Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

SANAYSAY

Ang sanaysay o essay sa ingles ay nagmula sa salitang Latin na exagium na nanggaling naman sa pandiwa
na exagere na nangangahulugang “gawin, magpaalis, magtimbang, magbalanse.”

Noong huling bahagi ng ika-16 na dantaon, sa pamamagitan ng inilathalang sulatin ng Pranses na si


Michel Eyquiem de Montaigne na pinamagatang Essais, naitakda ang kahulugan ng essay ayon sa naging
hangarin ng manunulat na maging isang pagtatangka na makapagpahayag ng mga kuro-kuro at
karanasan ang sulatin.

Ang “sanaysay” naman sa Filipino ay salitang likha ni Alejandro G. Abadilla. Pinagsanib niya ang mga
salitang “pagsasalaysay ng isang sanay” o “nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.” Ang
sanaysay ay isang malayang pagpapahayag ng karanasan, damdamin, kuro-kuro ng isang manunulat at
ito’y inilalahad sa isang malinaw, lohikal at nakakahikayat na pamamaraan.

Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng


may-akda.

Mayroon itong dalawang uri, ang Pormal at Pamilyar.

You might also like