Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Pangalan:​ ______________________________________________ ​Bilang sa Klase: ​______________

Pangkat:​ _______________________________________________

I. Isulat ang tamang panghalip na bubuo sa diwa ng magkakaugnay na pangungusap. Sundan ang
panghalip na hinihingi sa panaklong. (5 puntos)

1. Sina Nyra, Carlo, Jane at Romeo ay nangunguna sa pag-aayos at paglilinis ng aming lugar. ​(Panao)
____________ ay sumusuporta sa ordinansa ng barangay.
2. (Pananong) ____________ ang puwedeng masira kung ipagwawalambahala ng taumbayan ang
kalinisan at kaayusan nito?
3. Ako at ang aking mga kaibigan ay kabilang din sa kabataang sumusunod sa batas na nangangalaga sa
aming kabutihan. ​(Panao) ____________ ay kabilang sa mga responsableng kabataan ng aming
barangay.
4. Hindi lang dapat iilan ang kikilos para sa kabutihan ng ating lugar dahil ang lahat ay puwedeng
maapektuhan ​(Pamatlig) ____________.
5. Maligaya ang lahat at nagwikang ​“(Pamatlig) ____________ ang aming lugar at gagawin namin itong
malinis at maayos.”

II. Punan ng angkop na panghalip panao ang mga sumusunod upang mabuo ang diwa ng
pangungusap. (5 puntos)

6. Si G. Padilla, kahit mahirap lang ay matapat. Patuloy ​(ikatlong panauhan, isahan)_​_________


gumagawa ng kabutihan kahit hindi nagagantimpalahan.
7. “Dahil sa magagandang halimbawa ng aking magulang ay natuto ako”, ​(ikatlong panauhan,
maramihan)​________ ang inspirasyon ko sa buhay”, sabi ni Donna.
8. Ang buong pamilya​(unang panauhan, maramihan)​ ___________ ay nagpapasalamat sa pagkilalang
ibinigay ninyo sa aking tatay.
9. ​(unang panauhan, isahan)​ ________ ay magpapatuloy sa paggawa nang mabuti para sa ibang tao.
10. Ang lahat ng mag-aaral ay nagpalakpakan. Labis ang ​(ikatlong panauhan, maramihan​) ________
paghanga sa pamilyang mahirap subalit naging magandang halimbawa sa iba.

III. Sumulat ng makabuluhang pangungusap batay sa hinihingi sa ibaba. (5 puntos)

11.​ Ipakilala ang magagandang tanawin sa bansa, gumawa ng pangungusap gamit ang panghalip pamatlig.

_______________________________________________________________________________________
________________

_______________________________________________________________________________________
_______________
12. ​Paano mo gagamitin ang IRED sa pang-araw-araw na buhay. Gumawa ng pangungusap gamit ang
panghalip panao

_______________________________________________________________________________________
________________

_______________________________________________________________________________________
________________
13.​ Paano mo pangangalagaan ang kalikasan. Gumawa ng pangungusap gamit ang panghalip panao.
_______________________________________________________________________________________
________________

_______________________________________________________________________________________
_______________
​14.​ Bakit mahalagang pag-aralan ang panghalip panao, pamatlig at pananong?

_______________________________________________________________________________________
________________

_______________________________________________________________________________________
________________

15. Ipaliwanag ang katanungan. Bakit dapat nagsisimula sa malaking titik ang panghalip sa tuwing
ipinanghahalili ito sa pangalan ng Panginoong Diyos.

_______________________________________________________________________________________
________________

_______________________________________________________________________________________
________________

You might also like