Mga Katanungan Hinggil Sa Istorikong Materyalismo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

HINGGIL SA MATERYALISMONG ISTORIKO

Mga tanong sa Paaralang JMS Masterclass


Mga sagot ni Prop. Jose Maria Sison
November 15, 2020

1. Inabot ng 2.3M taon ang primitibong komunal, 6,000 taon naman ang
lipunang alipin, 3,000 ang sistemang pyudal, 400 taon pa lang ang
kapitalismo, at umiral ng ilan lamang dekada ang sosyalismo Unyong
Sobyet (1917 hanggang 1956) at sa Tsina (1949-76) at nagkaroon pa ng
modernong rebisyonismo at panunumbalik ng kapitalismo, masasabi
natin sa pagsulpot ng mga lipunang may uri ay pinakabata pa ang
kapitalismo at sanggol pa lang ang sosyalismo, hindi bat ganito din sa
sinauna ang inabot ng sistemang may uri dumaan sa mga negasyon ng
negasyon hanggang sa naging mga pangkalahatan at pandaigdigang
sistema, ano ang kinabukasan ng pandaigdigang sosyalistang mga
rebolusyon? ano ang kasasadlakan ng pagtalas ng tunggalian ng
inperyalismo laban sa manggagawa at mamamayan ng daigdig? Ano
ang kahahantungan ng paglala ng panadaigdigang krisis ng monopolyo
kapitalismo at sa sa pagtalas ng kontradiksyon sa hanay ng
imperyalista? Ano ang prospek ng proletaryong rebolusyon sa ganitong
pandaigdigang sitwasyon?

JMS: Ang takbo ng kasaysayan bumilis sa paglitaw ng kapitalismo ilang


siglo lamang ang nakaraan, magmula ika-12 siglo sa Europa. Sa
pagsulpot ng industriyal ng kapitalismo mula sa ikalawang bahagi ng ika
-18 siglo, lalong bumilis ang pagsulong ng kapitalismo.

Sa pagsulpot ng monopolyo kapitalismo, lalo pang lumala ang mga krisis


ng labis na produksyon sa kapitalismo at ito ay nagluwal ng unang gera
mundial at ng unang bansang sosyalista, ang Unyong Sobyet noong
2017.

Sa sumunod na pangkalahatatang krisis noong dekadang 1930 ay


nagluwal ng pasismo at isa pang mas mapanirang gera mundial ang
monopolyo kapitalismo subalit tumuloy ito sa paglitaw ng ilang bansang
sosyalista sampun ang Tsina at kilusang papagpalaya sa mga
kontinente ng Asia, Aprika at Amerika Latina.

Sa rurok ng pag-abante ng mga pwersang rebolusyonaryo sa dekadang


1950, sangkatlo ng mga mamamayan ng daigdig ang napalaya at
pinamahalaan ng mga partido ng proletaryado. Subalit nagibabawa sa
Unyon Sobyet ang makabagong rebisyonismo noong 1956 at nanira sa
sosyalismo mula sa loob ng Partido Komunista at sa estadong sosyalista
at nagpanumbalik ng kapitalismo.

Magmula noon ay gumuho ang Unyon Sobyet noong 1991 at naging


kapitalista ang Rusya at mga bansang dating kapederasyon nito at
maging ang Tsina naging kapitalista magmula 1978. Naging tanging
superpoder and imperyalistang US magmula 1992. Subalit naging mas
mabilis at madalas ang paglubha ng krisis ng monopolyo kapitalismo
dahil sa labis-labis na pagsasamantala sa masang anakapawis sa ilalim
ng patakarang neoliberal at walang tigil na mga gerang agresyon na
inilulunsad ng US.

Magmula ng pandaigdigang crisis pinansyal ng 2008, naging maliwanag


ang krisis ng labis na produksyon dahil sa pagpasok ng Tsina at Rusya
sa sistemang kapitalista. Ngayon lalong tumindi na ang kontradiksyon
ng mga imperyalistang poder, lalo sa pagitan ng US at Tsina na dating
mga pangunahing partner sa pagpapairal ng neoliberal na
imperyalistang globalisasyon.

Naging labis na mapanganib sa sangkatauhan ang pagpapaunlad ng


mga henosidal na sandata sa gera at ang ang pandarambong ng
monopolyo kapitalismo sa kalikasan. Ang mga ito ay bunga ng
monopolyo kapiyalismo at tunggalian ng mga bansang imperyalista.

Lalong lumubha ang kontradiksyon sa pagitan ng kapital at paggawa sa


mga bansang industriyal kapitalista, sa hanay ng mga imperyalistang
bansa at sa pagitan ng mga bansang imperyalista at mga alipuris nitong
mapagsamantalang uri sa isang banda at sa mga mamamayan ng mga
bansang atrasado sa kabilang ban da.. Parang kumukulo ang buong
daigidig ngayon.

Bumabalikwas ang mga mamamayan at laganap ang mga pakikibakang


anti-imperyalista at demokratiko. Lalo pang pinalubha ng pandemyang
Covid-19 ang krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista. Tiyak na
lalaganap at titindi pa ang mga pagbabalikwas ng masang inaapi at
pinagsasamantalahan. Palatandaan at hudyat ito ng muling pag-aalsa
ng pandaigdigang proletaryo-sosyalistang rebolusyon.

2. Maari bang ipaliwanag pa ang ebolusyon ng mga binhi ng pyudalismo


sa sinapupunan sistemang alipin tulad ng mga ss: coloni, latifundia,
benefice, fiefdom. Mayroon bang mga ganito sa Pilipinas bago at
panahon ng kolonyalistang Espanyol?

JMS: Sa karanasan ng imperyong Romano, napalawak nang mabilis


ang mga latifundia sa paggamit ng mga alipin. Pero sa paglawak ng
mga latipundia, mas mahirap kontrolin at imaneho ang mga alipin.

Ang sistemang rasyon para sa kanila ay naging hindi kapakipakinabang


sa mga may-ari ng latipundia. May mga aliping tumatakas at
nagrerebelde. Lalong naging mahirap ang pagkontrol sa mga alipin
nang lumaban sila nang sabay sa paglaban ng mga barbarikong tribung
Aleman, Keltiko at Islabiko hanggang gumuho ang imperyong Romano.

Dahil dito, naisipan ng mga amo na mabuti pang gawing serbo ang
mga alipin. Primero, nagtakda sila ng lupa para sa mga alipin at iba
pang lupa na lilinangin nila para sa amo. Sa paglakas ng Simbahang
Katoliko Romano at mga pyudal na estado ng mga dating barbariko,
naging pyudal na ang paboritong moda ng produksyon at
pagsasamantala sa Europa.

Sa Tsina, sumulpot rin sa sinapupunanan ng sistemang alipin ang


sistemang pyudal. Pinalawak ng mga alipin ang mga sinasakang lupa at
gumamit ng mga bakal na araro at pamutol ng mga puno at batay sa
mga pinalawak na lupa nailatag ang pyudalismo.

Sa mahabang panahon ng sistemang alipin at pyudal, may labanan sa


hanay ng mga estado at sa pagitan ng mga magsasaka at mga
naghaharing uri. Nagbunga ang mga ito ng serye ng mga naghaharing
dinastiya at paglawak ng sakop ng kanilang mga kaharian.

Hindi nakahulagpos sa pyudalismo ang Tsina hanggang dumating ang


mga imperyalistang poder para paghatihatian nila at gawing
malakolonyal at malapyudal ang Tsina magmula kalagitnaan ng ika-19
hanggang ika-20 na siglo.

Batay sa ebidensyang istoriko ng Pilipinas, may mga sultanatong


Islamiko na mala-alipin at malapyudal sa Mindanao at sa
pinakamaraming lugar sa kapuluan, sa dalampasigan at pampang ng
malalaking ilog, may mga komunidad na malakomunal at malaalipin.
Ang mga pamilyang datu at rajah ang naghari sa mga komunidad na
magkakaiba ang lawak.

Sa matataas na lugar ng mga Igorot at Lumad, komunal pa ang


sistemang lipunan ng mga tribu. Lalo pang komunal ang sistema ng
mga Aeta na angkan ang tipikal na komunidad. Hindi nakayanan ng
kolonyalismong Espanol sa sakupin ang matataas na lugar at mga
sultanatong Muslim. Pero nakayanan nilang sakupin ang kalakhan ng
kapuluan. Dito ipinataw ang pyudalismo.

3. Ano ang pagkakaiba ng 2 Yugtong Manupaktura at Kalakalan ng


1100s-1400s at 1500s-1700s. At bakit sinsabing primitibong yugto ng
kapitalismo ang naunang yugto?

Sa primitibong yugto ng manupaktura, sa ika-12 siglo hanggang ika-15


siglo, umiral ang maramihang paggawa sa paggamit ng kamay. Ito ang
yugto ng handicrafts (gawang-kamay). Ang buong produkto ay
nagagawa ng bawat artesano sa guild o talyer. Halimbawa’y gagawa ang
bawat artesano ng buong sapatos.

Sa susunod na yugto ng manupaktura, sa ika-16 hanggang ika-18 siglo


umabante ang hatian sa paggawa ng isang bagay dahil natuklasang mas
mabilis na nagagawa ito kapag ang isang mangagawa ay gagawa lamang
ng iisang bahagi ng sapatos at iba ang nagtatagpi sa lahat ng bahagi.
Umabante rin ang kagamitan sa paggawa ng damit, laluna sa Olanda at
Inglaterra.

Mas mataas pang yugto ng industriyal ma manupaktura na sumulpot


nang maimbento ang lakas usok (steam power) at mga makina ng
maramihang paggawa sa ikalawang bahagi ng ika-18 siglo sa Pransiya at
Inglaterra. Ito ang tinawag na Rebolusyong Industriyal na unalagwa sa
Inglaterra sa ika-19 na siglo.

4. Maari bang makapagbigay ng halimbawa ng mga pag-aalsang mga


antipyudal at antikolonyal sa Pilipinas na maihahalintulad o kapareho o
naimpluwemsiyahan ng Kilusang Repormasyon/ Protestantismo sa loob
ng simbahan noon at Age of Enlightenment bago ang  rebolusyong KKK
ni Bonifacio at pagkakatayo ng PKP 1930. Mahalaga din ito dahil sa
noong 1600s na sumusulpot ang burgesya at manggagawa sa
sinapupunan ng.pyudalismo ay mararahas ang mga pag-aalsang
magsasaka sa Germany at Europe na suportado ng mga lider sa
reformation sa loob ng simbahan?

JMS: Higit sa 200 pag-aalsang lokal ang nangyari sa Pilipinas sa iba’t


ibang dahilan magmula nang maging kolonya ito ng España. Madalas na
dahilan ang pagpapataw ng buwis sa produkto ng mga tao, labis na
sapilitang patrabaho at diskriminasyon sa pagkilala na mga kapatirang
relihiyoso.

Pero, pinakamalaking paglaban sa kolonyalismong Espanyol  na relihiyon


ang batayan ay ang isinagawa ng mga Muslim sa Mindanao. Ang
sumunod na malaking problema na may katangiang relihiyoso ay ang
pagsulpot ng Kilusang Sekularisasyon sa loob ng simbahang Katoliko
noong ikalawang bahagi ng siglong ika-19. Layun nitong palitan na ng
mga pareng sekular ang mga Kastilang prayle na kabilang sa mga ordeng
misyonaryo, tulad ng mga Agustinian, Dominikano at Heswita.

Lumaganap ang pambansang kamalayan sa mga katutubo at sa mga


mestizo nang ginarote sina Padre Gomez, Burgos at Zamora dahil sa
pagiging lider ng Kilusang Sekularisasyon.  Sabi ni Rizal na kung hindi
dahil sa pagkamartir ng Gomburza hindi siya naging palaban sa Kastila. 
Tapat ang  kilusang ito sa Simbahang Katoliko Romano.  Sinuway lamang
nila ang pagmamatigas ng mga prayle na sila pa rin ang tumangan sa mga
parokya kahit marami na ang pareng sekular para rito.

Ang tunay na katumbas ng Repormasyon sa Europa ay ang kilusang


pinamunuan ni Padre Gregorio Aglipay.  Pinapunta siya ng Kastilang
Obispo ng Maynila para kumbinsihin ang rebolusyonaryong gobierno na
mamayapa.  Sa halip, nagpasiya si Aglipay na sumanib sa rebolusyon at
siya pa ang naging vicar general ng rebolusyon.  At sa takbo ng
Rebolusyon, maraming Katolikong pare sa kapuluan, laluna sa Hilaga,
ang humiwalay sa Simbahang Katoliko Romano hanggang itayo ang
Iglesia Filipina Independiente.

5. Bakit mapayapang ebolusyon ang nangyaring panunumbalik ng


kapitalismo sa modernong rebisyonistang Sobyet Unyon? Bakit hindi
humantong sa marahas na panunumbalik ng kapitalismo tulad ng mga
nangyaring marahas na agawan ng burgesya at monarkiya noong 1500s
sa Inglatera rebolusyon ni Cromwell at mga serye ng Rebolusyon sa
Pransya partikular ang 1830-1848 kung saan nakapanumbalik ang
monarkiya at muling naibagsak, at naitayo ang Ikalawang Republika ng
Pransya?
JMS: Nananatili pang batas na bakal na kailangan ang armadong
rebolusyon para ibagsak ang isang mapang-aping naghaharing
sistemang lipunan. Subalit sa pagsulpot at pangingibabaw ng
makabagong rebisyonismo sa Unyong Sobyet, sinabi na ni Kasamang
Mao na hindi kailangan ng armadong rebolusyon para ibalik ang
atrasadong lipunan mula sa abanteng lipunan, tulad ng kapitalismo
mula sa sosyalismo, sa pamamagitan ng makabagong rebisyonismo at
gradwal na mapayapang ebolusyon batay sa dehenerasyon at
korupsyon.

Pero sa katotohananan, hindi ganap na walang karahasan sa lubusan


at ganap na pagpapanumbalik ng kapitalismo sa bansang sosyalista.
Una, nagmaneobra si Khrushchev para watak-watakin at paglaban-
labanin ang mga tapat kay Stalin, sina Molotov, Voroshilov at Malenkov.
Pagkatapos, ginawa niya ang coup d’etat para ilaglag ang mga maka-
Stalin sa Partido, hukbo at estado.

Ganoon ang nangyari sa Tsina sa kahabaan ng GPCR mula 1966


hanggang 1976 para mangibabaw ang Kaliwa at Gitna sa pamumuno ni
Mao. Pero may paliku-liko ang GPCR kung saan nahahati ang nasa
Kaliwa at sa huling labanan ng 1976, matapos yumao si Mao, nagsama
ang Kanan sa pamumuno ni Deng Xiaoping at mga Sentrista sa
pamumuno ni Hwa Guofeng laban sa Kaliwa.

Nagkudeta sila. Hindi lang ang tinawag na Gang ng Apat ang inaresto
at ikinulong kundi gasampung libu-libong mga kadre ng Partido. Inalis
sa Partido ang mga tapat sa GPCR at kay Mao at nagpasampa sa
Partido ng milyun-milyong bagong kasapi na salungat sa GPCR at
sumusunod sa linya ni Deng. Sa ilang lugar nagkaroon ng ilang
sandatahang labanan. Pero, nangibabaw ang kombinasyon ng Kanan
at Sentrista.

6. Sa transisyon ng mga sistemang panlipunan mula pyudalismo tungo


sa kapitalismo, ano ang mga pagkakaiba ng burgesyang manupaktura,
burgesyang kalakalan at burgesyang industriyal? Ang mga kaibahan ng
mga ito sa burgesya kumprador na nagingibabaw na uri sa mga
atrasado, kolonya at malakolonyang lipunan.

JMS: May dalawang tipo ng pag-iwan sa pyudalismo tungong


kapitalismo. Unang tipo ang transisyon o paglipat sa industrial na
kapitalismo, tulad sa Inglaterra, Estados Unidos at iba pa. Ang uring
industriyal kapitalista ang namuno sa proseso ng pagbabago at
sinasakyan ito ng merkantil na uring kapitalista at mga naglalatag ng
kapitalistang agrikultura.

Ang ikalawang tipo ay tulad ng Pilipinas at iba pang hindi ganap na


nakaabante sa yugto ng industriyal na kapitalismo. Sa kaso ng
Pilipinas, ang pyudalismo ay sa kabuuan nakalipat na sa malapyudal na
sistema sa ilalim ng imperyalismo. Ang namumunong uring kapitalista
ay ang malalaking comprador na siyang ahente ng mga imperyalista sa
pinansya at pangangalakal.

Nanatili pa rin ang malawak na labi ng tradisyonal na uri ng panginoong


maylupa. Malakas pa rin sila sa pulitika sa mga lokaliddad. Pero
pinakamalaking kapital ang nakaipon sa kamay ng uring malaking
komprador. Ang pinakamalaking mga opisyal ng reaksyonaryong
gobyerno ang gumaganap ng papel ng malaking burukrata kapitalista
dahil sa kanilang pangangatawan sa interes ng malaking komprador
burgesya at pinakamalaking asendero ng Pilipinas.

7. Sa kontradiksyon ng luma at bagong lipunan, sa batas ng


kantitatibong pagbabago may tinatawag na sublation (pananatili ng ng
hibla ng lumang lipunan kahit nangingibabaw na ang bago), sa yugto ng
sosyalismo, may prinsipyo ng pagtatransporma sa mga mabubuting
salik ng kapitalismo para sa sosyalistang rebolusyon, transisyon at
konstruksyon, anu-ano ang mga ito?

JMS: Totoo na kahit na inabot ang yugto ng sosyalismo may pananatili


pa ng mga labi ng lumang lipunan. Kung gayon, may mga hakbanging
transisyonal (transition measures) na kailangang gamitin, laluna kung sa
proseso ng rebolusyon may ginawang mga malubhang pinsala ang
kaaway sa ekonomiya, pulitika, kultura at iba pang aspeto ng lipunan.

Sa halimbawa ng Rusya, nagkaroon ng New Economic Policy magmula


1922 hanggang 1927 para gumawa ng mga transition measures para
buhayin agad ang ekonomiya. Ganoon din sa Tsina sa panahon ng
rehabilitasyon at konsolidasyon mula 1949 hanggang 1952.

Bagama’t nasa kamay ng sosyalistang estado ang mga pangunahing


industriya, malakihang transportasyon, minahan, malalaking asyenda at
ibang estratehikong bahagi ng ekonomiya, binibigyan ng konsesyon
ang mga makabayang may-ari ng mga empresa at mangangalakal,
mayamang magsasaka at maliliit na empresa, mga manedger sa mga
dating empresa at mga puno ng opisina sa bumagsak na gobyerno.

Ipamumudmod ang lupa sa mga magsasakang walang lupa bago


umpisahan ang payugtoyugtong pagpapaunlad ng kolektibisasyon.
Mayroon pa ring wage differentials sa mga mangagawa. Subalit hindi na
makakamkam ng uring kapitalista nang walang limitasyon ang tubo.
Ang labis na produkto ng lipunan ay pangunahing pupunta sa
pagpapataas ng pasahod, pagpapalawak ng produksyon, serbisyo
sosyal, depensa at administrasyon.

Mananatili ang karapatang burgis demokratiko para sa kapakanan ng


mga indibidwal at grupo ng panggitnang saray at mga anakpawis subalit
hindi sa malalaking komprador, panginoong maylupa, burukrata
kapitalista at kontrarbolusyonaryo na dapat alisan ng mga karapatang
lumahok sa pulitika, laluna ang karapatang maghalal at mahalal. Ang
mga dating karapatang burges-demokratiko ay mapapaloob sa
sosyalistang konstitusyon.

8. Sa pag-unlad ng kaalaman ng tao, paano natin susuriin ang social


realism, ito ba ay ideyalismo o materyalismo? Paano ba natin ito dapat
tinitignan at gagamitin bilang marxista lalo na sa hanay ng mga cultural
workers?
JMS: Ang realismong sosyal (social realism) ni Gorky ay umaayon sa
pilosopiya ng diyalektikong materyalismo at sa praktika ng sosyalistang
rebolusyon. Payayabungin ito sa hanay ng mga artista, malikhaing
manunulat at iba pang kumikilos sa larangan ng kultura.
Dapat naglalarawan ang panitikan at sining sa kalagayan,
pangangailangan, pakikibaka at aspirasyon ng mga anakpawis. Dapat
maging bayani sa mga paglalarawang ito ang mga mangggawa,
magsasaka at mga Pulang mandirigma.Sa pamamagitan ng mga ito,
dapat mapataas ang kapasiyahan at diwa ng mga manggagawa at
magsasaka na lumaban sa mga kaaway na uri at ibayong
ipagtagumpay ang rebolusyon.
Sabi ni Mao na gusto rin niya ang rebolusyonaryong romantisismo.
Isama na rin ito sa realismong sosyal bilang  pagtutuon sa inspirasyon
na panggapi at pananaig sa kahit anong balakid sa tuluy-tuloy na
pagsulong ng bagong demokratikong rebolusyon at sosyalistang
rebolusyon at konstruksyon hanggang komunismo.

9. Matapos magtagumpay ang Rusya at China, may mga bansang


nagpatuloy sa kanilang pakikibaka. May mga bansang ipinapalagay ang
sarili bilang sosyalista gaya ng Cuba, Vietnam at N. Korea. Tama bang
sabihin na sila ay sosyalista na o may mas tama bang termino para sa
kanila? Ano ba talaga ang kanilang status?
JMS: Dapat respetuhin ang Cuba, Vietnam, DPRK sa pagtawag nila sa
sarili nilang bansa bilang sosyalista sapagkat aspirasyon nilang maging
sosyalista at may mga elemento ng sosyalismo na taglay nila, tulad ng
pagtataguyod ng makauring pamumuno ng uring proletaryado at ng
Partido Komunista, programa ng sosyalistang rebolusyon at
konstruksyon, publikong pag-aari sa mga pangunahing kasangkapan sa
produksyon at malawak na serbisyo sosyal.
Kung tingnan natin ang Unang Internasyonal, nakalahok rito ang iba’t
ibang tipo ng partido at grupo dahil sa kalagayan. Ngayon dapat
pleksible tayo sa pagbibigay ng respeto at pakikipagtulungan sa mga
partido at bansang lumalaban sa imperyalismo at nagtataguyod ng
pambansang kasarinlan at sosyalismo.
Wala tayong problema sa Cuba, Vietnam at DPRK, kaugnay ng ating
pambansang soberanya at integridad ng teritoryo. At wala silang
patakaran at praktika na salungat o nakakalito sa hanay ng kilusang
rebolusyonaryo ng mamamayang Pilipino.
Bagamat nananatili ang leksyon sa kaysaysayan, natabig na ang dating
isyu tungkol sa pagsunod o hindi pagsunod sa rebisyonismo at sosyal
imperyalismo ng Unyong Sobyet dahil sa nawala na ito at napatunayan
nang patay sa malubhang sakit.
10. Ang sosyalismo ay isang epokang naglalayong pawiin ang
pribadong pagmamay-ari ng mga kasangkapan sa produksyon at
itransporma tungo sa pagiging pampublikong pag-aari. Kasabay ba nito
inaalis natin ang pribadong konsepto ng pamilya?
JMS: Magkasundo ang sosyalistang publikong pag-aari ng mga
kasangkapan sa produksyon at pamilyang hindi binuo at pinairal dahil sa
konsiderasyon ng pribadong pag-aari ng lupa o anupamang
kasangkapan sa produksyon kundi dahil sa pagmamahal, pagtangkilik
sa sosyalismo at pagkakaroon ng sapat na ari-arian na pangkonsumo
batay sa trabaho.
Sa yugto ng barbarismo ng primitibong kumona, totoong sumulpot ang
mga pamilyang nagmamay-ari ng lupa at mga hayop at batay dito
lumitaw ang pamilyang nakasentro sa padre de pamilya, pribadong pag-
aari ng kasangkapan sa produksyon at sistema ng pribadong pamana.
Pero sa panahon ng sosyalismo, maglalaho ang pribadong pag-aari sa
kasangkapan sa produksyon at papalitan ng sosyalistang sistema ng
ekonomiya, pulitika at kultura ang makasariling ekonomiya, pulitika at
kultura ng burgesya.
11. Walang dudang patutungo sa lipunang walang uri ang mga lipunang
nahahati sa mga uri sa pamamagitan ng pinakarebolusyonaryong uri ng
proletaryado. Sa panahong ito nalutas na ang kontradiksyon ng tao sa
tao. Ano ba ng pinakamayor na maaring sumulpot na kontradiksyon sa
panahong nalutas na ang kontradiksyon ng tao sa tao?
JMS: Sa yugto ng komunismo ang mawawala ay mga uring
mapagsamantala at mawawala rin ang tunggalian ng mga uri. Hindi
mawawala ang tunggalian ng bago at luma sa hanay ng mga tao at
tungkol sa kung ano ang tama o maling idea o kalakaran.
Iiral pa rin ang batas ng kontradisyon at ito ang patuloy na motor ng
pagbabago at pag-unlad pero wala nang dominasyon ng uri sa uri at
bansa sa bansa. Pundamental ang pagbabago sa kalagayan. Ang
malayang pag-iisip, debate at pagkakasundo ay para sa kabutihan ng
lahat at hindi para sa kabutihan ng naghaharing uri ng minorya.
12. May pagsasamantala ba sa sosyalismo?

JMS: Wala nang sistematiko at makauring pagsasamantala sa


sosyalismo. May pundamental na pagbabago hindi lamang sa
ekonomiya at pulitika kundi sa kultura at moralidad. Ang anumang
pagsasamantala ay madaling mapapansin, matitigil at malulunasan.

Pero walang garantiya na absolutamenteng mawawala ang mga


indibidwal na malisyoso, mapanlinlang, kriminal o sirang ulo. Pero ang
antas ng mabuting samahan at kooperasyon ng mga tao ay napakataas
at madaling masasaway ang sinumang may masamang ginawa at kung
may diperensya sa utak ang isang tao, madali itong dalhin sa klinika ng
mga psychiatrist.

13. Ano ang masasabi mo sa pagkapanalo ni Biden, ng pagkapanalo ng


mga progresibo at sosyalista tulad ng Squad na pinagungunahan ni
AOC, masasabi bang protest vote laban sa pasismo, militarismo,
rasismo at misogyny, etc ang tumalo kay Trump. Makabuluhan ang
pagpapatalsik ng mamamayang amerikano kay Trump, masasavi bang
tumatalasang kontradiksyon sa pamamagitan  burgesyang amerikano
laban sa manggagawa at mamamayan nito. Ano ang mga maaring
kahahatungan nito,  ano ang mga tungkulin ng kilusan sa loob at labas
ng bansang US, at sa Pilipinas?

JMS: Natalo si Trump dahil sa kalabisan ng kanyang mga patakaran at


aksyon laban sa mga manggagawa, rasismo o diskriminasyon sa mga
hindi puti, matsismo laban sa kababaihan at iba pang tao sa USA at laban
din sa mga ibang bansa.

Pero si Biden ay kinatawan pa rin ng monopolyong burgesya tulad ni


Trump. Ang mga patakaran at aksyon niya ay para pa rin sa mga uring
ito. Ikanga, ang pagkakaiba ng Republican at Democratic Party at tulad
ng Coca Cola at Pepsi Cola.

May masamang record si Biden sa pagiging imperyalista. Notoryoso siya


na tagatulak ng bipartisan support para sa imperialistang gera ng
aggresyon tulad sa Afghanistan, Iraq, Syria, Libya, atbp. Kilala rin siya
na “law and order” type of leader. Hindi siya malayo kay Obama at
Hillary Clinton sa pag-iisip at pagkilos. Kunwari para sa demokrasya pero
para sa imperyalismog US.

Sa kabila nito, nagpahayag kung kailan lamang na gagawin niyang mas


mabait at mas magaan ang kamay ng kapangyarihan ng US at ipapatupad
niya sa mga bansang sinusuporthan ng US, yulad ng Turkiya, Ungariya at
Pilipinas, na ipatupad ng mga karapatang tao at demokrasya at ipatigil
ang tunguhin na awtoritaryanismo. Hwag maniwala kay Biden hanggang
tuparin ang salita niya.

Tingnan natin kung mapipigil niya si Duterte sa pagiging pasistang


diktador o sa pagmamanipula ng Comelec automated vote count para
gawing presidente si Sara na anak niya. Patunayan ni Biden sa kaso ng
Pilipinas na kaya niyang pasundin ang papet ng US na rumespeto sa
demokrasya at mga karapatang tao.###

You might also like