Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Colega, Krizia Mae G.

Article 1177. (Reported)

Article 1222.
A solidary debtor may, in actions filed by the creditor, avail himself of all
defenses which are derived from the nature of the obligation and of those which
are personal to him, or pertain to his own shares. With respect to those which
personally belong to the others, he may avail himself thereof only as regards that
part of the debt for which the latter are responsible. (1148a)

Explanations:
Tinutukoy dito ang pagkakasundo ng mga mangungutang sa iisang pagkilos
laban sa may pautang, bawat mangungutang na nakatali sa isat isa ay may parehong
responsibilidad sa kanilang obligasyon. Ang solidarity o pagkakaisa ng obligasyon ay
napanukala na sa batas, its either sa contract o sa nature of obligation kung ito ba ay
pinapayagan, dito nagkakaroon ng tulungan ‘’one for all, all for one’’ na kapag walang
sapat na pambayad ang isa dahil nga solidarity ang obligasyon at may dapatna ambag
sila bilang guarantors sa kanilang mga utang pwedeng bayaran ito ng kasama niya
depende kung magdemand si nagpautang ng buong bayad na o di kaya pag umabot na
ito sa due date bastamabawi ni nagbayad ang kalahati ng binayad niya sa kasamahan
pa niya. Kahit sa kaninong creditor depende kung isang creditor o higit pa pwedeng
magbayad ang nangutang dahil may pagkakaisa silang pananagutan dito. Palaging
may kalamangan dito ang may pautang dahil pwede siyang magdemand sa kahit na
sinong umutang sa kanyabasta aktibo ang kanilang pagkakaisa ng obligasyon para sa
pagtupad ng pangkalahatang prestation. Kapag may mga ganitong kaso papasok din
dito ang karapatan ng nagkakaisang mangungutang at maaari rin silang gumamit ng
depensa na galing sa obligasyon at personal sa kanila kagaya ng kung anong
pagmamay-ari nila. Makakakuha lamang ng depensa sila laban sa may pautang sa mga
bagay na may responsibilidad sila. Kapag naka pag file na ng kaso ang nagpautang dito
din magkakaroon ng depensa ang magkakasamang mangungutang tulad ng;
1. Defenses derived from the nature of the obligation–Tinatawag nakumpletong
depensa o yung sakop ng pangkalahatang obligasyon na kung saan
pinapawalang-bisa nito ang obligasyondahilkailangan munang malaman itomula
sa partial defenses para mabawasan ang usapin sa kaso pero syempre hindi
matatanggal ang pananagutan nila kapag nagkaroon ng pagkasira sa kontrata
bale mababawasan kasama na din ang pag intindi sa maling kilos ng
nagdemand na nakaapekto sa nasakdal. Tulad din nito ang fraud, prescription,
remission, illegalty, non performance of condition.
2. Defenses personal to, or which pertain to share of, debtor sued-dahil nga
pwedeng magdemand si nagpautang sa kahit sinong may utang sa kanya basta
nakatali at solidary ang obligasyon ng mga ito pwera na lamang kung ang isa sa
mga ito ay may problemang personal lamang sa kanya pwede siyang magkaroon
ng depensa sa nagdemand sa kanya. Tulad ng insanity, incapacity, mistake,
violence, minority, etc.
3. Defenses personal to other solidary debtors- kapag ang problemao kaso ay hindi
naman available sa isa dahil may naiambag na ito sa kanilang obligasyon
meronlang siyang pananagutan sa co-debtor niya hinggil dun sa parte ng utang
kung saan may responsibilidadsi co-debtor.

Examples:
1. Si Allen at si Ben ay parehong may pananagutan kay Cen na P100,000.00 bale
tig P50,000.00 sila, nakatakda sasolidary obligation nila na dapat makapag
comply sila sa pangkalahatang prestation nila kay Cen. Ngayon itong si Cen ay
may karapatang magdemand kahit sino sasolidary debtors pwedeng buong
bayadna P100,000.00 o kalahati na P50,000.00dependesa araw na nakatalaga
sa kontrata, yung kay Allen ay June 30, 2015 at kay Ben naman ay
December31,2015. Nung araw na ng pagbayad ni Allen nagdemand siCenng
buong bayad pero tumanggi si Allen dahil sa kawalan dinng pambayad.In case
na mag fileng kaso si Cen labansa pagtanggi ni Allendahil hindi nito nakolekta ng
buo ang utang nila si Daisy na isang guarantor-third person nilangdalawa ang
nagbayad ng kabuuang utang sa nagdemandang si Cen bilangna may
pananagutan dinitodun lamang sa shares kasama na ang interest na
makakatugon sa dalawa parasa pagpapatapos ng obligasyon nito kay Cen kahit
na hindi ito base sa orihinal na obligasyonnila at para narin maiwasan ang
pagkakagulo.Napagbigay alam na din ito ni Daisy kay Allenat kapag tinanggap ni
Cen ang offer ni Daisy ngayon magkakaroon naman ng karapatan siDaisy para
mabawiang binayad niya sa part na para madepensahan ang nagkakaisang mga
mangungutang.
2. (a.) Kung ang aksyon na ginawa naman ni Cen ay kay Ben at itong si Ben ay
may problemang personal tulad ng personality disorder na pagkabaliw nung
nakontrata na ang obligasyon nila, maaari niyang depensahan ang sarili niya
pagrespeto narin dun sa obligasyon nila ni Allen hindi rin siya masasabing guilty
dahil may dahilan siya o may nakaraan siyang pinagdaanan kaya ang
mangyayari walang pananagutan si Ben kung magdemand man si Cen sa kanya.
(b.)Ipagpalagaynating nagdemanda si Cen kay Ben nungJune 30, 2015 ng
buong P100,000.00 dahil narin sa kawalan ng pambayad ni Allen dito, pwedeng
mag set up ng partial defense si Ben dahil hindi pa naman nakatakda ang
pagbayad niyasa kalahati ng utang niya kay Cen naP50,000.00 din at hindi rin
siya pwedeng magdemand dito hanggat di pa ito nangyayari.Pero bilang solidary
debtors sila ni Allen at parehong may pananagutan kay Cen maaari niyang
bayaran yung kalahati ng inutang ni Allen na P50, 000.00 bilang na araw na nito.
3. Sa dalawang nagdaang halimbawa sa 2 kung ang depensa kay Ben aywala kay
Allen may pananagutan padin si Allen sa parte ng obligasyon nilapweranalang
kung nakaambag na si Ben, pwede din naman niyang ilagay yung problema ni
Ben na personal sa kanya bilang partial defense, sa madaling salita pwedeng
makatulong si Allen sa depensakay Ben bilang partial defense lamang. Sa
pagkakaroon ng partial defense may pananagutan parin si Allen sa kanyang
ambag na P50,000.00
Article 1267.
When the service has become so difficult as to be manifestly beyond the
contemplation of the parties, the obligor may also be released therefrom, in whole
or in part. (n)

Explanation:
Ito yung trabaho na delikado para sa mga gumagawa nito, base sa kontrata ng
dalawang partido mahirap makita ang pwedeng maganap sa kabila ng pagsusuri nila
kung ligtas ba si obligor o hindi at pwedeng mangyari na makakapagdulot ng
kapahamakan para sa taong obligadong gumawa nito. Mga hindi sinasadya at hindi
maiiwasang pangyayari nung panahon na napatupad ang kontrata nito. Hindi lang ito
para sa personal na obligasyon ngpaggawa at hindi paggawa ginagamitan din ito ng
real obligation na pagbigay ng isang bagay, paggawa ng tiyak o hindi tiyak na aksyon.
Kapag may mga ganitong kaso na imposibilidad sa pagsasagawa si korte na mismo
ang awtorisadong magpalaya kay obligor. Sa makatuwid, kung ang imposibilidad ay
dahil sa kapabayaan siya mismo ang may pananagutan sa danyos.

Examples:
Personal Obligation - Si Mike ay pumayag sa trabahong pinapagawa ni Mr. Cruz
napagpapagawa ng tulay malapit sa ilog para mapabilis ang daanan ng mga estudyante
papuntang paaralan. Yung planong iyon ay naging imposibleng mangyari dahil sa
dumating na malakas na bagyo at mabilis na tumataas ang ilog kung kaya’t delikado
ang pagpapagawa ng tulay at pati narin sa mga taong dadaan doon dahil sa bilis ng
agos ng tubig na pwedeng makatangay kung sino man ang madaan doon. Sa ganitong
kaso si Mike ay maaaring makalaya sa kanyang obligasyon sa pagitan nila ni Mr. Cruz
dahil nga sa hindi malinaw na pagsususuri at sa di inaasahang pangyayari na
makaaapekto sa mga tao at sa kanya. Hindi pagpapawalang-bisa kungdi remedyo kung
pano magagawan ng paraan iyon. Para masiguro ang kaligtasan gagawa ngayon ng
paraan si Mr. Cruz kung pano mas magiging epektibo ang pagpapagawa ng tulay para
may madaanan ang mga estudyante papunta sa kanilang paaralan.
Real Obligation –Si Mike aynaobligahangmagpadala ng limang kabayokay Mr. Cruz sa
January15. Peronung January 12 sa di inaasahang pangyayari ay sumabog ang
bulkang taal at nabalot ng abo ang kanilang lugar kung kayat wala na itong naisalbang
miski isang kabayo dahil sa agaran nilang paglikas at nasailalim narin ito sa danger
zone atdelikado na kung pupunta pa siya doon para kunin yung alaga niyang
kabayo.Ang mangyayari ay hindi na matutuloy ang pagpapadala ni Mike ng kabayo kay
Mr. Cruz dahil sa di inaasahang pangyayari kung kayat angkontrata niya dito ay
matatapos na pero syemprekailangan muna niya ito ipaalam kay Mr. Cruz ang tungkol
dito, hindi rin masasabing may pananagutan si Mike dahil sa ganung sitwasyon hindi
rin niya akalain na mangyayari iyon.
CONTRACTS

Colega, Krizia Mae G.

Article 1315.
Contracts are perfected by mere consent, and from that moment the parties are
bound not only to the fulfillment of what has been expressly stipulated but also to
all the consequences which, according to their nature, may be in keeping with
good faith, usage, and law.

Explanation:
Ang mga kontratang naperpekto sa pamamagitan ng mga pagsang-ayon ng
dalawang partidong obligado hindi lamang sa mga nakatalaga at kondisyon sa kontrata
pati narin sa magiging epekto ng napag-kasunduan nila. Bago pumasok ang bawat
partido sa pakikipagkontrata nagkakaroon muna ng mga hakbangin tungo sa pagiging
perpekto ng kanilang kontrata ito ay ang pagkakaroon ng pormal na diskusyon, layunin,
at magiging epekto nito bago sila mapunta sa mismong kasunduan nila, ginagawa ito
para sa patas na usapan. Kailangan ng consent o permiso para maging handa sila sa
magiging kahihinatnan ng nasabing kontrata. Gampanin ng kontrata ay kontrolin ang
bawat partido sa pamamagitan ng pagkakaroon ng good faith o katapatan sa bawat isa
upang hindi masiraang karapatan ng ibang partido na makatanggap ng benepisyo sa
kontrata nila. May mga klasipikasyon ng mga kontrata ayon sa pagkaperpekto nito;
1. Consensual Contract o ang pagkaperpekto ng kontrata base sa maliit pero
mahalagang pahintulot at pagtanggap sa nakatalaga, kondisyon dahil malaki ang
magiging epekto nito sa napagkasunduan nila. Kailangan ito para sa mas
matibay na relasyon na magtatali sa pamamagitan ng obligasyon nila.
~ Pahapyawan ko lang po yung sa real contracts sa Article 1316
2. Real Contract o yung obligasyon na nakabase sa pagooffer tulad ng pag deliver
ng isang bagay, hindi pa siya masasabing perfected hanggat ang bagay ay hindi
pa naipapadala
3. Solemn Contract o yung tapat na pagsunod
Stages in the life of a contract
1. Preparation or negotiation - dito nakapaloob lahat ng mga hakbang sa
pagpapatupad ng terms at mga kondisyong nakapaloob para sa pagkakabuo ng
kontrata pero hindi pa dito nagkakaroon ng pagsang-ayon sa nakikipag-
kontratang partido, kung baga dito pinag uusapan lahat ng mga magiging epekto
kapag pareho silang pumayag para masiguro na makakasunod sila sa
nakatalaga sa kontrata.
2. Perfection or birth - dito na nagkakaroon ng pagsang-ayon at kasunduan ang
dalawang partido hinggil sa magiging epekto ng kontratang napagusapan nila.
3. Consummation or termination - kapag natupad na ang kanilang obligasyon
How contracts are perfected
1. Ang Consensual Contracts ay napeperpekto o nabubuo dun palang sa
mutual consent pagbibigay ng sapat na permiso sa magiging epekto nito
sa kanila kapag parehas silang nagkasundo sa mga terms at conditions
na nakapaloob sa kanilang kontrata tulad ng pagpadala ng isang bagay o
pagpapautang ng pera. Ang kontrata ay nagiging perpekto o nabubuo
kapag nagkaroon ng pagtatali o pagkakasundo ng dalawang partido kahit
na hindi pa napapadala ang bagay na binenta dito.
Examples:
1. Consensual Contracts
Nagbabalak na bumili ng motor si Xian dahil sa ayaw na nitong magcommute sa
hirap ng pagsakay, si Mike nagoffer sa kanya ng magandang klaseng motor.
Dahil sa pagkadesperado ay nagkaroon sila ng pag-uusap ni Mike. May mga
hakbangin na dapat gawin para sa pagbuo ng kasunduan nila para maging patas
at walang makakatakas sa kanilang obligasyon, kailangan ng sapat na pagsang-
ayon, detalyadong nakatalaga para sa kung anong magiging epekto nito. Sa
pagka-interesado ni Xian doon nabuo ang kanilang kontrata. Maituturing na ang
kontrata ay naperpekto dahil sa kasunduan ng bawat partido kahit na hindi pa
napapadala sa kanya ang motor. May obligasyon ngayon si Mike na
pangalagaan ang motor na ipapadala at si Xian naman obligasyon sa
pagbabayad ng maayos kay Mike.
Effect of perfection of the perfection of the contract
Kapag umabot sa kasunduan ang dalawang partido hindi lamang sila nakatali sa isat-
isa pati narin sa-
1. to the fulfillment of what has been expressly stipulated - Tumutukoy sa
pagsasagawa ng obligasyon ayon sa nakatakda sa nabuong kontrata ng
dalawang partido.
2. to all the consequences which according to their nature, may be in keeping with
good faith, usage, and law. (Art. 1315.) – Tumukoy sa maaaring kahihinatnan ng
kontrata, pagkakaroon ng good faith o yung pagiging tapat sa isang bagay na
dapat ibigay.

Umorder ako sa Shopee ng Jacket na kulay grey tapos medium sa halagang


P143.00 tapos plinace order ko na siya, nakalagay naman yung presyo na
babayaran ko, lugar at araw ng pagdadalhan, contact kay seller in case na may
sabihin siya o ako yung magtanong sa kanya, etc. Si seller chinat niya ko na
naubusan na siya ng stock ng kulay grey na jacket, napaisip ako kung icacancel
ko na ba inorder ko at hahanap ng iba pa o kung icacancel ko at papalitan ko
nalang ng kulay na meron pa siya sa inorder kong jacket. Napagdesisyunan ko
na icancel at palitan ko nalang ng kulay ang order kong jacket, kulay black ang
pinili ko at plinace order ko ulit siya at nireplyan ko si seller na pinalitan ko ng
kulay black na jacket ang order ko. Sagot niya sakin “ok daw” at hindi naman ako
nagsisi sa huli na baka maling bagay o kulay ang mapadala sakin dahil sakto
naman, walang sira at nagustuhan ko yung Jacket at yung araw ng pinadala
sakto din at hindi tumagal ng ilang araw. Kung sakaling magreklamo man ako
may mga paraan naman na pwede kong magamit, ichat si seller na irefund ang
perang binayad ko o palitan ang order ko dahil sa may sira ito. Pumayag ako
dahil kompleto lahat ng detalye na maaari kong magamit saka nagrereply naman
si seller kaya hindi din ako nag-aalangan sa pwedeng maging mangyari kasi may
pagpapahalaga naman siya sa mga customers niya.
Article 1357.
If the law requires a document or other special form, as in the acts and contracts
enumerated in the following article, the contracting parties may compel each
other to observe that form, once the contract has been perfected. This right may
be exercised simultaneously with the action upon the contract. (1279a)

Explanations:
Ang artikulong ito ay pinapayagan ang paggamit ng karapatang pwersahin ang
iba para sa pagsasagawa ng pormalidad na pangkaraniwang kailangan ng batas sa
pagitan ng partidong may kontrata, ito ay para narin mas madaling masabi na maayos
at rehistrado ang binbenta o binibigay nito sa publiko. Kapag nabuo na ang kontrata dito
inoobserbahan ang form na ginamit depende sa transaksiyon nila. Ang paglabag sa
pormalidad na ayos ng kontrata ay makaka-apekto sa pagpapatupad ng karapatan.
Dapat kung magkakaroon man ng kontrata lalo’t kung ito ay donasyon real property
kinakailangang gumamit ng instrumentong publiko o yung pormal na kasulatan sa
kasunduan nila para sa mas matibay at protektado ito laban sa third person sa pagitan
ng dalawang partido. Magiging madali ang pagaasikaso nito at pagrerehistro sa
government registry, meron ding pribadong instrument pero hindi ito madalas na
inaabisuhan ng batas. Bago gumawa ng aksiyon ang isa sa nakakontratang partido
dapat ang kanilang kontrata ay naaayon sa kung ano ang napag-usapan o may
katibayan na ito ay tunay at enforceable sa ilalim statute of frauds. Ang aksiyon ng ay
dapat nangyayari ng naaayon sa kamalian ng kontrata kung ito ba ay hindi tunay at
epektibo hinggil sa kailangan ng batas.

Examples:
1. Donation of Real Property - Si lola May ay may pagmamay-ari na lupa't bahay sa
probinsya, bago pa siya mamatay ay dinonate niya sa tita Bingay ko ang
kanyang pagmamay-aring bahay para narin mapangalagaan din niya ito.
Pinangalan ni lola May kay tita Bingay ang dinonate niyang lupain bilang
gantimpala narin sa pagaalaga niya dito nung ito ay magkasakit, bago ito ilipat sa
pangalan ni tita Bingay ay dapat may legal na isasagawa para dito. May binigay
si lola May kay tita Bingay na original na dokumento ng real property patunay na
siya ang may-ari nito, may pirma na din niya ito sa madaling salita naka pribado
ang dokumentong ito at pasulat na ginawa, wala rin itong legal na awtorisasyon
ng ibang tao. Nung ireregister sana ni tita Bingay yun sa public registry para sa
kanya na maipangalan ang lupa't bahay ni lola May ay hindi ito pinayagan dahil
wala itong authenticated form na legal ang donasyon ng ba. Hindi din ito
rehistrado sa government register o kahit records sa offices. Gustuhin man ni tita
Bingay na ipalit sa pangalan niya ang donasyon ni lola May ay hindi nito
mababago ang instrumentong ginamit. Walang komprimisong aksyon o
karapatan sa paglilitis nito, kahit ilagay niya pa ang donasyon sa instrumentong
pampubliko ay hindi rin papayagan. Ayon sa batas kailangan ang instrumentong
gagawin ay naka public para maisagawa ang donasyon ng ari-arian at hindi naka
pribadong instrumento ang ginamit dahil hindi tunay at hindi rin to pwedeng
maproseso sa pagrerehistro nito sa kanya. Dapat ay naka public ang mga
dokumento ni lola May para parehas na may katibayan at epektibo sa mga
alituntunin ng batas, mas mapapadali din ang pag-asikaso nito at yung paggamit
ng karapatan para makuha ang ari-ariang ito.
2. Ipagpalagay natin naibinenta ni tita Bingay ang lupa’t bahay ni lola May kay Ms.
Reyes kung kayat ang kontrata ay pagbebenta ng real property pero imbes na
pasulat ang ginamit niya, ang ginawa ay pasalita. Tunay ang kontrata pero
walang kakayahang ipatupad ang karapatan niya dito dahil ayon sa batas
kinakailangan ang kontrata ay pasulat na ginawa para mas maging epektibo ang
karapatan ni Ms. Reyes dito. Kung nagawa na ang kontrata at nabayaran o
napadala na ang property magiging tunay ito at epektibo dahil sa batas na
umiiral sa ilalim ng Statute of Frauds. Ito ay ginagamit lamang sa kontratang
hindi pa lubos na nagagawa.
3. Kung ang ginamit naman ni tita Bingay na instrumento ay pibadong kasulatan
para sa pagbebenta ng lupa't bahay ito ay tunay kahit na hindi pa epektibo ang
katapatan ni Ms. Reyes dito. Gusto ni Ms. Reyes na iregister sa kanyang
pangalan ito pero ang pinapayagan lang irehistro ay ang mga naka publikong
dokumento. Ngayon, pwedeng magreklamo si Ms. Reyes kay tita Bingay na
magpatupad ng publikong instrumento para marehistro na ang lupain at
mapangalan na ito sa kanya bilang bagong may-ari. Dahil tunay ang kontrata
pwede itong magawan ng paraan para ma enforce ang ginamit na instrumento
pero dun lang sa dalawang partido at hindi laban sa third person hanggang sa
maregister ito sa registry of property.

Article 1400
Whenever the person obliged by the decree of annulment to return the thing
cannot do so because it has been lost through his fault, he shall return the fruits
received and the value of the thing at the same time of the loss, with interest from
the same date.

Explanations:
Ito ay tumutukoy sa naobligahang tao sa pagbalik ng isang bagay kung ito man
ay nawala dulot ng kanyang kasalanan o kung dulot ng di inaaasahang pangyayari.
Pinapawalang-bisa na ang pag-aari niya dito pero dahil na rin sa kapabayaan ito ay
nawala na kung kaya’t ang magiging epekto nito kapag nawala ang bagay na
pinanghahawakan niya ay dapat itong managot, pagbalik ng bunga na natanggap niya
at halaga ng nawalang bagay na may kasamang interest sa kaparehong araw ng
pagkawala nito. Kapag ang kontrata ay may bisa at nakatali sa pagitan ng dalawang
partido pwera nalang kapag nagkoon ng problema dahilan para ito ay ipawalang-bisa
sa korte na obligado sa aksiyon na dapat gawin para mabalik ang halaga ng nawalang
bagay sa taong napinsala nito. Itong annulment o pagpapawalang-bisa ay remedyo na
nilalaan ng batas para sa kawalan ng epekto ng kontrata para mabalik sa orihinal na
pagmamay-ari ang bagay bago nasagawa ang kanilang kontrata. Minsan ang pagpa-file
ng aksiyon ng annulment ay inaabot ng apat na taon depende sa pagkalala ng kaso,
meron ding ratification na kung saan nasasagawa ng petition o approval ang
nagreklamo
Examples:

Article 1445.
No trust shall fail because the trustee appointed declines the designation, unless
the contrary should appear in the instrument constituting the trust.

Explanations:
Tinutukoy dito na ang trust o tiwala sa relasyon na nagawa sa pagitan ng dalawang
partido, alin man sa dalawa, malinaw o pagpapahiwatig, hindi tatakbo ang kautusan
hanggang sa ang tiwala ay tanggihan. Ang trustee ay tumutukoy sa tao o organisasyon
na nangangalaga ng pag-aari ng ibabg tao.
Examples:

You might also like