Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Wendel D.

Wenceslao
BAFM 2-B
SOSLIT - MODYUL 2

ANU-ANO NA ANG MGA ALAM MO?


Gaano na ang alam mo tungkol sa karapatan at responsibilidad ng isang
manggagawa?
A. Basahin ang mga kalagayan sa ibaba. Isulat ang S kung sa palagay mo’y
ipinapakitang sinuportahan ang karapatan ng manggagawa at isulat ang N
kung nilalabag.
S 1. Isa si Marilyn sa opisyales ng marketing sa isang kumpanyang nagbebenta ng beer. Dati-rati,
ibinibigay lamang sa mga empleyadong lalaki ang posisyong ito, dahil kinakailangan na lumibot
ang empleyado sa kanyang itinalagang lugar ng trabaho. Ngayong pinatunayan na ng mga
babaeng manggagawa, tulad ni Marilyn, na maaari silang makipagkumpitensiya, maging
mahusay, at makaya ang trabaho sa posisyong ito. Sumasahod sila at may mga benepisyong
kapareho ng sa mga lalaking manggagawa. Tumatanggap din sila ng mga pagkakataong umunlad
sa pamamagitan ng treyning at seminar.
N 2. Nang magsimulang magtrabaho sa isang kompanya ng sigarilyo ang magkapatid na sina
Lourdes at Mila, pinapirma sila ng employer ng isang kasunduan na hindi sila sasapi sa alinmang
organisasyon sa paggawa.
S 3. Nagtatrabaho si Aling Meding bilang isang mananahi sa pabrika ng damit. Madalas,
sinasabihan siya ng kanyang employer na magtrabaho nang lampas sa karaniwang walong oras
na trabaho. Dahil madalas na kailangan nilang tugunan ang itinakdang araw ng kanilang mga
kostumer. Tumatanggap si Aling Meding ng bayad sa sobrang oras na pinagtatrabahuan niya.
N 4. Aksidenteng nahiwa ni Roberto ang kanyang hinlalaki habang nagpuputol ng papel sa
palimbagan. Tinakpan ito ng basahan ng kanyang kapwa manggagawa para huminto ang
pagdugo dahil walang makitang bulak o gasa. Hindi rin nila alam kung paano ito lalapatan ng
paunang lunas. Dumugo nang husto ang hinlalalaki ni Roberto bago siya nadala sa ospital.
S 5. Nawawala ang malaking relo sa opisina ng superbisor. Nakita ng opisyales ng security ng
kumpanya ang relo na nakatago sa mga personal na gamit ng dyanitor. Agad-agad siyang
inimbestigahan at pinagpaliwanag kung bakit kasama ng mga gamit niya ang relo. Wala siyang
maibigay na magandang dahilan. Pagkatapos sumailalim sa legal na pamamaraan, tinanggal siya
sa trabaho ng pangasiwaan.
Wendel D. Wenceslao
BAFM 2-B
SOSLIT - MODYUL 2

B. Tukuyin kung ano ang ipinapakitang karapatan ng manggagawa at mga


batas sa paggawa. Isulat sa patlang ang mga sagot mo.
6. Tinutukoy sa karapatang ito ang paglahok ng mga manggagawa sa grievance procedures
o mga pamamaraan sa paghahapag ng karaingan at boluntaryong paraan sa paglutas sa
mga alitan.
KARAPATANG LUMAHOK SA PROSESO NG PAGBUBUO NG PATAKARAN AT
PAGDEDESISYON
7. Dapat malayang magpahayag o magreklamo ang isang empleyado sa kanyang
pinaglilingkuran tungkol sa di kasiya-siyang kalagayan sa trabaho o di sapat na sahod at
benepisyo.
KARAPATANG GANAP NA MAGPAHAPAG NG MGA KARAINGAN NG MGA
MANGGAGAWA
8. Para mapangalagaan at maitaguyod ang dignidad ng bawat indibidwal, isinasaad sa
batas na ito na labag sa batas ang anumang anyo ng sexual harassment sa lugar ng
trabaho.
BATAS LABAN SA KARAHASANG SEKSWAL NG 1995 O RA BLG. 7877
9. Hindi maaaring tanggalin ang mga empleyado o manggagawa nang walang makatwiran
at awtorisadong dahilan.
KARAPATAN SA KASIGURUHAN SA TRABAHO
10. Layunin ng kodigo o dikretong ito na protektahan ang mga manggagawa sa
pamamagitan ng paglalaan ng mga batas na nagtataguyod sa ganap na empleyo, tumitiyak
sa pantay na oportunidad sa paggawa at nag-aayos ng relasyon ng mga manggagawa at
employer.
KODIGO SA PAGGAWA NG PILIPINAS

1. Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas


https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/ang-konstitusyon-ng-republika-ng-
pilipinas-1987/

kabilang sa karapatan ng mga manggagawa na itinataguyod ng ating konstitusyon ang


mga ss.

● Karapatang mag-organisa ng sarili at collective bargaining


● Karapatang lumahok sa mapayapang nagsama-samang pagkilos
Wendel D. Wenceslao
BAFM 2-B
SOSLIT - MODYUL 2
● Karapatan sa kasiguruhan sa trabaho
● Karapatan sa makataong kalagayan sa paggawa
● Karapatan sa makatwirang sahod
● Karapatang lumahok sa proseso ng pagbubuo ng patakaran at pagdedesisyon na
nakakaapekto sa kanilang mga karapatan at benepisyo

2. Ano sa palagay mo ang kahalagahan ng mga manggagawa sa ating lipunan? Bakit


kailangang pangalagaan sila sa pamamagitan ng paglalaan ng mga patakaran sa
ating konstitusyon?
Kinikilala ng estado ang lakas-paggawa bilang pangunahing pwersa sa ekonomiya sa
ating bansa. Ibig sabihin ay nakasalalay sa kalakhan sa mga manggagawa na bumubuo sa
lakas-paggawa ang pag-unlad sa ekonomiya ng ating bansa. Dahil dito, nagtakda at
nagtatakda pa din ang Estado ng mga batas na nangangalaga sa mga manggagawa at
kanilang mga karapatan at tumitiyak na makikibahagi sila sa bunga ng kanilang paggawa
Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ano ang karapatang naipagkait sa tauhan ng kwento ng “Ang Ibong Mandaragit”?
● Tinalakay ang mga nararapat na mapaglaanan ng malalaking kayamanan sa
pagtulong sa mahihirap at sa pagsasaad ng katotohanang walang bahid ng
madungis na kamay ng makapangyarihan na ginagamit nila sa pagpapaganda
ng kanilang mga pangalan, habang sila’y nananatili at gumagrabe sa kadiliman
ng kasalanan at pagpapayaman.
● “Ang kagandahan ng demokrasya'y di lamang ang karapatan ng nakakarami
upang mamahala, kundi angkapantay na karapatan ng kaunti upang sumalungat”
-AVH

2. Sino sino ang ang mga tauhan sa kwento? Isa – isahin sila at ilarawan ang katangian
ng bawat isa. Maaaring magsaliksik sa karagdagang kaalaman.

● Alejandro ' Andoy' Paminuan - pangunahing tauhan/ nagbalat kayo bilang si


Mando Plaridel
● Donsa Hapones - Taga suplong
● Kanyo at Martin - kasamahan ni Mando
● Tata Matyas – Amahin ni Mando
● Magat, Andres, Rubio, at Doctor Sabio – katiwala ni Mando
● Tata Pastor – ama ni Puri, tiyuhin ni Andoy, dating katiwala ni Don Segundo
● Puri – malayong kamag-anak/ pinsan ni Andoy
● Don Segundo – madugas na negosyante(pamilyang Montero na nagmamay-ari
ng asyenda Montero)
● Donya Julia – asawa ni Don Segundo
● Dolores/Dolly – Anak ni Don Segundo
● Lilibeth – kaibigan matalik ni Dolly
● Kapit Pugot – katiwala ni Don Segundo
● Senador Maliwanag – tagapagsalita ng mga magsasaka
Wendel D. Wenceslao
BAFM 2-B
SOSLIT - MODYUL 2
● Danoy – pinuno ng mga magsasaka
● Mang Tumas – isang magsasaka
● Presidente
● Mga magsasaka
● Gobernador Oscar Doblado – Kumpare ni Don Segundo na siyang bumabaliktad
sa mga batas doon sa asyenda
● 35 na tauhan ngunit eto lamang ang siyang mahalaga.

3. Ano ang ipinapahiwatig ng pamagat ng kwento? Bakit ito tinawag na “Mga Ibong
Mandaragit”?
● Dahil ito’y sumisimbolo sa hindi pagkapantay-pantay ng tingin sa mga tao sa lipunan
noong panahon ng hapon. Dito din makikita ang diskriminasyon sa kulay.
Para itong ibon na iba’t ibang ang sukat na kung saan sino ang pinakamalaki siya ang
katatakutan at siya rin ang makukuha ang lahat.

4. Anong dulog ng panitikan ang ginamit sa akda? Ipaliwanag ang sagot.

● Sosyolohikal na Realismo – sapagkat ito’y tumutukoy sa lipunang maaaring


mabago tungo sa pagtatayo ng mga lipunang pinamumunuan ng anak pawis.

5. Magbigay ng 5 pang mga karapatan ng mangagawa na sa tingin ninyo ay hindi


natatamasa ng ilan sa panahon ngayon.
● Maayos na sahod
● Sobra sobrang oras ng trabaho na di bayad
● Kakulangan sa benepisyo
● Kawalan ng respeto sa mga manggagawa
● Kawalan ng pagpapahalaga sa mga manggagawa

6. Ano ano ang isyu na kinakaharap ng mga mangagawa sa kasalukuyan?


● Napakaraming isyu ang sa kasalukuyan na natatamasa ng mga manggagawa
ngayon, ibibigay kong halimbawa sa aking pinanggalingan na trabaho na kung
saan ay sobrang bulok ang Sistema. Ako’y namasukan sa isang call center sa
baliwag neto lamang setyembre, na kung saan ako’y naging top performer ng
nakaraan tatlong linggo bago ako inalis. Simple lamang ng dahilan ng aking
pagkakaalis dahil lamang sa tatlong maling transaction ko sa aming costumer
agad akong inalis ng kliyente sa amerika. Para sakin sobrang naging hindi patas
ito dahil ginawa ko ang sobra sa kaya ko bilang manggagawa at binigyan ko sila
ng magandang performance habang ako’y nandon pa. Wala man lang second
chance o konsidirasyon para itama ang mali ko agad tinanggal ako ng dahil
lamang sa isang gabing pagkakamali. Don ko nakita na kahit gaano daming
tama ang gawin mo para sa kumpanya at siyang mali parin ang tinitimbang nila.
Ito aking karanasan na to ay siyang isa sa mga kailangan aksyonan sa
Wendel D. Wenceslao
BAFM 2-B
SOSLIT - MODYUL 2
nakakarami upang madaming tumagal sa mga trabaho nila sapagkat di lahat ng
naalisan ng trabaho ay deserve nila ang nangyari sa kanila.

Ang Magsasaka
ni Julian Cruz Balmaceda
A. Uri ng Tula
● Ang tulang "Ang Magsasaka" ay nasa anyo ng tulang pasalaysay dahil ito'y naglalahad
ng kagitingan ng mga magsasaka.
B. Sangkap ng Tula
I. Tugma
● Ito ay Tugma sa katinig na ganap mga nagtatapos ang taludtod sa ,ng,n,r,w,y at nasa
Tugma ng patinig na ganap na nagtatapos ang taludtod sa patinig na A at i.

II. Sukat
● Ang tula ay binubuo ng limang saknong ang bawat saknong ay may apat na taludturan
● Ang unang at ikalawang saknong ay binubuo ng( 12 )labindalawang pantigan sa bawat
taludtod.
● Ang ikatlo at ika apat ng Saknong ay binubuo ng (8) walong pantig sa bawat taludtod
● Ang ikalimang saknong ay binubuo ng (12) labindalawang pantig sa isang taludtod.
III. Paksa o Kaisipang Taglay ng Tula
● Ang tulang "Ang Magsasaka" ay naglalarawan at nagsasalaysay ng hirap ng dinadanas
ng magsasaka simula sa pagbungkal,pagtanim at pag ani ng palay na ating kinakaen sa
pang araw araw na buhay.Ito ay nagpapakilala ng pagkabayani ng ating mga
Magsasaka.
IV. Talinghaga
● Ang tula ay gumamit ng matatalingha o malalim sa salita na mahirap bigyan kahulugan
na siyang ginamit upang mas mabigyan ng magandang anyo ang tula na buhat sa
totoong buhay.
V. Imahen o Larawang Diwa
● Iyong isinabog ang binhi sa lupa
Na ikalulunas ng iyong dalita
Wendel D. Wenceslao
BAFM 2-B
SOSLIT - MODYUL 2
Tag aniy dumating sa dili kawasa
Lahat ng hirap moy nabihis ng awa
● Pagpapakita ng mula sa butil na ipinunla na naging palay ay sasapit ang panahon ng
pag ani nito na papawi sa mga pagod nilang katawan.
VI. Tono
● Ang tono ng tula ay nagpapakita ng paghihirap ng magsasaka nakakalungkot ito,,subalit
kapalit ng lungkot ay pagmamalaki natin sa kabayanihan nilang walang kapantay upang
bigyan tayo ng kanin sa ating hapag kainan.Sa huli ay makakaramdam ka ng tuwa na sa
kabila ng kanilang pagod masaya na sila makita lamang nila na ang hirap nila ay
nagbubunga ng maganda.

VII. Teorya o Dulog


● Teoryang Realismo-dahil nagpapakita ito ng reyalidad ng buhay sa ating lipunang
ginagalawan
● Teoryang Sikolohikal-nagpapakita ng antas ng buhay
VIII. Reaksyon / Komento
● Ito’y naglalaman ng malalim na pagsalundo sa bawat magsasaka at bawat pagod na
kanilang ginawa sa bukid. Simula sa pagbubungkal,pagtatanim at pag-ani. Mula sa init
at lamig. At sa bawat sakripisyong ginagawa nila sa araw-araw. Mahirap dito ay
madalas pang bagyohin ang kanilang mga tanim at sobrang baba pa ang bili sa mga ani
mga mga magsasaka. Kaya aking sanang panawagan ay siyang nararapat na karapatan
at pag-pantay sa kanilang bawat dugo’t pawis na tinanim.

Bawat Butil ng Palay


awit ni Jess Santiago
A. Uri ng Awit
● Ang awit na "Bawat Butil ng Palay" ay isang awit na pasalaysay na nagbibigay ng
kahulugan sa butil ng palay.

B. Sangkap ng Awit
I. Tugma
● Ito ay nasa malayang taludturan na nagpapahayag ng mga matatalinghagang salita.
Wendel D. Wenceslao
BAFM 2-B
SOSLIT - MODYUL 2
II.Sukat
● Ang taludtod ay binubuo ng animang pantigan at pitong pantigan.
III.Paksa o Kaisipang taglay ng Tula
● Ang awit ay nagbibigay ng kaalaman na ang bawat butil ng palay ay may kasaysayan at
hirap na kaakibat.

IV.Talinghaga
● Ang mga salita ay malalim at may mababaw na may ibang kahulugan batay sa
pangungusap na pinag gagamitan.Malaman ang bawat salita na pumupukaw sa bawat
magbabasa.

V.Imahen O Larawang Diwa


● Naipakita ng akda ang kahulugan ng bawat butil batay sa pinanggalingan nito.

VI.Tono
● Ang awit ay may damdaming nagpapahalaga sa bawat butil ng palay at kanaisan na ito
rin ang maiparating nya sa bawat makabasa.Nagbibigay ng pagpupugay sa bawat
magsasaka at ninuno natin na nagbigay ng kaalaman sa ating pagsasaka n
pinakikinabangan natin hanggang sa kasalukuyan.

VII.Teorya o Dulog
● Sikolohikal-pinapahalagahan at pinaninindigan ng may akda ang bawat kaisipan.
● Naturalismo-Ang isang bagay ay nagmumula sa likas na katangian at hindi ito gumamit
ng espiritwal na paliwanag
● Simbolismo-gumagamit ng simbolo upang ipahiwatig ang ideya at katangian ng butil ng
palay.
VIII.Reaksyon/Komento
● Ang awit na to’y malalim at makabagdamdamin. Bawat salita ay may malalim na pag-
unawa at malalim na pagtanglima sa bawat magsasaka. Kanilang ani ay para ring ginto
sa kanila ngunit sa iba’y ito’y kanila lamang binibili sa sobrang babang halaga. Kulang
na kulang sa lahat ng pagod at hirap nila. Pantay at patas siyang aking dulog at
panalangin lubos aking handog.
ALAMIN NATIN
Pagunawa sa Paksa
Sagutin ang mga tanong tungkol sa kwento.
Wendel D. Wenceslao
BAFM 2-B
SOSLIT - MODYUL 2
1. Sino sino ang mga tauhan sa epikong Labaw Donggon? Ilarawan ang katangian ng bawat
isa.
● Labaw Donggon
● Alunsina (Ina)
● Anggoy Ginbitinan (Unang asawa)
● Anggoy Doroonon (Pangalawang asawa)
● Nagmalitung Yawa Sinagmaling Diwata (Pangatlong asawa)
● Buyong Saragnayan (Diyos ng kadiliman o nakalaban ni Labaw)
● Malitong Yawa Sinagmaling Diwata (Ninais niyang makuha)
● Asu Mangga (Anak ni Anggoy Ginbitinan)
● Abyang Baranugon (Anak ni Anggoy Doronoon)
● Humadapnon
2. Ano ang tono ng akda?
● Ito’y may tono na pagkasabik sa pagmamahal at pag-asam ng pag-ibig na bawal at
sobra.
3. Ano ang paksa ng kwento?
● Nakilala si Labaw Donggon bilang isang makisig na lalake at umibig kay Abyang
Ginbitinan. Idinaan sa pagbibigay ng mga regalo kay Abyang Ginbitinan ang panliligaw
ni Labaw Donggon hanggang sila ay naging mag-asawa. Subalit hindi nagtagal ay muli
siyang umibig sa isang dilag na si Anggoy Doronoon. Sa pangatlong pagkakataon ay
umibig si Labaw sa isa pang dilag na si Yawa Sinagmaling, subalit ang dilag ay
kasalukuyan ng mayroong iniibig na si Buyung Saragnayan. Dahil sa labis na
kagustuhan ni Labaw na maikasal kay Sinagmaling, nakipaglaban siya kay Saragnayan.
Nagbunga ng pagkakakulong ang pagkatalo ni Labaw. Ang kanyang mga anak ang
naging dahilan ng kanyang pagkalaya at pagbabalik sa kanilang mga tahanan.
4. Paano nasabi na ito ay isang kwentong tumatalakay sa isyung pangkasarian?
● Sapagkat ito’y pabor lamang sa lalake at halos walang respeto sa ibang kababaihan.
Ito’y parang autoridad ng isang lalake at may kalayaan siyang gawin at asamin ang
kanyang gusto.
5. Paano mo maihahalintulad ang mga pangyayari sa epiko sa mga pangyayari sa lipunan sa
kasalukuyang panahon? Ipaliwanang.
● Ito’y tumatalakay sa di makontento ng isang tao sa kanyang kapares. Karamihan satin
ngayon ay nag-aasam pa sa iba kahit tayo’y may kapares na. Ito’y tumatalakay sa isyu
ng pagiging tapat sa kanino man at pag-tanggap sa kung ano ang sapat at wag ng
maghanap sa kung ano ang kulang.

ALAMIN NATIN ANG IYONG NATUTUNAN


Wendel D. Wenceslao
BAFM 2-B
SOSLIT - MODYUL 2
A. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at isulat ang wastong sagot sa unahan ng bawat
bilang.
D 1. Sila ang buhay at sandigan ng ating lipunan.
A. presidente B. pamilya C. mangagawa D. opisyal
C 2. Ito ay mga kwentong tumatalakay sa kabayanihan at pakikipaglaban ng isang bayani laban
sa mga kaaway.
A. talumpati B. nobela C. epiko D. tula
D 3. Siya ay musikal na direktor ng Lino Brocka ng Kapit sa Patalim, nagwagi ng Grand Prize sa
British Film Festival noong 1984.
A. Amado V. Hernandez
B. Julian Cruz Balmaceda
C. Lope K. Santos
D. Jess Santiago
A 4. Isang halimbawa ng epiko.
A. Mga Luha Ng Buwaya
B. Kahapon, Ngayon at Bukas
C. Biag ni Lam – Ang
D. Langaw sa isang basong Gatas
A 5. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa isang pagpapahayag ng kuru-kuro o
opinyon ng mga akda?
A. sanaysay B. nobela C. alamat D. parabola
B. Sumulat ng isang sanaysay ukol sa iyong saloobin sa isyung pangkasarian na
kinahaharap ng ating lipunan maging sa larangan ng trabaho, sa tungkulin ng isang babae
at lalaki, sa ibat ibang uri ng kasarian ayon sa kanilang gampanin sa lipunan.

You might also like