Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

MAIKLING PAGSUSULIT Blg.

1
FILIPINO 8

Pangalan: ______________________________________ Iskor: ______________________


Baitang at Pangkat: ______________________________ Guro: ______________________

I. A. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang maiuugnay na mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga
karunungang-bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa patlang.
_____ 1. Kung hindi ukol, hindi bubukol.
a. Laging sumasayaw sa obando ang mag-asawa upang mag-kaanak
b. Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi ito talaga nakalaan sa iyo.
c. Minsan lang tumaya sa lotto si Rudy at nanalo na sya samantalang si Liza na araw-araw tumataya ay di nanalo
kahit kalian.
_____ 2. Sila ang mga tinatawag na alilang kanin
a. Ampon na mahilig kumain ng kanin
b. naninilbihan siya sa amin ng walang bayad kundi pinapakain lamang
c. Mga batang walang magulang na nanghihingi ng makakain.
_____ 3. Ang batang palalo ay di napapalo, pag lumaki nakahalubilo sa mundo ng magugulo.
a. Ang mga batang palaboy na walang magulang.
b. Ang mga batang hindi nadisiplina ng mga magulang.
c. Ang mga batang hindi marunong sumunod sa magulang na palaboy-laboy.
_____ 4. Habang siya ay umaawit may sumigaw ng tulain mo na lamang.
a. Mas magaling siyang tumulakaysa umawit.
b. Hindi maganda ang kanyang boses.
c. Pinapatigil na siya ng mga nakakarinig.
______5. Ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga.
a. Kapag kumain ay di na iniisip ang iba.
b. Kapag may pera lahat binibili at di nagtitira para sa kinabukasan
c. Lahat ay inililibre hanggang maubos ang pera.
I. B. Piliin sa Kahon sa ibaba ang kahulugan ng mga karunungang bayan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
_____1. Huling baraha na niya ang trabahong pinasok para makaahon sa buhay.
_____2. Kung sino ang masalita ay siyang kulang sa gawa.
_____3. Ang umaayaw ay hindi nananalo at ang nananalo ay hindi umaayaw
_____4. Ako, ikaw o kahit sinumang nilalang, tayong lahat ay arkitekto ng sariling kapalaran.
_____5. Ang hindi napagod magtipon, walang hinayang magtapon.
_____6. Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan at wala sa kasaganaan.
______7. Ang iyong kakainin, sa iyong pawis manggagaling.

A. Tayo ang nagdedesisyon ng ating magiging kinabukasan. B. Ang natitirang pag-asa


C. kailangang magtrabaho para makakain. D. Lahat ng pagsubok ay matatapos din.
E. Mas maganda kung kikilos at hindi lamang nag-uutos. F. Ang tunay na kaligayahan ay hindi nasusukat sa
G. Hindi dapat nawawalan ng pag-asa habang tayo ay nabubuhay material na bagay.
H. Madaling gastusin ang perang hindi mo pinaghirapan.

II. Ibigay ang Kahulugan ng karunungang bayan at ang maiuugnay na pangyayari sa kasalukuyan, maaaring sariling
karanasan o karanasan ng iba. Isulat sa kahon ang sagot

Karunungang bayan kahulugan Pangyayaring mai-uugnay


1. Kung may isinuksok, may madudukot.
2. pusong mamon
3. Ang pag-ilag sa kaaway ang tunay na katapangan.
III. Sumulat ng isang karunungang bayan na tumatak sa isip mo, ibigay ang kahulugan nito at ang isang karanasan na
maiuugnay mo sa iyong sarili. (2 puntos).

You might also like