Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

A.

Halimbawang gamit: Diskursong Pasalaysay

Muling nagbahay-bahay ngayong Martes, ika-24 ng Marso, ang mga kawani ng


Pamahalaang Lungsod ng Maynila upang mamahagi ng mga food packs mula sa DSWD-
NCR bilang ayuda sa bawat pamilyang Manileño na apektado ng ‘enhanced community
quarantine’ sa buong rehiyon. Kabilang sa mga barangay na napuntahan ng distribution
team ay Barangay 101, 129, 130, 131, 132, 134, 525, 822, 826, 827 at 828.
Pinapaalalahanan din po ang lahat na tuloy-tuloy ang distribusyon ng food packs sa
buong lungsod at nakatakda po ang pamamahagi sa bawat barangay.

 Sa salaysay na ito ginamit ang salitang food packs bilang ayuda. Ayuda na siyang
ipinamimigay ng DSWD-NCR sa bawat pamilya sa Maynila.

Source: http://manila.gov.ph/2020/03/ayuda-ng-pamahalaan-sa-bawat-barangay/

B. Halimbawang gamit: Midya

Sa mga hindi nabigyan ng ayuda ngunit kwalipikadong tumaggap ng Social Amelioration


Program, maaaring makipagugnayan sa DSWD hotline o tumawag sa mga hotline ng
kani-kanilang mga lokal na pamahalaan.

 Sa headline na iyan, ginamit ng Radyo Pilipinas ang Social Amelioration Program


(SAP) ng DSWD na isang program tungkol sa emergency cash subsidy nito bilang
pang-ayuda para mga posibleng benepisyaryo nito.

Source: https://www.facebook.com/watch/?v=541388413429963

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay may programang


naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa 18 milyong nangangailangang
pamilya sa ilalim ng emergency subsidy program (ESP) ng Bayanihan to Heal as One
Act.

 Sa website ng pahayagang Rappler, ginamit ang tulong pinansyal bilang ayuda na


manggagaling sa emergency subsidy program ng Bayanihan to Heal as One Act ng
gobyerno.

Source: https://www.rappler.com/newsbreak/iq/ways-receive-aid-coronavirus-social-
amelioration-program-dswd

C. Halimbawang gamit: Tula

Pamagat ng tula: Ayuda


Akda ni: Geunicar A. Perez Jr.

Ika-apat at ikalimang saknong sa tula:


Dumating din sa wakas ang panahon,
Si ina ay nakapila na rin sa parasyon.
Pasasalamat sa Diyos at may umaksyon,
Kahit papaano’y may panawid gutom na ngayon.

Ayudang munti ay hindi alam kung paano ipagkakasya,


Kaya sa tiis at dasal na lang muna dapat umaasa.
Pahalagahan ang sama-sama at buong pamilya,
Ating ipagdasal ang pagtatapos nitong pandemya.

 Sa tulang ito ni Mr. Perez, ginamit niya ang salitang parasyon bilang ayuda at
pantawid sa gutom ng mga mamamayan.

Source: https://depedstorybooklovers.com/2020/06/12/tula-ayuda-ni-geunicar-a-perez-jr/

You might also like