Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

1

ARALIN 12
KAKAYAHANG DISKORSAL

Ano-Ano ang Matutuhan Mo sa Modyul na Ito?


Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaralang sumusunod:
 Naipapaliwanag ang kahulugan ng kakayahang diskorsal;
 Natutukoy kung ano ang mga panandang kohesyong gramatikal na ginagamit sa
komunikasyon; at
 Nagagamit ang mga panandang kohesyong gramatikal sa pagpapaliwanag at pagbibigay-
halimbawa sa mga tiyak na sitwasyong komunikatibo sa lipunan.

Basahin Natin Ito

Sa paaralan nagsisimula ang pormal na pag-aaral ng lahat ng mga bagay sa paligid.


Magmula sa payak hanggang patungo sa komplesidad nito. Ang mga guro din ang nagbibigay at
naglalatag ng mga gawain upang matamo ng bawat mag-aaral ang nilalaman ng talakay lalong
higit sa apat na makrong pangkasanayang dapat taglayin ng isang mag- aaral: pagbasa, pagsulat,
pagsasalita at pakikinig. Sa paglipas ng panahon, nadagdagan na ito ng tatlo: panonood,
pananaliksik at pagsusuri. Hindi ba’t mas mai gi kung magkaroon ng holistiko at kolektibong
kasanayan sa pitong ito?

Kakayahang Diskorsal: Tungo sa Paglikha ng Makabuluhang Pahayag

Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan ay nangangahulugan ng pagsasamasama at


pag-uugnay ng mga pangungusap upang makabuo ng makabuluhang pahayag. Maaaring ang
mga pahayag ay naipapamalas sa ugnayan ng dalawa o higit pang taong nag-uusap. Kakayahang
Diskorsal Ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino (2010), ang diskurso ay nangangahulugang
“pag-uusap at palitan ng kuro ” . Mula rito, mahihinuha na ang kakayahang diskorsal ay
tumutukoy sa kakayahang umunawa at makapagpahayag sa isang tiyak na wika.

Dalawang Karaniwang Uri ng Kakayahang Diskorsal


1. Kakayahang Tekstuwal
Ito ay tumutukoy sa kahusayan ng isang indibidwal sa pagbasa at pag-unawa ng iba’t-ibang
teksto gaya ng mga akdang pampanitikan, gabay instruksyunal, transkripsiyon at iba pang
pasulat na komunikasyon.
2

2. Kakayahang Retorikal
Ito ay tumutukoy sa kahusayan ng isang indibidwal na makibahagi sa kumbersyon.
Kakayahang unawain ang iba’t-ibang tagapagsalita at makapagbigay ng mga pananaw o
opinyon.
Dalawang Panuntunan sa Pakikipagtalastasan
1. Pagkilala sa pagpapalitan ng pahayag
2. Pakikiisa

Panuntunan sa Kumbersasyon (Grice 1957, 1975)


Kantidad Gawing impormatibo ang ibinibigay na impormasyon ayon sa
hinihingi ng pag-uusap ------hindi lubhang kaunti o lubhang
daming impormasyon.
Kalidad Sikaping maging tapat sa mga pahayag; iwasang magsabi ng
kasinungaling o ng anomang walang sapat na batayan.
Relasyon Tiyaking angkop at mahalaga ang sasabihin.
Paraan Tiyaking maayos, malinaw at hindi lubhang mahaba ang
sasabihin.

Pagpapahaba sa Pangungusap
1. Pagpapahaba sa pamamagitan ng kataga
Napahahaba ang pangungusap sa pamamagitan ng mga katagang gaya ng pa, ba, naman, nga,
pala at iba pa.
Hal: May ulam. / May ulam ba? / May ulam pa? / May ulam pa ba?
2. Pagpapahaba sa pamamagitan ng panuring
Napahahaba ang pangungusap sa pamamagitan ng mga panuring na na at ng.
Hal: Siya ay anak. / Siya ay anak na babae. / Siya ay anak na bunsong babae.
3. Pagpapahaba sa pamamagitan ng komplemento
Komplemento -bahagi ng panaguri na nagbibigay ng kahulugan sa pandiwa.
Uri ng Komplemento ng Pandiwa
A. Komplementong Tagaganap - isinasaad ang gumagawa ng kilos.
Pinangunahan ng panandang ng, ni at panghalip.
Hal: Ibinalot ni Jay ang mga natirang pagkain.
Ibinalot niya ang mga tirang pagkain.
3

Ibinalot ng kaniyang kaibigan ang mga tirang pagkain.


B. Komplementong Tagatanggap - isinasaad kung sino ang nakikinabang sa kilos; pang-ukol na
para sa, para kay at para kina.
Hal: Naghanda ng regalo si Thea para sa kaniyang kapatid.
Bumili ng laruan si Bryan para kay Jave.
C. Komplementong Ganapan - isinasasaad ang pinangyarihan ng kilos. Pinangungunahan ng
panandang sa at mga panghalili nito.
Hal: Namalagi sila sa evacuation area.
Namalagi sila rito.
Namalagi sila roon.
D. Komplementong Sanhi - isinasaad ang dahilan ng pangyayari o ng kilos. Pinangungunahan ng
panandang dahil sa o kay at ang panghalili nito.
Hal: Nabaon sa utang si Delia dahil sa pagkakalulong sa sugal.
Dahil kay Alvin, naparusahan si Michelle.

E. Komplementong Layon - isinasaad ang bagay na I[inahahayag ng pandiwa; ng


Hal: Regular na umiinom ng gamot ang aking lola.
Naglalako ng turon si Aling Pising tuwing hapon.
F. Komplementong Kagamitan - isinasaad ang instrumentong ginagamit upang maisakatuparan
ang kilos; sa pamamagitan ng at mga panghalili nito.
Hal: Sa pamamagitan ng Internet, napapabilis ang pagkuha ng impormasyon.
Magkakasundo lamang sila sa pamamagitan mo.
4. Pagpapahaba sa pamamagitan ng pagtatambal
Napagtatambal ang dalawang payak na pangungusap sa pamamagitan ng mga pangatnig na
at ngunit, datapwat, subalit, saka at iba pa. Ang mabubuong pangungusap ay tinatawag na
tambalang pangungusap.
Hal: Nagtatrabaho sa pabrika ang kaniyang tatay at nagtitinda sa palengke ang kaniyang nanay.
Matagal siyang mag-aral ng aralin subalit tiyak naman matataas ang kaniyang marka sa
pagsusulit.
4

PAGSUSULIT SA ARALIN 12
Ang mga pahayag sa ibaba ay bahagi ng kuwentong Pagong at Matsing. Lagyan ng bilang 1
(pinakauna) hanggang 15 (pinakahuli) ang patlang sa unahan ng bawat pahayag upang mabuo
ang kuwento.

_____ Kinuha nina Pagong at Matsing ang puno ng saging at pinaghatian ito.
_____ Isang araw, namamasyal sa tabing-ilog si Pagong at Matsing.
5

_____ Umiyak si Pagong at nakiusap ki Matsing na huwag siyang itapon sa ilog pero itinapon
parin siya ni Pagong.
_____ Hinuli ni Matsing si Pagong at sinabi niya rito na iluluto niya ang huli.
_____ Dahil hindi maakyat ni Pagong ang kaniyang saging, nakipagkasundo siya kay matsing na
siya ang aakyat at maghahati sila sa mapipitas na bunga.
_____ Kinuha ni Matsing ang bahaging may dahon at itinanim ito sa kakahuyan.
_____ Natuwa si Pagong dahil kapag iniluto siya ay gaganda ang kaniyang balat.
_____ Nakakita si Pagong ng isang nakalutang na puno ng saging.
_____ Inubos ni Matsing ang lahat ng bunga kaya nagalit si Pagong.
_____ Dahil sa pagkatuwa ni Pagong, naisip ni Matsing na tadtarin si Pagong na ikinatuwa
naman niya dahil dadami siya at magkakaroon ng kasama.
_____ Kinuha naman ni Pagong ang bahaging may ugat at itinanim ito sa tabing-ilog.
_____ Kinalaunan, namatay ang itinamin ni Matsing at nagkabunga ang kay Pagong.
_____ Dahil natuwa na naman si Pagong, napagdesisyunan ni Matsing na itapon na lang si
Pagong sa ilog upang malunod.
_____ Nilagyan ni Pagong ng mga tinik ang bababaan ni Matsing kaya natinik ito at nasaktan.
_____ Hindi nalunod si Pagong dahil marunong siyang lumangoy. Naisahan niya si Matsing.
Matapos mabuo ang kuwento, isulat ito magkakasunod sunod.
6

GAWIN NATIN ITO SA ARALIN 12


Pagtatalumpati. Pumili ng isang paksa sa ibaba at sumulat ng isang talumpati. Sa hindi lalagpas
sa limang minutong talumpati, kunan ang sarili ng video habang ito ay ipinapahayag nang
naipapamalas ang kakayang diskorsal na may angkop na tono at kumpas.
1. Paglalaan ng maraming oras ng mga estudyante sa online games.
2. Pakikipagrelasyon ng kabataan
3. Nightlife o paglilibang sa gabi.

You might also like