Buhay NG Mga Tindero

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Buhay ng mga Tindero't Tindera

 Ang mga tindero at tindera ay kilala rin sa tawag na tagapaglako o tagapagbili na pangkaraniwan
nating makikita sa isang palengke na ay maiingay a minsan ay magulo sa dami ng mamimili.

Iba't ibang klase ng mga tindero't tindera


–masungit
-mataray
-mabait.

 kasabay nito ang mga mamimili na tawad ditto, tawad doon.


 Ang mga ito,kapag iyong tinawaran ang kanilang mga tinda ay ibibigay naman kahit pabalik lang.
Hindi nakapagtatakang marami silang nagiging suki.
 Kung ang mga ginang ng tahanan ay maagang nagigising para pumunta sa palengke, ano pa kaya
ang mga tindero't tindera? Mas malaki ang sakripisyo nila sa buhay.

Buhay ng mga Tindero't Tindera

 Ibat iba ang uri ng pamumuhay ng bawat tindero at tindera. Mayroo sa kanila ang
tumutulong sa magulang habang sila ay nag-aaral. Tulad na lamang nila;

 Riva Careon, 16. – Tumutulong sa kanyang ina kapag tapos na ang klase, kasabay na rito ang
kaniyang pagre-review. Ayon sa kaniya, ipinagpatuloy lang ng kaniyang nanay ang naiwang
negosyo ng kaniyang lolo sa Monumento Market. Marami-rami na rin daw kasi ang matagal
nang suki ng kaniyang lolo noong ito ay nabubuhay pa. Idinagdag ni Riva na sa katagalan,
mga ilang beses na rin silang nagpapalit-palit ng tinda base sa kung ano ang mas mabili.
 Toto, 22- siya naman ay isang kargador. Sa murang edad ay tumulong na siya sa kaniyang
ina sa pagtitinda ng lugaw upang hindi na sila humanap pa ng makakatulong na
susuwelduhan pa nila. Wala nang tatay si Toto kaya siya na rin ang tumatayong padre de
pamilya sa kanilang tahanan. Ngayon, sa edad na 22, matatapos na siya ng pagiging guro. At
ipinangako niya sa kaniyang ina na pag-aaralin niya ang kaniyang mga kapatid para balang
araw ay huminto na ito ito sa pagtitinda.
 Barang, 9- Siya ang tagakanta ng kaniyang Tatay Doy sa kanilang tindahan ng damit.
Kasalukuyan siyang nag-aaral sa paaralang pang-elementraya ng Karuhatan. Aniya, hindi
naman niya napapabayaan ang kaniyang pag-aaral. Isinasabay niya ang pagre-review kapag
pagod na siyang tumawag ng mga mamimili. Iba't iba ang dahilan ng tao kung bakit nila
pinasok ang isang klase ng trabaho. Basta ang mahalaga ay nakatutulong sila at hindi sila
nagiging pabigat sa lipunan.

 Mayroon ring mga tindero at tindera na patuloy na nagsisikap para sa kanilang mga
anak na hindi rin nakatapos ng pag-aaral at may pamilya na. Tulad na lamang ni;
 Alice Aguila, 45- Matagal na rin siyang nagtitinda ng gulay. Ayon sa kanya, "Naisipan kong
gawin ito nang maagang mag-asawa si Laine, ang panganay kong anak. Hindi nga siya nakatapos
sa kursong nursing. Nagtitinda-tinda na lang ako para ipangtawid-gutom naming mag-anak."

 Mayroon rin naming kahit matanda na ay patuloy parin sa pagtitinda upang patuloy na
makaipon. Tulad na lamang ni;

 Aling Sion, 65- siya ay isang tindera ng baboy. Kahit matanda na siya ay masipag pa rin siya
sa pagtitinda. Kahit pa nga ngayong ang kaniyang mga anak ay may asawa't anak, todo
kayod pa rin siya. Hindi niya alintana ang hirap ng isang tindera, ang bigat ng kaniyang
binubuhat at mga panganib na dala ng kaniyang trabaho. Upang patuloy na may magamit sa
pang araw-araw na pamumuhay.

 Ang pagiging tindero't tindera ay isang marangal na trabaho lalo na ngayon na ang mga
paninda nila ay inilalagay na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)
sa ayos.
 Sa ngayon rin ay may panukalang maging ang kasuotan nila ay iaayos din upang maging
kagalang-galang sila at maganda sa tingin ng mga mamimili.

You might also like