Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA EPP IV

Pangalan : ______________________________________ Petsa: _____________________


Guro: _________________________

I. Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ang pagtatanim at pag-aalaga ng mga halaman ay may mga kabutihang dulot maliban sa _________.
A. libangan B. pagkakakitaan C. pagod D. .sariwang pagkain
2. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa pangkat ng dahong-gulay?
A. malunggay B. rosas C. ipil-ipil D. gumamela
3. Ang kasangkapan sa pagtatanim na ginagamit sa pagbubungkal ng lupa ay ________________.
A. kalaykay B. regadera C. asarol D. gulok
4. Pahiram ng ___________ ang mga kasangkapang yari sa metal upang hindi kalawangin
A. sabon B. C. gasoline D. langis
5. Ito ay lupang maitim-itim o mapula-pula, buhaghag, magaan, at medaling bungkalin.
A. loam B. luwad C. buhangin D. alikabok
6. Isang paraan upang mapagyaman ang lupa sa inyong hardin ay ang pagdaragdag ng _____________.
A. abono B. asin C. tubig D. bato
7. Ang ___________ o kamang pagtataniman ay karaniwang may isang metro ang lapad.
A. bed B. flat C. plot D. paso
8. Ang pinaghalong dumi ng hayop at nabubulok na damo o dahon ng halaman ay nagiging lupang
pampataba o _________________.
A. komersiyal B. organiko C. humus D. loam
9. Isang paraan ng pagtatanim na paglilipat ng binhing pinunla sa kamang taniman ay tinatawag na ___.
A. tuwiran B. di-tuwiran C. karaniwan D. di-karaniwan
10. Bukod sa paghahalaman, isang gawaing kapaki-pakinabang din ang _________________.
A. pag-aalaga ng hayop B. pagsusugal C. pagtambay D. pag-inom ng alak
11. Ang mga sumusunod na hayop ay maaring alagaan at mapagkakakitaan maliban sa ____________.
A. manok B. baboy C. ahas D. kambing
12. Maiiwasan ang kagipitan kung sa panahon ng kasaganaan ay ________ ng mga pagkain.
A. nag-iimbak B. nagtatapon C. namimigay D. namimili
13. Paraan ng pag-iimbak na ginawa sa bagoong.
A. pagpapatuyo B. pag-aasin C. pagyeyelo D. pagpapausok
14. Asukal ang pangunahing sangkap sap ag-iimbak ng pagkain.
A. pagmamatamis B. pag-aatsara C. pagsasalata D. pag-aasin
15. Ang pangunahing kagamitan na pang-ukit ng kahoy ay ______________.
A. lagari B. gunting C. pait D. barena
16. Isang uri ng kasangkapang magpapatalim sa mga kagamitang ginagamit araw-araw.
A. hasaan B. liyabe C. disturnilyador D. plais
17. Ang ________ ay ginagamit na pamutol ng alambre at kawad.
A. gunting B. lagari C. plais D. pait
18. Ito ay ginagamit na pampihit kapag ibabaon sa kahoy ang turnilyong may hati o biyak sa ulo.
A. liyabe B. disturnilyador C. barena D. plais
19. Pagkukumpuni ng maliliit na sira ng inyong kasuotan.
A. pananahi B. paghahalaman C. paghahayupan D. paglalaba
20. Kagamitang inilalagay sa panggitnang daliri
A. karayom B. sinulid C. didal D. gunting
21. Ito ay ginagamit sa pagsukat ng tela at ng ibat-ibang bahagi ng katawan.
A. sinulid B. iskwala C. ruler D. medida

II.A.Sagutin ng Tama o Mali ang mga sumusunod na pangungusap.

_____1. Maraming kasanayang matutuhan sa gawaing kahoy na tunay na kapaki-pakinabang.


_____2. Ang pagkakarpentero ay dapat matutuhan ng mga batang mag-aaral hindi lamang
panghanapbuhay kundi para na rin sa sariling pangangailangan.
_____3. Ang dust pan, lampshade, at flower vase ay ilan lamang sa mga halimbawa ng mga kagamitan
na yari sa kahoy.
_____4. Kung may sapat na kaalaman at kasanayan sa gawaing kahoy ay maaari ng magkumpuni ng mga
sirang upuan at lamesa.
_____5. Madaling matukoy kung ang isang bagay ay yari sa
II.B.Lagyan ng tsek (√) kung ang larawan sa ibaba ay may kinalaman sa gawaing metal at ekis
(x) kung ang larawan ay walang kinalaman sa gawaing metal.

___________1. ______________2.

___________3. _______________4.

_____________ ____ 5.

B. Tukuyin kung aling pangunahing materyales ang tinutukoy sa bawat pahayag. Piliin ang titik ng
tamang sagot sa kahon at isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

A. Saging C . Water lily E . Kabibe


B.Tabla D. Tikiw F. Niyog

_____1. Ito ay matatapuan sa sapa at ilog na kapag pinatuyo sa aray ay mainam gawing bag at tsinelas.
_____2. Ito ay isang prutas na may matamis na bunga at malambot na katawan, ngunit ang pinatuyong
saha nito ay magandang gamiting pangdisenyo ng Plorera, bag, at iba pa.
_____3. Matatagpuan ito sa pampang ng anyong tubig gaya ng ilog, sapa, at dagat. Maganda ito ay mula
sa mga namatay na yamang tubig gaya ng suso, tulya, sulib, at iba pa.
_____4. Ito ay kadalasang ginagamit upang makagawa ng kagamitang pantahan tulad ng upuan,
aparador, lamesa, at iba pa.
_____5. Ito ay kilala sa tawag na “puno ng buhay” sapagkat mula sa ugat hanggang sa dahon nito ay
maaaring gawing iba’t ibang uri ng produkto tulad ng walis, gam0t, sabon, table, langis, at
marami pang iba.

You might also like