Filkom To Do

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino(PSLLF)

Tuon: Pagtiyak sa Katayuang Akademiko ng Filipino Bilang Asignatura sa Antas


Tersyarya
Petsa ng Pagpapatibay: Mayo 31,2013
Tagapamuno: Dr.Aurora C. Batnag
May-akda: Dr.Lakandupil C. Garcia
Pangunahing Argumento: “Sa antas tersyarya nagaganap at lubhang nalilinang ang
intelektwalisasyon ng Filipino sa pamamagitan ng pananaliksik, malikhaing pagsulat,
pagsasalitang pangmadla at kaalamang pangmidya”.
Ilan pang mahahalagang argumento ng PSLLF:
1. Mga argumentong maka-Filipino sa konteksto ng gobalisasyon.
2. Ugnayan ng wikang pambansa at ng holistikong paghubog sa mga
mamamayang Pilipino.
3. Historikal na paninindigan para sa bilinggwalismong pabor sa wikang
Pambansa

National Commission on Culture and the Arts on Language and Translation


(NCCA-NCLT)
Tuon : Paghiling sa CHED, Kongreso at Senado ng Pilipinas na agarang magsagawa ng
mga hakbang upang isama sa bagong General Education Curriculum (GEC) sa antas
tersyarya ang mandatory na 9 na yunit ng Filipino.
Petsa ng Pagpapatibay: Mayo 23,2014
Pangunahing Argumento:
1. “ puspusan lamang masusunod ang Konstitusyon ng 1987 sa paggamit ng
Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wikang pagtuturo
sa sistemang pang-edukasyon kung mananatili sa antas tersyarya ang
asignaturang Filipino.
2. “puspusang imungkahi sa CHED na gawing kautusan ang pagtuturo sa Filipino
ng tatlong asignaturang pangkolehiyo sa level ng edukasyong heneral sa
kolehiyo.

Komisyon sa Wikang Filipino


Tuon: Kapasyahan ng Kalipunan ng mga Komisyoner Blg.14-26 serye ng 2014
Petsa ng Pagpapatbay: Hunyo 20,2014
Pangunahing Argumento : “Pagtuturo ng siyam (9) na yunit sa wikang Filipino, na
hindi pag-uulit lamang ng mga sabdyek na Filipino sa antas tersyarya kundi naglalayong
magamit at maituro ang wika mula sa iba’t ibang disiplina – na pagkilala sa Filipino
bilang pintungan ng karunungan at hindi lamang daluyan ng pagkatuto, at upang
matiyak ang pagpapatuloy ng intelektwalisasyon ngFilipino.

Departamento ng Filipino ng DLSU-Manila


Pamagat: Pagtatanggol sa Wikang Filipino,Tungkulin ng bawat Lasalyano
Petsa ng Pagpapatibay : Agosto 2014
Pangunahing Argumento :
1. “Ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay nakapag-aambag sa pagiging
mabisa ng community engagement ng ating pamantasan sapagkat ang wikang
Filipino ang wika ng mga ordinaryong mamamayam sa mga komunidad na ating
pinaglilingkuran…”
2. “Dapat bigyang-diin na ang Filipinisasyon ng iba’t ibang departamento at
kolehiyo sa pamantasan ay makatutulong din nang malaki sa pagtitiyak na ang
ating mga pananaliksik ay higit na magiging kapaki-pakinabang sa ating mga
kababayan…”
3. “Ang adbokasiyang ito ay pagsasalba sa kolektibong identidad,sasalamin ng
ating kultura, sa daluyan ng diskursong pambansa,at pagtataguyod ng
nasyonalistang edukasyon nahuhubog ng mga estudyanteng magiging mga
kapaki-pakinabang na mamamayan ng ating bansa.”
Ateneo de Manila University
Pamagat : Ang Paninindigan ng Kagawaran ng Filipino ng Pamanatasang Ateneo
deManila sa Suliraning Umuugat sa CHED Memo No.20,s.2013
Pangunahing Argumento:
1. “Ang pagkakait ng espasyo sa Filipino ay pagkakait din ng espasyo para sa iba
pang wika sa bansa.
2.”Ang banta na alisin ang Filipino sa akademikong konteksto ay magdudulot ng
ibayong pagsasalaylayan o marhinalisasyon ng mga wika at kulturang
panrehiyon.

Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas,Unibersidad ng Pilipinas-


Diliman
Pangunahing Argumento:
1.” Nasa sariling wika ang pagtatanyag ng kaalamang lokal – mga kaalamang
patuloy na hinubog at humuhubog sa bayan.Sariling wika ang pinakamabisang
daluyan para mapalaganap ang dunong-bayan at kaalamang pinanday sa
akademya.
2. “Gawain ng mga guro sa Filipino sa antas tersyarya ang sanayin ang mga
mag-aaral na gamitin ang wikang Filipino upang gawing kapaki-pakinabang ang
napili nilang disiplina sa pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan.

Pamantasang Normal ng Pilipinas


Pangunahing Argumento:
“Isang moog na sandigan ang wikang Filipino upang isalin ang hindi
magmamaliw na karunungan na pakikinabangan ng mga mamamayan para sa
pambansang kapakanan . Ang paaralan bilang institusyong panlipunan ay
mahalagang domeyn na humuhubog sa kaalaman at kasanayan ng bawat
mamamayan ng bansa. Kaakibat sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto ang
wikang Filipino upang lubos na maunawaan at mailapat sa paaralan ng buhay
ang mga araling hindi lang nagtatapos sa apat na sulok ng paaralan.”.

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas


Pangunahing Argumento :
“Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat…Mga
Pilipino ang kusang tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging katangi-
tangi ang tatag nito dahil ito ang identidad ng lipunang Pilipino. Mahalaga ang
pagpapaunlad nito sa bawat Pilipino. Kaya kung ihihiwalay sa mga mag-aaral ng
kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag-aaral ng wikang Filipino,tinanggal na rin
natin ang identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung ano ang wika mo,iyon ang
identidad mo.”.

Central Luzon State University (CLSU)


Pamagat: Posisyong Papel ng Departamento ng Filipino ng CLSU sa Pag-aalis sa
Filipino Bilang Asignatura Bunga ng CMO 20,s.2013 gayundin ang Paggamit ng Filipino
Bilang Wikang Panturo.
Petsa ng Pagpapatibay: Hunyo 24,2014
Pangunahing Argumento:
“Dapat na panatilihin kundi ma’y magkaroon ng tatlong bagong asignaturang
Filipino sa kolehiyo na ang tuon ay nasa kultura pa rin upang makaalinsabay sa
rasyunal ng CHED Memo 20,s.2013. Ito’y hindi lamang sa usapin na maraming guro
ng/sa Filipino ang mawawalan ng kabuhayan kundi sa mas malalim pang kadahilanan.”
1. Nakatadhana sa Artikulo 14, seksyon 6-9 ng Konstitusyon ng 1987 ang ganito: “Ang
wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang,ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang
mga wika. Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring
ipasya ng kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan
upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang
midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa
sistemang pang-edukasyon.”
2. “Ang lahat ng asignaturang may kaugnayan sa kultura ay ituturo sa Filipino
samantalang sa Ingles naman ang agham, teknolohiya at matematika ( Kautusang
Pangkagawaran BLg.25, s.1974 at Kautusang Pangkagawaran Blg.52, s.1987 )
3. Ang pagpapalakas ng Filipino sa antas tersyarya ay magsisilbing paghahanda natin sa
panahon ng ASEAN Integration. Kung ang Pilipinong nag-aaral sa ibang bansa ay
obligadong mag-aral ng wika ng bansang kanyang pinuntahan ay dapat na maging
ganoon din ang maging sitwasyon at senaryo sa kanilang pagpunta sa Pilipinas. Dito
natin dapat na higit na palakasin ang wikang Filipino at ang kulturang Pilipino upang
maibandila natin sa mundo.
Bukod sa mga pagkilos na ito noong Abril 15,2013 ay nagsampa ng kaso ang
Tanggol Wika sa Korte Suprema sa pangunguna nina Dr. Bienvenido Lumbera, Rep.
Antonio Tinio kasama ng iba pa. Kinatigan naman ito ng Korte Suprema sa
pamamagitan ng paglabas ng Temporary Restraining Order. Ngunit ang inaakalang
tagumpay na ito ay nauwi sa kabiguan nang katigan ng Kataas-taasang Hukuman ang
CHED noong Mayo 2019.
Masaklap man ang pangyayaring ito, hindi humihinto ang Tanggol Wika gayundin
ang iba pang Pilipinong maka-wika. Sa kasalukuyan ay nakahain ang panukalang batas
ni ACT Partylist Representative France Castro na gawing mandatory ang siyam (9) na
yunit ng Filipino at Panitikan sa kurikulum ng kolehiyo upang mapunan ang kakulangan
ng bagong General Education Curriculum at makapag-ambag sa paglinang ng ating
kamalayan sa sariling wika, kultura at identidad.

You might also like