Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

DATACOM

INSTITUTE OF COMPUTER TECHNOLOGY

MODYUL SA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK

SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Unang Semestre

1st Quarter

(SENIOR HIGH SCHOOL)

Inquiries and comments on this syllabus should be addressed to:

Rhoniel Anthony H. Abarro


Faculty Member
rhonielanthonydatacom@gmail.com
(0956) 148 - 1068
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBASA
(Unang Bahagi – Panahon ng mga Kastila
at Amerikano)

PANGKALAHATANG PANGUNAHING PAGTATAYA


Panuto: Piliin/Bilugan lamang ang wastong sagot.

1. Pagkatapos ng mga kolonyalistang Espanyol, dumating ang mga


Amerikanong may nadagdag ang wikang ______ na nagkaroon ng
malaking kaugnayan sa buhay ng mga Pilipino.
A.Ingles
B.Filipino
C.Taglish
D.Cebuano

2. Sino ang naglagda ng proklamasyong nakasulat sa Ingles noong Ika-


26 ng Marso, 1946 na magsimula ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika?

A.Pangulong Sergio Osmeña


B.Pangulong Manuel L. Quezon
C.Pangulong Corazon Aquino
D.Pangulong Fidel Ramos

3. Siya ang nagsabi na hindi magiging wikang pambansa ang Ingles


sapagkat hindi ito ang wika ng tahanan.
A. Pangulong Sergio Osmeña
B. Pangulong Manuel L. Quezon
C. Gobernador Heneral George Butte
D. President Fidel Ramos

4. Ang mga sundalo o grupong _______________ ang unang nagturo ng


Ingles sa paaralan.
A. Thom
B. Thomas
C. Thomasites
D. Pagsasarili

5. Siya ang nagsabi na naniniwala siyang kailangan ng mga Pilipino ang


wikang Ingles sa edukasyong primarya.
A. Pangulong Sergio Osmeña
B. Jacob Schurman
C. President Corazon Aquino
D. President Fidel Ramos
6. Siya ang nanguna na nagsagawa ng pag-aaral sa epekto ng pagtuturo
ng Ingles sa mga paaralan.
A. Ferdinand Marcos
B. Henry Jones Ford
C. Fernando Amorsolo
D. Isagani Cruz

7. Siya ang pangulo ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas.


A. Ferdinand Marcos
B. Manuel L. Quezon
C. Fernando Amorsolo
D. Isagani Cruz

8. Ano ang ipinagdiriwang tuwing buwan ng Agosto?


A. Nutrition Month
B. Buwan ng Wika
C. Language Days
D. MAPEH Days

9. Ang ibig ipakahulugan ng 3R ay _____________.


A. Reading, Resolve, Arithmetic
B. Reading, Writing, Resolve
C. Reading, Arithmetic, Resolve
D. Reading, Writing, Arithmetic

10.Siya ang naglipat na ang panahon ng Wika sa bisa ng Proklamasyon


Blg. 186 noong 23 Setyembre, 1955.
A. Jose Corazon de Jesus
B. Jusan Manuel
C. Ferdinand E. Marcos
D. Ramon Magsaysay

Layunin:
Inaasahang pagkatapos ng modyul/aralin na ito ang mga mag-aaral ay:
1. matutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/kaganapan tungo sa
pagkabuo at pag-unlad ng Wikang Pambansa. (F11PS-Ig-88)
2. makasusulat ng sanaysay na tumatalunton sa isang particular na yugto ng
kasaysayan ng Wikang Pambansa; at (F11PU-Ig-86)
3. matitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may
kaugnayan sa Wikang Pambansa. (F11WG-Ih-86)

Alamin
Nagsimula ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika nang lagdaan ni Pangulong Sergio
Osmena ang isang proklamasyong nakasulat sa Ingles noong, Ika-26 ng Marso, 1946
namay pamagat na “designating the Period from March 27 to April 2 of Each Year
“National Language Week.” Isinasaad sa naturang Proklamasyon Blg. 25 na ang
panahon mula Marso 27 hanggang Abril 2, taon-taon, ay magiging Linggo ng Wika bilang
pagsunod sa Batas Komonwelt Blg. 570 na nagsasaad na kailangang gumawa ang
gobyerno ng mganararapat na hakbang tungo sa pagsulong ng Wikang Pambansa.
Saklaw ng petsa ngLinggo ng Wika ang pagdiriwang ng kaarawan ni Francisco “Balagtas”
Baltazar, isanghaligi ng panitikang Pilipino. Nang panahong iyon, hiniling na ang lahat ng
paaralan ,pribado man o publiko, hanggang mga kolehiyo at unibersidad, na magsagawa
ngkaukulang palatuntunan sa buong linggo upang maipakita ang kanilang pagmamahal
atpaggalang sa Wikang Pambansa.
Inilipat muli ng Pangulong Magsaysay ang panahon ng Wika sa bias ng
Proklamasyon Blg.186 noong 23 Setyembre, 1955 at may pamagat na “Nagsusulong sa
Pagdiriwang ngLinggo ng Wikang Pambanasa Buhat sa Marso 29 – Abril 4 sa Agosto 13-
19 Bawat Taon.”Saklaw rin ng Linggo ng Wika ang kaarawan ni Pangulong Manuel L.
Quezon na siyangAma ng Wikang Pambansa.Naging kontribusyon naman ni Pangulong
Fidel V. Ramos ang pagtatalaga ng “Buwan ngWikang Pambansa” tuwing Agosto 1-31
sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 1041noong 15 Hulyo, 1997. .

Balik Tanaw
Panuto: Salungguhitan ang cohesive devices na ginamit sa mga pangungusap. Isulat sa tapat
ng bilang kung ito ay anapora o katapora.
_______________1. Si Donya Aurora Aragon-Quezon ang nagtatag ng Krus na Pula. Ikinasal
siya kay Pangulong Manuel L. Quezon na isa nang pulitiko noon.
_______________2. Katulong si Donya Aurora ni Pangulong Quezon sa pagpapatupad ng
Katarungang Panlipunan. Puspusan ang pagkalinga niya sa mga nangangailangan at
kapuspalad.
_______________3. Nang bumagsak ang Bataan at Corregidor, ang pamilya Quezon ay
pumunta sa Amerika. Doon ay tumulong siya sa American Red Cross at patuloy na nakipag
ugnayan sa mga pinunong bayan.
_______________ 4. Tapos na ang digmaan nang siya ay bumalik sa Pilipinas.Gayunpaman,
tumulong si Donya Aurora sa Pangulong Manuel A. Roxas na mapagtibay ang kalayaan ng
Pambasang Krus na Pula.
_______________ 5. Ang pagmamahal niya sa bayan ay di mapapasubalian. Ito ay taglay niya
hanggang kamatayan.
Mga Mahalagang Paalaala:
PANAHON NG MGA KASTILA AT REBOLUSYON
PANAHON NG KASTILA
Ipinag-utos ng hari espanya na turuan ang mga katutubo ng wikang kastila.Ngunit hindi
nila nasunod ang utos ng hari bagkus sila ang nagaral sa wikang katutubo sa tatlong
dahilan:
1. Ayaw nilang mahihigitan ang kanilang talino ng mga katutubo.
2. Natatakot sila baka maghimagsik ang mga katutubo laban sa kanila.
3. Nangangambang baka magsumbong sa hari ng Espanya ang mga katutubo tungkol
sa kabalbalang ginawa ng mga Kastila sa Pilipinas.

PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPINO


Sa panahong ito ay namulat ang isipan at damdaming makabayan ng mga Pilipino.
1. Dito naitatag ang “kartilya ng Katipunan“ na nakasulat sa wikang Tagalog.
2. Sa panahong ito ay maraming naisulat na mga akdang pampanitikan na siyang
nagpapagising sa damdaming makabayan at sumibol ang nasyonalismong Pilipino.
3. Sa pamamagitan ng Biak na Bato (1897), nakasaad na ang wikang Tagalog ang siyang
magiging wikang opisyal ng Pilipinas.

PANAHON NG MGA AMERIKANO


Pagkatapos ng mga kolonyalistang Espanyol, dumating naman ang mga
Amerikano sa pamumuno ni Almirante Dewey. Sa panahong ito lalongnagbago ang
sitwasyon ng pangwika ng Pilipinas dahil nadagdag ang wikang Ingles na nagkaroon ng
malaking kaugnayan sa buhay ng mga Pilipino.
Ginamit ang wikang Ingles bilang medium ng pagtuturo sa panahong iyon.
Sakadahilanang maisakatuparan ang mga plano alinsunod sa mabuting pakikipag-
ugnayan na magkaroon ng sistemang sa edukasyon na magtuturosa mga mamamayan
na mamahala sa sariling bayan, at higit sa lahat ay mabibigyan din sila ng isang wikang
nauunawaan ng lahat para sa mabisang pakikipagtalastasan sa buong kapuluan.
Ayon kay Jacob Schurman naniniwala siyang kailangan ng mga Pilipino ang
wikang Ingles sa edukasyong primarya. Nagtakda ang komisyong ng Batas Blg. 74 noong
ika-2 ng Marso, 1901 na nagtatag ng mga paaralang pambayan at nagpahayag na Ingles
ang gagawing wikang panturo.
Hindi naging madali sa mga guro ang pagpapatupad ng paggamit ng Ingles bilang
panturo sa mga mag-aaral sa ikauunawa nila ng tinatawag na R (Reading, Writing,
Arithmetic). Ang mga guro ay hindi maiwasang gumamit ng mga bernakular sa kanilang
pagpapaliwanang sa mga mag-aaral. Nagingdahilan ito upang isulong ang bernakular na
wika bilang pantulong. Pinagtibay naman ng Lupon ng Superyor na Tagapayo ang para
sa mga gurongAmerikano at Pilipino sa panahon ng bakasyon ng mga mag-aaral.
resolusyon sa paglimbag ng mga librong pamprimarya na Ingles-Ilokano,Ingles-Tagalog,
Ingles-Bisaya at Ingles-Bikol. Noong 1906, pinagtibay ang isang kurso sa wikang
Tagalog.
Nang malapitan ang direktor sa kawanihan ng Edukasyon napalitan rin ang
pamamalakad at sistema ng pamamahala. Tanging Ingles na lamang ang dapat gamitin
sa pagtuturo at pinagbawal ang paggamit ng bernakular.
Ang mga sundalo ang unang nagsipagturo ng Ingles sa mga paaralan atsumunod ang
grupong nakilala sa tawag na Thomasites.
Noong taong 1931, nagpahayag si Gobernador Heneral George Butte saisang
panayam na hindi kailan man magiging wikang pambansa ng mga Pilipino ang Ingles
sapagkat hindi ito ang wika ng tahanan. Sumang-ayon sa kanya sina Jorge Bocobo at
Maximo Kalaw. Ngunit matibay ang pananalig ng Kawanihan ng Pambayang Paaralan
na nararapat lamang na ngles ang ituro sa pambayang paaralan sa mga kadahilanang:
1. Ang pagtuturo ng bernakular ay magdudulot ng suliraning Administratibo.
Mahihirapang lumipat ang mga mag-aaral sa ibang lugar sapagkat ang bawat lugar ay
may iba’t ibang wika.
2. Ang paggamit ng bernakular ay magdudulot lamang ng rehiyonalismo sa halip na
nasyonalismo.
3. Hindi magandang pakinggan ang magkahalong Ingles at bernakular.
4. Malaki ang magagasta ng pamahalaan sa pagtataguyod ng paggamit ng wikang Ingles.
5. Ingles ang nakikitang pag-asa upang magkaroon ng pambansang pagkakaisa.
6. Ingles ang wikang pandaigdig at pangkalakal.
7. Ingles ay masining at mayaman sa katawagang pang-agham at sining.
8. Yamang narito na ang Ingles ay kailangang hasain ang pag gamit nito.
Kung mga nag nanais na maisulong ang paggamit ng Ingles ay naglahad ng kanilang
mga kadahilanan gayon din naman ang mga nagnanais na isulong ang paggamit ng
bernakular sa kadahilanang:
1. Walumpong porsiyento ng mga mag-aaaral ang nakaabot hanggang ikalimang grado
lang kaya pagsasayang lamang ng panahon at pera ang pag-aaral ng Ingles na wala
namang kinalaman sa kanilang pang- araw araw ng gawain at pamumuhay
2. Kung bernakular ang gagamitin magiging epektibo ang pagtuturo sa mga mag-aaral.
3. Wikang Tagalog ang nararapat na gamitin, isang porsiyento lang ang gumagamit ng
Ingles..
4. Hindi uunlad ang mga mag-aaral sapagkat hindi magagamit ang wikang Ingles sa
paglutas ng mga problemang kahaharapin nila sa pang-araw-araw na pamumuhay.

5. Ang pagtangkilik sa wikang Ingles ay hindi nag papakita ng nasyonalismo.

6. Ang pag-aaral ng wikang Ingles ay nagdadagdag lamang ng gastusin.

7. Walang kakayahang klasiko sa Ingles ang mga Pilipino.

8. Hindi na nangangailangan ng materyales o kagamitan ang pagtuturo ng bernakular


kailangan lamang itong pasiglahin.

Nagsagawa ng pag-aaral ang mga Amerikano sa epekto ng pagtuturo ng Ingles sa mga


paaralan sa pangunguna ni Henry Jones Ford at inulat nito na ang gobyerno ay gumastos
ng milyon milyon para maisulong ang wikang Ingles at ito ay sinang-ayunan ni Propesor
Nelson at Dean Fansler (1923) na maging ang kumukuha ng mataas na edukasyon ay
nahihirapan sa wikang Ingles.

Sa pag-aaral naman nina Najeeb Mitri Saleeby at ng Educational Survey Commission na


pinamumunuan ni Dr. Paul Monroe, natuklasan na ang pag-aaral ng mga mag-aaral ng
Ingles ay walang katiyakan kung mananatili sa isip nila hangang sa paglabas ng paaralan.

Noong nagkaroon ng Kumbensiyon Konstitusyunal, naging paksa ang pagpili ng wikang


Pambansa. Inimungkahi ni Lope K. Santos na isa sa mga wikang ginagamit ang
nararapat na maging wikang Pambansa. Ang panukala ay sinang-ayunan naman ni
Pangulong Manuel L. Quuezon na siyang pangulo ng Pamahalaang Komonwelt ng
Pilipinas. Nakasaad ang probisyong pangwika sa Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng Saligang
Batas ng 1935. Nilikha ng Batas Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagsasaad
ng opisyal na paglikha sa Surian ng Wikang Pambansa noong ika-3 ng Nobyembre, 1936.
Tungkulin nito na magsaliksik sa magiging batayan ng Wikang Pambansa. Napili ang
Tagalog bilang batayan ng wikang tatawaging Wikang Pambansa. Ipinalabas noong 1937
ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas na
Tagalog ang magiging batayan ng wikang gagamitin sa pagbuo ng wikang Pambansa.

Pagsikapan:

PANUTO: Kung isa ka sa mga nagsulong ng batas na magkaroon ng wikang


pambansa ang Pilipinas noong Panahon ng Espanyol, Panahon ng Rebolusyonaryong
Pilipino, at Panahon ng Amerikano, ano ang iyong pananaw sa maraming balakid na
naranasan nito? Dugtungan ang mga pangungusap sa ibaba.

Ang aking pananaw tungkol sa mga balakid kaugnay ng wikang pambansa noong
Panahon ng Espanyol ay
Ang aking pananaw tungkol sa mga balakid kaugnay ng wikang pambansa noong
Panahon ng Rebolusyonaryong Pilipino ay

Ang aking pananaw tungkol sa mga balakid kaugnay ng wikang pambansa noong
Panahon ng Amerikano ay

Subukan:
PANUTO: Pag-usapan Natin Upang masukat ang iyong pag-unawa sagutin ang mga
sumusunod na tanong sa ibaba. Isulat sa ibang papel.

1. Paano nabago ng pananakop ng mga Amerikano ang sitwasyong pangwika ng Pilipinas?


2. Ano ang naging kalagayan ng Wikang Tagalog noong panahon ng mga Amerikano?
3. Ano ang laman ng Batas Blg. 184 ng Komonwelt.
4. Masasabi mo bang nanganib ang wikang Tagalog sa panahon ng Amerikano?
5. Ano-ano ang mga dahilan ng tagapagtaguyod ng Wikang Ingles sa kanilang pagsulong sa
Wika?
6. Ano naman ang mga katwirang ipinaglaban ng mga tagapagsulong ng bernakular?
7. Makatuwiran ba na hindi ang Wikang Ingles ang naging wikang Pambansa? Ipaliwanag ang
iyong sagot.

Subukang Muli:
PANUTO: Pumili sa mga nabanggit na panahon ng pananakop at gumawa ng dalawang
minutong bidyo ng pagsasaysay ng kahalagahan at kontribusyon sa ating wikang
pambansa. (Kung ikaw ay modular gawin ito sa paraang ng pagsulat ng talata na may
limang pangungusap).
Sanggunian

Adelyn F. Dizon

Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 927
Quezon Avenue, Quezon City: Phoenix Publishing House, 2016.

ENOLAN ROSE CAPULONG – BENGALA MANGGA HIGHSCHOOL

Janette S. Manlapaz

JOSEPH IAN T. QUIAMBAO

You might also like