Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

VIRGEN MILAGROSA

UNIVERSITY FOUNDATION COLLEGE OF

ARTS & SCIENCES

Jasper John M. Roque AB English – III

GECC 311- DALUMAT SA FILIPINO

GAWAIN BILANG 2
Pagsipat ng Awitin Bilang Panimulang Pagdadalumat

PANUTO: Sipatin sa Youtube o sa alinmang katulad nitong website ang awiting “Loob”
ni Jess Santiago (2008). Pagkatapos ay sagutan ang mga sumusunod.

1. Ano ang nais ipabatid sa unang talata ng awitin? (5 puntos)

“Wika nati’y simpleng-simple


Pero ubod ng lalim
Para sa hindi Pinoy
Napakahirap sisirin.”

Nais lamang iparating ng may-akda na dapat nating pagyamanin, paunlarin, at


pagyabungin pa ang ating wika. Simple man ito at hirap ang mga banyagang
intindihin at isalita ito, ngunit maging tayo mang mga Pilipino ay nahihirapan din
sa pag-intindi at paggamit sa sarili nating wika. Take note, ito ang wikang
sumasalamin kung sino at ano tayo bilang mga Pilipino at mamamayan ng Bansang
Pilipinas. Kaya’t marapat lamang na atin itong mahalin at linangin pa ng husto at
maisalin sa mga susunod pang henerasyon.

2. Ibigay ang kahulugan ng mga salitang nabanggit sa awitin, pagkatapos ay


gamitin ito sa pangungusap.

KAHULUGAN PANGUNGUSAP

LOOBAN Sulok ng pook Makipot ang looban sa purok


4.

NANLOLOOB magnanakaw Mabilis kumilos ang nanloloob


sa bahay ni Tiya Marilou.

DALAWANG-LOOB Alinlangan Dalawang-loob sa pagsagot si


Justin.

SAMA NG LOOB Hinanakit Hindi ko maisalita ang aking


sama ng loob.

PAGBABALIK-LOOB Pagsisisi Nasa huli talaga ang pagsisisi.

KAPALAGAYANG-LOOB Kabarkada Kapalagayang-loob ng anak


natin ang panganay ni Maring.

1
VIRGEN MILAGROSA

UNIVERSITY FOUNDATION COLLEGE OF

ARTS & SCIENCES

KATAPATANG-LOOB Kaibigan Maituturing kong katapatang-


loob si Maita.

NILOLOOB Isip at damdamin Ang niloloob ko’y balisa


ngunit hindi ko maipakita.

MASASAMANG-LOOB Mandurugas Hindi marunong makuntento


ang masasamang-loob.

LAKAS NG LOOB Katapangan Kailangan ko ng lakas ng loob


upang magpatuloy sa buhay.

MAHINA ANG LOOB natatakot Sadyang mahina ang loob ko


sa pagharap sa ibang tao.

BUO ANG LOOB Taong matatag Buo ang loob kong makatapos
sa pag-aaral.

LAMANLOOB Bituka at atay Haling ang lamanloob ng mga


taong iyon.

PAGBABALIK-LOOB Pagsisisi Ang pagbabalik-loob ay huli


na.

UTANG NA LOOB Hindi nababayaran Wala kang utang na loob.

3. Bakit mahalaga sa kulturang Pilipino ang konseptong “loob” ayon sa awitin?

Sobrang lalim ang ibig sabihin o ipakahulugan ng may-akda sa konseptong


loob na naisulat sa awitin. Ngunit para sa aking sariling pagkakaintindi,
masasabi kong ang konseptong loob na tinutukoy sa awitin ay tayong mga
“Mamamayang Pilipino” na unti-unting nakakalimot sa kung ano ba tayo o
saan tayo nagmula. Bakit mamamayang Pilipino? Dahil hindi yayaman,
yayabong, o uunlad ang kulturang Pilipino kung wala tayong mga
mamamayan nito. Tayo mismong mga Pilipino ang lilinang rito. Kayat
ganoon na lamang kung idiin ng may-akda ang konseptong loob sa kaniyang
awitin.

2
VIRGEN MILAGROSA

UNIVERSITY FOUNDATION COLLEGE OF

ARTS & SCIENCES

You might also like