Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

5 Piling

Anyo ng 
Sulating 
Akademiko
Raquel Revilala
12 - ABM
Abstrak
Kahulugan
Ang abstrak ay isang maikling buod ng
artikulo o ulat at pag aaral na inilagay bago
ang introduksiyon. Ito ang siksik na bersiyon
ng mismong papel.

Kalikasan
Ito ay isang akademikong sulatin na
kung saan dito nating malalaman ang
kabuuan ng pananaliksik, mga
impormasyon na nakasulat sa isang
pananaliksik, habang hindi binabasa ang
boung pananaliksik.

Katangian 

Ito ay binubuo ng 200-250 na salita.


Gumagamit ng mga simpleng
pangungusap. Walang impormasyong indi
nabanggit sa papel. At nauunawaan ng
target na mambabasa.
Sintesis o Buod

Kahulugan  

Ang sintesis o boud ay ang


pinakamahalagang
Ang sintesis o boud a ang pinakamahal
agang kaisian ng anumang teksto. Ito
ay isang berson ng pinaikling teksto o baba
sahin. 

Kalikasan 

Ito ay ang paglalahad ng anumang


kaisipan at natutunang impormasyong
nakuha sa tekstong ninasa na nasa yamang
pagkasunud-sunod ng mga pangyayari.

Katangian 

Marapat lamang na malinaw sa


pagpapahayag . Kailangan panatilihin ang
mga binanggit na katotohanan o mga
puntong ibinigay diin ng may akda.
Pananaliksik

Kahulugan
Ang pananaliksik ay isang masusing
pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya,
kionsepto, bagay, tao, isyu at iba pang ibig
bigyang linaw, patunayan o pasunlian.

Sistematiko at siyentipikong proseso ng


pangangalap, pagsusuri, pag- aayos, pag-
oorganisa at pagpapakahulugan ng mga
datos tungo sa paglutas ng suliranin,
pagpapatotoo mg prediksyon at
pagpapatunay sa imbensyong nagawa ng
tao.

Kalikasan

May layuning tumuklas ng datos at


impormasyon. Magbigay ng bagong
interpretasyon sa lumang ideya. Maglinaw
sa isang pinagtatalunang isyu. Manghamon
sa katotohanan o pagiging pinapalagay na
totoo o makatotohanang ideya.
Magpatunay na makatotohanan o balido
ang isang ideya, interpretasyon, paniniwal,
palagay, o pahayag. MAgigay ng historical
na perspektiba para sa isang senaryo

Katangian

 Obhetibo
 Marami at iba’t iba ang mga ginagamit
na datos.
 May pamamaraan o angkop na
metodolohiya
 Masuri at kritikal
 Dokumentado

Bionete
Kahuligan
Ang  bionote ay isang maiksing tala ng
personal na impormasyon ukol sa isang
magtatanghal o sinumang magiging panauhin
sa isang kaganapan .

Kalikasan

Ito ay karaniwang dalawa hanggang tatlong


pangungusap lamang na naglalarawan sa
taong paksa ng bionote. Ang bionote ay dapat
na isang impormatibong talata na siyang
nagpapaalam sa mga mambabasa o makikinig
kung sino ang taong paksa ng bionote o ano-
ano ang mga nagawa ng paksa bilang
propesyunal. Inilalahad din dito ang iba pang
impormasyon tungkol sa paksa na may
kaugnayan sa tatalakayin sa kaganapan.

Katangian

Ito ay dapat lamang na isang maikling


impormatibong sulatin na karaniwang isang
talata lamang at naglalahad ng mga
kwalipikasyon ng isang tao o indibidwal at ng
kaniyang kredibilidad bilang panauhin o bilang
propesyunal
Lakbay Sanaysay
Kahulugan
Ang mga lakbay sanaysay ay mga uri
ng sulatin kung saan ang may akda ay
nagbibigay ng paglalarawan ng kaniyang
mga naranasan, gabay, o damdamin sa
paglalakbay.

Kalikasan 
Kadalasang pumapaksa sa
magagandang tanawin, tagpo, at iba pang
mga karanasan sa paglalakbay ang lakbay-
sanaysay. Gayundin, maaari din itong
magbigay ng impormasyon ukol sa mga
karanasang di kanais-nais o hindi
nagustuhan ng manunulat sa kanyang
paglalakbay.

Katangian
Hinihikayat ang mga manlalakbay
upang puntahan ang isang nasabing lugar.
Naglalahad ng mga mahahalagang
impormasyon bilang patnubay o guide sa
pagpunta sa isang lugar
Panukalang Proyekto
Kahulugan
Ang panukalang proyekto o posisyong
papel ay detalyadong deskripsyon ng isang
serye ng mga aktibidad na naglalayong
maresolba ang isang tiyak na problema.
Nagpapakita ng detalyadong pagtalakay sa
dahilan at pangangailangan sa proyekto,
panahon sa pagsasagawa ng proyekto at
kakailanganing resources (Nebiu, 2002).
Nagbibigay daan ang mga posisyong
papel sa akademiya upang talakayin ang
mga umuusbong na paksa nang walang
eksperimentasyon at orihinal na
pananaliksik na karaniwang makikita sa
isang akademikong pagsulat.

Kalikasan
Uri ng panukalang proyekto: Maiikling
proyekto- mayroon lamang 2-10 pahina na
kadalasan ay nasa anyong liham lamang.
Mahabang proyekto- sumusunod sa isang
structured format at naglalaman ng higit pa
sa sampung pahina.

Katangian
Ang mga panukalang proyekto o policy
projects sa Ingles ay ang mga proyekto na
may mahaba o maikling termino ng
pagpapatupad. Kadalasang bunga ito ng
masusing pananaliksik at pakikipagtulungan
ng mga mambabatas at mga taga-gawa ng
mga polisiya sa pamahalaan sa mga
pamayanan.
 
Ilan sa mga importanteng panukalang proyekto
ay ang mga may kinalaman sa kalusugan,
kaligtasan, kalinisan, at edukasyon.

Sanguanian:
http://novaloiz.simplesite.com/440456646
https://brainly.ph/question/634619
https://www.slideshare.net/IdioLeopoldo/kalikas
an-ng-pananaliksiks

You might also like