Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

TAYABAS WESTERN ACADEMY

Founded 1928
Candelaria, Quezon

LIT 105 - MAIKLING KUWENTO AT NOBELANG FILIPINO

Pangalan: Gonzales, Jomarc Cedrick T. Kurso: BSED-Filipino III


Email: selaznogkcirdeccramoj@gmailcom CP Number: 09092919004
 

Sa kuwentong “Aloha”, makikita ang lawak at lalim ng kaalaman ni Deogracias A.


Rosario sa realidad ng kanyang panahon. Sapagkat siya ay namulat sa panahon ng pananakop.
Nasaksihan niya ang mga pagbabagong nagaganap sa ating bansang Pilipinas. Ang kultura ng
Pilipinas ay orihinal pero merong pinagkukuhanan. Globalisasyon, Kultura, at Kamalayang
Pilipino ang ibang mga dahilan kung bakit pabago-bago ang kultura ng Pilipinas. Hindi natin ito
maiwasan dahil sa bawat paglipas ng panahon, dumadagdag lamang ang kaalaman nating mga
Pilipino. Lahat ng kultura ay natutunan, ngunit hindi lahat na bagay na natutunan ay kultura. Ang
kultura ay pinaghalong impluwensiya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang
mangangalakal at mananakop nito noon. Para sa akin, si D.A.R. ay naniniwala na ang kultura
natin ay hindi lang nagbabago, ito rin ay nadadagdagan.
Ang mga karanasan sa buhay ni D.A.R. ay laging may kaugnayan sa kanyang mga
kathang maikling kwento. Nakikita sa kanyang mga akda ang palatandaan ng paghihimagsik sa
kinamulatang tradisyon ng maikling kuwento. Halimbawa na lamang ng maikling kwentong
“Aloha”. Kadalasang ginagamit niya (Deogracias A. Rosario) bilang pangunahing tauhan ang
mga alagad ng sining, bohemyo at kabilang sa mataas na lipunan; maliban sa ilan, iniiwasan
niyang gumamit ng mga tauhang galing sa masa; at paulit-ulit na lumilitaw sa kanyang mga akda
ang mga tauhang galing sa ibang bansa, ngunit sa pagbabalik sa tinubuang lupa ay nagiging
makawika at makabayan. Ang buhay sa pagitan ng naglalahong lumang kultura at umuusbong na
bagong kultura.
Sa buhay at sa akda ni D.A.R. ay “pagwawaksi sa lumang kalakaran at moralidad
panlipunan habang kinikilala nang may pagpuna ang pagsulpot ng bagong moralidad at
kalakaran. Ngayon, nakikita ko sa maikling kwentong “Aloha” at sa tunay na buhay ni
Deogracias A. Rosario na lumiliit na ang mundo. Ang pagkakalantad sa ibang kultura ay
karaniwan na at hindi na imposible ang pakikipag-usap sa mga taong nasa Pilipinas o nasa
Hawaii. Pero sa kabila nito, mayroon pa ring pagkakaiba sa mga kultura at mga hindi
pagkaunawaan. Halimbawa, mayroong pagkakaiba ang kulturang Pilipino sa kulturang
Amerikano kahit mayroong namagitang kasaysayan sa mga bansang ito.

You might also like