Marami na rin akong nasabihan ng matatamis na salita
Pero sa tingin ko ngayon ko lang ito magagawa Ipagpaumanhin kung ako’y hindi makata.
Hindi man alam ng karamihan
Ngunit nais ko ngayong ipangalandakan Sabihin niyo man na hindi totoo Pero bilib talaga ako sa mama ko.
Bilib ako sa mama ko
Hindi nagdalawang isip na kami ay ipagbuntis Siyam na mahabang buwan ay kanyang tiniis Di alintana kung siya ay tumaba ng labis Iniluwal niya pa kami ng normal at hindi CS.
Bilib ako sa mama ko
Kasi kahit lumaki kaming makukulit Hindi niya kami pinagpalit Mula pa noong kami’y maliliit Pag-aaruga ay hindi nawaglit.
Bilib ako sa mama ko
Kasi kahit inaasar siya ni papa Na ang ilong niya ay parang luya Lahat kaming mga anak niya Ay lumaking gwapo at magaganda. Haha
Bilib ako sa mama ko
Kasi kahit chickboy si papa Hindi siya gumanti at humanap ng iba Nagtiis siya alang-alang sa pamilya Lumuha man siya sa tuwina.
Bilib ako sa mama ko
Kasi kahit hindi sila nagtapos ni papa Sa kolehiyo at magarang eskuwela Pinilit kaming makapagtapos At buhay naming ay mairaos.
Bilib ako sa mama ko
Kasi kahit wala siyang buwanang kita Punong-puno ang kanyang bulsa Di ko alam san siya kumukuha ng pera Pero hanep ang diskarte niya. Bilib ako sa mama ko Kasi hindi siya katulad ng ibang magulang Na sa pag-ibig ng anak ay humahadlang Bagkus siya pa ay nangunguna Na kami ay magkajowa na.
Bilib ako sa mama ko
Kasi kahit marami siyang nararamdaman Buo ang kanyang kalooban Na hindi siya pababayaan At kagalingan ay makakamtan.
Bilib ako sa mama ko
Kasi kahit wala ng lunas ang kanyang diabetes Hanep pa rin uminom at kumain ng matatamis Siya talaga ay isang huwarang ina Nagmana talaga kami sa kanya. Haha
Bilib ako sa mama ko
Kasi magaling siyang magplano At mageffort ng todo-todo Naghanda siya ng ilang linggo Kaya tayo ngayon ay nandito.
Bilib ako sa mama ko
Kasi kahit lagi kaming nag-aaway Sa mga maliliit na bagay Hindi parin siya nagsasawa na ako ay intindihin Pag may problema ako ay pangitiin.
Sa aming mama, na ubod ng ganda
Sana ikaw ay maging masaya Kalimutan ang mga problema Sumigaw ng Happy na, Birthday pa
Nakalimutan ko sabihin kanina
Na ang bawat stanza ng tula ay may katumbas na halaga Kaya mama, sa aking pagkukuwenta Pahingi ako ng singkwenta