Dalawang Uri NG Sanaysay 101

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ALAWANG URI NG SANAYSAY

1. Pormal o Maanyo

Ang salaysay na pormal o maanyo - sanaysay na tinatawag din na impersonal - kung ito'y
maimpormasyon. Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at
lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang
tinatalakay.Maayon rin ito kung turingan sapagkat ito'y talgang pinag-aaralan. Maingat na pinili ang
pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan kasi kaya makahulugan, matalinhaga , at matayutay.
Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa
damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay seryoso, paintelektuwal, at walang halong pagbibiro.

2. Pamilyar o Palagayan

Ang sanaysay na pamilyar o palagayan ay mapang-aliw, nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng


pagtatalakay sa mga paksaing karaniwan, pang araw-araw at personal. Idinidiin nito dito ang mga bagay-
bagay ,mga karanasan ,at mga isyung bukod sa kababakasan ng personalidad ng may-akda ay maaaring
empatihayan o kasangkutan ng mambabasang medya. Ang pananalita ay parang pinaguusapan lamang,
parang usapan lamang ng magkakaibigan ang may-akda, ang tagapagsalita at mga mambabasa at ang
tagapakinig , kaya magaan at madaling maintindihan. Palakaibigan ang tono nito kaya pamilyar ang tono
dahil ang paunahing gamit ay unang panauhan. Subhektibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at
paniniwala ng may-akda ang pananaw.

You might also like