Sa bawat parte ng mundo may wikang nagsisilbing sundalo
Sa mga digmaang minsan tayo ay nagmistulang talo, kalayaan hindi sa atin naging buo Panahon ng mga kastila tayo ay naging alila Pilipinas walang bibig, kamay o maging salita Wala tayong magawa kundi alipinin ang ating wika, oo ng mga kastila
Taon ng isang libo labindaang dalawampu’t isa
Pilipinas inalipusta, wika tila nangamba Bakit parang ako ang tila naging turista? Sa sariling kung wika, kultura’y minsang nawala Mga salita silya, lapis, mesa, kuba Lahat ng ito’y kanilang impluwensisya, Oo ng mga kastila
Pero bago pa man mangyari, mga Malay unang nanawari
Minsang nanirahan sa maliit na parteng barangay Tila wika’y umusbong, umingay ng umingay Bansang Pilipinas unti-unting pumungay
Lumipas ang mga taon, panahon ng mga hapon
Wikay’y mistulang naghalo, salitang kampay ang siyang nangunguna Tuwing may okasyon, inuman man o celebrasyon Oo galling yan sa kanila, kaya kampay tayo tara inom na
Tayo’y pumunta sa bansang Amerika
Mga Amerikanong sumakop na lang bigla Sa bansang Pilipinas wala nang natira Kundi nanatiling inalipusta “Wika ng Kasaysayan, Kasaysasayan ng Wika”
Panahon ng Pananakop, Wika Nasaan Ka?
Wika’y nagsalin salin sa iba’t ibang pananakop ito’y humabilin
Mas lalong tumatatag, tumatak sa ating mithiin Ang wika’y dapat alagaan, gamitin at ipagyabong Para sa susunod na mga taon, mananatiling ito’y aahon