Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

PAGSULAT NG TANGING LATHALAIN

1. Isang sanaysay na batay sa tunay na pangyayari na nagtataglay ng mga


pagpapaliwanag, sanligan at impresyon ng sumulat
2. Isang uri ng pamahayagan na nag-uulat ng mga makatotohanang bagay o
pangyayari batay sa pag-aaral, pananaliksik o pakikipanayam at sinusulat sa isang
paraang kawili-wili.
3. Isang uri ng sulatin na ang kawilihan ay nasa ibang bagay sa halip na sa mahalagang
tala.

ANYO NG PILING LATHALAIN


1. Maaaring isulat ito sa anumang porma, anyo, o istilo
2. Maaari ring isulat sa ayos ang baligtad na piramide tulad ng sa balita o sa ayos pasalaysay
(narrative).

KATANGIAN NG TANGING LATHALAIN


1, Walang tiyak na haba, maaaring maikli, maaaring mahaba depende sa nilalaman ng gustong
itala.
2. Batay sa katotohanan na maaaring may kaugnay sa balita.
3. Maaaring sulatin sa anumang anyo, istilo o pamamaraan, ngunit kailangan na ito ay
naaangkop sa nilalaman at layunin nito.
4. Ginagamitan ng makabagong pamatnubay (novelty lead) sa halip na kabuuan pamatnubay
(summary lead)
5. Nasusulat sa himig ng payak na pakikipagkaibigan
6. Maaaring sulatin sa una, ikalawa, at ikatlong panauhan.
7. Pinakamalayang pagsulat sa lahat ng uri ng pamahayagang akda.
8. Maaaring gumamit ng pang-uri, tayutay o idyoma hanggat kailangan.
9. Nagsasaad ng mga ulat batay sa masusing pag-aaral, pananaliksik at pakikipanayam
10. Karaniwang nasusulat sa paraang pataas ang kawilihan.
11. May panimula, katawan, at wakas.

KAIBAHAN NG TANGING LATHALAIN SA IBANG PAGSULAT


1. Ito ay nagsasaad ng katotohanan batay sa isang ulat
2. Nagtataglay ito ng kuro-kuro o ideya ng may akda na nasa anyong pagpapaliwanag.

Mga Mungkahing Panimula


- Maaaring samahan ng anekdota (Mga tanging pangyayari)
- Mga siniping sabi
- Tiyak at madaling maunawaang mga halimbawa
- Maaaring gumamit ng dialogue – katutubong kulay
- Gawing maikli ang mga talata.
Mga maaaring maging Paksa
- Karanasan o pakikipagsapalaran
- Paglalarawan ng isang tao
- Kasaysayan ng isang pangyayari
- Pangkatauhang Dagli
- Istilong Naratibo
- Lathalaing Ano o Paano?
Mga Mungkahing Pangwakas ng Tanging Lathalain
- Maglagay ng buod ng buong artikulo
- Pahayag ng pinakamahalagang bahagi sa kauna-unahang pagkakataon
- Katanungang nabuo sa kaisipan ng mambabasa
- Mga mungkahi ukol sa kahihinatnan
- Pag-uulit ng Panimula
- Pag-uulit ng mga salita sa pamagat
- Isang angkop na sinipi – Appropriate Quotations

Mga Layunin ng Tanging Lathalain


1. Magpabatid
2. Magturo
3, Magpayo
4. Manlibang

Mga Uri ng Tanging Lathalain


1. Lathalaing Nagpapabatid (Informative Feature)
Nagbibigay ng kapaki-pakinabang na ulat, nagdaragdag ng kaalaman o karunungan at
may layuning magturo o magpayo.
2. Lathalaing Pabalita (News Feature)
Batay sa isang balitang nakapupukaw ng damdamin. Pinapalawak nito ang bahagi ng
balita na may pangyayaring di-pangkaraniwan, may kababalaghan, o makabagong likha na
nakapagbigay sa mambabasa ng kaalaman, simpatya o kawilihan.
3. Pangkatauhang Lathalaing Dagli (Personality or Character Sketch)
Ang paksa nito’y ang paglalarawan ng mga kilalang tao, ang kanilang buhay, karanasan,
gawain, patakaran sa buhay, at dahilan ng kanilang tagumpay o kabiguan.
4. Lathalaing Pangkasaysayan (Historical Feature)
Nahahawig sa lathalaing nagpapabatid subalit ang pinapaksa nito ay isang kasaysayan
ng tao, bagay, o lunan
5. Lathalaing Pansariling Karanasan ( Personal Experience or Adventure)
Nauukol sa mga di-pangkaraniwang karanasan ng manunulat ng ibang tao ayon sa
pagkakasalaysay ng may akda
6. Lathalaing Pakikipanayam ( Feature Interview)
Ang paksa nito ay ang kuro-kuro at kaisipan ng isang kilalang tao. Ang ulat hinggil sa
mga kuru-kurong ito ay nakuha sa pamamagitan ng pakikipanayam.
7. Lathalaing Panlibang (Entertainment Feature)
Dahilan sa mga layunin nito’y magbigay kaaliwan, pinakapili ang paksa upang
magsilbing gamut sa mga taong nalulumbay o pampalipas sa oras ng mga taong nais
maglibang.

Mga Katangian ng Manunulat ng Tanging Lathalain


1. Handang manaliksik upang mabatid ang iba’t ibang bagay hinggil sa isang karaniwang balita
o pangyayari na ikinatatannggi ng mga ito.
2. Masigasig at masiyasat sa pagkuha ng mga tala hinggil sa pangyayari.
3. May kakayahang magawang lathalain ang alinmang balita
4. May sariling pamamaraan at istilo sa pagsulat

Mga Mungkahing Panimula sa Pagsulat ng Lathalain (Suggested Beginnings)


1. Panretorikang Tanong (Rhetorical Question)
2. Panggulantang na Pahayag (Starting Statement)
3. Pasalaysay na Panimula (Narrative Opening)
4. Siniping Sabi (Quoted Remark)
5. Isang kasabihan, salawikain o Talinghaga( Maxim, Proverb, or Aphorism)
6. Suliraning dapat na pagtalunan sa artikulo , o pangyayaring dapat na patunayan (Problems to
be discussed in the article or fact to be finished)

PAGSULAT NG BALITANG PAMPALAKASAN


Balitang Isports
Isang pagpapahayag ng mga balitang kaugnay sa mga pangyayari sa mundo ng
palakasan. Isa sa pinakamaganda at nakakaaliw na gawaing pampahayagan. Dahilan sa
pagsulat ng balitang isports, Maraming nagbabasa ng balitang isports. Ang balitang isports ang
nagbibigay aliw sa mga mambabasa na sawa na sa magulong mundo ng pulitika at mga ulat
krimen. Ang mga manunulat ng isports ay may kalayaang gumagamit ng mga makukulay na
salita.

PARAAN SA PAGSULAT NG BALITANG ISPORTS


1. Isulat ito katulad ng pagsusulat ng pangkaraniwang balita
2. Inuuna rin sa pagsusulat ng isport ang malaking pangyayari sa pamamaraang baligtad na
piramide (inverted pyramid).
3. Gumagamit ang isang isport writer ng mga salitang makukulay at buhay
4. Laging nasa patnubay ang resulta ng laro o tunggalian na siyang pumupukaw o umaakit sa
mambabasa.
5. kung ang laro ay labanan ng koponan na katulad ng basketball/softball ay huwag kalimutang
banggitin ang nagpanalo sa laro.
6. Sa pagsulat ng balitang isport ay ipinakita kung bakit hindi nanalo ang isang koponan.
7. Hindi nawawala sa pamatnubay ng ASSKaBa at higit sa lahat papaanong nanalo
8. Isinusulat sa paraang madaling maunawaan ng mambabasa.

Katangian na Dapat Taglayin ng isang isport writer


1. May kaalaman siya sa isport na kanyang tatalakayin (basic sports rules)
2. Marunong siyang gumagamit ng lenggwahe ng isport.
3. Marunong siyang magplano kung paano susulatin ang larong napanood at kritikal siya sa
larong napanood at marunong mag-analisa ng mga nakuha sa laro.
4. Hindi siya makiling “BIASED” sa alinmang team na ikokober kahit ang nabanggit na team ang
kanyang paborito. Mausisa at matalas ang pakiramdam sa galaw at ikinikilos ng mga manlalaro
at kailangan matalas ang mata sa maliit na detalye sa nangyayari sa laro.

Katangian ng Balitang Pampalakasan


1. Sumasagot sa 5W at sa H- Ano? (what) Sino? (who) Saan? (Where) Kailan (when) Bakit
(why?) at Paano?(How)
2. Nagtataglay ng kapana-panabik na pasimula na naglalarawan ng kilos at paglalaban.
3. Gumagamit ng natatanging uri ng talasalitaan (sports lingo) na hindi kaagad mauunawan ng
karaniwang mambabasa.
4. Gumagamit ng makukulay na salita, maraming pang-uri, mahahabang pangungusap na di
ginagawa sa pagsulat ng tuwirang balita.

Uri ng Balitang Pampalakasan


A. Paunang Balita (Advance News) – nagbabalita ng napipintong labanan. Ito’y naglalaman
ng mga nakaraang paglalaban ng bawat koponan at ng mga manlalaro, ang kanilang
kakayahan at kahinaan na maaaring gawing saligan upang hulaan ang magiging kalalabasan
ng laban.
Sa pagsulat ng paunang balita , karaniwang isinasama ang mga sumusunod;
1. Kahalagahan ng laro. Ito ba ay Torneo, ligiran (round robin), tampok na labanan, kampeonato
o larong eksibisyon?
2. Tradisyon at kasaysayan
3. Talaan ng mga kasapi sa bawat panig ng maglalaban
4. Pagsusuri ng lakas at kahinaan ng bawat manlalaro o koponan.
5. Kalagayang pisikal at kaisipan ng mga kalahok
6. Kalagayan ng Panahon
7. Paraan ng paglalaro ng bawat panig
8. Pook at kapaligiran ng pagdarausan ng laro.
9. Ang mga tinatayang manonood
10. Sino kaya ang makakalamang?
11. Naiibang pangyayaring katangi-tangi.
B. Kasalukuyang Balita (Actual Coverage) – itoy naglalahad ng nagaganap na laro.
Naglalaman ito ng mga mahalagang ulat tulad ng:
1. Kinalabasan ng Iskor- Sino ang nanalo? Ilan ang iskor ng bawat koponan?
Nagkaroon ba ng kaguluhan o nahinto ba ang laro dahil sa ulan? Nagkaroon ba ng patas (tie)?
Lubhang mahalaga ang kinalabasan.
2. Kahalagahan ng Kinalabasan (Significance of the outcome)- Ano ang nakalaan?
Isang kampeonato? Ligiran? Torneo? Eksibisyon o isang tampok na laro? Nagkaroon ba ng
“see-sawing” iskor? Sinong nagkamit ng tropeo?
3. Natatanging Laro (Spectacular Game) – Bakit nagwagi ang koponan? Banggitin
ang huling sandal ng garambolahan.
4. Paghahambing ng Koponan o ng Manlalaro (Comparison of Teams and Player)-
Suriin ang kanilang taas, timbang, kahusayan at karanasan. Sa anong bahagi ng paglalaro
nakalamang ang mga nagwagi? Saang bagay naman mahina ang natalo?
5. Natatanging Manlalaro o Tampok na Manlalaro (Individual Star Players) – Sino
ang nagdala ng koponan upang Manalo? Paano niya ginawa ito? Sinu-sino ang mga tampok na
manlalaro? Matatag ba ang kamay ng pitcher sa sopbol o beisbol?
6. Kalagayan ng Panahon (Weather Condition) – Umuuan ba? Matindi ba ang sikat
ng araw? Maputik ba o maalikabok?
7. Ang mga manonood at ang Pagdiriwang ( Crowd and Celebration ) – Magulo ba
ang mga manonood? Gaano sila karami?

PARAAN SA PAGKUHA NG ULAT PARA SA BALITANG PAMPALAKASAN/ISPORTS


A. Bago ang Laro (Before the Game)
1. Pag-aralang mabuti ang mga tuntunin, paraan, pag-iiskor at estratehiya ng laro.
2. Kapanayamin ang mga mahahalagang taong may kinalaman sa gaganaping palaro.
3. Alamin ang buong pangalan ng mga kalahok, ang kanilang numero sa harap at likod,
tungkulin sa laro, timbang at iba pa.
4. Dumalo sa mga pagsasanay upang makilala ang mga manlalaro at ang kanilang tagaturo o
coach.
5. Itala ang mga nakuhang ulat.

B. Sa Panahon ng Paglalaro (During the Game)


1. Pumili ng isang magandang puwesto nang hindi makaligtaan ang mga tampok na
pangyayari.
2. Itala ang mga kapana-panabik, mahahalaga at hindi inaasahang pangyayari. Talasan ang
paningin sa mahahalagang laro at nakatutuwang pangyayari.
3. Matyagan ang mga sumusunod na bagay:
a. Mga mahahalagang laro na nakapagbigay-aliw sa mga mababasa
b. Di inaasahan o di-pangkaraniwang pangyayari tulad ng isang baguhan na nagpamalas ng
gilas.
c. Pansariling kagalingan ng mga manlalaro (pinakamaraming rebounds, liham sa may
pinakamataas na puntos o highest pointer)
d. Nakakatawang pangyayari
e. Binigkas ng mga manlalaro, tagaturo at manood hinggil sa pinakatampok na bahagi ng
paglalaban
f. Tanyag o kilalang tao na nanood ng laro
g. Iskor na dapat maging tumpak

C. Pagkatapos ng laro (After the game)


1. Kunin ang opisyal na iskor sa mga kinauukulan
2. Kapanayamin ang tagaturo o ang tanging manlalaro nang makuha ang kanilang palagay sa
laro kung paano sila nakalamang, natalo, atbp.
3. Alamin ang inasal ng mga manonood
4. Kunin ang inside story tulad ng mahalagang malaman ang kanilang pagwawagi o pagkatalo.
5. Huwag kakaligtain kunin ang lahat ng pangalan at mahalagang iskor, minuto o segundo na
kailangang isulat sa balita. (assist, foul ball, rebound, strike out, etc)
6. Isama natin ang tuwirang sinabi ng coach o manlalaro. Magbibigay ito ng pansariling ulat at
drama sa balita.

Paraan sa pagsulat ng balitang pampalakasan (Sports Writing)


1. Pamatnubay (Lead)
2. Katawan ng Balita (Body) - naglalahad ng detalye o sangkap na hindi nailahad.
SANGKAP:
1. Inside story - nadudulot ng kapanabikan sa mga manonood na naging daan sa pagwawagi o
pagkatao ng koponan.
2. Ang kahalagahan ng paglalaban. Ito ba ay isang kampeonato, intramural, eksibisyon o
palarong pambansa.
3. Tuwirang sabi (quotes) ng manlalaro o ng coaches.
4. Pansariling tala o coaches
5. Ang magkasunod-sunod na paglalaro o sa (play by play o turning point)
5. Estatistiks o team standing

MGA KATAWAGANG PAMPALAKASAN


1. Basketball
*Kwintet
*Gol o buslo
*Dribol
*Bantay
*Unang kalahati
*Pagbubuslong
*Pagkalawit
*Rebaun
*Teknikal Pawl
*Hoolsyat
*Leyap
*30-saglit na patakaran

2. Baisbol o Sopbol
*Pitser
*Katser
*Straykawt
*Ining
*Ampayr
*Homran
*Playingbol
*Rolingbol
*Bant
*Slayd
*Short-stap
*Pilder
*Pawlbol

3. Balibol
*Spaik
*Kil
*Walop
*Straytset
*Spay-ker
*Netbol
*Serber
*Tagasalag

4. Takbuhan
*Takbuhang kalapitan (100-200-80m)
*Takbuhang malayuan (800 at 1500m)
*Takbuhang may hadlang (100-m mataas, 400-m mababa at 8m mababa)
*Takbuhang abutan
*Ipinasa ang baton or relay (4 x 100 at 4 x 400)

5. Linang (Field)
*Inihagis ang dyabelin
*Inihagis ang shatput
*Inihagis ang diskas
*Kandirit-hakbang-lundag
*Brodjamp
*Longjump
*Polbot

You might also like