Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ARTS N’ LINES TUTORIAL CENTER

2nd Quarter Reviewer – Filipino 9

Name: _________________________________________________ Date: _______________


Noli Me Tangere
Bilugan ang titik ng tamang sagot sa karakter na tinutukoy sa nobelang Noli Me Tangere
1. Binatang nag-aral sa Europa na nangarap makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang
magandang kinabukasan ng kabataan ng San Diego. Siya ay sagisag ng mga Pilipinong
nakapag-aral.
a. Elias b. Crisostomo Ibarra c. Don Rafael
2. Siya ang kasintahan ni Crisostomo Ibarra na kumakatawan sa isang
uri ng Pilipinang lumaki sa kumbento at nagkaroon ng edukasyong nakasalig sa doktrina ng
relihiyon.
a. Maria Clara delos Santos b. Sisa c. Maria Isabela
3. Siya ay isang piloto/bangkero at magsasakang tumulong kay crisostomo Ibarra para
makilala ang kanyang bayan at gayundin ang mga suliranin nito.
a. Elias b. Crispin c.Basilio
4. Siya ay isang iskolar na nagsisilbing tagapayo ng marurunong na
mamamayan ng San Diego. Taglay niya ang katangian ni Rizal na mapagpuna sa mga pangyayari
sa paligid.
A Ibarra b. Pilosopo Tasyo c. Elias
5. Isang kurang Pransiskano na dating kura ng San Diego at siya ring nagpahukay
at nagpalipat sa bangkay ni Don Rafael Ibarra sa libingan ng mga Intsik. Isang taong madaling
mauto sa mga papuri.
a. Padre Sibyla b. Padre Hernando Salvi c. Padre Damaso
6. Isang mayamang mangangalakal na taga-
Binondo na asawa ni Pia Alba at ama ni Maria Clara. Siya ay taong mapagpanggap at laging
masunurin sa nakatataas sa kanya ngunit sakim at walang pinapanginoon kundi ang salapi.
a. Don Santiago “Kapitan Tiago” delos Santos
b. Don Rafael Ibarra
c. Alperes
7. Ama ni Crisostomo Ibarra na namatay sa bilangguan. Siya ay labis na
kinainggitan ni Padre Damaso dahilan sa yamang tinataglay kaya pinaratangan siyang erehe ng
pamahalaan.
a. Don Santiago delos Santos
b. Don Rafael Ibarra
c. Don Tiburcio de Espadana
8. Ang mapagmahal na ina nina Basilio at Crispin na may asawang pabaya at malupit. Isang
inang walang nalalaman kundi ang umibig at umiyak na lamang.
a. Sisa b. Victorina c. Isabel
9. Ang kurang pumalit kay Padre Damaso sa San Diego.
a. Padre Salve b. Padre Sibyla c. Alfonso Linares
10. Isang paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa bawat kilos ni
Crisostomo Ibarra.
a. Padre Salve b. Padre Sibyla c. Alfonso Linares
11. Nakatatandang anak ni Sisa na isang sacristan at tagatugtog ng kampana sa kumbento.
Sinasagisag niya ang mga walang malay at inosente sa lipunan.
a. Crispin b. Basilio c. Elias
12. Bunsong kapatid ni Basilio na isa ring sacristan at kasama ring tumutugtog ng kampana
sa simbahan ng San Diego.
a. Crispin b. Ibarra c. Elias
13. Siya ang puno ng mga guwardiya sibil at siya ring mahigpit na kaagaw ng kura sa
kapangyarihan sa San Diego.
a. Alperes b. Rafael c. Linares
14. Siya ay isang dating labanderang malaswa kung magsalita na naging asawa ng alperes.
a. Donya Victorina b. Donya Consolacion c. Donya Pia
15. Isang babaeng punong-puno ng kolorete sa mukha dahil sa kaniyang pagpapanggap bilang isang
mestisang Espanyol.
a. Donya Victorina b. Donya Consolacion c. Donya Pia
16. Siya ay pilay at bungal na Kastilang nakarating sa Pilipinas dahil sa kanyang paghahanap ng
magandang kapalaran. Asawa ni Donya Victorina. Siya ay sagisag ng taong walang paninindigan
at prinsipyo.
a. Don Tiburcio de Espadaña
b. Alfonso Linares
c. Alperes
17. Binatang napili ni Padre Damaso na maging asawa ni Maria Clara. Siya ay malayong pamangkin
ni Don Tiburcio.
a. Don Tiburcio de Espadaña
b. Alfonso Linares
c. Alperes
18. Siya ang hipag ni Kapitan Tiago na nag-alaga kay Maria Clara simula nang siya ay
sanggol pa lamang.
a. Tiya Isabel b. Linares c. Victorina
19. Siya ang ina ni Maria Clara na sa loob ng anim na taon ng kanilang pagsasama ng kanyang
kabiyak na si kapitan Tiago ay hindi nagkaanak. Siya ay namatay matapos maisilang si Maria Clara.
a. Donya Pia Alba delos Santos
b. Donya Victorina
c. Sisa
20. Isa sa matatapat na kaibigan ni Don Rafael Ibarra. Siya rin ang tenyente ng guardia civil na
nagkuwento kay Crisostomo Ibarra ng totoong sinapit ng kanyang ama.
a. Linares
b. Tenyente Guevarra
c. Elias
21. Ang pinakamakapangyarihang opisyal at kinatawan ng Hari ng Espanya sa Pilipinas. Siya rin ang
tumulong kay Crisostomo Ibarra para maalis siya sa pagka-ekskomulgado.
a. Gobernador Heneral b. Kapitan c. Alkalde
22. Isa sa mga naging kapitan ng bayan ng San Diego na naging kalaban ni Don Rafael sa isang
usapin
sa lupa. Siya ang ama ni Sinang.
a. Tenyente Guevarra
b. Don Rafael
c. Kapitan Basilio
23. Siya ay isang tenyente mayor na kaibigan ni Pilosopo Tasyo at asawa ni Donya Teodora Vina.
Siya
ay magaling magbasa ng Latin.
a. Lucas
b. Don Pedro Ibarra
c. Don Filipo Lino
24. Isang Indio na kapatid ng tauhang namatay sa pagbagsak ng kabriya sa ipinatatayong
gusali ng paaralan ni Crisostomo Ibarra. Siya ay humihingi ng danyos sa nangyari ngunit dahil sa
pagtataboy sa kaniyang malinis na hangarin ay pinili na lamang niyang sumapi sa mga tulisan.
a. Lucas
b. Don Pedro Ibarra
c. Don Filipo Lino
25. Ang nuno ni Crisostomo Ibarra na kinikilalang naging dahilan ng pagkasawi ng nuno ni Elias.
a. Don Saturnino Ibarra
b. Don Pedro Ibarra
c. Don Filipo Lino
26. Ang nuno ni Crisostomo Ibarra.
a. Don Pedro Ibarra b. Don Tiburcio c. Don Filipo Lino
27. Tanging babaeng makabayang pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala
ng ama.
a. Kapitan Maria b. Isabel c. Victorina
28. Siya ang tagapamahala ni Crisostomo Ibarra sa pagpapagawa ng kaniyang paaralan.
a. Maestro Nol Juan b. Elias c. Basilio
29. Siya ang puno ng mga tulisan at itinuturing na ama ni Elias.
a. Kapitan Tiago b. Kapitan Pablo c. Kapitan Guevarra
30. siya ay isang simpleng dalagang naninirahan sa isang kubong matatagpuan sa loob ng
kagubatan. Siya ang babaeng natatangi sa puso ni Elias.
a. Salome b. Pia c. Victorina

You might also like