Sinaunang paman-WPS Office

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Anabell C.

Alcones

Sinaunang pamana

Ang pagiging Pilipino ay isang kayamanang dapat


maipagmalaki ng kung sinuman sa atin. Sapagkat kagaya ng ibang lahi
tayo ay hitik na hitik sa makukulay na kultura. Ikaw? Paano mo
napapahalagahan ang ating sinaunang pamana?

Mahalaga na malaman mo na ang ating lahi ay isang biyaya na hindi


mo dapat isawalang bahala. Sinabi nga ni Rubin na "salamin ng
kultura ang panitikan, nakalarawan dito ang kahapon, ngayon at
maging ang bukas ng isang bansa". Wika ang isa sa nagbubuklod sa
atin. Ito din ang isa sa nagiging dahilan kung bakit tayo nagkakaroon
ng kultura. Kung wala ang kultura, wala ring panitikan na
maipapamana. Sapagkat sa bawat panitikang naililimbang ay may
hininga ng kultura at wika na siyang nagbibigay buhay dito. Marami
man ang naging balakid sa pagpapayaman at pagpapahalaga ng ating
panitikan ay nananatili pa rin tayong nanunumbalik sa ating
kinalakihan.

Kung wala ang nakaraan ay paano natin haharapin ang kinabukasan?


Kung kaya dapat lamang nating maunawaan na ang panitikan ang
siyang salamin at gabay natin sa ating hinaharap na siyang llong
nagpapigting ng pagmamahalan ng bawat isa sa atin bilang Pilipino.

You might also like