Yunit 4 Sa Asignaturang Retorika PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

DISKURSO

CILO 4 (Matalakay ang mga batayang kaalamang


pandiskurso upang makabuo ng isang portfolio at iba’t-
ibang uri ng teksto ayon sa kahingian ng epektibong
deskripsyon, narasyon, eksposisyon at argumentasyon.)

Good company and good discourse are the very sinews.


- Izaak Walton

Ang diskurso, ayon sa Diksyunaryong Ingles-Filipino (1984) ay nangangahulugang


magsulat o magsalita nang may katagalan o kahabaan. Ayon naman sa Webster’s New World
Dictionary (1995), and diskurso ay isang pormal na pagtalakay sa isang paksa, pasulat man o
pasalita. Sa karaniwang pagpapakahulugan, ang diskurso ay pakikipagtalastasan,
pakikipag-usap o ano mang paraan ng pagpapahayag ng ideya tungkol sa isang paksa.

A.Anyo ng Diskurso

Pasalita at Pasulat na Diskurso

Sa unang malas, tila iisipin na magkaiba lamang sila sa anyo o pamamaraan ng


pagsasagawa. Maaaring tama ito dahil kapwa mahalaga sa dalawang anyo ng diskurso ang
kakayahang pangwika at kakayahang komunikatibo. Ngunit mapag-iiba ang dalawa sa
kanilang mga kahingian.

Ang kakayahang komunikatibo ay tumutukoy sa kakayahang tekstwal o abilidad na


sumulat o magsalita nang may organisasyon o kohisyon at ang abilidad na magamit ang wika
para sa manipulasyon, imahinasyon o sa paglilinaw ng ideya at maging sa pagtuturo.
Nangangahulugan ito na ang isang tao ay marunong kung kailan niya dapat sabihin ang isang
bagay o ideya sa isang partikular na tao sa isang angkop na panahon, lugar at pamamaraan.

Ang kakayahang pangwika ay tumutukoy sa kaalaman sa sistema ng wika. Ibig


sabihin ay mahusay sa gramatika ang isang ispiker o manunulat at may kakayahan siyang
manipulahin ang wika upang makamit ang layunin ng diskurso.
Sa pasalitang diskurso, mahalaga ang kakayahang pangwika sa pakikipag-usap
ngunit minsan ay naaapektohan ang kahulugan kung hindi bibigyang-pansin ang kalagayang
sosyal habang nagaganap ang diskurso kung kaya’t mahalaga rin ang kakayahang
komunikatibo. Dapat na iangkop ang sasabihin sa panahon, sa lugar at maging sa taong
kausap upang makamit ang layunin.

Sa pasulat na diskurso, mas nakatuon ang atensyon ng nagsusulat sa kanyang


kakayahang pangwika upang matiyak na malinaw niyang maipapahayag sa kanyang
isinulat ang kanyang mensahe dahil maaaring maging iba ang pakaunawa ng tatanggap nito.
Ngunit sa pagsulat, mayroon ding mga salik na dapat isaalang-alang tulad ng anyo ng sulatin
o format, uri ng papel at iba pa. Mahalagang wasto ang gramatika dahil ito ay nakasulat at
mayroong eidensya ng teksto kaya’t maaaring ikapahiya o di kaya ay maging ugat ng gulo.

B.Teorya ng Diskurso

Ang Speech Act Theory ay isang teorya ng wikang batay sa aklat na How to Do Things
with Words ni J.L. Austin (1975). Pinapaniwalaan sa teoryang ito na ang yunit ng
komunikasyong linggwistik ay hindi ang simbulo, salita o ang pangungusap mismo, kundi ang
produksyon o paglikha ng mga simbulo, salita o pangungusap sa pagganap ng kanilang
tinatawag na speech acts.

Tatlong Komponent ang bumubuo sa mga aktong linggwistik sa teoryang ito. Ang mga
ito ay lukyusyonari, ilokyusyonari, at perlokyusyonari.

Ang lukyusyonari ay ang akto ng pagsasabi ng isang bagay. Ito’y naipapakita sa


pagtatanong at pagsagot sa mga tanong, pagbigay ng mga impormasyon, pagbigay ng
kahulugan, paglalarawan at iba pa. Ito ang akto ng paggamit ng referring expression
(pariralang pangngalan) at predicating expression (pariralang pandiwa) upang magpahayag
ng proposisyon.

Pagganap sa akto ng pagsasabi ng isang bagay sumesentro ang ilokyusyonari.


Mahihinuhang sa pag-unawa sa aktong ito, mapagtatagumpayan ang pagkamit ng
komunikatib kompitens na tinatawag din na pragmatik kompitens na nag-iinbolb sa abilidad
ng isang ispiker upang piliin ang agkop na barayti ng wika para sa isang tiyak na sitwasyong
sosyal.
Ang panghuling komponent ay ang aktong perlokyusyonari o ang pagsasabi sa isang
bagay na kadalasang nagdudulot ng mga konsikwens sa damdamin at isipan ng tagapakinig.
Ito’y maaring maganap sa anyo ng panghihikayat, panghahamon, pananakot at iba pa.
Halimbawa, kung ang isang tao na nakasakay sa eroplano ay sisigaw ng “may bomba”, tiyak
na magkakagulo ang mga nakasakay sa nasabing sasakyan.

Samakatwid, ang una ay may kahulugan, ang ikalawa’y may pwersa at ang ikatlo’y
may konsikwens.

Ethnography of Communication

Ang ethnography of Communication o mas kilalang Speech codes theory ay nauukol sa pag-
aaral ng mga sitwasyon, gamit, patern at tungkulin ng pagsasalita. Ang pinakasusi ng teoryang
ito ay ang pamamaraang partisipant-obserbasyon na nangangailangan ng imersyon sa isang
partikular na komunidad. Pinapalagay kasi sa teoryang ito na kung saan may natatanging
kultura may matagpuan din na isang natatanging speech code.

May mga teknik na maaring gamitin sa partisipant-obserbasyon. Ang mga ito ay ang mga
sumusunod:

• Introspection o ang paggamit ng intuiton. Ang intuition ay isang kagyat na pag-unawa ng


isang sitwasyon sa pamamagitan ng perception o hindi kaya ay pagpapaliwanag.

• Detached Observation o ang di-partisipatoring obserbasyon ng interaksyon sa komunidad.


Ito’y isang mahirap na teknik sapagka’t hindi mo masisigurado ang kawastuhan ng iyong
nakalap na datos.

• Interviewing o ang istraktyurd na interaksyong berbal sa mga miyembro ng komunidad. Ang


pamamaraan na ito ay maganda. Nakukuha ang mo ang iyong kailangang impormasyon na
may kawastuhan, ngunit nanganagilangan ito ng mabang panahon.

• Philology o ang paggamit ng pasulat na materyales.

• Ethnosemantics o ang pag-aaral ng mga kahulugang kultural

• Ethnomethodology o ang detalyadong analisis ng mga linggwista

• Phenomenology o ang pag-aaral ng kumbersasyon bilang isang problemang


penomenolohikal.
Ginagamit ito upang maintindihan ang relasyon sa pagitan ng estado ng kamalayan
at pamumuhay sosyal.

Speech Accomodation Theory

Kung mapapansin natin minsan, ang dalawang taong nag-uusap ay ginagaya ang
pamamaraan ng pananalita at pagkilos ng kanilang kinakausap. At kung kinakausap natin
ang iba, gumagamit tayo ng wika na maiintindihan ng ating kausap. Ginagaya rin natin ang
kanilang postura at kanilang antas ng pananalita. Halimbawa, kung kinakausap natin ang
ang isang indibidwal na hindi nakapag-kolehiyo, hindi ba’t iniiwasan natin ang mga jargon na
ginagamit lamang sa paaralan tulad ng prelims, midterms, prospectus, units at iba pa.

Kahit na may pagkakatulad tayong lahat sa iba’t-ibang aspeto, hindi maitatanging


tayo’y may pagkakaiba sa kultura, kaugalian, paniniwala at antas sa lipunan. Ang mga
teorista nito ay naniniwalang sa komunikasyon, ang mga tao ay nagtatangkang iakomodeyt
o i-adjust ang kanilang istilo kapag nakikipag-usap sa iba. Ang adapsyong ito ang
pinakabuod ng Accomodation Theory. Dito ay sinusuri ang mga motibasyon at konsikwens ng
pangyayari kung ang dalawang ispiker ay nagbabago ng istilo ng komunikasyon.

Upang lubusang maunawaan ang kabuuan at katangian ng teoryang ito, nararapat


na alamin natin ang kahulugan ng salitang accommodation. Maraming kahulugan ang
salitang accommodation, ngunit sa puntong ito, ang accommodation ay nangangahulugan
bilang isang kakayahan sa pag-adjust, pag-modify at pag-regulate ng sariling kaasalan bilang
tugon sa iba. Sinasabing nagagawa nating ibagay ang ating sarili ng hindi napapansin,
depende sa kung sino ang ating kinakausap.

Pinapatunayan sa teroyang ito na sa lahat ng komunikasyon, mayroong pagkakatulad


at pagkakaiba.

Ang akomodasyong ito ay nagagawa sa dalawang paraan: divergence at convergence.

Ang divergence ay nagaganap kapag ang nagsasalita ay ipinapakita ang hindi


pagsang-ayon o paghihiwalay sa kanilang sarili sa iba. Ang mga grupong may malakas na
pagmamalaking etniko ay madalas na gumagamit ng divergence upang ihaylayt ang
kanilang identidad. Samantala, ang convergence naman ay ang proseso kung saan binabago
ang kanilang mga estilo ng pananalita upang maging katulad sa pakikipag-ugnayan.
Nagaganap ito kung saan mayroong matinding pangangailangan para sa social
approval. Ang gumagawa nito madalas ay mga indibidwal na walang kapangyarihan o mga
taong naghahangad ng suporta mula sa partikular na lipunan. Kabilang na dito ang mga
pulitiko na binabagay ang kanilang sarili sa mga mahihirap upang maging mas epektibo ang
kanilang pangangampanya.

Sa kabilang banda, may mga pagkakataon na nakakapagdulot ito ng hindi


pagkakaintindihan. Kung makikipag-usap ka sa isang taong hindi mo kakilala, sinusubukan
mong ibagay ang pananalita mo base sa kanyang pamamaraan ng pananalita. Sa iilang
sitawsyon, Maaring isipin iyon ng kausap mo bilang pangmamaliit sa kakayahan niyang
unawain ka sa orihinal mong istilo o ibagay rin ang sarili niya sa iyo. Ang pangyayaring ito ay
minsan lamang kung mangyari at hindi sa lahat ng pagkakataon.

Narrative Paradigm

Ang narrative paradigm ay naiiba sa pangalan sa lahat ng mga teorya. Mapapansing


paradigm ang ginamit at hindi teorya. Ang paradigm ay nangangahulugang isang hanay ng
mga pagpapalagay, mga konsepto, mga halaga, at mga kasanayan na bumubuo ng isang
paraan ng pagtingin ng katotohanan para sa komunidad na nakikibahagi, lalo na sa isang
intelektuwal na disiplina.

Ang narrative paradigm ay naglalarawan sa mga tao bilang mga storytelling animals.
Ang teoryang ito ay nagpapanukala ng naratibong lohika bilang pamalit sa tradisyunal na
lohika ng argumento. Ang naratibong lohika o ang lohika ng mabuting katwiran ay
nagmumungkahi na husgahan ang kredebilidad ng isang ispiker batay sa kohirens at pideliti
ng kanilang istorya. Isang demokratikong paghuhusga di umano ito sapagkat hindi naman
kailangan ng pagsasanay sa oratoryo at panghihikayat upang makalikha ng paghuhusga
batay sa kohirens at pideliti.

Pinapalagay din sa teoryang ito na nakukumbensi tayo sa isang magandang kwento


kaysa isang mgandang argumento. Mahihinuhang kung papipiliin tayo sa dalawang artikulo,
pinapaniwalaan sa teoryang ito na mas pipiliin natin ang artikulong naiinbolb o naire-relate
natin ang ating sarili.
C.Konteksto ng Diskurso

Nagbabago ang anyo at pamamaraan ng diskurso maging ang daloy nito depende sa
konteksto ng diskurso. Ang konteksto ay tumutukoy sa oras, espasyo at maging ang taong
kasangkot sa diskurso. Dahil dito, ang konteksto ng diskurso ay nararapat na pagtuonan din
ng pansin dahil maaaring makaapekto ito di lamang sa daloy ng komunikasyon kundi maging
ng kalalabasan nito.
Konteksto ng diskurso
interpersonal – usapang magkaibigan o malapit ang kasangkot sa isa’t isa
panggrupo – ang mga kasapi ay may ugnayan dahil bahagi sila ng isang pangkat tulad ng
isang klase
pang-organisasyon – ang mga kasapi ay bahagi ng isang organisasyon o samahan tulad ng
isang kumpanya, sa pagitan ng pamunuan at ng mga empleyado
pangmasa – sa harap ng malaking grupo ng tao tulad ng pangangampanya
interkultural – ang mga kasapi ay nabibilang sa magkakaibang kultural na pangkat
pangkasarian – ang mga kasapi ay nabibilang sa isang partikular na kasarian tulad ng
usapang lalake

Salik na nakakaapekto sa daloy ng diskurso


paksa – ano ang pinag-uusapan; hindi lahat ng paksa ay angkop sa lahat ng konteksto dahil
may paksang pampersonal, pambansa, pangkultura o di kaya ay pambbabae o panlalake
layunin – bawat diskurso ay nagaganapdahil mayroong ninanais ang mga taong sangkot,
dahil dito, iniaangkop nila ang daloy ng diskurso sa pamamaraang magiging daan sa
katuparan ng layunin, maaaring mapabago ang pananaw ng isang tao, makaimpluwensya,
makabenta o iba pa
pagsasawika ng ideya – ang isang kaisipan ay maaaring maipahayag sa samu’t saring
pamamaraan dahil na rin sa ang wika ay malikhain at ang taong may kakayahang pangwika
ay maisasagawa ito; kung papaano ipapahayag ang kaisipan ay makakaapekto sa
pagtanggap ng kinakausap.
Tagatanggap– ang tagahatid at tagatanggap ay 2 magkaibang nilalang na may iba’t ibang
takbo ng pag-iisip; nangangahulugan na kahit na sa pakiramdam ng tagahatid na malinaw
ang mensahe niya, maaaring iba naman ang persepsyon ng tagatanggap kaya mahalagang
isaalang-alang niya ang tagatanggap.
D.Paglinang ng Estratehiyang Pandiskurso

Ang estratehiya sa diskurso ay dinidisenyo para sa espesipikong proyekto. Kailangan


nitong mailatag ang sumusunod: indibidwal at organisasyonal na layunin, ang target awdyens,
ang intended na mensahe, mga kagamitan at gawain, resorses at saklaw na panahon, at
ebalwasyon.
1. Layunin. Ang estratehiya sa diskurso ay kailangang naaayon sa indibidwal at
organisasyonal na plano. Kung ito ay pansarili, kinakailangan na malinaw ang personal
na layunin at kung ito naman ay para sa organisasyon, linawin ang bisyon, misyon at
layunin ng organisasyon.

Malabo: Makapangolekta ng ilang donasyon mataps ang pulong.

Espesipiko: Makapangolekta ng tiglilimandaan sa bawat tao matapos ang pulong.


Magamit ng mga kamag-aral nang wasto ang Pandiwa matapos ang
ulat.

2. Awdyens. Tukuyin ang target na awdyens upang makamit ang personal at


organisasyonal na layunin at awtkam. Tandaan ang kasabihang Different strokes for
different folks.

Ang pagsagot sa sumusunod na tanong ay makatutulong sa paghubog kung paano


maiaadap ang material sa interes, pangangailangan, at kaligiran ng awdyens:
a. Sino-sino ang awdyens?
b. Gaano ang kanilang kaalaman?
c. Ano ang nais nilang malaman?
d. Ano-ano ang kanilang personal na preperenses?
e. Ano ang kanilang mahahalagang katangiang demograpik?
f. Gaano sila karami?
g. Ano ang kanilang atityud?

3. Mensahe. Alalahaning ang diskurso ay parang pagkukuwento. Kailangang may


kawili-wiling naratib at imahen.
Iminungkahi nina Adler, et.al (2012) na idebelop ang tisis, tinatawag minsang sentral o
susing ideya, isang pangungusap na lumalagom sa mensahe. Halimbawa:
a. Pagkakakitaan kalaunan ang pag-invest sa negosyong ito.
b. Higit na makabebenta kung ia-advertize ang produkto sa social media.
c. Hindi kailangang tanggapin na lamang ang sexual harassment.

Matapos mabuo ang tisis, organisahin na ang mensahe. Tipunin ang mga ideya.
Ilista ang mga ideyang magagamit sa presentasyon. Ayusin ang mga ideya sa paraang
makatutulong sa layunin. Tukuyin ang mga pangunahing ideya at ang mga
sumusuportang ideya.
Piliin ang pinakaangkop na mga hulwaran para sa iyong mensahe: depinisyon,
enumerasyon, sikwensyal-kronolohikal, prosidyural, paghahambing at pagkokontast,
problema at solusyon, o sanhi at bunga. Ibalangkas ang presentasyon ayon sa
hulwarang napili.

4. Konteksto. Ang konteksto ng presentasyon ay nakaiimpluwensya sa kung ano at


paano sasabihin ang isang mensahe. Walang taong nais maparatangang nagsasalita o
nagsusulat nang out of context.

Pansinin ang halimbawang ito mula kina Adler, et.al. (2012): Consider this
statement: “I had originally planned to discuss the technical aspects of our new express
delivery system, but I think Carol has covered them pretty thouroughly. So let me bring
your attention to two things.” Preceding speakers may have left your audience feeling
bored or stimulated, receptive or angry, thoughtful or jovial. Since that state of affairs
will affect how your audience revieves your presentation, you should try to adjust to it.

Ang mga huling kaganapan ay maari ring makaapekto sa kung ano at paano
sasabihin ang mensahe. Halimbawa, kung magsasalita matapos ang pagbagsak ng
benta ng kumpanya sa nakalipas na buwan, kailangang maging handing maipakita
sa presentasyon kung paanong ang isang panukala ay makatutulong sa pagbabawas
ng gastusin. Isa pang halimbawa ay ang pagkakaiba ng pagsasalita sa isang buril
kumpara sa isang parti. Ito ay dahil sa magkaibang konteksto.

5. Kagamitan at Gawain. Tukuyin ang pinakaangkop na kagamitang gagamitin at


gawaing gagawin sa pagkokomyunikeyt ng mensahe sa awdyens.
Tungkol sa mga gawain, may mga gawaing angkop sa isang grupo ng awdyens,
ngunit hindi sa ibang grupo. May mga gawaing nag-aaksaya ng oras, at kung gayo’y
maaaring kumain ng oras na nakalaan sa presentasyon. May mga gawain ding
mangangailangan ng resorses na maaaring mahal o hindi abeylabol. Kaya, maging
maingat sa pagpili ng gawaing gagawin sa presentasyon. Tandaan ding dapat gawin
sa tamang oras at dapat paghandaan ang mga sitwasyong hindi inaasahan.

Piliin lamang ang angkop na kagamitan sa iyong presentasyon. Maaaring


gumamit ng talahanayan, dayagram, grap, o iba pang biswal na pantulong, ngunit
kailangang ipakita ang masteri sa paggamit ng bawat isa. Ang mga biswal na
pantulong ay kinabibilangan ng sumusunod:
a. bagay at modelo f. pictogram,
b. larawan, g. grap,
c. dayagram, h. bidyo,
d. listahan at talahanayan, i. poster, at
e. tsart, j. handouts.
Gumamit ng software, tulad ng Powerpoint, Keypoint o Prezi. Nagagawa nitong
pagmukhsing propesyonal ang preseantasyon sa pamamagitan ng mga teksto at biswal
na pantulong, ngunit tandaan, na may panganib din sa paggamit nito. Kailangang
iwasan ang sumusunod:

a. Hindi pinag-isipang mga mensahe,


b. Higit sa disenyo kaysa content, at
c. Labis na kompleks na presentasyon.
Ang sumusunod na panuto sa paggamit ng presentation software mula kina
Adler, et.al. (2012), sa Bernales, et.al., 2018) ay makatutulong nang lubos:
a. Tiyaking may dahilan ang paggamit ng pantulong.
b. Tiyaking maiikli ang slide shows.
c. Iakma ang sopistikasyon ng biswal na pantulong sa awdyens.
d. Tiyaking ang mga pantulong ay Malaki para makita.
e. Panatilihing simple ang mga disenyo.
f. Ilimita ang mga salita sa bawat slide.
g. Horisontal na printing lamang ang gamitin.
h. Lagyan ng leybel ang lahat ng aytem para madaling matukoy.
i. Ipakita lamang ang biswal na pantulong habang tinatalakay.
j. Magprkatis sa paggamit ng mg at a pantulong.

6. Resorses at Oras. Tiyakin ang abeylabiliti ng resorses na kailangan at magset ng


inaasahang saklaw na oras para sa presentasyon.
Tiyaking ang mga kagamitang kailangan ay handa at gumagana. Dumating
nang maaga sa lugar na pagdarausan. Asahan din ang inaashan at humandang
mag-adap. Laging mag-isip ng Plan B.

Isipin ang oras na inilaan. Tapusin ang presentasyon sa tamang oras. Panghuli,
huwag na huwag hayaang mainip ang awdyens.
7. Ebalwasyon. Maaring suriin ang epektibnes ng isang presentasyon sa pamamagitan
ng paghingi ng tapat na pidbak sa awdyens, Maaaring gumawa ng pormularyo para
sa layuning ito.
Maaari ring suriin ang epektibnes ng sariling presentasyon. Maaaring gamitin
ang kasunod na tseklist mula kina Adler, et.al. (2012):
a. Ang bawat ideya ko ba ay sinusuportahan ng isa o higit pang berbal o biswal na
suporta?
b. Naging mas malinaw, kawili-wili at mapanghikayat ba ang ideya dahil sa
pansuportang materyal?
c. Gumamit ba ako ng barayti ng suportang berbal (depinisyon, halimbawa, kuwento,
estadistika, komparison) upang madagdagan ng impak ang aking presentasyon?
d. Naging mas malinaw, kawili-wili at mapanghikayat ba ang ideya dahil sa aking biswal
na pantulong (tsart, grap, larawan, bidyo)?
1. Ginamit ko ba ang biswal na pantulong sa paraang nakapag-ambag sa aking
epektibnes?
2. Nakatingin ba ako sa awdyens at hindi sa biswal na pantulong habang nagsasalita?
3. Ipinakita ko ba ang mga biswal na pantulong kapag tinatalakay lamang ang
tinutukoy niyon?
e. Nagsanay ba ako sa pggamit ng teknolohiya (halimbawa: kompyuter, projector) para
matiyak na gumagana nang maayos sa lugar na pinagdausan ng presentasyon ang
bawat isa?
f. Inilahad ko ba ang mga impormasyon nang matapat at tumpak upang suportahan
ang aking mga ideya?
g. Angkop bas a aking awdyens at paksa ang kompleksidad at sopistikasyon ng aking
mga materyales?
h. Kinilala ko ba ang mga pinaghanguan ng mga impormasyon, datos, materyales kung
kinakailangan?
Sadya, hindi ang paglikha ng estratehiyang pandiskurso. Kailangan nitong malinang sa
pagdaan ng panahon. Hindi ito kailangang maging perpekto, ngunit kailangsn itong
umayon sa mga pagbabago sa pana-panahon.

E. Apat na Batayang Uri ng Diskurso

Ang pagsusuri ng diskurso ay isang larangang pinagtutuunan ng pansin ng mga


dalubwika. Sa ating pag-aaral ng masining na pagpapahayag, ating pagtutuunan ng
higit na pansin ang apat na batayang uri ng diskurso:

1. Paglalarawan/Deskripsyon-naglalarawan ng isang bagay tao lugar o pangyayari.

2. Pagsalaysay/Narasyon-nagsasalaysay ng mga kaganapan/pangyayari

3. Paglalahad/Eksposisyon-naglalahad ng mga detalye. Ito rin ay pagpapaliwanag.

4. Pangangatwiran/Argumentasyon-nagbibigay katwiran sa isang paksa o isyu.


MALAYANG PAGPILI
Pumili ng isa mula sa apat na batayang uri ng diskurso upang maglahad ng ideya sa
ibibigay na gawain ng guro. Ito ay para sa Gawaing Interkatib at Komposisyon Blg. 5.
Para sa iyong napili, ito ay ang mga sumusunod:
a. Sa Paglalarawan/Deskripsyon
Gawaing Interaktib: Pumili ng isang kilalang tao sa inyong lugar (hal. Opisyal ng
Barangay, mag-aaral o inyong kaibigan na kilala o sikat dahil sa kanyang talento) at
kapanayamin siya (tungkol sa kanyang buhay/trabaho/talento- pero maging maingat
lang sa pagtatanong). Kuhaan ng larawan ang taong kinapanayam.

Komposisyon Blg. 5: Sumulat ng isang komposisyong deskriptibo hinggil sa taong iyong


kinapanayam. Gawing masining ang deskripsyon. Isaalang-alang ang mga kahingian
ng epektibong deskripsyon.

Format:
Pangalan: Petsa:
Seksyon: Marka:

Komposisyon Blg. 5

idikit/ilagay ang larawan sa kahon o kung ayaw


magpakuha ng larawan at walang
mapapagprintan, OK lang.

b. Sa Pagsalaysay/Narasyon
Gawaing Interaktib at Komposisyon Blg. 5: Katulong ang iyong kasama sa bahay o
kaibigan, magsalaysay ng isang pangyayari na nakapagbigay realisasyon sa tao (hal.
COVID 19). Isulat ang pangalan ng iyong kapartner sa pagsalaysay. Isulat lamang ito sa
tabi ng iyong pangalan (lagyan kung kapatid, kapitbahay, kaibigan, ama/ina).
Ihaylayt ang mga detalye na kanyang naiambag.
Pangalan: Pangalan 1 at 2 Petsa:
Seksyon: Marka:

Gawaing Interaktib
Komposisyon Blg. 5

Paksa: hal. COVID 19

c. Para sa Paglalahad/Eksposisyon
Gawaing Interaktib: Pumili ng kapareha mula sa iyong klase/pamilya/kapitbahay at
mag-isip ng isang gawain na inyong ipapaliwanag tulad halimbawa ng paggawa ng
simpleng kard mula sa mga recycled na papel. Bawat hakbang ay nararapat na
malinaw na maipaliwanag sa Wikang Filipino.

Komposisyon Blg. 5: Isulat sa anyong talata ang nabuong gawain mula sa Gawaing
Interaktib.

d. Para sa Pangangatwiran/Argumentasyon
Gawaing Interaktib: Katulong ang iyong pamilya/kapitbahay/kaklase, magsaliksik
hinggil sa isang napapanahong isyung panlipunan o pandaigdig.

Komposisyong Blg. 5: Sumulat ng komposisyong argumentatib hinggil sa


napapanahong isyung panlipunan/pandaigdig na iyong sinaliksik. Iwasang gumamit
ng mga salitang hindi kaaya-aya sa mata ng mambabasa.

Paalala:
- Para sa may malakas na internet connection, ipasa ito sa ating klase (G. Classroom)
- Para sa may mahinang internet connection, maaari kang magpasa thru Messenger gamit
ang sarili mong account o maaari mo itong ipasa ng hard copy at ipadala o ipakisuyo sa iyong
kaibigan/kakilala na luluwas ng Bayan ng Boac at dalhin lang sa MSC. Pakisulatan ang
lagayan ng “To: Mrs. Sheryl Manoos-Podra, School of Arts and Sciences at halimbawa, Fr:
Jennylyn Bondoc, BSSW 2A”
- Para sa walang internet connection, ipasa ito ng hard copy at ipadala o ipakisuyo sa
iyong kaibigan/kakilala na luluwas ng Bayan ng Boac at dalhin lang sa MSC. Pakisulatan ang
lagayan ng “To: Mrs. Sheryl Manoos-Podra, School of Arts and Sciences at halimbawa, Fr:
Jennylyn Bondoc, BSSW 2A”
- Hindi ako magbibigay ng eksaktong petsa ng pagsumite, ipasa ito 1 week bago magtapos
ang Unang Semestre.

You might also like