Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA

Pangalan: Guzarin, Ma. Rosa Mia T. Petsa: October 31, 2020


Kurso/Seksyon: BSED EN 2-1 Iskor: ___________

Panuto: Sagutan ang mga kaanungan sa isang komprehensibong pagpapahayag.

1. Bakit nawalang saysay ang katagang bansa na pambansang komunidad, sa akdang


WISYO NG KONSEPTONG FILIPINOLOHIYA ni Bayani S. Abadilla (2002)?

Ayon sa akda, sa Pilipinas tandisan/obhetibong umiral ng 333 taon (1565-1898) ang


rehimeng kolonyal na itinaguyod ng mga lider ng bansang Espanya. Ang realidad na ito
ay tahasang bumalewala sa konseptong pagkatao at pagkabayan ng mga Pilipinong
tinaguriang Indio o Katutubo. Nawalang saysay ang katagang bansa na timbulan ng
patrimonya o pambansang komunidad. Walang kabuluhan ang kalayaan sapagkat hindi
ito nakatutugon sa mga pangangailangan (ng mga Pilipino noon) na tahasang humihinga
lamang at hindi namumuhay. Walang katuturan ang buhay. Alipin ang mga Indiyo:
busabos.

2. Naniniwala ka bas a pahayag na ito “Pamantayan ng karunungan ang kabihasaan sa


pagsasalita sa wikang Ingles. Edukado o marunong ang turing ng lipunan sa mga
Pilipinong bihasa mag-Ingles. Sa pamantayang Ingles, ang katalinuhan ay tahasang
nawawala sa kamalayang panlipunan ang pambayan at pambansang katuturan.” Bakit
oo? Bakit hindi?

Hindi ako naniniwala na ito ang dapat maging pamantayan ng karunungan. Unang una,
sapagkat may iba ibang pamamaraan upang masabi na ikaw ay Edukado at matalino.
Maaaring maging matalino ka kung ikaw ay bihasa sa Ingles, subalit kung ang pagiging
bihasa sa wikang Ingles ay pagiging mangmang sa WIkang Pilipino ay mas pipiliin ko na
lamang ang aking sariling wika. Para sa’kin, kailanman ay hindi ito magiging sapat at
dapat na maging pamantayan ng karunungan. Nakakalungkot sapagkat sa kabilang
banda ay naniniwala ako na iyon ang tingin ng ating mamamayan, kapag ika’y bihasa sa
Ingles. Hindi natin ito maitatanggi na halos lahat ng Pilipino ay gan’on ang kaisipan, kung
ika’y magaling sa Wikang Ingles, aba ika’y lubos na matalino. Ngunit mangmang naman
sa ating sariling wika.
Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA

3. Ipaliwanag ang kaisipan sa umiiral na kultura ng lipunang Pilipino sa pamamagitan ng


kongretong halimbawa.
A. Diwang Burgis

Ang kamalayang burgis o “utak burgis” ay nangingibabaw o dominante sa kamalayang


panlipunan. Para sakin, ito ang mga klase ng mga taong mataas at kaya
makapagkamit ng edukasyon sa mataas na kwalidad na paaralan. Sila madalas ang
mga nagsasalita ng wikang Ingles at mababa ang tingin sa mga taong hindi nila ka
lebel ang estado. Sila ang mga kapitalista na ay nasasapian ng pilosopiyang idealism
at metapisikal.

B. Diwang Masa

Supil na nakapailalim sa kamalayang sosyal o social psyche ang diwang masa na


tinatawag na collective unconsciouso supil na kamalayan. Para naman sa akin, ito ay
ang mga klase ng taong mga karaniwan lamang, kaya makamit ng edukasyon ngunit
hindi sa ganoong kataas na kwalidad. Sila ay nakabatay sa reyalidad ng buhay na
sinasalamin lamang ng mga ideya.

4. Bumuo ng Venn Diagram na magpapakita ng paglalapat ng Filipinolohiya sa


Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino. Ipaliwanag ang nilalaman ng Venn Diagram na
iyong binuo.

Ekonomiya Kultura Pulitika

Mahalaga na mabalikan ang FIlipinolohiya sapagkat ito ang pundasyon patungo sa


pagiging Intelektwalisado ng Wikang Filipino. Halimbawa kailangan ang mga journal,
article o ano mang uri ng teksto ay kailangan nakalimbag sa wikang Pilipino. Dapat ang
wikang Pilipino ang maging pundasyon sa larangan ng kultura, Ekonomiya, at Pulitika.
Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA

5. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito “Marurunong na tanga o intelektwal idyot ang mga
tituladong nakalatag sa ibat-ibang propesyon.” Ipaliwanag.

Dahil sa maling edukasyon na balakid sa kamulatan ng mga kabataan sa kapaligirang


panlipunan-tiwalag ang isip sa reyalidad ng pamumuhay sa ng sambyanan. Sa kabuluhan
ng tama at makatututrang Pilipino, ayon sa kagalingan ng lipunan at kaunlaran ng bansa,
lumilitaw na mga intelektwal na idyot yaong nakapagkamit ng mga diploma sa
tersiyaryong antas ng edukasyon sapagkat marurunong sila sa napiling disiplina na
walang kamuwangan sa tunay na kalagayan ng lipunang Pilipino—batay sa siyentipikong
pananaw.

You might also like