Fil 9 - q1 - wk2 - Nobela - v.1 - M. Esteban

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 27

NOBELA

Aralin 1.2
Panitikan ng Timog Silangang Asya
(Pilipinas)
Modyul ng mga mag-aaral sa Filipino Baitang 9,w2

MELINDA S. ESTEBAN
Debeloper

Department of Education • Republic of the Philippines

i
Republic of the Philippines
Department of Education
Schools Division of Benguet
Wangal, La Trinidad, Benguet

Inilathala ng:
Curriculum Implementation Division–
Learning Resource Management Section

KARAPATANG SIPI
2020

Isinasaad ng Presidential Decree Bilang 49 na:

“Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ng


Pamahalaan ng Pilipinas . Kaugnay nito kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda para magamit
sa pagkakakitaan ang nasabing akda.”

Ang materyal na ito ay inihanda para sa implementasyon ng K-12 sa


pakikipag-ugnayan ng Curriculum Implementation Division (CID)-Learning
Resource Management Section (LRMS). Maaari itong kopyahin para sa layuning
pagkatuto ngunit kinakailangan munang kilalanin ang pinagmulan at naghanda o
gumawa nito. Ang anomang gagawin dito tulad ng pagwawasto, pagbabago o
pagpapayaman ay pinapahintulutan ngunit kinakailangan ang pagkilala sa
karapatang sipi. Walang anumang materyal na mahahango dito para sa
komersiyo o pagkakakitaan o para sa pansariling kapakanan.

ii
PAUNANG SALITA
Ang modyul na ito ay inihanda bilang pakikiisa sa Curriculum
Implementation Divisio-Learning Resource Management Section, Schools
Division of Benguet bilang pagtugon sa pagsasakatuparan ng K to 12
Curriculum.
Kung gayon, ang modyul na ito ay pag-aari ng Kagawaran ng
Edukasyon- Sangay ng Benguet. Ito ay naglalayong linangin, payamanin at
paunlarin ang kaalaman ng mag-aaral sa Filipino 9.
Maaaring itong gawaing pambahay dahil malinaw at maayos na
inihanda. Bawat gawain ay may panuto kung paano ito gagawin gayon din
payak ang mga ginamit na salita upang mauunawaan ng lahat ng uri ng mag-
aaral.

Petsa ng Paghahanda Mayo 2020


Pinagmulan Benguet-Distrito ng Buguias
Asignatura Filipino
Baitang 9
Uri ng materyal modyul
Wika Filipino
Markahan Una,w2
Kasanayang 1. Nauuri ang mga tiyak na bahagi sa akda na nagpapakita ng
Pampagkatuto pinakamataas na katotohanan, kabutihan, at kagandahan batay
sa napakinggang bahagi ng nobela (F9PN-ic-d-40)
2. Nasususri ang tunggaliang tao vs, sarili sa binasang nobela.F9
PB-Ic-d-40.
3. Nabibigyan ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na
ginamit sa akda (F9-PT-Ic-40).
4. Nasusuri ang pinanood na teleseryeng Asyano batay sa
itinakdang pamantayan.F9PD-Ic-d-40 (F9-PU-Ic-42 ).
4. Naisusulat ang mga pangyayari na nagpapakita ng
tunggaliang tao vs. sarili (F9WG-Ic-d-42)
5. Nagagamit ang mga pahayag na ginagamit sa mga
pagbibigay-opinyon(sa tingin /akala/pahayag/ko iba
pa).

iii
PASASALAMAT
Ipinaaabot ng manunulat ang taos-pusong pasasalamat sa mga taong tumulong
sa pagbuo ng modyul na ito. Sa aking punong guro na nagbigay motibasyon upang
ipagpatuloy ko itong proyekto. Sa aking kapangkat na sina Gng. Corazon Villena ng
AMPM NHS, Gng. Lyra Banglo ng Adaoay NHS, Gng. Flora Lidua GBDAIS, Gng.
Marjorie Lantaen ng Mankayan NHS, at Gng. Josephine Tomilias ng La Trinidad National
High School.
Sa mga kagurong nagpapalakas loob sa akin sa panahon ng pagkadismaya at
panghihina na sina Gng. Minda Arisga Tuba NHS, G. Martes Calasan Kibungan NHS,
Bb. Melita Banglo ng TSHI, Gng. Junia Naisod ng Kamora NHS, Gng. Dominga Ramos
Mankayan, Gng. Divina T. Calubandi ,Ulong guro III ng Sinipsip National High School
Natubleng Anex, at gayundin sa aking pamilya sa pag-alalay at pang-unawa.
Sa EPS ng Filipino,G. Macarthy B. Malanes, sa pagsali sa akin sa paggawa ng
proyekto na ito, sa walang sawang pagsagot ng mga tanong at pagpapaliwanag . Higit
sa lahat sa Poong Maykapal na nagbigay ng karunungan, tiyaga at kalusugan.
Kinikilala din ang ng may-akda ang ang Division LRMDS Staff sa paglalaan nila
ng panahon at karunungan upang maiwasto hanggang sa lubusang magawa ang sipi na
ito.
DIVISION LRMDS STAFF

MELVIN L. ALFREDO ANTOINETTE D. SACYANG

Librarian II Project Development Officer II

SONIA D. DUPAGAN, EdD

Education Program Supervisor – Learning Resource

MGA KONSULTANT:

MACARTHY B. MALANES

Education Program Supervisor - Filipino

RIZALYN A. GUZNIAN, Ed. D.

Chief, Curriculum Implementation Division

NESTOR L. BOLAYO

Public Schools District Supervisor

OIC – Office of the Assistant Schools Division Superintendent

BENILDA M. DAYTACA, Ed. D., CESO VI

Assistant Schools Division Superintendent

OIC – Office of the Schools Division Superintendent

iv
TALAAN NG NILALAMAN

Pahina
Karapatang-sipi ii

Paunang Salita iii

Pagkilala iv

Talaan ng Nilalaman v

Pahinang Pamagat 1

Alamin 2

Subukin 3-4

Balikan 5

Tuklasin 6

Suriin 7-12

pagyamanin 13-14

Isaisip 15

Isagawa 16-17

Tayahin 18-19

Susi sa pagwawasto 20

Mga Sanggunian 21

Feedback box 22

v
NOBELA
Aralin 1.1
Panitikan ng Timog Silangang Asya
(Singapore)
Modyul ng mga mag-aaral sa Filipino Baitang 9

MELINDA S. ESTEBAN
Debeloper

Department of Education • Republic of the Philippines

1
Alamin

Napagtagumpayan mong isagawa ang mga gawain sa unang aralin. Talaga namang
pinagbuti mo kung kaya’t nasagot mo nang maayos. Ipagpatuloy natin ang iyong paglalakbay sa
Timog Silangang Asya habang binabasa at isinasagawa ang mga aktibidad sa araling ito .

Nakapokus ang Aralin na ito sa Nobela ng bansang Pilipinas. Sa gramatika nama’y matututo ka
sa gamit ng mga Ekspresyon sa pagpapahayag ng Opinyon/ Ekspresyon. Sa pagtalakay at
pagsagawa ng mga gawain sa araling ito ay ninanais ng may-akda na matatamo mo bilang mag
-aral ang inaasahang pagkatuto sa tulong ng mga tiyak na layunin sa ibaba:
1. Nauuri ang mga tiyak na bahagi sa akda na nagpapakita ng pinakamataas na katoto-
hanan, kabutihan, at kagandahan batay sa napakinggang bahagi ng nobela (F9PN-ic-d-40)
2. Nasususri ang tunggaliang tao vs, sarili sa binasang nobela.F9 PB-Ic-d-40.
3. Nabibigyan ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit sa akda (F9-PT-Ic-40).
4. Nasusuri ang pinanood na teleseryeng Asyano batay sa itinakdang pamantayan.F9PD-Ic-d-
40 (F9-PU-Ic-42 ).
4. Naisusulat ang mga pangyayari na nagpapakita ng tunggaliang tao vs. sarili (F9WG-Ic-d-
42)
5. Nagagamit ang mga pahayag na ginagamit sa mga pagbibigay-opinyon(sa tingin /akala/
pahayag/ko iba pa).

Paalaala lamang kaibigan. Sundin ang panuto sa mga gawain ng modyul na ito. Maha-
laga rin ang kalinisan ng awtput. Gumamit ng hiwalay na papel at huwag sulatan, yupiin,punitin,
upuan at mas lalong ipinagbabawal ang paggamit bilang pantalukbong kung tag-init o tag-ulan.
Ingatan, pahalagahan at ituring mong kaibigan.

2
Subukin:
SUBUKIN
Relaks lang. Huwag kang matakot sa pagsubok na ito, Nais lamang ng guro na sukatin ang
dating kaalaman( prior Knowledge) sa paksa. Pero kailangang basahin at intindihin ang panuto ng
bawat gawain . Ano pang ginagawa mo simulant mo na.
A. Piliin ang tamang sagot at isulat sa sagutang papel. Iwasan ang pagbura nang sa gayon ay
malinis ang awtput.

1. Ang nobela ay mahabang likha na nahahati sa:


A. kabanata B. banghay C. saknong D tugma

2. Ang nobela ay pinagkabit-kabit sa pamamagitan ng mahusay na balangkas na ang


pangunahing layunin ay:
A. maipalabas ang hangarin ng bida B. maipalabas ang hangarin ng kontrabida
C. hangarin ng manunulat D. lahat
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng magandang katangian ng nobela.
A. malinaw at maayos ang pagkakasulat ng mga tagpo at kaisipan B. pumupuna sa lahat ng
aspeto ng buhay C. maraming ligaw na tagpo ang kaganapan D. hindi maguni-guni at
malikhain

4. Ito’y uri ng nobela na nagbibigay buhay sa nakalipas na pangyayari o mga nakalipas na


A. Nobela ng Pagbabago B. Nobela ng Kasaysayan C.Nobela ng Pag-ibig
D. Nobela ng lipunan
5. Ang nobelang ito ay nagbibigay diin sa mga pangyayaring nakapagbabago ng ating buhay.
A. Nobela ng Pagbabago B. Nobela ng Kasaysayan C. nobela ng Pag-ibig D. nobela ng lipunan

6. Ang paksa ng nobelang ito ay tumatalakay sa pang-araw araw na buhay ng tao at nasa paligid
niya.

A. Nobela ng Pagbabago B. Nobela ng Kasaysayan C. nobela ng Pag-ibig D. nobela ng


lipunan
7. Ang simbolismo ay bahagi ng nobela na nagbibigay ng:
A. malalim na pagpapakahulugan sa tao B. malalim na pagpapakahulugan sa bagay

C. malalim na pagpapakahulugan sa pangyayari D. lahat.


8. Ang paksang diwa na binibigyang diin sa nobela ay____?
A. Tema B. Banghay C. Pananaw D. simbolismo

3
9. Kung Magkatunggali ang puwersa ng tao sa elemento ng kalikasan, ito ay tinatawag
na_____?
A. Tao laban sa sarili B. Tao Laban sa kalikasan C. Tao laban sa lipunan D. A at B

10. Masasalamin dito ang dalawang magkasalungat na hangad o pananaw ng iisang tao.
A. Tao laban sa sarili B. Tao Laban sa kalikasan C. tao laban sa lipunan D. A at B

B. Isulat ang titik T kung ang pangungusap ay tama at kung Mali ay isulat ang Titik M sa
patlang bago ang bilang.
_____11. Bahagi ng pang-araw araw na buhay ng pagbibigay ng opinyon.
_____12. Sa pagbibigay ng opinyon, Nakakabuti kung mayroon tayong sapat na kaalaman sa

paksang pinag- uusapan.


_____13. Kung ako ang tatanungin ay halimbawa ng pagbibigay ng neutral na opinyon.

_____14. Lubos kong pinaniniwalaan ay nagpapakita ng pagbibigay ng matatag na opinyon.

_____15. Ang Opinyon ay tumutukoy sa konsepto o ideya ng isang idibidwal.

4
Balikan

Kumusta ka na? Sanay naging masaya ka sa mga gawain sa naunang aralin.


Nakakapagod ba? Talagang ganyan ang buhay mag-aaral.. tiis tiis lang , pasasaan ba’t
matatapos mo ang mga gawain. Subukan mong gawin ang mga gawain sa ibaba.

A. Punan ang kahon ng mga salitang may kaugnayan sa salitang Nobela

NOBELA

B. Ano ano ang mga elemento ng Nobela na alam mo? Ilsulat ang sagot sa sagutang papel.
1. ____________________Istilo sa pagkakasulat sa nobela.

2. ____________________Nagbibigay kulay sa mga pangyayari sa nobela

3. ____________________Balangkas ng mga pangyayari na pinag-uugnay.


4. ____________________nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa akda.

5. ____________________Malalim na pagpapakahulugan sa tao,bagay, at pangyayari sa nobela.

5
Tuklasin

Upang lalong maintindihan ang kuwento, hanapin ang kasalungat ng mga salita na
nakasulat sa ibaba. Markahan o bilugan ang sagot. Maaaring pababa, pataas, dayagonal o di
kaya’y pabaliktad. Gamitin ang sagutang papel

W Z X C V B N M H G F D S S A S N W E E Y
E W E R S E R Y O S O R F G H Y A R T E E

R A S W D D F F G G H H J J K K G T T Y D

E S D E F M M A S A Y A A S D D H C C V U

F E E T Y U A I I O O P P M M J I J K H M

D G H J K V R Y A A E R T Y U I R I P O E

D R F G H J A T A T Y U I O P R A T Y U R

F Z S D F R M E Q M E W S C XI V P T R Y E

G E E R T Y O U I P A Y T G L H H J K L T

P A N A N A T I L I H N D F A S D A A A S

G X H W R T Y U P I J N Y U D T B N N M U

H R W S T X V C F G U T G H A R U F V B N

J E R G I H Y U N A M A Y A M K L I U A J

J D S A P D C T R L E E C V F D S W A J J

K G H J L A G A B A M T H H J U U N M K B

I T Y T A D Q E T N R R R T Y Y T H J H J

L F D A M A T Y Y G U I O O P A U T I M G

K T T Y Y I I U U O O P P L L J K M N B H

J B N M C V F E T Y U I O A K L K L M M N

1. MASIPAG=_____________________ 8. MAPAGBIGAY=___________________________

2. MALAYO=_______________________ 9. MALUNGKOT=__________________________

3. MABILIS=________________________ 10. LUMIHIS=__________________________

4. IGALANG=_______________________ 11. TULOY-TULOY=______________________

5. MAYAMAN=______________________ 12. HAMPAS-LUPA=____________________

6. PAGLALAGALAG=__________________ 13. MAPAGBIRO=_______________________

6
Suriin

Matalas talaga ang paningin mo, nahanap mo ang kasing kahulugan ng mga salita , ito’y
nakakatulong sa iyo upang maintindihan mo ang unamg kabanata ng nobelang pinamagatang
“Timawa.” Subalit kung may mga salitang hindi mo naiintindihan,ilista ito sa iyong kuwaderno
upang hanapin sa diksyunaryo. Subukan ding sagutin ang mga gabay na tanong na nasa ibaba.
Ano pang hinihintay mo simulan mo na..

TIMAWA
(Unang Kabanata)
Agustin C. Fabian
Sabado noon at mag-iikapito ng gabi. Si Andres Talon, na isang mahirap
estudyante, ay kasalukuyang naghuhugas ng mga pinggang kinuha sa ladies
Dormitory, sa isang unibersidad sa Amerika. Ito lamang ang paraan upang
makapagpatuloy siya ng pag-aaral sa kolehiyo ng medisina. Nakatali sa kanyang
baywang ang isang tapi at nakalilis ang mga manggas ng kanyang kamisadentro.
Nangingintab sa pawis ang kanyang kayumangging mukha. Ang bula ng sabong
nakababalot sa kanyang mga matipunong bisig ay umabot sa siko. Mabilis ang
kanyang paggawa at wala siyang aksayang kilos. Mahihinuha na lubhang sanay
si Andres sa gawaing ito.
Mukhang tapos kana Andy? Ngayon lamang ako nakakita ng ganyang
kabilis magtrabaho,” basag ni Alice na siyang tagapangasiwa sa mga gawain sa
kusina ng dormitory. “Lalo na kung Napupuri lalong bumibilis” Nakatawang sagot
ni Andres. “Wala na naman yata si Bill?” tanong ni Alice na lumapit sa Pilipino at
at nagsimulang tumulong dito.
Si Bill ay katulong ni Andress sa paglilinis ng mga kasangkapan sa
kusina. Maluwat ng magkaibigansina Bill at andress. Maaantala raw siya. Dala sa
sine ang mga bata niya, e. Hindi na bale matatapos ko na naman ito?
Dumating na humahangos si Bill. Lagi ng humahangos ito. Inihagis ang
sombrero sa sabitan at naghubad ng amerikana. “Giliw,” birong bati niya kay Alice
“isabit mo na lang ang aking amerikana, inaabala mo si Andy.” Nakatawang
isinabit ni Alice ang damit ni Bill. Kumuha ng isang tapi at ibinigay sa amerikano.
“Isuot mo iyan. Iyan lang yata ang pantalon mong mahusay.” Nagsimulang
maglampaso ng baldosa si Bill at binalikan naman ni Alice ang pagtulong kay
Andres.
Saan ka ba naging dalubhasa sa mga gawain sa kusina?” tanong ni Alice
kay Andres.
“Sabihin mo nga, Andy” udyok ni Bill. “Ang simula ay sa amin. Ako ang tagahugas
ng pinggan. Hindi mahirap iyon. Iilan lamang naman ang aming
pinggan,”nakatawang simula ni Andress. “At madalas na itinataob ko na lamang
ang mga pinggan nang hindi hugas.”
7
“Nagkakahawig pala ng kalokohan, maging ang mga batang amerikano o Pilipi-
no,” ani Alice. At isinalaysay ni Andres na, wika nga , ay palagay ang loob niya sa
kusina. Labing anim na taon na siya nang mamatay ang kanyang ama at lubus-
ang maulila. Katatapos lamang niya ng intermedya. May kamag-anak naman
siyang kusinero sa isang bapor na nagyayao’t ditto sa Amerika at sa Pilipinas.
Sumama siya.
At anim na buwang singkad akong tagapagmasahe ng mga ping-
gan,kubyertos, at mga lutuan sa bapor. Kaya hindi kayo dapat magtaka na ako’y
ekperto sa mga gawaing iyan,” tapos ni Andres. “Usisera ka rin lamang, Alice,”
ang biro naman ni Bill, “ ang mabuti itanong mo kay Andres kung ano ano ang
nagging karanasan niya ditto sa Amerika.”
“Sige nga,” sang-ayon kapagdaka ni Alice. “Linggo rin lamang bukas.
Hindi baling tayo ay mapupuyat.” “Alam ninyo,” ani Andres na nagpapahid na ng
kamay, “ako ay may pagkahampaslupa.” “Teka, teka,” hadlang ni Bill. “Ilalabas ko
muna itong basura. Ibig kong marinig uli yan.” Nang bumalik si Bill ay nakaupo na
sina Alice at Andres. Bumatak siya ng isang silyaat nakiumpok sa dalawa.
“Ngayon, simulant mo na,” sabi ni Bill na humilig ng mabuti sa kanyang upuan.
“Saan ninyo ako gusto magsimula?” “Nang dumating ka dito sa Amerika,”
tugon ni Alice. Sa San Francisco bumaba si Andres at ang paghuhugas ng pinggan
ang unang nagging hanapbuhay. Naging manggagawa sa iba’t ibang bayan ng Cali-
fornia. Namitas ng mansanas sa Oregon at Washington. Dalanghita sa Florida. Lalo
na raw siyang umitim sa taniman ng kamatis, letsugas, repolyo, at iba pang gulay.
Naging serbidor sa mga restawran. Naging utusan. Naglilingkod sa saluman sa Alas-
ka. Nagpapatatag ng bato sa daang tren sa Nevada.
“Alin sa mga karanasan mo ang bumago sa takbo ng iyong buhay?” tanong ng dalagang
Amerikana? Hindi kaagad tumugon si Andres. Tila tinitimbang niya sa marami niyang karanasan
ang pinakatampok. Ang totoo ay nag-aalangan si andres na sariwain pa ang ang malungkot na
bahagi ng kanyang buhay. “Halimbawa,” untag ni Alice, “bakit mo naisipang mag-aral? bakit mo
iniwan ang paglalagalag?” “hindi nangyari sa Amerika ang karanasang bumago sa takbo ng aking
buhay,” sa wakas ay sinabi ni Andres. “Doon sa amin sa Pilipinas nangyari ito.” “Paano?” sabad ni
Bill.
“Magsasaka ang aking ama. May isang kaugalian sa amin,” patuloy ni Andres. Kung pista
ng bayan, ang lahat ng magsasaka ay pumaparoon sa malaking bahay ng may-ari ng lupa at tu-
mutulong sa karaniwang malaking handaan doon. Nagsisipagsaing,nagsisibak ng panggatong.
Nagkakatay ng manok,baboy, kambing at baka. sabihin pa ang lahat ng tumutulong doon kakain.

8
labintatlong gulang ako. nang nagkakainan na ang mga nanunulungan ay dumating ang
donyang asawa ng aming kasama at minura ang mga nagsisikain. Hindi pa raw natapos ang
mga panauhin sa itaas ay inuuna na raw naming ang aming bituka. lubha raw kaming mga tima-
wa.” “Hindi ko agad naunawaan ang aking narinig,” patuloy ni Andres. Noong papauwi na
lamang kami at sabihin sa akin ni amang ang kanyang pagdaramdam,noon kolamang lubos na
naunawaan ang kahulugan ng salitang timawa. “Sinabi sa akin ni ama na pagbutihin ko ang
aking pag-aaral upang huwag kong sapitin angkaapihang ganoon. Kung ako raw ay lalaking
magsasaka at hindi akin ang sasakahing lupa ay ganon din ang aking kapalaran. Aalimurain ng
mayayaman. Ang isang timawa raw ay kahalintulad ng isang aso. Sagpang nang sagpang. Hu-
wag daw akong mag-aksaya ng panahon. Gagawin niya ang kanyang makakaya upang ako’y
matuto.”
“Kay buti ng iyong ama,”ani Alice. “Halos ang gabi ay ginagawa niyang araw,”dugtong
pa ni Andres. “Ibig niyang makaipon. Ang adhikain niya ay isang manggagamot ako.” Huminto
muna si Andres sa kanyang pagsasalaysay. Nakatingin siya sa malayo na waring nakikitang
muli ang kanyang ama. Pagkatapos ng ilang sandal ay nagpatuloy muli sa kanyang pagsasal-
ita.
“At nang ako’y makatapos ng intermedya ay gayon na lamang ang galak niya. Ngunit
ang humalili sa kagalakang iyan ay malagim na kalungkutan. Si ama ay inabutan ng ulan isang
tanghaling nagbubungkal ng lupa. Nagkasakit siya,pulmonya at...at ...namatay.” Dinampi ni Alice
ang kanyang mata ang hawak na panyolito. Tumindig si Bill. Lumapit kay Andres at pinisil ang
balikat ng kaibigang Pilipino. “Maupo ka, Bill,’ sabi ni Andres. Hindi pa ako natatapos,” Naupong
muli si Bill at muling nagsimula si Andres. “Naubos na lahat,” aniya, ang kaunting naipon ni Ama.
Ulila na akong lubos ay wala pa ni isang sentimo. Subalit isinumpa ko sa aking sarli, sa harap ng
ng bangkay ni ama, na ako ay pilit na mag-aaral at ako ay maging manggagamot. Hahanapin
kong pilit ang tagumpay na siyang adhika niyang maging akin.
Maluwat ding walang umimik matapos ang pagsasalaysay ni Andres. Nadama ni Bill at
ni alice ang malaking kalungkutan ni Andres. Sa wakas ay nagsalita si Alice. “Nauunawaan na
kita,” aniya. “Lalong nauunawaan kita ngayon,” pakli ni Bill. “Bakit? ako ba ay isang hiwaga sa
inyo?” tanong ni Andres at wala na sa kanyang tinig ang pagdaramdam at kalungkutan. “Oo,
isang hiwaga sa akin,” tugon ni Alice. “Alam kong ikaw ay isang mabuting tao
“Tigilan mo na si Andy,” pakli ng dalaga, “at huwag mo naman akong ipag-ukulan.
Anong malay mo kung si Andy ay mayroon ng itinatago?”at tumawa na si Alice.
May itinatago si Andy? pamanghang sabi ni Bill. “Walang maitatago sa akin iyan. Iyan
ang tinatawag na nauuhaw at ayaw makiinom.” “At kung tanggihan ang nakikiinom?” tanong ni
Andres. Natatakot kang tanggihan kung
ganon. “E paano malalaman kung tanggihan ka o hindi?” nakatawang tanong ni Alice. Tumindig
na bigla si Andres.

9
Tigilan mo na sinAndy,” pakli ng dalaga, “at huwag mo naman akong ipag-ukulan. Anong malay
mo kung si Andy ay mayroon ng itinatago?”at tumawa na si Alice.
May itinatago si Andy? pamanghang sabi ni Bill. “Walang maitatago sa akin iyan. Iyan
ang tinatawag na nauuhaw at ayaw makiinom.” “At kung tanggihan ang nakikiinom?” tanong ni
Andres. Natatakot kang tanggihan kung
ganon. “E paano malalaman kung tanggihan ka o hindi?” nakatawang tanong ni Alice. Tumindig
na bigla si Andres.
“Hatinggabi na Bill,”aniya. “Mapupuyat na lubha si Alice” “Hayan ang inabi ko,”
pakutyang pakli ni Bill, “ang magaling na kaibigan kong Pilipino ay takbuhin. Ngayon pa lamang
sumasarap ang usapan,” tudyo niya , ay saka pa tatalilis. “Tayo na, walang mangyayari sa atin
kung ang manok ko ay takbuhin.”
Naunang lumabas si Bill. Nagsuot si Andres ng kanyang amerikana at sumunod sa
kaibigan. Inihatid siya ni alice hanggang sa pintuang may kadiliman noon dahil sa bahagya nang
abutin ng liwanag ng ilaw. “Aalis na kami , Alice. At maraming salamat sa iyong kagandahang
loob,” “Hindi pangkaraniwang gabi ito sa akin.” Naramdaman na lamang ni Andres ang halik ni
Alice sa kanyang pisngi.

Subuking saguting ang mga katanungan sa ibaba nang pasalita. Kung masasagot mo
ang mga ito, natitiyak kong naunawaan mo ang nobelang inyong nabasa.

1. Paano napadpad si Andres sa Amerika? Ilarawan ang kanyang nagging bughay rito?
2. Bakit ganon ang paghanga ni Alice sa kaledad niyang magtrabaho? Isa-isahin ang tra-
bahong pinasukan sa Ameriak.
3. Bakit taglay ni Andres ang mabuting pag-uugali sa pagtatrabaho o work ethics?
4. Banggitin ang karanasang bumago sa takbo ng buhay ni Andres?
5. Makatwiran ba ang inasal ng donya habang kumakain ang mga nanulungan sa handaan?
Ipaliwanag ang sagot.
6. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng binate, paano mo tatanggapin ang masasakit na
pananalitang binitiwan ng donya sa kanila?bakit?
7. Masasalamin ba sa katauhan ni Andres ang taong may matibay na paninindigan sa sarili
para maabot ang kanyang mga pangarap?patunayan.
8. Kung ikaw ay makaranas ng matinding kahirapan sa buhay, paano mo ito haharapin?
9. Anong pagbabagong pangkaisipan at pandamdamin ang nangyari sa iyong pagkatao mata-
pos mong mabasa ang akda

10
Ang nobela ay isang akdang pampanitikan na nahahati sa kabanata. Bawat kabanata ay
maraming ligaw na tagpo at kawing kawing na pangyayari at nangangailangan ng maha-
bang panahon sa pagbasa kompara sa maikling kuwento.

Mga Katangian ng Nobela


1. Malinaw at maayos ang pagkasulat ng mga tagpo at kaisipan
2. Pumupuna sa lahat ng aspeto ng buhay.
3. Malikhain at maguni-guni ang paglalahad.
4. Pumupukaw sa damdamin ng mambabasa at kawili-wili
5. Isinaalang-alang ang kaasalan
6. Maraming ligaw na tagpo at kaganapan.
7. Ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari
8. Malinis at maayos ang pagkakasulat.
9. Maraming tagpo
10. Kaaya-aya

Mga sangkap at elemento ng Nobela


1. Banghay= ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari
2. Damdamin= Nagbibigay kulay sa pangyayari
3. Pamamaraan=istilo ng pagkasulat ng nobela
4. Pananalita= ang dayalogong ginamit sa nobela
5. Pananaw=Panauhang ginamit sa nobela(una,ikalawa, ikatlo)
Unang Panuhan= ginagait kapag ang may akda ay kabilang sa nobelang kanyang isinu-
lat.
Ikalawang Panauhan=Kapag ang may-akda ang nakikipag usap o nagsasalita sa nobela.
Ikatlong Panauhan=Batay sa nakikita o obserbasyon ng may akda
6. Simbolismo= Nagbibigay ng malalim na pagpapakahulugan sa tao, bagay at pangyayari sa
nobela.
7. Tagpuan= lugar at panahon na pinangyarihan ng kuwento.
8. Tauhan= nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela.
9. Tema= paksang diwa na binibigyang diin sa nobela.
Mga layunin ng Nobela
1. Gisingin ang diwa at damdamin ng mambabasa.
2. Tawagin ang talino ng guni-guni.
3. Magbigay aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan.
4. Magsilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan.
5. Magbigay ng inspirasyon sa mga mambabasa.
6. pukawin ang kaalaman ng mga tao sa pagsulat ng nobela.

11
Uri ng Tunggalian
1. Pisikal ( Tao laban sa kalikasan)=tumutukoy sa tunggalian ng tao laban sa kalikasan( hal.
ulan,lindol, hangin, bulkan)
2. Panlipunan ( tao laban sa kapwa tao)= tao laban sa kapwa o lipunang ginagalawan.
3. Panloob o Sikolohikal (tao laban sa sarili)= tunggalian ng tao laban sa kanyang sarili.
Masasalamin dito ang dalawang magkasalunagt na hangad o pananaw ng iisang tao.
Pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng opinion
= ang pagbibigay ng opinyon ay bahagi ng pang-araw araw na buhay, ang mga napa-
pansin nagaganap sa paligid ay nag-uudyok sa atin upang ipamalas ang ating sariling kaisipan.
Subalit maging katanggap tanggap ang ating ideya kung may sapat tayong kaalaman sa paksa
o di kaya’y masusing pagtimbang sa mga bagay-bagay.
Narito ang ilang pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng opinion.
A. Pagbibigay ng matatag na opinion
• Buong igting kong sinusuportahan ang….
• kumbinsido akong…
• Labis akong naninindigan na….
• lubos kong pinaniniwalaan…
B. Pagbibigay ng Neutral na opinion
• Kung ako ang tatanungin..
• kung hindi ako nagkakamali…
• sa aking pagsusuri…
• sa aking palagay…
• sa aking pananaw..
• sa ganang saril..
• sa tingin ko..
• sa totoo lang..

12
Pagyamanin

Upang mas lalong maintindihan ang aralin, gawin ang gawain sa ibaba. Isulat sa
sagutang papel. Punan ang tsart sa ibaba ng mga kinakailangang datos batay sa
nobelang “Timawa.”

M
G TAO LABAN SA SARILI Patunay na naganap na Tunggalian
A

T
U
N
G
TAO LABAN SA TAO Patunay na naganap na Tunggalian
G
A
L
I
A
N TAO LABAN SA Patunay na naganap na Tunggalian
KALIKASAN

13
Tunay na nakaaantig ang kewnto ng pangunahing tauhan sa nobela. Alam kong nab-
itin ka dahil sa naputol at hindi lubusan natapos ang akda. Subalit may kailangan ka pang dapa
gawin, nakakatulong ito sa iyo upang maintindihan ang sususnod na kabanata. Basahin ang pa-
nuto bago magsimula sa gawain.

Basahin ang pahiwatig sa ibaba na may salungguhit. Isulat ang iyong interpretasyon sa kahon na
nasa ibaba nito. Gumamit ng sagutang papel at huwag markahan ang modyul.

1.Nangingintab sa pawis ang kayumangging mukha ni Andres habang naghuhugas ng pinggan

2. Ang “Timawa,” aniya ay higit pang pangit sa isang gutom. Ito raw ay kahalintulad ng isang aso,
sagpang ngng sagpang.

3.Ang Karanasan ang nagturo sa akin niyan. Ang madalas na mauuntog ay natututong yumuko

4. “Hindi pangkaraniwan ang gabing ito sa akin” wika ni Andres kay Alice.

5. Walang maitatago sa akin iyan. Iyan ang tinatawag na nauuhaw at ayaw makiinom.

14
Isaisip

Naniniwala akong marami kang natutuhan sa mga gawain at tek-


stong nabasa mo. Nawa’y magagamit mo at nakakatulong sa iyo sa pagkamit ng iyong
mithiin sa buhay. Ang mga mensahe at kakintalang napulot sa mga akda ay laging ala-
lahanin at huwag kalimutan. Isa-isahin ang mga napansin sa akda ayon sa hinihiling sa
ibaba.

Hanapin at sipiin ang mga linya/pahayag sa binasang nobela na nagpapakita ng pinakamataas na


katotohanan, kabutihan,kagandahang nakita sa akda.

Pinakamataas na Kabutihang nakita sa Inspirasyon mula Maikling paliwanag


katotohanan akda sa akda

15
Isagawa
Napansin mo siguro ang tamang asal at kaugalian ni Andres sa
pagharap ng trabaho at pakikitungo sa kapwa. Iyan ay dahil sa tamang
pagpapalaki ng kanyang ama at pagkakaroon ng determinasyong maabot
ang pangarap sa buhay sa kabila ng mga mga balakid na humahadlang sa
kanya. Ayon sa aklat ng kawikaan, “Ituro sa bata ang tamang pag-uugali at
hindi niya malimutan hanggang sa kanyang paglaki.” Nangangahulugan ito
na ang paghubog sa sa isang tao ay dapat magsimula sa kanyang
pagkabata. Bilang isang mag-aaral ano ang dapat gawin sa sitwasyong nasa
ibaba upang lumaking kagaya ni Andres ang isang kabataang tulad mo.
Kaya mo yan..

Sitwasyon 1.
Si Brent ay nag-iisang anak ni Ginoo at Ginang Salvador, Isa sila sa maykaya sa bayan
ng Buguias. Pinag-aral si Brent sa pribadong paaralan at binigyan ng service na Hilux upang hindi
kailangang magdorm at magcommute. Istrikto ng kanyang magulang sa pagmomonitor ng grado
niya kaya’t sinisikap na mapabilang sa mga mag-aaral na may karangalan tuwing bakasyon.
Tuwing sabado,linggo pagkatapos ng misa, holiday at bakasyon ay tumutulong siya sa bukid
kasama ang mga trabahador ng magulang. Marami ang nagtataka at nagtatanong kung bakit
kailangang maghirap si Brent gayong puwede naman siyang matulog na lang maghapon sa
kanilang mansion total nag-iisa siyang taga pagmana ng mga naipundar na kayaman ng
magulang. Ang katuwiran ng kanyang nina G. Salvador ay dapat malaman ni Brent kung paano
magsimula at magtagumpay.
Sitwasyon 2.
Dayo sina Nelia sa bayang binansagang Vegetable Panorama of the North. Ayon sa
kanya, nakipagsapalaran daw ang kanyang mga magulang mula noong binagyo at nasira ang ari-
arian ng mga ito sa Mindoro. Dahil bago sila sa bayan ng Buguias, madami ang nagging
suliranin,bukod sa hindi alam ang lakaran pagtatanim ng gulay, hindi nila inakala ang sobrang
lamig na nakapagdudulot ng pinsala sa kanilang kalusugan. Bagama’t mahirap,hindi nagdalawang
isip na sumugal at nag aplay na trabahador ang kanyang mga magulang. Kung walang pasok,
tumutulong sina nelia at ang kanyang nakakabatang kapatid. Bago sila pumasok sa eskuwelahan
tinitiyak nilang nakapagluto ng agahan para may madatnan ang maagang magulang sa bukid.
Pagkatapos naman ng klase ay umuuwi kaagad sa inuupahang kuwarto upang gawin ang
trabahong bahay at nang hindi mahihirapan ang kanilang nanay. Napag-usapan nina Nelia at ang
kanyang kapatid na kailangang nilang panatilihin ang mataas na grado upang walang aberya sa
pag-aaral. Batid kasi sila na ang pag-aaral ang tanging paraan upang maiangat ang kanilang
magulang sa karukhaan

16
Sitwasyon 3
Hindi marangya ang buhay na kinalakhan nina Ginoo at Ginang Mario. Dumanas sila ng
matinding hirap bago nakabili ng lupang sinasaka. Dahil sa naging karanasan ng mag-asawa,
ayaw nilang iparanas ito sa kanilang mga anak. Hindi nila ito isinasama sa bukid at hindi rin pina-
gagawa ang gawaing bahay dahil kumuha sila ng kasambahay. Ang katuwiran nila ay dapat pag-
aaral ang asikasuhin. Ibinibigay ang pangangailangan ng mga ito kung kaya’t nakakasabay sila sa
uso lalong lao na sa mga kagamitang eskuwelahan.

Mga tanong na dapat sagutin


1. Batay sa nabasa mong sitwasyon, alin sa tatlong anak ang maaring magtagumpay gaya ni
Andres na may matinding determinasyon sa pagkamit ng pangarap? Ipaliwanag ang sagot.
2. Sa tatlong magulang na nakilala mo sa tatlong sitwasyon, sino sa kanila ang nagustuhan mo
ang istilo sa pagpapalaki ng anak at may pinakamainam na paraan upang lumaking may pan-
garap, pagsisikap, at kabutihan sa puso ang isang kaulad mo.
3. Bilang isang butihing anak, ano ang dapat mong gawin upang magtagumpay gaya ni Andres.

17
Tayahin

Sa wakas , nalampasan mo at nagawa ng


maayos ang mga gawain. Inaasahan ko na
naintindihan ang aralin. Bilang pagsasara sa
paksa, kailangang sagutin mo ang pangwakas
na pagsubok. Kayang-kaya mo iyan..

Basahin at intindihin ang mga tanong. Piliin ang titik at ilagay sa sagutang papel.
_______1. Sa tunggaliang ito ay masasalamin ang dalawang magkasalungat na hangad o
pananaw ng isang tao
a. tao laban sa sarili b. tao laban sa kalikasan c. tao laban sa tao
_______2. Ang kalaban ng tao ay elemento o puwersa ng kalikasan.
a. tao laban sa sarili b. tao laban sa kalikasan c. tao laban sa tao
_______3. Akda na nahahati sa nobela dahil kawing kawing ang mga pangyayari.
a. Maikling kuwento b. Alamat c. Nobela
_______4. Ang “Noli Me Tangere” ay halimbawa ng nobelang__?
a. Nobela ng pagbabago b. Nobela ng kasaysayan c. Nobela ng Pag-ibig
_______5. Ang “Paghihimagsik ng masa” ay halimbawa ng nobelang__?
a. Nobela ng pagbabago b. Nobela ng kasaysayan c. Nobela ng Pag-ibig
_______6. Pumapaksa sa pag-ibig kun saan maaraing tungkol sa kabiguan o pagtatagumpay
a. Nobela ng pagbabago b. Nobela ng kasaysayan c. Nobela ng Pag-ibig
_______7. Maluwat na silang magkaibigan, ang maluwat ay nangangahulugang__________?
a. matagal b. nakasanayan c. malapit
B. Isulat ang TAMA kung ang diwa ng pangungusap ay wasto at MALI kung walang katotohanan.
_________1. Ang nobela ay may maraming tagpuan at tauhan.
_________2. Simbolismo ay nagbibigay ng mas malalim na pakahulugan sa tao, bagay at
pangyayari.
_________3. Mahalagang may alam sa paksa at marunong tumimbang ng sitwasyon bago
magbigay ng opinyon.
_________4. Damdamin ay isang sangkap ng nobela na nagbibigay kulay sa mga pangyayari sa
akda.

18
_________5. Hindi tumatawag ng talino at guni-guni ang ang pagsulat ng nobela.

_________6. Nagsisilbing daan tungo sa pagbabago sa sarili at lipunan ang nobela.


_________7. Isang katangian ng nobela ang kaayusan at kalinawan ng pagkakasulat.

_________8. Hindi isinaalang alang ang kaasalan sa pagsulat ng nobela.

19
20
SUBUKIN TANDAAN
1. A 6. D 11. T * Bahala ang guro sa sagot ng mag-aaral
2. D 7. D 12. T TAYAIN NATIN
3. D 8. A 13.T 1. A
4. B 9. B 14. T 2. B
5. A 10.A 15. T 3. C
PAGBABALIK TANAW 4. A
A. BANGHAY KASAYSAYAN 5. B
KABANATA KAWING-KAWING 6. C
TUNGGALIAN PANANAW 7. A
SIMBOLISMO B. 1. TAMA
*Kung may ibang sagot ang mga mag-aaral depende sa 2. TAMA
pang-unawa nila. Bahala ang guro na magproseso 3. TAMA
upang hindi lumayo sa aralin 4. TAMA
B. 1. PAMAMARAAN 5. MALI
2. DAMDAMIN 6. TAMA
3. BANGHAY 7. TAMA
4. TAUHAN 8. MALI
5. SIMBOLISMO
TUKLASIN
1. TAMAD 8. MARAMOT
2. MALAPIT 9. MASAYA
3. MABAGAL 10. DUMERETSU
4. ALIPUSTAHIN 11. NAANTALA 3. Nanatiling
mapagpakumbaba at
5. DUKHA 12.MAYAMAN
isinasabuhay ang
6. PANATILIHIN 13. SERYOSO
kagandahang asal dahil sa
7. MADALI 14. NAGHIRAP nagging karanasan sa buhay.
TIYAKIN 4. Nakaramdam ng pagma-
1. Napapagod sa trabaho subalit tinitiis. malasakit at kakaibang
2. Kahit anong uri ng pagkain ay sinusunggaban kasiyahan.
5. Kahit nangangailangan ng
dahil sa pagkalam ng sikmura.
tulong ay hindi humihingi
Susi sa Pagwawasto
Mga Sanggunian

ATIENZA, O., NAZAL, A. et.al. PANITIKANG FILIPINO . Quezon City: Katha


Publication

MARIBEL M. DE CASTRO. TUKLAS . Aklat sa Wika at Panitikan.

21
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Schools Division Office of Benguet

Wangal, La Trinidad, Benguet


Telefax: 074 422 6570 (telefax)

Telephone: 074 422 2001

Email Address: benguet@deped.gov.ph

22

You might also like