Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

SA PAGLALAKBAY ng tao sa kanyang buhay, maraming bagay at pangyayari ang kanyang

dadaanan—mga pangyayaring maaaring makapagpatibay o makapagpahina sa kanyang


katauhan. Sa takbo ng buhay, pinakamahirap na daanan ang mga pagkakataong
magkamali, madapa, at mabigo sa landas na tinatahak.

Paano ba magsimulang muli? Paano bumangon? Paano ba tumayo at harapin ang bagong
bukas?

Maliban sa pagpapaalam, mahirap magsimula at muling bumangon upang pulutin ang mga
pira-pirasong bakas ng nakaraan at habiin ito upang harapin ang panibagong araw na
nakataas ang noo.

Maraming bagay ang nagdudulot sa tao ng kabiguan at kamalian. Ang halimbawa nito ay
mga kabiguan sa pag-ibig at trabaho, mga suliranin sa buhay at mga bagay na dapat
harapin. Sa bawat pagkakadapa, mararamdaman niya ang iba’t ibang pasakit, pait, at
kabiguan. Tanging ang mga luha, kasabay ng pagtanggap sa kamalian at pagharap sa
problema, ang kanyang sandata.

Malimit nating marinig ang trahedya ng mga bigo sa pag-ibig. Ang pagtanggap sa
katotohanan ang tanging solusyon ng isang bigo upang lagpasan ang sakit na dulot ng
kabiguang ito. Ito rin ang magsisilbing gabay niya upang haraping muli ang panibagong
hamon ng pag-ibig.

Ayon sa tema ng isang banyagang pelikula, ang isang taong nadapa na sa pag-ibig ay luluha
sa sakit na nadarama. Masasabi lamang na nakabangon na siya kung tanggap na niya ang
kabiguan at handa nang harapin ang taong bumigo sa kanyang puso. Ayon sa naturang
pelikula, magiging handa siyang harapin ang panibagong pag-ibig kung kaya na niyang
alagaan at buhayin ng wasto ang isang halaman at alagang hayop. Ang maingat na pag-
aalaga sa mga halaman at hayop ay nagpapakita na handa nang umibig ang isang tao.

You might also like