Fil8 Quarter 2 Module 1 PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 32

8

Filipino 8
Ikalawang Markahan – Modyul 1
Tulang Tradisyunal at Tulang Modernista
Learning Area- Filipino - Grade 8
Alternative Delivery Mode
Quarter 2 – Modyul 1: Tula
Aralin 1: Tulang Tradisyunal at Tulang Modernista Republic Act
8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in anywork of
the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be
necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office
may, among other things, impose as a condition the payment of
royalty.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from
their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim
ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Gingoog City

Division Superintendent: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI

Development Team of the Module

Author/s: Ana Rose Arao-Oblig

Reviewers: Girlie T. Sumastre

Jesusa V. Sulayao

Illustrator and Layout Artist: Loreto B. Demetillo

Management Team
Chairperson: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Conniebel C. Nistal, PhD.

Assistance Schools Division Superintendent

Pablito B. altubar
CID Cheif

Members: Arlene A. Micu, EPS – I Filipino

Genara M. Tingabngab - PSDS- North 2
Himaya B. Sinatao, LRMDS Manager
Jay Michael A. Calipusan, PDO II
Marcy M. Caharian, Librarian II

Printed in the Philippines by

Department of Education – Division of Gingoog City
Office Address: Brgy. 23,NationalHighway,Gingoog City
Telefax: 088 328 0108/ 088328 0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph
8
Filipino
Ikalawang Markahan
Modyul 1

Tulang Tradisyunal At
Tulang Modernista

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

This page is intentionally blank
Talaan ng Nilalaman
Para saan ang modyul na ito……………………………………………………………i
Alamin……………………………………………………………………………………. ii
Paano matuto gamit ang modyul na ito……………………………………………….ii
Aykons sa modyul…………………………………………………………………….…iii
Paunang Pagtataya …………………………………………………………………….iv
Unang Linggo
Aralin 1……………...………………………………………………………………..Pahina
Alamin............................................................................................1
Layunin …………………………………………………….......2
Subukin..........................................................................................3
Gawain 1………………………………………………………..3-4
Tuklasin…………………………………………………………………4
Gawain 2.1……………………………………………………..4-5
Gawain 2.2………………………………………………..…....5-6
Suriin……………………………………………………………..….….7-9
Gawain 3 …………………………………………………….…10-11
Pagyamanin...................................................................................11
Gawain 4……………………………………………………......11-12
Isaisip.............................................................................................13
Gawain 5…………………………………………………….…14
Isagawa.........................................................................................15
Gawain 6…………………………………………………….…15
Tayahin..........................................................................................15-16
Gawain 7……………………………………………………......15-16
Karagdagang Gawain....................................................................16
Gawain 8………………………………………………………...16
Pagtatasa………………………………………………………………...17-18
Susi sa Pagwawasto………………………………………………………………....19-22
Sanggunian…………………………………………………………………………….…23
Para saan ang modyul na ito

Umunlad ang ating mga buhay kasabay sa pag-usbong ng ating bansa. Ngunit tila
unti-unti tayong nakalimot sa tatak at kasarinlan ng ating pagka-Pilipino.
Upang matugunan at mapanumbalik ang ating sariling kakulangan, ating balikang
muli ang pagyakap at pakikipagsabayan sa agos ng ating panitikan. Ang ating panitikan
kahit pilit na pinagpapalit-anyo at binihisan mula sa luma hanggang sa makabago ngayon sa
kasalukuyan upang maipabatid sa lahat. Ang Panitikang Pilipino ay namumukod-tangi sa
lahat bagamat ito ay sandigan natin sa ating pagkakakilanlan.
Alinsunod sa New Normal Classroom bunsod ng Covid-19, ang pagbuo ng mga
makabagong kagamitang pampagkatuto ng mga mag-aaral upang mapalawak at malakbay
nilang muli ang ating sariling panitikan gamit ang modyul na ito sa Asignaturang Filipino ay
mahigpit na binibigyang-diin ng ating mga awtoridad.
Pinag-igihang buuin ang modyul na ito nang maiangkop ang pagtuturo at pagkatuto
ng mga mag-aaral sa hamon ng pandemyang kinakaharap. Mahigpit na pinaniniwalaan ng
Kagawaran ng Edukasyon na ang dekalidad na edukasyon ay kayang kamtin ng mga mag-
aaral ngayon at sa mga susunod pang mga henerasyon.

i
Alamin

Sa modyul na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na matatamo ang

sumusunod na kasanayang pampagkatuto:

 Naihahambing ang sariling saloobin at damdamin sa saloobin at damdamin

ng nagsasalita F8PN-IIa-b-24
 Napipili ang mga pangunahin at pantulong na kaisipang nakasaad sa binasa
F8PB-IIa-b-24
 Nasusuri ang paraan ng pagbigkas ng tula ng mga kabataan sa kasalukuyan
batay sa napanood (F8PD-IIa-b-23)

Paano matuto gamit ang modyul na ito

Para matamo ang mga layunin sa itaas, kailangan lang ay sundin ang sumusunod:
1. Maglaan ng karampatang panahon para sa pagbabasa at pag-
unawa sa paksa ng modyul na ito.
2. Unawain at sunding mabuti ang mga panutong ibibigay sa bawat Gawain.
3. Sagutin at gawin ang lahat na mga gawain at pagsusulit na inihanda.

ii
Aykons sa Modyul

Ang parteng ito ay

naglalaman ng mga
Alamin kasanayang pampagkatuto
kailangang matamo ng mag-
aaral.
Dito masusukat ang mga
natutunan mo na sa paksang
Subukin tatalakayin.

Sa parteng ito,
mababasa/malalaman ang
Balikan ikokonektang talakayan sa
paksang natalakay.
Paunang gawain o
paglalahad ng paksa.
Tuklasin

Pagpapalalim ng kaalamang
natutunan sa paksang
Suriin tinalakay.

Karagdagang kaalaman at
mga kasanayan/ gawain na
Pagyamanin magbibigay katuturan para sa
dagdag impormasyon
.
Gawaing ginawa para
maproseso ang mga
Isaisip natutunan sa paksa.

Mga gawaing mag-uugnay sa

Isagawa tunay na buhay ng mga mag-
aaral. (Performance task)
Maikling pasulit dito
nasusukat ang pag-unawa ng
Tiyahin mag-aaral sa paksang
tinalakay.
Karagdagang Gawain sa
pagpapalawak ng aralin.
Karagdagang Gawain

iii
TULA
Modyul-1
Aralin: 1 Tulang Tradisyunal
(Ikalawang
Markahan) at Tulang Modernista
(Unang Linggo)

Alamin

Para sa Mag-aaral
Tungkol saan ang modyul na ito?
Gusto mo bang malaman ang mga akdang pampanitikang lumaganap sa
Panahon ng Amerikano, Komonwelt at sa Kasalukuyan?
Sa araling ito 80% antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral ay inaasahan:

 Naihahambing ang sariling saloobin at damdamin sa nagsasalita

F8PN-IIa-b-24
 Napipili ang mga pangunahin at pantulong na kaisipang nakasaad
sa binasa F8PB-IIa-b-24
 Nasusuri ang paraan ng pagbigkas ng tula ng mga kabataan sa
kasalukuyan batay sa napanood (F8PD-IIa-b-23)
 Nabibigkas nang wasto at may damdamin ang tula. (F8PS-IIa-b-
24)
 Naisusulat ang dalawa o higit pang saknong ng tulang may
paksang katulad sa paksang tinalakay. (F8PU-IIa-b-24)
 Nagagamit ang mga angkop na salita sa pagbuo ng orihinal na
tula. (F8WG-IIa-b-24)

1
Pangkalahatang Panuto

Ngayong hawak mo na ang Modyul na ito, gawin ang mga sumusunod:

1. Basahin at sundin ang panuto sa bawat paksa.

2. Itala ang mga kaukulang punto na nagangailangan ng masusing kasagutan.
3. Gawin ang mga Gawain sa Modyul nang may pag-unawa.
4. Sagutin ang lahat ng mga katanungan sa bawat Gawain.

Para sa Guro

1. Ilahad at ipaunawa sa mag-aaral ang bawat paksa sa Modyul.

Ipagawa sa mga mag-aaral ang mga Gawain nang may tiwala sa
sarili.

2. Bigyan ng tuntunin ang mga mag-aaral na sagutin ang mga gawain

sa Alamin upang suriin ang kanilang kaalaman sa paksang
tatalakayin.

3. Ipagawa ang gawaing Tuklasin para sa masusing pag-unawa ng

mga mag-aaral sa kahalagahan ng pag-aaral sa paksa.

4. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Suriin. Hayaan silang tuklasin ng

may pag-unawa ang mga paksang tatalakayin sa modyul.

5. Ipasagot ang Pagyamanin. Suriing mabuti kung lubos na

nauunawaan ng mga mag-aaral ang paksang tinalakay.Palalimin
ang kanilang pag-unawa sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga katanungang nasa Isaisip.

6. Ipagawa ang gawaing Isagawa bilang bahagi ng pagsasakatuparan

at aplikasyon sa pangkalahatang pagkatuto mula sa mga paksang
natutunan sa modyul na magagamit sa pang-araw-araw na Gawain.

7. Gawin ang karagdagang Gawain na inilaang ng guro upang

mapalawak ang kaalaman.

2
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan, bilugan ang tamang sagot.

1. Anong tawag sa bilang ng pantig sa bawat taludtod?

A. Sukat
B. Saknong
C. Tugma
D. Taludtod

2. Kinikilalang “Ama ng Makabagong Panulaang Filipino”?

A. Alejandro G. Abadilla
B. Jose Corazon de Jesus
C. Jose P. Rizal
D. Genoveva Edroza Matute

3. Isang sikat na awitin/tula na ginamit sa mga kilos protesta Noong 1986.

A. Lupang tinubuan
B. Lupang hinirang
C. Bayan ko
D. Bayani

4. Mayroon bang mga tula na walang tugma?

A. Opo
B. Wala po
C. Siguro po
D. Hindi ko po alam

5. Ito ay tulang walang sukat at walang tugma?

A. Malayang taludturan
B. Tradisyunal
C. Berso blangko
D. Wala sa nabanggit

6. Ito ay binubuo ng apat o higit pa ng mga taludtod?

A. Sukat
B. Tugma
C. Saknong
D. Talinghaga

3
7. Ito ay isang tulang may sukat bagamat walang tugma?
A. Malayang taludturan
B. Tradisyunal
C. Berso blangko
D. Wala sa nabanggit

8. Ano ang tawag sa linya ng isang tula?

A. Sukat
B. Saknong
C. Tugma
D. Taludtod

9. Ito ay isang anyo ng tula na may sukat,tugma at mga malalim na kahulugan?

A. Malayang taludturan
B. Tradisyunal
C. Berso blangko
D. Wala sa nabanggit

10. Ano ang tawag sa huling tunog sa linya ng isang tula?

A. Tugma
B. Talinghaga
C. Sukat
D. Taludtod

Tuklasin

Gawain 2.1
Panuto: Basahin at unawain ang tula, isa sa pianakakilalang tulang Pilipino. Ito’y sumikat ng
awitin ni Freddie Aguilar at gamitin sa mga kilos protesta. Isa ito sa mga kinanta sa
Edsa 1986 at patuloy paring bumubuhay sa ating diwang makabayan.

BAYAN KO

Ang bayan kong Pilipinas

Lupain ng ginto’t bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda’t dilag.

4
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.

Ibon mang may layang lumipad

kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!

Pilipinas kong minumutya

Pugad ng luha ko’t dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya.

Enrijo, Willita A., et. Al. Panitikang Pilipino.Meralco Avenue, Pasig City, Philippine.
Book Media Press, Inc.

1. Tungkol saan ang tula/awitin?

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

2. Batay sa tula o awit, ano ang kalagayan ng ating bansa?

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

3. Magbigay ng isang talinghaga tungkol sa ating bansa na mababasa mula sa

tula/awit.
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
4. Ano ang kalagayan ng ating bansa na inilarawan sa tula o awit?

5
5. Ang nangyayari sa tula ay nangyayari pa rin ba hanggang ngayon tungkol sa ating
bansa? Patunayan ang iyong sagot.
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Gawain 2.2

Panuto: Inaasahan na naunawaan mo ang tulang pinamagatang Bayan ko ni Jose

Corazon de Jesus. Ngayon sagutin ang sumusunod na mga katanungan.

1. Tukuyin ang tugma at sukat ng tula?

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

2. Sino ang nagsasalita sa tula at sino-sino ang kausap?

3. Ano ang larawang binubuo sa saknong 3 at 4 ng tula? Anong mga salita ang
bumubuo sa larawang ito?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

4. Ano ang sinasabi ng talinghangang ito tungkol sa kalagayan ng Pilipinas?

5. Ano ang pinakanagustuhan mong salita o linya? Bakit?

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

6
Magaling! Nalampasan mo ang unang pagsubok. Binabati kita!

Puntahan na natin ang susunod na aralin! Tiyak na marami kang matututunan

at magiging bihasa ka sa larangan ng pagsulat. Tara na!

Suriin

Ano nga ba ang tula at mga anyo nito?

Ang tula ay isang uri ng panitikan na pinagyayaman sa pamamagitan ng paggamit ng

tayutay, at malayang paggamit ng mga salita sa iba’t ibang estilo, Kung minsan ito ay maikli
kung minsan ito ay mahaba.Ito ay binubuo ng mga saknong at mga taludtod na karaniwang
wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin at lalabing-waluhing pantig.
https://brainly.ph/question/447250#readmore

Mga Anyo ng Tula

1. Tradisyunal - Ito ay isang anyo ng tula na may sukat,tugma at mga salitangmay

malalim na kahulugan.

2. Berso Blangko - tulang may sukat bagamat walang tugma.

3. Malayang taludturan - tulang walang sukat at walang tugma. Ang anyo ng tulang ito ay
siyang nanaluktok na anyong tula sa panahon ng paghingi ng
pagbabago ng mga kabataan.

TULANG MAY MALAYANG TALUDTURAN

Ang tulang may malayang taludturan ay isang makabagong anyo ng tula na walang
sinusunod na sukat at tugma. Sa ganitong anyo, maaaring mag-iba-iba ang bilang ng pantig
sa bawat taludtod at ang huling tunog ng bawat isa. Ngunit hindi ito nangangahulugan na
mas madaling gawin ang isang tulang may malayang taludturan kaysa sa isang tradisyunal
dahil kailangan pa ring panatilihin ang mga batayang katangian ng isang akdang taludturan,
gaya ng sumusunod:

1. TALINHAGA – Ayon kay Roberto Añonuevo, ito ang “nagtataglay ng diwa o buod na
nilalaman ng tula; ang disenyong nagtatakda ng paraan ng pagpapahayag, paglalarawan, o
pagsasalaysay ng tula”. Sa madaling sabi, ang talinhaga ang nagtataglay ng “misteryo” ng
tula na kapag natuklasan ng mambabasa ay magpapaunawa din sa kaniya ng mensahe

7
nito. Ayon naman kay Lope K. Santos, ang talinhaga ng tula ay mauri sa dalawa: mababaw
o iyong madaling makuha sa pagbasa ng mga salita at malalim iyong humihingi ng mas
seryosong pagsusuri bago makuha ang ipinahahayag.
2. HARAYA – ito ang paggamit ng angkop, malinaw at masining na pananalitang lumilikha
ng mga imahen o larawang-diwa sa isip ng mga mambabasa at nagpapadanas sa kanila ng
pagiging totoo ng tula. Kasama rito ang paggamit ng mga tayutay at matatalinhagang
pananalita na lalong nakapagpapataas sa katangiang estetiko ng tula.
Kinikilalang “Ama ng Makabagong Panulaang Filipino” si Alejandro G. Abadilla dahil sa
paglaban niya sa nakagisnang anyo ng panulaan na lubha umanong romantisado at
nakatuon sa paggamit ng sukat at tugma. Ang kaniyang tulang “Ako ang Daigdig” ay ang
nangungunang halimbawa ng tulang may malayang taludturan. May malalim na talinhaga
ang tula dahil kailangan itong suriin nang mabuti upang maunawaan ang paglaya na
tinatalakay ng may-akda. May mabisa rin itong haraya dahil kahit may tendensiyang
magpaulit-ulit ang nilalaman ng mga taludtod nito, napapanatili ng bawat isa ang pagiging
natatangi kaya natatangi din o magkakaiba ang bawat imaheng nabubuo sa isip.
http://arkongbatopanitikantula.blogspot.com/2017/02/ang-anyo-ng-tula.html

Halimbawa ng tulang tradisyunal:

MANGGAGAWA
Ni: Jose Corazon de Jesus

Bawat palo ng martilyo sa bakal mong pinapanday

alipatong nagtilamsik, alitaptap sa karimlan;
mga apoy ng pawis mong sa Bakal ay kumikinang
tandang ikaw ang may gawa nitong buong Santinakpan.
Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral
nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw,
nang lutuin mo ang pilak ang salapi ay lumitaw,
si Puhunan ay gawa mo, kaya ngayon’y nagyayabang.
Kung may ilaw na kumisap ay ilaw ng iyong tadyang,
kung may gusaling naangat, tandang ikaw ang pumasan
mula sa duyan ng bata ay kamao mo ang gumalaw
hanggang hukay ay gawa mo ang krus na nakalagay.

Kaya ikaw ay marapat dakilain at itanghal

pagkat ikaw ang yumari nitong buong Kabihasnan…..
Bawat patak ng pawis mo’y yumayari ka ng dangal,
dinadala mo ang lahi sa luklukan ng tagumpay.

Mabuhay ka nang buhay na walang wakas, walang hanggan,

at hihinto ang pag-ikot nitong mundo pag namatay.

https://www.tagaloglang.com/tula-manggagawa/

8
Halimbawa ng tulang Modernista:

Ako ang Daigdig ni Alejandro Abadilla

I ako ako
ang daigdig ang buhay
na walang hanggan
ako
ang tula
ako
ako ang damdamin
ang daigdig ang larawan
ng tula ang buhay
ang tula
ng daigdig damdamin
larawan
ako buhay
ang walang maliw na ako
ang walang kamatayang ako
ang tula ng daigdig tula
ako
ako
ang daigdig ng tula IV
ako ako
ang tula ng daigdig ang daigdig
sa tula
ako ang malayang ako
matapat sa sarili ako
sa aking daigdig ang tula
ng tula sa daigdig

ako ako
ang tula ang daigdig
sa daidig
ako
ako ang tula
ang daigdig
ng tula daigdig
ako tula
ako.

III
ako
ang damdaming
malaya

ako
ang larawang
buhay

9
Gawain 3

1. Ano ang pagkakaiba sa pagtrato nila sa parehong paksa?

PAGKAKAIBA PAGKAKATULAD PAGKAKAIBA

2. Sino ang nagsasalita at ang kausap sa bawat tula?

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

3. Ano ang pagkakaiba sa porma, sukat at tugma?

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
Ano naman ang pagkakapareho nito?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

10
4. Ano ang pagkakaiba sa pahayag ng dalawang tula?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

5. Ano naman ang ‘di kanais-nais na isinasaad sa pangalawang tula?

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

6. Kung ikaw ang papipiliin, alin sa dalawang tula ang nais mong gayahin.
Bakit?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

Pagyamanin

Gawain 4

Pasulit: Upang lubos mong maunawaan ang araling tinalakay, tukuyin kung ano ang nais
ipahiwatig sa
bawat pahayag na nasa ibaba.

1. Isang makabagong anyo ng tula na walang sinusunod na sukat at tugma.

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

1. Kinikilalang “Ama ng Makabagong Panulaang Filipino”.

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
2. Ito ay “nagtataglay ng diwa o buod na nilalaman ng tula; ang disenyong nagtatakda
ng paraan ng pagpapahayag, paglalarawan, o pagsasalaysay ng tula”.
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

11
3. Ito ay ang paggamit ng angkop, malinaw at masining na pananalitang lumilikha ng
mga imahe o larawang-diwa sa isip ng mga mambabasa at nagpaparanas sa kanila
ng pagiging totoo sa tula.
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

4. Sino ang nagsasabing ang talinghaga ng tula ay nauuri sa dalawa: mababaw o

madaling maintindihan at malalim na nagtataglay ng di-lantad na kahulugan.
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

5. Ano ang pamagat ng tula ni Alejandro G. Abadilla na ngungunang tula bilang

halimbawa ng tulang may malayang taludturan?
_______________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

6-7. Bakit maituturing ang tulang “Ako ang Daigdig” na may malalim na talinghaga?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

8-10. Batay sa tulang Ako ang Daigdig, bakit ito maituturing na tulang may mabisang
haraya?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

12
Isaisip

Gawain 5

Panuto: Basahin ang tulang pinamagatang “Pag-ibig” ni Jose Corazon de Jesus.

Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na mga katanungan.

PAG-IBIG
JOSE CORAZON DE JESUS

Isang aklat na maputi, ang isinusulat: luha!

Kaya’t wala kang mabasa kahit isa mang talata.
Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata,
tumanda ka’t nagkauban, hindi mo pa maunawa.

Ang pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa puso;

pag pinuso nasa isip, kaya’t hindi mo makuro.
Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo. . . naglalaho,
layuan mo at kay lungkot, nananaghoy ang pagsuyo.

Ang pag-ibig na dakila’y aayaw ng matagalan,

parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman.
Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang sa halikan,
at ang ilog kung bumaha, tandaan mo’t minsan lamang.

Ang pag-ibig kapag duwag ay payapa’t walang agos,

walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos.
Ang pag-ibig na matapang ay puso ang inaanod
pati dangal, yama’t dunong nalulunod sa pag-irog.

Ang pag-ibig na buko pa’y nakikinig pa sa aral,

tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw,
ngunit kapag nag-alab na’t pati mundo’y nalimutan
iyan, ganyan ang pag-ibig, damdamin at puso lamang!

Kapag ikaw’y umuurong sa sakuna’t sa panganib

ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip.
Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig,
pag umibig, pati hukay ay aariin mong langit.

Kailangan sa pag-ibig ay hirap at mga luha

at ang duwag ay malayong sa pag-ibig dumakila.

13
Ang pag-ibig ay may mata, ang pag-ibig ay di bulag,
ang marunong na umibig, bawat sugat ay bulaklak.
Ang pag-ibig ay masakim at aayaw sa kakabyak,
o wala na kahit ano, o ibigay mo nang lahat!

“Ako’y hindi makasulat at ang nanay, nakabantay.”

Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minamahal.
Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay
minamahal ka na niya nang higit pa kaysa buhay.

Kayo mga kabataang pag-ibig ang ninanais,

kayo’y mga paruparong sa ilawan lumiligid.
Kapag kayo’y umibig na, hahamakin ang panganib,
at ang mga pakpak ninyo’y masusunog sa pag-ibig!

https://www.tagaloglang.com/tula-pag-ibig-love/

1. Tukuyin ang mga pahayag sa tula na nagpapatunay ng pagmamahal sa bayan ng

mga Pilipino.
Ipaliwanag.
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

2. Alin sa mga pahayag sa itaas tungkol sa pag-ibig sa bayan ang mas naibigan mo.
Bakit?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

3. Anong salawikain ang maiangkop sa tula? Patunayan.

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

14
Isagawa

Gawain 6

Panuto: Bumuo o sumulat ng isang tulang Tradisyunal o Modernista . Gawing gabay ang
mga krayterya sa
ibaba.

Krayterya:

Nilalaman at pammaraan – 50%

Istilo – 25%
Pananalita – 15%
Orihinalidad – 10%
100%
.

Tayahin

Gawain 7

Panuto: Isulat sa loob ng bilog ang katangian ng tulang tradisyunal at tulang modernista.

Tulang Tradisyunal

15
Tulang Modernista

Karagdagang Gawain

Gawain 8
Panuto: Magsaliksik ng impormasyon tungkol sa Balagtasan.
Narito ang gabay na mga tanong:
1. Ano ang balagtasan?
2. Paano ito binubuo?
3. Saan ito kadalasang itinatanghal?
4. Kadalasan, ilang miyembro binubuo ang balagtasan?
5. Paano ito binibigkas?

16
PAGTATASA

Panuto: Basahin ang mga katanungan at bilugan ang titik nang wastong sagot.

1. Isang sikat na awitin/tula na ginamit sa mga kilos protesta Noong 1986.

A. Lupang tinubuan
B. Lupang hinirang
C. Bayan ko
D. Bayani

2. Anong tawag sa bilang ng pantig sa bawat taludtod?

A. Sukat
B. Saknong
C. Tugma
D. Taludtod

3. Ano ang tawag sa linya ng isang tula?

A. Sukat
B. Saknong
C. Tugma
D. Taludtod

4. Ano ang tawag sa huling tunog sa linya ng isang tula?

A. Tugma
B. Talinghaga
C. Sukat
D. Taludtod

5. Ito ay binubuo ng apat o higit pang mga taludtod?

A. Sukat
B. Tugma
C. Saknong
D. Talinghaga

6. Mayroon bang mga tula na walang tugma?

A. Opo
B. Wala po
C. Siguro po
D. Hindi ko po alam

17
7. Ito ay isang anyo ng tula na may sukat, tugma at kariktan?
A. Malayang taludturan
B. Tradisyunal
C. Berso blangko
D. Wala sa nabanggit

8. Ito ay isang tulang may sukat bagamat walang tugma?

A. Malayang taludturan
B. Tradisyunal
C. Berso blangko
D. Wala sa nabanggit

9. Ito ay tulang walang sukat at walang tugma?

A. Malayang taludturan
B. Tradisyunal
C. Berso blangko
D. Wala sa nabanggit

10. Kinikilalang “Ama ng Makabagong Panulaang Filipino”?

A. Alejandro G. Abadilla
B. Jose Corazon de Jesus
C. Jose P. Rizal
D. Genoveva Edroza Matute

Malugod kitang binabati sa iyong pagtatapos sa aralin! Maluwalhati mong natapos

ang mga gawaing nakatulong sa iyo upang maipamalas mo ang likas na galing mo sa
pagsulat ng talumpati. Maaari ka nang magpatuloy kung lubos mo nang nauunawaan ang
paksa. Kung may kalituhan sa paksa, maaaring balikan ang modyul o di kayay
magtanong sa guro. Tandaan na ang nagtatanong ay nagpapahayag ng pagnanais na
matuto. Kung malinaw na sa iyo lahat ay maaari ka nang magpatuloy sa susunod na
aralin - ang pagsulat ng katitikang pulong.

18
This page is intentionally blank

19
20
Susi ng pagwawasto
Gawain 1
1. A
2. A
3. C
4. A
5. A
6. C
7. C
8. D
9. B
10. A
GAWAIN 2.1
1. Tungkol saan ang tula/awitin?
Sagot: Tungkol sa kalagayan ng ating bayan.
2. Basi sa tula o awit, ano ang kalagayan ng ating bansa?
Sagot: Ang kalagayan ng ating bansa batay sa awit/tula ay napasakamay tayo ng mga dayuhang
mananakop.
3. Magbigay ng isang talinghaga tungkol sa ating bansa na mababasa mula sa tula/awit.
Sagot: Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto’t bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda’t dilag.
4. Ano ang kalagayan ng ating bansa na inilarawan sa tula o awit?
Sagot: Ang talinghaga tungkol sa kalagayan ng ating bayan
“At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.’
5. Ang nangyayari sa tula ay nangyayari pa rin ba hanggang ngayon tungkol sa ating bansa?
Patunayan ang iyong sagot (Nakadependi na sa guro ang kasagutan)
21
Gawain 2.2
1. Tukuyin ang tugma at sukat ng tula?
Sagot: Ang awit/tula ay may Tugmaang Katinig – at sukat na 8-9-9-8.
2. Sino ang nagsasalita sa tula at sino-sino ang kausap?
Sagot: Ang nagsasalita ay ang makata at ang kinakausap ay ang mga mambabasa.
3. Ano ang larawang binubuo sa saknong 3 at 4 ng tula? Anong mga salita ang bumubuo sa
larawang ito? (Nakadependi na sa guro ang kasagutan)
“Ibon mang may layang lumipad
kulungin mo at umiiyak”
“Aking adhika,
Makita kang sakdal laya.”
4. Ano ang sinasabi ng talinghangang ito tungkol sa kalagayan ng Pilipinas?
(Nakadependi na sa guro ang kasagutan)
5. Ano ang pinakanagustuhan mong salita o linya? Bakit? (Nakadependi na sa guro ang kasagutan)
Gawain 3
1. Ano ang pagkakaiba sa pagtrato nila sa parehong paksa?
(Nakadependi na sa guro ang kasagutan)
2. Sino ang nagsasalita at kausap sa bawat tula?
Ang nagsasalita sa tulang tradisyonal ay ang makata at ang kinakausap ay ang mga
manggagawa.
Ang nagsasalita sa tulang modernista ay ang makata at ang kinakausap ay ang kanyang sarili.
3. Ano ang pagkakaiba sa porma, sukat at tugma?
Ano naman ang pagkakapareho? (Nakadependi na sa guro ang kasagutan)
4. Ano ang pagkakaiba sa mismong sinasabi? (Nakadependi na sa guro ang kasagutan)
5. Ano naman ang bawal na ginawa/sinabi ng pangalawang tula? Ang sinasabi sa pangalawang tula
na “Ako ang daigdig” ay ang tula mismo ay ang kanyang daigdig.
6. Aling tula ang ipinagmamalaki mo kung ikaw ang nagsulat? Bakit? (Nakadependi na sa guro ang
kasagutan)
7. Kung ikaw ang papipiliin, alin sa dalawang tula ang nais mong gayahin.
Bakit?
10. A
9. A
Sa kay Paruparo’y ibigay nang lahat; 8. C
Ibig ko pang ako’y magtiis ng hirap 7. B
Kaya ang talulot niya ang malagas. 6. A
5. C
Paruparo: Kung hahatiin po’y ayoko rin naman
Pagka’t pati ako’y kusang mamamatay;
4. A
Kabyak na kampupot, aanhin ko iyan 3. D
O buo wala nguni’t akin lamang. 2. A
1. C
Lakandiwa: Maging si Solomong kilabot sa dunong Pagtatasa
Dito’y masisira sa gawang paghatol;
Kapwa nagnanasa, kapwa naghahabol,
Nguni’t kung hatii’y kapwa tumututol.
(Nakadependi na sa guro ang kasagutan)
Gawain 7
Ipahintulot pong sa mutyang narito
Na siyang kampupot sabihin kung sino
Kung sino ang kanyang binigyan ng oo,
(Nakadependi na sa guro ang kasagutan)
O kung si Bubuyog, o kung si Paruparo. Gawain 6

Kampupot:
kasagutan) Ang kasintahan ko’y ang luha ng langit,
Ang Araw, ang Buwan sa gabing tahimik,
3. Ano ang paborito mong salita/linya/larawan/bahagi? Bakit? (Nakadependi na sa guro ang
At si Bubuyog po’t paruparong bukid,
ang kasagutan) Ay kapwa hindi ko sila iniibig.
2. Mahalaga pa ba ang mensaheng ito sa kasalukuyan? Bakit o Bakit hindi? (Nakadependi na sa guro
Paruparo: Matanong nga kita, sinta kong bulaklak,
Limot mo na baga ang aking pagliyag?
Limot mo na bagang sa buong magdamag
bayan? (Nakadependi na sa guro ang kasagutan)
Pinapayungan ka ng dalawang pakpak?
1. Sa isang pangungusap, ano ang mensahe ng tula sa mga Pilipino tungkol sa pag-ibig nila sa

Kampupot: Tila nga, tila nga sa aki’y mayroong Gawain 5

Sa hamog ng gabi ay may nagkakanlong,
Ngunit akala ko’y dahon lang ng kahoy
At di inakala na sinuman yaon.
isa ang pagiging natatangi kaya natatangi din o magkakaiba ang bawat imaheng nabubuo sa isip.
9-10. Dahil kahit may tendensiyang magpaulit-ulit ang nilalaman ng mga taludtod nito, napapanatili ng bawat
Bubuyog: At ako ba, Mutya, hindi mo na batid
Ang mga bulong ko’t daing ng pag-ibig,
Ang akin bang samo at mga paghibik
7-8 Dahil kailangan itong suriin nang mabuti upang maunawaan ang paglaya na tinatalakay ng may-akda.
Na bulong sa iyo’y ‘di mo ba narinig?
6. Ako ang Daigdig

Kampupot: Tila nga, tila nga ako’y may napansing 5. Lope K. Santos
Daing at panaghoy na kung saan galing,
Ngunit akala ko’y paspas lang ng hangin 4. Haraya
At di inakala na sinuma’t alin.
3. Talinhaga
Bubuyog: Sa minsang ligaya’y tali ang kasunod,
Makapitong lumbay o hanggang matapos. 2. Alejandro G. Abadilla
Paruparo: Dito napatunayan yaong kawikaan
Na ang paglililo’y nasa kagandahan. 1. Tulang may malayang taludturan

Bubuyog at Paruparo: Ang isang sanglang naiwan sa akin Kasagutan:

Ay di mananakaw magpahanggang libing.
Gawain 4
Lakandiwa: Ang hatol ko’y ito sa dalawang hibang

22
Mga Sanggunian
AKLAT
Enrijo, Willita A., et. Al. Panitikang Pilipino.Meralco Avenue, Pasig City, Philippine.
Book Media Press, Inc

Internet

ghenbautista39,access June 21,2020, https://brainly.ph/question/447250#readmore

IntergalacticDesignStudio, access June 21, 2020,

http://arkongbatopanitikantula.blogspot.com/2017/02/ang-anyo-ng-tula.html
Online courses on Udemy, access June 25, 2020, https://www.tagaloglang.com/tula-
manggagawa/

Online courses on Udemy, access June 25, 2020, https://www.tagaloglang.com/tula-pag-ibig-

love/Panuto: Ipaliwanag ang ginagampanang papel ng mga tauhan sa Balagtasan.
Punan ng tamang sagot nang may kahusayan at kalinisan.

23
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education — Division of Gingoog City
Brgy. 23, National Highway, Gingoog City
Telefax: 088-328-0108 / 088328-0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph

You might also like