang inaantok na rin.

"Are you sleepy?" I asked. He just smiled. "You can pull over and sleep
first."

"Okay lang." Nilingon niya ako. Gusto kong malusaw sa ngiti niya. "Talk
to me, para hindi ako makatulog."

"What do you want to talk about?"

"Anything."

"Ang hirap naman n'yan."

"Do you want me to suggest a topic?"

Ngumiti ako. Binuksan ko rin ang radio para kahit papaano ay may ingay sa
loob ng kotse. "Okay, topic."

"You sure?"

Pinapakinggan ko lang ang mga kanta sa radio. Pinapalitan kapag hindi ko


trip. "Shoot."

"Your feelings," he said that made me stop from what I'm doing. He held
my hand and intertwined it with his. I couldn't look at him. I'm just
staring at our hands in front of me. Pinisil niya 'yon na nagpakaba nang
sobra sa akin. "Talk to me about your feelings. Let's start with you
dropping Ethics class, running away and ignoring me, then to your step
brother pretending to be your boyfriend and your act against Miss Takano
in Vigan."

"W-What. . ."
Hindi pa rin siya bumibitaw sa kamay ko. He moved my head to look
straight at me. Iniiwas ko ang titig ko sa kanyang patingin-tingin sa mga
mata ko.

"Tell me about your feelings," he said. "And now, you can't runaway from
me."

=================

Ngptkso 40

Ngptkso 40 // To Be Honest

Two of the many things I hate the most are one, being cornered and two,
talking about feelings. Gusto kong buksan ang pintuan ng kotse at
magpahulog na lang sa kalsada kaysa sumagot. Tinanggal ko ang hawak niya
sa kamay ko kahit sa totoo lang, I want to hold his hand longer and
tighter.

"Let's talk about something else," I almost choked on my words.

"I'm getting sleepy."

"Ito unan." Inalok ko sa kanya ang unan. "Pull over and sleep."

Pansin ko ang pagbuntong hininga niya. Tumingin siya sandali sa akin.


Nasaktan ako sa ngiti niyang malungkot. Pagkabalik niya ng tingin sa
kalsada, he said, "nevermind."

Nakayakap lang ako sa unan habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi. I


want to talk. Help him wake up pero dinadaga ako. Words won't come out.
My voice won't cooperate. Nanatili kaming tahimik hanggang sa nakarating
kami sa isang lugar na pinag-park-an niya ng kotse.

"Tara na."

Mas gininaw ako sa boses niya kaysa sa aircon na kapapatay lang. sumunod
ako sa paglabas niya pero nanatili ako sa tabi ng kotse at nag-stretch
kaunti habang siya naman ay maykausap na lalaki. Tumingin sila sa akin—or
maybe sa kotse at tumango ang lalaki.

It' still early in the morning but the people around greeted each other
as if it's not very early. Lahat sila gumagalaw at kumikilos and
preparing. . .dahil sa Christmas season ba 'to? May ilang kinausap si Sir
Marco at napansin ko ring tinuro ako ng isa. Umiling si Sir at ngumiti
bago niya ako lapitan para ayain na maglakad na.

Nauuna siyang maglakad sa akin. . .then silence came.

Kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko habang nakatitig sa likod niya.


Gusto kong yakapin na lang siya at hindi na magsalita pero parang
papatayin ko ang sarili ko kapag ginawa ko 'yon. Nadudumihan na ang
fluffly slippers nang lumingon sa akin si Sir Marco at bumuntong hininga.

Binalikan niya ako at naglakad kami nang sabay, still not talking.

"You're quiet," pansin niya.

"Pagod lang."

Tumango siya. Then silence again.

Ilang minuto rin kaming naglakad at medyo pagod na rin. Namangha ako
sandali nang makita ko ang mga palayan at mga puno at ang bundok. May
natatanaw akong bahay sa hindi kalayuan. Not sure kung dahil sa maaga pa
lang kaya foggy ang paligid o dahil na rin sa lamig.

"Sierra Madre mountains," turo ni Sir Marco sa kanan na mga bundok.


Tinuro niya ang kaliwa. "Cordillera Mountains."

"Dito ka ba lumaki?" tanong ko. "Anong lugar 'to?"

"Tuwing bakasyon lang. Lola namin ang nandito sa Quezon, Isabela talaga."

Tumango-tango ako. Ang daming tanim sa paligid at na-a-amaze talaga ako


dahil ngayon lang ako nakakita ng ganito nang malapitan. May ilang
kumaway na nagtatanim kay Sir Marco na kinawayan din niya pabalik.

"Trabahador niyo?"

Ngumiti siya. "Ng mga tita ko."

Wala akong dalang gamit na kahit ano pwera ang phone kong malapit na ma-
lowbat. Isang backpack naman ang dala ni Sir Marco and I don't know what
will happen next. Dumating kami sa bahay na bato. And it's a literal
stoned house dahil wala pang paint ang labas pero malaki. May balcony pa
sa taas.
"Is this yours?" I asked while looking above. Napansin ko kasi na may
maliliit na design doon na mukhang pinaghirapan iukit.

"Ours."

Naubo ako sa narinig ko at mabilis na lumingon sa kanya. Mula sa taas ay


tumingin din siya sa akin. Nagkatitigan kami hanggang sa narealize niya
ang sinabi niya at natikhim.

"I mean it's ours. Our family's," he tried to correct himself pero
mukhang ganoon pa rin ang ibig sabihin. "Err—I mean, sa amin ito—"

Tumawa ako at pinalo siya sa balikat. Just to ease the uneasiness on the
atmosphere. Mas malaki ang loob dahil mukhang maliit lang ito sa labas.
Akala ko probinsyang probinsya ang magiging itsura pero may pintura na
ang paligid at magaganda ang furnitures. May TV rin at computer — hindi
aakalain na bahay probinsiya kung hindi lang puro taniman sa labas at may
bundok pa.

Tiningnan ko ang mga picture frames na nasa taas ng TV and smiled when I
saw Sir Marco as a teenager. Sobrang patpatin niya! Hindi ko napigilan
ang tawa ko. I was shocked when a hand from behind me took the picture.

"Pinagtawanan talaga?"

"Ang cute mo kasi."

It was late to get my words back. Binalik ni Sir Marco ang frame sa
dating pwesto at ngumiti. Nakaramdam tuloy agad ako ng awkwardness nang
hinayaan niya akong tingnan ang mga pictures kaya naupo na lang ako sa
mahabang sofa.

"Nasaan mga tao?"

May inaayos siya sa bag. "Baka nasa bayan."

Tumango lang ako. Nanatili akong tahimik habang siya naman ay pumasok sa
isang kwarto. Lumabas siya nang may hawak na twalya at isang bag. Binigay
niya sa akin 'yon.

"Nandoon ang CR, maligo ka muna."

Tiningnan ko ang laman ng bag na binigay niya. "Kanino 'to?"

The answer I got from him was a smile. Hindi na ako nagtanong pa.
Dumiretso ako sa CR dahil maputik na rin ang binti ko pati na rin ang
pink fluffy slippers ng nanay ni Miko. Nilabhan ko na ang damit ko pati
ang slippers bago nagtuyo ng katawan at buhok. Fit ang underwear at damit
sa akin kaya nagtataka na ako. Amoy bago pa ang mga damit.

Pagbukas ko ng pintuan, nagulat ako nang biglang dumaan sa harap si Sir


Marco. And it's not just his normal self, he's half naked. Nakapulupot
ang twalya sa ibabang bahagi ng katawan niya habang may tumutulo pang
tubig mula sa buhok niya patungo sa katawan niya.

His body is much bigger than Vane's. I tried not to smile.

"S-Saan ka naligo?"

"Sa labas. Akala ko next year ka pa matatapos, sa may poso na ako


naligo."

Dahan-dahan ang pagtango ko and I couldn't help myself but to stare at


his naked back until the door closed. Nanghinayang lang ako dahil lumabas
siya ng kwarto nang nakabihis na.

Nagtataka siyang lumapit sa akin. "Why the frown?"

Mas sumimangot ako. "Bakit nagbihis ka pa?" I couldn't help myself.

Tumawa siya at umiling. Inaya niya akong kumain na muna and for some odd
reason, gumaan ang pakiramdam ko. Maybe because we didn't talk about
feelings. Maybe because we're like friends talking to each other.
Nagmarathon kami ng TV series na Castle habang nagpapalipas ng oras.
Sobrang tahimik ng paligid at wala pa ring pumapasok na kahit na sino sa
bahay nila. . .now I'm thinking kung dito ba nakatira ang family niya.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako nang nakapatong


ang ulo ko sa binti ni Sir Marco sa sofa. I didn't move kaya pinagpatuloy
niya ang paghaplos sa buhok ko. Ang sarap makatulog sa tabi ng lalaking
hindi ko na kailangan utusan o pakitaan ng katawan para alagaan ako.

This felt nice.

I hope this won't end.

I woke up again feeling dizzy. Una kong tiningnan ay ang kisame ng bahay.
Nilingon ko ang paligid at napagtantong gabi na. Naupo ako at tumunganga
kahit na alam kong dapat na akong magpanic dahil nawawala si Sir.

A few minutes later, dumating si Sir Marco na may dala-dalang supot. He


looked at me and smiled. "Kain?"
Habang inaayos niya ang pagkain sa hapagkainan. Nakatingin lang ako sa
kawalan. Umupo siya sa harap ko at tiningnan ako nang maigi.

"You alright?" tanong niya. Tumango ako. Ngumiti siya ulit. "Hindi ka ba
natakot na wala ako kanina?"

"Hindi," mabilis kong sagot. "I knew you'll come back to me."

That made us silent. Nagsimula na akong kumain habang napapansin ko naman


na napapatingin siya sa akin. I ignored his stares hanggang sa hindi na
ako mapakali.

"Stop staring."

Ngumiti si Sir Marco. Hindi siya nagsalita at nagsimula ulit sa pagkain.


When we're both full, lumabas siya ulit ng bahay at bumalik nang may
dala-dalang isang bucket ng beer at yelo.

"Lalasingin mo ako?" natatawa kong tanong.

Nagluto siya ng sisig kaya mas natuwa ako. He opened one bottle and
poured it in a glass.

"Let's play a game."

Kinuha ko ang baso ng beer at uminom kaunti. "Strip game ba 'to? Akala ko
ba—"

"No." Hinawakan niya ang baso, holding my hand. Nagkatitigan kami sandali
and sighed when he said, "let's play telling the truth. Nagseselos ka ba
kay Miss Takano?"

Pinipilit kong alisin ang hawak niya sa kamay ko pero mas humigpit ang
hawak niya sa baso. Ayaw niya akong pakawalan. I mean, my hands.

"Let go, Sir."

"I will if you tell the truth."

"Hindi," diretso kong sabi. Bumitaw siya sa baso kaya nabawi ko ang kamay
ko. Uminom ulit ako ng beer at tinitigan siya sa mata. "Are you insisting
I'm jealous?"
Kinuha niya ang baso ng beer sa kamay ko at uminom doon. Naubos niya kaya
sinalin niya ang natitira sa bote. "Why are you acting like a jealous
girlfriend last time? Naguguluhan ako sa kinikilos mo. Gusto mo ako tapos
ayaw mo ako. Ano ba talaga?" Ininom niya ulit ang laman ng basa at halos
mabasag ito nang ibaba niya.

Binuksan niya ang isa pang bote ng beer at nagsalin sa baso. Kinuha ko
ang baso para uminom doon. "You're one hell of a feelingero, Sir,"
natatawa kong sabi.

Kumain siya ng sisig. Kinuha niya ang baso sa akin. Nilapit niya ang baso
sa labi niya at imbis na iminom ay ngumiti siya.

"Siguro nga iniisip ko na gusto mo ako kasi gusto kita."

Dire-diretso ang sinabi niya na hindi ko na siya napigilan. Narinig ko


na. . .and it twists by heart. But in a pleasant way. Hindi masakit —
pero nakakairita.

"So anong pinopoint mo?"

Binigay niya sa akin ang baso. Uminom ako.

"Pagod na ako magtagu-taguan ng nararamdaman, Sin."

Halos mamuti na ang mga daliri ko sa higpit ng hawak ko sa baso. Nahihilo


ako at gusto ko na lang matulog pero hindi ko maiwas ang tingin ko sa
malalim na mata ni Sir Marco.

"How did you know Vane's my step brother?"

Ngumisi siya. "Sources, Sin. A lot of sources."

"Anong sources? Sino?"

"I won't tell you."

Uminit ang ulo ko. Naubos ko na ang laman ng baso at binagsak ko ito sa
harap niya. "Why won't you tell me?"

"Kasi hindi ka rin nagsasabi ng totoo."

Sumandal ako sa upuan para tumingala at pumikit. Sumasakit ang ulo ko at


naguguluhan na ako bigla. Nafufrustate na rin ako sa hindi ko malamang
dahilan. Binagsak ko ang kamay ko sa lamesa. Nakita kong umiinom lang
siya ng beer sa binuksan niyang bote.

"Nakakainis ka na, ah."

Kumunot ang noo niya habang umiinom. Binagsak niya ang bote sa lamesa at
tiningnan ako nang mataman. "Ako ang nakakainis?"

"Yes. Why are you doing this?" I asked. "You're confusing the hell out of
me."

Ngumiti siya. "That's great." Pinasadahan niya ng kamay ang buhok niya.
"Ngayon alam ko nang naaapektuhan ka rin sa akin."

Kinuha ko ang boteng hawak niya at mabilis na tumungga doon. Sumasakit na


ang lalamunan ko pero uminom lang ako nang uminom hanggang sa magsawa
ako. Kahit mauubos ko na ang bote, pakiramdam ko uhaw na uhaw pa rin ako.

"Ayoko."

"Ayaw mo?"

"I don't want to feel feelings for you!" halos pasigaw kong sabi. "I
don't do feelings, Lourd Marco Aceveda."

"Kaya ka nag-drop sa klase? Kaya mo ako iniwasan? Kaya ka nagkakaganyan?"

"Anong paki mo?!" Naiirita na ako at tumayo. Binagsak ko ang dalawa kong
kamay sa lamesa. I leaned towards him. "Pinaniwala mo kasi akong gusto mo
ako and fuck me for believing it. Fuck me for believing you really like
me. Alam ko namang hindi ako karespe-respeto pero ang sakit kapag
pinamukha mo na sa akin 'yon. Sana nakipag-sex ka na lang sa akin nang
matapos na hindi 'yung may respeto pang drama tapos nilayuan lang kita
saglit, may iba nang babaeng umaaligid!"

Napaupo ako habang hinihingal. I want to laugh at my outburst. Para akong


tanga. I don't know if it made sense. Naghalo-halo na ang nasa isip ko.
Nananakit pa ang ulo ko.

"I want to prove it to you," he said, almost whispering. "But you keep on
running away."

"This is the reason I don't do feelings." Kinuyom ko ang kamay ko. "It
hurts. Ayaw kong masaktan. I don't like to be how my mom was. Ayaw kong
umiyak dahil lang sa lalaki."
Pinatong ko ang ulo ko sa lamesa dahil sa hilo. Pumikit ako habang
pinipilit ayusin ang paghinga ko when a hand touched my skin that burned
me. Unupo niya ako nang maayos. Hindi pa ako nakakakilos ay niyakap na
niya ako nang mahigpit.

His heartbeat was beating so fast feeling ko tatalon na 'yon mula sa


dibdib niya. But it didn't. Nandoon lang siya habang pinapakinggan ko.
Mas himigpit ang yakap niya kaya napapikit na ako, trying to calm and
relax myself.

"I'm so scared I keep on running and hiding," I murmured to his chest.

"Then stop for awhile."

"Sir," halos natatawa kong sabi. "Wag po."

Himigpit ang yakap ko sa kanya. Kinagat ko ang labi ko, trying to stop
myself from talking. Pero ito na naman—ito na naman ako at ang mga
nararamdaman na gusto kong isigaw.

"I think I'm falling, Sir Marco."

I felt his lips on my head when he said, "I'm already waiting to catch
you, Sin."

Same with feelings, I don't do dramas. But tonight, I was left off guard
and cried my heart out around Sir Marco's comfortable embrace. To be
honest with my own feelings, this felt nice. And it felt nice being
honest with myself for once.

=================

Ngptkso 41

Ngptkso 41 // Calm Before

Wala na rin akong paki kung gaano na kami katagal magkatabi ni Sir Marco.
I just want to hug him so tight and never let go. I couldn't remember the
last time I went to bed with a guy that nothing happened between me and
that particular guy. Ngayon na lang ata after ilang years.
Nakapagsuka na rin ako kaya mas maayos na ang pakiramdam ko. Ganoon din
si Sir Marco. Nakahiga kami sa kama niya nang may damit pa rin and it's a
little weird for me. Because once on bed, hubad na 'yan. But this is
different. And I like this different.

"What have I done to deserve you?"

Mas humigpit ang yakap niya sa akin. "You've been a naughty girl. Maybe I
was born to be your punisher."

Inangat ko ang upper body ko para pumaibabaw sa kanya sandali. Nakangiti


pa rin siya habang nakatitig sa akin habang nakataas ang kilay ko. "Ay,
Christian Grey ang peg?" natatawa kong sabi. "Kaya pala ayaw mo ng
simpleng sex. BDSM pala mga trip mo?

"What if I do?"

Seryoso ang mukha niya. Dahil nasa likuran ko ang kamay niya, he tugged
me closer to him. Halos ilang inches na lang ang layo ng mukha namin sa
isa't isa. Nag-init ang pakiramam ko at hindi mapigilan ang pagngiti.

"Ay weh? Tara na't magsakitan."

Tumawa siya at nagulat ako nang mahina niyang hinila ang ulo ko papunta
sa kanya. I smiled when his lips touched mine. I started moving as I
taste the alcohol inside of him pero pinigil niya 'yon. Umirap ako at
umunan muli sa braso niya.

"Sino nagsabing step bro ko si Vane? And since when? Balewala pala ang
landian na naganap?"

"I was jealous at first," Sir Marco said that made me stop from laughing.
But my smile was so wide it hurts. "Hindi lang siguro ako naniwala nang
sobra."

"And why is that?" taas kilay kong tanong. "I mean, kahit si Unica ti—
wait. Si Unica ba nagsabi sa'yo?!"

He chuckled. "Why would you accuse your friend?"

"Hindi ka humindi kaya siya nga?"

"Hindi siya." Hinaplos niya ang buhok ko kaya lalo akong napakunot ang
noo. Inangat ko ulit ang upper body ko para tingnan ang expression ng
mukha niya. Ngumiti siya. "What?"
"Hindi nga? Hindi siya?"

"Hindi siya."

"Sino?"

Nilapit niya ang labi niya sa noo ko at hinalikan 'yon. Niyakap niya ako
nang mahigpit kaya hindi ko na makita ang mukha niya pero amoy na amoy ko
ang alcohol sa dibdib niya.

"Just forget it. It doesn't matter."

"It matters cause you're stalking me!"

Gumalaw siya at niyakap ako nang mas mahigpit pa. "Admire naman, Sin."

Umirap ako. "Fine, admirer."

Nakatulog kami nang makatabi at magkayakap ni Sir Marco. My heart felt at


peace kung hindi lang ako nagising dahil sa nararamdaman kong acid sa
tiyan ko. Pasikat na ang araw nang tumayo ako agad — which is a bad idea
dahil nahilo ako — at tumakbo papuntang CR para magsuka sa toilet. Naubos
ko na ang suka ko kagabi kaya puro tubig ang lumabas. Naramdaman ko na
rin ang paghagod sa likuran ko habang sumusuka.

Binigyan ako ng towel ng nasa likuran ko. When I muttered my thanks,


napakunot ang noo ko dahil hindi ang kamay ni Sir ang nakita ko.
Paglingon ko, napaupo ako sa lapag dahil sa babaeng nakatingin sa akin
nang seryoso.

Ngumiti siya and tried to help me up. She's the beautiful woman from the
restaurant. . . the woman who called Sir Marco 'Coco'. Lumabas siya ng
CR. Nagmumog muna ako bago lumabas papuntang sala. Napatigil ako nang
makitang may tulog na batang lalaki na karga-karga ni Sir Marco then the
girl smiled at them and fuck. Shit.

Bakit ang sakit makita nang ganitong senaryo?

"Coco," the woman was the one who broke the silence. Natatawa siyang
tumingin sa akin. "Baka binuntis mo 'yan ha?"

Naubo ako sa narinig ko. I want to vomit again pero wala na akong
mailalabas. Binigay ni Sir Marco ang bata sa babae at nilapitan ako.
Hinagod niya sandali ang likod ko.

"Ano ka ba, Ate. Nag-inom lang kami."


They're siblings! Okay, good.

Tumawa siya ulit habang karga ang bata. "Nagsusuka kasi siya nang
dumating ako tapos nakapambahay kayong dalawa. Baka kasi nagbahay-bahayan
kayo bigla."

"Ate talaga." Tiningnan ako ni Sir Marco at ngumiti. "Maayos na


pakiramdam mo?"

Tumango ako . . . kahit medyo nahihilo ako kaunti. Lumapit kami ni Sir
Marco sa ate niya para opisyal na makapagpakilala.

"Ate, si Sinteya. Sinteya, Ate ko."

"Nice meeting you po."

Iniabot ko ang kamay ko para makipag-shake hands pero napakuyom ang kamay
ko dahil tinitigan niya lang 'yon. Binawi ko agad ang kamay ko at
ngumiti. She smiled at me too.

"Sorry, karga si baby. Shake hands tayo mamaya."

Tumango ako.

Tinulungan ko si Sir Marco sa pagluluto ng dinal ang mga ingredients ng


ate niya. May pinag-usapan pa sila na mag iihaw sa labas pero kailangan
pang magkatay at 'yung tito na raw nila ang gagawa. They kept on talking
at nanatili akong tahimik. Ang bata naman ay natutulog sa sofa.

I don't know but I felt really weird. Siguro dahil ngayon lang ako
nakapunta sa bahay ng isang lalaki nang hindi one night stand ang ginawa?
Pwede ring dahil unti-unti kong nakikilala ang pamilya ng lalaking—
lalaking nagbigay sa akin ng kahinaan?

"Wala na kasi ang mommy," ate said while cleaning the table. "Kaya ako
ang namamahala rito."

"Condolence po," sabi ko. "Daddy niyo po?"

Gods. Bakit feeling ko santa ako ngayon sa sobrang respeto? Baka kuhanin
ako agad ni Lord sa bigla kong pagiging mabait.

"Sumakabilang bahay," tumatawa niyang sabi.


Hindi ko alam ang susunod kong sabihin. Nakita ko ang pag-iling ni Sir
Marco habang may inaayos sa niluluto. Nanatili akong tahimik.

"Then 'yung baby ko na antukin, si Sammy, 2 years old na." Mabuti at


pala-kwento siya dahil natatameme ako. "Huwag mo nang itanong kung sinong
tatay. He's not the greatest story to tell."

She seems so jolly dahil panay ngiti siya at tawa. Parang si Sir Marco. .
. parang parehas silang hindi makabasag pinggan.

"Ikaw, anong kwentong family mo?"

Why do I feel so nervous around Sir Marco's sister? I smiled when she
ordered me to sit. Hayaan na lang daw si Sir Marco sa pagluluto.

"Uhm, maayos naman lahat sa amin. Kakakasal lang ng Mama ko at step dad.
May step bro rin ako."

Napanganga si ate pero parang nakangiti. It was weird. Mukhang naging


interesado siya sa kwento ko because she leaned forward. Closer to me.

"Oh. Wow. Parang iniwan ng mama at step dad mo ang kanya-kanyang family
para magpakasal? Nice. Sumakabilang bahay parehas. "

Tumawa siya kaya pinilit ko ang sarili kong ngumiti but I didn't felt
like it was the time to laugh. I wanted to tell her the whole story pero
what for? Tiningnan ko si Sir Marco na lumingon sa amin at umiling.
Ngumiti siya sa akin as if apologizing kaya ngumiti rin ako pabalik.

"Sinteya, right?" ate asked. Tumango ako. "Kaano-ano ka ni Coco? If I


remember you correctly, parang ikaw 'yung kasama niya habang hinihintay
ako sa resto noon?"

"Uhm, he's my—" Tumingin ako kay Sir Marco for some help. Should I tell
her? Paano kung bigla akong sabunutan ng ate niya? Not that I can't fight
pero. . . I need to respect her, right?

Mukhang nakuha ni Sir Marco ang kailangan kong tulong kaya umupo siya sa
tabi ko. "She's my student, ate."

Tumaas ang kilay niya. Nagsalitan ang tingin sa amin ni Sir. "She's your
student? Bakit nandito? For project? May private tutorial ka na, Coco?"

Nagkatinginan kami ni Sir Marco. I know I like the rush—pero bakit


nahihirapan ako ngayon? Ate is still waiting for an answer. Nanlalamig na
rin ako. Good thing dahil may kumatok sa back door na lalaki at sinabing
tapos na ang pagkatay ng manok.

That saved us. Sir Marco and I.

Lumabas si Sir Marco para kuhanin ang manok. Nailang na ako dahil
nakatitig pa rin sa akin si ate nang iabot niya ang kamay niya sa akin
habang nakangiti.

"Hindi pa tayo nag-she-shake hands."

Ngumiti rin ako. When our hands touched, napaaray ako. Her grip was so
tight parang mababali na ang buto ko. She pulled me closer to her kaya
napatayo ako nang wala sa oras.

"Hindi ko nagugustuhan ang paglapit-lapit mo sa kapatid ko, iha." She


narrowed her eyes on me. "Umayos ka."

Binitawan niya ang kamay ko nang marinig ang pagbukas ng backdoor. Hindi
ko pa rin maalis ang tingin sa kanya nang tumayo siya at lumapit kay Sir
Marco na nililinis ang manok. She looked at me with those sweet eyes with
an evil stare.

Napanganga ako. What the hell. Seriously?

Am I in a telenobela or something shitty? What the hell just happened?


Hindi na sana ako maniniwala at baka imagination ko lang 'yon. Feeling ko
I'm just hallucinating because of too much 'po' in a day but after
eating, inaya ako ni ate lumabas para maglakad lakad.

"Umayos ka ha."

Ang una niyang sinabi sa akin. I tried to calm myself para hindi ako
manuntok. Oo, siguro nagpapabango ako sa ate ni Sir Marco pero kung pu-
pwede sana ay buhusan ko ng pabango ang ate niya dahil sa masasasama
nitong pinagsasasabi.

"Maayos naman ako, Ate," sagot ko.

Nauuna siya sa akin sa paglalakad kaya nilingon niya ako. Sumama ang
tingin niya. "Wow. Talagang sumasagot ka pa."

Tumaas na ang kilay ko but I decided to keep quiet. Inismiran niya ako
kaya napairap ako nang tumalikod na siya. I tolerate bitchiness. Parang
kay Unica lang. But what the hell. Unica's a bitch in front of everyone.
Sir Marco's sister is. . . different.
Pinagod ako ng ate ni Sir Marco sa paglalakad nang makarating kami sa
bayan. Namili siya at mukhang ang plano niya ay gawin akong alalay dahil
ako ang pinagbuhat niya ng karamihan ng pinamili niya.

May isang tindera na nginitian ako habang namimili ng gulay si ate. Nag-
usap sila nang hindi ko naintindihan and I feel like they're already
trashtalking me. Tiningnan ako ni ate at nginitian. Hindi ko malaman kung
totoong ngiti ba 'yon o hindi.

"Napintas nga balasang, nya?" she said.

"Wen," sagot ng tindara.

"Kay Coco iyan."

Nginitian ulit ako ni ate bago siya nauna sa akin. Ang pinaka nagpainit
siguro ng ulo ko ay nang sumakay siya ng parang tricycle na jeep. . . and
fuck. Iniwan ako! I was lucky dahil may mabait na driver na nagpasakay sa
akin sa tricycle na sinundan ang sinakyan ni ate.

Asar na asar ako pagkababa ko na halos pa-martsa akong pumasok at binaba


ang mga dala kong pinamili. Ang unang tumambad sa akin ay si Sir Marco na
mukhang paalis na. Tiningnan niya ako at mabils na niyakap.

"Saan ka nanggaling?"

Nanlilisik ang mata ko habang nakatingin kay ate na nasa kusina. "Sa
bayan."

"Charge your phone para matawagan kita kapag gusto mong humiwalay kay ate
sa Bayan."

I wanted to flip tables. Gusto kong magwala sa sobrang pagkainis dahil


nakangiti si ate sa akin na para bang sinasabi niyang buti nga sa akin
ang nangyari. Gusto kong sabihin kay Sir Marco na iniwan ako ng napaka
galing niyang ate pero I don't do those kind of things.

Hindi ako sumbungera. I fight my own battles.

Apparently, magkaiba kami ng ate ni Sir Marco. Ang anak niyang si Sammy
ay nasa kabilang bahay na ilang metro ang layo para doon matulog pero mas
pinili ni ate na dito siya makiepal. I wanted to talk to her calmly, para
sana maiayos ito. It's the first time I meet a guy's family and it's the
guy I like's family kaya gusto ko sana, goods lang.
But when I started my speech with, "Ate." Akala ko sasampalin niya ako
dahil bigla niyang inangat ang palad niya sa harap ko.

"Hindi ka pupwedeng magsalita."

Mas lalo akong nainis. Wala na rin akong paki kung nasa kabilang kwarto
si Sir Marco but really. . . she needs a piece of my mind. "Ate, as much
as I want to respect you cause your Sir Marco's sister, nakakairita na."

Tinaasan niya ako ng kilay. Pinanliitan niya ako ng mata saka siya
lumabas ng kwarto at iniwan ako. Naguguluhan na ako sa nangyayari.
Pagkalabas ko papuntang sala, napanganga ako nang makitang pinapatahan ni
Sir Marco ang ate niya. Tumingin siya sa akin habang nanlalaki ang mata
ko. His sister is holding her right cheek that made my brow arch.

"Bakit mo sinampal ang ate ko?"

Mas lalo akong napanganga. "What?!"

Napakagat ng labi si Sir Marco. Huminga siya nang malalim at pumikit muna
bago ako tiningnan muli. "Kung ayaw mo sa ate ko, pwede namang pag-
usapan. Hindi 'yung sasampalin mo siya at kakaawain."

"Wait a minute." Tiningnan ko ang ate niya na lumuluha. Ganoon kabilis


ang pag-arte niya? "Seriously? We're really going to do this drama?"

"Anong. . ."

Tiningnan ko nang mataman si Sir Marco. "Look, Sir. Feeling ko nga


nagiging St. Sinteya na ako sa pagpapakabait ko tapos i-sa-sabotage ng
ate mo?"

"Plastic," ate whispered.

Pinanliitan ko siya nang mata. Ilang beses pa ako huminga nang malalim
para lang hindi ako manapak ng mas nakakatanda sa akin. "Hindi po kita
pinaplastic, nirerespeto kita. Kasi sa totoo n'yan, kung wala akong
respeto sa inyo, matagal na po kayong kalbo. Fail po kasi ako sa pagiging
plastic, ate."

Napahawak sa buhok si ate na nanlalaki ang mata. Masama ang tingin ko kay
Sir Marco nang bigla siyang tumawa. I was about to react when he hugged
me tight. I saw ate pouted kaya mas lalo akong nagtaka.

"You're too cute, Sinteya."


Napapangiti ako pero naguguluhan at naiirita rin ako. Tumawa na rin ang
ate ni Sir Marco.

"I hate you Coco, bakit tumawa ka!"

"Sorry na." Diniin pa niya ang yakap sa akin bago kumalas sa akin. He
massaged my furrowed brows and stretched my lips to smile. "Ang cute kasi
mainis ni Sinteya."

"Anong nangyayari?"

"Gusto ko kasi makita ang bitchy side mo," it was ate who answered. "Sabi
kasi ng kapatid kong 'to." Pinatong niya ang kamay sa balikat ni Sir
Marco. She cleared her throat. "'She's different from others, Ate'," she
was trying to copy Sir Marco's sexy voice kaya napapangiti ako.
"Kailangan ko i-test."

Tiningnan ko si Sir Marco na nakangiwi. Pinanliitan ko siya nang mata


kaya tinakpan niya ng kamay ang mata ko.

"Sorry, pinilit ako ni Ate."

Pinipilit kong tanggalin ang kamay ni Sir. "Pero sa Bayan! She left me
there! Pinahirapan niya ako!" I felt like a kid. Naging sumbungera ako
bigla.

"I didn't. Hindi mo naalala naghatid sa'yo na driver? Isa 'yon sa mga
pinsan namin, no," natatawang sabi ni ate. "Hindi naman kita pinahirapan
masyado sa Bayan. Grabe ka."

"Pero. . ."

I tried to search for a bitchy aura on ate pero nawala bigla. Isang araw
niya akong pinaikot sa patibong niya. Hindi ko malaman kung ano ang dapat
isipin o i-react. Kaya ba parang hindi siya masyadong nananakit after the
grip on the handshake? Kaya ba parang. . . hindi masyadong masasakit ang
sinasabi niya? Or hindi niya ako tinulak habang naglalakad kami sa may
taniman?

My questions was answered with a smile on ate's lips as she hugged me.
Tumatawa pa siya habang yakap ako. "Don't worry, Sinteya. I like you for
my brother. Huwag masyadong stressed."

Oh shit. Kahit pinaglaruan ako ng magkapatid na 'to nang isang araw, why
am I feeling so happy?
_____

Napintas nga balasang, nya? - Magandang babae, ano?

Wen - Oo

Sabog utak na ako after 3 updates in 24 hours. Will try to edit the three
(39, 40, 41) chapters later.

=================

Ngptkso 42

Ngptkso 42 // Welcome Back

Happy is an understatement of what I'm feeling. Lahat ng takot ko, nawala


dahil sa higpit ng hawak ni Sir Marco sa kamay ko. He kissed my fingers
as we kept on looking at the stars above the night sky. Maingay ang buong
paligid and for a moment, I felt peace dahil sa ingay.

Lahat kasi ng nakikita ko, masaya. Lahat ng tao, nagsasayawan at


nagkukwentuhan at nagtatawanan. Noche Buena is different here in Quezon,
Isabela. Kahit kasi mga kapit bahay nila Sir Marco, kasama sa
celebration. Pinakilala ako ni Sir Marco sa angkan nila and they kept on
asking Sir Marco kung anong klaseng gayuma ang pinainom niya sa akin.

Tumatawa at iling si Sir. Ang cute.

Ang lola naman niya na nasa ninety na ay medyo malakas pa rin. Nang
magmano ako sa kanya, ang una bungad niyang tanong ay, "kailan lalabas
ang apo ko?" sabay hawak sa tiyan ko.

Sir Marco blushed as I laughed. Nakitawa rin ang mga tito, tita at mga
pinsan niya.

May mga palaro rin para sa mga bata at feeling bata. Pinilit din nila
kami ni Sir Marco na sumali. Busog ako sa mga hinanda nila. When me and
Erica celebrates Noche Buena, pizza madalas ang pagkain at kaunting
inuman ang ginagawa dahil hindi rin kami marunong magluto. But here?
Fiesta.
Pasado ala-una na pero hindi pa rin nawawala ang ingay at karaoke when I
remembered I need to greet my family a Merry Christmas. Hindi ko mahanap
ang phone kaya tinulungan ako ni Sir, him calling my number. Minutes
passed bago niya nakuha ang phone sa taas ng isang garapon.

Napatitig siya sa screen bago tumingin sa phone niya then sa akin.

"Ignore this?" nagtataka niyang tanong.

Napanganga ako at agad kinuha ang phone ko. Nakalagay doon ang Ignore
This ♥ calling kaya bigla akong nahiya.

"Gods. Hindi mo dapat 'to tinitingnan!" natatawa kong sabi.

Umiling siya habang seryoso ang mukha. "Masasaktan na sana ako kung
walang puso sa dulo."

Tumawa ako pinalo siya sa balikat. Nakitawa rin siya. Kinuha niya ulit
ang phone ko at in-edit ang contact. Nag-selfie pa siya sa phone ko.
Nagtataka at the same time natatawa dahil sa pag-distort niya ng mukha.
May ginawa pa siyang kung anu na ayaw niyang pakita sa akin. Then, a few
seconds later — he called my phone at pinakita sa akin ang screen ng
phone ko.

Hindi ko mapigilan ang ngiti ko.

Never Ignore This ♥ calling. . .

Then the picture on the screen is his face doing a sad face. Tawa ako
nang tawa dahil nag-drawing siya ng tear drop tapos may nakalagay na text
sa ibaba na 'please? :'('

"How can you be this adorable, Sir?" natatawa kong sabi. "May ganito ka
palang side? Turn on!"

Niyakap niya ako bilang sagot at humalik sa noo ko.

"Ay, ang kati naman ng mga langgam!" I heard ate laughed.

I texted Erica and Javier a Happy Christmas. Same with Unica. They
greeted me back. Pagka-text ko kay Vane, mabilis ang pagtawag niya sa
akin. Lumayo muna ako sa kasiyahan para sagutan ang tawag.

"Vane!"
"I miss you."

Tumawa ako. Napatingin sa akin si Sir Marco na kausap ng ilan niyang


pinsan sa kabilang table. I smiled at him then he smiled too.

"Tinawanan ako? You should miss me too. And where are you?"

"You're such a clingy little brother."

Na-sense ko ang pag-irap ni Vane sa kabilang linya dahil suminghal siya.


"Little brother. But I'm good with bed."

"What?!" hindi ko napigilan ang tawa.

"My bed is cold without you, Ate Sinteya." Tumawa siya.

Umirap ako at ngumiti. Binigyan ako ng pinsan ni Sir Marco ng baso ng


juice na may nakahalong wine. Uminom ako nang kaunti bago ko ito binaba
sa katabing lamesa.

"Don't tell me magmumukmok ka sa kama mo this Chrismas? Have fun!"

"How will I have fun when you're not here?" he said and I could hear his
smile. Magsasalita pa sana ako nang makarinig ako ng pagbukas ng pintuan
sa kabilang linya. I heard some sound. A faint voice of a woman and
Vane's panicking voice. "Bye!"

Binabaan niya ako ng phone. I texted him.

To VaneHave fun with that girl haha! ;)

Hindi na siya nag-reply. Bago pa ako bumalik sa tabi ni Sir Marco,


nagulat ako sa paghatak ni Ate sa akin. Mukhang lasing na siya habang
hawak ang isang bote ng Tanduay Ice. She shouted, "huwag muna kayo
maglapit! Baka magkapalit kayo ng mukha, eh," na tinawanan ng ilan nilang
pinsan.

"Saan tayo pupunta?" nakangiti kong tanong.


"Malayo sa kapatid ko!" sigaw niya habang nakatingin kay Sir Marco. "Para
hindi marinig ni Coco na siya pag-uusapan natin!" tawa pa niya. Nanliit
ang mata ni Sir Marco nang kantyawan siya ng mga pinsan niya.

Ugh. Why do I feel so envious of their family relationship? Dati naman,


okay ako na kami lang ni Erica sa family. Now I want to have a sibling
like Ate and cousins like theirs.

Hinila ako ni Ate sa balcony ng malaking bahay ng Lola nila. And I don't
know why ifelt nervous when Ate was silent. Parang mas gusto kong maldita
na siya pero isang linggo nang nakakaraan ang power trip nilang 'yon.
Mabait kasi talaga siya, medyo mataray lang. Kamuntikan na akong
mahimatay when she finally spoke after drinking her Tanduay Ice.

"Bakit gusto mo si Coco?"

Hindi ako nakasagot agad. Ngumiti ako. "Gusto ko sana sagutin 'yan Ate
but I couldn't."

"At bakit?"

"Hindi ko rin kasi alam."

Tiningnan niya ako nang nakakunot ang noo at huminga nang malalim. "Alam
mo bang tawa ako nang tawa sa kinuha mong picture ni Coco at n'ung
katrabaho niya?"

"Ha? Anong picture?"

Kinuha niya ang phone niya sa bulsa at pinakita sa akin ang picture ni
Sir at ng daliri kong nakatakip kay Miss Takano. "Epic 'to, Sin. Nung
pinakita niya sa akin 'to, tawa kami nang tawa for five good minutes."

"Pero, I already deleted that picture. Nasa tablet 'yan ni Miss."

She smiled. "Malay. Nasa phone niya 'yan, eh. Pinasa ko lang sa akin."

Tiningnan ko si Sir Marco sa ibaba na kita mula sa balcony. Ngiting-ngiti


siya habang kausap ang mga pinsan niya. Napangiti rin ako sa naisip ko.
Ang anghel na Sir Marco ay may tinatago rin palang sungay. Nagagalit siya
last time sa akin dahil doon pero mukhang pinagmamalaki pa niya ang
picture na 'yon.

"Mabait ba si Sir Marco?" tanong ko kay Ate. I want to know juicy details
about him.
"Sobra."

"Paanong sobra?"

"Kung hindi, malamang iniwan na niya ako at ang anak ko," natatawang sabi
ni Ate. "Dapat hindi niya kami inaalagaan. Hindi naman kasi niya kami
responsibilidad. Gusto niya magmasterals kaya nagtatrabaho siya pero
hindi niya magawa dahil maraming gastusin dito sa probinsiya. Mag-aaral
pa ang anak ko."

I don't ask back stories and sad things pero hindi ko mapigilan when I
asked, "ano bang nangyari?"

Uminom muna si Ate sa hawak na bote bago sumagot. "Tanga kasi ako, Sin.
Sa totoo lang, I can see myself to you dati nung dalaga pa ako."

"What do you mean?" taas kilay kong tanong. "Na tanga ako?"

Tumawa siya at pinalo ako sa braso. "Hindi! Fun. Puro 'fun' at hindi na
nag-seryoso. Sa sobrang hindi pagseseryoso, nakipag one night stand dahil
sa gwapong taga Manila. Pinakitaan kasi ako ng 8-pack abs, ayon. Bumigay
ang pechay ko. Nagka-baby tuloy."

"Your baby is a product of a one night stand?"

"Oh yes!" nakangiting sabi ni Ate. "Ayaw ng Tatay namin kaya sinaktan
ako. Si Coco ang naging tagapag tanggol ko. Sinubukan kong ipalaglag
gamit ang pills pero malakas ang kapit ni baby. Ayun nga lang paglabas,
nasira ko ang katawan niya. Hindi tumubo ang dalawa niyang hinliliit sa
paa. Kaya ikaw, don't use pills! Huwag magpalaglag. Your baby is a
blessing, amen," natatawa pa rin siya.

Mula sa ngiti ay naging seryoso ang mukha ko. I did not expect that.
Nanatili akong tahimik while Ate continued with her story.

"Si Coco lang talaga ang naging sandigan ko, Sin. Nahihiya na nga ako sa
kanya. Dapat nagsasaya siya. Nakikipag-date sa mga babae. Pero ito, two
years na siyang nakakulong sa amin ng anak ko at nafi-feeling haligi ng
tahanan. Nagpapanggap na matatag para hindi ako mag give up. Nag-
professor sa university niyo dahil sa inalok sa kanyang 50% off sa pag-
college ng anak ko."

Napakagat ako ng labi. Hindi ko na ma-take. Tumingin ulit ako kay Sir
Marco na nakatingala sa amin. Ngumiti siya sa akin but I couldn't smile
back. He' so responsible. . . na binigyan ko pa siya ng problema the past
few weeks and months. How could I?
I tried to joke. "Ito na ba ang time para masaktan ako sa sad back story
ng isang lalaki?"

Mabuti at tumawa si Ate. "Iba ka nga talaga."

The conversation lightens up when she shared the stories about Sir Marco
and her mischiefs when they were still kids. Totoo ngang mabait si Sir
Marco at pasaway naman si Ate. She ended the conversation with her line
that almost made me tear up.

"Hindi ako nanghihingi ng forever sa inyong dalawa pero nakikita ko ang


kapatid kong masaya sa tuwing kinukwento ka o kaya naman ay kahit tingnan
ka lang niya. Sana hindi ka muna magsawa sa kanya. Kahit ilang years lang
hanggang sa hindi na ako maging pabigat sa kanya. Typical, boring, nice
guy kasi si Coco kaya malamang ay second best lang siya para sa inyong
mga babae—"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya. She hugged me after I cut her
and said, "he's the best for me."

"That's enough for me now, Sin."

After the conversation, natulog siya sa sofa nang medyo humihilik pa.
Pinicture-an siya ng mga pinsan niya at pinagtawanan habang sinusulatan
ng uling sa mukha.

"Anong sinabi ng Ate sa'yo?" tanong ni Sir Marco nang hatakin niya ako sa
mas tahimik na lugar.

Naglakad-lakad kami sa likod bahay habang pinagmamasdan ang mga Christmas


lights na nasa paligid. Ang magical ng dating ng taniman nila at ng mga
puno kung hindi lang nag-iingay ang mga alaga nilang baboy at manok.

"Wala naman."

"Hindi nga?" Nilapit niya ako sa kanya kaya naaamoy ko ang alcohol sa
kanya.

"Bakit curious ka?" nakangiti kong sabi. "Hindi tungkol sa'yo."

"Imposible."

Tumawa ako. "Conceited lang, Sir?"

Tumawa rin siya. Hindi pa rin natatapos ang party kahit ilang oras na
lang ay pasikat na ang araw. Dapat matutulog na ako pero pinagtulukan ako
ng mga pinsan ni Sir Marco sa kwarto niya. Sa loob ang lock pero may
padlock-an sa labas. Pinodlock kami ng mga pinsan niya mula sa labas.

"Mga nakainom na kasi," umiiling na sabi ni Sir Marco.

Kung hindi ko pa hihilahin si Sir Marco papunta sa kama, sa lapag siya


matututulog. Para talaga siyang pa-virgin kaya natatawa ako. Nahihiya
siya sa akin but I can see his smile. Matapos ng matagalang hilahan,
napasunod ko siya nang magbanta ako.

"Hahalayin kita, sige!"

Bigla siyang nahiga sa kama. Sayang.

Nakayakap ako sa kanya nang ilang minuto habang nakahiga sa kama niyang
hindi gaano kalakihan. Hindi mawala ang ngiti ko kahit tahimik kaming
dalawa. I like this kind of peace.

"Sir."

"Hmm?'

"Why do you like me?"

Tumingin siya sa akin. "Kailangan ba ng rason?"

Nagkibit balikat ako. "I'm not quite sure. Ignorante rin ako sa mga
ganyan. I don' like guys. I lust for them."

Humigpit ang hawak sa akin ni Sir sa balikat. Mas nilapit niya ako sa
dibdib niya. "I like you because I don't like you lusting for other men."

Tumaas ang kilay ko. "So gusto mo, sa'yo lang?"

Ngumiti siya. "Gusto ko ako ang gusto mo."

Kumunot ang noo ko. "That's a weird answer."

"Naguguluhan din ako," he admitted and laughed.

"Maybe because you're positive and I'm a negative. We're attracted to


each other."
"Positive ako?"

Inangat ko ang sarili ko and smiled. Ibinaba ko ang kamay ko patungo sa


ilalim ng shirt niya at inangat ito kaunti para mahaplos ko ang katawan
niya habang nakatingin siya sa akin nang mapanuri. "Negative ka rin ba?
Subukan natin?" natatawa kong sabi.

Hinawakan niya ang kamay ko. Napakagat ako nang labi para pigilan ang
ngiti ko sa paghalik niya doon. He nibbled my ring finger that made me
hot. "Once this finger gets occupied with a ring, we will."

Hindi ko napigilan ang sarili ko nang halikan ko siya sa labi. I felt his
hand pushed me a little but not too forceful. A few seconds after,
nararamdaman ko na ang pagbalik niya sa mga halik ko. His kiss was
gentle. Gusto kong maiyak dahil sa maingat niyang paggalaw na para bang
ayaw niya akong masaktan. I bit his lower lip that made him moan. Once my
tongue entered his mouth, the kiss deepened. Mas nag-init ang buong
paligid at mas nilapit niya ako sa kanya, nadadaganan na siya.

Inikot niya ako at pumatong siya sa akin. Tinaas ko ang shirt niya at
napangiti dahil hindi niya ako pinigilan sa pag-alis noon. I held his
hand. Ibinaba ko 'yon hanggang sa shirt ko para itaas niya but he
stopped. Pagkadilat ko, nakatitig siya sa akin habang namumula na ang mga
mata.

"Alcohol kicking in," he whispered. Hinalikan niya ako sa noo at humiga


sa tabi ko. "Let's not go there."

"Ugh," natatawa kong reklamo at umirap. Tumagilid siya at niyakap ako


nang mahigpit. He kissed me on my neck kaya lalo akong napairap sa
pagtawa niya kaunti. "Pasalamat ka ang gwapo mo, Sir. Napaka pa-major,
ha?"

Tumawa siya ulit. "Sin."

"Sir?"

"Thank you."

Tumingin ako sa kanya, nakapikit siya pero nakangiti. Hinalikan ko muna


siya sa labi na dahilan para dumilat siya kaya ngumiti ako.

"Para saan?"

"Dito." Pumikit siya ulit at nilapit ang mukha sa leeg ko. "Ang sarap sa
pakiramdam na wala akong naiisip na resposibilidad. Na normal tayong
nagbabakasyon sa amin. Normal na romansa."
Bigla akong natawa. "Gods. Romansa?"

Tumawa rin siya. "Ang baduy ko."

"Pasalamat ka talaga gwapo ka, Sir."

Nagtawanan pa kami ulit. Nagbalik ang katahimikan matapos namin


magkwentuhan. Medyo inaantok na rin ako habang magkayakap kami. Gustong-
gusto kong amuyin si Sir Marco at parang naaadik ako sa kanya. I just
want him close to me. Ganito pala magkagusto sa isang lalaki?

Nakapikit ako habang ang ulo ko ay nakasiksik sa dibdib niya.

"Sa pasukan, what will happen?" I asked.

Akala ko tulog na si Sir dahil sa marahan niyang paghinga pero gising pa


pala siya. "Back to normal."

Inangat ko ang ulo ko para tingnan siya na nakapikit. "Normal? Lalandiin


kita tapos pa-virgin ka?"

Napangiti ako nang makita siyang ngumiti. "Estudyante ka, propesor ako.
We'll wait until your graduation."

"What if I won't graduate?"

Siniksik ko ulit ang mukha ko sa dibdib niya. "Imposible." Napapangiti


ako dahil nararamdaman ko ang vibration ng adams apple niya sa
pagsasalita. "Paano mo nasabi?"

"Almost all your grades are above average. Unless you drop your subjects
again, you won't fail."

"Drop again? Nice idea."

"I won't let you. You need to graduate already." Mas humigpit ang yakap
niya sa akin.

"Nagmamadali?" Tawa ko.

"Gusto mo makarinig ng sikreto?"

"It won't be a secret if you tell it to me."


Nilayo niya ako sa kanya at tiningnan ako nang mapanuri. Ngiting-ngiti
ako nang humiga siya nang maayos, nakatingin sa kisame. Ginaya ko ang
posisyon niya.

"Alam mo bang nagagandahan ako sa'yo unang pasok mo pa lang sa klase?"

Agad akong napatingin sa kanya. Hindi ko alam bakit bigla akong napangiti
at kinabahan at the same time. PInatong niya ang braso niya sa mga mata
niya para takpan 'yon.

"May crush ka sa akin, Sir?" natatawa kong tanong. Kinagat niya ang labi
niya. Tinatanggal ko ang braso niya sa mata niya pero pinipigilan niya.
Pagkatangal ko doon, pumikit naman siya nang mariin kaya sapilitan kong
dinilat ang mata niya. "You have a crush on me?"

Hinawakan niya ang baywang ko. "Yes."

"Wow," na lang ang nasabi ko. Nahiga ulit ako sa pwesto ko. "Ang ganda ko
naman."

"You are, Sin. Maybe that's the reason for this mad attraction. Pati
ugali mo."

Umirap ako. "Attracted naman pala dati, pa-virgin lang talaga."

Huminga siya nang malalim at pinatong ulit ang braso niya para takpan ang
mata niya. "Role conflict, Sinteya. I'm your professor. You paid me to
teach you. To educate you. I shouldn't like my student more than a
professional status. But I did."

"Titiis-tiis ang peg, ganun?"

"Dapat. Kaya umiiwas," he said. "Dapat alisin kita sa isip ko. You're a
distraction in my class."

"Ay, hindi inspiration?"

"That too."

Natawa ako. Narinig ko rin ang tawa niya. "So what made you do this?"

"This?"
"This." Tumagilid ako para yakapin siya. Nakatakip pa rin ng braso ang
mata niya. "Pag-kidnap sa akin."

Tumawa siya kaunti. "Unica's idea."

"Si Unica?" pagtataka ko.

"Matagal na. Pinipilit niya ako. At sabi rin ng kaibigan ko, si Miko."

"Si Miko rin?"

"Baliw kasi 'yon." Tinanggal niya ang braso niya sa mukha niya at niyakap
ako. "Kumilos na raw ako para hindi ka maagaw. Baka agawin ka raw niya,"
tumatawa niyang sabi.

"Ako? Aagawin niya?"

"Hindi ako naniniwala doon," nakangiti niyang sabi. "May iba na 'yun.
Problemado pa sa ex."

"So. . .nagpapaka-possessive ka lang?"

Hinalikan niya ako sa noo. "Pwede, but love is no possessive. Far from
obsession."

"Ow?"

"Kaya kung humindi ka, masakit pero hindi ako aapela. I'll respect your
decision."

"But I didn't say no."

"I'll respect your decision to be with me."

Sabi nila, kapag masaya — mabilis ang oras. Kaya siguro sobrang
nabibilisan ako dahil kinailangan ko na umalis. Ang daming pinadala na
pasalubong sa akin ng mga pinsan nila at ni Ate. May ginawa pang origami
ang anak ni Ate para sa akin. The drive from Isabela to Manila was a bit
tiring yet fun. Nag-usap lang kami ni Sir Marco na parang walang nangyari
last time.

Kumain muna kami sa isang mall bago dumiretso sa gabi nang bahay nang
maggabi na. We bid goodbye. Akala ko nga hindi ako makakahalik sa labi,
eh. Buti bumigay din.
Nasa kwarto na ako nang marinig ko ang kotse sa ibaba at ingay nila Erica
at Javier. Good thing na nauna ako sa kanila. Nakatulog ako pero nagising
nang may maramdaman akong kumikilit sa akin sa leeg.

"Stop it," I whispered pero mas nakiliti ako nang may humawak sa baywang
ko. Naalimpungatan pa ako nang pagdilat ko ay nakita ko si Vane na
hinalikan ako sa labi. Sa sobrang gulat ko, natulak ko siya na nagpatawa
sa kanya. "What are you doing here?"

Nakapatong ang dalawa niyang kamay sa magkabila ko habang nakatingin sa


akin. Tinulak ko siya ulit para makaupo ako nang maayos nang maamoy ko
ang alcohol sa kanya. And weeds. He's stoned by the looks of his eyes na
namumula. Nakita kong nakapanglakad pa rin siya nang lumapit siya ulit sa
akin para halikan ako.

"Vane!" tinulak ko siya ulit.

Kumunot ang noo niya. "Hindi mo ba ako na-miss?" he asked. Nakasimangot


siya before he added, "ate Sinteya?" then smiled.

Umirap ako. Lalapit pa sana siya nang magulat ako at natulak siya nang
bumukas ang pintuan ko. It was Javier, looking at me who's sitting on my
bed and Vane, who's on the floor.

Well. . . welcome back to me.

=================

Ngptkso 43

Ngptkso 43 // Step-Siblings Complex

"Why are you here?" Javier asked Vane. Nagpabalik-balik ang tingin namin
sa isa't isa. I looked at Vane who stood up and smirked. Nakakunot ang
noo ni Javier while my heart was beating fast. "Bakit ka umuwi?"

"Mom's order," Vane said. May kinuha siya sa bulsa niya at ngumiti sa
akin. "Pasalubong lang din para kay Ate." Binigay niya ang isang plastic
na may maliliit na chocolates. Mukhang nag alinlangan pa nga siya. He
looked at Javier and smiled again. "May problema ba, Dad?"

"Bakit nasa lapag ka?"


"Binigla niya kasi ako, natulak ko siya. Bagong gising kasi ako."

Tumango si Javier. Maybe he was convinced when I was the one who
answered. But the look on Javier's eyes was nerve-wracking. Tumingin siya
sa orasan bago nagsalita. "Umakyat ka na sa kwarto mo at huwag mo na
gambalahin si Sin. Madaling araw na." He went out of the room after.

Gusto kong sapakin si Vane pero mas pinili kong kainin ang chocolate na
binigay niya. Kukunin sana niya pero nilayo ko. Napangiti ako dahil
natunaw ito sa bibig ko at ang sarap.

"This is delicious." Kumain pa ako ng isa pa. At isa pa. At isa pa ulit.
Ang sarap talaga.

"Talaga?" Lalapit sana siya pero tinulak ko ang mukha niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ibibigay mo sa akin nang hindi mo alam?"

"May nagbigay lang sa akin n'yan," he said. Ngumuso siya. "Nabigay ko


bigla sa'yo. Alangan naman sabihin ko kay Dad rason ko kaya ako nandito?"

Inirapan ko siya. Kumuha ulit ako ng chocolate at kinain 'yon. "Okay,


then it's mine now."

Umupo sa tabi ko si Vane at ngumiti sa akin nang nakagat labi.


Pinanliitan ko siya nang mata dahil parang may gusto na naman siyang
gawin. Lumayo ako sa kanya pero lumapit siya ulit. I missed this fun
attitude of him pero naaalala ko si Sir Marco.

And this needs to stop.

"Go to bed, Vane."

"Isa lang."

"Huh?"

"Isa." He wiggled his eyebrow and looked at my lips. He bit his lower lip
and smiled.

Umirap ako. Tinulak ko sa bibig niya ang chocolate na hawak ko. Tumawa
siya habang nginunguya.

"Masarap nga." Kumuha siya ng isa pang chocolate sa plastic at kinain


'yon. Then looked at my lips again. "Pero mas masarap sana kung. . ."
"Shut up. Go to bed."

"Bed with me?"

Lumawak ang ngiti niya. Huli na ang pagtulak ko dahil mabilis siyang
nagnakaw ng halik. Sinipa ko siya palayo sa akin na tawa pa rin siya nang
tawa. He left my room and I couldn't hide my smile. Bakit ba kasi ang
cute ni Vane?

But Sir Marco's cuter.

I was almost contented with my life the following days. Siguro dahil
panay ang text ni Sir Marco ng kung anu-ano kaya kinikilig ako. The hell,
right? Me? Kikiligin? This is so highschool but I can't help it. Sir
Marco has this effect on me na kahit emoticon lang niya, nangingisay na
ako sa kilig.

Ang kadiri ng pinag-gagagawa ko.

Dahil bakasyon pa rin, madalas akong tulog sa bahay dahil walang


ginagawa. Vane's a busy guy, too. Pero hindi ko na rin masyadong
pinapakialaman ang lalaking 'yon. Masaya na akong binigyan niya ulit ako
ng chocolates na binigay niya sa akin noon. Ang sarap kasi talaga.

"Where's your phone?" Javier asked when we were dining out in a fancy
resto. Kakarating lang kasi ni Vane and we couldn't contact him. Akala
namin anong nangyari na. Javier's voice was low pero may hint ng kaunting
pagkainis. "Bakit hindi mo sinasagot ang tawag namin?"

"I lost it." Mukhang wala na naman sa mood si Vane when he sat down
beside me. Pinagmasdan ko siya. He's awfully serious.

"You lost your phone? Kailan pa? Saan?"

"Basta."

Hindi na ako nakialam sa usapan nila at nagsimula sa pagkain ko. Hindi


sumigaw si Javier or what. Hindi na nga rin niya tinanong kung nasaan ang
phone ni Vane. Nag-usap lang kami sa mga nangyari ng Christmas. They kept
on asking me sinong kasama ko pero mas pinush ko ang pagtatanong sa
bakasyon nila Javier at Erica na parehas nag-blush.

Tahimik si Vane habang kain nang kain nang bigla siyang inubo. Nag-panic
kaming lahat. Hinawakan ko ang kamay ni Vane. He looked at me with shock
habang pinapainom ko siya ng tubig. When I looked at Erica, pinapaypayan
niya si Vane. But when Javier and my eyes met, napatanggal ako sa hawak
ko kay Vane dahil sa panliliit ng mata niya.

I fell silent after that.

"Ang sakit ng tiyan ko," pagrereklamo ni Erica when we where in Javier's


car habang si Vane ay diretso sa condo. "Humihilab."

"Bakit?" tanong ni Javier. "Was it the food?"

"Feeling ko."

Kaya nagmadali kami makauwi para makapag-CR agad si Erica. Vane's still
quiet in his room. Nasa sala lang ako at nanonood ng TV. Hinawakan ako ni
Javier sa balikat so I smiled. Akala ko pupunta na siya sa kwarto niya
pero umakyat pa siya papuntang attic.

Tambay pa rin ako sa sofa habang nag-ii-scroll nang magmadaling araw na.
Nang makita kong online si Sir Marco, nag-PM ako sa kanya ng kiss
emoticon. Wala pang segundo nang mag-seen 'yon kaya tinitigan ko ang
messenger.

But minutes passed, wala pa ring reply.

I typed in, 'ay? :(' na si-neen din niya.

Nakakaramdam na ako ng inis. I waited for a few minutes, pero wala pa rin
kaya mas lalo akong nairita. Napakagat naman ako nang labi when I felt my
stomach twisting so bad that it began to hurt. Parang may gusto ring
lumabas sa bibig ko. Nag-type ulit ako sa messenger ng 'wow' before I ran
my way to the bathroom para isuka ang mga nakain ko sa restaurant.

Mukhang may something nga talaga sa pagkain sa resto cause I heard Erica
complaining about her tummy again nang makalabas ako ng CR. Pagod ako sa
pagsuka ko kaya naligo muna ako bago natulog. I woke up the next day with
a knock.

"Bakit?" inaantok ko pang tanong. Hindi sumagot ang kumakatok, patuloy


lang 'yon at naiirita na ako. "It's open!" sigaw ko at nagtalukbong ulit
ng kumot. But the knocking didn't stop. Sumasakit na rin ang ulo ko kaya
padabog akong tumayo at binuksan ang pintuan. "Ano ba kasi 'yon?!"

"Morning."

I was dumbfounded when I saw Sir Marco's face in front of me. Kinusot ko
ang mata ko. I touched his face and it's solid. I was about to freak out
but I don't do freaking out. Napansin kong tumingin siya sa akin pababa
and I just want to kill myself dahil sa dugyot kong itsura with my big
shirt, short shorts at mukhang after sex hair.

He smiled at me. "Tara?"

"Saan?"

"Sa baba."

"Marco! Ano, nagising ba?" it was Erica's voice. Mukhang tuwang-tuwa ang
boses niya. Paakyat siya sa hagdan habang may hawak na mga papers.

Lumingon si Sir Marco sa kanya. "Opo, salamat." Tumingin siya sa akin.


"Gising ka na raw. Kakain na."

Nang magtama ang tingin namin ni Erica, she looked at me with furrowed
eyebrows. Umiling siya at nag 'tsk' bago bumaling kay Sir Marco.
"Pasensya na ah, mukhang ginahasa talaga 'yan pag bagong gising."

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi ni Erica na tinawanan ako. Sir Marco


also laughed. Pinanlisikan ko ng mata si Sir Marco pero he just smiled at
me as response. Pagkapasok ni Erica sa kwarto nila, inirapan ko si Sir
Marco.

"Pasalamat ka talaga. . ." I said and tried combing my hair.

He smiled and kissed my cheek. "Salamat."

Suklay at tali lang ang katapat para magmukha akong maayos. Hindi na rin
ako nag-make up o kung ano pa man dahil mukhang wala ring balak gumala si
Sir. Nakatapak pa nga siya at feeling at home. Nagluto si Erica ng
brunch, nasa work naman si Javier.

"Nako bawal pa magpakasal ha, sukob kasi. Delikado," natatawang sabi ni


Erica habang inaayos ang mga pagkain sa mesa. Hindi pa rin siya tumitigil
sa pang-aasar. Hindi ko na rin siya mapigilan.

"Huwag kang tumawa Sir," sabi ko. Pinagsasandukan niya ako ng kanin
habang tumatawa. "Masyadong natutuwa 'yan pag benta jokes niya."

"Bitter mo! May humor kasi ako," Erica said as she sat in front of us,
smiling widely. Nakatitig lang ako sa kanya kaya sumimangot siya. "Ito na
nga, aalis na." Tumayo siya at hinawakan sa balikat si Sir Marco. "Ingat
ka sa anak ko."

Napa-face palm ako.


Kumakain kami sa dining area when I saw Sir Marco smiled. "Ang kulit din
pala ng mama mo."

"Feeling bagets kasi."

"Alam ko na kung saan ka nagmana," he said, smiling. Umirap na lang ako


kaya mas lalo siyang tumawa. Nakakainis. Bakit sobrang gusto ko marinig
ang tawa niya? Feeling ko naaadik ako.

"Bakit ka pala nandito?" I asked when we were almost finish with our
food. Actually, tapos na siya sa kinakain niya. Kumakain lang ako ng
mangga with a dip of chocolate.

"Hindi mo kasi sinasagot tawag ko. Thought you were mad."

"You called?"

"After I saw your messages. Naliligo kasi ako n'un."

Nanliit ang mata ko. "Naliligo ka tapos naka-open ang messenger mo kaya
na-seen ako?" Parang nakakaramdam ako ng inis kaagad nang di ko malaman.
"What do you mean by that, Sir?" Tumaas ang kilay ko. "O baka naman may
kasabay kang maligo at siya may hawak ng Facebook mo?"

Minasahe ni Sir ang kilay ko para ibaba and kissed my eyebrow. "Selosa?"

"Hindi. Nakakapagtaka lang." Na-realize ko rin na hindi ko pala nakuha sa


sofa kagabi ang cellphone ko.

Tumawa siya kaunti. "Naiwan kong nakabukas ang chat box natin sa laptop."

"Nakabukas ang chatbox?" Bakit natatawa ako sa idea na 'yon? "Bakit


nakabukas?"

"I was waiting for you to message me."

Gusto kong magtaray. Pinipigilan ko ang sarili kong ngumiti. The thought
of him waiting for me made me nervous. Nakakairita talaga ang teenager
reaction na 'to.

"Hm?" was all I managed to say.

Lumawak ang ngiti niya. "Para malaman ko kung gusto mo pa rin ako."
Umirap ako. "Sobrang cheesy ha!"

Tinawanan niya ako and I couldn't help myself from hugging him tight.
Sabay pa kaming naghugas ng pinagkainan namin. Kinukulit ko siya at
nagpapakulit naman ang professor na pa-virgin. Nanood kami ng movies
after. Hinayaan kami ni Erica at nasa loob lang siya ng kwarto nila ni
Javier.

Nakasandal ako kay Sir Marco habang pinaglalaruan niya ang kamay ko. I
was smiling like a fool because of the fact that he's beside me, when I
felt something hard on my finger. Parang bakal. Pinakiramdam ko 'yon
hanggang sa unti-unting sumuot sa daliri ko ang matigas na 'yon.

When I looked down at my finger, there's a beautiful silver ring hugging


it. I looked at Sir Marco who's looking at me with a smile on his face. I
held his face at hinalikan siya nang marahan sa labi which he responded.
After the kiss, ngiting-ngiti ako na pinagtaka niya.

"What's with your smile?"

Tiningnan kong mabuti ang simpleng silver ring sa daliri ko at hinawakan


ang baywang niya. "Is this how you say, we'll try to know if you're a
negative like me?"

Tinawanan niya ako sabay iling. Pinagbigyan ko na lang. Akala ata niya
nag-jo-joke ako.

Nagtagal sa amin si Sir nang ilang oras pa. Kulitan at usapan lang. Panay
nga rin ang picture ko sa kanya ng candid. Pagkaalis niya, hindi
napigilan ni Erica ang magpakwento. And when she saw the ring - I don't
know anymore. Hindi na kasi niya ako tinantanan hanggang magbagong taon
at nag-se-celebrate kami ng Media Nocha as a family.

"Nako paano 'yan, sukob tayo!" natatawa niyang sabi habang kumakain ng
ham. Hinawakan niya ang kamay ko at pinakita ang singsing na suot ko.
"Tingnan niyo oh, bigay ng professor niya."

"Professor?"

Kinabahan ako sa seryosong boses ni Vane. Tumingin siya sa kamay ko na


gusto kong itago pero pinipilit ni Erica na ipakita ko.

"Oo, Vane. Yung professor na gwapo? Look Javier, dalaga na talaga ang
anak natin. Ikakasal na."
"Erica!" Nanlalaki ang mata ko. Pinilit kong bawiin ang kamay ko. Gusto
kong itago ang daliri ko pero hindi ko na maitago sa mga mata ni Vane.
"Hindi naman kasal. It's just a gift."

Umirap si Erica. "Para namang hindi ako nagdaan sa landian stage na 'yan.
No, Javier?"

Gusto kong lumubog sa kahihiyan when Javier smiled. "Pakilala mo sa akin


nang makilatis."

"He's just normal. And we're no-"

Nabigla ako nang hawakan ni Vane ang kamay ko at tiningnan ang singsing
sa daliri ko. Napakagat ako ng labi. Tiningnan ko si Erica na nakangiti
at si Javier na nakatingin lang din kay Vane. Gusto ko siyang suntukin
when he said, "peke."

Mas lumakas ang mga paputok sa labas - indicating it's already the start
of new year.

It's a good thing Vane's staying in his condo at minsan lang siya umuwi
sa bahay. Nakakalungkot lang dahil sa bawat uwi niya, ine-expect kong
bibigyan niya ako ng homemade chocolates ng 'friend' daw niya pero hindi
na niya ako inuwian. And for some odd reason, we became somewhat. .
.distant.

The school started again at mas naging busy na ako dahil graduating na
rin. Ganoon din si Unica na mukhang tensed lagi.

"Nasa Pinas kasi si 'My," she said when I asked her what's her problem.
Kinamot niya ang bagong tattoo niya sa braso at ginulo ang buhok. "Gusto
niya akong mag-stay sa bahay na napaka-boring para mabantayan daw niya
ako."

"Syempre, ayaw mo," I said.

"Malamang ayaw ko!" she almost shouted. Tinakpan ko ang bibig niya dahil
nasa library kami. The librarian near us shushed. "Putek mag shh-sssh pa
wala namang nag-aaral sa library."

Nilingon niya ang buong paligid kaya lumingon din ako. Halos karamihan ay
nagdadaldalan at ang ilan ay tulog. Tumigil ang mata ni Unica sa kamay
kong nakapatong sa lamesa. Nanliit ang mata niya and before I could hide
my hand, hinawakan niya ito agad.

"Masakit!" natatawa kong sabi.


Nanlaki ang mata niya. "KASAL KA NA?!"

"SSHHHHHH!" Lumapit sa amin ang librarian na nag-uusok ang ilong. "Get


out please!"

Tawa kami nang tawa ni Unica habang palabas. May ilang nakatingin sa amin
at may ilan ding nakitawa. Nanlilisik naman ang mata ng librarian habang
sinusundan kami ng tingin.

"Pero tanginis, kasal ka na? Nag-Christmas break lang?!"

"Sira, wedding ring, silver?"

"Aba. Malay ko sa mga ganyan," nagkibit balikat siya.

Umirap ako. "Regalo lang."

"Nino?" Nakataas ang kilay niya. She plastered her knowing smile. "Kilala
ko ba 'to?"

"Baka."

Lumiko kami sa isang hallway. "Lalaki ba 'to?"

"Malamang."

"Gwapo?"

"Dapat lang."

Tumawa siya habang pinaglalaruan ang singsing sa daliri ko. "Ito ba 'yung
professor na tinulungan ko para hindi na 'pa-virgin'?"

Binatukan ko siya kaya lalo siyang tumawa. Natigil lang kami nang
makasalubong namin ang maiingay na pamilyar na lalaki sa akin.

As far as I can remember, these guys are Chino's friends. Nginitian ko


sila at natawa ako dahil nagtinginan pa sila at sikuan. Ngumiti ang isa
pero sobrang awkward and it's so cute. Pagkalagpas nila, may dalawang tao
sa may likuran na nilingon ko. Nakayuko si Aris, the mahinhin girl, while
si Chino naman ay mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa. Naka-long
sleeves siya at nakahawak sa kanang braso. Mukhang hindi nila napansin na
nakasalubong namin sila.
I looked at Unica, straight face lang siya. Even her eyes were staring
straight ahead. Parang blank lang. I was about to ask her things nang
mag-bell na at nagmadali si Unica umalis.

Hindi kami nakasabay pag-uwi dahil may kailangan pa raw siyang taguan.
Paglabas ko ng school, nakita ko ang pamilyar na body guard ng mga
Valentine. Mukhang nandito na nga ang Mommy ni Unica. And I know for
sure, hell ang buhay ni Unica.

Nakatulog ako agad pagkauwi sa bahay. Feeling pagod pa ako nang gisingin
ako ni Erica to eat dinner. I kissed Javier's cheek when I saw him typing
on his laptop. Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang may marinig
kaming busina mula sa labas. Erica was the one who looked. A few minutes
later, napatitig ako nang dumating si Vane kasama si mahinhin girl.

Nagkatinginan kami ni Vane sandali pero nag-iwas siya ng tingin sa akin.


Nakatitig lang ako kay mahinhin girl. She looked at me. Nanlaki ang mata
niya kaya nginitian ko siya pero nakakaramdam ako ng kakaiba.

"This is Mari-"

Vane was cut off by mahinhin girl. "A-Aris po."

Huminga nang malalim si Vane. He looked at Javier na nakatingin lang din


sa kanila ni Aris. I clenched my fist, holding my spoon when he said,
"we'll join you in dinner."

Ang hinhin ni Aris - and it's driving me nuts. Noong una ay isang tanong,
isang sagot siya pero nang magtagal, nagtatanong na rin siya kanila Erica
at Javier.

"Ah, kaya pala pamilyar ka," nakangiting sabi ni Javier that made my
tummy churn. "You're Ned's former classmate, right?"

"Opo."

Napaka galang niya. . . bakit nakakairita?

I saw Vane snaked his arms around Aris' small waist. And for a moment,
napatingin ako sa baywang ko. Sobrang abot ni Vane ang baywang ni Aris
because of her petite body. Mukhang walang sexual act na nangyayari. As
for me, dahil makurba ang katawan ko - kapag pinapalibot ang braso sa
akin sa baywang - parang ang sagwa tingnan.

Aris' smile is too sweet. Masyado naman ang titig ni Vane sa mga mata ni
Aris. Minsan ay makikita kong mahihiya si Aris kapag nakita niyang
nakatitig si Vane. And in my head, I'm asking. . .what the fuck?
Nasaan ba si Chino? I thought they have something. . .

For three good hours, observing our household with Aris became hell for
me. Mabait siya, alright. Hindi makabasag pinggan. Kahit ang boses niya
ay parang galing sa anghel. And it irritates me. Parang feeling ko,
demonyo ako sa sarili kong pamamamahay. Naiirita pa ako dahil hindi ako
pinapansin ni Vane. Mukhang napapansin ni Aris na hindi na ako natutuwa
sa presensya niya kaya nagpaalam na siyang aaalis. Javier was the one who
volunteered Vane para ihatid si Aris.

Madaling araw na nang makabalik si Vane sa bahay. Hindi ko alam bakit


hinintay ko siya hanggang sa makatulog ako sa sofa. Nagising lang ako
dahil sa ingay ng gate.

"Anong mayroon sa inyo?" was the first thing I questioned him.

"She's a friend." Umakyat siya kaya sinundan ko siya. "I'm tired. Have a
rest too."

Huminga ako nang malalim. I don't know why I'm mad. Hindi ko alam kung
bakit parang kaunting dikit lang sa akin ay bwisit na bwisit ako. Pinihit
na ni Vane ang doorknob ng kwarto niya nang hawakan ko ang braso niya. He
looked at me with his bored eyes kaya lalo akong nakaramdam ng inis.

"She's your first love."

Nanlaki sandali ang mata niya. Hinawakan niya ako sa braso at pinapasok
sa loob ng kwarto niya. He locked the door and I'm still waiting for his
reaction. I hit a nerve. So totoo nga. Mas lalo akong nainis sa hindi ko
malaman.

"Dad's asking me about you," he said.

"What about?" nakataas kilay kong tanong.

"I don't know." Umupo siya sa gilid ng kama niya. He brushed his hair and
looked at me with a serious face. "I need to divert his attention to some
other girl than you."

Lumapit ako sa kanya at tumayo sa harap niya. Naka-angat ang tingin niya
sa akin. "So you chose to get your first love to meet him?"

"I don't have any other choice."

Umupo ako sa tabi niya. Naiinis pa rin ako. Mabilis pa rin ang tibok ng
puso ko at ang paghinga ko. I want to get mad pero pakiramdam ko, pagod
ako. Nanatili kaming tahimik nang hawakan niya ang kamay ko. He tried
getting the ring out of my finger but I clenched my fist. He sighed.

"Why do I feel this is unfair?"

"Huh. Cause life's a bitch."

Tumingin siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko. He looked at me, inches
away from each other's face. "Parehas lang naman na bawal pero bakit
parang mas bawal ako sa'yo?"

Natawa ako but there was bitterness in my laugh. "Weird you're saying
that while you're flirting with a girl in front of me."

"I told you. She's just-"

Mas lalo akong nairita dahil panay pa siya excuse. Umirap ako at tinulak
siya. I don't know why I'm feeling this shit. I should not feel this
shit. Ano bang problema ko?!

"Oh fuck me Vane, I don't need yo-"

Gusto kong murahin ang sarili ko nang hatakin ako palapit ni Vane. His
lips crashed into mine. I responded. Tears falling. Clouded with
irritation. Lust. And shitty feelings.

Gods. I want him to be all mine. But this is so wrong.

=================

Ngptkso 44

Ngptkso 44 // Winter is Coming

Fuck me. Fuck me. Fuck me.

What have I done?

Bakit ko ginawa 'yun? I just missed him, right? Ang tagal naming hindi
nag-usap kasi. And his voice when he asked why it's more forbidden for
us. Masyado lang din akong naalibadbaran sa kabaitan ng Aris na 'yon. No.
Shit. I don't know anymore. Naguguluhan ako. Gods Sinteya Yeo. Bakit
nabobobo ka na?!
My hands were shaking as I searched for him on my phone. Para akong
papatayin habang hinihintay ang sagot niya. But after the third ring,
binaba ko agad sa sobrang takot. Binalot ko ng kumot ang sarili ko while
trying to forget what just happened a few hours ago.

Why did I have sex with Vane again?

Why Sinteya?

Why?

It's already four in the morning and I still have class later but I'm
still wide awake. I want to talk to him, hear his voice to make me calm
down. Pero natatakot talaga ako.

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko sa pagkain habang nagtitingin sa


Facebook newsfeed. Nakita ko ang tagged photos kay Unica. She's back in
long boarding. May picture din ng new ink tattoo niya na red rose na
nagiging lineart hanggang sa mag fade sa braso. Pag-next ko, napatitig
ako sa isang picture ng katropa ni Unica dahil sa background. A familiar
face. Geeky Chino.

Tinitigan kong mabuti ang picture. Muntikan ko nang mabitawan ang phone
ko dahil sa pag-flash ng mukha niya sa screen. Huminga ako nang ilang
beses bago sinagot ang tawag.

"Sin?"

I didn't talk for awhile. Hilong-hilo ako kahit nakahiga naman ako. Maybe
because of the thoughts that kept on swirling inside my mind. Sa ilang
taon kong nanalagi sa mundo, this is the first time I felt sick on doing
the wrong things.

"Pwede ba tayo magkita?" I said, almost choking with my words.

"Ngayon na?"

"Oo sana."

Nagpumilit akong huwag niya akong sunduin. I took a shower and tried to
get all the things out of my body. Again and again before I left the
house. Pagkarating ko sa may kanto, I saw him just standing there. I felt
my guard down as I brushed a tear drop from my cheek. Tumingin siya sa
akin at ngumiti. He smiled at me as if nothing happened.

Well, that's what he knows.


Nothing happened.

Agad akong yumakap sa kanya, trying to let his warm embrace me. Pero sa
bawat segundong lumilipas na yakap ko siya, para akong pinapatay.

My conscience is killing me.

"A-Anong nangyari, Sin?"

Pumikit ako at siniksik ang sarili ko sa dibdib niya. Niyakap niya ako
pabalik and for a few minutes, ganoon lang kami. Sa tabi ng kalsada na
tanging ilaw lang ay sa lamp post at mga kotseng dumadaan. Mas hinigpitan
ko ang yakap ko sa kanya.

Narinig ko ang tawa niya. "Did you miss me? Magkikita tayo sa klase
mamaya."

"I don't want to let go," I whispered.

Mas humigpit ang yakap niya sa akin. "Sinteya. . ."

"I don't deserve you."

Pinipilit niyang tingnan ako pero nakapikit lang ako habang pinipilit ang
sarili ko sa yakap. Hindi ko siya matingnan habang nag-fa-flashback sa
akin ang mga kagagahang ginawa ko. He doesn't deserve this. Sino ako para
saktan ang isang lalaking walang ibang ginawa kung hindi intindihin ako?

"Anong sinasabi mo, Sin?"

"Sir. . ." Nakailang lunok ako. Nagbabara na ang lalamunan ko dahil sa


nagbabadyang pag-iyak. "Sir."

"Gusto mo kumain?" he asked as he caressed my hair. "Libre kita."

I didn't want to let go pero ayaw niyang magpaawat. Mas lalo akong
kinakain ng kunsensya nang hawakan niya ang kamay ko at hinalikan pa ang
singsing na suot ko. Lalo kong gusto patayin ang sarili ko. How can I get
naked with Vane when all I want is to be with Sir Marco?

Of course, I like Vane. He's a cool guy who I can hang out with. But Sir
Marco. He's different. Napapasaya niya ako and at the same time, he can
make me feel this sick feeling. Na para bang ang sama-sama ko kahit sanay
na akong gumawa ng mali.
"Ayos ka lang?" He looked worried dahil hindi ako nagsasalita simula nang
dumating ang mga pagkain namin. The fast food was quiet. Nagsisimula pa
lang kasi ang araw. "Eat, Sinteya. Mukhang pagod na pagod ka."

Sinubukan kong ituon ang atensyon ko sa pagkain. Halos isang oras din ang
akong natapos. He was staring at me as if I was the most beautiful person
on earth. And yet — I've sinned against him.

I smiled. Sana ay mapakitang okay lang ako. Inabot niya ang pisngi ko at
gamit ang hinlalaki ay hinimas 'yon. That single act made me warm and
fuzzy inside and yet at the same time, parang gusto kong isuka lahat ng
kinain ko dahil sa kunsensya.

"Anong sinasabi mo na hindi mo ako deserve?" he asked. I looked away pero


hinawakan niya pisngi ko para tingnan siya. "May problema ba?"

"W-Wala."

Tumaas ang kilay niya at ngumiti. "Is the Sinteya Yeo stuttering? This is
a proud moment for me."

Ngumiti ako bilang tugon.

Hindi na kami nakapasok sa klase. May tumawag pa sa kanya pero pinatay


niya ang phone niya. Same with mine. Nanatili kami sa apartment niya at
pinagsilbihan niya ako. Pinagtimpla ng juice. PInagluto. Binigyan ng mas
kumportableng damit. He was so damn perfect that made me realize I'm a
shit compared to him.

He really doesn't deserve me. He deserves better.

Nakahiga ako sa kama niya habang pinagmamasdan siyang binabasa ang


readings niya for his class. Nakasandal siya sa headboard. Ang isang
kamay niya ay nakahawak sa mga papel habang ang isa ay nakahawak sa kamay
ko na paminsan-minsan ay pinipisil niya at titingnan ako sabay ngiti.

I'm falling. . .and falling with just his simple acts.

"Hindi ako mabait."

Natigil siya sa pagbabasa at tumingin sa akin nang mapanuri. He smiled


and squeezed my hand.

"Lahat ng tao mabait."


"Not me."

"You are, Sinteya. What made you think you're not?"

Parang sasabog na ang puso ko kung hindi ito lalabas sa ribcage ko. Gusto
kong mainis sa maamo niyang ngiti dahil sa kunsensyang ibinibigay sa akin
pero nalulusaw ang lahat kaagad dahil sa titig niya. Bumitaw ako sa hawak
niya sa kamay ko pero hindi niya ako binitawan. I tried to calm myself
first before talking.

"I sleep with guys."

"I know."

Kinagat ko ang labi ko at tumingala para tingnan ang reaksyon niya na


walang bahid ng kahit anong emosyon.

"Hindi sleep as in tulog, Sir," pag-eexplain ko. "Sex."

Pinagmasdan ko ang pagtabi niya ng papers sa bed side table at dumulas


para humiga. Tumagilid siya para humarap sa akin habang nakangiti. His
hand still holding mine.

"Sabi nga nila."

Kumunot ang noo ko. "I'm a bitch, Sir."

Ngumisi siya. "Nababalitaan ko minsan."

Pumikit ako. Bakit hindi ko makita ang galit sa mga mata niya? Parang
tulad ito nang mahuli niya ako with Vane and yet, hindi niya ako
kinwestyon. Napadilat ako nang maramdaman kong hinila niya ako palapit sa
kanya at yumakap.

"Sir—"

"Why are you downgrading yourself, Sin?"

Pumikit ako at siniksik ang sarili ko sa dibdib niya. "Cause I'm named
after the word Sin. Makasalanan ako tulad ng pangalan ko."

"Anong dapat kong reaksyon?"


Inangat ko ang ulo ko para tingnan siya. Nakatingin lang din siya sa akin
kaya lumayo ako nang kaunti.

"You should be mad."

"Bakit?"

Pinilit kong tanggalin ang hawak niya sa kamay ko pero ayaw pa rin niyang
pumalag. "Kasi. . .masama ako. Makasalanan. I'm a whore. Magulo ako, Sir.
Pwedeng nilalandi kita ngayon pero pag-uwi ko, iba ang ka-sex ko," tuloy-
tuloy ang pagkakasabi ko na hindi ko na napigilan bawiin ang lahat. What
if bigla niya akong itulak palayo? What if his like for me is not enough
for him to stay?

Still — kasalanan ko.

"I know."

"Alam mo naman pala. Kaya dapat lumalayo ka sa akin."

Ngumiti siya. "You know the reason I kept on staying?"

"Sir—"

"Because I love you, Sinteya."

Imbis na matuwa sa galak sa narinig, hindi ko napigilan ang sarili ko sa


pag-iyak. And it was not the prettiest cry I've done. It was ugly. Very
ugly to the point I couldn't breathe anymore. Pinaupo ako ni Sir Marco at
niyakap nang mahigpit habang patuloy ang pag-iyak ko.

"I hate you, Sir," paulit-ulit kong sabi. Gusto kong kumalas pero
nanghihina ako. And I just want us to stay like this forever. "I hate
you."

Hindi siya nagsalita kaya mas lalong lumakas ang iyak ko. How can I do
something like this to the guy who loves me? Mas hinigpitan ko ang yakap
ko kay Sir Marco nang maramdaman kong gusto niyang kumalas.

"Sin. . ."

"I'm sorry," I whispered to his chest.

I felt him breathed heavily. "Hindi ko na maiaalis ang nakaraan mo.


Tanggap ko 'yun."
"I'm sorry," pag-ulit ko.

"Sinteya. . ."

"I had sex with someone," mabilis kong sabi. "Last night. And I don't
know anymore. Sinasaktan kita dahil sa libog. You don't deserve me. You
deserve someone better than me. Hindi 'yung puro sex lang ang habol sa
lalaki. Sir, I'm sorry. . .I'm sorry. I was clouded with irritation and I
just want to be touched and fuck me — I'm so confused."

Ilang segundo na ang nakalipas pero wala pa ring reaksyon si Sir Marco.
I'm afraid to look at his face. Parang papatayin ako kapag nakita kong
malungkot ang mukha niya. At natatakot akong magalit siya sa akin. Ramdam
ko ang bilis ng tibok ng puso niya pati na ang paghugot niya ng paghinga.

"Gusto mo ba siya?"

Diniin ko ang pagpikit ko. "I—"

Bumagsak ang balikat niya. "There's no problem if you like him, Sin. Kung
siya ang makakapagpasaya sa'yo, hahayaan kitang maging masay—"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya nang hinalikan ko siya sa labi


habang umiiyak. "But I love you, Sir. I hate you for this foreign feeling
that's killing me but I love you. I love you, Sir. I love you."

Naramdaman ko ang pagngiti niya pagkatapos ng halik. He cupped my face


and looked at me. "It's enough for me. Let's start again with a clean
slate."

There's magic in Sir Marco's words that made me cry more. Niyakap ko siya
ulit habang paulit-ulit binubulong ang tatlong salitang hindi ko madalas
sinasabi. Pagod na pagod ako at pakiramdam ko ay naubos ang lahat ng
energy ko sa pag-iyak.

He was enough for me. . .and I'll start with a clean slate. So I tried
ignoring Vane. It was a good thing na nawala ang phone niya kaya hindi
siya nakakapag-text sa akin.

But a few weeks after ng hindi namin pagkikita ni Vane dahil hindi rin
siya pumapasok sa History class, he called me in the middle of the night
with a new number.

"Stop ignoring me and talk. Condo after school."


It was a go signal for me to stop this madness with Vane.

Dumating ako sa condo niya after class. Kumatok ako ng ilang beses bago
buksan ni Vane ang pintuan, top naked with his skinny jeans na nakabukas
pa ang zipper. Ngumiti siya sa akin pero nanatili akong seryoso nang
patuluyin niya ako sa loob.

This is the first time I went to his condo. Mas maliit ito kumpara sa
condo ni Unica pero okay na kung mag-isa lang ang maninirahan.

"Want some juice?" he asked.

Tumango ako. May kung ano siyang ginawa habang patungo ako sa sofa.
There's a door for the bedroom tapos CR sa dulo. Umupo ako habang
tinitingnan ang paligid when I caught one familiar painting near the
television. Lumapit ako and saw Unica's signature at the side of the
painting. Naghalo-halo ang tanong sa utak ko when I felt a hand snaked on
my waist. Mabilis kong tinulak si Vane pero hinigpitan niya ang hawak sa
akin at mas nilapit ako sa kanya. I tried to stay calm nang isandal niya
ang noo niya sa gilid ng akin. When he kissed me on my cheek, tinakip ko
ang kamay ko.

"Where's my juice?" I asked, still looking at the painting.

Tinanggal niya ang kamay kong nakatakip sa pisngi ko. I saw him bite his
lips before answering. "Figured you'll like me more than the juice."
Napansin kong tumingin siya sa pintuan ng kwarto niya bago siya ngumiti
sa akin at mas nilapit ang mukha sa pisngi ko. "You're ignoring me, Ate
Sin."

Tinulak ko siya palayo sa akin. Naupo ako sa sofa. "It's for the best."

Kumunot ang noo niya. Sumunod siya sa akin sa sofa at naupo sa tabi ko.
"What do you mean?"

"Nothing." Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Gusto ko lang sana i-


clarify na nasa same page tayo. What we're doing is nothing, right? We're
just step-siblings who fucked a few times around and that's it. Tapos na
ang laro natin, Vane."

Patayo na sana ako nang magulat ako sa paghatak niya sa akin paupo.
"Fuck?" he hissed. "You call that fuck?" Tumaas ang kilay niya.

Before I could react, tinulak niya ako pahiga sa sofa and kissed me full
on the lips. Marahas at masakit ang halik niya. I tried to stay calm and
pushed him slightly. Natigil siya nang makarinig kami ng kalabog sa
pintuan ng kwarto niya. I looked at the door.
"Are you sure you're going to do this?" I asked.

Tumingin ako sa kanya and saw his shocked eyes pero mabilis itong nawala
and I saw anger. Tumawa siya at hinalikan ako muli. Pumiglas ako pero
nagugulat ako sa lakas ni Vane na nakaya niyang halos sirain ang damit
ko.

"You want to know the difference between fucking and making love?" he
smirked. Nalasahan ko na ang dugo sa labi ko. Pinipilit niyang tanggalin
ang jeans ko. "C'mon, Ate Sin. Let's fuck!"

Naghahalo na ang init, galit at pagkainis ko. Pinipilit ko pa rin


pakalmahin ang sarili ko pero hindi ko na napigilan ang pagsipa ko sa
kanya nang hawakan niya ako sa ibaba. Na-out of balance siya at tumama
ang likod niya sa lamesa.

He shouted. "Tangina. Bakit nasasaktan na naman ako?"

"Vane. . ."

Inayos ko ang damit ko kahit sira na ang collar. He looked at me with


anger in his eyes. "Why do you all keep on pushing me away?"

"Vane, it's not pushing you away. We just played. And think about Aris—"

"That girl is nothing from the past!" he shouted. Tumayo siya at lumapit
sa akin. He tried to kiss me pero pinigilan ko siya. Hinawakan niya ang
magkabila kong kamay. "Stop being jealous of her!"

"I'm not jealous!"

"Stop acting you're not."

"Cause I'm not acting, Vane! Naguluhan lang ako last time about Aris and
you. I don't know why I was so emotional. I—"

Tinulak niya ako muli at pumaibabaw sa akin. "Unang kita ko sa'yo sa


school, hindi ka na mawala sa isip ko."

Pumikit ako at huminga nang malalim. This. . .this is not happening. I'm
breaking for Vane but I couldn't lose Sir Marco. Kahit na tanggap lang
siya nang tanggap.

Tiningnan ko siya at ngumisi. "That's the clichest line I've ever heard.
That's lust, Vane. It's your libido reacting to mine—"
"Fuck." Bumitaw siya at umupo nang maayos. Huminga siya nang malalim at
tumingin sa pintuan ng kwarto niya. I saw his fist clenched. Nag-igting
din ang bagang niya. "Fuck this." Hinilamos niya ang mukha niya at
mariing sinuklay ang buhok. Nilingon niya muli ako. "Are you here to
fucking dump me?"

"Hindi naman tayo in the first place. Why the hell will I dump you?"

"Oh di ano?!" sigaw niya. "Why are you here?"

"I'm here to get things clear between us. I like you as my brother, Vane—
"

"Tangina." Tumawa siya. "Brother. Sex? Stop making me laugh."

Natigil ako nang makarinig kami ng kalabog sa loob ng kwarto. Sinundan ko


ang pagtayo ni Vane habang seryoso pa rin ang mukha. Bago pa niya buksan
ang pintuan ng kwarto, he looked at me with a blank look.

"It was nice talking to you, Ate Sin," he said. I was about to get near
him but he shouted, "leave," that made me leave him alone. Or with
someone who's inside his room.

Pagod na pagod ako pagkauwi while all of the things played in my mind.
Bakit sobrang dramatic ng nangyayari? Everything's making me puke.
Nakakasuka ang iyakan. Ang drama. Ang sigawan. And yet at the end of the
night — I ended up crying myself to sleep.

Nagising ako sa ingay ng phone ko pero bago ko pa makita ang screen,


bigla na lang nalowbat kaya hinayaan ko na. Lagpas na rin ang oras ng
klase ko kaya hindi na lang ulit ako pumasok at natulog nang mahimbing.
After two days of not showing up in school, pumasok ako and heard the
buzzing latest news.

"Si DJ Andro, nag quit na?" the girl said. Pabulong ang salita niya pero
sobrang lakas pa rin. Masama ang tingin sa kanya ng librarian.

"Yes girl. Ang laking issue kasi nung kahapon. Tapos nakaaway pa niya
'yung sunod na caller."

"Sino kaya 'yung sa issue no? Medyo kilala ko yung lalaki pero yung
girl?"

"Malay. . .daming may crush sa god na 'yun, eh. May hugot pa nga ata
'yung sunod na caller."
Paulit-ulit ang balita. Totoo ngang wala na si DJ Andro dahil tumigil
muna ang airing ng radio booth. The rest of my day was pretty normal pero
madalas lang akong gutom.

Pagkalabas ko sa last class ko, na-bother ako nang makita ko si Sir Marco
na naglalakad sa hallway kasama ang Dean namin. They were talking with
serious faces papunta sa Dean's office.

"Nako, nako, nako."

Lumingon ako sa pamilyar na boses ng babae and saw Jill looking at me


with her friends. Hawak niya ang phone niya habang ngumunguso at umiirap.

"Problema mo?" taas kilay kong tanong.

Umiling siya. "Wala naman. Ikaw, may problema?"

Tumawa siya at inaya ang mga kaibigan niya para umalis. Masamang tingin
ang binalik ko sa kanya pero hinayaan ko na dahil wala lang talagang
magawa sa buhay ang babaeng 'yon.

Magpapasama sana ako sa mall kay Unica but when I tried contacting her,
can't be reached kaya mag-isa na lang akong bumili ng chocolate at
naglakad-lakad. Pero sa isang oras na paglalakad, parang nakaramdam ako
ng pagod. Bumibigat ang talukap ng mga mata ko and for some odd reason,
I'm feeling light while walking.

"Miss, okay ka lang?"

Lumingon ako sa babaeng hinawakan ako sa braso. Una kong napansin ang
brown hair niyang naka-messy bun. I blinked a few times dahil parang
nagdodoble siya sa paningin ko.

"Uy Raf—ayos lang 'yan?"

I looked at the other girl who talked. Mas bumigat ang pakiramdam ko
dahil apat na silang nasa harap ko. They all look the same. I walked but
I couldn't feel my legs anymore. Everything started to change their hues
to cyan and red. Then blurry. Black out.

Tatlong boses ang naririnig ko nang magising ako. White ceiling ang una
kong nakita pagbukas ng mga mata, kasunod ang likod ng isang nurse at
dalawang babaeng kausap niya. Tumingin sa akin 'yung naka-messy bun at
nanlaki ang mata.

"Gising na siya."
For a moment, akala ko naduling ako dahil magkawahig ang dalawang babae
na kasama ng nurse. Napagtanto ko na kambal sila nang ipakilala ng
babaeng naka-messy bun ang kapatid niyang bob cut ang itim na buhok.

"Siya si Sef," sabi niya at ngumiti sa akin ang kambal niya. "Ako si Raf.
Nahimatay ka kasi sa mall kaya dinala ka namin sa hospital."

Expressive ang medyo bilugan nilang mata dahil sa mahabang pilik mata.
Magkamukha sila. Parehas na bilugan ang pisngi at manipis ang labi. The
only difference maybe is the hairstyle. Brown at black hair. Plus Raf,
the girl who's talking to me a lot more has a small birth mark on her
left cheek. Ah, and the eyes. Mas singkit tingnan si Raf kaysa kay Sef na
bilog talaga ang mata.

I tried to pay them back pero humindi sila. Kahit ilibre ay ayaw nila
kaya nagpasalamat na lang ako bago pa sila nagpaalam para umalis na. They
just want to check if I'm alright.

"Maayos na ba ang lagay mo?" the nurse asked habang may sinusulat sa
papel. "May masakit ba sa'yo? Ms. Yeo, right?"

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. "May kaunting sakit sa balikat ko pero


tolerable naman."

Tumango ang nurse at ngumiti. "Good. Fatigue at stress ang cause ng


fainting. You just need to get a lot of rest lalo na't nasa early stage
ka pa."

Nanliit ang mata ko sa narinig ko. "Ano ulit?"

"Fatigue—"

"No, I mean the last one—'yung. . ."

"Ah!" she smiled. "Okay naman po si Baby, malakas ang kapit. Pero
kailangan magpahinga pa rin dahil 7 weeks pa lang siya."

"Are you saying. . ." Humawak ako sa tiyan ko, hindi maituloy ang dapat
sabihin.

Kumunot ang noo ng nurse at pinagmasdan ako nang maigi. "Hindi niyo po
alam?"

My eyes widened and looked at my tummy. I clenched my fist and the only
thing I could mutter was a single word. "Hell."
______

Sali kayo sa group kung trip niyo makipag-usap sa mga kapwa readers!
Search "Saksi ni Pilosopotasya" on facebook. :>

#Ngptkso - hashtag guyzz c:

=================

Ngptkso 45

Ngptkso 45 // Yboa

For a girl who likes the forbidden, I'm one fucked up person.

Tinitigan kong mabuti ang hawak kong litrato ng ultrasound. I should be


happy, right? Dapat nakangiti ako. Sir Marco's ate said a baby is a
blessing. Nakangiti pa nga sa akin ang doctor nang ibigay sa akin 'to.

Gusto kong tawagan si Sir Marco pero wala akong lakas. Ang selfish ko
kung sasabihin ko sa kanya 'to at pipilitin siyang manatili sa tabi ko.
Pero selfish din ako kung hindi ko sasasabihin sa kanya as if nothing
happened.

Kahit anong galaw ko, masasaktan siya.

I wanted to correct all my mistakes but I'm drowning. Hindi ko alam kung
makakaahon pa ako.

"Honey, kain na ng dinner."

I heard Erica's voice from the other side. Tinago ko sa drawer ang
picture at nagtalukbong ng kumot. Gusto kong matulog. Gusto kong magising
sa masamang panaginip na 'to. I heard the door knob.

"Naka-lock?" it was Javier's voice.

Kumatok ulit. "Honey, are you okay? Bakit naka-lock ang pinto?"
Pumikit ako at tumulo agad ang luha ko. Naririnig ko ang usapan nila
Javier at Erica. Tuluyan na akong umiyak na para bang wala nang bukas
pagkarinig kong umalis na sila. I did this. Lahat ng mali, sinalo ko na
and this is how I pay the prize.

Hindi ko pwedeng sisihin si Vane. Kahit ang pagpapalaki sa akin ni Erica.


O kahit sino pa sa paligid ko. I'm the one at fault. So I should be the
only one to clean this mess.

But how can I fix this?

Gusto ko na lang magtago but the hours of hiding inside my room won't do
anything. Madaling araw na pero naririnig ko pa rin ang boses ni Erica at
Javier na nanonood ng TV sa living room. I wish I could say this to them.
. .but they'll be hurt.

Fuck Sinteya. Bakit ba kasi hindi mo naisip 'to before you do things?
Before you do the hell you want then all things break loose.

Delikado ang pagpupuyat sa baby pero gusto ko bang manatili ang baby na
'to sa loob ko? This is the fruit of my sin with Vane. Aalagaan ko?
Ipagpapatuloy ko ba? Then what happens?

Nang mapansin kong tahimik na sa bahay, doon ako lumabas ng kwarto.

Kaya ba lagi akong gutom dahil hindi na lang pansarili ang pagkain ko?

Pinakiramdaman ko ang tiyan ko. . . there's a life inside of me and my


mind is still in haywire. Nahirapan akong kumain ng tinapay dahil sa
pagtulo ng luha ko. I was just staring blankly. Gulong-gulo ako. I wanted
to scream my heart out. Inuntog ko nang paulit-ulit ang ulo ko sa lamesa.

"Fuck yourself, Sinteya," I whispered to myself while tears fall down.


Pakiramdam ko wala na akong pinipiling oras sa paghagulgol. "Gusto ko na
itama. . . please," pagmamakaawa ko kung kanino man.

"Honey?"

Napakagat ako ng labi at dumiin ang pagpikit ko nang marinig ko ang


mahinahong boses niya. I heard her footsteps. Gusto kong pigilan ang
sarili ko sa pag-iyak nang lumapit siya sa akin ngunit huli na. Mukha na
siguro akong sabog sa kakaiyak simula noong isang araw nang malaman kong
may laman ang tiyan ko.

"Anong nangyari sa'yo?" She sat beside me. Hinagod niya ang likod ko.
"Akala ko may magnanakaw na. Bakit ka umiiyak?"
Umupo ako nang maayos at niyakap siya nang mahigpit. She hugged me back
and let me cried myself. "Ma, sorry. . . Ma."

"Why are you calling me Ma? Tumatanda ako!"

Iyak-tawa ako habang nakasiksik ang mukha ko sa balikat niya. Tumatawa


siya habang nag-sa-side comment.

"Jusko bakit nga ba ako bumaba, nagkakasipon tuloy damit ko."

Ilang minuto pa ang lumipas bago ako tumahan nang kaunti. I was still
sobbing and mom's quiet. Hinintay niya akong mahimasmasan bago siya
kumalas sa pagkakayakap at tiningnan ako nang nakakunot noo.

"Sasabihin mo ba ang dahilan ng pag-iyak mo?"

"Stressed," mabilis na sagot ko at nag-iwas ng tingin. Tumayo ako para


hugasan ang mga ginamit ko sa pagkain. "Graduating kasi."

"Kaunting kembot na lang 'yan, matatapos ka na rin."

We were quiet and the water running was the only sound we could here.
Sana tulad ng gripo ang mga mata ko na titigil ang pagtulo ng tubig kapag
pinihit ko. But my tears kept on falling. Ayaw tumigil.

"Ma. . ."

Naramdaman ko ang presensya niya sa tabi ko at kinuha ang baso na hawak


ko. "Huwag mo na nga hawakan 'yan, magkaka-germs na 'to sa sipon mo."

I stared at her while rinsing the glass. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso
ko at gusto kong masuka. Pagkalagay niya ng baso sa lalagyan, she looked
at me while drying her hands with a cloth. Bago pa siya makapagsalita,
niyakap ko ulit siya. . .then the tears started to fall again. And again.
And again.

"Sigurado ka bang stress lang 'to, Sinteya?" she asked.

Pumikit ako. "I'm an unwanted child, right?"

Kumalas siya sa yakap ko at hinawakan ako sa balikat habang sinusuri ang


mukha ko. "Anong sinasabi mo?"
Ngumiti ako. "You're not prepared when you conceived me. Kaya si Mommy
ang—"

Niyakap niya ako at hinimas ang buhok ko. "Don't say that, Honey. Hindi
kita aakuin kung hindi kita gustong maging anak."

"Kasi no choice ka—"

"No." Tiningnan niya ako nang matamam. "It was my choice to take care of
you. Nine months kang nasa sinapupunan ko. I have nine months to decide.
You were never an unwanted child. Siguro mga 2 days lang simula nung
nalaman ko. But the rest? You've become my most precious treasure."

"Pero bakit nawala ka nang ilang taon?"

Bumuntong hininga siya. Pinaupo niya ako sa dining area. Naupo siya sa
tabi ko. "Story telling ba tayo ngayong madaling araw?" she asked.
Tinitigan ko lang siya. She smiled. "Nag-deal kami ng Mommy na magtapos
muna ako ng pag-aaral so I went away. Kailangan ko grumaduate so you can
be proud of me as your real mom."

"That's all it?"

Tinitigan niya ako at parang natigilan sandali. She smiled. Pinahiran ang
pisngi kong puno pa rin ng luha. She kissed my forehead and patted my
cheek. "Take a rest, Honey. Ilang days na lang din naman ang finals
niyo." Iniwan niya ako sa dining area nang tumutulo pa rin ang luha ko.

I dragged myself to school kahit lutang na lutang ako. Kailangan ko


magpasa ng projects then I can go home and sleep. At ikulong ang sarili
ko sa kwarto. Wala rin akong time para sa pam-bi-bitch ni Jill kaya
hinayaan ko na lang siyang umirap-irap.

"Wala si Unica, eh," Unica's classmate said when I asked where's the
girl.

Tiningnan ko ang classroom nila. Nagpapasa ang ilan ng papers kay Tandang
Sora. No Unica. Nang magtama ang tingin namin ni Aris, hindi ko malaman
ang nararamdaman ko. Mukha siyang natatakot sa akin at nag-iwas ng
tingin. I wanted to talk to her. Say sorry for ignoring her noong nasa
bahay kami pero hindi ko magawa. Mukhang hindi rin naman niya ako gustong
makausap.

There's still some news buzzing around pero hindi na ako nakakapunta ng
CR para mag-retouch at malaman ang chismis sa university. Pero everytime
na pumapasok ako ng CR, tumitingin ang ilang babae sa akin. And some
smiles at me too.
I'm not the friendliest of all so that was weird and I know there's
something wrong.

Paglabas ko ng school, napansin ko ang pamilyar na itim na kotseng


nakaparada sa kabila. May phone suddenly rang and Sir Marco's face showed
up. Mas lalo akong nanlumo dahil sa itsura niya sa screen ko as if he's
begging me not to ignore his call.

"Hello?" mahina kong bati habang nakatingin sa kotseng itim.

"Let's go."

"Hmm?"

"Somewhere."

Doon ko nakita si Sir Marco na nasa loob ng itim na kotse. Nakatingin


siya sa akin habang palapit ako. My heart was killing me lalo na't
nagbukas ang pintuan ng kotse niya at pumasok ako sa loob. Hindi ako
makatingin sa kanya nang diretso pero pinilit kong ngumiti.

"Saan tayo?" I asked, my eyes on the road.

"Anywhere but here."

Tumango ako. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan 'yon kaya mas lalo
akong nahirapan pigilan ang pagtulo ng luha ko. How can I forget Sir
Marco when all the time, I'm wearing the ring he gave me? Parang tulad
niya ang singsing. Simple at walang halong kahit ano.

Puro.

Na kung tutuusin, hindi bagay sa akin.

Halos mabali ang leeg ko sa pagtingin sa labas dahil sa mga luhang


nagpupumilit lumabas. After a few minute drive, dumating kami sa Roxas
Blvd. I was about to get out when he pulled me to him. Hinawakan niya ang
pisngi ko at hinanap ang mga paningin ko.

Mas lalo akong naluha nang punasan ng hinlalaki niya ang luha sa pisngi
ko.

"Bakit, Sinteya?"
Sa isang tanong niya ay agad bumuhos ang luha ko. Kahit mahirap ay
niyakap niya ako sa loob ng kotse. He even hugged me tighter kahit na
biglang bumusina ang kotse.

"S-Stressed lang, Sir," I said. "Graduating, eh," natatawa kong dagdag.

Huminga siya nang malalim kaya pumikit ako at pinakiramdaman siya.


Naghahalo-halo ang isip ko. Should I tell him? Then what? What happens
next? Masasaktan at masasaktan siya. I can get out of here. Pwede ko
siyang iwan at sabihing hindi ko siya gusto at hindi ko siya mahal at
ginagawa ko lang ang paglapit sa kanya dahil gusto ko ng mataas na
grades.

But than will hurt him too. And fuck me if I said that to him.

"Gusto ko ngayong magkasama tayo, wala tayong iisiping iba," he whispered


to my ear before moving away a bit. Tinitigan niya ang mata ko habang
patuloy akong lumuluha. "Ayos lang ba 'yon? Wala tayong problema ngayon?"

"Sir—"

Humigpit ang hawak niya sa balikat ko. "Don't. . .call me Sir anymore."

"Pero—"

Ngumiti siya. "Please?"

Wala akong ibang nagawa kundi ang tumango.

Tahimik ang paglalakad namin sa kahabaan ng roxas blvd. May ilang bars na
nag-iingay na dahil sa paglubog ng araw. Hawak lang ni Sir—Marco ang
kamay ko at paminsan-minsan ay hinahalikan 'yon. His act makes me fall
harder. . .and drown deeper with my lies.

"Sir—"

"Marco," pagtatama niya.

Ngumiti ako. "Marco."

He smiled. "Bakit?"

Pinagmasdan ko ang mukha niya at tinitigan ang mga mata niyang maamo. May
kaunting balbas na sa panga niya kaya mas lalo siyang nagmukhang matured
tingnan. Naka-brush up ang itim niyang buhok na bumabagay sa ¾ niyang
polo shirt, dark pants at leather shoes. Kahit hindi siya naka-corporate,
sobrang matipuno ng itsura niya at respetado. May ilan pang babae na
napapa-double look sa kanya na napapansin ko.

"Wala lang."

I'm so lucky to have him. . . bakit sobrang malas niya sa akin? To think
we don't have any relationship.

Nang makaramdam ng gutom ay sa isang bar kami sa malapit kumain. I want


to order a lot pero pinili kong mag gulay at kaunting meat just for the
sake of the baby inside me. Marco wanted to order beer pero humindi ako.

Habang naghihintay ng order ay napansin kong may pumasok na couple and


the first thing I saw was the girl's stomach. Malaki ito at hindi dahil
sa taba. The couple sat down a few tables away from us. Pagka-order nila,
nakaramdam ako ng init nang maghalikan ang dalawa. Mukhang napansin ni
Marco ang pagtingin ko sa couple kaya tumingin siya at tumawa kaunti.

"Wala na talagang privacy sa mundo," I commented.

Ngumiti si Marco. "She's pregnant. Baka hindi na mapigilan."

Kinabahan ako sa isang salitang binanggit niya but I decided to ignore it


and asked, "anong connect?"

"Mas mataas ang libido kapag buntis ang babae," he explained. Napaupo ako
nang maayos sa sinabi niya. Binaba ng waiter ang mga order namin. I
thanked the waiter and he winked at me. Umiling si Sir Marco. "Kahit saan
talaga tayo magpunta, laging may nakatingin sa'yo."

Ngumiti ako and decided to get the topic back to pregnant woman. "Paanong
mataas ang libido?"

Nagkibit balikat siya. "Si Ate kasi laging nagrereklamo na gusto ng ano
noong nagbubuntis siya." Tumawa siya kaunti.

"She wanted to have sex?"

Dahil umiinom siya ng tubig, muntikan siyang mabilaukan sa sinabi ko.


Umubo pa siya nang umubo kaya nag-panic ako. Tumawa siya at pinalo-palo
ang dibdib.

"Oo. Madalas."

Nag-init ang pakiramdan ko. "Really?"


Tumango siya. Napasandal ako sa inuupuan ko habang naririnig sa
background ang tugtugan sa bar. Parang sumasakit na ang ulo ko sa lahat
ng naiisip ko and I want to sleep. Mukhang napansin 'yon ni Marco kaya
hinawakan niya ang kamay ko.

"May masakit ba?"

Ngumiti ako kahit gusto kong umiyak ulit. "Okay lang bang umuwi na tayo?"

He didn't ask why. Hinatid niya ako sa amin nang tahimik kami at walang
nagsasalita. For a few minutes, naging at peace ang kalooban ko pero sa
tuwing titingin ako sa mukha niya at mapapansin ko ang seryoso niyang
itsura, nananakit ang dibdib ko.

Napatingin ako sa phone ko nang mag-text si Erica na umuwi na raw ako.


When I was about to reply, biglang may tumawag na unknown number sa akin.
Pagkasagot ko, I heard a sob of a girl.

"Sorry Sinteya," the familiar voice said. "Sorry. . .sorry hindi ko


sinasadya. I'm sorry."

Kinabahan agad ako. "Sino 'to?"

"Si—Si. . .sorry talaga, Sinteya. Sorry!"

Binaba ng babae ang tawag. I tried calling her again pero hindi niya
sinasagot hanggang sa in-off na niya ang phone. Sir Marco looked at me a
bit before looking at the road again.

"May problema?"

Umiling ako at tumitig sa phone ko hanggang makarating kami sa tapat ng


bahay. Pinagbuksan niya ako ng pintuan nang bigla akong may maalala. "You
were with the Dean last time," pambungad ko. Napansin ko ang paninigas ng
katawan niya bago siya ngumiti.

"Wala 'yun."

Napakagat ako ng labi. There's something wrong. "Kung may problema, I'm
willing to listen."

Ngumiti siya muli. "Can I hug you?"


Hindi na niya kailangan ng sagot ko dahil niyakap na niya ulit ako.
Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya na sumasabay sa pagtibok ng
akin. His embrace was a lot like bed. It comforts me. . .pero kailangan
lumayo at bumangon din sa katotohanan.

Pinigilan ko ang nagbabadyang pagtulo ng luha ko at yumuko para isiksik


ang sarili ko sa leeg niya. Nanghihina ako nang maramdaman ko ang mabigat
niyang paghinga kaya mas lalo kong hinigpitan ang yakap.

"You're worth it, Sinteya," he whispered. "Remember that."

He didn't gave me the chance to talk back. His lips touched mine as he
moved with so much passion and love that it hurts. Tuluyan nang tumulo
muli ang luha ko. Naghalo ang tamis ng pagmamahal at pait ng sakit sa
bawat pagdampi ng labi niya sa akin. I wish the kiss we shared will make
me forget the things I've done. Sana sa bawat halik niya sa akin ay
maibsan ang sakit ng kasalanan ko.

"I love you, Marco," I whispered when the kiss ended. Niyakap ko siya
nang mahigpit na mahigpit habang tuloy ang pagluha ko. I kept on crying.
I hate this emotion. "I love you. . ."

Inangat niya muli ang ulo ko at hinalikan ako sa labi. "I love you,
Sinteya."

I feel like dying when he drove away. Pakiramdam ko ay aalis na talaga


siya sa buhay ko dahil sa mga ginawa kong kalokohan. Nanghihina akong
pumasok ng bahay habang paulit-ulit ang lahat sa utak ko.

Should I tell him? Will I tell it to him?

Without thinking, I texted him 'I need to say something' at tinago kaagad
ang phone ko. There's a part of me that I want to talk. And the other
part doesn't want to see his reply.

Narinig ko kaagad ang sigaw ni Javier sa dining area. I also heard Vane's
voice that made me shiver. Humawak ako sa tiyan ko habang papunta doon sa
ingay. Nakatayo silang lahat, Erica looked at me with a face I couldn't
understand. Ang kita ko lang ay galit na mukha ni Vane at ni Javier.

"Ano 'to?!" sigaw ni Javier. From his hand, binagsak niya ang isang
pamilyar na litrato na nagpalusaw sa mga binti ko. He looked at me then
to Vane. Kinuha niya ang litrato at binato kay Vane. "Kanino 'to, Ned?!"

Nanlalaki ang mata ko. How the hell—how—what—hindi ako makabuo ng


sentence sa utak ko. I looked at Vane na hinawakan ang litratong mukhang
nilukot-lukot na. Nilapitan ni Javier si Vane at nagulat kaming lahat sa
pagsuntok niya. Napaupo si Vane habang pinipigilan ni Erica si Javier sa
paglapit pa.
"Sa'yo ba 'yan?" he asked. Hindi ako makapagsalita. I want to talk.
Explain things! But my heart stopped from beating when I heard Javier's
voice as he said, "sinong babae ang nabuntis mo Ned?!"

Binato ni Vane ang picture ng ultrasound at sa paanan ko 'yon napunta.


Tinitigan ko si Vane habang nakatingin siya sa akin at umirap habang
pinupunsan ang bibig niyang nagdugo.

Nanghihina akong pinulot ang litrato and the first thing that my mind
said was, 'hindi akin 'to.'

Lumapit si Javier kay Vane at tinayo siya. "Ano bang problema mo at puro
problema ang binibigay mo sa akin?! Kaya ba hindi mo pinapapunta taga
linis sa condo?!"

"Javier, please. Tama na!" sigaw ni Erica habang pinipigilan si Javier.


"Nasasaktan na ang anak natin!"

"Mas mabuti nga na masaktan siya dahil hindi na siya natuto!" Javier
shouted. "Puro na lang sakit ng ulo at pagkakamali ang ginagawa ng
lalaking 'to." Sinuntok ulit ni Javier si Vane. Hindi pa rin ako
makahinga nang maayos. "Sabi ko na nga ba't hindi dapat kita
pinagkakatiwalaan sa condo dahil kung anu-ano ang pinag-gagagawa mo!"

Tinulak ni Javier si Vane, tumama siya sa pader.

"Javier, tama na!"

"Kaninong ultrasound 'yan? Sa babaeng dinala mo dito?!" sigaw ni Javier.


Dinuro niya ang noo ni Vane. "Pinapunta na nga kita sa ibang bansa dati
para tumino pero uuwi ka rito at gagawa na naman ng problema?!"

Marahas na hinawi ni Vane ang kamay ni Javier at tinulak ang tatay niya.
Kahit ako ay napalapit kay Javier. Gusto kong pumagitna pero anong
karapatan ko?

Ngumisi si Vane. "Nagkamali ka rin naman sa akin kaya bakit galit na


galit ka na nagkamali ako?" Tumawa siya. "Ayaw mo n'on? Parehas tayong
nagkamali. Mag-ama nga talaga tayo! Parehas na walang kwenta!"

Isang suntok muli ang natanggap ni Vane mula kay Javier.

"Nagkamali ako noon pero kita mong tinatama ko na ang pamilya natin
ngayon!"
"Javier!" sigaw ni Erica at tumingin sa akin. Lumibot ang tingin ko kay
Erica na gulat, kay Javier na galit na galit at kay Vane na sumasalim sa
nararamdaman ko.

"Tama na 'to, Erica," giit ni Javier. Tinuro niya si Vane. "Kaya


tumitigas ang ulo n'yan dahil akala niya wala lang tayong ginagawang
pagtatama!" Naguguluhan na ako sa mga pangyayari nang higitin muli ni
Javier ang kwelyo ni Vane. "Nagkamali ako noon pero gumawa ako ng paraan
para maayos ang pamilya natin, Ned. Wala kang karapatan sabihin sa aking
wala akong kwenta—"

"Javier!" pagsigaw ni Erica. Umiiyak na siya habang nakatulala lang ako


sa kanila. "Nakikiusap ako, tama na. . ."

Hindi ako makalunon nang maayos. Hindi ko alam kung bakit napakagat ako
ng labi habang tulo nang tulo ang luha ko. Huminahon si Javier at lumayo
kay Vane habang si Vane naman ay tumingin sa akin, kay Javier at kay
Erica.

"Anong pinagsasasabi mo?" Vane was the one who questioned.

Tumingin sa akin si Javier. Napakuyom ako ng kamao. He looked at Vane


too. Mas lalong umiyak si Erica kaya tinakpan niya ang mukha niya at
naupo sa upuan. We just waited. No one talked until Javier sighed.

"Matagal na naming plano mabuo ulit ang pamilya natin," he said with a
low voice. Tumingin siya sa akin, as if trying to get a reaction from me.

"What do you mean?" I managed to ask.

"Nagkamali kami noon ng Mama niyo, mapusok kami," Javier said habang
inaalo si Erica na mas lalong humagulgol. Nanikip ang dibdib ko habang
nakatingin kay Erica. "We're trying to correct things we've done when we
were young."

Tumawa si Vane. "Stop the nonsense. Anong pinagsasabi mong pagtatama?"

"Are you telling us. . .we're. . . we're real siblings?" I asked. "Y-
You're my real father? And Erica's. . .Vane's. . ."

Vane looked at me with wide eyes. Pagkatingin ko kay Javier, huminga siya
nang malalim at pumikit. Mas lalong humagulgol si Erica sa tabi niya. And
those gestures were enough to made me realize everything.

_____
Baka iedit pa kasi baka hindi pa intense (wat haha)

Join "Saksi ni Pilosopotasya" on facebook para makipag usap!

Official hashtag: #Ngptkso

PS: Huwag masyadong spoiler lalo na sa group (ehem ehem) hayaan niyong
basahin at macurious ang mga mambabasa. Hihi.

=================

Ngptkso 46

Ngptkso 46 // Yeo

For the past twenty one years of my life, I only questioned Erica about
my father once. When she was aloof of the topic, tinigilan ko na. Hindi
na kasi ako naging interesado pa kung sino ang tatay ko. Wala rin namang
magbabago.

But today, knowing the truth. . . made me realize everything's a lot more
messier than I thought it was.

Hindi pa rin tumitigil si Erica simula nang umalis si Vane sa bahay.


Stressed si Javier habang nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Tears
flowing from my eyes while holding the picture of the ultrasound of
Vane's baby. . .from another girl.

I shut my eyes and tried to calm myself. I heard a chair move and when I
opened my eyes, Erica hugged me. Umiiyak pa rin siya. Javier looked at us
with a serious expression.

"I'm sorry for keeping this from you, Honey," she said to me.

A smile was my reaction. "Why now? Bakit hindi noon pa?"

Hinintay ko munang kumalma si Erica. We went to the sofa and made her sit
there. Nakatingin lang sa amin si Javier, no talking.
"N-Natatakot ako sa magiging reaksyon niyo, lalo na ni Vane." Pumikit
siya at huminga nang malalim. "Galit siya kay Javier dahil buong akala
niya ay hindi siya pinapahalagahan."

"I'm sorry," Javier said.

Umiling si Erica at hinawakan ang kamay ni Javier. "No. I am the one at


fault. Iniwan ko siya sa'yo pagkapanganak. I never had the chance to
redeem myself as her mother."

Napakagat ako ng labi. Habang patuloy ang usapan ay mas lalong sumasakit
ang ulo ko. I touched my tummy and clenched my fist. I should be in
denial but everything. . . knowing these things made me realize all of
it.

The first time Javier and I saw each other, may something sa mga mata
niya. And when I thought he was too touchy, he was just trying to get to
know me. To win me back—like a father should do after years of not being
with his daughter.

And when Erica saw Vane the first time, she cried her heart out. Masyado
niyang inaalagaan si Vane and while I was observing it, I thought it was
just because she wants him to accept her as the step mom. I didn't know
there was more to it than that.

She was winning his heart to be accepted as the real mother.

It all made sense.

Niyakap ako muli ni Erica. "I'm sorry for hiding this to you," Erica
whispered. "Sasabihin naman namin but not today, or tomorrow. Javier kept
on insisting pero hindi pa ako ready."

"Kailan pa?" I asked, tears falling.

"After your graduation? After Vane calms down?"

Mas lalo akong umiyak. "S-Sorry for crying," I said, trying to stop
myself. "I'm just—I'm just happy, that all along." I looked at Javier and
smiled. "All along, totoo pala ang pamilya natin."

"You'll hate me for this. You'll despise me. I'm sorry I wasn't thinking.
Kasalanan ko ang lahat."

"It's okay Ma," I whispered. "Everything is okay."


Kumalas ako sa yakap ni Erica. Erica looked at Javier then me.
Pinipigilan ko ang pagtulo ulit ng mga luha.

"Paano na si Vane?" she asked.

"I'll try to talk to him," Javier said. "And knock some senses in his
brain."

The night ended with Erica asking for my forgiveness. I told her it's not
her fault. . .and it's the right thing. She kept on thanking me
afterwards. I locked the door of my room and tried googling something I
never thought of searching.

Abortion in the Philippines

Ilang araw na pero sa tuwing gumigising ako, sumasakit ang mga mata ko. I
couldn't open my eyes that quick. Hindi na kasi natanggal masyado ang
puffiness at redness ng mga mata ko. Sa totoo lang, wala na akong balak
pumasok — gusto ko na lang matulog pang habang buhay pero may dapat akong
puntahan. And I still have my last exam for being a student.

Sana lang ay may masagot ako.

We were quiet over breakfast after that incident, me, Javier and Erica.
Nang magkatinginan kami ni Erica, she smiled at me kaya ngumiti rin ako.
But the smile I gave made my heart break. Feeling ko lahat ng tao
nasasaktan ko sa bawat kilos ko. So I stayed still for the past few days.
I stayed invisible for the rest of my day hanggang sa school.

"Hello class, Mr. Aceveda is not here kaya ako ang magfafacilitate ng
exam niyo," Ms Takano said in our history class.

Nagbulong-bulungan ang mga tao sa paligid. I tried calling Marco pero


hindi niya sinasagot. Nahuli pa ako ni Miss Takano. I wanted to get mad
at her pero pinigilan ko na lang. Kaya the whole exam, sobrang
naguguluhan ako sa nangyayari.

"Hey bitch," Jill said after exam.

Walang gana akong lumingon sa kanya. She smirked at me.

"Oh, problema mo pwera sa pagkatao mo?" I asked.


Kumunot ang noo niya. Mas lalo siyang ngumisi. "Ikaw, problema mo pwera
sa kalandian mo?"

Inirapan ko siya. I don't have any strength to fight. Baka sukahan ko


lang siya if ever. Tinawagan ko ulit si Marco and texted him where he is
pero wala pa ring reply so I decided to eat after school. Akala nga ng
waiter may hinihintay akong iba pero may pagtataka sa mata niya nang
bayaran ko ang kinain kong pangdalawang tao.

Well, basically — medyo pang dalawang tao nga ang dapat kong kainin.

May tumawag na unknown number sa akin dahilan ng kaba ko. I thought it


was the person I need to meet pero pagkasagot ko ng tawag, ibang tao
pala.

"This is Sarah Kerl, Mr. Valentine's secretary. Is this Sinteya Yeo?"

Kumunot ang noo ko. "Yes?"

"Ah, Ms. Yeo — I just want to ask if you know where Mr. Valentine's
sister went? Unica Fae Valentine?"

"Si Unica?"

"Yes, Ms. Yeo. She's gone for days and my boss wants to know if you knew
where she went? Is she with you po?"

"Wala, actually hindi ko rin siya ma-contact at hindi rin siya pumapasok
sa school. May nangyayari ba?" I asked, my heart beating faster.

Magsasalita na sana ang kausap ko pero biglang nag-ingay sa kabilang


linya. I heard a guy's voice then Sarah Kerl's. A few seconds later, the
call ended that made me nervous.

I tried calling Unica after pero naka-off pa rin ang cellphone niya kaya
I decided to go to her condo. May nakasalubong akong lalaki na pamilyar
pagka-drop off ko sa floor ng condo ni Unica. He was so familiar na nag-
click ang lahat nang makarating ako sa tapat ng pintuan ng condo. It was
Gardo! Naaalala ko ang mukha niya dahil sa picture na pinakita ni Unica
habang inaasar si Ate Nena.

"Sinteya!" Ate Nena greeted me with a smile. Tumingin siya sa paligid


before pulling me inside the condo. "No'nes followin' yah?"

Kumunot ang noo ko. "As far as I know, wala naman."


Tumango-tango si Ate Nena. Pinaupo niya ako sa sofa at pinagdalhan ng
juice at makakakain. As much as I want to decline, kumain pa rin ako.
Umupo siya sa tabi ko habang tinititigan akong kumain kaya tumigil ako.

"Don' stop eatin'!" she said.

"Nasaan si Unica?" I asked.

Tumango siya. "She'z waitin' fo' yah to drop by hirr', told me to call
her when yoh hirr,"

"Ano bang nangyayari?"

"She run 'way, Sin."

Nanlaki ang mata ko. "What? Saan? Bakit?"

"'Coz Madam's hirr," Ate Nena said. May kinuha siyang phone na mas high-
tech pa ata sa akin and dialed a phone number. Nakatingin lang siya sa
akin habang naghihintay sa kabilang linya. Nanlaki ang mata niya at
ngumiti. "'Nics, Sin's hirr! Okay."

Binigay niya sa akin ang phone and the first thing I heard was Unica's
deep voice saying, "Sinteya!!"

"Where the hell are you?" I asked.

Naiilang ako sa titig ni Ate Nena kaya umayos ako ng upo. Narinig ko ang
tawa ni Unica sa kabilang linya at mukhang may kinausap pa siya. "Ito,
umalis."

Kumunot ang noo ko. Kinabahan ako bigla and remembered the ultrasound.
Hindi na ako nakapagpigil nang bigla kong natanong ang, "buntis ka ba?"

"Huwat?!" Ate Nena's reaction.

"Ha? Saan galing 'yun?!" natatawang tanong ni Unica. "Gaga. Virgin ako,
ano 'yun, Mama Mary lang ang peg? Virgin Unica? Nag-self reproduce?"

"Nics' pregnant? Naunahan pa ako?!" sigaw ni Ate Nena.

Nakahinga ako nang malalim and for a moment, I felt my heart lifted up a
bit. Tumawa rin ako kahit hindi masyadong abot sa kasiyahan.
"Tinawagan ako ng secretary ng kuya mo," sabi ko.

"Si Kuya? May secretary? Baka sex-ytary?"

Tumawa ako. "Sira. Hinahanap ka kasi sa akin."

"Sinong kuya?"

"Basta, si Mr. Valentine," I said.

"Baka si Kuya Uriah, ayaw natatawag ni Kuya Ulysses na Mr. Valentine


siya," react ni Unica. "Ansabe mo?"

"Nasa beehive, nagse-self reproduce at kino-conceive ang susunod na


Mesiah," natatawa kong sagot.

I earned a laugh from her. "Leche ka. Basta, hayaan mo na. Nakapatay kasi
phone ko, nag-so-soul searching—ay teka, lalayas na ako. Okay ka lang ba?
Kailangan mo ng makakausap kasi baka miss mo na ako? Or something. .
.happened?"

Ngumiti ako at napakagat ng labi. "I'm okay."

"Ayos!" then I heard a noise from the other line. "Teka naknamputspa, ito
na!" sigaw ni Unica sa kasama niya siguro. "Oh, alis na ako. Huwag kang
magkukwento sa iba kung hindi sa akin lang, ha! Goodluck kay pa-virgin!"

The few minutes of talk me and Unica had made my emotion lift up a bit.
Pero pagkatingin ko sa cellphone ko at nakita ko ang isang text message
from the person I needed to meet, mas naging mabigat ang loob ko.

Ms. Yeo, meet po tayo sa taas ng walls, I'll be on red jacket po na may
nakasulat na NEVER DIE. Thanks. :)

Kinakabahan ako. I never get so nervous meeting a person in my entire


life as much as this. Parang sa bawat hakbang ko palapit sa Walls,
sumasakit ang lahat sa akin. The inside of my stomach is protesting.
Gusto kong tumakbo pero hindi ko na nagawa nang makita ko ang isang babae
ng naka-red jacket. She's a lot older than me - pero mukhang hindi
lalagpas ng thirty ang age.
Nanginginig akong lumapit sa kanya. She smiled at me which I returned.
Tumingin siya harap, trying to not be too suspicious. Maraming nakatambay
sa taas ng walls.

"Lakad tayo?" she asked me. I followed her.

Naka-ilang minuto rin ang paglalakad namin hanggang sa napunta kami sa


dulo ng walls. Mula sa jacket niya, naglabas siya ng isang pouch bag at
binigay sa akin.

"Nandyan ang lahat ng kailangan," she said. Nanginginig kong inabot 'yon
at nilagay sa bag. I gave her the money. "May instructions na rin. Pwede
ka tumawag sa akin for clarification."

"Will it hurt?" I asked, trying to get my words out of my mind.

Ngumiti siya. "At first."

I kissed Erica's cheek pagkauwi ko ng bahay. Kumuha ako ng tubig and went
straight to my room with my bag. . . na ang laman ay ang pouch bag na
binili ko. My hands were trembling as I opened the pouch bag and pills
were there with a note. Inintindi ko ang nasa note habang ang puso ko ay
parang gusto nang sumabog.

Kumuha ako ng isang white pill na hexagone ang shape. The note says it's
a medication for labor and to induce abortion. This is the first pill I
need to swallow at para akong mamamatay when I put it inside my mouth,
over my tongue. Pinakiramdam ko ang pill. Nanginginig pa ang bibig ko.
Pumikit ako nang mariin bago kinuha ang baso gamit ang nanginginig kong
kamay. I just need to drink this. . .

Then it will start.

Tulo na nang tulo ang luha ko habang hawak ang baso ng tubig. I heard
Erica's voice at ang TV pero nabibingi ako sa tibok ng puso ko. Nahihilo
ako at sumasakit ang lahat sa akin.

I want this to all stop now. I want to stop.

My mind was blank. I couldn't think straight.

Drink it, Sinteya. Just drink the hell out of it and everything will go
back to normal. And this will just be like a bad dream for you. No one
will get hurt after this.
Inilapit ko ang baso ng tubig sa bibig ko. I only need to tilt it upward
and water will gush down together with the pill in my stomach. Ganoon
lang kadali pero bakit. . .bakit napaka hirap gawin?

I was still crying when I touched my stomach and tried to feel it. Wala
pa. . . wala pang nabubuo. It's just a heartbeat. The woman said there
will no side effects afterwards. Magkakaanak pa rin ako after. Parang
wala lang talaga. I can start again after this. I can get a baby's
heartbeat again after.

Nagsearch na rin ako tungkol dito. Masakit sa una, okay naman na sa


susunod. I'll be back on living my life again. I'll be okay again. I'll
be okay. . . after doing this.

I kept on convincing myself.

Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog. Sir Marco's face showed up.
Mas lalo akong kinabahan at mas lalo akong pinapatay on the inside. Hindi
ako makapag concentrate so I turned off my phone.

I can almost taste the bitterness of the pill that made my stomach churn.
It's already reacting kahit wala pa akong naiinom kaya mas lalo akong
naiyak.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko nang iluwa ko ang pill sa baso ng


tubig. Bago ko pa mabasag ang baso ay tinabi ko na ito agad. Napaupo ako
sa lapag, my head resting on the side of my bed as I was clutching on my
baby. On my baby's life. Tiningnan ko ang pill na nalulusaw sa tubig at
pumikit.

Pinipilit kong hawakan ang tiyan ko as if I could touch my baby inside.


It's still just a heartbeat but I couldn't do it. I can't. Kahit
heartbeat pa lang siya, parang mamamatay ako kapag pinatay ko siya.
Kinuha ko ang litrato ng ultrasound niya sa drawer ko and my tears burst
again and again and again just by looking at it.

What were you thinking, Sinteya?

I'm sorry Erica. I'm sorry, Javier. Vane. . . Lourd Marco Aceveda, I'm
sorry.

"I'm sorry," I cried and kissed the picture. I laid down on the floor,
still clutching my tummy. My baby. My most precious one. "I won't think
of harming you again. I'm sorry, Baby Yeo."

____
Kalma, pips! Kalma!

Again, huwag masyadong spoiler sa group para hindi unfair sa ibang


readers. :>

=================

Ngptkso 47

Ngptkso 47 // Lourd Marco Aceveda

Living my life in sin was the best thing that happened to me. . . or so I
thought. But having this baby inside of me, a product of my temptation
after having sinned — may not be the best thing right now — but I'm sure,
it will be worth it.

Binawi ko ang lahat ng pagkukulang ko the past few weeks. Nagpa-doctor


ako at nanghingi ng mga dapat gawin at kainin at inumin to let the baby
remain intact inside me. I was crazy when I thought of disposing it will
be the best idea ever. Dahil nang isipin ko si Erica, hindi naman niya
ako pinalaglag.

I was an unwanted child, but Erica didn't treat me like one. Simula nga
nang magkita kami ay hindi na niya ako pinabayaan. As for Vane, I don't
know what happened to him and Javier. Alam kong may pinagdadaanan din
siya — kaya siguro pinaplano ni Javier na pabalikin ng America si Vane.

"Siguro ka ba rito?" Erica asked Javier over dinner.

Huminga nang malalim si Javier. For the few days, mas kapansin-pansin ang
stress sa mukha niya dahil sa laki ng eyebags at guhit sa noo. Mas
napapansin ko rin ang pagkakapareha namin — stressing to my mind that he
is my real father.

"Ito lang ang naiisip kong paraan."

Erica held Javier's hand. . . and that gesture made me want to cry for an
unknown reason. Mas tinakpan ko ang tiyan ko ng malaki at maluwag kong
shirt.
"Hindi kaya magalit siya ulit? Mas magrebelde?"

"He's eighteen. Rebelde talaga siya kahit saang anggulo tingnan."

"Paano ang baby niya?" Erica asked. Parang may kung ano akong naramdaman
sa tiyan ko. I calmed myself. I just need to be quiet. "Kilala mo na ba
kung sino 'yung babae?"

Javier looked at me that made me nervous kaya dumiretso ako ng tingin sa


pagkain ko. I heard his sigh kaya napapikit ako.

I made the choice not to tell them. Especially Vane.

Para saan pa? Para mas gumulo?

No, thank you. I can handle myself.

Incest. Kadiri. Taboo. I don't care anymore. With or without defection,


I'll love my baby.

"He's not talking," Javier said with a serious voice. "Ned's always like
that. Keeping his life a secret to me. Mabuti nga at naging close sila ni
Sinteya."

Natigil ako sa pagkain. I can sense that Javier's looking at me kaya nag-
angat ako ng tingin. Nakatingin sila ni Erica sa akin. I just smiled.

"Kain ka pa," Erica said as she looked at my almost empty plate. Kinuha
niya ang ulam malapit sa kanya at ibinigay sa akin. "Mukhang gutom ka
lagi."

"Sumasarap na kasi ang luto mo," nakangiti kong sabi that made her smile
a lot more.

I can't let that smile go just because of what I've done.

"Wala bang nakukwento sa'yo si Ned, Sin?" Javier asked.

Malalim ang hinugot kong paghinga bago sumagot. "Paanong kwento?"

"Any girl?" taas kilay niyang tanong. "Babaeng lagi niyang kasama? We
should contact the girl he got pregnant. Nang masustentuhan kahit
papaano."
"You'll do that?" Erica asked Javier.

Pumikit si Javier at umiling. He sighed again, looked at me then at


Erica. "His baby is our grand child. The baby doesn't deserve the cruel
world."

Kumurot ang puso ko sa sinabi ni Javier. Ngumiti ulit ako and all I could
answer is, "wala akong maalalang babae ni Vane na tumatak talaga."

I always lock the door of my room, now that I have a lot of things to
keep. Nandito ang mga vitamins na kailangan ko inumin at kailangan ko rin
mag-exercise para hindi mapabayaan ang health. May stock din ako ng
chocolate. I asked Erica to buy me a small fridge — which Javier bought.

I was feeling a lot better.This made me realize what a good decision this
is for my life.

Nakahiga lang ako sa kama, nagpapaantok nang may tumawag sa phone ko. At
first I thought it was Marco, matagal din kasi niya akong hindi kino-
contact but I was surprised to see Marco's Ate on the screen.

"Hello?" I answered.

Napapraning na nga siguro ako dahil panay babaeng umiiyak ang tumatawag
sa akin. Ate's crying at hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Si Coco. . . "

"A-Ano 'yun, Ate?"

She sobbed again before saying, "may nababanggit ba siya sa'yo?"

Kinabahan na ako sa pwede kong marinig. "Wala. Anong—"

"Nagpadala ng letter dito sa Isabela 'yung Univ, Sin." Her next words
made my world stop. "Under surveillance siya dahil sa isang issue. Malaki
ang chance na patalsikin siya sa trabaho."

"Issue?"

"Walang nakalagay na details, Sin. Ano ito? Nakikiusap ako, kausapin mo


si Coco. Hindi niya ako kinakausap."

Paangat pa lang ako, lumagapak ulit ako sa ibaba. Everytime I try to fix
my life, in a moment, everything becomes a mess again. I called Marco
pero hindi siya sumasagot sa tawag. Instead, he just texted me 'goodluck'
sa gawain ko sa school.

The next day, kahit wala pa akong balak pumunta ng school ay nagpunta
ako. Dumiretso ako sa faculty, hinanap kung nasaan si Marco. Nakita ko
ang ilang professors na nag-uusap at nag-chichismisan and when they saw
me, they suddenly stopped talking. Kinutuban na ako kaya dumiretso ako sa
nasa gitna ng grupo na 'yon.

"Miss Takano," I called her.

"Yes?" she smiled at me.

Tumingin ang ilang professor na malapit sa amin. Mukha akong kalmado sa


labas pero gusto kong manakal sa loob-loob ko. Her face still looks like
my nail.

"Si Sir Marco?" I asked.

Napansin ko ang tinginan ng mga professor as if they knew something kaya


mas lalo akong nainis. Did this shit tell the school? I wanted to know.
Pero what if she don't know anything? Gulong-gulo ako nang mawala ang
ngiti ni Miss Takano.

"Kausap niya si Dean ngayon," she said. "Tungkol sa issues. . ."

Hindi na nakapaghintay ang 'bye and thanks' ko kay Miss Takano dahil
umalis kaagad ako. Lakad-takbo ako papunta sa floor ng Dean's office and
stopped when I saw him — looking a lot more serious than before. May
kumakausap sa kanyang isang professor habang patingin-tingin sila sa
pintuan ng Dean's office.

Nagtago ako sa likod ng pader. Nanginginig ang kamay kong tinawagan siya
sa phone. He didn't answer kaya hindi ko siya tinigilan hanggang sa after
a few minutes, sinagot niya ang tawag.

"Hey!" His voice was ecstatic but a hint of something more than
'happiness' made my heart twist. "Bakit ka napatawag?"

Tumingin ang ilang estudyanteng dumadaan sa harap ko dahil para akong


sira na nagtatago. Huminga ako nang malalim and tried to smile, kahit
hindi naman niya nakikita 'yun.

"Just checking. Saan ka?"

A little pause. "May pinuntahan lang tapos pauwi na."


"Saan?" Mas lalong lumalakas ang kaba ko.

I heard him chuckle. "Kapag sinabi ko, hindi na surprise."

Pumikit ako at sinandal ang ulo sa pader. "Anong surprise?" halos


pabulong kong tanong.

"Mr. Aceve—" It was the Dean's secretary's voice. Mabilis na nag paalam
sa phone si Marco sa akin. Sumilip ako sa may office, naiwan na lang ang
professor na kausap ni Marco sa labas.

Kinakabahan akong lumapit doon. Nakasalubong ko pa ang professor na


nakatingin sa akin at ngumiti. Hindi ko magawang ngumiti nang maayos kaya
baka ngiwi ang naging itsura as I half-ran papunta sa office. Kumatok ako
nang isang beses at nagbukas 'yon.

"Yes?" the secretary asked.

"Nandyan po ang Dean?" I asked.

Kinakabahan na talaga ako. . . this should not be happening. Kaya ba niya


ako niyakap last time? Telling me I'm worth it? I clenched my tummy and
breathed.

"May kausap siya eh. May schedule ka ba sa kanya ngayon?" she asked.

Umiling ako. "Wala po, pero importante po kasi."

Tumingin sa loob ang secretary tapos sa akin. "Okay lang bang maghintay
ka?"

"Oo," mabilis kong sagot.

Doon lang binuksan nang malaki ang pintuan para papasukin ako. The office
of the Dean is right in front of me. Naka-lock 'yon at may nakasulat na
'on meeting' sa pinto. I sat on the sofa while the secretary got back to
her desk and started to work again.

Every click, every type and every tick-tock of the clock made me realize
that life is much slower when everything is painful. Pakiramdam ko sa
bawat segundong lumilipas ng pag-upo ko ay may desisyon si Marco na hindi
dapat gawin. He's just in that room with the Dean, maybe talking. .
.maybe someone gave him away. Maybe something happened then. . .then. .
.the school found us.
But there's no us. Walang kasalanan si Marco. How can they fire him?

"Ang tagal no?" the secretary said out of nowhere. Tumingin ako sa kanya
nang mag-type siya sa computer niya at tumingin sa akin. "Issue kasi, eh.
Grabe 'yun, kay Mr. Aceveda."

"Issue. . ." there it is again. I tried to get my charm and smiled at the
secretary. Lumapit ako sa kanya at naupo sa may table niya at nagtingin-
tingin. "Absent nga ako nung nangyari 'yun," I said — kahit wala akong
naiintindihan. "Ano ba 'yung chika sa kanya?"

"Kilala mo siya?" she asked. I nodded. "May karelasyon daw si Sir


Aceveda, estudyante."

Napakuyom ako ng kamay sa narinig ko. "Karelasyon? Paano nalaman? I mean,


maraming chika pero 'yung totoo?"

"May tumawag kay DJ Andro na mukhang may alam," the secretary said.
"Nilaglag si Sir Aceveda. Kaya tinigil muna ang radio booth."

Naghalo-halo ang nararamdaman ko sa narinig ko. "Umamin daw ba?"

"Sino? Si Sir?"

"Oo?" I asked.

Nagkibit balikat siya. "Not sure, oo ata."

Pumikit ako nang ilang sandali bago huminga nang malalim. Kahit may
aircon sa loob ng kwarto na 'to, nag-iinit pa rin ang buong paligid.

"Umamin siyang may karelasyon siya na estudyante?" I asked. She nodded.


"Sino raw?"

"Hindi sinasabi," the secretary said. Hindi ko alam kung tama ba ang
ginagawa ng secretary na sabihin sa akin ang mga ito pero I want to thank
her for shedding me some light. "Pero ang chika, graduating student. May
picture, eh. Sinend sa amin."

"What picture?"

Pinakita sa akin ng secretary ang picture. . .and my knees started to get


weak because of the familiar place, familiar face and familiar situation.
It looks like a normal picture kung hindi naka-uniform ang babae. Kung
hindi lang ako naka-uniform and if my hands not intertwined on his. Side
view ang kita kay Sir samantalang medyo patalikod na sa akin, only a few
percent of my face can be seen.

Tiningnan ko ang secretary na tumingin sa akin at binalik ang tingin sa


picture. Lumayo ako at napatayo nang biglang nagbukas ang pintuan ng
office ng Dean. I saw Marco's back na kausap pa rin ang Dean. Huli na ang
lahat para makapagtago nang makita niya ako at nanlaki ang mata niya.

"Sinteya," he first said.

Tinitigan ko siya sa mga mata, trying to ask him why is he doing this?
Words wouldn't come out. Siguro dahil alam kong may ibang tao rito and
once I talk, mas lalong lalala. Lalapitan sana niya ako pero nginitian ko
siya.

"Sir Marco!" I greeted him. "Nandito ka pala? Kakausapin ko sana 'yung


Dean," tuloy-tuloy kong sabi. Hindi na ako tumingin pa sa mata niya at
dumiretso sa office ng Dean at ni-lock ito. Mukhang nagulat ang Dean sa
biglaan kong pagpasok and I heard Marco's knock on the door.

"Yes?" the Dean asked with an arched brow. "How can I help you?"

Lumapit ako sa desk niya at pinatong ang dalawa kong kamay doon. I don't
know why the hell my tears started to fall when my knees started to
wobble as I said, "please don't fire him."

Paulit-ulit sa utak ko ang litrato. Who the hell took that picture?

"Huh? Miss, anong—"

Tulo nang tulo ang luha ko habang nakatitig sa mga mata ng Dean. "Hindi
niya kasalanan, Ma'am. Sir Marco. . . don't let him go. Kailangan siya ng
university. Kailangan niya ang trabahong 'to."

"What are you sayi—"

"I'm the girl in the picture," I said. Napaupo ako sa upuan at hinawakan
ang kamay ng Dean. "Hindi si—ako ang may kasalanan Ma'am," I cried.
"Please, nakikiusap ako. Don't let him get fired."

"You're the stud—"

"You can expel me from school. Kahit i-sinco niyo ang lahat ng grades ko.
Kahit hindi ako grumaduate, Ma'am, please, I'm begging you." Hinigpitan
ko ang hawak sa kamay niya at mas lalong umiyak nang yumuko ako. "He
doesn't deserve this."
Halos mamatay ako nang ilayo ng Dean ang kamay niya sa akin. Tumayo ako,
handa nang lumuhod when she stood up and stopped me. Ngunit nanghihina na
ako. Napaupo ako sa sahig, crying my heart out as flashbacks of Ate, and
her smile, and Marco's smile and that kid, Sammy. All of them — lahat
sila, hindi nila deserve ito.

And it's all because of me.

How can you be such a mess, dragging the guy you love into the war you
started and losing, Sinteya?

"Miss." The Dean tried to calm me down. Tinulungan niya akong makaupo sa
upuan. She even gave me water to drink. "I can't do anything about this."
May kinuha siyang papel sa table niya. "This is his resignation letter. I
told him I can help him with this teacher-student issue pero mag-re-
resign na raw talaga siya."

I tried to calm down and kept quiet. Gusto kong magmakaawa but the look
on the Dean's face made me realize that it's final. Gusto kong punitin
ang resignation letter ni Marco. Gusto kong sunugin. Itapon.

Lumabas ako ng Dean's office nang nakatingin sa akin ang secretary,


trying to figure me out. I smiled at her — she smiled in return. Tahimik
akong lumabas ng buong office when I stopped and saw Marco waiting
outside.

Lumapit siya sa akin pagkakita niya. We stayed quiet for a bit until his
hand slid on mine and intertwined it, letting the school see. Pinipilit
kong tanggalin ang kamay niya pero mas hinigpitan niya ang hawak. He
dragged me outside hanggang sa kotse niya. He started driving as tears
started to fall again from my eyes.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" I asked. "You're resigning."

I saw him smile before answering, "hindi na surprise kung sasabihin ko."

Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa steering wheel. "Don't."

He smiled again. "Why not?"

Humigpit ang hawak ko sa kamay niya. "I'm not worth it."

Hindi niya binitawan ang kamay ko nang iangat niya 'yon at hinalikan ang
singsing na suot ko. He looked at me and smiled as he did that and my
heart melted. How can a guy like this exist in this world full of
bullshit like me?
"Where do you want to go?" he asked as if nothing happened. "Gutom ka
ba?"

Marco's trying to get the issue out of my mind. Pinipilit niyang ibahin
ang atmosphere. Trying to get a smile from me. Ngingiti ako. . .pero
babalik ako sa idea na ginawa niya 'yon dahil sa akin. Paano na ang ate
niya? Ang pamangkin niya?

Hinawakan ko ulit ang tiyan ko. The deed was romantic . . . lalo na kung
hindi sa buntis na babae niya ginawa 'yon. Not for me. No, Marco. Never
for me.

Pagkatapos kumain, naglakad-lakad kaming dalawa habang ang isip ko ay


kung saan-saan nagpupunta. Will I tell him? Should I tell him? There's a
big chance he will still accept me and the baby. Then what? I'll just
make his life miserable.

But there's a chance he'll get mad. . . and he'll leave me. As much as I
don't want him gone, it's the best for him. It's the best that his life
is not connected to mine.

Sumasakit na ang ulo ko sa iniisip ko at hindi na rin nakakatulong ang


light headedness na nararamdaman ko. Naramdaman ko ang paghawak nang
mariin ni Marco sa akin nang unti-unti ay naramdaman kong bumagsak ang
katawan ko. I heard his voice calling me pero nanlabo na ang lahat sa
akin.

Hindi na bago nang magising ako at nasa hospital room ako. Mabilis ang
paghawak ko sa tiyan ko, trying to know if the baby's still with me or
not pero hindi ko mawari. Wala namang masakit sa katawan ko o kahit ano
pa man. Tahimik ang buong paligid. Walang dugo.

Is my baby safe?

Napalingon ako sa pintuan nang magbukas 'yon at tumambad si Marco nang


seryoso ang mukha. Napatingin ako sa mga dala niya na supot bago ko
binalik ang tingin sa mata niyang nakatingin sa akin.

I felt my heart stopped working when I saw his eyes glistened as he


looked at me, then to my hand above my tummy. Huminga siya nang malalim
at binaba ang mga dala niya sa lamesa. May kinuha siya sa plastic na
gamot at lumapit sa akin na may hawak ding baso ng tubig.

"Marco—"

He was trying to smile but failed miserably as he said, "you must take
care of yourself, Sinteya."
Humigpit ang hawak ko sa kumot na nasa tiyan ko. Tiningnan niya 'yon at
nag-iwas agad ng tingin. Nilapag niya sa side table ang hawak na gamot at
baso.

Words won't come out of my lips. I just looked at him swallow hard. Tears
started to flow from my eyes. Pumikit ako habang pinapatay ako ng bawat
tibok ng puso ko. Sobrang bilis na sumasakit na ang dibdib ko. Tiningnan
ko siya muli at nakita ko ang pag-igting ng panga niya.

He's mad. . .I know he is. I wanted to say I'm sorry. . . but I can't
find my voice.

"Nine weeks. . . six days," he whispered.

Tulo nang tulo ang luha ko dahil hindi niya ako magawang hawakan. I know
what's inside his mind. He thinks I'm disgusting. A whore. A bitch or a
ho. Or all of it. And it pains me knowing that I am a great example of
those words. He must be thinking I'm a big joke. . .and everything, his
sacrifices. . . his feelings, balewala lang ang lahat.

Nakatingin siya sa kamay kong nakapatong sa tiyan ko. Mas nakita ko ang
galit sa mga mata niya. Kumuyom ang kamao niya. "Aalis muna ako."

Tinakpan ko ng kamay ang mga mata ko pagkalabas niya at pinigilan ang mga
luha sa pagtulo. Pero hindi ito tumigil. Hindi rin tumigil ang sakit.
Hindi rin tumigil ang katotohanang I'm still the girl I was before.
Trying to live life as if everything is okay when it's not.

I was always into the rush. . .but now that I'm trying to put things
together, everything's rushing to fall apart.

=================

Ngptkso 48

Ngptkso 48 // Eddard Vane Yboa

Maybe, this is our goodbye without saying goodbye. Without saying any
word. Without even breathing. And I don't blame him one bit when he left
me on that hospital room. Mas masaya na ako na siya na mismo ang umalis.
It will be better than me shooing him away. Cause it will break me if I
did.
Gusto ko tawagan si Unica and cry on her shoulder but I can't. I know she
has a big problem too regarding her mom kaya siya MIA at ayaw kong
mamroblema rin siya dahil sa akin. That will be too much.

"You look stressed." Erica tucked some strands of my hair behind my ear.
Hinawakan niya ang eyebags ko at minasahe ang noo ko. "Graduation pa rin
ba dahilan n'yan?"

I smiled. Ito na lang ang kaya kong gawin para takpan ang lahat ng sakit.

"Erica," tawag ko sa kanya bago pa siya bumaba. Lumingon siya sa akin,


nagtataka ang mukha. "Pwede bang. . ."

"Hm?"

"Hindi na ako mag-martsa?"

Kumunot ang noo niya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko.
"Bakit? Anong nangyari?"

Gusto kong iiwas ang tingin ko dahil namumuo na naman ang luha sa mata
ko. She stared at my eyes. Naiilang na ako. "Uhm, wala. Parang. . ."

Hindi ko na napigilan ang pagtulo nang luha ko kaya nag-panic si Erica.


Pinipilit niyang punasan ang mga luha ko. She hugged me which made me cry
more.

"Kailan mo ba sasasabihin sa akin nangyayari sa'yo?" she asked me. Mas


humigpit ang yakap niya sa akin. "I'm still waiting for you to need my
help."

If I can just tell Erica what happened - I will. Pero alam kong
masasaktan lang siya nang sobra kapag sinabi ko. Ang pagbubuntis - lalo
na ang pagsabi kung sinong ama. So I stayed silent. Hindi naman na niya
ako pinilit at niyakap lang ako nang ilang minuto.

The next day, naririnig ko ang boses ni Javier sa ibaba na sumisigaw and
I know for sure that he's talking to Vane. Lumabas ako ng kwarto.
Javier's on the phone.

"Sasabihin mo lang kung sino ang babae kahit huwag mo na panindigan. Ako
na ang aako sa pagkakamali mo!" Javier shouted.

My stomach twisted in pain at parang gusto kong masuka kaya dumiretso ako
sa CR para ilabas ang lahat. Tumutulo ang luha ko and I don't know why.
Maybe because of Javier's voice? Maybe because he's trying to fix Vane's
mess? And what if malaman niyang may something din sa akin?
Doble-doble na sigurado ang sakit sa kanya.

Lumabas ako ng CR at napaangat ang tingin ni Javier sa akin. I smiled but


he didn't return the smile. Bumalik siya sa pagkausap sa phone.

"Bumalik ka ng New York nang tumino ka ulit. Oo! Bukas din!" a little
pause. "Mabuti naman at susunod k-binaba."

Umupo sa sofa si Javier at minasahe ang noo pagkatapos ng tawag. Gusto


kong tumakbo palayo but my feet started to went downstairs and walked
towards him. Umupo ako sa tabi ni Javier, not moving when he looked at me
and sighed.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya."

Pinatong ko ang kamay ko sa balikat niya. It feels strange knowing he's


my real father. Ang dami kong gustong itanong sakanya pero isa lang ang
lumabas sa bibig ko.

"Why do you want to know Vane's girl?"

Hinilamos na muna niya ang mukha gamit ang kamay bago sumagot. "To fix
everything, Sin. Can you do me a favor?"

"Hm?"

"Itanong mo sa kanya kung sino. All I need is the name."

I don't know why those words made me decide on things. The pleading voice
Javier gave me the push to correct the little things that can be
corrected. So I tried calling Vane's new number the next night. Noong una
ay hindi pa niya sinagot pero pagkatapos ng ilang tawag, mas kinabahan
ako nang sumagot na.

"S-Sinteya," and it was a girl's voice.

"Sino to?"

"Sinteya. . ." and she's crying.

"Anong-why are you-"

"Nakikiusap ako," she cried. "Si Vane, tulungan mo si Vane."


"Nasaan kayo?"

"Condo."

Kahit gabi na, dumiretso ako sa condo ni Vane. Nakita ko pa lang ang
building, parang gusto ko na umuwi ulit pero hindi dapat. Dahil kailangan
ko rin makausap si Vane. I texted Vane's number na malapit na ako pero
walang reply kahit 'yung babae. My heart wants to get out of my body when
the elevator tinged. Pagliko ko sa hallway, nanliit ang mata ko nang
makita ko si Vane na nakaupo sa sahig at nakasandal sa pintuan, hindi
kumikibo. Nag-panic ako. Akala ko kung anong nangyari sa kanya pero
paglapit ko, malakas ang amoy ng marijuana at beer sa kanya.

"Vane?" I tried waking him up.

Gumalaw lang siya sandali pero nanatili siyang tulog. So I searched for
his keys, thank the gods at nasa bulsa niya 'yon at pinasok siya sa loob
ng condo niya. He's murmuring things I couldn't understand and hell, he's
one heavy guy. Pagod na pagod ako nang ipasok ko siya sa kwarto niya.

Binalikan ko ang phone niyang nasa lapag sa labas kanina and saw an
unsent message na dapat sa akin. It says 'thank you sin please don't
leave vane' that made me wonder who the hell the girl is.

Nilapag ko ang phone sa bedside table ni Vane. Inalis ko ang sapatos niya
at inayos ang buhok niya nang bigla siyang dumilat. His eyes are red and
watery as he looked at me. And in a sudden move, he tugged me closer to
him and kissed me full in the lips.

I was in shock that I couldn't move.

"I love you, I love you, I love you," he kept on repeating in between the
kiss.

Nang matauhan ako ay tinulak ko siya pero pinipilit pa rin niya akong
ilapit sa kanya. "Stop it Vane, you're stoned."

I don't know where he got his strength as he dragged me down. O siguro


dahil nanghihina na ako. I was still pushing him away kahit na nakadagan
na ako sa kanya and he kept on kissing me.

"Bakit. . ." he whispered as his grip loosened. Napahiga ako sa tabi niya
dahil hindi na rin siya nagpumilit. His eyes were closed and I can sense
that he's not in the normal state of mind right now. "Bakit hanggang
ngayon sinasaktan mo pa rin ako?"
Namumuo na ang luha sa mata ko.I looked straight at the ceiling to not
let the tears fall. Lumingon ako sandali kay Vane. His eyes were still
closed but tears are already streaming from them. Nakakunot ang noo niya
at parang mas nasasaktan akong nakikita siyang nasasaktan.

"The wound you gave me." Mas dumidiin ang pagpikit niya. "How long will I
endure the pain?"

"Vane, what are you-"

Dumilat siya at tinitigan ako. Doon ko lang napansin ang pagtingin niya
na may familiarity. Pumikit siya at pinunasan ang mga luha niya. "Hindi
ko rin alam."

Naguguluhan na ako sa mga sinasabi niya. How can this happen? How can he
feel this way? How can I do this to him? Tumayo ako and he sat on the
corner of his bed, trying to balance himself. He didn't drag me down
again. Nakatingin lang siya sa akin as I spoke.

"Who's the girl you got pregnant?" I asked, trying not to choke on my
words.

Napansin ko ang pagkuyom ng kamao niya. "I don't know."

"Vane, please. . ."

Tumingin siya sa akin. Mula sa malabo at garalgal niyang boses kanina ay


mas naging buo na ito ngayon. "I said I don't know."

"Paano-"

"Pinadala sa condo ang litrato," he said as he closed his eyes. "Manang


saw it and gave it to Dad."

"You know-"

Kitang-kita ko ang inis niya nang hawiin niya ang buhok niya at tumingin
sa akin. "Why are you asking? Ano bang problema kung malaman mo o hindi?"

"I just-"

"You want to push me to the girl?" he asked and smirked. "Cause this is a
game for you, Ate Sinteya. Hindi ba? And game over."

"Vane," I whispered. "Magkapatid tayo."


Inangat niya ang tingin sa akin at kumunot ang noo niya. I want to know
what's inside his mind right now. Gusto kong malaman kung totoo ba ang
mga sinasabi niya. O nasasabi lang niya ito ngayon dahil sabog siya.
Dahil under siya sa marijuana.

But he didn't speak. So I did the talking.

"I've been a sinner since I was a kid, Vane. I don't want you to be like
this. You have a responsibility on the girl you got pregnant."

Umirap siya sa akin at tumayo. Muntik pa siyang mawalan ng balanse.


Lumingon siya sa akin at ngumisi. "Sinasabi mo 'yan dahil babalik ka sa
kalandian mong propesor."

Huminga ako nang malalim. "Hindi siya kalandian, Vane. Bata ka pa nga
para isipin mong kalandian ang pagmamahal."

Tumawa siya at naglakad palapit sa akin. "So you're the one preaching
now?"

Iniwas ko ang tingin sa kanya. Hinawakan niya ang magkabila kong braso.
"Wala ako sa tamang posisyon para sabihin ang lahat ng ito. I'm not the
best person in the world but I want to live my life right." Tiningnan ko
siya nang mataman sa mata. My eyes started to water as I said, "para sa
baby ko."

His grip loosened. His eyes widened. "B-Baby?"

If only I can turn back the time, Vane and I could be the best of friends
talking about nonsense stuff to pure intellectual. If maybe we could
rewind all the things we've done, we won't be this fucked up. Gusto kong
hawakan ang pisngi niya at humingi ng sorry. Paulit-ulit na sorry. For
the will to bring this baby out to see the world. And for the will to
keep this from him.

Nanatili siyang nakatayo sa harap ko as he looked at my stomach then to


my eyes. "Kaninong. . ."

"Don't let the other baby face the world without a dad." Hinawakan ko ang
kamay niya at pinakiramdaman 'yon. Naramdaman ko ang panginginig ng kamay
niya. "That girl needs you."

If only my feelings for him are more than lust, I would runaway with him.
Start a family and never look back. Kahit taboo. Kahit magkapatid kami.
But this is different. In just a span of few months, my love for my baby
is beyond the horizon. But the feelings I have for Vane is less than the
love I have for Marco.
Humigpit ang hawak ni Vane sa kamay ko. "Sino ang tatay ng dinadala mo?"

I smiled. "Does it matter? Malaman mo man o hindi, anong mangyayari? Will


that make everything fine?"

"Is that mine?"

Tumalon ang puso ko sa tanong niya. Gusto kong iiwas ang tingin ko but
that would let him know. That gesture will break the news to him. Instead
of looking away, I touched his cheek as tears started falling from my
eyes.

Forgive me for I will keep this. Forgive me for you will never know about
this. Forgive me for the lies I will make. Forgive me, Vane. . .but this
will be my fight. Alone. You have your own battle to win as well.

"I'm sorry. . ." and I don't know how he will decipher it.

"Akala ko ba pa-virgin si Sir Marco?" Hinawakan niya ang kamay kong


nakalapit sa pisngi niya. I can sense the anger in his voice. "Akala ko
ba . . ."

Pumikit ako at ngumiti. "Maraming namamatay sa maling akala. Muntikan na


nga akong mamatay. . ." noong akala kong magiging okay ang lahat.

Binitawan niya ang kamay ko at lumayo sa akin. Gumewang pa siya pagkaupo


sa gilid ng kama at yumuko. Ginulo niya ang buhok niya. He started
breathing heavily.

"Get out."

I didn't say another word as I left him in his room calling someone. I
know he won't understand everything today. But soon, he will. Soon, he
will understand that what I'm doing will keep the family together. Will
keep him from having another mistake.

I've been living my life in sin. I'm drowning from false and wrong
decisions. And I don't want him to be dragged in this hell with me. Too
much.

Hindi ko alam kung anong dahilan ko nang imbis na umuwi ay dumiretso ako
sa The Ultima bar. Hindi ako iinom dahil delikado 'yon sa baby pero
nagpunta ako doon for the music. The noise. And the people laughing and
drinking and just having fun.
Gusto ko mahawa sa kasiyahan nila kaya naupo ako sa may counter and
observed the people. I was trying to smile. Keeping my thoughts away from
the white lies I did just to lighten the damage. May ilang lalaki na
lumapit sa akin at nakikipagkaibigan. Lahat sila ay tinanggihan ko.

If I were the Sinteya before this, baka ngayon pa lang ay nasa kama na
ako ng lalaki at nakikipaglaro. But tonight - the game has ended.
Everything's different. And that made my mood lighter.

My phone vibrated and stopped on track on the unknown number's message to


me.

Let's talk.

Alam ko na agad kung sino 'yon. Gut feel. As much as I want to after what
happened. . . and hug him tight. It will be better if we do not even see
each other again.

Let's not.

He called. I blocked his number. This is for the better.

Kumain muna ako sa isang resto. Mula sa maingay na bar ay mas nakarelax
ako sa musika ng resto. Kumain ako ng tahimik. Kumain ako nang walang
masyadong iniisip. Kumain ako nang ang iniisip ko lang ay kung gaano
kasarap ang pagkain.

This feels nice.

Until an unknown number called me. Sinagot ko 'yon.

"Sinteya!" the male voice said.

"Sino to?"
"Si ano, uh, si poging Miko 'to. Kasi—" biglang napa-react si Miko at
kinabahan ako sa sunod na boses na narinig ko. "Why can't I call you?"

Pumikit ako at huminga nang malalim. "Sino to. . ."

"I can see you."

Napadilat ako at nilingon ang buong paligid. Sa isang sulok, I saw the
familiar face of Miko looking at me. Sa tapat niya ay ang lalaking ayaw
ko na sanang makita pa.

Umiling ako. "Can't get the hint I don't want you near me?"

Tumayo siya. Gusto kong tumakbo palayo para hindi na niya ako ma-corner
at baka mayakap ko siya at hindi na pakawalanan but that would be too
selfish of me. I heaved a sigh before standing up as he approached me.
Inoff ko na rin ang phone ko. Nalulusaw na ako sa titig niya kaya
tiningnan ko ang singsing na nasa daliri ko. Tinanggal ko 'yon at tinulak
sa dibdib niya.

"Hindi natutuwa ang ama ng baby sa singsing na 'to." Nasasaktan ako. Pero
alam kong mas nasasaktan siya.

Tinuon ko ang tingin ko sa kamay niyang kumuyom sa kamay kong hawak sa


singsing. Pinilit kong alisin ang kamay ko, and thank the gods, he let go
of me. But it hurts like hell.

Inangat niya ang mukha ko gamit ang daliri. Pumikit ako nang muntikan na
kaming magkatitigan. "Look at me."

Ngumisi ako at mas diniinan ang pikit. "Kapag nakikita kita, naiinis ako
sa katangahan mo. Worth it pala? Told you I'm not. I'm a bitch. Sana
ngayon alam mo na. Get your life back before I steal everything from
you." And before I ask you to stay by my side.

Tinanggal ko ang hawak niya sa akin at mabilis na tumalikod. I heard his


voice. Hinawakan pa niya ako but I shouted security para hilahin siya
palayo sa akin. I saw Miko look at me while Marco's being dragged
outside. I didn't look at them as I paid for my bill and went out of the
resto. Umuwi ako nang sinusubukan maging normal ang lahat.

Dahan-dahan pa ang pagbukas ko ng gate at pintuan para hindi ko magising


sila Javier at Erica. Pag-akyat ko sa kwarto, napaatras ako nang makita
si Erica na nakaupo sa kama ko. Inangat niya ang ulo niya habang hawak
ang mga vitamins na iniinom ko.

"Hanggang kailan mo isisikreto sa akin 'to, Sinteya?"


Nanigas ako sa kinatatayuan ako. I was dumbfounded. I know I need to tell
this to them but. . .not now. Hindi ako prepared.

Tumayo si Erica at niyakap ako. Her sniffs made my eyes water again.

"Bakit hindi mo sinasabi?" she asked. I can't answer. "This is all my


fault."

Kumalas ako sa yakap niya. "No, Ma. It's mine."

Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko at niyakap ako ulit. Mahigpit na


mahigpit na mahigpit. Her hug made me relax more.

"I'm sorry you're experiencing this, I'm sorry," paulit-ulit niyang sabi.
"Will you tell me who the father is?"

Pumikit ako at huminga nang malalim. Thinking about this and telling the
truth is making me sick a lot more. But I was surprised when I felt her
lips on my forehead before hugging me again.

"You know I'll respect your decision, Honey," she whispered that made me
cry harder. "But please, respect my decision to take care of you and the
baby."

"Thank you." I'm sorry for lying. "Thank you, Ma." But this is all for
the best.

=================

Ngptkso 49

Ngptkso 49 // Sinteya Yeo

"MOMMY!"

Lumingon ako sa batang sumigaw. Tumakbo siya patungo sa isang babae na


nakaupo sa tabi ko. Namumula ang pisngi ng bata pati na rin ang ilong
niya. Alam kong hindi dapat makyutan dahil umiiyak siya pero ang cute
talaga.

"Baby, anong nangyari?" tanong ni nanay. Pinakita ng bata ang daliri niya
na may maliit na cut. "Aw, sabi sa'yo huwag masyadong makulit, eh."
Hinalikan ng nanay yung daliri ng bata kahit iyak pa rin nang iyak. I
just looked at the boy. Tumingin siya sa akin at parang natigil dahil
nakatingin ako sa kanya. I smiled at him. Sumimangot siya at niyakap ang
mommy niya.

"Ilang taon na siya?" tanong ko sa nanay.

"Almost three."

Tumango ako. So ganyan pala ang itsura kapag almost three na ang bata.
Hindi pa rin tumitigil ang pag-iyak ng bata kaya pinatong ko ang kamay ko
sa ulo niya.

"You'll be alright kid, malayo sa bituka."

Lalong sumimangot 'yung bata. Natawa na lang ako.

"Ikaw, ilang months na?" the mommy asked as she looked at my big tummy.
"Mukhang seven?"

"Actually, malapit na ako."

"Really?" the mommy said. Tiningnan niya nang mabuti ang tiyan ko. She
asked if she can touch it, um-oo ako. "Kailan daw ito?"

"September, third week."

"Three weeks na lang." Tumango-tango siya. "Siguro maliit ka lang


magbuntis."

"Yeah." Tumingin ulit ako sa bata na umaayos na ang pag-iyak. Nakatingin


siya sa akin and I couldn't help myself but to smile when his small
finger slightly poked my tummy. Nang mapansin niya sigurong matigas,
bumalik siya sa pagyakap sa mommy niya.

Ang cute.

"Sinteya Yeo?" the nurse called.

Tumayo ako at nagpaalam na sa mommy at bata bago pumasok sa loob ng


clinic ng Ob Gyn. Nagsimula na ang ultrasound at kinakabahan ako sa pwede
kong marinig. Tinitigan ko ang doctor na nakangiti sa akin. I'm wishing.
. .I'm wishing the baby is okay.
Nang matapos, binigay niya sa akin ang picture at hindi ko mapigilang
hindi maluha. He's so big. Kumpleto na ang lahat sa kanya at ang gwapo-
gwapo niya.

"He's perfectly normal," the Ob Gyn said. "So I think ang next na
pagkikita natin ay kapag ready na si Baby sa mundo."

Tumango ako. "Yes. Thank you."

"Don't forget to drink and eat healthy, ha? Bawal tumalon! Baka maging
rabbit paglabas si Baby."

Tumawa ako sa joke ni Doktora. May kaunting kwentuhan pa na naganap bago


ako lumabas ng clinic. Nginitian ko ulit 'yung magnanay bago ako lumabas
na mismo sa building and felt the fresh air.

Hinawakan ko ang tiyan ko at ngumiti. "After all the heart aches,


everything's worth it. Thank you, Wint."

Tumigil ang kotse ni Unica sa harap ko. Lumabas ang hindi na makita ang
mata na si Dante Ang III, Unica's fiancé and childhood friend at
pinagbuksan ako ng pintuan. I smiled at him which he returned as I
thanked him. Natutuwa talaga ako dahil mas lalong naging slant ang mga
mata niya. Para tuloy siyang bata kahit matipuno ang katawan.

Akala ko sasabay sa amin si Dante pero pinaandar na ni Unica ang kotse


niya pagpasok ko at iniwan si Dante sa labas. Kumaway sa amin si Dante at
hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagtawa.

"Yung totoo, fiance ba o katulong mo?"

Umirap si Unica. "Yaan mo siya, ginusto niya 'yan eh."

"First love pala, ha?" natatawa kong tanong.

I remembered Dante was Unica's crush when we were kids. Sobrang hangang-
hanga kasi sa art skills ni Dante. And now that they need to be married,
parang allergic na siya bigla kay Dante.

"Tigilan mo ako," sabi ni Unica. "Kaya hindi mamatay-matay, first love


never dies, eh."

"But true love overcomes first love."


Tumawa siya. Tumingin-tingin siya sa akin sa likuran. Tumingin siya sa
tiyan ko. "Nako Baby, ano bang nangyari sa nanay mo? Nag-iinarte na naman
tungkol sa love."

Nagkwentuhan na kami buong byahe patungo sa bagong apartment na


tinutuluyan ko. Simula nang umuwi si Unica sa secret escapades niya a few
months ago, hindi na niya ako pinayagan mag-isa pa ever lalo na nang
malaman niyang buntis ako. At dahil nga nakatira na ako sa sarili kong
apartment. She asked who's the father pero tulad nila Erica at Javier,
hindi niya ako kinulit para malaman. They just supported me.

"Sasabihin mo rin 'yan, kala mo," pagbabanta niya sa akin noon.

And I know kaya ayaw rin niyang mamilit dahil hindi ko rin siya pinipilit
ikwento ang mga nangyari sa kanya nang umalis siya nang matagal.
Nabanggit ko lang si Chino kasi, nananahimik na siya.

"May kailangan ka pa ba?" tanong ni Unica pagkapasok namin sa apartment.


Umiling ako. "Sigurado ka? Baka mamaya tulog na ako tapos tatawag ka ng
madaling araw para lang manghingi ng chocolate. Wala akong penis para
masabing ako tatay niyan kaya huwag ako ang pahirapan mo. May klase pa
akong dapat pasukan bukas."

Tumawa ako at binatukan siya. "Malapit ang groceries dito, maglalakad ako
papunta doon. Advisable din kasi ang exercise."

"Buti naman!" Sumalampak si Unica sa tabi ko sa sofa at tinitigan ang


painting niya sa akin na hawak ang tiyan kong napaka-cute. "Tumatamad ka
na habang patagal nang patagal pagbubuntis mo, eh."

Kumain muna kami ng dinner at nanonood ng series. React nang react si


Unica nang may tumawag sa phone niya at napakunot ang noo sa nabasa.

"Sino 'yan?"

"Ha?" Tumingin sa akin si Unica at tinago ang phone niya. "Wala. Yaan mo
na. Anyway, alam mo na ba ang chismis na lumalaganap sa school?"

"Ano?"

Ngumiti siya. "Pilitin mo muna ako."

Dahil makulit, kinurot ko siya kaya sigaw siya nang sigaw. "Ano nga?"

"Fuck you!" sigaw niya habang hinihimas ang braso niyang kinurot ko. "Ang
sakit ng kurot mo walangya!"
"Sorry."

"Pasalamat ka buntis ka kung hindi!" Lumapit siya sa tiyan ko. "Baby, sa


nanay mo lang ako galit. Syempre as ninang mo, love na love kita."

"Wow Ninang. Self proclaimed?"

Umirap si Unica. Mukhang gusto pa niya akong saktan pero hindi niya
magawa dahil sa baby ko. Umayos siya nang upo sa sofa. "May isang
professor God na pinabalik ng Dean sa school kasi good asset daw. Share
lang."

Natigilan ako sa narinig ko. Tiningnan ko si Unica na malawak ang ngiti


sa akin. "Kailan pa?"

"Secret. Bakit interested ka? Mahal mo pa? Gusto mo pa makasama? Nako ha,
matapos mong ilayo sa'yo tsaka ka magiging ganyan? Akala ko ba sacrifice
for one's life? Nasaan ang Sinteya na nagpapaka-selfless?"

"Dami mong sinabi!" umirap ako pero natatawa. Tumayo ako para kumuha ng
maiinom. Hindi ko alam kung bakit habang umiinom ay nakangiti ako.
Remembering him. Knowing he's fine already is good enough for me. "Good
for him."

"Eh balita? Kay Vane?"

Nagkibit balikat ako habang hinuhugasan ang baso. "Hindi pa rin siya
nakikipag-connect kay Javier. Pero sabi naman ng nagbabantay sa kanya sa
America, nag-aaral naman daw."

"Wow. Nag-aaral, big word." Tumayo si Unica at kumuha ng chips sa


cabinet. "Paano 'yung babaeng nabuntis? Nalaman niyo na ba?"

Tiningnan ko si Unica. Nakatingin lang siya sa akin na para bang


naghihintay ng sagot. Kung hindi lang siya bumalik, iisipin ko talaga na
siya ang nabuntis ni Vane. Pero hindi siya. And it's enough for me.

"Pinapa-trace pa rin ni Javier," sagot ko. "Hindi ba nasabi ni Vane


sa'yo? Close kayo, hindi ba?"

"Yeah." Umupo ulit siya sa sofa at tumingin sa kawalan. "Pero noong


umalis ako, hindi na kami masyadong nakapag-usap talaga. Pagkaalis niya
ng Pinas, nawalan na kami ng connection. Hindi nga niya binalik ung
painting ko, eh. Ugok 'yun."
"May narinig ako last time na kausap ni Javier sa phone," sabi ko habang
kumakain din ng chips. "May kausap siya na gustong makipagkita siguro.
Tungkol ata sa baby ang pag-uusap nila."

"Yung babaeng nabuntis?"

As much as I want to know the truth, I won't pry too much on their issue.
May sarili akong issue at kung poproblemahin ko pa ang iba, baka hindi ko
na talaga kayanin ang stress. Mabuti nga at matatag ang kapit sa akin ni
Baby dahil kahit muntikan na ako bumitaw sa lahat noon, siya ang kumapit
sa akin.

Tiningnan ko ang oras at pasado alas otso na pero nasa bahay pa rin si
Unica. "Hindi ka pa ba aalis?"

Sumimangot siya. "Uuwi pa ba ako?"

"Tamad mo."

"Ugh, makikita ko na naman si Tandang Sora."

Tumawa ako. "Ikaw kasi, escapades pa, ha? Ulit ka tuloy."

"Porke't graduate ka na." Tumayo si Unica at tinapon ang balat ng chips.


Hinatak niya ako patayo. "Tara, punta tayo groceries tapos hatid kita
dito tapos uwi na ako."

"Seryoso?"

"Ay hindi, nagjo-joke."

So we went to the nearest grocery store. Siya ang nagtutulak ng pushcart


habang lagay naman ako nang lagay nang mga gusto ko. Reklamo na nga nang
reklamo si Unica dahil ang dami kong gustong bilhin. Kasalanan niya dahil
sinabi niyang libre niya ako.

EricaHoney, how's your baby?

To EricaHe's fine. Kitakits na daw sa third week.

EricaExciting! \(^_^)/ Next week ako sa'yo ha? Don't forget.


To EricaBasta paglulutuan mo ako at hindi ako pagseselosan ni Dad :P

Erica"Magseselos ako na kayo lang mag-ba-bonding" – sabi ni Tatay mo.


Anong sabihin ko?

To EricaHaha!

Erica"Hahazoned ako?" – sabi niya

Hindi ko na napigilan ang pagtawa ko. Tiningnan ako nang masama ni Unica
kaya tiningnan niya ang phone ko. Sumimangot siya dahil si Erica ang
kausap ko.

"Ugh, ikaw na may ganyang nanay," react niya at nauna sa akin habang
tulak ang pushcart na halos puno na ang laman. Mukhang may tumawag sa
phone ni Unica at base sa pagkunot ng noo niya, kilala ko na kung sino.
"O Dante Boy?" hinayaan ko siyang mas lumayo sa akin.

To EricaI miss you two. Nainggit si Unica sa atin.

EricaWe miss you too. Haha! Sorry kamo at nag-iisa lang kasi ako. ;)

Goodnight na, nakakasagabal ka pa sa amin.

To EricaWOW.

EricaJoklang ^^v love you honey and baby.

To EricaHoney and baby loves you more Lola and Lolo.

EricaOhgod yuck.

"Sinteya?"

Umangat ang tingin ko sa narinig kong pamilyar na boses ng lalaki. Una


kong napansin ay ang ngiti niya sa labi kaya napangiti rin ako. May
tulak-tulak siyang pushcart at napansin kong may diaper na nandoon.
"Miko."

Lalong lumawak ang ngiti niya nang tingnan ang tiyan ko. "Bakit ka
lumunok ng bola?" natatawa niyang sabi. "Palagi ka bang gutom?"

Nag-init ang pisngi ko. What the hell? Hindi ko alam kung maiinis ba ako
sa sinabi niya o hindi kung hindi lang may babaeng petite na lumapit kay
Miko. May tinanong siya tungkol sa gatas ng baby at nilapag sa pushcart.
Tumingin sa akin ang babae at tiningnan si Miko. Ngumiti siya sa akin at
inabot ang kamay niya sa akin. The first thing I saw were scars on her
pulse.

Napansin niya atang nakita ko 'yon kaya mas lalo niyang binaba ang
sleeves ng sweater niya. "Hi, I'm Bee!" pagpapakilala niya with a smile
on her face. She looks like an angel.

Tumawa si Miko. "Huwag ka maniwala d'yan, Sinteya. Bebelyn pangalan


niyan."

Siniko ni Bee sa tiyan si Miko. "Melchizedek!"

"Sige isigaw mo pa," natatawang sabi ni Miko. "Para pagkaguluhan na naman


kagwapuhan ko."

That line made me laugh. Tumawa rin si Bee at Miko kaya pinagtitinginan
na kami nang ilang nakapaligid sa akin. Nilingon ko kung nasaan si Unica
kanina pero wala na siya kaya hinayaan ko muna.

"Para sa baby niyo?" tanong ko habang nakaturo sa mga nasa pushcart.

"Ah hindi," pagtanggi ni Bee. Tiningnan ko si Miko na nakangiti lang din.


"Baby ko. Tinutulungan lang ako ng asungot na 'to."

Hinawakan ni Miko ang dibdib niya at tinaas ang kilay. "Itong gwapong
'to? Asungot?" Binitawan niya ang pushcart at tinaas ang kamay. "Sige
babae, ikaw magtulak n'yan. Lalayas na ako."

Tumawa ulit ako dahil para silang may maliit na skit sa loob ng store.
Hinila ni Bee si Miko at pinalo sa braso. Tumatawa rin si Miko habang
pinipigilan si Bee.

"Kita mo 'to?" turo ni Miko kay Bee. Mas kapansin-pansin ang tangkad ni
Miko dahil sa hindi ganoong katangkaran na si Bee. They look so cute
together. "Nakikita mo ang pagkahabulin ko sa babae?"
Napa-face palm na lang ako. Ngumuso lang si Miko habang natatawa si Bee.

"Picture-an ko kayo!" nakangiting sabi ni Miko. Lumapit sa akin si Bee at


wala na akong nagawa nang itutok ni Miko ang phone niya sa amin. Kumunot
ang noo niya at hinatak si Bee palayo. "Panira ka, alis ka d'yan."

Tawa nang tawa si Bee habang ginugulo si Miko. Natatawa rin si Miko na
pinicturan ako. Nagkausap pa kami sandali at nagbigay pa sa akin ng tip
si Bee tungkol sa baby at kung paano i-deliver. Panay pa nga ang 'yuck'
si Miko na tinawanan lang namin.

"Dalian na natin, aba," reklamo ni Miko kay Bee. "Manliligaw pa ako bukas
sa mahal ko."

"Ang landi mo," natatawang sabi ni Bee.

Nagpaalam na ako sa kanila dahil mukhang nagmamadali na si Miko dahil


panay na ang tingin niya sa phone niya after at mukhang may ka-text. As
for Unica, nakapila na siya at nagreklamo na ang tagal ko.

The next few days were okay. Mas naging okay nga dahil nagbigay na naman
si Erica ng mga regalo for the baby na kinabigla ko.

"Akala ko ba ayaw mong gumastos masyado?" I asked her when she started
fixing baby clothes in the cabinet. "Bakit parang simula ata nang malaman
mong buntis ako, panay ang bili mo ng baby goodies."

"It's not from me," nakangiti niyang sagot. "Taga-deliver lang ako ng mga
ito."

"Oh really?" natatawa kong tanong.

"Yes really. Itanong mo sa akin kung kanino galing."

Instead of asking, I just smiled at Erica. Umiling siya sa akin habang


nag-aayos. I know there's something more about this. Hindi ko lang gusto
bigyan ng meaning ang mga bagay na ito. Nawala rin naman sa isip ko 'yon
when the third week of September happened at hindi na ako mapakali.
Parang na-eexcite plus kinakabahan ako at the same time, nakakabaliw!

Pero lagpas na ang third week, wala pa rin.

"Maglakad-lakad ka para exercise ha," pagbibigay sa akin ng advice ni


Erica. "Para normal ang delivery. Mas madadalian ka."
Nakatulog na ako nang maramdaman kong naghihilab ang tiyan ko. And the
next thing I knew, panay na ang mura ni Unica sa kotse habang
binubusinahan ang humaharang sa kalsada.

"Naknamputspa, LUMAYAS KAYO SA HARAP KO." sigaw niya habang patingin-


tingin sa akin. "Hindi pwedeng maduguan ang kotse ko!"

Biglang natawa si Erica sa sinabi niya at pinipilit ko ring hindi matawa.


Sumasakit talaga ang tiyan ko, shit! Humihinga ako nang malalim at hindi
masyadong nagsasalita habang si Erica ay tinawagan na si Javier.

Baby, wait lang. We're almost there. I'm going to meet you soon!

"Huwag kang sumigaw, Sin. Please lang! Ako ata manganganak sa sobrang
kaba!" sigaw ni Unica sa akin dahilan para matawa ako.

Hindi ko na maintindihan kung mabagal o mabilis ba ang byahe. All I can


see is the city light. All I can hear is Unica's curses and the car's
engine. All I can feel is the baby wanting to get out.

Sinalubong ako ng mga nurse pagkarating namin sa clinic. Chineck nila ang
ilang bagay sa akin habang nagpa-panic na ang lahat. Nakita ko naman na
iyak tawa si Unica habang may kausap sa phone bago ako pinasok sa
delivery room.

Nahihilo na ako sa sakit na nararamdaman ko. They kept telling me that I


need to calm down and to do the proper breathing process but hell! It
hurts! How can I calm down if it hurts?!

Baby, please. Don't hurt me like this. Ang sakit!

"Doc, parating na raw ang tatay." Is Javier there already? Kasama na niya
sila Erica at Unica? Nandoon na sila sa labas?

Marami pa ang nagsasalita. Kung anu-ano ang sinasabi nila na kailangan


kong gawin. Breathe. Push. Breath. Push. Shit.

"Ma'am, nandyan na po si Daddy." Tiningnan ko siya nang nagtataka. "Yung


Daddy po ni Baby!"

Malalim ang paghinga ko. "H-Ha?" Pumikit ako at huminga nang malalim sa
sakit na nararamdaman. "There's n-none."

"Po? Eh sino po 'yung nasa labas?"


May ilang kumosyon na nangyari sa may pintuan na hindi ko na pinansin. I
need to concentrate on bringing my baby in the world. Pumikit ako at
huminga nang malalim. Calm down, Sinteya. You need—-aahh! Fuck. It hurts.
It hurts. Oh gods, everything hurts!

I can't do this. Hell, baby. I'm sorry, oh gods. Ang sakit sakit!

Napadilat ako nang maramdaman kong may humawak ng nakakuyom kong kamay.
Tiningnan ko ang kamay na pinapakalma ako and I can't help myself but
burst into tears when I saw him, clad in a hospital gown, looking
straight in my eyes.

"C'mon Sinteya, you can do this." How I miss that voice.

I blinked a few tears and smiled. "Marco. . ."

=================

Ngptkso 50

Ngptkso 50 // Winter Knight

I have never dreamt of seeing this scene unfold in front of me back then.
Right before my eyes stood the man that I love while holding the baby I
treasure the most in his arms. Looking at him, smiling at the little guy
he's holding made my heart warm and fuzzy. May something sa loob ko na
pinipilit akong pangitiin kahit na nangangalay na ako. If I could pause
the time for awhile, I'll stop everything just to cherish this perfect
moment.

Gusto ko na lang umiyak sa sobrang saya.

Mukhang narinig ni Baby Wint ang nasa isip ko at siya na ang umiyak para
sa akin. I know it's not the time to smile pero hindi ko mapigilan nang
makita ang panic sa gwapo niyang mukha. Hindi niya alam ang gagawin kaya
agad siyang lumapit sa akin para ibigay si Baby.

Mukhang gutom kaya pinaunlakan ko ng breast feeding which made him turn
his back from me. Napangiti agad ako dahil para siyang teenager. Medyo
natigil si Baby sa pag-iyak at nanatili ang titig ko sa likuran niya.

It feels nice to have him still, even if he's not obligated to be here.
Noong unang pag-breast feed ko, sobrang sakit talaga na para bang
kinukuha ng black hole ang dibdib ko pero nang magtagal nang ilang weeks,
mas nasasanay na ako. Mas nakaka-relax na.

Tumikhim siya kaya napa-angat ang tingin ko sa kanya. His back still
facing me. "Uh, alis na ako. May klase pa ako maya-maya."

Ngumiti ako. "Ayaw mo akong tingnan sa pinakamasagwa kong itsura?"

Narinig ko ang tawa niya. "Even when you labor for three days, I won't
mind."

Umiling ako. Lumingon siya sa akin nang hatakin ko siya pababa para
maging magka-level ang paningin namin. Pinipigilan niyang tumingin sa
ibaba pa kaya mas lalong lumawak ang ngiti ko.

"Hindi ako makakapag-labor ulit kung walang bagong baby."

Ngumiti siya. "The labor can wait, he deserves his spotlight," he said
and kissed Baby Wint's forehead. Hinawakan niya pa sandali ang noo ni
Baby at ngumiti. Nahawa ako sa ngiti niya when he kissed me on my hair at
nagpaalam paalis.

Sinundan ko siya ng tingin habang palabas nang pumasok naman si Erica sa


kwarto ko na may hawak na kung anu-anong pang-baby.

"Kumusta? Hindi na masakit?" she asked while poking my breast. Nakikiliti


ako kaya pinalo ko siya kaunti dahilan para tumawa siya. "Okay na ba?
Nakaka-adjust na ba si Mommy Sinteya?"

Mommy Sinteya. What a weird way to call me.

Bumalik ako sa bahay namin kasama sila Erica at Javier para mas maalagaan
nila ako at si Baby Wint. Sa sobrang alaga nga ay hindi na ako masyadong
pinapakilos ni Javier kahit magaling na ang tahi ko sa ibaba. Erica was
the one who kept on talking and blabbing about baby care and kept on
saying na ang cute ni Baby at kahawig niya.

Maybe because of the lips. Or the small nose. Or the black eyes.

Naniniwala na nga akong maganda ang genes ng pamilya namin. No pun


intended.

The smile on their faces made me smile a lot more. It's making me realize
that giving birth to my baby is one of the best decisions I've done in my
entire life. Sana hindi na matapos ito.
It was weird to see the baby as normal as he can be. I was very happy,
beyond ecstatic when I saw Wint's normal. Kahit nag-overdue, healthy siya
pagkalabas. Walang complication. Walang makakalaglag ng kasiyahan. It
felt nice seeing the baby's small feet na dati ay nararamdaman ko lang na
sumisipa. It felt nice holding the baby I carried for nine months inside
me.

At dinner, hindi mapakali si Erica habang patingin-tingin kay Baby Wint.


Sa sobrang hindi mapakali, lumapit na siya sa akin sa sofa at nilaro-laro
ang maliit at cute na kamay ng baby ko. Gusto pa nga niya buhatin nang
magsalita bigla si Javier.

"Lola?" Javier asked, smiling at us when he walked towards where we were


sitting.

Natatawa na ako nang magpanggap na mahihimatay si Erica sa narinig. "Oh


god Babe, anong gagawin natin? I can't do this! Lola? NO. I can't."

Mula sa dining room, lumabas si Unica at nakangiting lumapit sa amin.


"Ayaw mo ng Mamu?"

Nanlaki ang mata ni Erica. "Ang kadiri, Unica. Iba pa!"

Natatawa na ako sa reaksyon ni Erica dahil siya pa ang namomroblema. But


I shouldn't laugh too much. Kailangan kong mag-ingat.

"Mama?" I asked.

Ngumuso siya. "What if, Momsicles?"

I was the one whose eyes widened nang matawa si Unica.

"Erica! Lalaki ang anak ko!"

Sumimangot si Erica. She crossed her arms in front while still thinking
of what my baby should call her. "Next time na nga lang, hindi pa naman
makakapagsalita si Baby."

"Have you thought of a name yet, Sin?" Javier asked me suddenly.

Inangat ko ang tingin kay Javier then to my baby and smiled. "Winter
Knight."

"Winter Knight?" tanong ni Erica.


Ngumiti si Javier, as if trying to get used to the name. "Winter Knight."

Tumawa si Unica. "Winter Knight! Nahiya naman ako, ako lang hindi nagsabi
ng pangalan."

Natawa si Erica at hinawakan ang pisngi ni Baby Wint. "Why Winter


Knight?"

"May deep meaning?" Unica asked.

Lalo akong ngumiti at tinitigan si Baby Wint na nakapikit. Nainggit ako


dahil sa flawless at pinkish niyang balat. Ang gwapo-gwapo na niya kahit
baby pa lang siya. Peaceful rin ang itsura niya dahilan para maramdaman
ko ang kapayapaan sa sarili ko. How can this little baby give me the
peace I need in my life? It's as if he settles and calms me down
everytime I look at him.

"Cause he's my knight and savior when winter tries to crash in my life."

"Gravity, ang bigat n'un, ah," natatawang sabi ni Unica. Umupo siya sa
tabi ko at kinuha si Baby Wint para buhatin. "Baby Wintwint, pupunta ka
ba sa exhibit ni Ninang Unica?" tanong niya kay Baby kaya nangingiti ako.
She tried to get her voice small at sumagot bilang si Baby. "Opo Ninang!"

Natatawa na lang ako. When Winter Knight came to our life on September
23, hindi na nawala ang ngiti sa bahay namin. Everyone, aka Erica, looks
so happy. Napapansin ko naman kay Javier na madalas siyang umuwi nang mas
maaga kaysa sa dati galing work just to see Winter awake. Even Unica, na
mukhang busy, ay pabisi-bisita para lang makita ang kaunting glimpse ni
Baby Wint.

And him. . .especially him.

"I asked for time na mag-grow muna kayong dalawa and I saw that you want
to handle this by yourself, and he obliged. Told him we'll call if you
need him and let him decide whether to accept everything or not," Erica
explained Marco's side after I asked how Marco got in the delivery room.
"He believed na kakayanin mo rin pero mukhang hindi ka talaga niya kayang
pabayaan, so he insisted on giving baby goodies. Naiinis na nga si Unica
dahil panay ang tanong kung musta ka na at ang baby."

"Really? Ginawa niya 'yun?"

"Aba'y naguguluhan din ako, ano. Ano bang gayuma ang pinainom mo sa
propesor mong 'yun at ganoon ka-head over heels sa'yo?"
"He's not my professor," I said and smiled while looking at my baby.
"He's the guy I love."

Erica just smiled at me back then and held my shoulder. "I'm sure you
do."

Alam ko naman na may kinalaman si Marco sa mga baby goodies but hearing
it from Erica made me want to hug him more. And thank him while crying.

"I was mad. Indenial. Masakit, sobra," he said when I talked to him after
Erica's story. "Gusto kong manuntok araw-araw. Ulysses asked me if I can
survive without you because I can. Hindi akin ang bata. Malaya ako."

Those words were torture. Hindi kanya. Malaya siya. "And you told him?"

"I'll die of not surviving life without you," he said and those words
made me cry. He even kissed my cheeks as he said, "your baby deserves the
woman I love the most. He's not mine but I hope he thinks I deserve him
too."

Those first few weeks after I gave birth to Winter Knight became the most
emotional ride I had. And it was not in the bad side - it was in the good
side, the better - the best feeling. Sobrang sarap sa pakiramdam na wala
na akong ibang magawa kung hindi ang umiyak and thank everyone around me
for not leaving. For not giving up.

Hinatak ako ni Unica sa kwarto ko at isama ko raw si Baby dahil may


surprise siya. So hinayaan na muna kami ni Javier at Erica. We didn't
bother locking the door of Wint and my room at naupo na sa gilid ng kama.

"Teka ha," Unica said as she did something on her iPhone.

Makalipas ng ilang minuto, napangiti siya agad at napasigaw. "Shit,


nagpagupit ka? Naka-move on ka na!"

Nanigas ako sa kinauupuan nang marinig ang boses ni Vane. I'm wishing
he's not on the screen but when Unica let me peek, I almost dropped baby
Wint when I saw Vane's face on the screen. Maiksi na ang buhok niya pero
medyo curly pa rin. Natatakpan pa rin ang tainga niya and his eyes - he
looks tired but there's a glimpse of something brighter in it.

It's a good thing, right? Mas mukha na rin siyang matino dahil sa short
hair niya. But then again, hindi pa rin nawawala ang tattoo niya na kita
sa collarbone.

Mabilis ang daloy ng kaba sa katawan ko as I saw Vane move on the screen
and looked at me. Ako lang ang nakikita sa screen kaya lumapit si Unica
at ngumiti. Gusto kong ibaba pa si Baby Winter, to not Vane see him -
mabuti na lang at hindi nakikita si Baby sa screen.

Seryoso lang ang mukha ni Vane, naka-earphone siya at pansin ko sa


background niya ay library. I mirrored his serious face. Kumunot ang noo
ni Unica at ngumiwi.

"Wala man lang, 'I miss you sis! Bro, musta studies?' Ganern? Wala?"
natatawa niyang sabi.

Gusto kong patahimikin si Unica pero nawalan ata ako ng lakas. Vane
smiled at us dahilan para mas lalo akong kabahan. I wanted to throw
Unica's iPhone when she started tilting it. And after a few seconds,
napapikit ako.

Vane can see Winter Knight.

"Oh, pamangkin mo sa ate mo!" nakangiting sabi ni Unica kahit hindi naman
siya nakikita sa screen.

My breathing was heavy and my heartbeat was so fast, it felt like I was
going to die. Gusto kong itago si Winter Knight. Gusto kong huwag na
siyang makita ni Vane. I wanted to cry, tell Unica to stop but that would
sell me to the truth.

Ngiting-ngiti pa rin si Unica nang lumayo siya para mapakita kami ni


Winter Knight at makasama siya sa screen.

"Ano? Sabi sa'yo ang cute ng pamangkin mo, eh," natatawang sabi ni Unica.
I managed to fake a smile. Sana ay hindi ito mahalata sa screen. "Mana sa
akin, di ba?"

Tumawa si Vane at tinitigan ako - o ang screen na nasa harap niya but it
feels like his eyes were piercing through me. Parang sa titig niya, alam
na niya ang katotohanan. Nakailang hugot ako nang malalim na hininga.
Kahit ilang minuto pa lang ang nakakalipas, pakiramdam ko ay ilang oras
na ang pagtitig ni Vane.

Mukhang may tumawag sa kanya sa likuran dahil sa paglingon niya. Tumingin


ulit siya sa screen and I don't know if he looked at me or feeling ko
lang yun when he said, "gwapo." Parang may kung anong pumihit sa puso ko
sa narinig. It was not a pleasant feeling.

I smiled at him to hide the pain which he returned.

Nagpaalam na rin si Vane makalipas ang ilang segundo. Nakangiti pa rin si


Unica but when she looked at my face, napakunot ang noo niya.
"Bakit teary eyed ka?"

I smiled. "Na-miss ko lang siguro ang kapatid ko."

Unica knows we're a real family. Alam na din niya ang kwento nila Erica
at Javier. Wala siyang hindi alam kung hindi ang fact na Vane. . .and I
have sinned. I want that little fact hidden for the rest of our life.
That little fact will cause a big trouble. And no one wants trouble now.
Lalo na't may ibang dapat na pagtuunan ng pansin ang lahat.

Javier was talking to the auntie of this girl Vane got pregnant. And for
months, si Javier na ang nagsusustento without letting Vane know about
this.

Naging okay naman na ang mga sumunod na araw at linggo. Natapos na rin
ang binyag ni Baby Wint. Nawawala na rin ang Vane moment last time sa
skype. Walang idea si Javier na nakausap ko si Vane dahil hanggang ngayon
ay hindi pa rin sila nakakapag-usap. They still have issues and I hope
maging okay sila.

"So, we'll meet sa gallery," Erica reminded me. Kinukuha na niya sa akin
si Baby Wint pero hindi ko pa rin mabitawan. "Akin na si Wiwint, Sin.
Hindi ko naman siya i-babynap," natatawa niyang sabi.

"But I'll miss him." Sumimangot ako.

Her brow arched. "Eh di huwag sunduin si propesor."

Umirap ako kaya tumawa siya. Kahit masakit, ibinigay ko na si Baby Wint
sa kanyang err-lola? Erica will kill me if she heard what I called her.
Erica kissed me on my cheek as I kissed my baby and held his hand a
little bit more before going to school.

Pagdating ko sa school, it felt nostalgic. Pagpasok ko, ang una kong


nakita ay ang mga pamilyar na mukha ng kaibigan ni Chino na nagtutulakan.
The geeky guys. When the guys saw me, natigil sila at napangiti agad.
Some things never change talaga. I asked the guy na mukhang leader kung
kumusta na and they kept on tugging each other, natatawa ako.

"May ilang subjects na minor at major na lang," the leader answered. "Mga
irreg, eh."

"Oh, kaya pala," patango-tango kong sabi.

"Ano nga pala, ako si-"


Lumingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Kinawayan ako ng mga classmates
ko na kapwa irreg at inaya ako somewhere. I bid my goodbye to the geeky
guys at natawa ako dahil mukha silang nadismaya.

Ilang minuto rin ang kwentuhan namin ng mga dati kong kaklase when my
phone vibrated.

Unica

Caf muna. May papakilala ako sayo. Haha!

So bago magpunta ng faculty, dumiretso ako sa cafeteria and because I


missed the rice in a box, kumain din ako.

A few minutes later, narinig ko na ang boses ni Unica kaya lumingon ako.
Nagtaka ako dahil she's holding Jill's arm at hinahatak papunta sa akin.
Jill's friends were behind Unica, mukhang natatakot.

Pinaupo ni Unica si Jill sa harap ko. Tiningnan ko si Unica nang nakataas


ang kilay habang si Unica naman ay kita ang pagkaasar sa mukha.

"Ano na? Napipi ka na?" naiirita niyang tanong kay Jill.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao pero mukhang walang pakialam si Unica


sa mga tinginan. Nakayuko si Jill kaya marahas na inangat ni Unica ang
ulo niya which I stopped. Mukhang nasasaktan na kasi si Jill.

"Unica, ano ba 'to?"

"May sasabihin sa'yo 'yang hinayupak na 'yan," Unica said.

Tumingin ako kay Jill na unti-unting inangat ang tingin sa akin. She
looked so scared na kahit wala naman siyang pasa kung saan, parang
tinorture siya ni Unica.

"S-Sorry." She bowed her head and closed her eyes. "Hindi ko sinasady-"

"Hindi raw sinasadya, bullshit!" sigaw ni Unica na nagpatakot lalo kay


Jill.
Hinawakan ni Jill ang kamay ko. "Sorry!"

Tiningnan ko si Unica na nagtataka pa rin. She still looked annoyed pero


hinatak na niya patayo si Jill at kinausap. "Gagawin mo pa ulit o gusto
mong mabalitang 'missing' ka na bigla?"

Yumuko nang paulit-ulit si Jill na parang ako pa ang nahihilo sa ginagawa


niya. Naiiyak na rin siya nang paulit-ulit niyang sinabi ang, "sorry,
Sinteya. Hindi ko na uulitin."

I don't know what the hell happened dahil biglang nagsabi na lang si
Unica ng 'good' at tinulak palayo si Jill, not minding the people around
us. Binalikan niya ako at binigyan ng invitation para sa art exhibit niya
mamayang gabi at umalis na rin.

Kaya no choice ako. I went out of the cafeteria dahil pinagtitinginan na


rin nila ako. Iniwan ko na rin tuloy ang hindi ko pa ubos na rice in a
box. Na-miss ko pa naman 'yon.

Papunta na ako sa faculty when I felt someone held my hand from behind.
Lumingon ako and I can't help myself but to smile when I saw his face.
Hinalikan niya ang daliri ko at nilapit ako sa kanya, not minding the
students around us.

"Kanina ka pa?" he asked, almost a whisper because of our too close


distance.

Lumayo ako kaunti. Ayaw kong magka-issue na naman siya na PDA naman for a
professor. Lalo na at kailangan din niya ng pera dahil sa masterals.

"Sakto lang. Tapos na mga klase mo?"

Tumango siya. Pinakita niya sa akin ang mga papel niyang hawak. "Nagpa-
xerox lang, punta ng univ tapos aalis na."

"Pwede akong sumama?" I asked.

Nagsimula kaming maglakad papunta sa faculty room. Pinagtitinginan kami


ng ilang estudyante. May ilang babae at binabae na obvious na nasasaktan
sa nakikita. Ang iba pa ay nag-a-act as if they're broken hearted to see
The Professor God holding a girl's hand. May ilang pamilyar na mukha na
pinagtitinginan din kami and Marco couldn't care less. Mas humigpit pa
nga ang hawak niya sa akin.

Nag-ayos muna siya ng mga gamit bago kami nagpaalam sa mga professors.
Inasar pa nga siya ng mga professor pero hindi ko pa rin malilimutan ang
paglukot ng mukha ni Ms. Takano when she saw our intertwined hands.
The drive from intramuros to San Beda College of Law didn't last long.
Siguro dahil halos bakasyon na rin ang lahat kaya walang masyadong kotse
sa kahabaan ng Mendiola. He didn't let go of me hanggang sa makapasok
kami ng school niya.

This is the first time I went to his graduate school. Umakyat kami sa
room na pinag-ii-stay-an ng professor niya. Kumatok muna siya bago
pumasok - magpapaiwan sana ako sa labas pero hinila niya ako that made
the professor look at him, then to me, then to our hands.

"Sir, papers," Marco said. May ilan pa silang pinag-usapan na hindi ko na


inintindi dahil na-nosebleed na ako sa mga law terms na sinabi nila. All
I can understand is this path is hard - I wonder how Marco managed to
juggle everything. Lalo na at pabigat pa ako.

"Siya ba ang girlfriend mo?" Marco's professor said as he acknowledge me.


"Kaya ka pala sobrang inspired, Aceveda, nakakagana ngang mag-aral kung
ganyan ang nakikita," he laughed. Nag-init ang pisngi ko at mas lalong
hinigpitan ni Marco ang hawak niya sa akin.

"Ganun talaga Sir, maswerte, eh," natatawa niyang sabi.

Tinuunan ako ng pansin ng professor. "Itong si Aceveda, nakikita kong


magiging magaling na abugado. Ngunit kung ganito ang itsura niya hanggang
grumaduate, paniguradong puro chicks ang kliyente nito."

Natawa ako dahil ang weird makarinig ng word na 'chicks' sa isang


professor na mukhang kagalang-galang.

"Hala sige, pagtatawanan mo 'yan ngayon. Pu-pwede mo ako contact-in kung


gusto mong ipademanda si Aceveda kapag nang-chicks."

"Hindi ako mahilig sa chicks, Sir," nakangiting sabi ni Marco. Tiningnan


niya ako at hinalikan ang daliri ko. "Sa nag-iisang Sin lang ako."

Tumaas ang kilay ng professor niya at napangiti. "Umalis na nga kayo at


nilalanggam ako! Nangangati ako."

Nagtawanan pa kami. May isa pang estudyante na pumasok sa room na


kakilala ni Marco. The woman looked at our hands at agad napangiti.
Pinakilala ni Marco ang kaklase niya sa akin bago kami lumabas at bumaba
para makaalis na.

"That girl likes you," I said.

Tumingin siya sa akin. "Ah."


"Hindi ka nilalandi?" natatawa kong tanong.

"Hindi ko pinapansin."

That made me smile.

I don't know what got into him when he suddenly rushed his way to the
door while holding me. Ang eksena tuloy namin ay para kaming tanga na
tumatakbo palabas.

"Teka Marco, entrance 'to!" Pagpigil ko sa kanya ngunit huli na dahil


nahila na niya ako palabas. Tiningnan kami nang masama ng guard na
sinaluduhan lang ni Marco. Natatawa pa rin siya habang palakad kami
papuntang kotse. "Anong trip mo?" natatawa kong sabi.

"Masarap nga gawin ang bawal." He laughed.

"Pero may limit." And I learned that the hard way.

Pagkasakay sa itim na kotse ni Marco, I texted Erica na papunta na kami


sa gallery and she said na kailangan na namin magmadali dahil
nagrereklamo na si Baby Wint. Hindi na rin ako makapaghintay pero mukhang
nananadya ang daan dahil kung anong kinagaan ng byahe kanina, yun naman
ang kina-traffic ngayon.

Erica

Status update:

Wiwint: TT o TT

Me: /(O_O)\

Javier: ._.

Unica: :D

To Erica
Hahahahaha natutuwa ka masyado sa emoticons. Give this to Baby Wint!

:*

Erica

Mas lalong umiyak!

Btw, ganda ng artworks ni Unica. :)

Hindi na ako mapakali sa inuupuan ko. Pansin na rin ni Marco na para


akong bulate kaya mas pinabilis niya ang pag-dadrive. An hour later,
nakarating na kami sa gallery at ang ilan ay napapansin kong pauwi na.
Nagmadali ako at bumungad sa akin ang isang pader na patayo.

x UNCENSORED x

Solo art exhibit of Unica Fae Valentine

LEMON Gallery

Sa ibaba ay may painting na if I'm not mistaken, is Unica, na ginawang


dramatic ang itsura. May artist statement pa for the whole exhibit na
binasa ni Marco. Nauna na akong pumasok and saw Erica holding baby Wint
na tulog na.

Hinalikan ko agad si Baby Wint before Erica handed him to me.

"Thirty minutes, ha? Then Baby Wint will go home," Erica said. Pinakita
pa niya sa akin ang relo niya. "And you stay."

Sumimangot ako at kahit wala akong magawa, tumango na lang ako. Kahit
sandali lang ang pagkakawalay ko kay Baby Wint, miss na miss ko na agad
siya. Lumingon ako sa paligid and saw Kuya Ulysses na pinagkakaguluhan ng
ilang babae - maybe because nagmo-model kaya medyo sikat. His hair is
longer than the last time I saw him at mas naging brown pero shaved ang
gilid at mas magulo ang nasa taas. Still, ang sexy tingnan.

"Uy?"

Lumingon ako sa babaeng tumawag sa akin. Nag-loading sandali ang utak ko


but when it clicked, napangiti agad ako. If I'm not mistaken, siya 'yung
isa sa kambal na tumulong sa akin.

"You're Ra-"

"Sef!" sabi niya. Napa-oh ako. Naalala kong brown hair nga pala 'yung
isa. Mas napansin ko ang bilugan niyang mata when she looked at Baby
Wint. "Siya ba dahilan ng pag-faint mo last time?"

Ngumiti ako. I was about to ask her why she's here pero mukhang nasagot
'yon dahil biglang lumapit si Kuya Ulysses sa akin. I looked at Kuya
Ulysses' hand that snaked around Sef's small waist.

Mag-uusap pa sana kami nang may tumawag sa akin na pamilyar ang malalim
na boses. Lumingon ako at bago pa ako masapak ni Unica, tumigil na siya
agad dahil nakita niyang buhat ko si Baby Wint.

"Bakit ngayon ka lang?" nakakunot noo niyang tanong.

I smiled. "Iko-congratulate sana kita tapos hug but Baby Wint-"

"Let me."

Napalingon kami kay Marco na kinuha sa akin si Baby Wint. I saw some
schoolmates na nasa exhibit na tiningnan kami. Ang ilan ay nagbulungan na
rin habang lumayo si Marco at nakipag usap kay Kuya Ulysses. Tinitingnan
din kami ng ilang kasamahan ni Unica sa night life niya.

"Siya na talaga," natatawang sabi ni Unica habang nakatingin kay Marco.


"Gagawan ko talaga ng rebulto 'yang si Sir next time."

Natawa ako. Lumibot kami ni Unica. I saw Javier and Erica na may
kinakausap na ibang hindi ko kilala. Nakita ko rin si Miko sa gilid na
busy sa cellphone niya at nakangiti pa.

Pumasok sa loob ng gallery si Kuya Uriah, Unica's eldest brother, na


sobrang intimidating ng dating dahil sa suit and tie. Sobrang ayos ng
black hair niya na mahihiya ang mga greek gods sa sobrang gwapo niya.
Napansin kong 'yung kasama niyang babae ay 'yung girl na kasama rin niya
noong sinundo kami noong birthday ni Unica. She must be Sarah Kerl, the
secretary. At hindi ko alam kung bakit naalibadbaran ako na pink ang suot
niya ngayon, last time I saw her - naka-all black siya pati lipstick.

"Unica."

Lumingon kami sa boses ni Dante. Umiling ako dahil napansin ko ang


pagpalo ni Unica ng kamay ni Dante when he was about to hold hers.
Lumingon si Unica and there, was her intimidating mother, sipping a
champagne, clad with expensive corporate suit, while talking with
businessmen with Kuya Uriah.

"Ano ba 'to, exhibit o business meeting?" naiiritang sabi ni Unica at


umirap.

"Uhm, can we talk?" Dante held Unica's hand and looked at me. "Okay lang
ba, Sin?"

Ngumiti ako. "No problem. Can't say no to your chinky eyes."

Tumawa si Dante at naging slant na naman ang kanyang mata. Gumala muna
ako, tiningnan ang ilang paintings when I saw Chino na mag-isang
nakatitig sa pinaka tagong painting sa gallery.

Lumapit ako at tinitigan ang malaking painting nang mas maigi and was
amazed.

Gods. How can a painting with a body of a guy and girl facing each other,
a red rose in their linked hands as fading red petals flow on different
directions can be emotional like this? Isama pa ang mga nagkalat na stem
and thorns. Pansin na pansin ang rose petals na mula dark red ay naging
outline hanggang sa nag-fade. Parang sa bagong tattoo sa braso ni Unica
after the Christmas break.

"Ang ganda nito," I said with awe. Unica entitled it with 'Roses Fade'

"S-Sin!"

Mukhang nagulat si Chino because of his chinito eyes that widened when he
saw me. Mabilis niyang nilagay ang magkabila niyang braso sa likuran
niya. His hair was messy at parang nag-iba ang aura niya from geeky to. .
. I don't know. Can't pinpoint exactly what changed.

"N-Nandito ka pala," he asked me.

"Malamang, best friend ko nag-e-exhibit." Tumawa ako pero mukhang


stressed si Chino. I calmed him by holding his shoulder. "Ayos ka lang?"
"Ayos lang." Mukhang tinatago niya sa akin ang braso niya dahil mas
nililikod niya 'yon.

"Anyway, kumusta? Wala ka noong graduation?" I asked. "Did you graduate?


Ayaw mo mag martsa or something?"

"Hindi."

"Bakit?" I was expecting Chino to graduate dahil matalino siya. Although,


nung mga huli na ay hindi na siya pumapasok now that I remembered it.
Kahit sa history exam namin, wala siya.

Ngumiti siya na parang kinakabahan. "May nangyari lang."

I was about to ask him what pero napatingin ako sa gilid at nakita si
Unica na papalapit sa amin. Tumingin si Chino sa tiningnan ko at parang
nahiya, hindi mapakali. Mukhang gusto pa nga ata niyang umalis nang
hawakan siya ni Unica sa balikat.

She looked at the painting first before smiling. Or is it a smirk? "Wow.


Nandito ka pala."

Ngumiti si Chino na naging ngiwi dahil obvious ang kaba. "Uh, ano.
Congrats pala."

Lalong ngumisi si Unica kaya nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang


dalawa. Dumating si Dante a few seconds after. At agad namang nagpaalam
sa amin si Chino. I smiled at him pero mukhang wala siyang balak maging
friendly masyado for the night. I saw him scratching his arm at napansin
kong may nakalagay doon. Some other guys from Unica's long boarding thing
high fived Chino. Weird.

"Honey," I heard Erica's voice. Hawak na niya si Baby Wint. "We'll go.
Sabay ka or dito ka muna?"

Tiningnan ko si Unica and smiled. "Stay muna. Sa'yo muna si Wint."

Tumango si Erica. She bid goodbye at krinongratulate si Unica. Hinatid ko


siya palabas at napatigil ako nang makasalubong ko si mahinhin girl -
Aris! Her eyes widened when she saw me then her gaze shifted to Erica and
Baby Wint. I was about to smile at her pero bigla siyang yumuko and was
shocked that Chino is behind me, papunta kay Aris.

Nagpaalam na ako kay Baby Wint and Erica and Javier bago pumasok sa loob
ng gallery and the person I saw was Unica, staring at the door behind me
with her fist at her side. Parang gusto niyang manuntok but when Dante
called her, mukhang natauhan siya. Ngumiti siya sa akin at binaling ang
atensyon kay Dante. I looked back outside. Paalis na sila Erica at
kumakaway pa then Chino at Aris, walking their way out.

Naglibot muna kami ni Marco sa buong exhibit. Dahil proud best friend,
nag-selfie ako sa lahat ng artwork na kulang-kulang twenty paintings.
Kinilig nga ako dahil may painting din doon si Wiwint na naging
background ng selfie namin ni Marco.

Nagpaalam na kami nang medyo malapit na mag madaling araw. I hugged Unica
and congratulate her but before I let go, I whispered, "you need to tell
me something," na kinabigla niya.

She looked at me, smiled but there was something in her eyes that's far
from the word happiness. "Walang ikukwento."

Pinanliitan ko siya ng mata pero umiling lang siya. Nagpaalam na ako sa


iba pa while Marco was talking to Kuya Ulysses and Miko. Ngumingiti sa
akin si Miko kaya naalibadbaran na ako. Binatukan siya ni Marco bago kami
umalis ng exhibit.

"Saan tayo?" he asked me while he started the engine of his car.

Tumaas ang kilay ko. "Hindi pa ba uuwi?"

"Punta munang apartment?"

"Okay."

Nakatulog ako sa byahe kaya panay ang sorry ko pagkagising. Medyo ang
sakit din ng leeg ko kaya pag-akyat namin ng apartment ay nahiga ako sa
sofa para maging maayos ang pakiramdam. Hinayaan niya akong nakapikit
lang sa sofa dahil nagpunta siya ng kwarto niya.

If I was the old Sinteya, I would get inside his room and do things
unimagined. But that was me back then. That was me without experiencing
how the labor hurts like hell and how everything hurts after.

I woke up from a light sleep because of the small kissed I felt. I saw
Marco smiling as he kept on giving me butterfly kisses. It was soft and
light, it felt unreal. Akala ko imagination ko lang. I smiled and pulled
him as our lips crashed into each other. Akala ko ititigil niya but he
didn't as his tongue coaxed its way in my mouth. Napangiti agad ako dahil
ngayon na lang ulit naging ganito ka-aggressive si Marco. I held his face
pero kinuha ang kamay ko and I felt my heart stopped from beating when he
put a ring on my finger.
Tinigil ko ang paghalik niya sa labi ko but he didn't stop kissing my
neck as I looked at it. It was not the same as the simple ring. This one.
. .this one is different.

"A-Are you asking me for marriage?"

I felt his smile as he held my chin to face him and kissed me on the lips
as he whispered, "no."

"Hm?"

Lalong lumawak ang ngiti niya habang humahalik when he continued, "this
is how I want you to check me if I'm a negative like you."

Natawa na agad ako kaya natawa rin siya. I held his hand and started
nibbling it. "Seriously?"

"Mukha bang hindi?"

"Sir," I whispered and licked his lips before claiming it again. When the
kiss broke, I smiled and said, "huwag po."

We both laughed.

Tumigil siya sa paghalik at hinawakan ang kamay ko as he intertwined it


with his. He kissed the ring and smiled at me.

"On a serious note. . ."

Tumaas ang kilay ko. "Ay, hindi natin i-che-check kung negative ka rin?"

Medyo na-offend ako dahil pinagtawanan lang niya ako. I thought it was
serious.

"This is how I want you to know I'd like to turn Winter Knight Yeo to
Aceveda," he said. My eyes started to water. I don't know if it's because
of the pain of too much smiling or because of the too many smiles that
came after the pain. "Will Mommy Sinteya let me?"

"Do I have a choice?" I asked.

"I always respect your decision."


Without saying anything, I claimed his lips again and made him feel my
answer. He smiled and looked at me straight in the eyes after it.

"I'll respect that the answer is yes."

Nagulat kaming dalawa nang tumunog ang phone ko. Erica's calling me kaya
lumayo muna siya sa akin at tinitigan ako habang nakasagot sa phone.

"Umiiyak si Wiwint!" nagpapanic na sabi ni Erica. "Get your breast right


here, Honey!"

Hindi ko napigilan ang pagtawa ko sa narinig pero nakaramdam din ng kaba


when I heard Winter crying on the background. Pagkababa ko ng phone, agad
akong nag-ayos.

"Before anything else," I said as I comb my hair. "Winter Knight needs


me."

"Let's go home?" Marco asked me.

I smiled and held his hand. "Yes. The knight is waiting."

____ end.

Sorry for ze long wait, matagal nawalay kay internet, eh.

Advanced HAPPY MOTHER'S DAY to the real Sinteya Yeo! You deserve the best
the world could offer. You're one of the strongest woman I know. You
deserve your own knight. :)

TAPOS NA PO ANG NAGPATUKSO. (Sin's story) Alam ko pong maraming tanong


tungkol kay Vane dito at sa baby, but hey, in my defense - Nagpatukso is
not Vane's story.

This is Sin's and Marco's. And the temptations in between their building
love.

If you're curious about Vane's life from a girl's pov, read the next stop
NagpaSeries #2. (Even if you hate it. . haha!)
Next stop: NAGPARAYA.

You might also like