KPP (Gr. 11)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 38

SENIOR HIGH SCHOOL

INSTRUCTIONAL MODULE
SCHOOL YEAR 2020-2021- FIRST SEMESTER

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA

WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Ms. Jenelyn A. Amalia

Jenelyn.amalia@stjude.edu.ph

1|Page
TALAAN NG NILALAMAN

YUNIT 1

ARALIN 1: ANG WIKA …………………………………………………………. 3

YUNIT 2

ARALIN 2: WIKA, WIKANG PILIPINO, AT SITWASYON


PANGWIKA SA PILIPINAS ....................................................
ARALIN 3: INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK SA WIKA
AT KULTURANG PILIPINO .....................................................

TAMANG ARALIN
ARALIN 1: ANG WIKA

2|Page
Layunin
a. Malaman ang kahulugan at iba pang aspeto ng wika
at komunikasyon.
b. Maisapuso ang pag-aaral ng kasaysayan ng wika at komunikasyon.
c. Maisabuhay ang kahalagahan ng wika sa pang-araw-araw na
pakikipagkomunikasyon.

Pagtatalakay Wika
Kahulugan ng Wika

 Ang salitang latin na lingua ay nangangahulugang “dila” at


“wika” o “lenggwahe”. Ito ang pinagmulan ng salitang Pranses Dalubwika ang taong
na langue na nangangahulugang ding dila at wika. Kalaunan nagpapalalim at
ito’y naging language na siya ring ginamit na lenggwahe. Sa nagpapalawak ng
maraming wika sa buong mundo, ang mga salitang wika at kaalaman sa wika.
dila ay may halos na magkaparehong kahulugan. Ito marahil Tinatawag
ay sa dahilan ang dila ay konekstado sa pasalitang pagbigkas na lingguwistika ang
dahil ang iba’t ibang tunog ay nalilikha sa pamamagitan ng siyentipikong pag-
iba’t ibang posisyon ng dila. Kaya naman, ang wika ay may
aaral ng wika.
tradisyonal at popular na pagpapakahulugang sistema ng
arbitraryong vocal-symbol o mga sinasalitang tunog na
ginagamit ng mga miyembri ng isang pamayanan sa kanilang pakikipagtalastasan at
pakikipag-ugnayan sa isa’t isa.

Narito ang iba’t ibang pagpapakahulugan ng mga dalubwika:

 Ayon kay Hutch (1991), ang wika ay malimit na binibigyang-kahulugan bilang sistema ng
mga tunog, arbitrayo na ginagamit sa komunikasyong pantao.
 Ayon kay Webster, ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng
isang maituturing na komunidad. Ito ay naririnig at

binibigkas na pananalita na nalikha sa pamamagitan ng dila at ng kalakip na mga sangkap


ng pananalita.
 Ayon kay Henry Allan Gleason Jr. (linguist at propesor sa University of Toronto) – ang
wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog napinili at isinaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng tao na nabibilang sa isang kultura.

Kahalagahan ng Wika

3|Page
1. Pagiging instrumento ng komunikasyon.
2. Sa pagpapanatili, pagpapayabong at pagpapalaganap ng kultura ng bawat grupo ng tao.
3. Nagpapakita ng pagiging malaya at pagkakaroon ng soberanya ng isang bansa.
4. Nagsisilbing tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng mga karunungan at kaalaman.
5. Bilang tulay ng pagkakaunawaan ang iba’t ibang taong may kani-kaniyang wikang
gianagamit.

Limang Kalikasan ng Wika batay sa Depinisyon


ni Henry Gleason
Mayroong limang kalikasan ang wika batay sa depinisyon na ibinigay ni
Henry Gleason:

1. Ang wika ay masistemang balangkas dahil ito ay organisado at


may sinusundang proseso.
Halimbawa:
(a) Hindi puwedeng “ako tahol” dahil ang tahol ay para sa aso.
(b) Laging may gitling ang salitang inuulit gaya ng sari-sari at laksa-laksa,
kung walang buong diwa ang salitang inuulit kapag nag-iisa na lamang
ito.

2. Ang wika ay sinasalitang tunog. Lahat ng wika ay may grammar


(sinusundang proseso ng wika).
Isang halimbawa nito ay mula tunog /a/ ay magiging titik [a], mula
sa titik ay magiging pantig -- a, ang pantig ay magiging salita – a|so,
ang salita ay magiging parirala, ang parirala ay magiging
pangungusap
Halimbawa:
/a/ --> [a] --> a -->
/s/ --> [s] --> s --> ASO
/o/ --> [o] --> o -->

3. Ang wika ay arbitraryo. Ibig sabihin, nagbabago-bago ang


kahulugan ng salita batay sa mga sumusunod:

4|Page
• Panahon
Halimbawa:
(a) Ang bakla noong siglo 1800 ay tumutukoy sa pagkaduwag ng
isang tao.
(b) Ang bakla sa kasalukuyang panahon ay tumutukoy sa
homosekswal na lalaki.
• Konteksto
Halimbawa:
(a) Sa larangan ng panitikan, ang salitang text ay
nangangahulugang panitikang binabasa at/o pinag-aaralan.
(b)Sa larangan ng telekomunikasyon, ang text ay
nangangahulugang mensaheng pinadadala o nababasa sa cell
phone.
• Gumagamit
Halimbawa:
(a) Uso sa kabataan ang akronim gaya ng LOL, OOTD, at iba pa.
(b) Sa matatanda, tinatawag nilang pridyider ang refrigerator,
samantalang sa kabataan, fridge ang tawag dito.

4. Ang wika ay ginagamit ng tao. May kakayahan ang tao na


makapagbigay ng ibang kahulugan sa isang salita gayundin ay
makabuo ng bagong salita.
Halimbawa:
(a) text, load, like, post, share lobat mula sa low batt, imba mula sa
imbalance, DP mula sa default pic.

5. Ang wika ay bahagi ng kultura.


• Repleksiyon
Halimbawa: marami tayong katawagan sa bigas
• May mga salitang sa Pilipinas lang ginagamit
Halimbawa: inin: kanin na malapit nang maluto.

Komunikasyon
Kahulugan ng Komunikasyon

5|Page
 Ayon kay Webster, ang Komunikasyon ay pagpapahayag, paghahatid o pagbibigay ng
impormasyon sa mabisang paraan. Isa itong pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o
pakikipag-ugnayan.
 Ayon kay Cruz (1988), Ito ay proseso ng pagbibigay at pagtanggap, napapalipat-lipat sa
mga indibidwal ang mga impormasyon, kaalaman, kaisipan, impresyon at damdamin.
Nagbubunga ang ganitong pagpapalitan ng pagkakaunawaan at kaunlaran ng lipunan.
Antas ng Komunikasyon

1. Ang Intrapersonal na antas ng komunikasyon ay nakatuon sa sarili o paraan ng


pakikipag-usap sa sarili sa pamamagitan ng dasal, medistasyon at pagninilay-nilay.
2. Ang interpersonal na antas ng komunikasyon ay nagaganap sa pagitan ng dalawa o higit
pang kalahok.
3. Ang organisasyonal na antas ng komunikasyon ay nagaganap sa loob ng isang
organisasyon tulad ng paaralan, kompanya, simbahan at pamahaalan sa pagitan ng mga
taong may iba’t ibang posisyon, obligasyon at responsibilidad. Kasama rin dito ang
pakikipag-usap nila sa kliyente o mamamayan sa labas ng kanilang organisasyon.

Uri ng Komunikasyon

1. Komunikasyong Pabigkas. Pinakapundayon ng anumang wika at


pagsasaling-kaliningan sa mahabang henerasyon. Ang sinaunang
kalinangan ay nakabatay sa oral na tradisyon tulad ng ritwal ng
pananampalataya, pagtatanim, pag-aani, at panggagamot.
Umusbong din ang oral na naratibo sa panahong ito tulad ng epiko,
kwentong bayan, panulaan at alamat.
2. Komunikatibong Pasulat. Mahalagang salik ng kaalaman at
eduksayon ng tao, Nakabatay sa alpabeto, gramatika o estraktura
ng wika at kumbensiyong pangwika ang pagsulat ng isang tao.

3. Pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng Computer o


Computer Mediated Communication (CMC). Sa ngayon,
kasama na ang computer-mediated communication
(CMC) dulot ng pagpasok ng internet.

Modelo ng Komunikasyon

FEEDBACK
6|Page
MENSAHE TAGATANGGAP
TAGAPAGPADALA
(SENDER) (RECIEVER)
TSANEL

Ang tagapagpadala (sender) ang pinagmumulan ng mensahe. Dumadaan ang


mensahe sa isang tsanel (channel) upang maihatid ito sa patutunguhang tao o
destinasyon. Tagatanggap (receiver) ang tao o institusyong pinapadalhan ng
mensahe. Nagkakaroon ng feedback ang tagatanggap hinggil sa mensahe ng
tagapagpadala. Ang feedback ay maaring tugon, puna o reaksyon sa mensahe na
bumabalik sa tagapagpadala.
Ang modelo ng komunikasyon ay nadadgdagan ng ilang component ngunit hindi
nababwasan ang generic na component. Napapalitan ang mga katawagang generic
depende sa iba’t ibang komunikatibong sitwasyon.
Tingnan ang halimbawa ng komunikatibong sitwasyon sa ibaba:

Tugon/ Puna/
Reaksyon

Payo sa
Pag-ibig
DJ sa Radyo FM Tagapakinig
Radyo

7|Page
Teorya ng Pinagmulan ng Wika
ANG TEORYANG BIBLIKAL

May dalawang tala mula sa Bibliya ang tumalakay tungkol sa paglaganap ng iba't ibang
wika sa panig ng mundo. Ito ay ang kasaysayan ng Tore ng Babel na binabanggit sa
Lumang Tipan, at ikalawa ang Pentecostes na nasa Bagong Tipan naman.

Tore ng Babel

 Lalong kilala ito sa tawag na Teorya ng Kalituhan, hango ito sa aklat ng Genesis na
sinasabing noon ay may iisang wikang ginagamit ang tao, iyon ang wikang Armaic.
 Dahil sa iisa ang wikang ginagamit ng mga tao, nagkaisa silang magtayo ng isang tore sa
kapatagan ng Shinar na sa paglalarawan sa aklat ng Genesis ay aabot sa langit, at
magiging tanyag sa daigdig.
 Ang kapangahasang ito ng mga tao ay nasaksihan ng Diyos, kaya iniba-iba Niya ang
wika (Carpio 2012).

Pentecostes

 Matatagpuan ito sa ikalawang aklat ng mga Gawa bersikulo 1-12.


 Tinutukoy nito ang Pentecostes ng pagsapit ng banal na Espiritu Santo.
 Nakasaad dito na minsang nagtipon-tipon sa isang lugar ang mga Apostol nang may
narinig na ugong na nagmumula sa langit at may tila apoy na hugis dila ang lumapag sa
bawat isa, at sila ay napuspos ng Espiritu Santo.
 Pagkatapos nito, nagsimula silang magsalita ng iba't ibang wika.

ANG TEORYANG SIYENTIPIKO O MAKAAGHAM

Nagsimula noong ika-12 siglo ang pag-aaral tungkol sa pagkakaroon ng iba’t ibang wika
sa mundo. Narito ang mga sumusunod na teorya:

Teoryang Bow-wow

 Ipinagpapalagay ng teoryang ito na nagmula ang wika sa pangagaya o panggagad ng tao


sa mga tunog na nagmumula sa kalikasan.

Halimbawa: 
Tahol ng aso at tunog ng lagasgas ng tubig sa talon

8|Page
Teoryang Ding-dong

 Tanyag din ang teoryang ito sa tawag na Teoryang Natibistiko.

 Ipinapalagay ng teoryang ito na nagmula ang wika mula sa pagbigay ngalan ng tao sa
mga bagay batay sa tunog na maririnig mula rito, sa ibang salita buhat sa onomatopeia na
maikakabit sa bagay.

Halimbawa: 
Tunog ng kampana ay ding-dong, habang tik-tak ang salita para sa orasan
Teoryang Pooh-Pooh

 Tinataya ng teoryang ito na dahil sa matinding emosyon, nakabubulalas ang tao ng tunog,
na natuto ang tao na makipag-usap sa kagustuhan niya na maipahatid ang kaniyang
emosyon.

Halimbawa:

Sakit: Aray! Paghanga: Wow!

Teoryang Yo-he-ho

 Ang wika ay nagmula sa mga ingay na nalilikha ng mga taong magkakatuwang at


magkakasama sa kanilang paggawa gaya ng pagbubuhat ng mabibigat na bagay.
 Ang teoryang ito ay nakatuon sa tunog na nalilikha ng tao na nagmumula sa kaniyang
puwersang pisikal.

Halimbawa: 

 Ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sinaunang tao sa sinaunang
sibilisasyon, sa kanilang mga ritwal at dasal.

Halimbawa: 
Sa ritwal na sayaw ng mga Mangyang Alangan

Teoryang Sing-Song

9|Page
 Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa,
pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas-emosyunal. Iminungkahi pa niya
na taliwas sa iba pang teorya, ang mga unang salita ay sadyang mahahaba at musikal, at
hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami.
Halimbawa:

Oyayi ang pampatulog sa bata. Diona ang awit sa kasal.

Teoryang Hey you!

 Hawig ito ng teoryang pooh-pooh. Iminungkahi ng linggwistang si Revesz na bunga ng


interpersonal na kontak ng tao sa kanyang kapwa tao ang wika. Ayon kay Revesz,
nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at
pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas din tayo bilang pagbabadya ng takot, galit o sakit
(Saklolo!). Tinatawag din itong teoryang kontak.
Halimbawa:

Pagkakakilanlan: Sila Pagbabadya:

Coo Coo

 Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol.
Ang mga tunog daw na ito ang ginaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa mga
bagay-bagay sa paligid, taliwas sa paniniwala ng marami na ang mga bata ang
nanggagaya ng tunog ng mga matatanda.
Halimbawa:

ta-ta

Babble Lucky

 Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang bulalas ng
tao. Sa pagbubulalas ng tao, sinuwerte lamang daw siya nang ang mga hindi sinasadya at
walang kabuluhang tunog na kanyang nalikha ay naiugnay sa mga bagay-bagay sa paligid
na kalaunan ay naging pangalan ng mga iyon.

Halimbawa:

Weh

10 | P a g e
Hocus Pocus

 Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng


pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga
ninuno. Maaari raw kasing noo’y tinatawag ng mga unang tao ang mga hayop sa
pamamagitan ng mga mahikal na tunog na kalaunan ay naging pangalan ng bawat hayop.
Halimbawa:

Eureka!

 Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito. Maaari raw na ang ating mga ninuno
ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak
na bagay. Nang ang mga ideyang iyon ay nalikha, mabilis na iyong kumalat sa iba pang
tao at naging kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay-bagay (Boeree, 2003).
Halimbawa:

Ta-ra-ra-boom-de-ay

 Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng
gawain tulad ng sa pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, pagkakasal,
pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot, maging sa paliligo at pagluluto. Kaakibat ng
mga ritwal na iyon ay ang pagsasayaw, pagsigaw at incantation o mga bulong. Ayon sa
teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga
ritwal na ito na kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
Halimbawa: Ang mga karaniwan na sinaunang ritwal bilang pag-aalay ay
pagkain at pag-awit na may kasamang sayaw.
Mama

 Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng


pinakamahahalagang bagay. Pansinin nga naman ang mga bata. Sa una’ y hindi niya
masasabi ang salitang mother ngunit dahil ang unang pantig ng nasabing salita ang
pinakamahalaga diumano, una niyang nasasabi ang mama bilang panumbas sa salitang
mother.
Halimbawa: ma-ma / pa-pa

Wikang Pambansa
Ang wikang ito ang nagbubuklod sa atin bilang mamamayan ng bansang Pilipinas.
Iminungkahi nil Lope K. Santos na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga
umiiral na wika sa Pilipinas. Sinusugan ito ni Manuel L. Quezon na noo’y Pangulo ng
Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas. Ang pagsusog na ito ni Pangulong Quezon ay

11 | P a g e
nagbigay-daan sa probisyong pangwika na nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng
Saligang Batas ng 1935 na nagsasabing:
“Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang
pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t hindi
itinatakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling opisyal na
wika.”
Batay sa pag-aaral na isinagawa ng Surian, napili nila ang Tagalog bilang batayan ng
wikang pambansa dahil ang naturang wika ay tumugma sa mga pamantayang kanilang
binuo tulad ng sumusunod:

“Ang wikang pipiliin ay dapat…

 wika ng sentrong pamahalaan;


 wika ng sentro ng edukasyon;
 wika ng sentro ng kalakalan; at
 wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat na panitikan.”

Batay sa rekomendasyon ng Surian, noong Disyembre 30, 1937 ay iprinoklama ni


Pangulong Quezon na wikang Tagalog ang magiging batayan ng wikang pambansa sa
bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134. Magkakabisa ang proklamasyong ito
pagkaraan ng dalawang taon. Noong ngang 1940, ipinag-utos ng kalihim ng Public
Instruction sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg.263 ang pagtuturo ng wikang
pambansa sa mga paaralang pampubliko at pribado. Nang ipagkaloob ng mga Amerikano
ang ating kalayaan, sa Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946, ay
ipinihayag din na ang mga wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas
Komonwelt Bilang 570. Noong Agosto 13, 1959 ay pinalitan ang tawag sa wikang
pambansa. Mula Tagalog ay tinawag itong Pilipino sa bisa ng kautusang Pangkagawaran
Blg. 7 na ipinalabas ni Jose E. Romero, ang kalihim ng Edukasyon sa panahong iyon. Sa
Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksiyon 3, Blg. 2: “Ang Batasang Pambansa ay
dapat magsagawa ng mga hakbang na magpapaunlad at pormal na magpapatibay sa isang
panlahat na wikang pambansang kikilalaning Filipino.”Nakasaad sa Saligang Batas ng
1987 Artikulo XIV, Seksiyon 6 ang probisyon tungkol sa wika na nagsasabing:

“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat


payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga
wika.”

12 | P a g e
Wikang Opisyal at Wikang Panturo

Ayon kay Virgilio Almario (2014) ang wikang opisyal ay ang itinadhana
ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ibig
sabihin, ito ang wikang maaaring gamitin sa anumang uri ng
komunikasyon, lalo na sa anyong nakasulat, sa loob at labas ng alinmang
sangay o ahensiya ng gobyerno. Ang wikang panturo naman ang wikang
opisyal na ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit
sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng
mga aklat at kagamitan sa pagtuturo sa silid-aralan.
Sa pangkalahatan nga ay Filipino at Ingles ang mga opsiyal na wika at
wikang panturo sa mga paaralan. Sa pagpasok ng K to 12 Kurikulum, ang
Mother Tongue o unang wika ng mga mag-aaral ay naging opisyal na
wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3 sa mga paaralang
pampubliko at pribado man. Tinawag itong Mother Tongue-Based Multi-
Lingual Education (MTB-MLE).
Ayon kay DepEd Secretary Brother Armin Luistro, FSC, “ang paggamit ng
wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang baitang ng pag-aaral ay
makatutulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at
makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural.

Kasaysayan ng Wikang Pambansa


Panahon ng mga Katutubo

 Alibata o baybayin ang tawag sa katutubong paraan ng pagsulat


 Binubuo ito ng labimpitong (17) titik: tatlong (3) patinig at labing-apat (14) na
Katinig

13 | P a g e
Alibata

14 | P a g e
Ang mga katinig ay binibigkas na may kasamang tunog ng patinig na /a/.
Kung nais basahin o bigkasin ang mga katinig na kasama ang tunog na /e/
o /i/, nilalagyan ang titik ng tuldok sa itaas. Samantala, kung ang tunog
ng /o/ o /u/ ang nais isama sa pagbasa ng mga katinig, tuldok sa ibaba nito
ang inilalagay.

Gumagamit ng dalawang pahilis na guhit // sa hulihan ng pangungusap bilang hudyat ng


pagtatapos nito.

Panahon Ng Mga Kastila


 Maraming pagbabago ang naganap at isa na rito ang sistema ng ating pagsulat.
 Ang dating alibata ay napalitan ng Alpabetong Romano na binubuo naman ng 20 titik,
limang (5) patinig at labinlimang (15) katinig.
 a, e, i, o, u b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y
 Pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang isa sa naging layunin ng pananakop ng mga
Kastila.
 Ngunit nagkaroon ng suliranin hinggil sa komunikasyon.
 Nagtatag ang Hari ng Espanya ng mga paaralang magtuturo ng wikang Kastila sa mga
Pilipino ngunit ito ay tinutulan ng mga prayle.
 Ang mga misyonerong Kastila mismo ang nag-aral ng mga wikang katutubo.
1. Mas madaling matutuhan ang wika ng isang rehiyon kaysa ituro ito sa lahat ang
Espanyol.
2. Higit na magiging kapani-paniwala at mabisa kung ang isang banyaga ay nagsasalita
ng katutubong wika. Ang mga prayle’y nagsulat ng mga diksyunaryo at aklat-
panggramatika, katekismo at mga kumpesyonal para sa mabilis na pagkatuto nila ng
katutubong wika
 Ang mga prayle’y nagsulat ng mga diksyunaryo at aklat-panggramatika, katekismo at
mga kumpesyonal para sa mabilis na pagkatuto nila ng katutubong wika
 Ang mga prayle’y nagsulat ng mga diksyunaryo at aklat-panggramatika, katekismo at
mga kumpesyonal para sa mabilis na pagkatuto nila ng katutubong wika
 Naging usapin ang tungkol sa wikang panturong gagamitin sa mga Pilipino.

15 | P a g e
 Inatas ng Hari na ipagamit ang wikang katutubo sa pagtuturo ng pananampalataya subalit
hindi naman ito nasunod.
 Gobernador Tello – turuan ang mga Indio ng wikang Espanyol
 Carlos I at Felipe II – kailangang maging bilinggwal ang mga Pilipino
 Carlo I – ituro ang doktrinang Kristiyana sa pamamagitan ng wikang Kastila
 Noong Marso 2, 1634, muling inulit ni Haring Felipe II ang utos tungkol sa pagtuturo ng
wikang Kastila sa lahat ng katutubo
 Hindi naging matagumpay ang mga kautusang nabanggit kung kaya si Carlos II ay
naglagda ng isang dekrito na inuulit ang mga probisyon sa mga nabanggit na batas.
Nagtakda rin siya ng parusa para sa mga hindi susunod dito.
 Noong Disyembre 29, 1792, nilagdaan ni Carlos IV ang isa pang dekrito na nag-uutos na
gamitin ang wikang Kastila sa mga paaralang itatatag sa lahat ng mga pamayanan ng
Indio.

Panahon ng Propaganda
 Sa panahong ito, marami na ring mga Pilipino ang naging matindi ang damdaming
nasyonalismo. Nagtungo sila sa ibang bansa upang kumuha ng mga karunungan.
 Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Marcelo H. del Pilar
 Sa panahong ito ay maraming akdang naisulat sa wikang Tagalog. Pawang mga akdang
nagsasaad ng pagiging makabayan, masisidhing damdamin laban sa mga Kastila ang
pangunahing paksa ng kanilang mga isinulat.

Panahon ng mga Amerikano


 Nagsimula na naman ang pakikibaka ng mga Pilipino nang dumating ang mga
Amerikano sa pamumuno ni Almirante Dewey
 Ginamit nilang instrumento ang edukasyon na sistema ng publikong paaralan at
pamumuhay na demokratiko
 Mga gurong sundalo na tinatawag na Thomasites ang mga naging guro noon.
 William Cameron Forbes – naniniwala ang mga kawal Amerikano na mahalagang
maipalaganap agad sa kapuluan ang wikang Ingles upang madaling magkaunawaan ang
mga Pilipino at Amerikano
 Nagtatag ng lupon si Mc Kinley na pinamumunuan ni Schurman na ang layunin ay
alamin ang pangangailangan ng mga Pilipino
1. Isang pambayang paaralan ang kailangan ng mga Pilipino
2. Mas pinili ng mga lider-Pilipino na gamitin bilang wikang panturo ang Ingles
 Jorge Bocobo – naniniwalang ang lahat ng sabjek sa primaryang baitang, kahit na ang
Ingles ay dapat ituro sa pamamagitan ng diyalektong lokal
 N.M Saleeby, isang Amerikanong Superintende – kahit na napakahusay ang maaaring
pagtuturo sa wikang Ingles ay hindi pa rin ito magiging wikang panlahat dahil ang mga

16 | P a g e
Pilipino ay may kani-kaniyang wikang bernakular na nananatiling ginagamit sa kanilang
mga tahanan at sa iba pang pang-araw-araw na Gawain
 Bise Gobernador Heneral George Butte – naniniwalang epektibong gamitin ang mga
wikang bernakular sa pagtuturo sa mga Pilipino
 Labag man sa iniutos ni Mc Kinley na gamiting wikang panturo ang mga wikang
bernakular sa mga paaralan ay nanatili pa rin ang Ingles na wikang panturo at pantulong
naman ang wikang rehiyonal

Panahon ng Hapones
 Sa pagnanais na burahin ang anumang impluwensiya ng mga Amerikano, ipinagamit nila
ang katutubong wika partikular ang wikang Tagalog sa pagsulat ng mga akdang
pampanitikan.
 Ito ang panahong namayagpag ang panitikang Tagalog.
 Ipinatupad nila ang Order Militar Blg. 13 na nag-uutos na gawing opisyal na wika ang
Tagalog at wikang Hapon

Panahon ng Malasariling Pamahalaan


 Saligang Batas noong 1935, Seksyon 3, Artikulo XIV – “Ang Kongreso ay gagawa ng
mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay
sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
 Dahil sa probisyong ito, itinatag ni Pangulong Quezon ang Surian ng Wikang Pambansa
na ngayon ay Sentro ng Wikang Filipino upang mamuno sa pag-aaral sa pagpili ng
wikang pambansa.

 Nilikha ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelth Blg. 184 – opisyal na paglikha ng
Surian ng Wikang Pambansa noong ika-13 ng Nobyembre 1936
 Ang tungkulin nito ay magsagawa ng pananaliksik, gabay at alituntunin na magiging
batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Pilipinas
 Si Jaime C. de Veyra ang naging tagapangulo ng komite
 Napili nila ang Tagalog bilang batayan ng wikang tatawaging Wikang Pambansa
 Ipinalabas noong 1937 ng Pang. Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 –
nag-aatas na Tagalog ang batayan ng wikang gagamitin sa pagbubuo ng wikang
pambansa
 Ilang dahilan kung bakit Tagalog ang napiling batayang wika :
1. Mas marami ang nakapagsasalita at nakauunuwa ng Tagalog kumpara sa ibang wika
2. Mas madaling matutuhan ang Tagalog kumpara sa ibang wikain sapagkat sa wikang
ito, kung ano ang bigkas ay siyang sulat

17 | P a g e
3. Tagalog ang ginagamit sa Maynila at ang Maynila ang sentro ng kalakalan sa Pilipinas
4. Ang wikang Tagalo ay may hostorikal na basehan sapagkat ito ang wikang ginamit sa
himagsikan na pinamunuan ni Andres Bonifacio
5. May mga aklat na panggramatika at diksyunaryo ang wikang Tagalog
 Dahil sa pagsusumikap ni Pang. Quezon hinirang siyang “Ama ng Wikang Pambansa”
na magkaroon tayo ng wikang pagkakakilanlan,
 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 noong Abril 1940 – nagpapahintulot sa
pagpapalimbag at paglalathala ng Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang
Pambansa.
 Pinasimulan ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralan pampubliko at
pampribado sa buong bansa
 Pinagtibay ng Batas Komonwelth Blg. 570 na ang Pambansang Wika ay magiging isa na
sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1940
 Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 noong Marso 26, 1954
na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa ay magaganap mula
sa ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril bilang pagbibigay-kahalagahan sa kaarawan
ni Balagtas (Abril 2)
 Nilagdaan ni Pang. Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 186 noong Setyembre 23, 1955 na
nag-uutos sa paglilipat ng petsa ng Linggo ng

Wika mula ika-13 hanggang 19 ng Agosto bilang pagbibigay ng kahalagahan sa


kaarawan ni Pang. Quezon (Agosto 19)
 Noong Pebrero, 1956, nilagdaan ni Gregorio Hernandez, Direktor ng Paaralang Bayan
ang Sirkular 21 na nag-uutos na ituro at awitin ang Pambansang Awit sa mga paaralan
 Nagpalabas si Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ng Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7 noong Agosto 13, 1959 na nagsasaad na kailanma’t tutukuyin ang
Wikang
 Pambansa, ang salitang Pilipino ang gagamitin
 Nilagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na
nagtatadhana ng pagsasa-Pilipino ng mga pangalan ng gusali, edipisyo at tanggapan ng
pamahalaan noong Oktubre 24, 1967
 Marso 27, 1968, nilagdaan ni Rafael Salas, Kalihim Tagapagpaganap, ang Memorandum
Sirkular Blg. 96 na nag-aatas ng paggamit ng wikang Pilipino sa mga opisyal na
komunikasyon sa mga transaksyonng pamahalaan
 Memorandum Sirkular Blg. 488 noong Hulyo 29, 1972 na humihiling sa lahat ng
tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng Linggo ng Wika
 Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksyon 2 at 3 – “Ang Batasang Pambansa ay
magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng
pambansang wikang Pilipino at hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino
ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas”

18 | P a g e
 Hunyo 21, 1978, nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura, Juan Manuel ang
Kautusang Pangministri Blg. 22 na nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng
kurikulum na pandalubhasang antas
 Nabagong muli ag Konstitusyon nang sumiklab ang Edsa I noong Pebrero 25, 1986 at
nahirang na pangulo ng bansa si Gng. Corazon c. Aquino
 Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, nasasaad tungkol sa wika:
 Sek.6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino
 Sek.7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles
 Sek.8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa
mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Espanyol
 Sek.9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na
binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at

mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa


Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at
pagpapanatili.

- w a k a s -
I. Paglalagom

I. PANUTO: Piliin at bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ayon kay Henry Allan Gleason Jr. (linguist at propesor sa University of Toronto) – ang
wika ay ______________ ng sinasalitang ________ na pinili at isinaayos sa paraang
_________ upang magamit ng tao na nabibilang sa isang kultura.
A. sistematikong – pagbigkas – maayos
B. masistemang balangkas – arbitraryo - tunog
C. masistemang balangkas – tunog - arbitraryo
D. may sistemang balangkas - tunog – arbitraryo
2. Ang salitang latin na lingua ay nangangahulugang….
A. dila
B. dila at wika
C. wika at lenggwahe
D. dila at wika o lenggwahe
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi maituturing na kahalagahan ng wika?
A. Ang wika ay ginagamit ng tao.

19 | P a g e
B. Pagiging instrumento ng komunikasyon.
C. Nagpapakita ng pagiging malaya at pagkakaroon ng soberanya ng isang bansa.
D. Nagsisilbing tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng mga karunungan at
kaalaman.
4. ___________ ang tawag sa taong nagpapalalim at nagpapalawak ng kaalaman sa wika.
A. dalubhasa
B. patnugot
C. dalubwika
D. linggwistika
5. Alin sa mga nakalahad na halimbawa ang nagpapatunay na ang wika ay arbitraryo?
A. May mga salitang sa Pilipinas lang ginagamit tulad ng inin.
B. Hindi puwedeng “ako tahol” dahil ang tahol ay para sa aso.
C. Uso sa kabataan ang akronim gaya ng LOL, OOTD, at iba pa.
D. Mula sa tunog /a/ ay magiging titik [a], mula sa titik ay magiging pantig -- a, ang
pantig ay magiging salita – a|so.
6. Organisasyonal : organisasyon, Intrapersonal : ______________
A. sarili
B. repleksiyon
C. isang grupo ng tao
D. dalawa o higit pang kalahok
7. Ayon kay Cruz (1988), ito ay proseso ng pagbibigay at pagtanggap, napapalipat-lipat sa
mga indibidwal ang mga impormasyon, kaalaman, kaisipan, impresyon at damdamin.
Nagbubunga ang ganitong pagpapalitan ng pagkakaunawaan at kaunlaran ng lipunan.
A. wika
B. pagbigkas
C. interaksiyon
D. komunikasyon
8. Anong uri ng komunikasyon ang ritwal ng pananampalataya, pagtatanim, pag-aani, at
panggagamot?
A. berbal na komunikasyon
B. komunikasyong pasulat
C. komunikasyong pabigkas
D. pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng Computer o Computer-Mediated
Communication

9. Ano ang tamang pagkakaayos ng modelo ng komunikasyon?


A. tagapagpadala – tugon – tagatanggap - mensahe
B. mensahe – tagapagpadala – tugon - tagatanggap
C. tagapagpadala – mensahe – tagatanggap - tugon
D. tagapagpadala – tsanel –mensahe - tagatanggap

20 | P a g e
10. Alin sa mga sumusunod ang totoo tungkol sa modelo ng komunikasyon?
A. Nababawasan ang generic na component.
B. Hindi dumadaan ang mensahe sa isang tsanel.
C. Ang modelo ay nadadagdagan ng ilang component.
D. Tagapagpadala ang tawag sa tao o institusyong pinapadalhan ng mensahe.
11. Tore ng Babel : Genesis , Pentecostes : _____________
A. Gawa
B. Armaic
C. Bagong tipan
D. Bibliya
12. Alin sa mga sumusunod ang hindi teoryang siyentipiko?
A. Teoryang Ding-Dong
B. Teoryang Pooh Pooh
C. Teoryang Yow-hey-ho
D. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay
13. Ano ang tawag sa teorya ng wika na iminungkahi ng linggwistang si Revesz kung saan
sinabi niya na bunga ng interpersonal na kontak ng tao sa kanyang kapwa tao ang wika?
A. Teoryang Hey you!
B. Teoryang Bow-wow
C. Teoryang Hocus Pocus
D. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay
14. Mula sa mga halimbawang nakasaad, piliin ang tumutukoy sa teoryang Babble Lucky:
A. Ang tunog na nalilikha ng sanggol gaya ng dada.
B. Ang pagbulalas ng ahhhh dahil sa pagbuhat ng mabigat na bagay.
C. Ang pagbulalas ng weh na di kalaunan ay naiugnay sa pagsasabi ng hindi nga.
D. Ang paggaya ng matatanda sa mga tunog na likha ng bata gaya ng mammam.
15. Teoryang Tore ng Babel : Teorya ng Kalituhan , Teoryang Ding-dong :
________________
A. Teoryang Biblikal
B. Teoryang Natibistika
C. Teoryang Siyentipiko
D. Teoryang Natibistiko
16. Alin sa mga sumusunod na batayan sa pagpili ng wikang pambansa ang hindi tama?
A. Ang wikang pipiliin ay dapat wika ng sentro ng industriya
B. Ang wikang pipiliin ay dapat wika ng sentro ng edukasyon
C. Ang wikang pipiliin ay dapat wika ng sentrong pamahalaan
D. Ang wikang pipiliin ay dapat wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat
na panitikan
17. Batay kay Virgilio Almario (2014), ang wikang opisyal ay….

21 | P a g e
A. ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa pagsulat
ng mga aklat at kagamitan sa pagtuturo sa silid-aralan.
B. nagbubuklod sa atin bilang mamamayan ng bansang Pilipinas
C. ginagamit din sa tahanan at sa mga unang baitang ng pag-aaral
D. maaaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalo na sa anyong nakasulat,
sa loob at labas ng alinmang sangay o ahensiya ng gobyerno
18. Ang MTB-MLE ay nangangahulugang…
A. Mother Tongue-Based Millenial Education
B. Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education
C. Mother Tongue-Based Monolingual Education
D. Mother Tongue-Based Multilingualism Education

19. Ayon sa kanya, “ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang
baitang ng pag-aaral ay makatutulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral
at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural.”
A. Virgilio Almario
B. Jose E. Romero
C. Henry Allan Gleason Jr.
D. DepEd Secretary Brother Armin Luistro, FSC
20. Batay sa rekomendasyon ng Surian, noong Disyembre 30, 1937 ay iprinoklama ni
Pangulong Quezon na wikang __________________ ang magiging batayan ng wikang
pambansa.
A. Pilipino
B. Filipino
C. Tagalog
D. Katutubo
21. Alibata o __________ ang tawag sa katutubong paraan ng pagsulat.
A. alpabeto
B. baybayin
C. mga letra
D. binabaybay
22. Ang tawag sa mga gurong sundalo noong panahon ng mga Amerikano ay ________.
A. prayle
B. teachers
C. Thomasites
D. Thomasians
23. Siya ang nagpalabas ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 – nag-aatas na Tagalog
ang batayan ng wikang gagamitin sa pagbubuo ng wikang pambansa.
A. Pangulong Quezon
B. Pangulong Marcos

22 | P a g e
C. Pangulong Magsaysay
D. Pangulong Noynoy Aquino
24. Dito nakasaad na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
A. Pangulong Quezon
B. Pangulong Marcos
C. Pangulong Magsaysay
D. Pangulong Noynoy Aquino
25. Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 noong Marso 26, 1954
na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa ay magaganap mula
sa ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril bilang pagbibigay-kahalagahan sa kaarawan
ni ____________________.
A. Jose Rizal
B. Francisco Balagtas
C. Pangulong Quezon
D. Jose P. Laurel

II. PANUTO: Tukuyin kung tama o mali ang mga sumusunod na pahayag. Kung
mayroong mali sa mga pahayag, isulat ang salitang mali at ang salitang
nagpapamali rito. Halimbawa: Mali - Wika

_______________ 1. Ayon kay Bloomfield, masasabing bilingguwal ang isang taong may
sapat na kakayahan sa isa sa apat na makrong kasanayang pangwika.

_______________2. Maituturing na multilingguwal ang isang tao kung magagamit niya ang
ikalawang wika nang matatas sa lahat ng pagkakataon.

_______________3. Monolingguwalismo ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa


isang bansa.

_______________4. Ang Pilipinas ay isang bansang bilingguwal.

_______________5. Ang arterial na wika ay nangangahulugang unang wika.

_______________6. Patakarang bilingguwalismo ang pinatutupad sa mga bansang England,


Pransya, South Korea at Hapon.

_______________7. Mayroon tayong mahigit 180 wika at wikain kaya naman bibihirang
Pilipino ang monolingguwal.

_______________8. Sa pagpapatupad ng DepEd ng K to 12 Curriculum, kasabay na


ipinatupad ang probisyon para sa magiging wikang panturo partikular sa kindergarten at sa

23 | P a g e
Grade 1, 2 at 3. Tinawag itong MTB-MLE o Mother Tongue Based-Multilingualism
Education.

_______________9. Balanced bilingual ang tawag sa mga taong nakagagamit ng ikalawang


wika nang matatas sa lahat ng pagkakataon.

_______________10. Sa Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1975 mababasa


ang probisyon para sa bilingguwalismo o pagkakaroon ng dalawang wikang panturo sa mga
paaralan.

_______________11. Isa sa mga mahahalagang probisyon sa bisa ng Department Order No.


25, s. 1974 ang makalinang ng mga mamamayang Pilipinong matatas sa pagpapahayag sa
mga wikang Pilipino at Ingles.

_______________ 12. Epektibo ang pagkatuto ng mga magaaral kung wikang Ingles ang
kanilang gagamitin sa kanilang pag-aaral, ayon kay Tucker (1977).

_______________ 13. Lumabas sa pag-aaral ni Lewis (2013) na may mga pagkakataong


napag-iiwanan ang unang wika sa edukasyon.

_______________ 14. Ipinaliwanag ni Sen. Pimentel na hangga’t hindi natin


pinangangalagaan ang ating sariling katutubong mga wika, unti-unti itong mawawala sa ating
kamalayan, sa ating pasalita at pasulat na komunikasyon, gayundin unti-unti mamamatay ang
mga wikang ito.

_______________ 15. : “When you lose communication, you lose a culture, intellectual
wealth, a work of art.” - Dr. Kenneth Hale

III. PANUTO: Isulat ang iyong buong pangalan gamit ang BAYBAYIN/ALIBATA.
Gamitin ang espasyo sa ibaba.

24 | P a g e
II. Sanggunian

 Geronimo, Jonathan V. et al., Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino, 2016, Rex Book Store Inc., Manila, Philippines
 Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace G., Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, 2016, Phoenix Publishing House, Quezon
City, Philippines
 Valenzuela, Rogelio et al., Sidhaya 11: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino, 2016, C & E Publishing, Inc., Quezon City, Philippines

ARALIN 2: WIKA, WIKANG FILIPINO AT SITWASYONG


PANGWIKA
SA PILIPINAS.

LAYUNIN
a. Malaman ang kahulugan at iba pang aspeto ng wika
at komunikasyon.
b. Maisapuso ang pag-aaral ng kasaysayan ng wika at komunikasyon.
c. Maisabuhay ang kahalagahan ng wika sa pang-araw-araw na

25 | P a g e
pakikipagkomunikasyon.

Mga Sitwasyon Pangwika

SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON


 Ang telebisyon ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil
sa dami ng mga mamamayang naabot nito.
 Ang mabuting epekto ng paglaganap ng cable o satellite connection para marating ang
malalayong pulo at ibang bansa.
 Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa bansa na ginagamit ng mga
lokal na channel.
 Mga halimbawa ng mga programang pantelebisyon na gumagamit ng wikang Filipino ay
mga teleserye, mga pantanghaliang palabas, mga magazine show, news and public
affairs, reality show at iba pang programang pantelebisyon.
 ang pagdami ng mga palabas sa telebisyon partikular ang mga teleserye o pantanghaling
programa na sinusubaybayan ng halos lahat ng milyon-milyong manununood ang dahilan
kung bakit halos lahat ng mamamayan sa bansa ay nakakaunawa at nakakapagsalita ng
wikang Filipino.

SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO AT DYARYO


 Wikang Filipino ang nangungunang wika sa radyo sa AM man o sa FM.
 Ang mga estasyon sa probinsya ay gumagamit ng rehiyonal na wika ngunit kung may
kapanayam sila ay karaniwan sa wikang Filipino sila nakikipagusap.
  Sa dyaryo ay wikang Ingles ang ginagamit sa broadsheet at wikang Filipino naman
sa tabloid.
  Tabloid ang mas binibili ng masa o karaniwang tao sapagkat mas naiintindihan nila ang
wikang ginagamit dito. Ito ang mga katangian ng isang tabloid:
o Nagtataglay ng malalaki at nagsusumigaw na headline na naglalayong maakit
agad ang mambabasa.

26 | P a g e
o Ang nilalaman ay karaniwang senseysyonal na naglalabas ng impormalidad
o Hindi pormal ang mga salita.

SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA


 Ingles ang kadalasang pamagat ng mga pelikulang Pilipino.
 Filipino ang lingua franca o pangunahing wika ang ginagamit.
 Ang pangunahing layunin ay makaakit ng mas maraming manunuod na malilibang sa
kanilang mga palabas at programa upang kumita ng malaki.
 Malawak ang naging impluwensya dahil sa tulong nito mas marami ng ng mamayan ng
bansa ang nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino.
 Ang nananaig na tono ay impormal at waring hindi gaanong strikto sa pamantayan ng
propesyonalismo.

SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT

 Ang pagpapadala ng sms (short messaging system) ay isang mahalagang bahagi ng


komunikasyon sa bansa.
 Humigit kumulang 4 na bilyong text ang ipinapadalaat natatangap ng ating bansa kaya ito
ay kinilala bilang “Text Capital of the World”.
 Madalas ang paggamit ng code switching at madala pinaiikli ang baybay ng mga salita.
 Walang sinusunod na tuntunin o rule.

SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT INTERNET

 Ang tawag sa mga taong gumagamit nito ay netizen.


 Karaniwang may code switching.
 Mas pinagiisipang mabuti ang mga gagamiting salita bago I post.
 Ingles ang pangunahing wika dito.
 Naglalaman ng mga sumusunod
   Impormasyon sa ibat ibang sangay ng pamahalaan
 Mga akdang pampanitikan
 Awitin
 Resipe
 Rebyu ng pelikulang Pilipino
 Impormasyong pangwika

Mga Patakarang Pangwika


 Resolusyon Blg 92-1
NAGLALAHAD NG BATAYANG DESKRIPSYON NG FILIPINO

27 | P a g e
 Proklamasyon Blg 1041
NAGPAPAHAYAG NG TAUNANG PAGDIRIWANG TUWING AGOSTO 1-31
BILANG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA

 Proklamasyon Blg 964


IPINAHAHAYAG NA ANG IKALAWANG ARAW NG ABRIL AT TAUN-TAON
PAGKARAAN NIYON AY ARAW NI FRANCISCO “BALAGTAS” BALTAZAR.

 ATAS TAGAPAGPAGANAP BLG 335


NAG-AATAS SA LAHAT NG MGA KAGAWARAN/ KAWANIHAN/ OPISINA/
AHENSYA/ INSTRUMENTALITI NG PAMAHALAAN NA MAGSAGAWA NG
MGA HAKBANG NA KAILANGAN PARA SA LAYUNING MAGAMIT ANG
FILIPINO SA OPISYAL NA MGA TRANSAKSYON, KOMUNIKASYON AT
KORESPONDENSYA

 Resolusyon Blg 3-92


IPINAPASYA, GAYA NG GINAGAWANG PAGPAPASYA NGAYON, na italagang
Sentro ng Pagsasalingwika ang Komisyon sa Wikang Filipino, alinsunod sa itinatakda....

 Resolusyon Blg 2-92


NAGPAPATIBAY NG KAUKULANG MGA HAKBANG PARA SA
IMPLEMENTASYON NG MGA KAPANGYARIHAN, MGA GAWAIN AT
TUNGKULIN NG KOMISYON.

Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino


Kakayahang Lingguwistiko

28 | P a g e
Kakayahang Sosyolingguwistiko

Kakayahang Pragmatiko

29 | P a g e
Kakayahang Diskorsal

PAGLALAGOM

30 | P a g e
Ayusin ang mga sumusunod na pangungusap upang makabuo ng mga pahayag na
nagtataglay ng pagkamagalang. Isulat ang sagot sa patlang sa unahan ng bawat bilang.

1. Tumahimik na ang lahat at magsisimula na ang programa.


________________________________________________________________
2. Pahingi ng donasyon para sa proyekto ng paaralan.
________________________________________________________________
3. Isarado mo ang pinto.
________________________________________________________________
4. Gusto kong malaman ang opinyon mo sa isyung ito.
________________________________________________________________
5. Papasok ako sa bahay mo.
________________________________________________________________

ARALIN 3: INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK SA WIKA AT


KULTURANG PILIPINO

LAYUNIN
 naipaliliwanag ang mga hakbang at prinsipyo sa pagsulat
ng saliksik;
 natatalakay ang mga paraan sa pagbuo ng mga bahagi ng
saliksik;
 nailalahd ang mga pamamaraan sa pagkilala sa
sanggunian.

Mga Hakbang at Prinsipyo sa Pagsulat ng


Saliksik

31 | P a g e
32 | P a g e
33 | P a g e
Kahalagahan ng Pananaliksik

34 | P a g e
35 | P a g e
36 | P a g e
PAGLALAGOM
Gumawa ng salaring pananaliksik, ibase ito sa bawat aspeto ng pananaliksik at ayusin ng
pagkakasunod-sunod. At makikita ang bawat kahalagahan ng Pananaliksik

37 | P a g e
38 | P a g e

You might also like